You are on page 1of 7

Grade 10 – Group 2

(Broadcasting)
---Intro sound---
Narrator: Balitang walang kinikilingan? Ilalantad.
Balitang walang pagbubukod? Ilalantad.
Walang ibang ihahatid kundi ang katotohanan.
Ito ang Balitang-Bata. Sa Radyong Tapat,
Baya’y Angat.
---Intro sound---
Narrator: Magandang umaga Pilipinas! Magandang umaga rin
sa iyo, sakin, at sa ating lahat! Ito muli ang inyong
maaasahan, Jericko Baliwag.
Narrator: Tayo po ngayo’y nasa ikaanim ng Mayo sa taong
(dalawang libo at dalawampu’t-tatlo) 2023.

Narrator: Sa pagsisimula at pagbabahagi ko ng aking kaalaman,


ngayon ko lang nasaksihan na may iba’t iba pang
kahulugan ang salitang pagkamamamayan ngunit ano
nga ba ang pagkamamamayan? Bago po tayo
magsimula sa pagbabahagi ng ating mga aking
katalinuhan, huwag po nating kalilimutan na
magtweet at gamitin ang ating hastag na
#CoRICKangpaglaWHOksapansibiko. Kumusta po ba
muna ang lahat? Sa ating pong team bahay jan, team
trabaho at team school kumusta po? Nakikinig po ba
ang mga taong wala nang pera? Nakikinig po ba ang
mga taongtambak na sa paaralan? Nakikinig ba ang
mga taong nasaktan at iniwan? Pwes kung nadito
kayo, tarana’t sumabay sa pagbabalik tanaw sa
nakaraang talakayan. Ito ang Agos ng Katalinuhan. Sa
nakaraang talakayan, tinalakay natin ang
pagkamamamayan.

Kabataan: Ano ang pagkamamamayan?


Eksperto: Ang pagkamamamayan ay hindi isang assignment
bagkus ito’y hanay ng mga karapatan at tungkulin sa
isang bansa.
Kabataan: Saan naman ito nagmula?
Eksperto: Ito ay hango sa salitang Latin na ang kahulugan ay
“grupo ng taong nagkakaisa na naninirahan sa isang
siyudad o komunindad”.
Kabataan: Ako, bilang isang kabataan, maituturi ba akong isang
mamamayan?
Eksperto: Oo naman siyempre, sabi nga nila na lahat ng taong
nakatira sa isang komunidad ay isa nang ganap na
mamamayan. Ito ay maaaring isang bansa, lipunan,
rehiyon, at iba pa.
---Transition Music---
Narrator: Bukod sa legal na batayan, mayroon pang iba’t ibang
pagpapakahulugan sa pagkamamamayan. Nagpapatrol
Cedrick Perez.
N. A. - 1: Sa ating bansa, ang mamamayan ang may kakayahan
na maghalal ng mga tao sa pwesto. Sila rin ang
nagpapatakbo ng ating ekonomiya ngunit ano pa nga
ba ang ilang pagpapakahulugan sa pagkamamamayan?
Ang isa rito ay ang “Paglahok sa mga gawaing
pansibiko” Sabi nga ni Bernard Crick, ang konsepto
ng pagkamamamayan ay may matibay na kaugnayan
sa lipunang ating ginagalawan at ang
pagkamamamayan ng isang tao ay tumutukoy sa kung
paano siya nakikilahok sa kaniyang lipunan at sa
gawaing pampubliko.
---TransitionMusic---
Narrator: Cedrick Magandang Umaga sayo!
N. A. - 1: Magandang umaga rin sa iyo Jericko!
Narrator: Ako’y may isang katanungan sa iyo. Bakit naging
mahalaga ang paglahok sa mga gawaing pansibiko?
N. A. - 1: Ah! Simple lang yan Jericko, ito ay mahalaga
sapagkat natitiyak nito kung ang mga mamamayan sa
isang lipunan ay tunay na malaya, nagsasarili, at
kontento sa kanilang pamunuan.
Narrator: Maraming salamat sa iyo, Cedrick! Susunod, opinion
ng ilang kabataan sa gawaing pansibiko, Ilalantad na!
Sa pagbabalik ng Balitang-Bata. Sa Radyong Tapat,
Baya’y Angat.
---Comercial---
Info 1: (Lines of Jerrel)
Brand 1: (Lines of Claude)
Info 2: (Lines of Roshinie)
Brand 2: (Lines of Julius)
---Intro Music---
Narrator: Nagbabalik ang Balitang-Bata. Sa Radyong Tapat,
Baya’y Angat.
Narrator: Opinyon ng ilang kabataan sa gawaing pansibiko,
Ilalantad na! Nagpapatrol Eunica Alday.
N. A. - 2: Sa Pilipinas, kung saan malaya ang mga mamamayan
na makilahok sa mga gawaing pansibiko, makikita na
mababa ang antas ng pakikipaglahok ng mga Pilipino
sa mga isyu at gawaing pansibiko sa kadahilanang
marahil nakaaabala raw ito sa kanilang hanap-buhay.
Kung ibabase natin ito sa bansang China, sila naman
ay may limitasyon sa pakikilahok sa mga gawaing
pansibiko dahil sa limitado lamang ang karapatang
ipinagkaloob sa kanila ng kanilang pamahalaan. Dahil
sa pangyayaring ito, tinanong naming ang ilang
kabataan kung ano ang pumapasok sa isipan nila
kapag naririnig ang salitang pansibiko? Ito ang
kanilang mga sagot.

Interviewee I: Ang unang pumasok sa isip ko pagnaririnig ko


ang pansibiko ay ito’y tumutukoy sa gawain
panlipunan na nakakatulong upang mas makilala
at mapa-unlad ng mga mamamayan ang kanilang
komunidad. Sakop ng pansibiko ang usapin sa
edukasyon, sa kabuhayan, sa kalukugan, sa
kababaihan, at maging sa kabataan rin.
Interviewee II: Para sa akin, kapag naririnig ko ang salitang
pansibiko, ang unang pumapasok sa isip ko ay
mga aktibidad na nakakatulong upang mapabuti
ang kalidad ng buhay para sa isang komunidad o
sa ating lipunan. Ito din ay malaki ang ambag sa
pagpapaunlad ng ating bansa. Layunin nito na
lutasin ang mga suliranin upang makamit ang
pagbabago ng bansa.

Interviewee III: Pagnaririnig ko ang salitang pansibiko, agad na


pumapasok sa isip ko ang pagiging responsibleng
mamamayan. Ito ay yung mga bagay tumutulong
saatin upang mapaunlad ang ating pamayanan.

N. A. - 2: Itinanong ko rin sa kanila kung ano ang kanilang


opinion tungkol sa gawaing pansibiko?
Interviewee I: Ang opinyon ko, bilang isang mamamayan ay
maging parte ito sa ating buhay. Nakakapagpabuti
ito sa ating komunidad at lipunan at ito’y maaari
maging hakbang sa atin upang maging isang
responsableng mamamayan.
Interviewee II: Bilang isang mamamayan, ang aking opinyon sa
gawaing pansibiko ay nararapat na isabuhay at
maging parte ng ating buhay. Ang mga ito ay
hakbang lamang upang maging isang
responsableng mamamayan at nagpapakita ng
pagmamahal sa ating bayan.
Interviewee III: Ito ay napaka epektibo at dapat na matutuhan ng
bawat indibidwal sa isang lipunan. Gaya ng
sinabi ko kanina, hindi lamang nito napapaunlad
ang ating lipunan, kundi nakakatulong at
nahuhubog nito ang ating mga sarili. It's win-win
for me, may nakatanggap ng tulong, at may
nakatulong.
N.A - 2: At ito ang aking report sayo Jericko.
Narrator: Maraming salamat sa iyo Eunica!
Narrator: Dito na nagtatapos ang ating Balitang-Bata sa araw na
ito. Oh dba! Mga bata! Hindi lang balita sa loob at
labas ng bansa ang ating nakalap, nalaman din natin
ang iba’t ibang klase ng kaalaman kung “Bakit
mahalaga ang paglahok sa mga gawaing pansibiko?”.
Hanggang sa muli, ito ulit ang pinakamakulit at
inyong maaasahang tagapagsalaysay, Jericko Baliwag,
na nag-iiwan ng katagang “Ang pakikipag-ugnayan ng
sibiko ay napakahalaga sapagkat lahat tayo’y nakatira
dito at kailangan nating bantayan ang isa’t isa.”

You might also like