You are on page 1of 14

Makrong

Kasanayang
Pakikinig

Inihanda ni:
G. Richard Abordo Panes
Mga Layunin sa Pagtatalakay ng Paksang
ito;

– Makagagawa ng sariling pagpapakahulugan sa salitang pakikinig;


– Masusuri ang iba’t ibang kahulugan ng pakikinig ayon sa mga dalubwika;
– Makapagbibigay ng halimbawa ng kahalagahan ng pakikinig;
– Maiisa-isa ang mga layunin ng pakikinig, kabutihang dulot ng aktibong
pakikinig, hadlang sa pakikinig; uri ng tagapakinig
– Matutukoy ang mga uri ng pakikinig;
– Mahihimay-himay ang mga elemento na naka-iimpluwensiya sa pakikinig
Iba’t ibang pagpapakahulugan sa
Pakikinig ayon sa mga dalubwika
– Ang pakikinig ay kakayahang matukoy at maunawaan kung ano ang sinasabi ng ating
kausap. ( Yagang, 1993 )
– Nakapaloob sa kasanayanag ito ang pag-unawa sa diin at pagbigkas, balarila at talasalitaan
at pagpapakahulugan sa nais iparating ng tagapagsalita. ( Howatt at Dakin, 1974 ).
– Ito ay isang aktibong proseso ng pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng pandinig at
pag-iisip.
– Makalawang beses nakikinig ang tao kaysa sa pagsasalita, maka-apat na beses kaysa sa
pagbabasa at maka-limang beses kaysa sa pagsusulat. ( Wilga Rivers, 1981 )
Para sa inyo, bakit
mahalaga ang pakikinig?
Kahalagahan ng Pakikinig

– Mabisang paraan ng pagkuha ng impormasyon


– Nagsisilbing daan upang ang bawat isa ay magkaunawaan
– Nangangailangan ng ibayong konsentrasyon sa pag-unawa
– Nakatutulong sa pagpalawak ng kaalaman
Ano-ano ang mga layunin
niyo sa pakikinig?
Mga Layunin sa Pakikinig

– Nakikinig para malibang


– Nakikinig para makapagnilay-nilay o makapag-isip
– Nakikinig para makalikom ng mga impormasyon o
kaalaman.
– Nakikinig para magsuri
Mga Uri ng Tagapakinig

 Siya ang tagapakinig na ngiti nang ngiti o tango nang tango habang may nagsasalita sa
kanyang harapan ngunit kung naiintindihan niya ang kanyang narinig ay isang malaking
tanong. ( EAGER BEAVER ).
 Siya ang tipo ng tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid wala siyang
intensyong making. ( SLEEPER )
 Siya ang tagapakinig na laging handang magbigay ng reaksyon sa anumang sasabihin ng
tagapagsalita upang sa bawat pagkakamali ay parang tigre siyang susugod at mananagpang.
( TIGER ).
 Siya ang tagapakinig na kahit anong pilit ay walang maiintindihan sa naririnig. Kapansin-
pansin ang pagkunot ng noo at pagsimangot. ( BEWILDERED )
Mga Uri ng Tagapakinig

 Siya ang tipo ng tagapakinig na wari bang lagi na lang may tanong at pagdududa.
Makikita sa kanyang mukha ang pagiging aktibo ngunit ang totoo hindi lubos ang
kanyang pag-uunawa kundi isang pagkukunwari lamang sapagkat naghihintay siya ng
pagkakataon na magtanong para makapag-paimpres. (FROWNER )
 Isa siyang problema sa isang nagsasalita kasi wala siyang interes na making.
( RELAXED )
 Pinakaayaw maliban sa hindi siya nakikinig, abala siya sa ibang gawain gaya na lamang
ng pagsusulat at pagsusuklay pati pakikipagtsismisan. ( BUSY BEE ).
 Siya ang pinaka-epektibong tagapakinig, gumagana ang utak at lubos ang partisipasyon
at makikita sa mukha ang kawilihan sa pakikinig. ( TWO-EARED LISTENER )
Uri ng Pakikinig
– Passive o Marginal
– Attentive
– Analitikal
– Kritikal
– Apresyativ
– Paggamot
Para sa inyo, ano-ano ang
kabutihang naidudulot ng
aktibong pakikinig? Bakit?
Mga Hadlang sa Pakikinig

– Pagbuo ng maling kaisipan


– Pagkiling sa sariling opinion
– Pagkakaiba-iba ng pakahulugan
– Pisikal na dahilan
– Pagkakaiba ng kultura
– Suliraning pansarili
Mga Elemento na Naka-
iimpluwensiya sa Pakikinig

– Edad o Gulang – Kultura


– Oras o Panahon – Konsepto sa sarili
– Kasarian – Lugar
– Tsanel
Maraming Salamat sa inyong
pakikinig.

You might also like