You are on page 1of 21

Makrong Kasanayan sa

Pakikinig

Aralin 1
Hearing is a natural process while listening is
a skill

Hearing / Pandinig
Limitado lamang sa pagtanggap ng mga tunog na may kaakibat
na kahulugan o mensahe.

Listening / Pakikinig
Pag-alala sa naririnig at pagbibigay-kahulugan o pag-iinterpret
sa mensahe.
Proseso
ng Pakikinig
Unang Yugto: Receiving

Maipipikit mo ang iyong mata ngunit hindi mo maisasara ang iyong


tainga.

Sa prosesong ito, nangangailangan ng tainga bilang natural na


instrumento ng tao upang makatanggap ng tunog na kilanaunan ay
bibigyan ng pagkakahulugan ng utak.

Hindi magaganap ang pakikinig kung


hindi mo madidinig ang tunog.
Ikalawang Yugto: Understanding

Sa prosesong ito, sinusubukan nating kilalanin o alamin ang


kahulugan ng mensahe o tunog.

Kahit malinaw ang mensahe na iyong natanggap ay hindi maiiwasan


ang pagbigay ng sariling interpretasyon na minsan ay humahantong
sa maling pagkaunawa.
Ikatlong Yugto: Remembering
Ang pag-alala ay nakasalalay sa pakikining. Kung hindi mo maalala
ang napakinggan ikaw ba ay nakikinig ng mabuti?

Ayon kina Wolvin at Coakley, ang madalas na rason ng pagiging


malilimutin o mabilis makalimot ay sa walang kahandaan mental sa
pakikinig.

Dahil may kinalaman din ang talas ng pag-iisip sa


pag-aalala at pagkilala mensahe dahil
may mga mensahe na kritikal at malalim.
Ikaapat na Yugto: Evaluating
Ito ay pagbibigay hatol sa halaga ng mensahe. Walang tiyak na
kahulugan ang isang bagay miski kung ito ay tama o mali.

Dahil ang tao ay may kaniya-kaniyang pagkiling (biasness) at


pagtingin (perspective).
Ikalimang Yugto: Responding / Feedback
Ito ang huling yugto ng proseso ng pakikinig. Ito ang yugto kung
saan nagbibigay na tayo ng aksyon o tugon sa nagbigay ng mensahe.

Maaring ito ay komunikasyong berbal o di- berbal dahil lahat ng


senyales mula sa simpleng pag-ikot ng tama o reaksyon ay
nangangahulugan ng pagtugon.
Uri
ng Pakikinig
Uri ng Pakikinig
Appreciative
Pakikinig upang maaliw.
Diskriminatori
Debelopmental na pagkatutong pakikinig.
Emphatic
Pakikinig sa damdamin.
Internal
Pakikinig sa sarili.
Uri ng Pakikinig
Comprehensive
Malalim at komplikadong pakikinig.
Kritikal
Matalinong pakikinig.
Biased
Pili/makasariling pakikinig.
Uri
ng Tagapakinig

Aralin 2
Eager Beaver

Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tangu nang tango habang
may nagsasalita sa kanyang harapan.

Ngunit kung naintindihan niya ang


kaniyang naririnig ay
isang malaking tanong.
Sleeper

Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok.


Wala siyang tunay na intensyong making.

Dahan-dahan niyang ipipikit


ang kaniyang mata at bigla nalang
tutuko na parang manok ang ulo.
Tiger

Siya ang tagapakinig na laging may handang reaksyon o pang-


asar/kontra sa anumang sasabihin ng nagsasalita.
Bewildered

Siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maintindihan sa


naririnig.

Kapansin-pansin ang
pagkunot ng kaniyang
noo, pagsimangot at
anyo ng pagtataka o
pagtatanong sa kawalan.
Frowner

Siya ang tipo ng tagapakinig na laging may pagdududa.

Tipong hindi
pinaniwawalaan
ang nagsasalita
at laging kinikwestyon
ang awtoridad nito.
Busy Bee

Siya ang tagapakinig na hindi nakikinig. Hindi lang siya hindi


nakikinig kundi abala rin sa ibang gawain.

Maaring sa kadahilanan
na kailangan niyang
makinig sa ayaw
niya man o gusto.
Two-eared

Siya ang pinakaepektibong tagapakinig. Nakinig siya gamit ang


kaniyang tainga at
pag-iisip.

Makikita sa kaniyang
mukha ang kawilihan sa
pakikinig.
Epektibong
Tagapakinig
Epektibong Tagapakinig
Pakinggan huwag lamang ang mga salita kundi ang pagkakahulugan
nito.
Tulungan ang kausan na linawin ang kanyang mensahe.
Ipagpaliban hanggat maari ang iyong mga paghuhusga.

Kontrolin ang mga tugong emosyunal na naririnig.


Habaan ang pasensya.
Patapusin ang kausap.

You might also like