You are on page 1of 27

ANG PAGTUTURO NG MATEMATIKA SA

WIKANG FILIPINO
MAXIMA J. ACE L AJADO

ARNEL B. DE GUZMAN
PhD-Filipino
Marami ang nagsasabi na kung sakaling sariling wika ang gagamitin sa
pag-aaral o pagtuturo ng anumang aralin, mas madaling matuto ang mga
mag-aaral sapagkat konsepto na lang tungkol sa painag-aaralan ang
kailangang pag-isipan nang mabuti. Bukod dito, madaling sabihin kung
ano ang iniisip ng isang tao kung sariling wika ang gagamitin niya at
mas madaling palaganapin ang wika kapag ito ay laging ginagamit.
BAKIT FILIPINO SA PAGTUTURO NG MATEMATIKA?

1. Maraming riserts ang nagpapatunay na marami ang nahihirapan o bumabagsak sa


Matematika sapagkat mahina ang punadasyon ng mga mag-aaral sa pag-unawa ng
Ingles na siyang ginagamit na wika sa pagtuturo nito.
2. Higit dito ay ang karanasan ng mga guro kapag isinasaFilipino nila ang
pagpapaliwanag ng aralin sa Matematika, madali itong naiitindihan ng mga mag-
aaral.
3. At natural, dapat din nating isaisip na kasama sa pagiging makabayan at sa
pagpapalaganap ng nasyonalismo ang paggamit ng sariling wika sa araw-araw na
talakayan, sa loob at labas ng silid-aralan.
4. Isang panuntunan ng ating eskwelahan (DLSU) ang pagpapalaganap ng wikang
Filipino.
MGA KARANASAN SA PAGTUTURO NG MATEMATIKA SA
WIKANG FILIPINO (SA ORYENTASYON)

1. (Sa oryentasyon) May ilang mga mag-aaral na medyo tutol sa paggamit ng


wikang Filipino sa pag-aaral ng Matematika.

2. Mayroon ding ilan na medyo nasisiyahan at umaaasang mas matututo nga sila
kung ito ang wikang gagamitin sa pagtuturo ng Matematika.
OPINYON NG MGA MAG-AARAL S A TUNGKOL S A PAGGAM IT NG WIKANG
FIL IPINO SA LOOB AT LABAS NG E SKWE LAHAN AT SA PAG-AARAL NG
MATE MATIKA

1. Ayon sa ilan, hindi tamang gamitin ang wikang Filipino sapagkat wikang
Ingles ang gamit sa daigdig ng kalakalan at sa pakikipagtalastasan sa
ibang bansa.

2. Mayroon namang nagsasabi na ang mauunlad na bansa tulad ng Japan,


Korea at Taiwan ay may sariling wika na ginagamit nila sa kanilang araw-
araw na pamumuhay kaya’t sa kanilang palagay, ayos lang na gamitin ang
wikang Filipino na midyum sa pagtuturo ng anumang aralin.
ILAN SA MGA SALITANG FILIPINO AT BAYBAY SA FILIPINO
NG MGA SALITANG TEKNIKAL SA MATEMATIKA
Sa unang linggo ng klase may mga mag-aaral na nakiliti o naasiwa nang
marinig nila ang pagsasafilipino ng aralin sa Matematika. Subalit sa
pagdaan ng mga araw, nakita ko ang pagbabago ng kanilang reaksyon at
ang magiliw nilang pagtanggap sa wikang Filipino bilang midyum sa
pagtuturo ng Matematika. Ito ay dahil maaaring nasanay na rin sila sa
paggamit ng wikang ito sapagkat madalas na ang baybay lamang ng mga
salita ang nag-iba subalit ang pagbigkas nito ay pareho sa Ingles. Higit dito
ay yaong pagkatuto nila sa araling pang-Matematika na itinuro sa wikang
Filipino. Sa katunayan, matapos magawa ang gradong pang-midterm ng
mga mag-aaral na kumukuha ng Alge 101 kung saan wikang Filipino ang
midyum, masasabi kong halos pareho ang resulta nito duon sa mga mag-
aaral ng Alge 101 na wikang Ingles ang midyum.
Subalit kailan at saan tayo magsisimula? Kung walang magtataguyod at
magsisikap na palitan ang nakasanayan nating midyum sa pag-aaral at
pagtuturo, wala tayong mararating at hindi natin mababago ang takbo ng
ating pamumuhay. Dapat nating tandaan na talagang mahirap ang
anumang gawain sa simula at upang makamit ang adhikain, kailangan ng
dterminasyon at tatag ng loob.
Batay sa 42 mag-aaral na may kasalukuyang subject na Alge 101 sa
wikang Filipino mayroong:

19 May gusto na wikang Filipino ang midyum sa


pagtuturo ng Matematika
23 Ayaw sa paggamit ng wikang Filipino bilang
midyum sa pagtuturo ng Matematika
Reaksyon nang nalaman ng mga mag-aaral na wikang Filipino ang
gagamiting midyum sa pag-aaral ng Matematika.

3 Nakadama ng pagkabigla
14 Nagtaka
16 Di nasiyahan
2 Nasorpresa
7 Natakot
Tungkol sa kanilang karanasan sa kasalukuyang klase.

7 Nagsabing masigla at buhay


8 Nagsabing medyo magulo
11 Nasisiyahan
3 Nakakainip
13 Okey lang
Tungkol sa kung problema nila ang pagbaybay at pagbigkas ng mga
terminong pang-Matematika na isinaFilipino.

21 May problema
21 Walang problema
Naiintindihan ba nila ang aralin sa Matematika na itinuturo sa wikang
Filipino.

22 Sang-ayon
20 Hindi
Nararamdaman ba nila ang pagaka-Filipino nila kapag ito ang wikang
ginagamit.

12 Sang-ayon
15 Di sang-ayon
13 Hindi sapat ang paggamit ng wikang ito upang
maramdaman ng isang mamayan na siya ay
isang tunay na Filipino.
Anong wika ang gusto nilang midyum sa pagtuturo ng Matematika

20 Ingles
7 Taglish
3 Kahit alin sa Enlgish at Filipino
2 Chinese
Ilan sa mga dahilang ng pagpili nila sa wikang Ingles ay ang mga sumusunod:

1. May sampung taon na nilang ginagamit ang wikang Ingles sa pag-aaral


ng Matematika kung kaya’t labis silang naninibago sa mga pagsasalin
kahit pa baybay lamang ang kaibhan.
2. Mas praktikal ang wikang Ingles sapagkat dito ay bihasa na sila.
3. Mahirap pagsabayin ang pag-aaral ng Matematika at ng kaukulang
salitang Filipino sa bawat salitang Ingles.
Ayon sa mga may gusting mag-aral ng Matematika, sa wikang Filipino,
epektibo ito sapagkat ito ay “down-to-earth”. Gayundin madaling
magtanong sa guro kung hindi maintindihan ang aralin at dito ay may
paghamon sa kakayahan ng mag-aaral sapagkat kung talagang mahusay
siya sa Matematika, hindi sagabal ang wikang gamit sa pagtuturo.
Narito ang resulta ng sarbey ng mga mag-aaral ng Alge 101 kung saan
Ingles ang midyum.

1 Gustong sumubok ng wikang Filipino


39 Ayaw
14 Nagsabing hindi sapat na wikang Filipino ang gamitin sa
pagtuturo upang maramdaman nilang sila ay Filipino
32 Nagsabing hindi magiging epektibo ang pag-aaral ng
Matematika kung wikang Filipino ang gagamitin sa
pagtuturo spaagkat mahirap mag-translate ng mga
terminong teknikal sa Matematika, maaaring mas
mahirapan sila.
*Mayroong ilan sa kanila na maaari itong gamitin pero di sa buong
panahon ng pag-aaral. Kung baga, mayroong aralin na wikang Filipino
ang gagamitin at mayroong aralin na wikang Ingles ang dapat gamitin.
Halimbawa ng mga aralin sa Matematika gamit ang wikang Filipino:
MARAMING SALAMAT SA PAKIKINIG 

You might also like