You are on page 1of 1

Vincent Jomar Rhine M.

Joven
Faith 10
Filipino

Totoo ba lahat ang nababasa sa social media? Sa pagiging moderno ng ating panahon,
nagiging moderno na rin ang pangangampanya ng mga pulitiko. Kaliwa’t kanan na ang
pagpaparamdam ng mga pulitiko sa telebisyon, radio, tarpauline at social media. Bawat isa ay
may tagline. May nagsasabing, “Sasama tayo sa pagbangon muli”. Ayon naman sa isang
kandidato na ang buhay ng lahat ay aangat kung ang gobyerno ay tapat. “Kailangang ipaglaban
ang minamahal” sabi pa na iba. Iilan lamang yan sa mga taglinae ng mga kandidato na
panghikayat sa mga boboto sa kanila.

Hindi natin maiiwasan na nararamdaman natin sila sa social media. Paramihan sila ng
likes at followers. Marami ding mga artikulo tungkol sa tagumpay ng kanilang mga proyekto
hanggang sa iba’t ibang isyu sa kanila. Ngunit hindi ito nangangahulugan na na epektibo ang
kanilang pamumuno. Kung ating iisipin ang kanilang proyekto ay hindi utang na loob para sa
mga Pilipino. “Ito ang kanilang tungkulin bilang opisyal sa gobyerno”, sabi na ilang mga kritiko.
Tunay na napakalaking tulong ang teknolohiya lalo na ang social media sites sa paglalahad ng
mga bagay tungkol sa ating mga lingkod-bayan. Hindi na lingid sa kaalamn ng karamihan sa
atin ang mga bagay tungkol sa kanila. Higit sa lahat , inimumulat nito ang mga kabataan sa mga
kinahaharap ng ating bansa dahil alam naman natin na ang kabataan ay halos namumuhay sa
likod ng social media sites. Magandang mamulat na ang mga kabataan dito sapagkat ito ay
paghahanda sa kanilang mga sarili upang mahanap ang natatagong nasyonalismo sa kanilang
mga sarili at pagiging tunay na pag-asa ng bayan.

Sa lahat ng kagandahang ibinigay ng internet sa atin, huwag din nating kalimutan na


hindi lahat ng nababasa sa internet ay totoo. Sa mga boboto huwag basta umasa sa internet sa
pangangalap ng impormasyon, dapat ding maging matalino sa pangingilatis ng mga
impormasyon at mga pulitikong kakandidato. Sabi nga nila, “Mag-isip muna bago maglike,
magshare, at o magcomment”. Sa wikang English, “Think before you click”.

You might also like