You are on page 1of 14

PANGALAN:_____________________________________

BAITANG/SEKSYON:___________________________
10
ARALING PANLIPUNAN
Kwarter I – Linggo 1
Kahalagahan ng Pag-aaral
ng Kontemporaryong Isyu
Araling Panlipunan – Baitang 10
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter I – Linggo 1: Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,
tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa CLAS na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang
parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang
pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa


Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets
Manunulat: Arlyn P. Cabais
Pangnilalamang Patnugot: Rodney M. Ballaran
Editor: Lorna A. Quiatzon
Tagawasto: Nimfa V. Alaska, Rodney M. Ballaran
Tagasuri: Marites L. Arenio, Fe O. Cabasal, Nimfa V. Alaska, Rodney M. Ballaran,
Maria Lea A. Magbanua, Carissa M. Calalin
Tagalapat: Arlyn P. Cabais

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Marites L. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Rodney M. Ballaran,


Jouilyn O. Agot, Carissa M. Calalin

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone Number.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov

1
Aralin
1 1
Kahalagahan ng Pag-aaral
ng Kontemporaryong Isyu
MELC: Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Mga Layunin:
1. Natatalakay ang konsepto ng lipunan
2. Naipaliliwanag ang ugnayan ng suliraning panlipunan gamit ang Sociological
Imagination
3. Nasusuri ang kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

Subukin
Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at katanungan. Isulat sa patlang
ang titik ng tamang sagot na tinutukoy sa bawat aytem.

_____1. Alin sa sumusunod ang bumubuo ng lipunan?


A. Panlipunan at Pamahalaan
B. Paniniwala at Pagpapahalaga
C. Ascribed Status at Achieved Status
D. Istrukturang Panlipunan at Kultura

_____2. Ang _________ ay tumutukoy sa lahat ng kaganapan ng ating buhay sa


kasalukuyan na mayroong lubusang epekto sa atin.
A. Lipunan C. Kontemporaryo
B. Mga Isyu D. Kontemporaryong Isyu

_____3. Ang isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay- pantay ng tao anoman ang
kanyang kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para sa mga pag-unlad ng
tao ay isa lamang sa mga halimbawa ng anong elemento ng kultura?
A. Gampanin B. Norms C. Pagpapahalaga D. Paniniwala

_____4. Ang pagmamano ay nakagawian na ng mga Pilipino. Anong elemento ng kultura ito?
A. Norms B. Pagpapahalaga C. Paniniwala D. Simbolo

_____5. Anong elemento ng istrukturang panlipunan ang tumutukoy sa katayuan o


posisyon ng isang indibiduwal sa lipunan?
A. Gampanin B. Institusyon C. Social Group D. Status

1
_____6. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng KATOTOHANAN patungkol sa
Sociological Imagination?
A. Ito ay batayan ng tama at mali, nararapat at hindi nararapat
B. Tumutukoy ito sa paraan ng pamumuhay ng isang tao sa lipunan na kanyang
ginagalawan
C. Ito ay nakakaapekto hindi lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking
bahagi mismo ng nasabing lipunan
D. Mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga
personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan

_____7. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng pamilya?


A. Dito napaloloob ang iyong pagtupad sa iyong pang-araw-araw na tungkulin
B. Ito ay tumutukoy sa mga taong nagtatrabaho at kumokonsumo ng produkto
C. Ito ang unang yunit ng lipunan na siyang unang huhubog sa pagkatao ng bawat
isang nilalang
D. Itinuturing na pangalawang tahanan upang magkaroon ng mabuting pakikitungo
o pakikipagsalamuha sa kapwa

_____8. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan sa ascribed status?


A. Si Pedro ay ipinanganak na lalaki
B. Si Manuel ay nakapagtapos ng kolehiyo
C. Si Nena na nagsumikap mag-aral at naging abogado
D. Mahirap ang pamilya nila Ana nang dahil sa pagsusumikap ng kanyang ama
sila ay unti-unting yumaman

_____9. Bilang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan ang kahalagahan ng Kontemporaryong


Isyu sa lipunan?
I. Upang mapaunlad ang kakayahang mag-isip
II. Upang malaman o mamulat tayo sa kasalukuyan at kinahaharap na suliranin sa
ating bansa.
III. Upang malaman ang mga pamamaraan sa pag-iwas makapag-ingat sa mga
kalamidad o trahedya
IV. Upang makatulong sa bawat indibidwal kung ano ang dapat paunlarin sa sarili
para sa ikabubuti ng bansa
A. I at II B. I at IV C. I, II, at III D. I, II, III, at IV
_____10. Ano ang pagkakaiba ng Isyung Personal at Isyung Panlipunan?
A. Ang mga isyung personal ay isang usaping pampubliko samantala, ang isyung
panlipunan ay isang usaping pribado.
B. Ang mga isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at
ilang malalapit sa kanya samantala, ang isyung panlipunan ay isang
pampublikong bagay.
C. Ang mga isyung personal ay mga suliraning nakaaapekto hindi lamang sa isang
tao kundi sa lipunan sa kabuuan samantala, ang isyung panlipunan ang solusyon
ay nasa kamay ng indibidwal.
D. Ang mga isyung personal ay karaniwang kaugnay ng krisis o suliranin samantala,
ang isyung panlipunan ay maituturing na pribadong bagay na nararapat
solusyunan sa pribadong paraan.

2
Ating Alamin at Tuklasin

Sa kasalukuyan, ang mga suliranin


at isyung kinakaharap ng ating bansa at
lipunang global na lubhang nakaaapekto
sa pamumuhay ng bawa isa. Ang
pagbibigay-pansin sa mga suliranin at
isyung ito ay mahalaga sa pagnanais natin
makapamuhay nang maunlad at
matiwasay. Ilan sa mga mahalagang
desisyon na maaari natin gawin ay
nakasalalay sa masusing pag-aaral ng
Kontemporayong Isyu.
Batayan sa pag-aaral ng mga isyu at
hamong panlipunan ang pag-unawa sa
bumubuo ng isang lipunan, ugnayan, at
kanyang kultura. Ano nga ba ang ibig
sabihin ng Lipunan at Kontemporaryong
Isyu?

Mahalagang marami tayong alam sa mga nangyayari sa ating mundo, dahil malaki
ang maitutulong nito sa atin. Mga pangyayaring kapupulutan ng aral, magbibigay kalinawan
sa ating mga isipan. Katulad na lamang sa nangyayari sa atin mundo ngayon. Ang
pandemya na ating kinakaharap ay nagmulat sa atin na kailangan natin pangalagaan ang
ating mga kalusugan. Taon taon nagkakaroon ng mga pangyayari na hindi natin inaasahan.
Bilang mag-aaral, mabuting magsaliksik muna bago paniwalaan ang mga nakikita,
nababasa, o naririnig natin na mga balita sa ating daigdig. Para mamulat din kayo sa mga
suliranin na kinakaharap ng ating bansa.

Konsepto ng Lipunan

Lipunan – ito ay tumutukoy sa mga taong sama - samang naninirahan sa isang organisadong
komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga

Bumubuo sa Lipunan

1. Istrukturang Panlipunan - ito ay paraan ng pagkukuwento ng isang istruktura o pagkabuo


ng literatura kung saan sinasambit isa-isa ang mga pampanitikang sangkap.

3
Apat (4) Elemento ng Istrukturang Panlipunan:

A. Institusyon - ito ay organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan. (Mooney, 2011)

Mga Institusyong Panlipunan:


a. Pamilya - ito ang pinakamaliit, mahalaga, at unang yunit ng lipunan na siyang unang huhubog
sa pagkatao ng bawat isang nilalang.

b. Paaralan - itinuturing na pangalawang tahanan upang magkaroon ng mabuting pakikitungo o


pakikipagsalamuha sa kapwa.

c. Ekonomiya - tumutukoy sa mga taong nagtatrabaho at kumokonsumo ng produkto.

d. Pamahalaan - nagbibigay serbisyong panlipunan, nagpapatupad ng batas, at naglilingkod sa mga


mamamayan.

e. Relihiyon - usaping pananampalataya, dito napaloloob ang iyong pagtupad sa iyong pang-araw-
araw na tungkulin.

B. Social Group - tumutukoy ito sa dalawa o higit pang tao na may magkakatulad na
katangian na nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang
panlipunan.

Dalawang Uri ng Social Group(Mooney, 2011)


1. Primary group - tumutukoy sa malapit na impormal na ugnayan ng mga indibidwal. Kadalasan,
ito ay mayroon lamang maliit na bilang.
Halimbawa: pamilya at kaibigan

2. Secondary group - binubuo ng mga indibidwal na may pormal na ugnayan sa isa’t isa.
Halimbawa: ugnayan sa pagitan ng amo at ng kaniyang manggagawa

C. Status – ito ay tumutukoy sa katayuan o posisyon ng isang indibidwal sa lipunan.

Dalawang Uri ng Status:


a. Ascribed Status - nakatalaga sa isang indibidwal simula nang siya ay ipinanganak.
b. Achieved Status - nakatalaga sa isang indibidwal sa bisa ng kaniyang pagsusumikap.

D. Gampanin (Roles) – tumutukoy ang mga gampaning ito sa mga karapatan, obligasyon, at
mga inaasahan ng lipunan na kaakibat ng posisyon ng indibidwal.

2. Kultura – ito ay ang pagsalin-salin na kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining, at


pamumuhay ng mga tao sa isang lugar.

Dalawang Uri ng Kultura

a. Materyal - Binubuo ito ng mga gusali, likhang-sining, kagamitan, at iba pang bagay na nakikita
at nahahawakan at gawa o nilikha ng tao. (Panopio, 2007) Ang mga bagay na ito ay may
kahulugan at mahalaga sa pag-unawa ng kultura ng isang lipunan.

b. Hindi Materyal - Kabilang dito ang batas, gawi, ideya, paniniwala, at norms ng isang grupo ng tao.
Hindi tulad ng materyal na kultura, hindi ito nahahawakan subalit ito ay maaaring makita o
maobserbahan. Ito ay bahagi ng pang araw-araw na pamumuhay.( Mooney, 2011)

Apat (4) Elemento ng Kultura

1. Paniniwala (Beliefs) - tumutukoy ito sa mga kahulugan at paliwanag tungkol sa paniniwalaan,


tinatanggap na totoo, at pagkakapantay-pantay ng tao.
4
2. Pagpapahalaga (Values) - Maituturing itong batayan ng isang grupo o ng lipunan sa kabuuan
kung ano ang katanggap-tanggap at kung ano ang hindi.

3. Norms - nagsisilbing batayan ng mga ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibidwal sa


lipunang kaniyang kinabibilangan.
Dalawang Uri ng Norms
a. Folkways - ang pangkalahatang batayan ng kilos ng mga tao sa isang grupo o sa isang lipunan sa
kabuuan.
b. Mores – tumutukoy sa mas mahigpit na batayan ng pagkilos. Ang paglabag sa mga mores ay
magdudulot ng mga legal na parusa (Mooney, 2011).

4. Simbolo (Symbols) - ang paglalapat ng kahulugan sa isang bagay ng mga taong gumagamit
dito.
(White, 1949) Kung walang simbolo, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging
posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan.

Sa pag-aaral ng mga hamon at isyung panlipunan, mahalaga ang pag-unawa sa mga


istrukturang bumubuo rito maging ang kulturang naglalarawan sa isang lipunan. Mahalaga
ring makita ng bawat isa ang kaugnayan ng istrukturang panlipunan at kultura sa
pagkakaroon ng mga suliranin at isyung panlipunan.

Ang contemporary o kontemporaryo ay nagmula sa salitang com+tempor na


nangangahulugang current o napapanahon.
Sociological Imagination

Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang kakayahang makita
ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang
ginagalawan. Tinawag niya itong Sociological Imagination. Kapag nalinang sa atin ang abilidad
na ito, masusuri natin ang koneksiyon at interseksiyon ng mga isyung personal at isyung
panlipunan. Mahalaga rin ito sa pagbibigay ng koneksyon sa mga pangyayari sa ating buhay
bilang isang indibidwal at sa pangkalahatang kaganapan sa lipunang ating ginagalawan.
Kung gagamitin ang Sociological Imagination, maiuugnay na hindi lamang personal na isyu ang
dapat harapin kundi isang isyung panlipunan na nakaaapekto sa isang indibidwal.

Isyung Personal at Isyung Panlipunan

Ang mga Isyung Personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at ilang
malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng indibidwal.
Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan sa pribadong paraan.

Samantala ang Isyung Panlipunan ay isang pampublikong bagay. Karaniwang kaugnay


ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan. Mga suliranin ito na nakaaapekto
hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa kabuuan.

Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at isyung


panlipunan, ang dalawang ito ay magkaugnay. Isang halimbawa nito ay ang mga hamon at
isyung pangkapaligiran. Mayroon ding mga isyu na may kaugnayan sa ekonomiya. Mayroon
din namang ilang pangyayari na maituturing na isyung panlipunan subalit makikita ang
epekto sa personal na buhay ng isang tao.

Gamit ang kasanayan na Sociological Imagination, bilang bahagi ng lipunang iyong


ginagalawan, mahalagang maunawaan mo na ang mga personal na isyung nararanasan mo ay
may kaugnayan sa isyu at hamong panlipunan. Hindi rin maikakaila na mayroon kang
mahalagang papel na gagampanan sa pagtugon sa mga isyu at hamong kinahaharap ng
lipunan sa kasalukuya
5
Apat na Saklaw ng Kontemporaryong Isyu

Isyung Pangkapaligiran - Ito ay tumutukoy sa mga anthropogenic hazard or natural hazard na


nakakapagpanira ng mga ari-arian o buhay ng tao ay nagiging disasters katulad ng
lindol, sunog, at pagbaha.

Isyung Pang-ekonomya - Ito ay tumutukoy sa mga isyu sa paggawa o labor, globalisasayon at


migrasyon mga trabaho, employment, unemployment, pagdami ng OFW, pagbibigay ng
programa ng gobyerno upang matugunan ang mga suliranin nito.

Isyung Pangkasarian - Ito ay isyung may kinalaman sa gender na kung saan isa sa mga
pinakainteresanteng paksa sa Kontemporaryong Isyu. Sapagkat dito mapag-uusapan ang
iba’t ibang uri ng kasarian at kung paano natin maiiwasan ang diskriminasyon sa iba’t
ibang uri ng tao.

Isyung Pagkamamamayan - Ito ay may kinalaman sa citizenship. Kadalasan ang pinag-


uusapan ay mga isyung para sa kapakanan at kagalingan (welfare) ng lahat, kalagayan
o katayuan ng isang tao, at estado sa buhay.Tinatalakay din dito ang pagiging miyembro
ng isang samahang pampolitika at may karapatang sibil at political.

Kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu

1. Mahalagang pag-aralan ang mga Kontemporaryong Isyu sa lipunan at daigdig upang


malaman o mamulat tayo sa kasalukuyan at kinahaharap na suliranin sa ating bansa.
 “We have to learn from our history because things that happen in the history
might happen again in our contemporary world.”

2. Makabubuti rin sa isang mag-aaral na habang bata pa ay alam na ninyo kung ano ang
nagaganap sa inyong bansa.
 Kailangang maging mapanuri sa mga isyung pinopost sa social media.

3. Sa isyung pangkapaligiran naman, napakahalaga na ang lahat ay mulat sa iba’t ibang paksa
ukol dito, sapagkat maaaring maapektuhan ang kanilang pamayanan ng kalamidad at
maging ang pagpasok sa paaralan. Kung sapat ang kaalaman sa mga ito, hindi lang basta
maunawaan kung paano nangyayari ang mga ito kundi makaiisip din ng mga posibleng
pamamaraan kung paano makaiiwas o makapag-iingat sa mga kalamidad at mga trahedya.
 Wika nga ni Dr. Jose P. Rizal: “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.” lalong
nagiging pag-asa ng bayan ang kabataan kung sila ay mulat at may pakialam sa mga isyung
nakapaligid sa kanila.

4. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu mapauunlad din ng mga


kabataan ang kanilang kakayahang mag-isip lalo na sa kung ano ang maaari nilang
maiambag sa paglutas ng mga isyung kinahaharap ng kanilang pamayanan o bansa.

Tulad ng isang indibidwal ang ating lipunan ay marami ring kinakaharap na suliranin o
isyu na kailangang bigyang pansin at mapagtagumpayan para sa ikakauunlad nito hindi
lamang para sa sariling kapakanan kundi sa kapakanan ng nakararami.

(Pinagkunan: “Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu-Learning Resource


Management Development Sytem, accessed May 10, 2020, https://lrmds.deped.gov.ph/
list/kto12/subject/1270.)
6
Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Basahin ang bawat isyu. Lagyan ng tsek (√) kung maituturing itong Kontemporaryong
Isyu at ekis (X) kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

________1.Paglaganap ng sakit sa bawat bansa dulot ng pandemya.

________2. Pagdami ng mga Overseas Filipino Workers sa bawat sulok ng bansa.

________3. Pagkasira ng mga likas na yaman.

________4. Kahirapan dulot ng kawalan ng trabaho ng maraming Pilipino .

________5. Paggamit ng pondo ng pamahalaan para sa pansariling kagustuhan.

Gawain 2
Panuto: Pumili ng sagot sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang.

A. Status B. Social Group C. Institusyon

D. Gampanin E. Kultura

_______1. Ito ay ang pasalin-salin na kaugalian, tradisyon, paniniwala, sining, at pamumuhay


ng mga tao sa isang lugar.

______2. Tumutukoy ito sa dalawa o higit pang taong may magkakatulad na katangian na
nagkakaroon ng ugnayan sa bawat isa at bumubuo ng isang ugnayang panlipunan.

_______3. Ito ay tumutukoy sa katayuan o posisyon ng isang indibidwal sa lipunan.


_______4. Mayroon itong organisadong sistema ng ugnayan sa isang lipunan.

_______5. Napapaloob dito ang mga karapatan, obligasyon, at inaasahan ng lipunan na


kaakibat ng posisyon ng isang indibidwal.

Paano natin matitimbang ang mga pahayag tungkol sa mga


Kontemporaryong Isyu sa ating bansa at sa buong mundo?

7
Ating Pagyamanin
Gawain 1.
Panuto: Isulat sa patlang ang TAMA kung ito ay nagpapahayag ng katotohanan at MALI kung
hindi.

______1. Ang lipunan ay tumutukoy sa mga taong sama samang naninirahan sa isang
organisadong komunidad na may iisang batas, tradisyon, at pagpapahalaga.

______2. Ang Kontemporaryong Isyu o Current Issues ay tumutukoy ito sa anumang pangyayari,
ideya, opinion o paksa na tinatalakay sa kasalukuyang panahon.
______3. Ang pamahalaan ay nagbibigay serbisyong panlipunan, nagpapatupad ng batas, at
naglilingkod sa mga mamamayan.
______4. Nagsisilbing batayan ng ugali, aksyon, at pakikitungo ng isang indibidwal sa lipunang
kaniyang kinabibilangan ang kanyang paniniwala o beliefs.
______5. Kung walang norms, walang magaganap na komunikasyon at hindi rin magiging
posible ang interaksiyon ng mga tao sa lipunan.

Gawain 2

Panuto: Isulat sa patlang ang Totoo kung ang pahayag ay nagpatotoo at Hindi Totoo kung
mali ang isinasaad nito.

_______1. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu mapauunlad din ng mga


kabataan ang kanilang kakayahang mag-isip lalo na sa kung ano ang maaari nilang
maiambag sa paglutas ng mga isyung kinahaharap ng kanilang pamayanan o bansa.

_______2. Makabubuti rin sa isang mag-aaral na habang bata pa ay alam na ninyo kung ano
ang nagaganap sa inyong bansa.

_______3. Ang isyung pagkamamayan ay may kinalaman sa citizenship. Kadalasan ang pinag-
uusapan ay mga isyung para sa kapakanan at kagalingan (welfare) ng lahat,
kalagayan o katayuan ng isang tao, at estado sa buhay.

_______4. Mahalagang pag-aralan ang mga Kontemporaryong Isyu sa lipunan at daigdig upang
malaman o mamulat tayo sa kasalukuyan at kinahaharap na suliranin sa ating
bansa.

_______5. Karaniwan ang mga isyung panlipunan ay hindi sumasailalim sa mga suliraning
kinakaharap ng lipunan.

8
Ang Aking Natutuhan
Panuto: Punan ang mga pahayag mula sa kahon at isulat sa bawat patlang ang nawawalang
salita.

kabataan daigdig paglutas Kontemporaryong Isyu lipunan

Ating Tayahin

Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat pahayag at katanungan. Isulat sa patlang ang
titik ng tamang sagot na tinutukoy sa bawat aytem.

_____1. Bilang mag-aaral, bakit mahalagang pag-aralan ang kahalagahan ng Kontemporaryong


Isyu sa lipunan?
I. Upang malaman o mamulat tayo sa kasalukuyan at kinahaharap na suliranin sa
ating bansa
II. Upang mapaunlad ang kakayahang mag-isip
III. Upang makatulong sa bawat indibidwal kung ano ang dapat paunlarin sa sarili para
sa ikabubuti ng bansa
IV. Upang malaman ang mga pamamaraan sa pag-iwas at makapag-ingat sa mga
kalamidad o trahedya

A. I at II B. I at IV C. I, II, at III D. I, II, III, at IV


_____2. Anong elemento ng istrukturang panlipunan ang tumutukoy sa katayuan o posisyon
ng isang indibiduwal sa lipunan?
A. Gampanin B. Institusyon C. Social Group D. Status

_____3. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang naglalarawan sa ascribed status?


A. Si Pedro ay ipinanganak na lalaki
9
B. Si Manuel ay nakapagtapos ng kolehiyo
C. Si Nena na nagsumikap mag-aral at naging abogado
D. Mahirap ang pamilya nila Ana nang dahil sa pagsusumikap ng kanyang ama
sila ay unti-unting yumaman

_____4. Ano ang pagkakaiba ng Isyung Personal at Isyung Panlipunan?


A. Ang mga isyung personal ay isang usaping pampubliko samantala, ang isyung
panlipunan ay isang usaping pribado.
B. Ang mga isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitan ng isang tao at
ilang malalapit sa kanya samantala ,ang isyung panlipunan ay isang
pampublikong bagay
C. Ang mga isyung personal ay mga suliraning nakaaapekto hindi lamang sa isang
tao kundi sa lipunan sa kabuuan samantala, ang isyung panlipunan ang solusyon
ay nasa kamay ng indibidwal
D. Ang mga isyung personal ay karaniwang kaugnay ng krisis o suliranin samantala,
ang isyung panlipunan ay maituturing na pribadong bagay na nararapat
solusyunan sa pribadong paraan

_____5. Alin sa sumusunod ang naglalarawan ng pamilya?


A. Dito napaloloob ang iyong pagtupad sa iyong pang-araw-araw na tungkulin
B. Ito ay tumutukoy sa mga taong nagtatrabaho at kumokonsumo ng produkto
C. Ito ang unang yunit ng lipunan na siyang unang huhubog sa pagkatao ng bawat
isang nilalang
D. Itinuturing na pangalawang tahanan upang magkaroon ng mabuting pakikitungo
o pakikipagsalamuha sa kapwa

_____6. Alin sa sumusunod ang bumubuo ng lipunan?


A. Panlipunan at Pamahalaan
B. Paniniwala at Pagpapahalaga
C. Ascribed Status at Achieved Status
D. Istrukturang Panlipunan at Kultura

_____7. Ang isang lipunang naniniwala sa pagkakapantay- pantay ng tao anoman ang kanyang
kasarian ay magbibigay ng mga oportunidad para sa mga pag-unlad ng tao ay isa
lamang sa mga halimbawa ng anong elemento ng kultura?
A. Gampanin B. Norms C. Pagpapahalaga D. Paniniwala

_____8. . Ang pagmamano ay nakagawian na ng mga Pilipino. Anong elemento ng kultura ito?
A. Norms B. Pagpapahalaga C. Paniniwala D. Simbolo

_____9. Ang _________ ay tumutukoy sa lahat ng kaganapan ng ating buhay sa kasalukuyan na


mayroong lubusang epekto sa atin.
A. Lipunan C. Kontemporaryo
B. Mga Isyu D. Kontemporaryong Isyu

_____10. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagsasaad ng KATOTOHANAN patungkol sa


Sociological Imagination?
A. Ito ay batayan ng tama at mali, nararapat at hindi nararapat
B. Tumutukoy ito sa paraan ng pamumuhay ng isang tao sa lipunan na kanyang
ginagalawan
C. Ito ay nakakaapekto hindi lamang sa isang tao sa lipunan kundi sa malaking
bahagi mismo ng nasabing lipunan
D. Mahalagang malinang ang isang kakayahang makita ang kaugnayan ng mga
personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan

10
Susi sa Pagwawasto

Subukin Tayo’y Magsanay ATING PAGYAMANIN Ang Aking Tayahin


1. D Gawain 1 Gawain 1 Natutuhan
2. D 1.√ 1. TAMA 1. Kontemporaryong Isyu 1. A
3. D 2. √ 2. TAMA 2. lipunan 2. D
4. D 3. √ 3. TAMA 3. daigdig 3. A
5. D 4. √ 4. MALI 4. kabataan 4. B
6. D 5. √ 5. MALI 5. paglutas 5. C
7. C 6. D
8. A Gawain 2 7. D
9. A 1. E-Kultura Gawain 2 8. D
10. B 2. B-Social Group 1. TOTOO 9. D
3. A-Status 2. TOTOO 10.D
3. TOTOO
4. C- Institusyon
4. TOTOO
5. D- Gampanin 4. HINDI TOTOO

Sanggunian
Website

Learning Resource Management Development System. "Araling Panlipunan 10: Mga


Kontemporaryong Isyu-Learning Module.” Accessed May 10, 2020.
https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/1270.

11
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang


iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong kapamilya


para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung


Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at


pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang


o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

12

You might also like