You are on page 1of 2

EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA KABATAAN

“Hindi yan mananalo dahil gusto ng mga kabataan ngayon ay mga


kandidatong gawapo’t magaganda!” narinig kong komento ng aking ama sa isang
kandidato habang nanunood ng telebisyon. Sa katunayan, hindi ko rin gusto ang
kandidato, ngunit hindi katulad ng dahilan ng aking ama. Ang nakapukaw sa akin ng
pansin at agad naman nagpakulo ng aking dugo ay sa msimong komento nito sa
mga kabataan. “‘Di rin!” pabulong na sagot ko. Aaminin ko, gusto kong makipagtalo,
ngunit dahil sa respeto, ‘wag na lang!
Facebook, Twitter, Youtube, Instagram, tumblr pati na rin Blogger. Ito lamang
ang iilan sa mga social media sites na tinatangkilik ng mga kabataan. Isa ako sa
kaila. Adik ako sa internet, pero di sa paraang masama. Gusto ko sanang idahilan ito
sa aking ama at ipakita na mas mulat na ang mga kabataan ngayon. “Baka sa
henerasyon n’yo lang ‘yun, iba na ang mga kabataan ngayon!” kung wala sana
akong respeto’t di makapagtimpi ay ganitung-ganito ang aking isasagot.
Iba na nga ang mga kabataan ngayon. Pihikan na sila sa pagpili at proud
akong kabilang ako sa henerasyong ito. Marami akong nila-like sa Facebook at fina-
follow sa Twitter. Sa mga nakikita ko, kritikal nang mag-isip ang mga kabataan sa
tulong ng social media at internet sites. Isang magandang balita para sa ating bayan.
Napansin ko rin na hindi lang sila bastang pumipili ng kandidatong popular
dahil sa endorser at commercials. Pati mga independent candidates ay sinusuri na
rin nila. May pakialam na ang kabataan ngayon. Sa pamamagitan ng camera ay ini-
ispatan na nila ang mga loko-lokong kandidato at ipinapadala sa midya. Marami rin
akong nababasang mga artikulo galing sa blog sites ng mga kabataan at natutuwa
naman akong basahin ang mga ito.
Isa pang ikinaka-proud ko ay ang liberal na isip ng kasalukuyang kabataan.
Sariwa ang kanilang ideya di tulad ng mga nakatatandang tradisyunal na kung mag-
isip. Dahil sa teknolohiya, napapalawak ang mga ito. Ilan rito’y paggawa ng short
videos ukol sa eleksyon o panghihikayat sa kapwa kabata na maging matalino sa
pagpili.
Karamihan ng mga botante ay may edad na 18-25. Mga kabataan. Kaya
naman, kampante ako sa resulta ng botohan (kung walang mangyayaring
pandadaya). Maituturing ko na magiging progresibo at matagumpay ang eleksyon na
ito sa tulong ng matalino at mapanuring pagiisip ng mga kabataan. Totoo nga ang
sinabi ng ating bayani, at sana naman ay mapagtanto ng mga kabataan at ng
susunod na henerasyon na, Kabataan ang pag-asa ng bayan.
URL: https://nasyonalistikpinoy.wordpress.com/2013/05/09/epekto-ng-social-media-
sa-mga-kabataan/

1. Tungkol saan ang tekstong binasa?


2. Anong uri ng teksto ang binasa? Pangatwiranan.
3. Ano ang pinangangatwiranan ng may-akda?

You might also like