You are on page 1of 59

Araling Panlipunan 10: First Quarter, Module 1, Week 1

Sa pagtatapos ng aralin na ito, inaasahang higit mong mauunawaan ang:


1. Kahulugan ng Kontemporaryong Isyu; at
2. Ang kahalagahan ng Pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu.

ANG KONSEPTO AT KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG


KONTEMPORARYONG ISYU

Dalawang mahahalagang salita ang pinanggalingan ng konsepto:


KONTEMPORARYO at ISYU. Upang mas maunawaang mabuti ang konsepto, tingnan
natin ang kahulugan ng mga salitang pinanggalingan nito.

Ang Kontemporaryo ay galing sa salitang Medieval Latin na “Contemporarius”


na ang ibig sabihin ng “Con” ay “together with” (pinagsama) at ang “tempus, tempor”
ay “time” (oras). Ang Kontemporaryo ay “kasalukuyan, o nabubuhay” maaari ding
nangangahulugang “modern, uso o napapanahon”.

Ang salitang “Isyu” ay nangangahulugan ng mga paksa, tema o suliraning


nakaapekto sa lipunan. Ito ay napag-uusapan, nagiging batayan ng debate, at may
malaking epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan.Hindi lahat ng Isyu ay
negatibo at nagiging suliranin; may ilang Isyu rin na may positibong epekto sa
pamumuhay ng mga tao sa lipunan.

Ang salitang “kontemporaryo” ay ginagamit sa iba’t ibang konteksto. Isang


halimbawa nito ay ang paggamit ng KONTEMPORARYONG DAIGDIG- na naglalarawan
sa panahon mula ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan. Ang mga pangyayari sa
panahong ito ay sinasabing naaalala pa ng mga tao sa ngayon. Isa pang halimbawa
nito ay ang paggamit ng KONTEMPORARYONG KASAYSAYAN-na tumutukoy naman
sa panahon mula sa pagitan ng ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan.
Samakatuwid ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas na mga dekada na
nakakaapekto sa kasalukuyang henerasyon ay bahagi ng kontemporaryong panahon.
Gayundin, ang mga pangyayaring nagaganap sa kasalukuyan ay sadyang maituturing
na kontemporaryo.

Kontemporaryong Isyu ang tawag sa mga pangyayari o ilang suliraning


bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa kalagayan ng ating pamayanan,
bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon. Ang mga isyung ito ay maaaring may
kaugnayan sa mga temang tulad ng lipunan, karapatang pantao, relihiyon,
ekonomiya, politika, kapaligiran, edukasyon, o pananagutang pansibiko at
pagkamamamayan.

MGA SANGGUNIAN TUNGKOL SA MGA KONTEMPORARYONG ISYU:

- Pahayagan/ Dyaryo
- Magasin
- Radio
- Telebisyon
- Internet
- Impormal na talakayan (sa bahay o sa komunidad)
- Pormal na talakayan (sa paaralan o sa pamayanan)

ISYUNG PERSONAL AT ISYUNG PANLIPUNAN


Kailan nga ba nagiging isyung panlipunan ang isang Isyu? Isang pampublikong
usapin ang isyung panlipunan.Samakatuwid nakaaapekto ito hindi lamang sa isang
tao sa lipunan kundi sa malaking bahagi mismo ng nasabing lipunan. Karaniwang
ang mga isyung panlipunan ay sumasalamin sa mga suliraning kinakaharap ng
lipunan.Upang lubusang maunawaan ito, kinakailangan gamitan ito ng Sociological
Imagination. Ayon kay C. Wright Mills (1959), mahalagang malinang ang isang
kakayahang makita ang kaugnayan ng mga personal na karanasan ng isang tao at
ang lipunang kanyang ginagalawan. Tinawag niya itong Sociological Imagination.
Kapag nalinang sa atin ang abilidad na ito, masusuri natin ang koneksyon at
interseksiyon ng mga isyung personal at isyung panlipunan.Mahalaga rin ito sa
pagbibigay ng koneksyon sa mga pangyayari sa ating buhay bilang isang indibiduwal
at sa pangkalahatang kaganapan sa lipunang ating ginagalawan.

Ang mga Isyung personal ay sinasabing nagaganap sa pagitang ng isang tao at


ilang malalapit sa kanya. Ang solusyon sa isang isyung personal ay nasa kamay ng
indibiduwal. Maituturing ang isyung ito na pribadong bagay na nararapat solusyunan
sa pribadong paraan.Samantala ang isyung panlipunan ay isang pampublikong
bagay. Karaniwang kaugnay ito ng krisis o suliranin sa mga institusyong panlipunan.
Mga suliranin ito na nakakaapekto hindi lamang sa isang tao kundi sa lipunan sa
kabuuan.

Mahalagang malaman mo na sa kabila ng pagkakaiba ng isyung personal at


isyung panlipunan ang dalawang ito ay magkaugnay. Isang halimbawa nito ay ang
mga hamon at isyung pangkapaligiran. Ang makalat na bakuran ay isang halimbawa
ng isyung personal subalit kung ang isang barangay o bayan ay magiging makalat
dulot ng kawalan ng maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ito ay maituturing
na isyung panlipunan. Idagdag pa rito ang masamang epekto sa kalusugan at
ekonomiya ng isang lugar kung ito ay mabaho, makalat, at walang maayos na sistema
ng pagtatapon ng basura.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL NG KONTEMPORARYONG ISYU

Sa pamamagitan ng pag-aaral at pagtalakay sa mga Kontemporaryong Isyu,


napag-iisipan natin kung ano ang ating kaugnayan at gampanin sa mga nangyayari
sa ating sariling komunidad, bansa, o sa buong daigdig. Tuwiran man o hindi
tuwirang naapektuhan ng mga kontemporaryong isyung nagaganap, mahalaga pa rin
na tayo ay may kaalaman at pinag-iisipan natin kung ano ang mga nangyayari sa
lipunan at sa daigdig. Nararapat at mahalaga na isipin natin kung ano ba ang ating
magagawa upang mabigyan ng solusyon ang mga kontemporaryong isyung ating
kinakaharap sa ating pamayanan at bansa.Ayon nga sa kasabihan, Huwag kang
maging bahagi ng suliranin bagkus maging bahagi ka ng solusyon.
Sa kabuuan, ang pagiging maalam o mapanuri sa mga kontemporaryong isyu
ay nakatutulong hindi lamang sa pagpapayabong ng kaalaman at katalinuhan bilang
mag-aaral, maging sa paghubog ng pagkatao bilang isang responsableng mamamayan
ng bansa. Sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu, nagkakaroon ng pagmamalasakit at
pagmamahal sa kapwa, sa bansa at nagiging mapagmatyag, matalino, at
produktibong mamamayan. Tayo ay nakapag -babahagi sa paglutas ng mga suliranin
at nakatutulong sa pagkakaroon ng makabuluhang solusyon at pagbabago sa ating
pamayanan, bansa, at lipunang ginagalawan.

Gawain 3:
Ang mga sumusunod ay mga pangyayari o kaganapan. Lagyan ng tsek (/) kung ito
ay Kontemporaryong Isyu at ekis (X) kung hindi.

____ pag kidnap ng mga dayuhan ___paglaki ng populasyon


____pagdami ng mga OFW na may COVID ____pandaraya sa mga kiluhan
____kahirapan ng maraming Pilipino ____pambabae ng isang ama
____katiwalian sa pamahalaan ____no mask, no entry
____pananakop ng mga Espanyol ____kawalan ng hanapbuhay
____pagtatapos ng isang mag-aaral ____on line enrolment
Gawain 4:
Isulat ang mga isyung nakapaloob sa ilustrasyon at suriin kung Isyung
Personal o Isyung Panlipunan.

Gawain 5:
PERSONAL O PANLIPUNAN
Gamit ang Venn Diagram, Ibigay ang pagkakatulad at pagkakapareho ng Isyung
Personal at Isyung Panlipunan.

Pagkakatulad Isyung Panlipunan


Isyung Personal

Gawain 6:
Suriin ang mga pahayag sa ibaba at isulat ang MK-kung May-Katotohanan at WK-
kung Walang Katotohanan.
1. Ang mga pangyayaring naganap sa nakalipas na mga dekada na nakaaapekto
sa kasalukuyang henerasyon ay bahagi ng kontemporaryong panahon.

2. Hindi lahat ng Isyu ay negatibo at nagiging suliranin.


3. Ang mga impormal na talakayan sa bahay o sa komunidad ay maituturing na
sanggunian tungkol sa Kontemporaryong Isyu.

4. Ang solusyon sa isang Isyung Personal ay nasa kamay ng indibiduwal.

5. Sa pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu, nalilinang nito ang ating aktibong


pagganap sa mga gawain at tungkuling dapat gampanan sa tahanan, paaralan
at pamayanan.

Gawain 7:
IKAW BA ITO? Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng iyong sagot.

Ikaw ba ito? Ako Paminsan- Bihira Hindi


minsan Ako
1.Nagmamasid sa mga
pangyayari sa paligid
2.Inaalam kung ano ang
katotohanan o opinyon

3.Nangangalap ng
makatotohanang ebidensya at
inpormasyon
4.Ibinabahagi ang ginagawang
pag-aaral

Gawain 8:
TAPUSIN ANG PANGUNGUSAP:

Lubhang napakahalaga para sa isang katulad ko na mag-aaral ng Araling Panlipunan


10 ang pag-aaral ng Kontemporaryong isyu dahil_____________________________.
1.
Gawain 9:
Suriin ang bahagi ng awit na “Pananagutan” at sagutin ang mga katanungan.

Tayong lahat ay may pananagutan


“Pananagutan” sa isa’t-isa
Tayong lahat ay tinipon ng
Diyos na kapiling Niya
Walang sinuman ang nabubuhay
Para sa sarili lamang
Walang sinuman ang namamatay Sa ating pagmamahalan at
Para sa sarili lamang Paglilingkod sa kanino man
Tayo’y nagdadala ng balita ng
Kaligtasan (Drilon,2014)

1. Ano ang ipinahihiwatig ng unang talata tungkol sa pagiging bahagi ng


isang tao sa lipunang kanyang ginagalawan?

2. Sa iyong palagay ano ang kahulugan ng linyang “tayong lahat ay may


pananagutan sa isa’t isa? Ipaliwanag.

3. Ano ang kahalagahan ng pagmamahalan at paglilingkod ng bawat tao sa


isa’t isa bilang kabahagi ng lipunan? Ipaliwanag.
Pagtataya:
Piliiin ang letra ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod na pahayag ay mga pakahulugan sa Kontemporaryong Isyu


maliban sa;
A. Nagmula sa salitang Medieval Latin na “contemporaries”
B. Kasalukuyan o Nabubuhay
C. Moderno, Uso o Napapanahon
D. Nakalipas o May kalumaan
2. Sinasabing ang Isyu ay mga paksa, tema o suliraning nakakaapekto sa lipunan,
samakatuwid;
A. Ito ay napag-uusapan
B. Nagiging batayan ng debate
C. May epekto sa pamumuhay ng tao sa lipunan
D. Laging negatibo
3. Kapag ang mga pangyayari ay bumabagabag o gumagambala at nagpapabago sa
kalagayan ng ating pamayanan, bansa, o mundo sa kasalukuyang panahon ito ay
tinatawag na;
A. Kontemporaryong Isyu
B. Kontemporaryong Kalikasan
C. Kontemporaryong Kasaysayan
D. Kontemporaryong Daigdig
4. Nararapat na ang mga Kontemporaryong Isyu ay may kaugnayan sa mga temang
sumusunod maliban sa;
A. Kapaligiran B. Pagkain C. Lipunan D. Edukasyon
5. Ang mga sumusunod ay patungkol sa Isyung Panlipunan maliban sa;
A. Pampublikong Usapin
B. Nakakaapekto sa lipunan
C. Nagaganap sa isang Indibiduwal
D. Sumasalamin sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan
6. Ang mga sumusunod ay patungkol sa Isyung Personal maliban sa;
A. Ang solusyon ay nasa kamay ng indibiduwal
B. Pampublikong bagay
C. Pribadong bagay na dapat solusyunan sa pribadong paraan
D. Nagaganap sa isang tao at ilang malalapit sa kanya
7. Naglalarawan ito sa panahon mula ika-20 dantaon hanggang sa kasalukuyan na
naaalala pa ng mga tao sa ngayon.
A. Kontemporaryong Kasaysayan C. Kontemporaryong Kalikasan
B. Kontemporaryong Orihinal D. Kontemporaryong Daigdig
8. Tumutukoy ito sa panahon mula sa pagitang ng ika-20 dantaon hanggang sa
kasalukuyan.
A. Kontemporaryong Kasaysayan C. Kontemporaryong kalikasan
B. Kontemporaryong Malaya D. Kontemporaryong daigdig
9. Ang mga sumusunod ay sanggunian tungkol sa Kontemporaryong Isyu, maliban sa;
A. Internet B. Awit C. Saksi D. Dokumento
10.Ayon kay C.Wright Mills(1959), ang kakayahang malinang na Makita ang kaugnayan
ng mga personal na karanasan ng isang tao at ang lipunang kanyang ginagalawan ay
tinatawag na;
A. Social Inquiry B. Social Studies C. Social Distancing D. Social
Imagination
11.Ang mga sumusunod ay mga kahalagahan ng pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu
maliban sa;
A. Nasusuri at natataya ang ugnayan ng sanhi at epekto ng pangyayari.
B. Nagkakaroon ng malalim na pag-unawa sa sama-samang pagkilos at pagtugon sa mga
pandaigdigang suliranin.
C. Nagkakaroon ng iba’t-ibang paniniwala at pananaw kahit ito ay naiiba o salungat sa
sariling paniniwala.
D. Nalalaman ang mga pangyayari sa loob at labas ng bansa subalit ito’y pinagwawalang
bahala.

12.Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng Kontemporaryong Isyu maliban sa;


A. LGBT Rights B. FB Hacking C. Anti-Terrorism Bill D. Generic Medicine
13.Alin sa mga sumusunod ang dahilan ng pagtaas ng unemployment rate sa Pilipinas?
A. Hindi natutupad ng institusyon ng edukasyon at ekonomiya ang kanilang tungkulin.
B. Bunga ito ng pagkukulang ng iba’t-ibang institusyong panlipunan.
C. Dahil sa mababang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng mga manggagawang
Pilipino.
D. Hindi pagganap ng pamahalaan sa kanyang tungkuling mabigyan ng solusyon ang
suliranin sa unemployment sa Pilipinas.
14.Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng Kontemporaryong Isyu?
A. Makabuluhan C. Wala pang solusyon
B. Pangkasalukuyan D. Malawakang benepisyo
15.Sa pag-aaral ng Kontemporaryong Isyu nalilinang ang mga sumusunod na katangian
upang maging mabuting mamamayan maliban sa isa. Ano ito?
A. Kaalaman sa sariling karapatan at tungkulin bilang mamamayan
B. Pag-unawa sa iba’t-ibang aspekto ng mga suliraning pangkapaligiran
C. Pagpapabaya sa kapaligiran
D. Pagpapahalaga sa sama-samang pagkilos

Karagdagang Gawain:
I. Mula sa pagpipilian sa ibaba ikaw ay inaasahang kakalap ng isang balita
(kontemporaryong isyu).

A. MAKINIG NG RADYO
B. MANUOD NG TV
C. MAGBASA NG PAHAYAGAN
II. Mula sa nakalap na balita (Kontemporaryong Isyu), Itala kung saang Istasyon ito
napanuod/napakinggan o kung anong Pahayagan ang pinagkuhanan. Isulat ang
petsa kung anong araw ito napanuod, napakinggan o nabasa.
Balita: _________________________________________________
Pangalan ng Istasyon/ Pahayagan: ______________________
Petsa: __________________________________________________

III. Batay sa nakalap na Kontemporaryong Isyu, Suriin kung;


A. Ito ba ay Isyung Personal o Isyung Panlipunan

B. Ano ang epekto nito sa iyo bilang mag-aaral

C. Ano ang epekto nito sa pamayanan at bansa

D. May magagawa ka bang solusyon o kontribusyon sa bagay na ito? Ano ito?


Araling Panlipunan 10: First Quarter, Module 2, Week 2
Aralin 1: Suliranin sa Solid Waste
Kaysarap pagmasdan ang malinis na kapaligiran. Ang mga taong abala sa
pagwawalis ng daan at kanal.Makikita mo ang pagmamahal nila sa
kalikasan.Maraming paraan upang maipamalas mo ang pagmamalasakit sa
kapaligiran.May magagawa ka sa simpleng paraan.
Sa araling ito, bibigyang kahulugan kung ano solid waste. Tatalakayin din nito
ang mga epekto sa kalusugan at kapaligiran ng suliranin sa solid waste at ang mga
hakbang ng pamahalaan sa kasalukuyan upang ito ay malunasan.
Gawain 1:
Panuto: Tukuyin kung ang pahayag ay isyung personal o isyung panlipunan.
1. Ano ba yan! Wala kaming internet connection sa bahay para mag-aral.
2. Malakas ang ulan na nagdulot ng pagbaha sa maraming lansangan.
3. Walang sariling sasakyan ang pamilya mo kaya naglalakad lamang ang iyong
Ina sa tuwing pupunta ng palengke sa panahon ng Enhanced Community
Quarantine.
4. Ang mga COVID-19 frontliners ay nagbubuwis ng buhay sa pandemyang ito
upang magligtas ng higit na maraming buhay ng tao.
5. Wala namang nakatingin, itapon ko na lang ang balat ng kendi dito maliit lang
naman.
Ano nga ba ang Solid Waste?
Ang solid waste ay tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at
komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na
nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason (Official
Gazette,2000). Samakatuwid lahat ng nakikita nating kalat sa ating paligid ay
masasabing solid waste. Ayon sa pag-aaral ni Oliveira at mga kasama (2013), ang
Pilipinas ay nakalikha ng 39,422 tonelada ng basura kada araw noong taong 2015.
Halos 25% ng mga basura ng Pilipinas ay nanggagaling sa Metro Manila kung saan
ang isang tao ay nakalilikha ng 0.7 kilong basura araw-araw. Mas mataas ito ng 130%
kaysa sa world average (National Solid Waste Management, 2016). Nagmumula sa mga
tahanan ang malaking bahagdan ng itinatapong basura ng mga Pilipino na mayroong
56.7%. Samantalang pinakamalaki naman sa uri ng tinatapong basura ay iyong
tinatawag na bio-degradable na may 52.31% (National Solid Waste Management
Status Report, 2015).
Ayon sa mga pag-aaral, dalawa ang uri ng basura o solid waste: ang mga
nabubulok at di-nabubulok. Ang mga tirang pagkain,pinagwalisan,mga pinagbalatan
ng prutas at gulay ay halimbawa ng mga basurang nabubulok o biodegradable
waste.Ang mga basurang di-nabubulok o non-biodegradable waste naman ay
maaaring hatiin sa tatlo:recyclable,residual at special waste.Ang mga basurang
recyclables ay mga bagay na itinuturing ng basura ngunit maaari pang magamit sa
ibang paraan gaya ng mga lumang damit na ginagawang basahan.Ang mga residual
waste naman ay mga uri ng basurang hindi na magagamit pa sa kahit na anong
paraan gaya ng baterya.Kabilang naman sa special waste ang mga sirang
cellphone,computer at ang ilan ay itinuturing na hazardous waste o
mapanganib,halimbawa nito ay mga ginagamit sa mga ospital na syringe,dextrose at
iba pa.

Bakit nga ba mayroong problema sa basura o sa solid waste?


Maraming dahilan bakit malaki ang problema ng Pilipinas sa solid waste. Sa
patuloy na paglaki ng bilang ng populasyon, tumataas din ang porsyento ng basurang
nadudulot nito. Halimbawa ikaw, paano ka nagtatapon ng basura? Mapapansin na sa
tuwing umuulan ay kasamang tumataas sa tubig baha ang mga basurang naitatapon
sa mga kalsada at daluyan ng tubig gaya ng mga kanal na nagdadala ng sakit .Sa mga
katubigang gaya ng mga ilog at dagat makikita ang iba’t ibang uri ng basura dahil sa
kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura. May ilan na nagsusunog ng basura na
nakakadagdag pa ng polusyon sa hangin.Ang hindi maayos na dumpsite o tambakan
ng basura ay isa din sa itinuturong dahilan ng malalang problema sa basura.Minsan
ng napabalita na nagkaroon ng trahedya sa tambakan ng basura sa Payatas dumpsite
noong taong 2000 ng gumuho ang bundok ng basura dahil sa malakas na ulan na na
tumabon sa maraming bahayan at sinundan pa ito ng sunog kung saan maraming
namatay.Ang buhay at kalusugan ng mga waste pickers ay maaaring manganib dahil
sa sakit na maaaring makuha sa mga tambakan ng basura maliban pa sa posibilidad
na maaaring maulit ang trahedya.
Paano nga ba sinosolusyunan ng pamahalaan ang suliranin sa solid waste?
Marahil ay naisip mo na ang suliranin sa solid waste ay nagmumula sa
tahanan kaya’t sa tahanan din natin dapat magsimula ang solusyon. Tama ka.
Ipinatutupad ng pamahalaan ang Republic Act 9003 o kilala bilang Ecological
Solid Waste Act of 2000 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t ibang desisyon
at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa (Official Gazette,2000). Isa sa mga
naging resulta ng batas ay ang pagtatayo ng mga Materials Recovery Facility (MRF)
kung saan isasagawa ang waste segregation bago dalhin ang nakolektang basura sa
mga dumpsite. Maraming barangay ang tumugon sa kautusang ito, sa katunayan
mula sa 2,438 noong 2008 ay tumaas ang bilang ng MRF sa 8,656 noong 2014
(National Solid Waste Management Status Report, 2015).
Noong nakaraang taon(2019) ay naipalabas sa GMA 7 –Unang Hirit ang
pagtataguyod ng pamahalaang lungsod sa Solid Waste Management lalo na ang Balik
Basket at Bayong Program, at No to Single-Use Plastic na malawakang ipinatutupad
sa lungsod. Maliban sa dalawang programang nabanggit,sa 25 barangay ay naging
prayoridad ang pagkakaroon ng mga MRFna umabot maging sa mga
paaralan.Nagkaroon din ng “Trashformer Junk Fair” sa Plaza Mayor de Balanga na
nilahukan ng mga paaralang elementarya at sekundarya ng siyudad kung saan mula
sa mga plastic na bote ay nakabuo sila ng mga robot na laruan,ang mga gulong ay
ginawang upuan at iba pa.Binigyang pagkilala ng siyudad ang pinaka natatanging
likha ng paaralan na nagpakita ng pagiging Eco-friendly (COB News
Network).Makikita din ang malawak na pagpapatupad ng siyudad sa RA 9003 higit sa
mga barangay nito. Mayroong araw ng pangongolekta ng basura para sa mga
nabubulok at hindi nabubulok. Mula sa mga tahanan ay kailangang paghiwa-
hiwalayin na ang mga basura bago pa man ito kolektahin ng mga garbage collector sa
bawat barangay. Ito ay dahil sa pagpapatupad ng “No Segregation, no Collection
Policy.”
Mayroon ding suporta na nanggagaling sa mga NGO upang mabawasan ang suliranin
sa solid waste sa Pilipinas. Ilan sa mga ito ay sumusunod:
 Mother Earth Foundation - tumutulong sa pagtatayo ng MRF sa mga barangay.
 Clean and Green Foundation- kabahagi ng mga programa tulad ng Orchidarium
and Butterfly Pavilion, Gift of Trees, Green Choice Philippines, Piso Para sa Pasig, at
Trees for Life Philippines(Kimpo, 2008).
 Bantay Kalikasan – paggamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa
suliraning pangkapaligiran. Nanguna sa reforestation ng La Mesa Watershed at sa
Pasig River Rehabilitation Project.
 Greenpeace – naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw ng tao sa pagtrato at
pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan
Maging ang mga malalaking negosyo ay tumutulong din sa paglutas ng
suliranin sa solidwaste.Ang Unilever Philippines’ “Project Eliminate” ay nakapagbawas
ng 50% ng kanilang basura ayon sa kompanya, samantalang ang Nestlé Philippines’
“Waste to Resource” ay ipinatupad sa kanilang produkto at ang huli ay ang Coca-cola
Bottlers Philippines’ “Give a Can, Give a Hope” na programang tumutulong sa
Tahanang Walang Hagdanan .
Sa kabila ng mga batas at programa ng pamahalaan ay patuloy pa rin ang
problema sa solid waste ng Pilipinas.Kung ang simpleng balat ng kendi na hawak mo
at ng ibang tao ay kayang ilagay sa tamang basurahan, maiiwasan natin ang
malaking problema na dulot ng solid waste.Disiplina at pagtutulungan ang kailangan
natin upang mabawasan kundi man malunasan ang malaking suliranin sa solid
waste. Hindi ito kaya mag-isa ng pamahalaan, kailangan nito ang tulong at pakikiisa
natin. Batid ko na kaya mong makatulong ng malaki sa simpleng bagay lamang at
umaasa akong magagawa mo ito.

Gawain 3:
Punan ng tamang sagot ang talahanayan batay sa iyong natutuhan sa suliranin sa
solid waste sa Pilipinas.
Sulirani Sanhi Bunga Mga Solusyong
n Ginagawa

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang pangunahing sanhi ng suliranin sa solid waste?
2. Paano ito nakaaapekto sa ating pamumuhay?
3. Paano ka makatutulong upang mabawasan ang suliranin sa solid waste?

Gawain 4:
Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B upang mabuo ang ugnayan ng sanhi at
bunga.
Hanay A Hanay B
1. Pagtatapon ng basura kung A. Maiiwasan ang pagbaha at sakit
saan saan lamang B. Maaaring magbara ang mga
2. Hindi maayos na tambakan ng daluyan ng tubig tulad ng kanal
basura na maaaring magdudulot ng
3. Tamang paghiwa-hiwalay ng pagbaha
basura C. Maaaring manganib ang buhay
4. Pakikilahok sa mga proyektong ng mga tao
pangkalikasan D. Polusyon sa hangin
5. Pagsusunog ng basura E. Maayos na pamayanan

Gawain 5:
Panuto: Isulat kung ang pahayag ay SANHI, BUNGA O SOLUSYON sa suliraning sa
solid waste.
1. No segregation,no collection policy
2. Malawakang pagbaha
3. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura
4. Pagbabawas sa paggamit ng plastic
5. Pagkakaroon ng mga sakit gaya ng diarrhea,leptospirosis at iba pa
Gawain 6:
Panuto: Sundin ang panuto sa ibaba para sa gawain.
1. Sa gawaing ito kakailanganin mo ng Krayola (berde, pula, asul at itim).
2. Kulayan ng berde ang basurahan para sa nabubulok, pula naman ang
basurahan para sa mga pwede pang gamitin o recyclables, asul na
basurahan para sa residuals at itim naman para sa mga special waste.
3. Magbigay ng dalawa hanggang tatlong halimbawa ng basurang dapat na
ilagay sa bawat basurahan. Isulat ito sa ibaba ng bawat larawan.

TANDAAN: Ang solid waste ay basurang nakikita mo saan ka man lumingon.


Ito ay maaaring nabubulok, recyclables, special o residual. Ang pinakamalaking
porsyento nito ay nagmumula sa mga tahanan at ito ay mga nabubulok. Ang suliranin
sa solid waste ay hindi solong responsibilidad ng pamahalaan, mahalaga ang
pakikipagtulungan ng mga mamamayan upang maging matagumpay ang lahat ng
programa na makakatulong upang malunasan ito.
Gawain 7:
Magsagawa ng isang panayam sa iyong kapamilya (nanay, tatay, o sinumang
kasama sa bahay) kung paano ninyo sinusuportahan ang programa ng pamahalaan
sa basura o solid waste at kung ano ang mga epekto nito sa pamilya mo at sa
kapaligiran.
Bibigyan ng marka ang iyong sagot ayon sa sumusunod na pamantayan sa
rubric na makikita sa ibaba.
Pamantayan Lubos na Mahusay Hindi Gaanong Hindi Mahusay
Mahusay (3) Mahusay (2) (1)
(4)
Nilalaman Wasto at May ilang mali o Karamihan sa Mali at hindi
15% makatotohanan hindi mga totoo ang mga
ang lahat ng mga makatotohanan impormasyong impormasyong
impormasyong sa mga nailahad ay inilahad
inilahad impormasyong mali o hindi
inilahad totoo
Kasanayan Napakaayos at Maayos ang Kulang sa Walang
25% organisado ang paglalahad kaayusan ang kaayusan o
paglalahad paglalahad magulo ang
paglalahad
Pang-unawa Napakalinaw at Malinaw at Maraming Malabo ang
30% nauunawaan ang nauunawaan bahagi ang pahayag
mga pahayag ang mga hindi
pahayag nauunawaan sa
pahayag
Paglilipat ng Sobrang Nakakahikayat May ilang Hindi
Pang-unawa nakakahikayat ang mga bahagi ang nakakahikayat
sa mga ang mga ipinahahayag na nakakahikayat ang mga
Sitwasyon ipinahahayag na gawain sa mga ipinapahayag
(30%) gawain ipinapahayag na gawain
na gawain

Araling Panlipunan 10: First Quarter, Module 2, Week 3


Ang Pagkasira ng mga Likas na Yaman

“Kayganda ng Pilipinas” ito ay mula sa isang awitin na hindi natin


mapapasubalian dahil ito ay may katotohanan. Ang kagandahan ng bansang Pilipinas
ay masasalamin sa likas na yaman nito na dinarayo ng mga turista mula sa iba’t
ibang panig ng mundo. Ngunit nakakalungkot isipin ang unti unting pagkasira nito
dahil sa mga kalamidad at maling gawain ng tao, kabilang na ang epekto ng suliranin
sa solid waste na nauna ng tinalakay.
Ipapakilala ng araling ito ang iba pang gawain ng tao na nakakasira sa likas na
yaman at ang mga ginagawa ng pamahalaan upang pangalagaan ang kapaligiran sa
kasalukuyan.
Gawain 1:
Panuto: Isulat ang tsek (/) kung ang gawaing nakasaad ay nakakatulong sa paglutas
ng problema sa solid waste o basura at ekis (x) naman kung hindi.
1. Pagpapatupad ng “No Segregation, No Collection Policy.”
2. Pagpapagawa ng mga dumpsite malapit sa mga bahayan
3. Pagpapatayo ng mga Material Recovery Facility
4. Paghihigpit sa pagpapatupad ng Ecological Solid waste Act of 2000 (RA9003)
5. Ibulsa muna ang maliit na kalat kung walang mahanap na basurahan.
Gawain 2:
Panuto : Suriin at pag-aralan ang larawan. Magbigay ng maikling sagot sa
bawat tanong.

1. Ano ang iyong naisip ng makita mo ang larawan?


___________________________________________________________________.
2. Bakit ito ang naisip mo? ___________________________________________.
3. Paano kaya maiiwasan ang kalagayan ng kalikasan na nasa larawan?
___________________________________________________________________.

Mayaman ang Pilipinas sa likas na yaman nito. Ano nga ba ang ibig sabihin ng
likas na yaman? Ang likas na yaman ay lahat ng makikita mo sa iyong paligid na
hindi gawa ng tao, ito ay gawa ng kalikasan at regalo ng Diyos sa atin.
May apat na uri ng likas na yaman; yamang lupa, yamang tubig, yamang gubat
at yamang mineral. Ang bawat likas na yaman na ito ay nagbibigay ng malaking
pakinabang sa tao. Ang lahat ng naitatanim nating halaman: namumulaklak,
namumunga at hindi ay mga yamang lupa. Ang mga yamang lupa ay nagmumula sa
anyong lupa. Ang mga yamang tubig naman ay lahat ng nakukuha mula sa anyong
tubig gaya ng ilog, lawa, at dagat. Ang lahat ng bagay at hayop na matatagpuan sa
kabundukan ay kabilang sa yamang gubat. Ang yamang mineral naman ay ang mga
namimina mula sa ilalim ng lupa gaya ng ginto at iba pang mineral.
Sa kabila ng napakaraming pakinabang na nakukuha ng tao sa likas na yaman
ay ganun din naman kalaki ang kinakaharap na suliranin sa pagkasira ng likas na
yaman.
Ang yamang lupa na dapat ay taniman ng magagandang halamang
namumulaklak at namumunga ay ginagawang tambakan ng basura at mga
subdibisyon upang maging tirahan ng lumalaking populasyon. Maraming pabrika at
shopping malls ang unti unting nakikita sa dating mga taniman ng palay. Maging ang
mga gilid ng kabundukan ay napapatag upang palaparin ang mga daanan kaya hindi
naiiwasan ang pagkakaroon ng mga landslide. Ang mapang-abusong paggamit sa
likas na yaman ay nagdudulot ng polusyon sa lupa, tubig at hangin. Ang pagsasagawa
ng sistemang kaingin ay nagdudulot ng malawakang pagkasunog ng kagubatan at
pagkamatay ng mga hayop. Ayon sa Department of Environment and Natural
Resources, lumabas sa ulat ng National Economic Development Authority (2011),
tinatayang mayroong 8.14 milyong kabahayan at industriya ang gumagamit ng uling
at kahoy sa kanilang pagluluto at paggawa ng produkto, ang mataas na demand sa
uling at kahoy ay nagiging dahilan ng pagputol ng mga puno sa kagubatan.
Ang illegal na pagmimina, pagkakaingin at pagtotroso ay nagdudulot ng
pagkakalbo ng kagubatan o deforestation. Ang patuloy na deforestation ay
nangangahulugan ng pagliit ng bahagdan ng makukuhanan ng pangangailangan ng
tao at pagliit din ng lugar panirahan ng mga hayop.
Ang ating yamang tubig ay nahaharap din sa krisis.Ang paggamit ng
dinamita,cyanide at pagsasagawa ng muro-ami ay nagdudulot ng malaking pinsala sa
yamang tubig.Maraming maliliit na isda ang namamatay at nasisira ang mga coral
reefs .Sa isang balita sa telebisyon kamakailan lamang, malawakan ang ginawang
pagputol at pagsunog sa mga puno ng bakawan. Ang mga bakawan ay nagsisilbing
tirahan ng mga lamang dagat gaya ng hipon, talaba at marami pang iba. Nagsisilbi
ring panangga sa malakas na alon ang mga puno ng bakawan.
Maraming batas at programa ang isinagawa ng Pilipinas mula sa
pagtutulungan ng pamahalaan at iba’t ibang sektor ng lipunan upang mapangalagaan
ang likas na yaman. Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod;
2004 – Proclamation No.643
- hinakayat ang partisipasyon ng lahat ng ahensya ng gobyerno,
pribadong sektor, paaralan, NGO, at mga mamamayan upang
makihalok sa tree planting activities. Idineklara ang June 25 bilang
Philippines Arbor Day
2011- Executive Order No. 23
- nagdeklara ng moratorium (isang legal na kautusan upang ihinto ang
isang gawain) sa pagputol ng puno sa natural at residual na
kagubatan. Ipinag-utos din ang paglikha ng anti-illegal logging task
force.
2015 – Executive Order No. 193
- idineklara ang pangangailangan sa pagtutulugan ng iba’t ibang
ahensya ng pamahalaan para sa National Greening Program
Sa kasalukuyan maraming programa upang mapanumbalik ang kagubatan at
kalinisan ng yamang tubig. Taun-taon nagkakaroon ng International Coastal Clean Up
Day at National Greening Program. Maraming bayan at munisipalidad ang
nakikilahok sa mga gawaing nabanggit. Halimbawa sa siyudad ng Balanga,tuwing
nagkakaroon ng coastal clean up ito ay nilalahukan ng lahat ng mamamayan kahit na
ng mga estudyante pa lamang. Nagkakaroon din ng Barangay Clean-Up Drive upang
malinis ang mga basurang nagkalat sa daan at bumabara sa mga daluyan ng tubig.
Aktibo din sa pakikilahok sa mga programa ng pamahalaan para sa kalikasan
ang mga Non-Government Organization gaya ng Mother Earth Foundation na
nangunguna sa pagsasagawa ng Earth Hour kada taon, Bantay Kalikasan at Haribon
Foundation.
Mahigpit ang kampanya ng pamahalaan sa pamumuno ng Department of
Environment and Natural Resources upang mapangalagaan ang likas na yaman ng
bansa.May karampatang parusa ang mga nahuhuling sumisira at nang aabuso sa
paggamit ng kalikasan.
Ang pagkasira ng likas na yaman ay nakakapagpalala sa epekto ng mga
kalamidad na ating nararanasan gaya ng bagyo. Hindi ito simpleng problema lamang.
Muli, ang pagkakaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura at sa iba pang bagay ay
napakahalaga upang masagip ang nanganganib ng maubos na likas na yaman ng
bansa. Kabalikat ng pamahalaan ang bawat isa sa pagharap sa mga suliraning ito.

Gawain 3:
Panuto: Bumuo ng isang slogan tungkol sa pagmamalasakit at tamang pangangalaga
ng likas na yaman ng Pilipinas.
Bibigyan ng marka ang iyong sagot ayon sa sumusunod na pamantayan sa rubric na
nasa ibaba.
Pamantayan Lubos na Mahusay Hindi Gaanong Hindi Mahusay
Mahusay (3) Mahusay (2) (1)
(4)
Nilalaman Mahusay na Hindi gaanong Medyo magulo Walang
15% naiparating ang naiparating ang ang mensahe mensaheng
mensahe mensahe naiparating
Kasanayan Napakaayos at Maayos at Maayos ngunit Hindi maayos
25% napakalinis ang malinis ang hindi gaanong at malabo ang
pagkakasulat sa pagkakasulat sa malinis ang pagkakasulat
mga letra mga letra pagkakasulat sa sa mga letra
mga letra
Pang-unawa May malaking Walang gaanong Kaunti lang ang Walang
30% kaugnayan sa kaugnayan sa kaugnayan ng kaugnayan ang
paksa ang slogan paksa ang slogan slogan sa paksa slogan sa
paksa
Paglilipat ng Nakahihikayat ng Nakahihikayat Bahagyang Hindi
Pang-unawa sa lubos ang slogan ang slogan nakahihikayat nakahihikayat
mga Sitwasyon ang slogan ang slogan
(30%)
Gawain 4:
Panuto: Magbigay ng maikling sagot sa tanong sa ibaba.
Base sa araling tinalakay, ano ang mabisang paraan upang maiwasan ang
lubusang pagkasira ng likas na yaman ng Pilipinas? Ipaliwanag ang sagot.
Gawain 5:
Panuto: Bumuo ng konklusyon kung bakit nasisira ang pinagkukunang yaman ng
Pilipinas at ano ang magagawa mo bilang mamamayan upang makatulong na masagip
ang likas na yaman ng bansa. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
Bibigyan ng marka ang iyong sagot ayon sa sumusunod na pamantayan sa
rubric na makikita sa ibaba.
Pamantayan Lubos na Mahusay Mahusay Hindi Gaanong Hindi Mahusay
(4) (3) Mahusay (2) (1)
Nilalaman Wasto at May ilang mali Karamihan sa Mali at hindi
15% makatotohanan o hindi mga totoo ang mga
ang lahat ng mga makatotohana impormasyong impormasyong
impormasyong n sa mga nailahad ay mali inilahad
inilahad impormasyong o hindi totoo
inilahad
Kasanayan Napakaayos at Maayos ang Kulang sa Walang
25% organisado ang paglalahad kaayusan ang kaayusan o
paglalahad paglalahad magulo ang
paglalahad
Pang-unawa Napakalinaw at Malinaw at Maraming bahagi Malabo ang
30% nauunawaan ang nauunawaan ang hindi pahayag
mga pahayag ang mga nauunawaan sa
pahayag pahayag
Paglilipat ng Sobrang Nakakahikayat May ilang bahagi Hindi
Pang-unawa nakakahikayat ang ang mga ang nakakahikayat
sa mga mga ipinahahayag ipinahahayag nakakahikayat sa ang mga
Sitwasyon na gawain na gawain mga ipinapahayag
(30%) ipinapahayag na na gawain
gawain

Aralin 3: Ang Climate Change

Nararamdaman mo ba ang lakas ng ulan ngayon? Ang matinding sikat ng


araw? Ang mga ito ay dahil sa nagbabagong panahon. Sa mga nakaraang aralin
tinalakay ang kawalang disiplina ng tao sa pagtatapon ng basura kaya may suliranin
ang Pilipinas sa solid waste. Malaki rin ang problema ng bansa dahil sa pagkasira ng
malaking porsyento ng ating likas na yaman.
Sa araling ito, pagtutuunan ng pansin ang tungkol sa climate change na isa sa
pinakamalalang epekto ng mga gawain ng tao na tinalakay sa dalawang naunang
aralin. Tutukuyin ang mga dahilan at epekto ng climate change sa tao at sa
kapaligiran. Tatalakayin din ang mga programa at patakaran ng Pilipinas tungkol sa
climate change.
Gawain 1:
Panuto: Isulat ang salitang “Likas” kung ang pahayag ay nagsasaad ng malasakit sa
likas na yaman at “Sakit” naman kung hindi.
1. Pakikiisa sa Barangay Clean Up Drive
2. Pagpapalakas ng kampanya laban sa illegal na pagpuputol ng puno
3. Pagiging smoke free ng lugar
4. Pagsasagawa ng 3R’s sa solid waste; reduce,reuse at recycle
5. Paninira ng mga tanim na halaman
Gawain 2:
Masdang mabuti ang larawan at sagutin ang mga tanong sa ibaba.
1. Ano ang nakikita mo sa larawan?
2. Bakit kaya nangyayari ang nasa larawan?

Bakit itinuturing na isang malaking isyung pangkapaligiran ang climate change?


Ang climate change ay ang pagbabago ng panahon o klima. Ito ay maaaring
isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o napapalala dulot ng
gawain ng tao. Isa sa sinasabing dahilan nito ay ang patuloy na pag-init ng daigdig o
global warming dahil sa mataas na antas ng konsentrasyon ng carbon dioxide na
naiipon sa atmosphere. Ang mga polusyong dala ng usok ng mga pabrika at sasakyan,
pagsusunog ng plastic at iba pang basura, pagkakaingin at ang malawakang
pagkakalbo ng mga kagubatan dahil sa pagpuputol ng mga puno ang ilan sa mga
itinurong dahilan ng climate change.
Ang climate change ay maaaring magdulot ng pagbabago sa tagal at haba ng
pag-ulan at tag-init. Sinasabing nararanasan na natin ang epekto ng pagbabago ng
panahon. Ang halimbawa nito ay ang pagkatunaw ng yelo sa Arctic at Antarctic dahil
sa tindi ng init ng temperatura ng mundo.
Ayon sa mga eksperto maaari itong magdulot ng maraming bagyo, matitinding
pagbaha o La Niña at tagtuyot o El Niño. Ang mga lugar na dating hindi binabaha
tuwing tag- ulan ay maaaring makaranas ng baha dahil sa tindi at dami ng tubig na
dala ng pag-ulan. Mapapansin din na ang mga lugar na hindi naman madalas daanan
ng bagyo gaya ng katimugang bahagi ng Pilipinas ,ngayon ay madalas ng makaranas
ng bagyo.Ang Baguio City na itinuturing na Summer Capital of the Philippines dahil
sa lamig ng temperatura nito ngayon ay may mainit na panahon na din. Maging ang
Tagaytay na isa pang puntahan ng turista dahil sa mahalumigmig na simoy ng hangin
ay nakakaranas na rin ng mataas na temperatura lalo na ngayong apektado pa ito ng
pagputok ng Bulkang Taal. Malaki ang kinalaman ng climate change sa mga natural
na kalamidad na ating nararanasan maliban sa bagyo at pagbaha, ang mga bulkan na
dati’y nananahimik ngayon ay unti-unting nagpaparamdam ng kanilang presensya.
Unang-una dito ang naganap na pagputok ng Bulkang Taal noong nakaraang taon na
maraming napinsalang ari-arian at buhay ng tao. Ang Bulkang Mayon kamakailan ay
nagbuga ng puting usok sa perpektong kono nito kaya isa na rin sa mga
binabantayang bulkan na maaaring pumutok anumang oras.
Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sönke, Eckstein, Dorsch, &
Fischer, 2015), naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na
pinakanaapektuhan ng Climate Change. Ito ay dahil mas lumalakas, dumadalas, at
nagiging unpredictable ang pagkakaroon ng mga natural na kalamidad tulad ng
bagyo, pagbaha, at malalakas na ulan na nararanasan sa Pilipinas dahil sa climate
change.
Sino ba ang mga naaapektuhan ng climate change? Ayon sa mga eksperto
lahat tayo ay apektado ng climate change, mayaman man o mahirap na bansa.Ang
mayayamang bansa ang pinakamalaking carbon dioxide emitter samantalang ang
mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas ay konti lng ang kontibusyon dito.Ngunit dahil
may panlaban ang mayayamang bansa sa epekto ng climate change kaya hindi nila
gaanong nararamdaman ang epekto nito,hindi gaya ng mahihirap na bansa na walang
pambili ng teknolohiya upang labanan ang epekto ng climate change. Sa Pilipinas, ang
pinakaapektado ay ang mga taong ang kabuhayan ay umaasa sa kalikasan gaya ng
pagsasaka at pangingisda.
Anu-ano ba ang epekto ng climate change? Ang climate change ay
nakakaapekto sa pang-araw-araw nating pamumuhay.Ang mabilis na pagbabagu-
bago ng panahon ay nagdudulot ng iba’t ibang sakit na ang higit na apektado ay ang
mga mahihirap ang buhay.Kabilang sa mga sakit na ito ang heatstroke,sunburn at
kanser sa balat.Tumataas din ang mga kaso ng mga sakit na
dengue,malarya,leptospirosis,pagtatae at iba pang respiratory diseases gaya ng ubo at
sipon na sinasabing mga palatandaan ng pandemyang ating nararanasan,ang COVID
19.
Ang sobrang pag-ulan at pag-init ng panahon dahil sa climate change ay
nakakasira sa ating kapaligiran. Kung sobra ang ulan,bumabaha ,nagaganap ang La
Niña.Nalulunod ang mga pananim at mga hayop kapag may La Niña. Kung sobra
naman ang init ng panahon nagaganap ang El Niño.Kapag may El Niño natutuyo ang
lupa,namamatay ang mga halaman at hayop dahil sa kakulangan sa
tubig.Samakatuwid nanganganib ang suplay ng pagkain ng bansa kung magpapatuloy
ang masamang epekto ng climate change at maaaring maraming mamatay na tao
dahil na rin sa mga kalamidad na dala nito gaya ng flashflood,storm surge at pagguho
ng lupa. Dahil sa tumitinding init ng araw maaaring mapadalas ang mga forest fires,
at magpatuloy ang pagkalusaw ng yelo sa mga rehiyon sa daigdig na mayroon
nito.Bumababaw ang ilang bahagi ng karagatan at nagaganap ang tinatawag na coral
bleaching sa ilalim ng katubigan.
Paano ba hinaharap ng pamahalaang Pilipinas ang suliranin sa climate
change?
Ang climate change ay suliranin ng buong mundo. Ang United Nations ang
namumuno sa mga programa at patakarang may kinalaman sa climate change.May
kanya-kanyang paraan ang bawat bansa upang harapin ito.Sa Pilipinas, ipinasa ng
kongreso ang Republic Act 9729 o Local Climate Change Action Plan (LCCAP) noong
2009.Ito ang nagbigay daan sa pagtatatag ng Climate Change Commission.Binuo rin
ang National Climate Change Action Plan noong 2012 para palakasin ang mga
programa laban sa climate change.
Ang pagsasagawa ng Earth Hour, Tree Planting, pagpapalakas sa 3R’s (Reduce
Reuse Recycle) sa solid waste management at coastal clean up ay malaki ang
magagawa upang pabagalin ang masamang epekto ng climate change. Hindi na natin
mapipigilan pa ang climate change, kung kaya’t ang mahalagang dapat gawin ay
maging handa tayo sa pagharap sa mga kalamidad na dulot nito.
Gawain 3:
PANUTO: Mula sa iyong obserbasyon at pagtataya sa epekto ng climate change
sa Pilipinas, nasa anong lebel na ang epekto nito? Lagyan ng CC ang hanay ayon sa
iyong pananaw tungkol dito at ipaliwanag kung bakit.

Naaapektuhan Napakatindi ng Hindi Gaanong Hindi Paliwanag


ng Climate Epekto Apektado Apektado
Change

Pamilya mo

Barangay
ninyo

Pilipinas

Daigdig

Gawain 4:
Panuto: Tukuyin kung ang mga sumusunod ay SANHI, EPEKTO o SOLUSYON ng
climate change.
1. Pagtitipid sa paggamit ng kuryente 6. Polusyon sa hangin
2. Pagdami ng mga sakit 7. Pagtatanim ng mga halaman
3. Paglilinis ng paligid 8. Pagdami ng mga sakit
4. El Niño 9.Maaksayang paggamit ng kuryente
5. Malalakas na bagyo 10. Paglilinis ng baybayin

Gawain 5:
Panuto: Punan ang patlang ng tamang sagot upang mabuo ang pangungusap.
1.Ang climate change ay isang likas na pangyayari sa kalikasan na nakakaapekto sa
pang-araw-araw nating ____________.
A. paggimik B. pamumuhay C. pangangapitbahay D.pag-iisip
2.Ang mga ____________na bansa ang higit na naaapektuhan ng climate change.
A. mahihirap B. mayayaman C. diktador D. demokratiko
3. Ang ____________ ang nangunguna sa mga polisiya at programang may kinalaman
sa climate change sa buong mundo.
A. Estados Unidos B. IATF C. ASEAN D. United Nations
4. Ang Republic Act 9729 o Local Climate Change Action Plan (LCCAP) ay ipinasa ng
kongreso ng Pilipinas noong 2009.Ito ang nagbigay daan sa pagtatatag ng
________________________.
A. Commission on Human Rights C. Climate Change Commission
B. Inter-Agency Task Force (IATF) D. Department of Health
5. Mahalaga ang pakikiisa ng mga _______ sa mga programa ng pamahalaan upang
mabawasan ang masamang epekto ng climate change.
A. Mamamayan B. NGO’s C. Manggagawa D. Frontliners
Gawain 6:
PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod:
1. “May ginagawa ang tao na nakakapagpalala sa epekto ng climate change.”
Ipaliwanag ang pahayag sa pamamagitan ng mga halimbawa.
______________________________________________________________________________
___________________________________________________________.

2. Ayon sa ulat ng United Nation, “2019 was the second warmest year on
record and the end of the warmest decade (2010- 2019) ever recorded.” Ano ang
ipinahihiwatig ng pahayag na ito?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________.
TANDAAN: Ang pagtutulungan ng mga mamamayan at ng pamahalaan ang
pinakamabisang solusyon sa mga suliraning pangkapaligirang ating nararanasan.

Gawain 7:
Panuto: Pag-aralang mabuti ang dayagram at sagutan ang katanungan sa ibaba.

CLIMATE CHANGE Base sa araling


tinalakay, ipaliwanag
Pamahalaan ang ugnayan ng mga
“Every
nasa dayagram.
Juan
Counts” Mamamayan

Pagtataya:
Panuto: Basahin at unawain ang tanong sa bawat bilang. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.
1. Ang mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersyal na establisimyento,
mga basura na makikita sa paligid, mga basura na nagmumula sa sektor ng
agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason ay tinatawag na solid
waste. Saan nagmumula ang pinakamalaking porsiyento ng itinatapong
basura ng bawat komunidad?
A. Industriya B. Institusyonal C. Komersyal D. Tahanan
1. Ang sumusunod ay mga dahilan bakit may suliranin sa solid waste ang
Pilipinas alin ang hindi kabilang dito?
i. Walang disiplina sa pagtatapon ng basura
ii. Climate change
iii. Hindi maayos ang tambakan ng basura
iv. Lumalaking populasyon
v. Polusyon sa hangin
A. i,ii B. ii,v C. iii,iv D. ii,iiii
2. Anong batas ang mahigpit na ipinatutupad ng pamahalaan upang malunasan
ang suliranin sa solid waste?
A. Ecological Solid Waste Act of 2000
B. Material Recovery Facility Act
C. Clean Air Act of 2000
D. Alay Linis
3. Paano tumutugon ang mga pamahalaang lokal sa suliranin sa solid waste?
i. Pagpapatupad ng curfew
ii. Paghihiwa-hiwalay ng nabubulok at di-nabubulok na basura
iii. Pagtatayo ng mga MRF
iv. Pagsusunog ng basura
v. Pagsasaayos ng mga dumpsite
A.i,ii,iv B. ii,iii,iv C. ii,iii,v D. i,iii,v
4. Anong programa ng pamahalaang lungsod ng Balanga ang nilahukan ng mga
paaralang elementarya at sekundarya kung saan naipakita hindi lang ang
husay at galing sa pagrerecycle ng mga mag-aaral, ngunit higit ang
pagmamahal sa kalikasan?
A. No Segregation No Collection C. Junkshop ng Bayan
B. Trashformer Junk Fair D. Gulayan sa BarangayC.
5. Alin sa mga sumusunod ang gawaing nakatutulong sa ating likas na yaman?
i. Pagkakaroon ng disiplina sa pagtatapon ng basura
ii. Pagtatanim ng gulay sa bakuran o kaya ay sa lata at paso
iii. Pagsama sa bird catching activities
iv. Paggamit ng papel,reusable, plastics at eco-bag
v. Pagpost sa social media ng larawang nagpapakita ng karahasan sa
alagang hayop
A. i,ii,iv B. ii,iii,iv C. iii,iv,v D. i,ii,iii
6. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng pagsasagawa ng National Greening
Program ng pamahalaan?
A. Paglilinis ng mga baybayin ng katubigan gaya ng ilog at dagat
B. Pagtatanim ng mga puno
C. Pagsasagawa ng feeding program
D. Pagkakaroon ng relief operations
7. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa climate change?
i. Dumadalang ang pagkakaroon ng malalakas na bagyo
ii. Nagkakaroon ng mas marami at mas malalakas na bagyo sa Pilipinas
iii. Higit na naaapektuhan ng climate change ang mayayamang bansa.
iv. Dahil sa sobrang init ng temperature ng mundo nagkakaroon ng
mahabang panahon ng tagtuyot o El Niño
v. May direktang epekto ang klima sa agrikultura
A.i,ii,iii B. ii,iii,iv C. iii,iv,v D. ii,iv,v
8. Sa 2016 edisyon ng Global Climate Risk Index (Sönke, Eckstein, Dorsch, &
Fischer, 2015), naitala ang Pilipinas bilang pang-apat sa sampung bansa na
pinakanaaapektuhan ng Climate Change.Alin sa mga sumusunod ang
itinuturong palatandaan nito?
A. Dumadalas,lumalakas at unpredictable ang mga natural na kalamidad na
dumarating sa Pilipinas
B. Wala na halos dumarating na kalamidad sa bansa
C. Naiiwasan na ang mga lumalaganap na sakit
D. Bumababa na ang polusyon sa hangin,lupa at tubig sa bansa
9. Ang mga sumusunod na gawain ay nakakapagpalala sa epekto ng climate
change, alin ang hindi kasama rito?
A. Pagsusunog ng basura
B. Paggamit ng gasoline ng mga sasakyan
C. Paglilinis ng paligid
D. Pag-aaksaya ng kuryente
10.Anong gawain ang isinasagawa kada taon na nilalahukan ng publiko at
pribadong sektor, higit ng mga nasa tahanan kung saan pinapatay ang mga
ilaw at iba pang mga kagamitang de-kuryente ng may isang oras tanda ng
pagmamahal at pansamantalang pagpapahinga ng mundo sa polusyong gawa
ng tao?
A. Clean and Green B. Earth Hour C. Coastal Clean Up D.
President’s Hour
11.Ang pagtatapon ng basura sa tamang basurahan, pagtatanim ng mga puno at
pagsugpo sa climate change ay mga gawaing nagpapakita ng pagiging______.
A. Maka Diyos B. Maka Tao C. Maka Bansa D. Maka Kalikasan
12.Ang mga gawain ng tao ang nagpapalala sa epekto ng climate change. Alin sa
mga sumusunod ang epekto ng climate change sa tao?
A. Pagdami ng peste sa mga pananim
B. Pagdami ng sakit na nararanasan ng tao
C. Pagkakaroon ng mg forest at grass fires
D. Coral bleaching sa ilalim ng dagat
13.Ang pandemyang COVID-19 ay kinatatakutan ng lahat dahil sa mabilis na
kumakalat ito hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Sa kabila
nito,may magandang dulot ang pandemyang ito sa ating kalikasan na
nakapagpabagal sa malalang epekto ng climate change lalo na sa Pilipinas.Alin
ang ilan sa mga epektong tinutukoy dito?
i. Paglalim ng mga karagatan dulot ng pagkatunaw ng yelo
ii. Pagliwanag ng kaulapan dahil nabawasan ang polusyon sa hangin na
dala ng mga pabrika at sasakyan
iii. Luminis ang mga daan at baybayin dahil limitado lamang ang mga taong
lumalabas ng bahay
iv. Nagkaroon ng pagkakataong yumabong ang mga halaman
A.i,ii,iii B. i,iii,iv C. ii,iii,iv D.i,ii,iv
15. Bakit mahalaga ang pagtutulungan ng iba’t ibang sektor sa pagsugpo sa mga
suliraning pangkapaligiran?
A. Kabalikat ang lahat sa pagsugpo sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran.
B. Malawak na suliranin ang mga isyung pangkapaligiran na nararapat
harapin ng iba’t ibang sektor sa lipunan.
C. Makababawas sa mga gastusin ng pamahalaan ang pagtulong ng iba’t ibang
sektor sa pagsugpo sa mga suliraning pangkapaligiran.
D. Mahihikayat ang maraming dayuhan na pumunta sa ating bansa kung
mawawala ang mga suliraning pangkapaligiran nito

Karagdagang Gawain:
Panuto: Gumupit o gumuhit ng mga larawang nagpapakita ng mga maaaring gawin
ng isang simpleng mamamayang tulad mo upang makatulong sa pamahalaan na
malunasan ang mga suliraning pangkapaligirang nararanasan ng iyong pamayanan.
Gamitin ang talahanayan sa ibaba.

Solid waste Likas na Yaman Climate change


Araling Panlipunan 10: First Quarter, Module 3, Week 4

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin ito ay ang:


 Aralin 1 – Disaster Management
 Aralin 2 - Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran
Sa katapusan ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng
panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran
2. Natatalakay ang dalawang uri ng approach na isinasagawa ng pamahalaan sa
pagharap sa panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran
3. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang maging handa sa harap ng
panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran
4. Napahahalagahan ang kabutihan ng pagiging handa sa harap ng panganib na
dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.

Panimulang Pagtataya:
Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ayon kay Abarquez at Zubair (2004), ito ay isang pamamaraan kung saan ang
mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok
sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na
maaari nilang maranasan.
a. Community Based-Disaster and Risk Management
b. Risk Management Theory
c. Community Management Center
d. Risk Management Symposium
2. Ito ay tumutukoy sa pagsusuri sa lawak, sakop at pinsala na maaaring danasin
ng isang lugar kung ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang
partikular na panahon.
a. CBDRM b. PDRRMF c. NDRRMO d. Hazard Assessment
3. Tumutukoy sa sitwasyon kung saan lahat ng gawain mula sa pagpaplano na
dapat gawin hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas
nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan.
a. Disaster Management c. Top-down Approah
b. Hazard d. Bottom Up Approach
4. Ito ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala at pagpaplano,
pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol.
a. Disaster Management c. Disaster
b. Hazard d. Bottom Up Approach
5. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-arian, at
kalikasan.
a. Hazard b. Anthropogenic Hazard c. Natural Hazard d. Vulnerability
6. Ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa at paglutas ng suliranin at hamong
pangkapaligiran ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sector ng lipunan.
a. Disaster Management c. Disaster
b. Hazard d. Bottom Up Approach
7. Alin sa mga sumusunod ang tamang stratehiya sa harap ng panganib?
a. paghahanda sa mga disaster at pagbawas ng mga bulnerabilidad
b. hindi pakikialam sa mga paghahanda ng pamahalaan
c. pagsasawalang bahala sa babala tungkol sa mga sakuna at kalamidad
d. Wala sa mga nabanggit
8. Alin sa mga sumusunod ang paghahandang maari nating gawin upang maging
ligtas mula sa storm surge?
a. Manatili lamang sa loob ng tahanan
b. Talian ng matitibay na lubid ang mga haligi ng bahay
c. Maglaro lamang ng ML sa loob ng bahay
d. Iwasan ang pumalaot at lumayo sa dalampasigan
9. Ang mga sumusunod ay mga paghahanda sa bagyo maliban sa isa. Ano ito?
a. Ilagay sa selyadong plastic ang mga mahahalagang dokumento upang
maiwasang mabasa
b. Maghanda ng mga pagkaing madaling lutuin
c. Makinig ng balita tungkol sa bagyo.
d. Manatili sa labas ng bahay at maligo sa ulan
10. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng Top-Down Approach sa
pagbuo ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?
a. pinamunuan ni Kerwin, isang lider ng Non-Government Organization (NGO) ang
pagtukoy sa mga kalamidad na maaaring maranasan sa kanilang komunidad.
b. ipinatawag ni Kapitan Daniel Bernardo ang kanyang mga kagawad upang
bumuo ng plano kung paano magiging ligtas ang kaniyang nasasakupan mula
sa panganib ng paparating na bagyo.
c. Hinikayat ni Albert ang kaniyang mga kapitbahay na maglinis ng estero upang
maiwasan ang pagbara nito na maaaring magdulot ng matagalang pagbaha sa
darating na tag ulan
d. Nakipag usap si Kelly sa mga may-ari ng malalaking negosyo sa kanilang
komunidad upang makalikom ng pondo sa pagbili ng mga first aid kit at iba
pang proyekto bilang paghahanda sa ibat-ibang kalamidad.
11. Ano-anong mga aspekto ang naapektuhan ng mga kalamidad na naranasan sa
Pilipinas?
a. Kalusugan, Kabuhayan, at Kalikasan
b. Kabuhayan, Kalakalan, at Kalusugan
c. Kalakalan, Kapayapaan, at Kalikasan
d. Kapayapaan, Kabuhayan, at Kultura
12. Bakit mahalagang malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan
sa komunidad, at maging ng mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa
panahon ng sakuna o kalamidad?
a. Upang magkaroon ng koordinasyon at maiwasan ang pagkalito at pagkaantala
na maaari pang magdulot ng dagdag na pinsala o pagkawala ng buhay.
b. Upang makakalap ng pondo na gagamitin sa panahon ng kalamidad.
c. Upang maghanap ng sponsor sa mga pagsasanay at pagbili ng mga kagamitan.
d. Upang maipakita ang pagiging mabuting mamamayan
13. May iba’t ibang paraan ang bawat komunidad sa pagbibigay ng paalala o babala.
Alin ang HINDI kabilang sa mga ito?
a. sa pamamagitan ng barangay assembly
b. sa pamamagitan ng pamamahagi ng flyers
c. sa pamamagitan ng pagdidikit ng kartelon (poster) o paskilan (billboard), mga
patalastas sa telebisyon, radyo, at pahayagan.
d.sa pamamagitan ng pakikipanayam sa mga eksperto at banyaga.
14. Ano ang kadalasang ginagawa sa mga paaralan bilang pagsasanay sa mga mag-
aral kung ano ang dapat gawin sa panahon ng sakuna upang manatiling ligtas?
a. drill b. seminar c. pamumuno d. camping
15. Ang mga sumusunod ay mga paraan upang mapanatiling ligtas ang inyong
tahanan mula sa sunog maliban sa isa. Alin ito?
a. Ugaliing tingnan ang mga koneksyong electrical upang masiguro na walang
parte na maaaring pagsimulan ng sunog
b. Magtalaga ng isang angkop na lugar para sa paninigarilyo
c. Kung kulang ng outlet ng kuryente, gumamit ng oktupus koneksyon upang
magamit ang mga kagamitang de kuryente na nais gamitin
d. Magkaroon ng kagamitang maaaring pantuklas ng at pang-apula ng apoy sa
inyong tahanan.
Aralin 1: Disaster Management
Bawat tao ay may papel sa lipunang kanyang ginagalawan. Ang kailangan lang
ay tuklasin natin ito. Ikaw, ako at ang ating pamahalaan ay may tungkulin para sa
kaligtasan ng isa’t isa. Lalong lalo na sa panahon ng mga sakuna at kalamidad. Ikaw,
bilang isang mag-aaral alam mo ba kung ano ang iyong tungkulin at kung paano ka
makakatulong sa mga paghahandang ginagawa ng pamahalaan?

Gawain 1:
Anong salita o lupon ng mga salita ang inilalarawan sa bawat pangungusap? Piliin
ang titik ng tamang sagot mula sa kahon sa ibaba.

A. climate change B. deforestation C. polusyon D. migrasyon


E. solid waste F. illegal logging G. coral bleaching H. Payatas
dumpsite
I. fuel wood harvesting J. El Niño K. La Niña

1.________________ tumutukoy sa matagalan o permanenteng pagkasira ng


kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao o ng mga natural kalamidad
2.________________ kung saan maraming bahay ang natabunan nang gumuho ang
bundok ng basura dahil sa walang tigil na ulan noong Hulyo 2000.
3.________________ Tumutukoy sa mga basurang nagmula sa mga tahanan at
komersyal na establisimyento, mga basura na nakikita sa paligid, mga basura na
nagmumula sa sektor ng agrikultura at iba pang basurang hindi nakakalason.
4.________________ maituturing na isa sa mga sanhi ng climate change.
5.________________ ilegal na pagputol sa mga puno sa kagubatan.
6. _______________ paggamit ng puno bilang panggatong
7.________________ isang natural na pangyayari o kaya ay maaari ding napabibilis o
napapalala dulot ng gawain ng tao.
8.________________ pumapatay sa mga coral reef na siyang tahanan ng mga isda at
iba pang lamang dagat, nagdudulot din ito ng pagbaba sa bilang ng nahuhuling
mga isda at pagkawala (extinction) ng ilang mga species.
9.________________hindi pangkaraniwang pag-init ng panahon dala ng lubhang pag-
init ng karagatang Pasipiko na nagiging sanhi ng tagtuyot.
10._______________ paglipat ng pook panirahan na nagiging sanhi ng pagkakalbo ng
kagubatan at pagkawala ng sustansya ng lupain dito.

Gawain 2:
Masdan ang larawan. Ano ang nakikita mo dito? Basahin ang sitwasyon at sagutin
ang tanong kasunod nito.

Picture taken by Mrs. Jennifer Jaime last July 21, 2018 at Pto. Rivas, Balanga City
Si Angel ay nakatira at lumaki sa isang lugar na madalas binabaha. Tuwing tag-
ulan inaasahan na ang madalas na pagtaas ng tubig. Kapag may bagyo na
sinasabayan ng pag-ulan alam na ng pamilya niya kung ano ang gagawin. Una nilang
sinisinop ang mga mahahalagang dokumento. Inilalagay nila ito sa selyadong plastic
upang hindi mabasa. Itinataas din nila ang mga gamit sa bahay na hindi dapat
mabasa. Tinatanggal ang mga nakasaksak na appliances. Naghahanda ng mga gamit
na kakailanganin kung sakaling kailangang lumikas. At lumilikas sa evacuation
center kung kinakailangan ng lumikas.
1. Sa pagkakataong tumataas ang tubig at may bagyo, pagsunud-sunurin ang
mga paghahandang nararapat gawin. Lagyan ng bilang 1-5.
______Lumikas sa evacuation center
______Itaas ang mga mga gamit sa lugar na hindi mababasa
______Ilagay sa selyadong plastic ang mahahalagang dokumento
______Maghanda ng mga gamit na kakailanganin sa paglikas
______Tanggalin ang mga nakasaksak na appliances
2. Paano kaya makakatulong si Angel upang maibsan ang pinsala ng mga
ganitong kalamidad?
Ang Disaster Management
Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa
pagkakaroon ng isang mahusay na disaster management. Ayon kay Carter (1992), ito
ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa sa pamamahala ng pagpaplano, pag-
oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. Kabilang din dito ang
iba’t ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging
handa, makatugon, at makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna,
kalamidad at hazard. Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ang disaster
management ay tumutukoy sa iba’t ibang gawain na dinisenyo upang mapanatili ang
kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard. Nakapaloob din dito ang mga
plano at hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan, makaagapay
sa mga suliranin at makabangon mula sa epekto ng kalamidad, sakuna at hazard.
Kung susuriin natin ang mga kahulugan na ito ay nagpapahayag na ang pagtugon sa
anumang kalamidad ay nangangailangan ng disaster management kasama na dito
ang pagtulong maibalik sa normal ang pamumuhay ng taong naapektuhan nito.
May mga detalyeng ginagamit sa pag-aaral ng disaster management. Ito ay ang
mga sumusunod:
1. Hazard – ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng
gawa ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari itong magdulot ng pinsala sa
buhay, ari-arian, at kalikasan.
a. Natural hazard -ito naman ay tumutukoy sa mga peligro na dulot ng
kalikasan. Halimbawa nito ang bagyo, storm surge, paglindol, tsunami at
iba pa.

b. Anthropogenic hazard - ito ay tumutukoy sa mga peligrong na bunga ng


mga gawain ng tao. Halimbawa nito ay ang mga usok na binubuga ng mga
sasakyan at mga pabrika.

(Usok na nagmumula sa mga sasakyan at pabrika na nagiging sanhi ng


polusyon)
2. Disaster – ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at
pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya. Maaaring ang
disaster ay natural gaya ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa ng tao
tulad ng digmaan at polusyon. Ang disaster ay resulta ng hazard, vulnerability
at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga peligro.

(Ang pagtaas ng tubig tulad ng storm


surge, flash flood at tsunami ay
nakapipinsala sa buhay ng mga tao,
hayop at mga ari-arian.)

3. Vulnerability – tumutukoy ang vulnerability sa tao, lugar, at imprastruktura na


may mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard. Ang pagiging
vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng kalagayang heograpikal at
antas ng kabuhayan. Halimbawa, mas vulnerable ang mga bahay na gawa sa
hindi matibay na
materyales.
4. Risk –ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot
ng pagtama ng isang kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang
kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad
na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad.

Elements at risk ay tumutukoy ang elements at risk sa tao, hayop, mga


pananim, bahay, kasangkapan, imprastruktura, kagamitan para sa
transportasyon at komunikasyon, at pag-uugali.
People at risk ay tumutukoy ang mga grupo ng tao na maaaring higit na
maapektuhan ng kalamidad. Halimbawa, ang mga matatanda, bata at may
sakit ay maituturing na vulnerable sa panahon ng kalamidad dahil sa kanilang
kondisyon.
Location of People at risk ay tumutukoy ang lokasyon o tirahan ng mga taong
natukoy na vulnerable.

People at risk location and elements at risk


5. Resilience - ay tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga
epekto na dulot ng kalamidad. Ang pagiging resilient ay maaaring istruktural,
ibig sabihin ay isasaayos ang mga tahanan, tulay o gusali upang maging
matibay. Maaari ring ito ay makita sa mga mamamayan, halimbawa ang
pagkakaroon ng kaalaman tungkol sa
peligro ay maaaring makatulong upang sila ay maging ligtas sa panahon ng
kalamidad.

(Ang palagiang pagpapatibay ng estruktura tulad ng tahanan ay isang paraan


upang
maging resilient)

Gawain 3:
Panuto: Mula sa ating tinalakay, gamitin ang graphic organizer sa ibaba upang
ipahayag ang iyong pagka-unawa sa mga detalyeng kinakailangan sa mga
paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib dulot ng suliraning
pangkapaligiran.

Kahulugan kaugnay na Kahulugan kaugnay na


pangyayari pangyayari
vulnerable people at risk

Halimbawa hindi hindi


halimbawa halimbawa halimbawa

Kahulugan kaugnay na Kahulugan kaugnay na


pangyayari pangyayari

disaster anthropogenic
hazard
Halimbawa hindi hindi
halimbawa halimbawa halimbawa

Gawain 4:
Lagyan ng masayang mukha ( ) kung ang pangungusap ay nagsasabi ng
paghahanda para sa mga sakuna at malungkot na mukha ( ) kung hindi.
_______1. Tingnan at iaayos ang mga mahahalagang bahagi ng sasakyan tulad ng
gulong, preno at iba pa bago bumiyahe.
_______2. Iwasang pumalaot o magtungo sa mga dalampasigan kapag may paparating
na storm surge.
_______3. Iwasang makinig ng balita sa radio kapag may bagyo.
_______4. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa karagatan at iba pang anyong tubig
upang makaiwas sa pagbaha.
_______5. Maglaro lamang ng Mobile Legend sa loob ng bahay kahit na lumilindol.

Gawain 5:
Magmungkahi ng tig-dalawang paraan upang maging handa sa mga sumusunod na
hazard.
1. Sunog a. __________________________________________________________
___________________________________________________________________

b. _________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Pagbaha a. ________________________________________________________
____________________________________________________________________

b.___________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Bagyo a. ___________________________________________________________
___________________________________________________________________________
b.____________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
4. lindol a.__________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
b. ______________________________________________________________________________
____________________________________________________________
5. landslide a._______________________________________________________________
____________________________________________________________________

b.__________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Gawain 6:
Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinapahayag ng pangungusap at kung mali itama
ang salitang may salungguhit.
_________1. Resilient ang isang komunidad kung may kakayahan ang pamayanan na
harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.
_________2. Banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao ang risk
_________3. Tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao ang natural
hazard.
_________4. Tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa
tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya ang disaster
_________5. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang may mataas na
risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang panganib na dulot ng hazard o
kalamidad

Ayon kay Mang Tani maging laging “I am ready”. Mahalaga ang pagiging handa
sa lahat ng sakuna dahil ang paghahanda ay hindi isinasagawa kapag nariyan na ang
sakuna. Kailangan lang ang sapat na kaalaman at dapat lahat ng miyembro ng
pamilya alam ang gagawin kapag may parating na panganib. Ito rin ang makatutulong
sa iyo at sa iyong pamilya upang maiwasan ang masamang epekto ng kalamidad o
sakuna.
Gawain 7:
Bumuo ng sariling tag line sa paghahanda sa harap ng panganib na dulot ng
suliraning pangkapaligiran. Pumili sa ibaba ng pokus ng iyong tag line.
a. Barangay
b. Pamilya
c. Paaralan
d. bansa
Pagtataya: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.
_____1. Ito ay dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna,
kalamidad, at hazard.
a. Disaster b. vulnerability c. disaster management d. risk
_____2. Ito ay nagpapakita ng kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga
epekto na dulot ng kalamidad.
a. disaster b. vulnerability c. resilience d. hazard
_____3. Ito ay banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
a. Disaster
b. Anthropogenic Hazard o Human Induced Hazard
c. Hazard
d. Natural Hazard
_____4. Inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang
kalamidad.
a. Risk b. Hazard c. Disaster d. Vulnerability
_____5. Mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran,
at mga gawaing pang-ekonomiya
a. Vulnerability b. Resilience c. Hazard d. Disaster
_____6. Tumutukoy ito sa tao, lugar at imprastaktura na may mataas posibilidad
na maaapektuhnan ng mga hazard.
a. Vulnerability b. Disaster c. Hazard d. Resilience
_____7. Ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
a. Disaster b. Anthropogenic Hazard c. Hazard d. Natural Hazard
_____8. Tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan.
a. Resilience b.Hazard c. Disaster d. Natural Hazard
_____9. Pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at
kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,
pagsubaybay at pagtataya ng mga risk, na maaari nilang maranasan.
a. Disaster Preparedness Management
b. Disaster Response Management
c. Community Based Disaster Risk Management
d. Disaster Risk Reduction Management
_____10. Ito ay resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang
pamayanan na harapin ang mga peligro.
a. Resilience b.Hazard c. Disaster d. Natural Hazard
_____11. Ang pagiging ligtas ng isang komunidad sa mga sakuna ay nakasalalay sa
pagkakaroon ng isang mahusay na _________________.
a. disaster management c. pagkakaisa
b. pamayanan d. pagtutulungan
_____12. Ang disaster ay resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad
ng isang ______________________ na harapin ang mga peligro.
a. disaster management b. pamayanan c. pagkakaisa d.
pagtutulungan
_____13. Ang pagiging vulnerable ay kadalasang naiimpluwensiyahan ng
kalagayang __________________ at antas ng pamumuhay.
a. pamumuhay b. heograpikal c. pamayanan d. pagkakaisa
______14. Ang kaalaman tungkol sa peligro ay maaaring makatulong upang sila ay
maging ______________ sa panahon ng kalamidad.
a. tahimik b. mainit c. ligtas d. payapa
______15. Ang disaster ay nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at
mga gawaing __________________.
a. panlipunan c. pang-kalikasan
b. pang-ekonomiya d. pang-relihiyon

Araling Panlipunan 10: First Quarter, Module 3, Week 5


Aralin 2: Dalawang Approach sa Pagtugon sa mga Hamong Pangkapaligiran

Maliban sa disaster management, ating alamin kung ano pang mga


pamamaraan ang ginagawa ng pamahalaan gayundin ang partisipasyon ng mga
mamamayan upang matugunan ang mga suliraning pangkapaligiran na nararanasan
ng ating bansa. Ikaw, alam mo ba ang iyong papel na dapat gampanan sa mga
gawaing ito?

Bago tayo tumungo sa panibagong aralin, alamin natin kung ano ang iyong
natutunan sa nakaraang talakayan. Dugtungan ang mga parirala upang mabuo ang
wastong ideya nais iparating ng pangungusap.
1. Resillient ang isang pamayanan kung______________________________.
2. Ang mga peligro o hazard na gawa ng tao ay tinatawag na__________.
3. Mga pangyayaring nagdudulot ng pinsala sa buhay at ari-arian ay tinatawag na
____________________.
4. Ang disaster management ay dinisenyo upang ___________________sa panahon
ng sakuna, kalamidad, at hazard.
5. Vunerable ang isang pamayanan kung_______________________________.
Gawain 1:
Pag-aralan ang dalawang sitwasyon at sabihin kung ano ang pagkakaiba ng
dalawang sitwasyon.

A. Ipinatawag ng kapitan ng Barangay Pto. Rivas Ibaba ang kanyang mga


kagawad at ilang mamamayan upang pag-usapan at pagplanuhan kung
paano mabibigyan ng solusyon ang suliranin sa pagbaha sa lugar lalo na
ngayong nalalapit na ang tag-ulan. At upang maiparating ang mga
pangangailangan ng barangay ukol dito sa DRRM ng lunsod at mula sa
lungsod patungo sa DRRM ng ating lalawigan
B. Nagpalabas ng bagong panukala ang Pambansang DRRM sa utos ng
pangulo bilang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayang
nasalanta ng nakaraang bagyo.

1. Paano nagkaiba ang dalawang sitwasyon sa itaas?

2. Alin sa dalawang sitwasyon ang magiging mas mabisa? Bakit?


Basahin ang sipi.
Malaki ang posibilidad na maging disaster-resilient ang mga pamayanan kung
maayos na maisasagawa ang Community-Based Disaster and Risk Management
Approach.
May dalawang approach na ginagamit ang CDRRM upang maging handa ang
pamayanan sa anumang sakuna at kalamidad ito ay ang mga sumusunod:
Bottom-up approach - kung saan ay nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang
sector ng lipunan ang mga hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa, at paglutas sa mga
suliranin at hamong pangkapaligiran na nararanasan sa kanilang pamayanan.
 Ang pangunahing batayan ng plano ay ang karanasan at pananaw ng mga
mamamayang nakatira sa isang disaster-prone area.
 Kafle at Zubair (2006) ang mga sumusunod ay katangian ng bottom up
approach:
 Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay na bottom-up approach ay
ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito.
 Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang
naninirahan sa pamayanan.
 Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang
pananaw sa mga banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar.
 Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong
pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon para matagumpay na
bottom-up strategy.
 Ayon kay Sen. Lacson mas mainam na gamitin dahil higit sa lahat mas alam
ng mamamayan at lokal na pamahalaan ang paghahanda at pangangailangan
para sa kanyang nasasakupan.
 Paano nga ba naisasagawa ang bottom-up approach? Kapag sinabi nating
bottom-up, nagsisimula sa barangay ang pagpaplano. Mula sa hazard map ng
barangay nagpaplano ang DRRM tapos ipapasa ito sa lungsod o bayan, ipapasa
naman ang nabuong plano ng DRRM ng bayan o lungsod sa DRRM ng
probinsiya pagkatapos sa probinsiya sa DRRM naman na rehiyon ang hahawak
nito saka pa lamang makakarating sa nasyonal kaya ang pagtugon sa suliranin
ay nagmumula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na
nanunungkulan.
Top-down approach - ang pagpaplano na dapat gawin hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng
pamahalaan.
 Hindi natutugunan ng top-down approach ang mga pangangailangan ng
pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na
posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad ayon kay Shesh
at Zubair. (2006)
 Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging ang pananaw
lamang ng mga namumuno ang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano.
 May mga pagkakataon na hindi nagkakasundo ang Pambansang Pamahalaan
at ng Lokal na Pamahalaan tungkol sa mga hakbang na dapat gawin sa
panahon o pagkatapos ng kalamidad kung kaya’t nagiging mabagal ang
pagtugon sa pangangailangan ng mga mamamayan.
 Sa top-down naman nagmumula NDRRM o sa pinakamataas ang pagpaplano
kaya kadalasan hindi tugma ang solusyong ipinadadala sa pangangailangan ng
isang lugar. Halimbawa nagpadala ng rubber boat ang pamahalaan sa isang
subdibisyon na hindi naman binabaha.
 Nakasalalay ang pagtatagumpay ng pagbuo at pagsasagawa ng isang mahusay
na disaster risk management plan sa pagkakaisa ng mga namumuno gayundin
ng mga mamamayaman sa pagsasaalang-alang ng kanilang mga karanasan at
pananaw patungkol sa mga bagay na ito.

Gawain 2:
A. Tukuyin kung ang inilalarawang approach ay top-down o bottom-up. Isulat lamang
ang titik A kung top-down at B kung Bottom-up.
_______1. Ang National Disaster Risk Reduction (NDRRM) ay nagbaba ng tulong para sa
naapektuhan ng bagyong Ambo sa Camarines Sur tulad ng relief goods
at iba pa.
_______2. Nagpatupad ng panibagong panuntunan ang pangulo tungkol sa pamamahagi
ng ayuda para sa mga taong apektado ng pandemyang COVID-19.
_______3. Hiningi ng Mayor ng Balanga ang opinyon ng mga mamamayan, konsehal ng
barangay at mga konsehal ng bayan upang maibsan ang mabilis na
pagkalat ng COVID-19 sa ating bayan. Pagkatapos nito ay
makikipagpulong naman siya mga opisyal ng probinsya tungkol dito
_______4. Ang approach na pinili ni Senador Lacson na sa tingin nya ay mas magiging
epektibo sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga taong nakaranas
ng sakuna at kalamidad.
_______5. Ito ang approach na ginamit ng pamahalaan noong panahon ng Bagyong
Yolanda kung kaya’t sa tingin ni Sen.Lacson ay hindi naging epektibo at
kapaki-pakinabang para sa mga mamamayan.

Gawain 3:
Lagyan ng Tsek (√) ang pangungusap na naglalarawan sa katangian ng top-down at
(X) kung bottom-up.
______1. Sa approach na ito mas binibigyang pansin ang pagkilala sa mga pamayanan
na may maayos na pagpapatupad nito.
______2. Hindi natutugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan at
napababayaan ang mga mamamayang may mataas na posibilidad na
makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad.
______3. Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may magkakaibang
pananaw sa mga banta at vulnerabilities na nararanasan sa kanilang lugar.
______4. Ang malawak na partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong
pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon para matagumpay.
______5. Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging ang
pananaw lamang ng mga namumunoang nabibigyang pansin sa pagbuo ng
plano.
Gawain 4:
Batay sa ating mga tinalakay, at sa mga namasid mo sa mga nakalipas na kalamidad.
Magtala ng mga gawain ng pamahalaan at ng mamamayan sa mga paghahanda sa
panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran.
Mamamayanan Pamahalaan
a. _________________ a._________________
b. _________________ b._________________
c. _________________ c. _________________
d. _________________ d. _________________
e. _________________ e. _________________
Gawain 5:
Basahin at unawain ang pangungusap. Tukuyin kung Mabuti o Hindi Mabuti ang
ideyang ipinapahayag ng pangungusap.
________1. Ipaubaya mo lamang sa pamahalaan ang pagpaplano para sa paglalapat ng
solusyon sa mga suliraning dulot ng mga kalamidad dahil ito lamang ang mas higit na
nakakaalam tungkol dito.
________2. Isaisip natin na tungkulin ng mga mamamayan na tumulong at makiisa sa
mga programa ng pamahalaan bilang paghahanda sa mga panganib na dulot ng mga
suliraning pangkapaligiran.
________3. Nararapat lamang na isipin nating walang parte ang mga mamamayan sa
pagbuo ng NDRRM approach sa paghahandang nararapat gawin sapagharap sa
panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran.
________4. Mas magiging epektibo ang anumang approach kung tayo bilang mga
mamamayan ay makikipagtulungan sa pamahalaan.
________5. Para sa akin ang wastong kaalaman tungkol sa dalawang approach na
ginagamit sa disaster management ay makatutulong upang maging handa sa
pagharap sa mga panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran.
Tandaan:
Ang mga sumusunod na gawain ay makatutulong sa atin upang maging handa
sa harap ng panganib na dulot ng suliraning pangkapaligiran.
H – umanap ng wastong kaalaman
A – ktibong pakikilahok sa programa ng barangay/pamahalaan
N – aisin lagi ang kaligtasan
D –amayan ang mga nangangailangan
A- lamin ang mga wastong pamamaraan
Pagtataya:
Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot.
______1. Sa approach na ito, lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin
hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas
nakakataas na tanggapan, o ahensya ng pamahalaan.
a. Bottom-up Approach c. Hazard Assessment
b. Top down approach d. Disaster Risk Assessment
______2. Sa approach na ito may malawak na partipasyon ang mga mamamayan sa
komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon.
a. Bottom-up Approach c. Hazard Assessment
b. Top down approach d. Disaster Risk Assessment
______3. Sa bottom-up approach ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa kamay
ng mga _________________naninirahan sa pamayanan
a. pamayanan b. mamamayan c. pamahalaan d. paaralan
______4. Hindi natutugunan ng ___________ang mga pangangailangan ng
pamayanan at napababayaan ang mga mamamayang may mataas na
posibilidad na makaranas ng malubhang epekto ng kalamidad ayon kay
Shesh at Zubair. (2006)
a. Bottom-up Approach c. Hazard Assessment
b. Top down approach d. Disaster Risk Assessment
______5. Ayon kay Sen. Lacson mas mainam na gamitin ang ___________ dahil higit
sa lahat mas alam ng mamamayan at lokal na pamahalaan ang
paghahanda at pangangailangan para sa kanyang nasasakupan.
a. Bottom-up Approach c. Hazard Assessment
b. Top down approach d. Disaster Risk Assessment
______6. Malawak ang partisipasyon ng mga mamamayan sa komprehensibong
pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon para magtagumpay
ang______________.
a. Bottom-up Approach c. Hazard Assessment
b. Top down approach d. Disaster Risk Assessment
______7. Limitado ang pagbuo sa ____________ plan sa top-down approach dahil
tanging ang pananaw lamang ng mga namumuno ang nabibigyang pansin
sa pagbuo ng plano
a. Hazard Assessment c. Disaster management
b. Vulnerability assessment d. Disaster Risk Assessment
______8. Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan ay maaaring may
magkakaibang pananaw sa mga banta at ______________ na nararanasan sa
kanilang lugar.
a. vulnerabilities b. risk c. hazard d. disaster
______9. Mahalagang salik sa pagpapatuloy ng matagumpay na _____________ ay
ang pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito
a. Bottom-up Approach c. Hazard Assessment
b. Top down approach d. Disaster Risk Assessment
______10. Sa top-down approach tanging pananaw lamang ng mga _______________
ang nabibigyang pansin sa pagbuo ng plano.
a. pamayanan b. mamamayan c. namumuno d. paaralan
______11. Hindi nagkakasundo ang ____________________at pamahalaang lokal sa
kanilang pananaw kaya nagiging mabagal ang pagtugon sa mga suliraning
pangkapaligiran.
a. Pambansang Pamahalaan c. Lokal na Pamahalaan
b. Disaster management d. Hazard Management
______12. Sa _____________________mabagal ang pagtugon sa pangangailangan ng
mga mamamayan.
a. Bottom-up Approach c. Hazard Assessment
b. Top down approach d. Disaster Risk Assessment
______13. Hindi nabibigyang pansin ng ____________________ ang karanasan,
pangangailangan, at pananaw ng mga mamamayan sa isang komunidad
a. Bottom-up Approach c. Hazard Assessment
b. Top down approach d. Disaster Risk Assessment
______14. Sa bottom-up approach ang pangunahing batayan ng plano ay ang
karanasan at pananaw ng mga mamamayang nakatira sa isang __________.
a. Disaster prone area c. Disaster Management
b. Disaster Risk Assessment d. Disaster
______15. Ayon kay Sen. Panfilo Lacson mas mapapabilis ang pagbangon ng mga
lugar na apektado ng kalamidad kung ______________ ang gagamitin sa
rehabilitasyon ng lugar.
a. Hazard Assessment c. Disaster Risk Management
b. Top down approach d. Bottom –up Approach
Karagdagang Gawain:
Sumulat ng sanaysay na nagpapaliwanag ng kahalagahan ng pagsasanib ng top-down
approach at bottom-up approach sa pagbuo ng disaster management plan bilang
paghahanda sa mga sakuna at kalamidad. Bibigyan ng marka ang iyong ginawa ayon
sa pamantayang isinasaad ng rubric sa ibaba.

Araling Panlipunan 10: First Quarter, Module 4, Week 6

Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:

a. Maipaliliwanag ang mga kasalukuyang kaganapan sa kapaligiran at


magiging bahagi ng pagtugon sa mga suliraning pangkapaligiran.
b. Makapagbibigay ng mga pananaw ukol sa kasalukuyang kaganapan sa
kapaligiran.
c. Makabubuo ng mga mungkahi upang malutas ang mga suliraning
pangkapaligiran.
d. Matutukoy ang mga katangiang dapayt taglayin ng mga mamamayan at
ng pamahalaan sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.
e. Masusuri ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kahandaan, disiplina at
kooperasyon sa pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran.
f. Makagagawa ng case study tungkol sa pagkakaroon ng kahandaan,
disiplina at kooperasyon, bilang pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran.
Panimulang Pagtataya:
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Letra lamang ang isulat.
1. Nag-iisip o nagpaplano ng mga bagay na makakapagligtas ng buhay ng kapwa at
magpapaunlad sa ating bansa.
A.Maka-Diyos B. Makatao C. Makakalikasan D. Makabansa
2. Mahalin ang kapwa Pilipino. Gumagawa ng mabuti at isinasaisip ang kabutihan ng
lahat maging bahagi ng solusyon sa panahon na dumarating ang mga hamong
pangkapaligiran.
A.Pangangalaga sa kapaligiran C. Pangangalaga sa kalusugan
B.Pagmamalasakit sa kapwa D. Pagtanggol sa karapatan
3. Magkaisa at magtulungan ang mga bansa upang mabilis na matuklasan ang gamot
para mapigilan ang mabilis na pagkalat ng Covid-19 upang mapanatili ang
katahimikan at makamit ang pag-unlad na minimithi.
A.Paggalang sa kapwa C. Makakalikasan
B.Pagkilala sa karapatang pantao D. Pagmamahal sa bansa
4. Itaguyod ang karapatan ng bawat isa nang may kalakip na pananagutan at may
marapat na paggalang sa mga karapatan ng iba.
A.Pangangalaga sa sariling kalusugan C. Paggalang sa iba’t-ibang lahi
B.Pagkilala sa karapatang pantao D. Pagpapahalaga sa buhay ng tao
5. Ang pagkakaroon ng disiplina at pagsunod sa mga alituntunin ng pamahalaan para
makaiwas sa mga sakuna.
A.Paggalang B. Pagsisikap C. Pagmamalasakit D. Pakikiisa
6. Mamuhay nang may pananampalataya at takot palagi sa Poong Maykapal.Manalig
lagi na ang kaligtasan ay nakasalalay sa Poong Lumikha.
A.Pagmamahal sa Diyos C. Pagmamalasakit sa kapwa
B.Pagmamahal sa bansa D. Pangangalaga sa kapaligiran
7. Pananatili ng pagbabayanihan sa panahon ng kalamidad at mga suliranin at
hamon na ating kinakaharap.
A.Pagtanggol sa Karapatan C. Mabuting pamamahala
B.Paggalang sa kapwa D. Pagmamahal sa bansa
8. Hindi makasarili, may mabuting kalooban, naglaan ng kanilang oras at lakas sa
pamamagitan ng kanilang pagtulong sa mga biktima ng Covid-19 Pandemic.
A.Pagkamatapat B. Pagmamalasakit C. Pagsisikap D. Paggalang

9. Malaya nating gamitin ang ating karapatang tinatamasa na may pananagutan at


tungkulin na dapat gampanan lalo na sa panahon ng kalamidad.
A.Paggalang sa iba’t-ibang lahi C. Pagpapahalaga sa buhay ng tao
B.Pagkilala sa karapatang pantao D. Pagtanggol sa karapatan
10. Paglingkuran natin ang ating kapwa, gamitin ang kalikasan ng tama, may
pagpapahalaga at ayon sa tagubilin ng Dakilang Lumikha.
A.Maka-Diyos B. Makatao C. Makakalikasan D. Makabansa
11.Mamuhay nang matiwasay at may pagkakaisa sa mabubuting bagay na makapag
papaunlad hindi lang para sa sarili kundi pati na rin sa mas nakakarami.
A.Kalayaan B. Kapayapaan C. Katapatan D. Kahandaan
12. Kailangan maging produktibo upang makatulong na mapanatili ang kagandahan
ng mga likas na yaman at makatulong sa pag-unlad at pagsulong ng ating bansa.
A.Pagiging bukas ang isip C.Pangangalaga sa kapaligiran
B.Pagpapahalaga sa buhay ng tao D.Paggalang sa kapwa
13. Pagiging matulungin sa panahon ng mga kalamidad, sakuna, aksidente lalo na
ang nararanasan ng lahat ang COVID-19 Pandemic.
A.Pagsisikap B.Pagmamalasakit C.Pakikiisa D.Pagkamatapat
14. Pakikipagtulungan ng mga mamamayan sa mga may kapangyarihan upang
mapanatili ang kaayusan at mapangalagaan ang katarungan sa lipunan.
A.Disiplina B.Kahandaan C.Katapatan D.Pakikiisa
15. Paglinang mabuti sa mga likas na yaman, upang may madatnan pa ang mga
susunod na henerasyon, kailangan natin magtipid sa paggamit at iwasan ang
pagkasira ng mga ito.
A.Kapayapaan B.Katapatan C.Disiplina D.Kahandaan

Aralin 1: Kahalagahan ng Kahandaan, Disiplina at Kooperasyon sa Pagtugon sa


mga Hamong Pangkapaligiran

Ang mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay maaaring dulot ng tao at ng


kapaligiran. Ito ay may tuwirang epekto sa tao at kapaligiran. Ang iba’t-ibang
kalamidad ay bahagi na ng ating buhay bagamat ito ay hindi na mawawala mayroon
tayong maaaring gawin upang maging handa sa pagharap sa mga ito. Bilang mga
mag-aaral maaari kayong makatulong sa pagpapanatiling handa, may alam sa
panahon ng iba’t-ibang kalamidad.
Gawain 1:
Panuto: Piliin ang tamang sagot. Titik lang ang isulat.
1. Tumutukoy sa kakayanan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng
kalamidad.
A.Disaster B.Vulnerability C.Resilience D.Hazard
2. Tumutukoy ito sa tao, lugar at imprastaktura na may mataas na posibilidad na
maaapektuhan ng mga hazard.
A.Vulnerability B.Disaster C.Hazard D.Resilience
3. Ito ay tumutukoy sa mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao.
A.Disaster
B.Anthropogenic Hazard o Human Induced Hazard
C.Hazard
D.Natural Hazard
4. Ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na nag dudulot ng panganib at pinsala sa tao.
Kapaligiran at mga gawaing pang-ekonomiya.
A.Vulnerability B.Resilience C.Hazard D.Disaster
5. Ito ay tumutukoy sa mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o gawa ng mga tao
tulad ng lindol, polusyon at COVID-19 Pandemya.
A.Resilience B.Hazard C.Disaster D.Vulnerability
6. Tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan tulad ng bagyo, pagbaha at
pagputok ng bulkan.
A.Resilience B.Hazard C.Disaster D.Natural Hazard
7. Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari-arian at bahay dulot ng
pagtama ng isang kalamidad.
A.Risk B.Hazard C.Disaster D.Vulnerability
8. Pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad
ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon, pagsubaybay at pagtataya
ng mga risk, na maaari nilang maranasan.
A.Disaster Preparedness Management
B.Disaster Response Management
C.Community Based Disaster Risk Management
D.Disaster Risk Reduction Management
9.Sa approach na ito, lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang
sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakakataas na tanggapan, o
ahensya ng pamahalaan.
A.Bottom-up Approach C.Top down approach
B.Hazard Assessment D.Disaster Risk Assessment
10. Sa Approach na ito may malawak na partipasyon ang mga mamamayan sa
komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon.
A.Bottom-up Approach C.Top down approach
B.Hazard Assessment D.Disaster Risk Assessment

Novel Corona Virus (NCOV)


(Lipon ng mga Balita mula sa Telebisyon)

Ang novel coronavirus (NCOV) ay tinatawag na Covid-19 ayon sa World Health


Organization (WHO). Ang kahulugan ng Co ay Corona, ang Vi ay Virus at and D ay
disease. Ang 19 ay kumakatawan sa taon na ito ay natuklasan. Disyembre 2019 nang
kumalat sa Wuhan City sa China ang sakit na naihahalintulad sa pneumonia at
mabilis na kumalat sa 26 na bansa sa mundo kabilang ang Pilipinas. Sa
kasalukuyan, mahigit 1,000 na ang namamatay sa China. Sinasabing maraming
ospital doon ang nagsisiksikan dahil sa rami ng dinadalang pasyente na may
sintomas ng Covid-19 ayon sa mga eksperto. Ang palatandaan na may Covid-19 ay
mataas na lagnat, ubo at sipon. Marami ang nagsasabi na nakuha ang sakit sa paniki
at may nagsasabing sa pangolin. Sa isang palengke umano sa Wuhan, nag-originate
ang sakit.
Sabi ng WHO, ang pagpapalit ng pangalan ng sakit ay para maiwasan ang mis-
information at mga hindi pagkakasundo. Sabi ng WHO, target umanong magkaroon
ng bakuna laban sa Covid-19 pagkalipas ng 18 buwan.
Nagpalit man ng pangalan, ang nililikhang perwisyo ng sakit na ito ay nagpapatuloy at
marami nang inutang na buhay. Pati ang ekonomiya ng China ay bumagsak sapagkat
maraming kompanya ang nagsasara lalo na sa Wuhan City at marami pang bansa sa
mundo ang nagbabantang bumagsak ang ekonomiya. Dahil sa paglaganap ng sakit,
nagmistula na umanong “ghost city” ang Wuhan na nag-aalisan ang mga tao sa takot
na mahawa ng sakit. Sa Pilipinas maraming overseas Pinoy workers ang sinundo ng
Philippine government at bilang pagsunod sa health protocol na ipinapatupad ng
pamahalaan quarantine sa Athletes Village sa Capas, Tarlac. Wala namang na report
na may sakit sa mga na-repatriate na OFWs.
Ang maagang pagkatuklas sa bakuna laban sa Covid-19 ang inaasahan na
makakapigil sa paglaganap ng sakit. Napakatagal 18 buwan para makapagpalabas ng
bakuna. Nararapat magtulung-tulong ang mga malalaking bansa sa mabilisang
pagtuklas sa gamot para ganap na mapigilan ang pagkalat ng Covid-19. Nalampasan
na umano ng sakit na ito ang SARS na nanalasa rin sa China noong 2003.
Ang pag-iingat naman ng mga Pilipino ang laging panawagan ng DOH. Huwag
munang dumalo sa mga pagtitipon o huwag munang magdaos ng mga event habang
nananalasa ang Covid-19. Panawagan din naman na huwag magpanic at pakyawin
ang face mask. Ireserba ang mga ito sa mga hospital workers na laging nasa front line.
Sundin ang DOH sa panawagang ito para sa kaligatasan ng lahat.
Sa patuloy na pagsailalim ng Bataan sa GCQ, patuloy pa rin ang proyektong
“Kusina sa Barangay” upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga
kababayang higit na naapektuhan ng pandemyang dulot ng COVID-19.
Namamahagi ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bataan ng mga canned goods
gaya ng sardinas, meatloaf, corned beef, tuna at kape sa mga bayan ng Abucay,
Bagac, Orion, Dinalupihan, Pilar, Hermosa, Orani, at Lungsod ng Balanga bilang
karagdagang tulong.
Ang mga kapitan, mga kagawad, at mga volunteers sa barangay, pati na ang
mga may mabubuting kalooban ay kusang naglalaan ng kanilang oras at lakas sa
pamamagitan ng pagtulong sa pagluluto, paghahatid ng lutong pagkain sa mga
bahay-bahay, pagsisilbi, nagpahiram ng kanilang mga gamit sa pagluluto, gaya ng
mga kaldero, kawali, kalan, at LPG tanks.
Mula sa programang ito, patuloy ang koordinasyon ng mga mayor, kapitan at
iba pang mga opisyal gamit ang Zoom application upang masubaybayan ang maayos
na implementasyon ng nasabing programa.
Ang ipinakikitang pagkakaisa, pagmamalasakitan at pagtutulungan sa
panahong ito na nahaharap sa napakalaking hamon ng COVID-19, ang tunay na
kahulugan ng pagkakaisa ng mga Bataeño ay isang malinaw na indikasyon na sa
gabay ng ating Panginoon, sama-samang mapagtatagumpayan ang labang ito.
Gawain 2:
Pamprosesong Tanong:
1. Anu-ano ang masamang dulot ng COVID-19 Pandemya sa buhay ng tao at
kabuhayan ng mga bansa?
2. Anu-ano ang mga nararapat gawin ng mga bansa para mabilisang matuklasan
ang mga gamot para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 Pandemya?
3. Paano pinapanawagan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng disiplina, para
makaiwas sa mabilis na pagkalat ng Corona Virus?
4. Paano tinugunan ng pamahalaang panlalawigan ng Bataan ang mga
pangangailangan ng mga mamamayan na higit na naapektuhan ng pandemya?
5. Anu-anong pagpapahalaga- katangian taglay ang mga Pilipino para
mapagtagumpayan ang bawat suliranin?

Corona Virus 19 Pandemya


By: Fe R. Evangelista

Corona Virus 19 Pandemic


Lahat ng tao sa mundo ay nagulantang
Sa pagdating ng virus na di inaasahan
Sa Wuhan China doon ay nanggalingan
Mayayamang bansa, Australia Italya at America
Maging mahirap na bansa, Pilipinas at India
Di nakaligtas sa Corona Virus 19 Pandemya
Na kumitil sa buhay ng miyembro ng pamilya

Kalabang di nakikita, di alam paano mapupuksa


Mga dalubhasa at eksperto wala pa rin magawa
Nag aaral pa at tuloy na nagpapakadalubhasa
Kung paano lalabanan, kalabang walang awa

Virus lang yan, kaya kaya nating paglabanan,


Mapupuksa din yan, sa pagkakaisa ng mamamayan
Magkaroon lang nang disiplina at pagsunod sa batas
Kooperasyon ng mamamayan at ng pamahalaan

Gawin ng mamamayan ang kanyang pananagutan


Huwag lumabas kung iyon ang ipinag-uutos ng batas
Magsuot tayo ng face mask kung ikaw ay lalabas
Social Distancing sa mga taong gustong maligtas

Gawin din ng pamahalaan ang kanyang tungkulin


Ipatupad ang batas ayon sa mga tagubilin
Pangalagaan ang kalusugan ng mga netizen
Ibigay ang para sa mga tao lalo na ang pagkain

Kooperasyon at disiplina, sandata na ng bawat isa


Mapuksa ang virus para sa kaligtasan niya
Matatamo ang pag-unlad ng bagsak na ekonomiya
Kung may pagtutulungan pamahalaan at mamamayan pa

Kahandaan ang posibleng sagot maging


Sa harap ng ating maraming pagsubok
Buhay ko’y di malulugmok
Basta’t kumapit ka lang sa Diyos

Salamat Panginoon sa dala mong mga aral


Sa panahon ng pandemiya, maraming natutuhan
Pagiging mapagkumbaba, kahit kami ay pinagpala
Pagmamahal sa kapwa at pagtawag sa Dakilang Lumikha

Poong Maykapal pa rin ang lahat ng nakakaalam


Ano kakahinatnan, kelan at hanggang saan
Panalangin namin lagi sana ay mawakasan
Dahil sa iyo lamang kami umaasa ng kaligtasan
Gawain 3:
Pamprosesong tanong:
1. Anong suliraning pangkapaligiran ang tinutukoy sa tula?
2. Ano ang epekto nito sa mga tao at kalagayang pang-ekonomiya ng bansa?
3. Anu-anong tungkulin ang dapat gampanan ng mamamayan at ng pamahalaan
para mabigyan ng solusyon ang suliraning pangkapaligiran?
4. Bakit mahalaga ang kahandaan, disiplina at kooperasyon sa paglutas ng mga
suliraning pangkapaligiran? Ipaliwanag.

Madaling maisagawa ang mga gawain at proyekto kung lahat ng mga


mamamayan ay nakikilahok sa mga gawain ng pamahalaan at nagtutulungan.
Ang pagtutulungan ay nakakapagbuklod sa atin. Nagiging daan ito upang tayo
ay magkaisa sa ganitong paraan mas madaling makamit ang mithiing umunlad at
mapabuti ang pamumuhay ng tao.
Magiging maayos at tahimik ang ating pamayanan at bansa kung tayo ay
magiging bahagi ng pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran, nagtutulungan at
tumutupad sa mga batas. Magkakaroon ng maayos na pamayanan kung ang mga
mamamayan ay may disiplina at sumusunod sa mga batas tulad ng bawal lumabas,
magsuot lagi ng face mask, panatilihin ang social distancing, ang resulta nito
makakatulong tayo sa mabagal na pagkalat ng virus, sa COVID 19 Pandemic.
Ang pakikilahok natin ay mahalaga para makabuo tayo ng plano sa pagtugon
sa hamong pangkapaligiran at sa pagpapabuti ng pamumuhay ng tao. Dito nakikita at
nagagamit ng mga mamamayan ang kanilang kakayahan sa pagtugon sa mga
pangangailangan at paghanap ng solusyon sa mga suliranin sa ating kapaligiran,
napagbubuklod-buklod ng ating pakikilahok ang lahat ng pagsusumikap upang
tugunan ang mga tiyak na suliraning pangkapaligiran tungo sa pagpapabuti ng
pamumuhay ng tao.
Magkakaroon ng katuparan na mapabuti ang pamumuhay ng tao, mapaunlad
ang komunidad kung ang bawat tao ay magiging bahagi ng pagtugon sa mga hamong
pangkapaligiran, sa pagkakaroon ng mabuting pag-uugnayan, disiplina, at
pagkakaisa ng mamamayan sa pagharap sa mga panganib na dulot ng iba’t- ibang
suliraning pangkapaligiran.
Gawain 4:
Pamprosesong Tanong:
1. Ibigay ang iyong pagkakaunawa: “Ask not what your country can do for you – ask
what you can do for your country”.
2. Anu- anong pagpapahalaga ang dapat taglayin ng bawat mamamayan sa pagharap
sa mga kalamidad o mga suliraning pangkapaligiran?
3. Anu-ano ang maaaring maging resulta kung ang mga mamamayan ay magiging
bahagi ng pagtugon sa mga hamong pangkapaligiran?

Gawain 5:
Panuto:
Sagutan ang mga sumusunod na tanong:
1. Bakit maraming nasasaktan at nawawalan ng buhay sa tuwing may
kalamidad?
2. Bakit kailangan matukoy ang mga paghahanda na nararapat gawin sa harap
ng kalamidad?
3. Malaki ba ang maitutulong ng pamahalaan sa kaligtasan ng mga mamamayan?

Gawain 6:
Panuto: Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng mga sumusunod na
pangungusap.
__________1. Ang Corona Virus 19 Pandemya ay parang kalamidad na nanalanta ng
mga bansa sa mundo, mahirap man o mayaman na bansa.
__________2. Ang pagkakatuklas sa bakuna laban sa Covid 19 ang inaasahan na
makapipigil sa paglaganap ng sakit.
__________3. Ang pamahalaang panlalawigan ng Bataan ay naglunsad ng programa na
KUSINA sa BARANGAY upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga
kababayan na naaapektuhan ng Covid 19.
__________4. Ang pakikiisa ng mga mamamayan sa panawagan ng pamahalaan ay
mabisang lunas para mapuksa ang Corona Virus 19 Pandemya.
__________5. Ang pagiging mulat sa mga pangyayari sa paligid ang magdadala sa mga
tao sa kapahamakan.
B. Sagutin ang sumusunod na katanungan.
6. Sa patuloy na pagbabago ng mundo ang lahat ay apektado, magtala ng mga
pagbabago na nararanasan mo dulot ng pandemya at ang mga magandang epekto
nito.
7. Magtala ng mga kaugaliang Pilipino na nawala sa panahon ng pandemya.
C. Piliin ang tamang sagot. Letra lamang ang isulat.
8. Ang _______ ng Bataan ay gumagawa ng mga patakaran upang mapangalagaan ang
kaligtasan ng bawat isa.
A. Mamamayan C. Samahang pribado
B. Pamahalaan D. Simbahan
9. Alinsunod sa tuntunin ng Inter-Agency Task Force (IATF), ang paghuhugas ng
kamay, pagsusuot ng face mask ay mga tungkuling dapat gawin ng mga ___________
para makaiwas sa pagkalat ng virus.
A. Pamahalaan C. Simbahan
B. Samahang pribado D. Mamamayan
10. Isang mabisang ambag o tulong para makaiwas o mabawasan ang paglaganap
ng virus ay sumunod sa mga patakaran na ipinapatupad ng ___________.
A. Mamamayan C. Samahang pribado
B. Pamahalaan D. Simbahan

Gawain 7:
Pagbuo ng Slogan:
Bumuo ng isang slogan na may temang paglaban sa mga suliraning
pangkapaligiran tulad ng nararanasan ng lahat sa kasalukuyan dahil sa
Corona Virus Pandemya.
RUBRIK SA PAGPUPUNTOS
PAMANTAYAN PAGLALARAWAN PUNTOS

Nilalaman Ang mensahe ay mabisang naipakita at 10


nahikayat ang mambabasa

Malikhaing Gumamit ng mga tamang salita para maipalahad 10


Pagsusulat ang mensahe

Tema Akma ang slogan sa tema, maliwanag ang 10


paglalahad

Kabuuang puntos 30

Gawain 8:
Panuto: Isulat kung ang mga sumusunod na pahayag ay POSITIBO o NEGATIBO.
_______________1. Lahat tayo ay lubhang apektado: emosyonal, pisikal, ispiritwal, at
moral bunsod ng pangyayari dulot ng Corona Virus 19 Pandemya.
_______________2. Ang mga hamon o suliraning nararanasan ay maaaring dulot ng
kapaligiran, wala ng magagawa ang tao para ito ay labanan.
_______________3. Ang pagiging bahagi ng solusyon sa mga hamon o suliraning
kinakaharap ng mundo ay isang malaking kontribusyon na inaasahan sa bawat
mamamayan ng lalawigan ng Bataan.
_______________4. Ang mga patakaran na ipinapatupad ng lalawigan ng Bataan para
labanan ang mga suliranin o hamon ay para sa kaligtasan ng nakakaraming
mamamayan.
_______________5. Lahat tayo ay may magagawa hindi tayo kayang sirain ng mga
sitwasyong dulot ng pandemya.

Gawain 9:
Bigyan ng sariling paliwanag.
“WALANG MALIIT NA DESISYON PARA SA KAPAKANAN AT KABUTIHAN NG LAHAT”

“MAY KAKAIBANG LAKAS ANG SAMBAYANANG PINAGTITIBAY NG MGA PAGSUBOK”


“BAON ANG ARAL NG KAHAPON, DALANGIN ANG KAPAYAPAAN AT KALIGTASAN
TUNGO SA MINIMITHING KAUNLARAN”
Karagdagang Gawain:

Panuto: Gumawa ng isang case study sa mga sanhi at epekto ng isang suliraning
pangkapaligiran na nararanasan sa inyong sariling pamayanan, itala ang mga impormasyon
sa ibaba. Bilang pagsunod sa panuntunan na HINDI paglabas ng bahay, ang mga dapat
lamang kapanayamin ay ang mga kapamilya at kamag-anak na kasama sa tahanan. Bigyang
diin sa case study na ito ang mga dapat gawing paghahanda sa mga maaring epekto ng
suliraning pangkapaligiran.

Pangalan: ________________________
Tirahan: __________________________

Suliranin: ______________________________________________________________________
Paglalarawan ng suliranin: ______________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Pamamaraan sa Pagtiyak ng Suliranin

Suliranin Datos Natuklasang Natuklasang Solusyon ng Solusyong


Sanhi Epekto Pamahalaan maaaring
subukan/
mungkahi

Araling Panlipunan 10: First Quarter, Module 5, Week 7


Ang Aralin na ito ay nahahati sa apat na bahagi:

Aralin 1: Disaster Prevention and Mitigation


Aralin 2: Disaster Preparedness
Aralin 3: Disaster Response
Aralin 4: Disaster Rehabilitation and Recovery

Sa katapusan ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. Nauunawaan ang mga konsepto na may kaugnayan sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan;
2. naipaliliwanag ang mga hakbang sa pagsasagawa ng CBDRRM Plan;
3. natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng
mga suliraning pangkapaligiran;
4. naisasagawa ang mga hakbang ng CBDRRM Plan;
5. napahahalagahan ang pagkakaroon ng disiplina at kooperasyon sa pagharap sa mga
panganib na dulot ng mga suliraning pangkapaligiran at;
6. nasusuri ang kahalagahan ng Community-Based Disaster Risk Reduction and
Management Approach sa pagtugon sa mga hamon at suliraning pangkapaligiran.
Panimulang Pagtataya:
Tukuyin ang titik ng tamang sagot batay sa mga pangungusap sa bawat bilang.
1. Tumutukoy sa mga paghahandang ginagawa sa pisikal na kaanyuan ng isang komunidad
upang maging matatag sa panahon ng hazard.
a. Non-Structural mitigation c. Structural Mitigation
b. Risk Assessment d. Disaster Preparedness
2. Sa pamamamagitan nito masusuri ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa
pagharap sa ibat ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar.
a. Hazard Assessment c. Vulnerability at capacity assessment
b. Risk Assessment d. Disaster Preparedness
3. Ayon kina Abarquez at Murshed ang vulnerability assessment ay kailangan suriin batay sa
uri ng risk. Kaugnay nito, tumutukoy ang risk na ito sa grupo ng tao na maaaring higit na
maapektuhan ng kalamidad.
a. Element Risk c. Location of People Risk
b. People Risk d. Money Risk
4. Ang risk na ito ay tumutukoy sa epekto sa tao, hayop, mga pananim at mga kagamitan.
a. Element Risk c. Location of People Risk
b. People Risk d. Money Risk
5. Sa lugar o lokasyon ng tinitirahan ng mga tao na natukoy na vulnerable ang kinakitaan ng
anong uri ng risk na ito.
a. Element Risk c. Location of People Risk
b. People Risk d. Money Risk
6. Ang capacity assessment ay ang pagsuri sa kapasidad ng komunidad na harapin ang
anumang hazard. Tukuyin ang tatlong kategorya ng Capacity Assessment.
i. Pisikal o material iii. Sibiko
ii. Panlipunan iv. Pag-uugali ng mamamayan tungkol sa hazard
a. i,iii,iv b. i, ii, iv c. i,ii,iii d. ii, iii, iv
7. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago ang pagtama ng sakuna,
kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang malawakang pinsala sa
tao at kalikasan.
a. Risk Assessment c. Community Assessment
b. Hazard Mitigation d. Disaster Assessment
8. Ito ay paghahanda na tumutukoy sa mga hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng
pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard.
a. Hazard Assessment c. Vulnerability at capacity assessment
b. Risk Assessment d. Disaster Res
9. Ito ay ang pagsuri sa kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard may
tatlong kategorya na na uuri sa pisikal o material, panlipunan at pag-uugali ng
mamamayan tungkol sa hazard.
a. Hazard Assessment c. Vulnerability at capacity assessment
b. Capacity Assessment d. Disaster Preparedness
10.Ang disaster prevention ay pag-iwas sa mga hazard at kalamidad, alin sa mga nasa ibaba
ang tumutukoy sa pagsisikap na mabawasan ang lubhang epekto nito sa tao?
a. Hazard Assessment c. Vulnerability at capacity assessment
b. Disaster Mitigation d. Capacity Assessment
11.Sa oras ng sakuna o disaster ang mga sumusunod ay ilan sa mga tamang gawin MALIBAN
sa isa.
a. Makibalita at maging listo sa paalala ng barangay at namumuno.
b. Maghanda ng mga kagamitan na pinakakailangan sa oras ng paglikas.
c. Makipagkwentuhan sa kaibigan at bigyang payo sa mga dapat gawin mula sa iyong
sariling pagkaunawa.
d. Manatili sa tahanan kung walang mahalagang bagay o pakay sa labas.
12. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagtukoy sa mapa ng mga lugar na maaaring
masalanta ng hazard at ang mga element tulad ng gusali, taniman at mga kabahayan na
maaaring mapinsala.
a. Risk mapping c. Hazard Mapping
b. Vulnerability Mapping d. Disaster Mapping
13. Ito ay tumutukoy sa iba’t-ibang gawain na disenyo upang mapanatili ang kaayusan sa
panahon ng sakuna, kalamidad at hazard.
a. Disaster Assessment c. Disaster Management
b. Hazard Assessment d. Risk Management
14. Ito ay tumutukoy sa lawak o sakop at pinsala na maaaring danasin ng isang lugar kung
ito ay mahaharap sa isang sakuna o kalamidad sa isang partikular na panahon.
a. Vulnerability Assessment c. Hazard Assessment
b. Risk Assessment d. Disaster Assessment
15. Nakatuon ang yugtong ito sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istraktura at
naantalang serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang
pamumuhay ng isang nasalantang komunidad.
a. Disaster Response
b. Disaster Rehabilitation and Recovery
c. Disaster Preparedness
d. Disaster Prevention and Mitigation
Aralin 1: Disaster Prevention and Mitigation
Sa bahaging ito ng disaster management plan, tinataya ang mga hazard at kakayahan
ng pamayanan sa pagharap sa iba’t ibang suliraning pangkapaligiran. Mula sa mga
impormasyon na nakuha sa pagtataya ay bubuo ng plano upang maging handa ang isang
pamayanan sa panahon ng sakuna at kalamidad.
Gawain 1:
Sa nakalipas na modyul paano naging mahalaga ang mga sumusunod na paksa/ideya,
pangatwiranan at iugnay sa kasalukuyang kaganapan batay sa tatlong pagpipiliang grupo:
barangay, komunidad, o tahanan. Ibigay ang kahalagahan ng paksa kaugnay ng napiling
grupo.
Hal.
Paghahanda - Barangay - Kahalagahan

Ideya/Paksa Grupo Kahalagahan

Paghahanda

Pamahalaan

Tamang Impormasyon

Balita

1. May apat na larawan sa ibaba na nangangailangan ng pamagat na makikita mula sa


kahon.
2. Gamit ang mga ideya na makikita sa mga larawan ilapat ang tamang pamagat sa
akmang larawan at pangatwiranan bakit mahalaga ang mga ito?
3. Mula sa mga letra sa unahan ng bawat pamagat, ano ang nabuong salita?
4. Ilapat ito sa katagang “If you failed to ________, you ________ to failed.”

N-Napakahalagang Gamit A-Akmang Balita


P-Pamahalaan at Atoridad L-Lamang ang may Kaalaman
_____________________________________ ________________________________
_____________________________________ ________________________________
_____________________________________ ________________________________

_____________________________________ ________________________________
_____________________________________ ________________________________
_____________________________________ ________________________________

Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation

Isinasagawa ang Disaster Risk Assessment kung saan nakapaloob dito ang Hazard
Assessment, Vulnerability Assessment, at Risk Assessment.Tinataya naman ang kakayahan at
kapasidad ng isang komunidad sa pamamagitan ng Capacity Assessment. Bakit kailangang
mauna ang pagsasagawa ng pagtataya sa yugto ng Prevention and Mitigation? Ito ay dahil
kailangang maunawaan ng mga babalangkas ng plano kung ano-ano ang mga hazard, mga
risk, at sino at ano ang maaaring maapektuhan at masalanta ng kalamidad.

Hazard Assessment
pagsusuri sa
lawak, sakop, at
pinsala sa isang
lugar

pagtutukoy kung
pagbibigay pansin
ano-ano ang mga
sa Pisikal at
hazard na gawa
Temporal na
ng kalikasan o
katangian nito.
gawa ng tao.

Hazard
Assessment

Vulnerability at Capacity Assessment (VCA)

Sa pamamagitan ng VCA, masusukat ang kahinaan at kapasidad ng isang komunidad sa


pagharap sa iba’t ibang hazard na maaaring maranasan sa kanilang lugar. Sa Vulnerability
Assessment, tinataya ang kahinaan o kakulangan ng isang tahanan o komunidad na harapin
o bumangon mula sa pinsalang dulot ng hazard. Samantala, sa Capacity Assessment naman
ay tinataya ang kakayahan ng komunidad na harapin ang iba’t ibang uri ng hazard. Ayon kina
Anderson at Woodrow (1990) mayroong tatlong kategorya ang Vulnerability: ito ay ang Pisikal
o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali tungkol sa hazard.

Talahanayan 1.8 – Mga Deskripsiyon Halimbawa


katangian ng
Vulnerability at Capacity
Assessment Kategorya
Pisikal o Materyal Tumutukoy sa mga Di sapat na kita
materyal na yaman tulad Pagkakaroon ng utang
ng suweldo mula sa
Kakulangan ng sapat na
trabaho, pera sa bangko
kakayahan at edukasyon
at mga likas na yaman.
Ang kawalan o Kawalan ng pangunahing
kakulangan ng mga serbisyo tulad ng edukasyon,
nabanggit na pangkalusugan, sistema ng
pinagkukunang-yaman komunikasyon at
ay nangangahulugan na transportasyon
ang isang komunidad ay
vulnerable o maaaring
mapinsala kung ito ay
makararanas ng hazard
Panlipunan Tumutukoy sa pagiging Kawalan ng pagkakaisa ng mga
vulnerable o kawalan ng miyembro ng pamilya at ng mga
kakayahan ng grupo ng mamamayan
tao sa isang lipunan. Hindi maayos na ugnayan sa
Halimbawa ay mga pagitan ng mamamayan at
kabataan, mga pamahalaan
matatanda, mga may
kapansanan at maysakit
Pag-uugali tungkol sa May mga paniniwala at Kawalan ng interes sa mga
Hazard gawi ang mga programa ng pamahalaan
mamamayan na Pagiging negatibo sa mga
nakahahadlang sa pagbabago
pagiging ligtas ng isang
Kawalan ng sapat na kaalaman
komunidad. Bunga nito,
tungkol sa hazard sa kanilang
nagiging vulnerable ang
isang komunidad. komunidad
Pagiging palaasa sa pamahalaan
at sa tulong ng pribadong sektor
Sanggunian: Ondiz at Redito (2009)

Vulnerability Assessment

Ang pagiging vulnerable ng isang lugar ay nangangahulugang mayroon itong kakulangan sa


mga nabanggit na kategorya. Bunga nito, nagiging mas malawak ang pinsala na dulot ng
hazard. Halimbawa, kung ang isang komunidad ay walang pakialam sa mga programang
pangkaligtasan ng kanilang pamahalaan, hindi nila alam ang kanilang gagawin sa panahon
ng sakuna o kalamidad. Ang mga mamamayang ito ay matatawag na vulnerable dahil sila ang
mga posibleng maging biktima ng sakuna o kalamidad. Samantala, ang mga mamamayan
naman na may maliit na kita ay maituturing din na vulnerable dahil maaaring hindi sapat
ang kanilang suweldo upang tustusan ang dagdag na gastusin sa panahon ng sakuna tulad
ng bagyo o baha.

Higit na mauunawaan
Kailangan na maging
ng mamamayan ang Magkakaroon ng
mulat ang mga
programa ng maayos na ugnayan sa
mamamayan sa mga
pamahalaan kung sila pagitan ng mamamayan
hazard sa kanilang
ay kabahagi sa at pamahalaan.
lugar.
pagbalangkas nito

Hindi dapat kalimutan


ng pamahalaan ang
Magkaroon ng
kahalagahan ng
kaalaman sa mga
partisipasyon ng mga
panganib at banta na
mamamayan sa lahat
maaari nilang
ng aspekto ng pagbuo
maranasan.
ng disaster
management plan.

Dapat na maging aktibo


rin sila sa paglahok sa Dapat na maging
mga programa ng seryoso ito sa pagbuo
pamahalaan kabilang ng disaster
na dito ang tungkol sa management plan.
disaster management.

Elements at risk. Tumutukoy ang elements at risk sa tao, hayop, mga pananim, bahay,
kasangkapan, imprastruktura, at kagamitan para sa transportasyon at komunikasyon, at
pag-uugali. Pagkatapos matukoy ang mga elements at risk, sinusuri rin kung bakit sila
maituturing na vulnerable. Halimbawa, may mga bahay sa pamayanan na maituturing na
vulnerable. Ilan sa mga dahilan ay ang lokasyon nito, dahil malapit sa anyong-tubig, nasa
paanan ng bundok, nasa mababang bahagi ng pamayanan, o kaya ay gawa sa mga
kasangkapang madaling masira ng bagyo. Mahalaga ang pagsasagawa nito dahil
makatutulong ito sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan ng pamayanan.

People at risk. Sa people at risk naman, tinutukoy ang mga grupo ng tao na maaaring higit
na maapektuhan ng kalamidad. Halimbawa, ang mga buntis ay maituturing navulnerable sa
panahon ng kalamidad dahil sa kanilang kondisyon. Gayundin, ang mga may kapansanan ay
maituturing na vulnerable o elements at risk. Itinuturing silang vulnerable dahil
nangangailangan sila ng higit na atensyon sa panahon ng kalamidad. Ang mga nabanggit na
people at risk ay kailangang ikonsidera sa pagbuo ng warning system, pagbuo ng evacuation
plan, at ng disaster risk reduction and management plan ng isang pamayanan.

Location of People at risk. Sa usapin naman ng location of people at risk, tinutukoy ang
lokasyon o tirahan ng mga taong natukoy na vulnerable.
Capacity Assessment

Sa Capacity Assessment, sinusuri ang kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang


hazard. Mayroon itong tatlong kategorya: ang Pisikal o Materyal, Panlipunan, at Pag-uugali ng
mamamayan tungkol sa hazard. Sa Pisikal o Materyal na aspekto, sinusuri kung ang mga
mamamayan ay may kakayahan na muling isaayos ang mga istruktura tulad ng bahay,
paaralan, gusaling pampamahalaan, kalsada at iba pa na nasira ng kalamidad. Sa aspektong
Panlipunan naman, masasabing may kapasidad ang isang komunidad na harapin ang hazard
kung ang mga mamamayan ay may nagtutulungan upang ibangon ang kanilang komunidad
mula sa pinsala ng mga sakuna at kung ang pamahalaan ay may epektibong disaster
management plan.Samantala, ang mga mamamayan na bukas ang loob na ibahagi ang
kanilang oras, lakas, at pagmamay-ari ay nagpapakita na may kapasidad ng komunidad na
harapin o kaya ay bumangon mula sa dinanas na sakuna o panganib.
Sa pagsasagawa ng Capacity Assessment, itinatala ang mga kagamitan, imprastraktura, at
mga tauhan na kakailanganin sa panahon ng pagtama ng hazard o kalamidad. Mahalaga ang
pagsasagawa nito sapagkat magbibigay ito ng impormasyon sa mga mamamayan at sa mga
pinuno ng pamayanan kung ano at kanino hihingi ng tulong upang mapunan ang kakulangan
ng pamayanan.
Tandaan na hindi lahat ng pamayanan ay mayroong magkakatulad na pisikal na katangian.
Kung kaya’t maaaring makaapekto ito sa kanilang kapasidad. Gayundin, ang pagkakaiba ng
antas ng kita ng bawat pamayanan ay mayroon ding malaking epekto sa pagiging handa nila
sa panahon ng kalamidad.
Risk Assessment

Kung ang Disaster prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga hazard at kalamidad,


sinisikap naman ng mga gawain sa disaster mitigation na mabawasan ang malubhang epekto
nito sa tao, ari-arian, at kalikasan. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang na dapat gawin bago
ang pagtama ng sakuna, kalamidad at hazard na may layuning maiwasan o mapigilan ang
malawakang pinsala sa tao at kalikasan (Ondiz at Redito, 2009).

Dalawang uri ng Mitigation

Structural mitigation Non Structural mitigation

Tumutukoy sa mga paghahandang


Tumutukoy sa mga ginagawang
ginagawa sa pisikal na kaayuan ng
plano at paghahanda ng pamahalaan
isang komunidad upang ito ay
upang maging ligtas ang komunidad
maging matatag sa panahon ng
sa panahon ng pagtama ng hazard.
pagtama ng hazard. Ilan sa
Ilan sa halimbawa nito ay ang
halimbawa nito ay ang pagpapagawa
ng dike upang mapigilan ang baha, pagbuo ng disaster management
paglalagay ng mga sandbags, plan, pagkontrol sa kakapalan ng
pagpapatayo ng mga flood gates, populasyon, paggawa ng mga
pagpapatayo ng earthquake-proof ordinansa at batas, information
buildings, at pagsisiguro na may fire dissemination, at hazard assessment.
exit ang mga ipinatatayong gusali.

Kahalagahan ng Disaster Risk Assessment

Ayon kina Ondiz at Redito (2009), ang sumusunod ay mga dahilan kung
bakit mahalaga ang pagsasagawa ng risk assessment:
Aralin 2: Disaster Preparedness
Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness

Madalas tayong nakakapanood ng mga patalastas sa telebisyon tungkol sa mga dapat gawin
sa panahon ng sakuna. Mayroon ding mga anunsyo sa radyo, sa mga pahayagan, at maging
sa ating pamayanan tungkol sa mga gagawin natin kung sakaling tayo ay makaranas ng iba’t
ibang kalamidad. Ito ay ilan lamang sa mga gawaing nakapaloob sa ikalawang yugto ng DRRM
plan.

Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Disaster Response. Ito ay tumutukoy sa mga hakbang o
dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard. Mahalagang
malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan sa komunidad, at maging ng
mga kawani ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad. Dapat
ring maliwanag sa bawat sektor ng lipunan ang kanilang gagawin upang magkaroon ng
koordinasyon at maiwasan ang pagkalito at pagkaantala na maaari pang magdulot ng dagdag
na pinsala o pagkawala ng buhay.
Layunin ng mga gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang bilang ng mga
maapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na
istruktura at maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa
dinanas na kalamidad.

Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng paalala


at babala sa mga mamamayan. Ito ay may tatlong pangunahing layunin:
1. To inform – magbigay kaalaman tungkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na
katangian ng komunidad.
2. To advise – magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon,
paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.
3. to instruct–magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat
puntahan, mga opisyales na dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at
hazard.

May iba’t ibang paraan ang bawat komunidad sa pagbibigay ng paalala o babala.
 barangay assembly,
 pamamahagi ng flyers,
 pagdidikit ng poster o billboard,
 mga patalastas sa telebisyon, radyo, at pahayagan.
Lahat ng ito ay ginagawa upang maging mulat at edukado ang mga mamamayan sa uri ng
hazard at dapat nilang gawin sa panahon ng pagtama nito.
Gawain 1:
Makipagtalakayan sa iyong pamilya at magsagawa ng Vulnerability Assessment sa inyong
pamayanan gamit ang sumusunod na format.

Vulnerability Assessment Chart


Lugar: Uri ng hazard:

Elements at risk Dahilan

People at risk

Location of People at risk

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga hamon na inyong kinaharap sa pagsasagawa ng hazard vulnerability
assessment?
2. Bakit mahalagang mabatid ng mga kasama sa tahanan ang kanilang pagiging vulnerable sa
mga disaster?
3. Bakit mahalaga na may partisipasyon ng mga mamamayan ang paggawa ng vulnerability
assessment?
Gawain 2:
Subukin ang kalistuhan at piliin ang tamang sagot na tutugma sa mga sumusunod na
katanungan.
1. Sa pagsasagawa ng Capacity Assessment kinakailangan maitala ang mga sumusunod sa
upang maipakita ang kahandaan?
A. Kagamitan, imprastraktura, at mga tauhan sa panahon ng kalamidad
B. Temporal na katangian ng hazard
K. Sosyal na katangian ng tao
D. politikal na katangian ng lipunan
2. Kung ang Disaster Prevention ay tumutukoy sa pag-iwas sa mga panganib at kalamidad,
ano ang sinisikap gawin ng Disaster Mitigation?
A. mabawasan ang malubhang epekto nito sa tao, ari-arian, at kalikasan
B. masolusyunan ang hazard at risk
K. makakuha ng pondo sa pamahalaan
D. makagawa ng plano
3. Ito ay tumutukoy sa pagsuri ng kapasidad ng komunidad na harapin ang anumang hazard.
A. Lost Assessment K. Capacity Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assessment
4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI bahagi ng unang yugto ng Community- Based Disaster
Risk Reduction and Management Plan?
A. Capacity Assessment K. Lost Assessment
B. Hazard Assessment D. Vulnerability Assessment
5. Sa mga sumusunod na yugto ng Kahandaan sa Panahon ng Sakuna, alin ang hindi
nabibilang dito?
A. Contingency Planning K. Pagpaplano ng Gawain
B. Paghahanda sa Pagkain D. Pagbibigay puna sa mga mali ng pamahalaan
Gawain 3:
DISCUSS ABOUT CAPACITY ASSESSMENT
IMPORTANCE
Magsagawa ng Capacity Assessment sa inyong tahanan. Sundin ang sumusunod na format.

A. Kagamitan

B. Human Resource

C. Transportasyon at Komunikasyon

Pamprosesong Tanong:
1. Sapat ba ang kakayahan ng inyong tahanan sa pagharap sa kalamidad?
2. Paano mapupunan ang mga kakulangan o mapananatili ang kasapatan ng inyong mga
kagamitan sa tahanan?
3. Bukod sa pagkakaroon ng sapat na kagamitan, ano ang dapat gawin ng mga kasambahay
upang maging handa sa mga kalamidad?

Gawain 4:
Punan ng tsek (√) kung ang nilalaman ng kahon ay tumutukoy sa kahalagahan ng Disaster
Risk Assessment at ekis (X) kung ito ay hindi tumutukoy.
Assessment
Nagiging sistematiko ang pagkalap ng datos sa pagtukoy, pagsusuri, at pagtatala sa
mga hazard na dapat unang bigyang pansin.
Nagiging mulat ang mga mamamayan sa mga hazard na mayroon sa kanilang
komunidad na noon ay hindi nila alam. Sa pamamagitan ng risk assessment ay
nagkakaroon ng mas matibay na batayan ang maaaring maging epekto ng hazard sa
kanilang komunidad.
Nagsisilbing batayan sa pagbuo ng disaster risk reduction and management plan.
Nagiging gabay sa pagbuo ng mga polisiya, programa, proyekto, at istratehiya upang
maging handa ang komunidad sa pagharap sa iba’t ibang hazard.
Nagbibigay ng impormasyon at datos na magagamit sa pagbuo ng plano at magsisilbing
batayan sa pagbuo ng akmang istratehiya sa pagharap sa mga hazard.
Isa sa mahalagang produkto ng risk assessment ay ang pagtatala ng mga hazard at
pagtukoy kung alin sa mga ito ang dapat bigyan ng prayoridad o higit na atensyon. Ito
ay tinatawag na Prioritizing risk.
Pagsasawalang bahala sa awtoridad.

Gawain 5:
Gumawa ng hazard assessment map/sketch na magpapakita ng iba’t ibang hazard sa inyong
lugar.

Upang maisagawa ito sundin ang sumusunod na hakbang:


1. Alamin kung anong uri ng hazard ang maaaring mangyari sa inyong lugar.
2. Humingi ng tulong sa iyong pamilya sa paggawa ng sketch o maaaring magpatulong sa
magulang na humingi ng kopya ng mapa ng barangay.
3. Kung mayroon namang hazard assessment map ang inyong barangay, maaari itong hingin.
Gumawa ng katulad na mapa na nakapokus lamang sa inyong sariling kalye, o kapitbahayan.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang mga hamon na inyong kinaharap sa pagsasagawa ng hazard assessment map?
2. Paano ninyo hinarap ang mga nabanggit na hamon?
3. Bakit mahalaga na may partisipasyon ng mga mamamayan ang paggawa ng hazard
assessment map?
Gawain 6:
Tukuyin mula sa kahon ang tamang sagot na isinasaad sa bawat pangungusap.
___________ 1. Kaalaman tungkol sa sakuna.
____________2. Pagbibigay pamamaraan sa dapat gawin. To Inform
____________3. Utos mula sa mga awtoridad tungkol sa paglikas. To Advise
____________4. Panuntunang ipinagagawa ng pamahalaan To Instruct
hinggil sa sakuna.
____________5. Pamamahagi ng anunsyo tungkol sa hazard at risk.

Hindi natatapos ang DRRM


plan sa pagtataya ng mga banta ng Mahalaga ang mga
kalamidad at kakayahan ng hakbang na nakapaloob sa
komunidad na harapin ito. yugto ng Prevention and
Mahalagang gamitin ang mga Mitigation. Lahat ng
imporasyong nakalap mula sa impormasyon na makukuha
unang hakbang sa pagbuo ng mula sa pagsasagawa nito ay
ikalawawang yugto: ang Disaster makatutulong upang
Preparedness.
magkaroon ng malinaw na
batayan sa pagbuo ng DRRM
plan ang isang pamayanan.

Gawain 7:
Pumili ng isang uri ng hazard o kalamidad. Gumawa ng poster ad na nagpapakita ng
sumusunod:
1. Impormasyon tungkol sa katangian at kahulugan ng disaster
2. Mga sanhi at epekto nito.
3. Mga dapat gawin bago, habang, at pagkatapos ng disaster
4. Mga gamit na dapat ihanda upang maging ligtas kapag naranasan ang disaster.
5. Mga opisyales, kawani ng pamahalaan o NGO na maaaring hingan ng tulong.
6. Mga kagamitan sa paggawa ng poster ad: Bond Paper, Panulat, Pangkulay, at iba pang
maaaring ipangdesenyo.

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang dapat gawin upang maipagbigay sa lahat ang mga dapat gawin sa panahon ng
kalamidad?
2. Bakit mahalaga na malaman ng mga mamamayan ang mga impormasyon tungkol sa
kalamidad at mga dapat gawin kung mararanasan ang mga ito?
3. Paano makatutulong ang mga mamamayan sa pamamahagi ng kaalaman tungkol sa
disaster preparedness?

Araling Panlipunan 10: First Quarter, Module 5, Week 8


Aralin 3: Disaster Response

Ang ikatlong yugto ay tinatawag na Disaster Response. Sa pagkakataong ito ay tinataya


kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Mahalaga ang impormasyong
makukuha mula sa gawaing ito dahil magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang
pagtugon sa mga pangangailangan ng isang pamayanan na nakaranas ng kalamidad.
Gawain 1:
Batay sa natutunan sa unang aralin, mahalaga ang VCA. Gamit ang diagram magbigay ng
mga halimbawa ng mga ito.
Halimbawa:
Pag-uugali
tungkol sa
Hazard

Panlipunan

Pisikal o
Materyal

Vulnerability
at Capacity
Assessment
(VCA)

Gawain 2:
Panuto: Gamit ang mga mensahe mula sa dalawang larawan ipakita, gamit ang pagsalaysay
nito, ang iyong saloobin sa kung paano naging mahalaga ang pagkakaroon ng tamang
kaalaman sa pagtugon sa panahon ng sakuna. Iugnay ito sa disaster response.

Ibigay ang iyong salaysay:


Ikatlong Yugto: Disaster Response

Nakapaloob sa Disaster Response ang tatlong uri ng pagtataya: ang Needs Assessment,
Damage Assessment, at Loss Assessment. Ayon kina Abarquez, at Murshed (2004), ang needs
ay tumutukoy sa mga pangunahing pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng
pagkain, tahanan, damit, at gamot. Samantala, ang damage ay tumutukoy sa bahagya o
pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng kalamidad. Ang loss naman ay
tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o pangmatagalang
pagkawala ng produksyon. Ang damage at loss ay magkaugnay dahil ang loss ay resulta ng
mga produkto, serbisyo, at imprastraktura na nasira. Halimbawa, ang pagbagsak ng tulay ay
halimbawa ng damage, ang kawalan ng maayos na daloy ng transportasyon ay loss. Ang
pagkasira ng mga lupaing-taniman ay damage samantalang ang pagbaba ng produksiyon ng
palay ay loss. Isa pa ring halimbawa ay ang pagguho ng ospital dahil sa lindol ay maituturing
na damage. Samantala, ang panandaliang pagkaantala ng serbisyong pangkalusugan ay
maituturing na loss.

Mahalagang maunawaan mo na sa yugtong ito ay napakahalaga ng koordinasyon ng lahat ng


sektor ng lipunan na kasama din sa pagsasagawa ng una at ikalawang yugto. Kadalasan kasi
ay nababalewala ang nilalaman ng DRRM plan kung walang maayos na komunikasyon lalo sa
pagitan ng iba’t ibang sektor lalo na sa oras na nararanasan ang isang kalamidad. Mahalaga
rin ang kaligtasan ng bawat isa kaya sa pagsasagawa ng Disaster response ay dapat
isaalaang-alang ng mga mamamayan ang kanilang kakayahan sa pagsasagawa nito.

Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery

Tinatawag din ang yugto na ito na Rehabilitation. Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain
ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang
pangunahing serbisyo upang manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang
pamumuhay ng isang nasalantang komunidad. Halimbawa nito ay ang pagpapanumbalik ng
sistema ng komunikasyon at transportasyon, suplay ng tubig at kuryente, pagkukumpuni ng
bahay, sapat na suplay ng pagkain, damit, at gamot. Kabilang din dito ang pagbabantay sa
presyo ng mga pangunahing bilihin at pagkakaloob ng psychosocial services upang madaling
malampasan ng mga biktima ang kanilang dinanas na trahedya.

Noong 2006, ang Inter-Agency Standing Committee (IASC) na binubuo ng iba’t ibang NGO,
Red Cross at Red Crescent Movement, International Organization for Migration (IOM), World
Bank at mga ahensya ng United Nations ay nagpalabas ng Preliminary Guidance Note. Ito ay
tungkol sa pagpapakilala ng Cluster Approach na naglalayong mapatatag ang ugnayan ng
iba’t ibang sektor ng lipunan. Makatutulong ito upang maging mas malawak at ang
mabubuong plano at istratehiya at magagamit ng mahusay ang mga pinagkukunang yaman
ng isang komunidad. Ginamit na batayan ng National Disaster Coordinating Council (NDCC)
ang Cluster Approach sa pagbuo ng sistema para sa pagharap sa mga sakuna, kalamidad, at
hazard sa Pilipinas. Noong Mayo 10, 2007, ipinalabas ang NDCC Circular No. 5-2007, ito ay
isang direktibo na nagpapatatag sa Cluster Approach sa pagbuo ng mga Disaster Management
System sa Pilipinas. Iminumungkahi rin nito na magtalaga ng pinuno ng bawat cluster
(Cluster Leads) para sa tatlong antas: nasyunal, rehiyunal, at probinsiyal. Noong taong 2007
rin, sa bisa ng Executive Order No. 01-2007, nabuo ang Ayuda Albay Coordinating Task Force
na syang namuno sa pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan matapos ang bagyong Reming.
Noong July 2007, sa bisa ng E.O. No. 02-2007, ay binuo naman ang Albay Mabuhay Task
Force. Layunin nito na ipatupad ang mas komprehensibong programa para sa pagtugon at
rehabilitasyon ng lalawigan sa panahon ng kalamidad. Kinapapalooban ito ng pagbuo ng iba’t
ibang cluster sa bawat barangay, bayan at komunidad na siyang mamumuno sa mga ito sa
panahon ng panganib, pagpapatatag ng seguridad at suplay ng pagkain at pangunahing
pangangailangan, pagpapasigla ng information campaign, at pagpapayabong ng mga gawaing
pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar. Nakita ang pagiging epektibo ng nasabing
programa dahil idineklara ng Albay ang zero casualty sa kabila ng pagtama ng malakas na
bagyong Glenda noong Hulyo 2014. Nagpapatunay ito na kung magkakaroon ng maayos na
sistema ng disaster management ang isang lugar ay maaaring maiwasan ang malawakang
pinsala sa panahon ng kalamidad. Higit sa maayos na sistema, nakita rin sa Albay ang
partisipasyon ng mga mamamayan, NGO, at iba pang sektor ng lipunan sa pagpaplano at
implementasyon ng kanilang disaster management plan. Samakatuwid, ang yugto ng Recovery
ay nakasalalay rin sa kung paano binuo ng isang komunidad ang kanilang disaster
management plan na bahagi ng yugto ng Preparation. Makikita dito na kailangan ay may
sapat na kaalaman at partisipasyon ang pamahalaan, iba’t ibang sektor ng lipunan, NGO, at
mga mamamayan sa pagbuo ng DRRM plan upang ito ay maging matagumpay.
Isa sa mga pamamaraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamayan ang
konsepto ng DRRM plan ay ang pagtuturo nito sa mga paaralan. Sa bisa ng DepEd Order No.
55 ng taong 2008, binuo ang Disaster Risk Reduction Resource Manual upang magamit sa ng
mga konsepto na may kaugnayan sa disaster risk reduction management sa mga
pampublikong paaralan.
Gawain 3:
GIVE SAMPLE
EXPLAIN WHAT IS FLASH REPORT
Maghanap ng balita tungkol sa isang kalamidad na naranasan sa inyong pamayanan.
Gumawa ng flash report tungkol dito. Gamitin ang sumusunod na format sa paggawa
nito. 1. Sitwasyon
1.1 Uri ng disaster
1.2 Petsa at oras
1.3 Apektadong lugar
1.4 Posibilidad ng “after effects”
2. Paunang ulat ng Epekto
2.1 Bilang ng namatay
2.2 Bilang ng nasaktan
2.3 Bilang ng nawawala
2.4 Nangangailangan ng tirahan at damit
2.5 Nangangailangan ng pagkain
2.6 Nangangailangan ng tubig
2.7 Nangangailangan ng sanitasyon
2.8 Pinsala sa imprastraktura
3. Pangangailangan ng tulong
3.1 Search and rescue Oo/Hindi
3.2 Evacuation Oo/Hindi
3.3 Proteksyon Oo/Hindi
3.4 Pangangailangang Medikal Oo/Hindi
3.5 Pangangailangan sa tirahan at damit Oo/Hindi
3.6 Pangangailangan sa pagkain Oo/Hindi
3.7 Pangangailangan sa tubig Oo/Hindi
3.8 Sanitasyon Oo/Hindi
3.9 Pagkukumpuni sa mga Oo/Hindi
imprastraktura
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang dapat isaisip sa pagsasagawa ng flash report?
2. Paano makatutulong ang isang mapagkakatiwalaang flash report?
3. Nararapat bang makibahagi ang mga mamamayan sa pagsasagawa nito? Bakit?

Gawain 4:
Magsagawa ng panayam sa inyong tahanan tungkol sa mga dapat gawing hakbang upang
mapanumbalik ang maayos na daloy ng buhay sa isang pamayanang nakaranas ng
kalamidad. Ang bawat kapapanayamin ay kailangang makapagbigay ng mga dapat gawing
paghahanda/hakbang batay sa naiatas na kategorya. Ilahad ang resulta ng inyong panayam
gamit ang sagutang papel.

Mga maaaring kapanayamin:


Kapatid; Nakatatanda o nakababata
Pinsan
Magulang
Tito/tita
Lolo/lola
Kakapanayamin Kategorya/Taong gaganap

Unang panayam - paghahanda/hakbang ng mga mag-aaral


Ikalawang panayam- paghahanda/hakbang ng mga magulang
Ikatlong panayam - paghahanda/hakbang ng mga guro o kawani ng paaralan
Ikaapat panayam - paghahanda/hakbang ng mga pamahalaang
pambarangay
Ikalima panayam - paghahanda/hakbang ng mga miyembro ng NGO

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kanilang tugon sa mga hakbang na dapat gawin
upang mapanumbalik ang kaayusan matapos ang kalamidad?
2. Dapat bang iasa ang mga gawaing pang-rehabilitasyon sa pamahalaan? Bakit?
3. Paano ang mabisang pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran?
Gawain 5:
Gamit ang imahe ng isang kahon na magsisilbing sisidlan, magtala ng mga gamit na
kakailanganin bilang paghahanda sa sakuna. Ang kahon na ito ay sisimbolo ng pagiging
handa ng inyong pamilya sa ano mang sakuna o hazard.

1. Magmasid sa inyong tahanan ng mga kagamitan na maaring makatulong sa panahon ng


sakuna.
2. Gamitin ang mga tsek marks sa labas ng kahon, isulat ang mga nakitang kagamitan sa
loob ng inyong tahanan.

Kahon-Da





Photo Reference:

q=box&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjNrZ2mwrXqAhXYa94KHQaQBuoQ_AUoAXoECA0QAw&biw=1366&bih=576#imgrc=9-
Naunawaan mo sa nakaraang aralin ang iba’t ibang yugto ng isang DRRM plan. Naging
WDdQeOVZknhM
malinaw din sa iyo ang kahalagahan ng partisipasyon ng mga mamamayan at lahat ng sektor
ng lipunan sa pagbuo ng DRRM plan. Samakatuwid dapat na maging aktibo kang kabahagi ng
pagbubuo ng plano sa inyong lugar upang maging handa ang inyong pamayanan sa pagtama
ng iba’t ibang hazard at kalamidad.

Basahin at unawain ang mga sumusunod na artikulo kaugnay ng nakalipas na aralin.

Unang artikulo.
Ang unang artikulo ay hango mula sa ulat ni Agnes Espinas (2013) na tumatalakay sa
Disaster Risk Management sa lalawigan ng Albay.
Geography and Public Planning:
Albay and Disaster Risk Management
Agnes Espinas
Bago pa man magkaroon ng mga organisasyong may responsibilidad na tumugon sa mga
kalamidad binibigyang babala ang mga tao sa pamamagitan ng pagpapatunog ng kampana ng
simbahan. May mga pagkakataon na may inaatasang tagapamalita ang isang barangay na
magbibigay-babala sa mga tao sa paparating na bagyo o anomang uri ng kalamidad. Ang iba
ay umaasa sa pakikinig ng balita sa radyo upang magkaroon ng kaalaman sa estado ng
kalamidad. Walang sinusunod na sistema o programa ang pagbangon mula sa isang
kalamidad. Karaniwan, nasa pansariling desisyon ng isang komunidad ang mga paraan kung
paano maiiwasan ang malawakang pagkasirang dulot ng isang kalamidad. Nasa kanilang
pagpapasya kung kailan dapat lumikas sa mas ligtas na lugar. Ang pagtungo sa mga
evacuation centers, na karaniwang mga pampublikong paaralan, ang paraan upang
magkaroon ng access ang mga biktima ng kalamidad ng pagkain, damit, at gamot.
Inaasahang sa mga oras ng kalamidad, may mga gagawin ang mga lokal na opisyal upang
masigurong ligtas ang kanilang mga nasasakupan subalit, walang sinusunod na protocol at
nakahandang plano sa pagharap sakaling magkaroon ng kalamidad sa kanilang lugar. Bago
ang taong 1989, ang istratehiya ng Albay sa disaster risk management ay tinatawag na “after-
the-fact-disaster response. (Romero, 2008:6) Ang paraan ng pamahalaang pamprobinsya,
mahahalagang ahensya ng lokal na pamahalaan, at iba pang institusyon ay pagtugon at
reaksiyon lamang sa mga naganap na kalamidad. Gayundin naman, hindi nagkakaroon ng
pangmatagalang paghahanda para sa kalamidad. Pangunahing pinagtutuunan ng pansin ang
kaligtasan ng mga naapektuhang pamilya at ang pagbibigay ng relief assistance sa panahon
ng kalamidad.
Ang mga gawain ng iba’t ibang ahensya na may kinalaman sa pagharap sa kalamidad ay
maituturing na nabuo lamang upang tugunan ang pangangailangan at hindi bahagi ng
regular na tungkulin ng nasabing ahensya ng pamahalaan. Ang mga disaster control group ay
nabuo lamang dahil sa pagkakaroon ng isang kalamidad. Sa pagkakaroon ng kalamidad, ilan
sa mga gawain ng disaster control group ay ang pagbibigay ng mga early warning signal,
paglikas ng mga apektadong pamilya, pamimigay ng mga relief goods, at pagkakaloob ng mga
tulong medikal. Sa punto ng paghahanda sa kalamidad, nagkakaroon ng mga pagsasanay at
drill subalit hindi ito regular na nagaganap. Matapos ang kalamidad, nakatuon naman ang
mga gawain sa rehabilitasyon ng mga nasirang inprastraktura bunga ng dumaang kalamidad.
Taong 1989, sa tulong ng gobyerno ng Italy, pinagtibay ng lalawigan ng Albay ang
pagkakaroon ng community-based disaster preparedness upang mabawasan ang malawakang
pagkawala ng buhay at pagkasira ng ari-ariang dulot ng mga kalamidad sa kanilang
lalawigan.

Ikalawang Artikulo.
Ang ikalawang aritkulo ay hango mula sa ulat ng Partnerships for Disaster Reduction – South
east Asia Phase 4 (2008). Ang ulat ay tungkol sa implementasyon ng Community-Based
Disaster Risk Management sa Pilipinas.

Community-Based Disaster Risk Management (CBDRM) Projects and Programs


Implemented by Non-Government Organiations (NGOs)
Sa kasalukuyan, mayroong mga internasyunal at lokal na mga NGO ang nakikibahagi sa mga
gawaing may kaugnayan sa CBDRM sa 55 probinsya at siyudad sa Pilipinas. Sa 55 probinsya
at siyudad, 43, ang natukoy na mga at-risk, na siyang naging pokus ng mga gawain ng
READY Project. Makikita sa talahanayan ang iba’t ibang organisasyon na nagpatupad ng mga
gawain may kaugnayan sa CBDRM. Ang mga organisasyong ito ay isinaayos sa kategoryang
internasyunal na NGO, lokal na NGO, NAPCVDC NGOs. Ang mga natitirang NGOs ay
miyembro ng Victims of Disaster and Calamities (VDC) Sector of National Anti-Poverty
Commission (NAPC). Ang limang NGOs ay na ito ay ang Balay Rehabilitation Center, Inc
(Balay), Creative Community Foundation, Inc (CCF), Pampanga Disaster Response Network,
Inc (PDRN), Philippine Relief and Development Services, Inc (PhilRADS), at PNRC Agusan Del
Norte–Butuan City Chapter. Ang mga nabanggit na internasyunal at lokal na NGOs ay may
kabuuang 51 CBDRM-related na proyekto at programa. Subalit, mayroon lamang dalawang
NGOs na may kasalukuyang programa na may kaugnayan sa Hydro-meteorological Disaster
Mitigation for Secondary Cities in Asia (PROMISE). Ito ay matatagpuan sa Dagupan City, sa
Pangasinan at sa Eastern Visayas.
Ikatlong Artikulo
Ang ikatlong artikulo ay hango mula sa artikulo ni Lorna P. Victoria, (2001) ang director ng
Center for Disaster Preparedness ng Pilipinas.

Replicating Ideally Prepared Communities


(Abinales, 2002 at Heijmans & Victoria, 2001)
Kahit ang Buklod Tao lamang ang tanging people’s organization sa bagong tatag na Philippine
Disaster Management Forum, tiniyak pa rin nito na ang presensiya, tinig, at interes ng mga
pamayanan sa CBDM ay mapapanatili. Pagkatapos ang matagumpay na disaster
preparedness at emergency response activities tulad ng maayos na paglikas, search and rescue
at evacuation center management ng mga pamayanan mula pa noong 1997, tumulong na rin
ang Buklod Tao sa iba pang pamayanan upang maging matagumpay ang kanilang CBDM. Ang
Buklod Tao ay isang environmental people’s organization na binuo ng mga residente ng Doña
Pepeng Subdivision at mga informalsettlers ng North at South Libis, Brgy. Banaba, San Mateo
noong Pebrero 1997 pagkatapos ang pagkilos ng pamayanan laban sa plano ng isang
construction company na magtayo ng isang cement batching plant sa katabing lupaing
agrikutlural. Naniniwala silang magdudulot lamang ito ng mga pagbaha sa kanilang
pamayanan dahil na rin sa lokasyon nito sa delta ng mga ilog Nangka at Marikina. Pagkatapos
ng isang araw na Disaster Management and Preparedness Seminar noong Hunyo 1997, binuo
ng Buklod Tao ang Disaster Response Committee (DRC) na mayroong 33 miyembro at
nagbalangkas ng Counter Disaster Plan. Tatlong disaster management teams ang binuo at ang
emergency rescue at evacuation plan ay inayos (kasama ang pagbuo sa 3 bangkang fiberglass).
Mula sa konseho ng barangay ay nagkaroon ang Buklod Tao ng isang life jacket. Mula sa
ibang mga donasyon ay nakalikom ang samahan ng pondo (humigit kumulang Php 30,000) na
pambili ng flashlights, baterya, mga tali, megaphones, first aid kits at mga kagamitan sa
pagbuo ng tatlong rescue boats. Dalawang buwan pagkatapos ng disaster preparedness
seminar, isang bagyo ang muling tumama sa pamayanan. Kahit na maraming bahay ang
nasira ay wala namang namatay at maraming naisalba ang mga mamamayan. Simula noon,
maaari nang makaiwas sa kapahamakan dahil sa Batay sa unang
flood-level monitoring,
Paano early warning,
tinugunan ang mga sul
evacuation, rescue operations, at relief assistance activities artikulo
ng DRC at Buklod Tao.
Batay sa tatlong artikulo na aking sinuri, masasabi ko na ang
Gawain 6: pagtugon sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay dapat na
Summary chart ______________________________
______________________________________________________________________

Batay sa Ikalawang
artikulo

Batay sa Ikatlong
artikulo
Pagtataya:
1. Ito ay tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo at pansamantala o
pangmatagalang pagkawala ng produksyon tulad ng brown-out dahil s amalakas na
buhos ng ulan, dala ng bagyong Ambo.
a. Damage b. Loss c. Needs d. Wants
2. Ito ay tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot ng
kalamidad tulad ng mabilis na pagdaloy ng lahar, sa mga taniman, dahil sa pagputok
ng bulkang Pinatubo.
a. Needs b. Damage c. Loss d. Wants
3. Sa pagsasagawa ng disaster response dapat isaalang-alang ng mga mamamayan ang
kanilang ____________ sa pagsasagawa nito.
a. Kayamanan b. Katiyagaan c. Kakayahan d. Karapatan
4. Sa yugtong ito ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga
nasirang pasilidad at istruktura, nawalang serbisyo para maibalik ang dating kaayusan
at normal na daloy ng pamumuhay ng tao sa isang nasalantang komunidad.
a. Disaster Prevention and Mitigation c. Disaster Response
b. Disaster Preparedness d. Disaster Rehabilitation ang Recovery
5. Ang pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin panunumbalik ng suplay ng
tubig at kuryente at pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain ay bahagi ng yugto ng
___________
a. Disaster Prevention and Mitigation c. Disaster Response
b. Disaster Preparedness d. Disaster Rehabilitation ang Recovery
6. Bahagi ng yugtong ito ang tatlong uri ng pagtataya, ang needs assessment, damage
assessment at loss assessment.
a. Disaster Prevention and Mitigation c. Disaster Response
b. Disaster Preparedness d. Disaster Rehabilitation ang Recovery
7. Approach na naglalayong mapatatag ang ugnayan ng iba’t-ibang sector ng lipunan at
makatulong upang maging mas malawak ang mabubuong plano at istratehiya at
magamit na mahusay ang mga pinagkukunang yaman ng komunidad.
a. Cluster Approach c. Bottom Up Approach
b. Top Down Approach d. Assessment Down Approach
8. Maaaring maiwasan ang malaking pinasala sa panahon ng kalamidad kung
maisasagawa ng lahat ang mga sumusunod na gawain maliban sa ____________
a. Pagkakaroon ng maayos na sistema ng disaster management sa isang lugar.
b. May partisipasyon ang pamahalaan at walang pakialam ang mamamayan.
c. May partipasyon ang mga mamamayan, NGO’s at iba’t-ibang sector ng lipunan sa
pagpapaplano at implementasyon ng disaster management plan.
d. May sapat na kaalaman at partisipasyon ang pamahalaan at iba’t-ibang sector ng
lipunan kasama ang NGO’s
9. Ang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad ay hindi bahagi
ng regular na tungkulin ng pamahalaan. Ang pagtugon sa kalamidad ay para lamang
tugunan ang kanilang pangangailangan. Ang mga disaster control group ay nabuo dahil
sa pagkakaroon ng kalamidad. Ito ay mga kaganapan sa panahon na wala pa ang mga
Community Base Disaster Risk Plan.
a. Tama b. Mali c. Di sang-ayon d. Maling akala
10.Ang pagkakaroon ng Community Based Disaster Preparedness sa lalawigan ng Albay ay
nagbunga ng mga sumusunod maliban sa__________.
a. Nabawasan ang pagkawala ng buhay
b. Nabawasan ang mga pinsala sa mga lupang pang sakahan
c. Lubusang pagkawask ng mga ari-arian
d. Nakaiwas sa malawakang pagkasira ng mga imprastraktura.
11.Isang environmental people’s organization na binuo ng mga residente ng Brgy. Banaba
San Mateo para bumalangkas ng Counter Disaster Plan at bumuo ng disaster
management teams na ang layunin ay makaiwas sa kapamahakan ang mga
mamamayan.
a. Magiting Tao b. Makatao c. Buklod Tao d. Matatag na Tao
12.Ang mga sumusunod ay mga iba’t-ibang organisasyong nagpatupad ng mga gawaing
may kaugnayan sa Community Based Disaster Risk Management (CBDRM) alin ang
hindi.
a. Pagkakaisa Volunteers Foundation Inc. (PVI)
b. Victim of Disaster Calamities (VDC)
c. Creative Community Foundation (CCF)
d. Balay Rehabilitation Center Inc. Balay
13.Nakatutulong ang partisipasyon ng mga tao upang tugunan ang mga suliraning
kinakaharap ng bansa, gaya ng pagkasira at pagkawala ng mga ari-arian at buhay
dulot ng bagyo at iba pang kalamidad. Paano mo ibibigay ang iyong partisipasyon?
a. Papangunahan ko ang pagbuo ng isang organisasyong makakatulong sa mga tao
para maligtas at makaiwas sa mga sakuna.
b. Magpapamigay ng mga relief goods para maging tanyag at mahalal sa pagdating ng
halalan.
c. Gaganap bilang isang lider na may karampatang bayad para magampanan ko ang
aking tungkulin na magligtas ng kapwa sa panahon ng kalamidad.
d. Pagbuo ng mga organisasyong para sa masa na ang layunin ay makakalap ng pondo
at hindi ang kapakanan at kaligtasan ng mga tao.
14.Ang pagkakaroon ng magandang koneksyon ng mga pinuno o may kapangyarihan sa
mga mamamayan tulad ng pagkokonsulta hinggil sa mga pangangailangan nito upang
malutas ang mga suliranin ay tinatawag na___________
a. Makatao/ Respeto c. Produktibo/ Matiyaga
b. Matatag/ Tiwala sa sarili d. Kooperasyon/ Pakikiisa
15.Ang aktibong mamamayan ay tumutulong sa kapwa upang maging bahagi ng solusyon
lalo na sa panahon ng mga kalamidad o anumang suliranin, pang kapaligiran ang
gawaing ito ay likas na sa mga Pilipino. Anong pagtulong ang maaari mong ibahagi.
MALIBAN sa isa.
a. Sasama sa pagbuo ng plano upang maging handa ang isang pamayanan sa
panahon ng sakuna o kalamidad
b. Maging aktibo sa paglahok sa mga programa ng pamahalaan kabilang ang tungkol
sa disaster management
c. Magkaroon ng kaalaman sa mga panganib at banta na maaaring maranasan para
maisagawa ang mga paghahanda
d. Magbigay ng mga kaalaman o hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na
dapat hingan ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad o hazard batay sa iyong pag-
unawa lamang.

Karagdagang Gawain: Dapat Handa! Pagtukoy at Pag-iwan!


Bigyang paliwanag ang mga sumusunod na uri ng hazard at tukuyin alin sa mga ito ang may
pinakamalaking posibilidad na maganap sa inyong komunidad. Ihayag ang mga maaaring
panimulang gawain upang hindi maging posible ang napiling hazard. Gayundin kilalanin ang
mga tao na maaaring may malaking gampanin upang maiwasan o mapababa ang
pagkakataong mangyari ito sa inyong komunidad. Maaring pumili ng isa hanggang tatlong uri
ng hazard.

Hazard Assessment
Hazard type
Flood (Pagbaha)

Drought (Tagtuyot)

Earthquake (Paglindol)

Landslide (Pagguho ng Lupa)

Civil war (Gyera)

Pollution (Polusyon)

Volcanic Eruption (Pagputok ng Bulkan)

You might also like