Professional Documents
Culture Documents
Instruktor
1
TUNGKOL SA MODYUL
I. INTRODUKSYON
2
II. GAWAIN NG KURSO ( TALAKAYAN AT MGA GAWAING INIHANDA )
A. PAGBABASA
1. Honorio Azarias
nagpapahayag ng damdamin hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig sa pamumuhay sa
lipunan at sa pamahalaan at sa kaugnayan ng kaluluwa sa bathalang lumikha.
2. Webster
anumang bagay raw na naisasatik basta may kaugnayan sa pag-iisip at damdamin ng
tao maging ito'y totoo, kathang isip o bungang tulog lamang ay maaring tawaging
panitikan.
3. Maria Ramos
kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan.Nasasalamin ang mga layunin,
damdamin, panaginip, pag-asa, hinaing at guni-guni ng mga mamamayan na nasusulat
o binabanggit sa maganda, makulay, makahulugan, matalinghaga at masining na mga
pahayag; lumilinang ng nasyonalismo, nag-iingat ng karanasan , tradisyon, at
kagandahan ng kultura
3
kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain pamamaraan.
1. Panggawaing Panitikan
Ang layunin ng panggawaing panitikan ay mapalaganap ang kaalamannkol sa gayo't
ganitong uri ng gawain at karunungan.
2. Masining na Panitikan
Ang ating bait, higit kaysa ating damdamin, ang tinatawag na masining na panitikan.
Ang masining na panitikan ay may kambal na layunin a. pukawin ang guniguni't
gisingin ang damdamjn; at b. magturo o maghikayat,
3. Malikhaing Panitikan
Ang layunin naman ng malikhaing panitikan ay tahasang pukawin ang ating guniguni
at damdamin na nakakakita ng saya sa isang paraluman (ideal). Ito binansagang gayon
sapagkat:
a. Ang paksa ay hindi na isang hubad na pangyayari, kundi pangyayaring
binigyang-kulay
ng isang maalab na damdamin at muling hinubog guniguni ng kumatha.
b. Nauugnay ito hindi lamang sa sarili nating kapakanan o damdamin; iyon
ang pangitain
ukol sa kahulugan ng buhay para sa puso ng lahat ng tao sa lahat ng
panahon.
c. Sinisikap nitong pukawin sa atin ang guniguning ito at sa gayong paraa’y
gisingin sa ating mga puso ang damdaming nag-uudyok dito upang
lumikha at maghandog sa mambabasa.
d. Ang pamamaraan at ang diwang nilalaman ay nagdudulot ng isang
kagalakang nagtataas
sa ating kalagayan sa buhay.
Ang bisa ng panitikan ay nanggaling sa kalawakan ng diwa nito. Tunay ngang ito’y
nagsasalita sa pamamagitan ng nilimbag na dahoon, gaya rin naman na ang mga pintura ay
nagsasalita sa pamamagitan ng gramatika ng mga kulay, liwanag, at anino. Subalit ang mga
salitang nalimbag ay isa lamang kasangkapan. Ang matatag na kaisipan, ang marahas na
damdamin ng puso, ang pag-ibig, ang kalungkutan, lumbay, galak, pakikiramay, paghihiganti,
paninibugho, at ang matatamis at masasaklap na karanasan ng kaluluwa ang lahat ng ito ay
natititik sa panitikan ng isang bansa.
4
MGA PARAAN AT HANGARIN NG PANITIKAN
Maging tuluyan o patula man, ang apat na paraan ng pagpapahayag ay ayon sa hinihingi
ng hangarin:
1. Mga Tula (poetry) - may mga naratibo't lirikal at maingat ang pagsukat at tugma sa
mga ito. Ito ay nabubuo sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng maaanyong salita o
mga mga retorika sa mga taludtod na may mga sukat o bilang ng mga pantig at
pagtutugma sa bawat saknong. Kabilang dito ang mga tulang liriko, tulang pasalaysay,
at tulang pangtanghalan.
2. Mga Tuluyan o Prosa (Prose) - mga lipon ng mga salita't pangungusap na may mga
kwento at aral. Ito ay nabubuo sa pamamagitan naman ng malayang pagsasama-sama
ng mga salita sa mga pangungusap at pagtatalata. Hindi limitado o kaya ay pigil ang
mga paggamit ng mga pangungusap. Kabilang ang mga maikling kwento, nobela, dula,
alamat, pabula, talambuhay, sanaysay, balita at editorial sa mga tuluyan o prosa. Sa
madaling sabi, ang mga prosa ay mga lipon ng mga salita't pangungusap na may mga
kwento at aral. Kung tutuusin, ang mga akdang pampanitikan ay kalimitang mga prosa.
Maluwang na pagsasama-sama ng mga salita sa loob ng pangungusap. Ito ay nasusulat
sa karaniwang takbo ng pangungusap o pagpapahayag.
5
2. Alamat ng Pilipinas
3. Alamat ng Saging
4. Alamat ng Ampalaya
5. Alamat ng Mangga
6. Alamat ng Sampaguita
7. Alamat ng Lansones
8. Alamat ng Rosas
9. Alamat ng Bayabas
10. Alamat ng Butiki
d. Pabula – isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na
walang-buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at
lobo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong
kathang kuwentong nagbibigay-aral.
6
5. Ang Magkapatid (Parabula / Parable)
6. Ang Manok at ang Gintong Itlog (Parabula / Parable)
7. Ang Pagmamahal sa Kapwa (Parabula / Parable)
8. Ang Palaka na Naghahangad Lumipad (Parabula / Parable)
9. Ang Pinakamaliit na Bato (Parabula / Parable)
10. Ang Pulubi at ang Mahabaging Diwata (Parabula / Parable)
11. Ang Regalo ng Liwanag (Parabula / Parable)
12. Ang Talinghaga ng Nawawalang Tupa (Parabula / Parable)
13. Mga Mabuting Samaritano (Parabula / Parable)
14. Nang Magtampo ang Buwan (Parabula / Parable)
f. Maikling Kuwento – binaybay ding maikling kwento – ay isang maigsing salaysay hinggil
sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang
kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at
dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong
isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan.
7
8. Geyluv ni Honorio de Dios
Nasumpungan nina Benjie at Mike ang pag-ibig sa isang byaheng hindi tinatahak ng
mapanghusgang lipunan. Basahin:
http://bihirangpanitikangpilipino.blogspot.com/2013/08/geyluv-by-honorio-bartolome-
de-dios.html
g. Dula – isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo.
Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Bawat yugot nito
ay mayroong maraming eksena. Ito rin ay tinatawag na “Stage Play” dahil ang isang dula ay
itinatanghal sa isang entablado. Ngunit mayroong ring ibat-ibang uri ng Dula katulad lamang
ng: Dulang panradyo, Dulang pantelibisyon, Dulang panlansangan at Tulang Padula. Mayroon
ring Dulang Komedya katulad lamang ng “Sa Pula, Sa Puti” na isinulat ni Francisco ‘Soc’
Rodrigo, Kahapon, Ngayon, Bukas ni Aurelio Tolentino. Ang mga sangkap ng Dula ay ang
mga sumusunod: Simula – mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin. Gitna
– matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan. Wakas –
matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
2. Gitna/Katawan
Dito naman mababasa ang mahahalagang puntos tungkol sa paksang isinulat ng may-
akda. Malaman ang bahaging ito dahil ipinapaliwanag ng mabuti dito ang paksang
tinatalakay o pinag-uusapan.
3. Wakas
Ito ang bahaging nagsasara sa talakayang nagaganap sa gitna o katawan ng sanaysay.
Dito rin nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay
sa paksang pinag-usapan.
8
Mga Halimbawa ng Sanaysay
1. Tungkol sa Pag-ibig
2. Tungkol sa Pamilya
3. Tungkol sa Kahirapan
4. Tungkol sa Kaibigan
5. Tungkol sa Wika
6. Tungkol sa Kalikasan
Uri ng Kuwentong-bayan
1. Kuwentong-bayan Tagalog
Si Mariang Makiling
Si Malakas at Si Maganda
Mga Kuwento ni Juan Tamad
9
2. Mga Kuwentong-bayan sa Bisaya
Ang Bundok ng Kanlaon
Ang Batik ng Buwan
10
na sa pag-alala sa isang yumao. Ikalawa, ang himig nito ay matimpi at mapagmuni-
muni. Batay sa uri ng paksa ang elehiya ay higit na personal na pagpapahayag ng
damdamin kaysa sa ibang estilo ng panulaan. Ang isang halimbawa nito ay ang “
Punongkahoy” ni isinulat ni Jose Corazon de Jesus bago siya namatay.
II
Buhat sa malayo,
Ikaw’y dambuhalang busilak ng bagwis,
Na kung ibuka mo’y parang niwawalat ang pinto ng langit,
Sa pananambulat ng iyong tilamsik
Ay nasaksihan ko ang pagkadurog-durog ng mga daigdig!
Habang sa malayo ikaw ay mabagsik,
Maamung-maamo, mayuming-mayumi ikaw kung lumapit!
Sa buhanging tuyo’t may kislap na init,
Marahang-mabining idinarampi mo ang wagas na halik!
III
Lumapit-lumayo
Ay pinapawi mo ang kayraming bakas
Na sa buhangina’y limbag na balita ng gabing lumipas,
Aywan kung ang mga magkatabing yapak
Ay pinawi mo rin sa bisa ng iyong pagliyag
Kung magkagayon man, nais kong isulat
Na “ibig ko na ring ako’y maging isang dagat na malawak;
Ako, sa ganito, ay magkakapalad
11
Maging kahalikan ng tuyong buhangin sa tabi ng dagat!
Sa ganya’y lagi nang mayroong kabulungan at kayakap-yakap!”
IV
At ang mga bulong
Sa aki’y di ingay kundi mga awit
Ng pag-aanasan at pagsusumpaan ng lupa at tubig!
At sa paanan ko kung aking mamasid
Ang paghahabulan ng along animo’y kumakabang dibdib
Ng isang dalagang bago pang ninibig
Nais kong mawala, matunaw at muling iluwal ng langit,
Nang di ko madama yaring tinitiis!
Sa aki’y di ingay ang naririnig ko- kundi mga tinig
Niring kaluluwang di man lumuluha’y may piping hinagpis!
2. Tulang Pasalaysay – ito ay tulang may kuwento at may mga pangunahing tauhang
gumagalaw. Ang kagitingan ng mga bayani sa pkikidigma ang paksa nito. Ito naman
ay nakatuon sa pagkukuwento o pagpapakita ng balangkas ng isang pangyayari.
Walang bilang ng taludtod, saknong, o pantig ang tulang pasalaysay. Maaari itong mga
akdang mahaba o maikli na nagbibigay ng simple o komplikadong mga pangyayari
tulad ng daloy ng buhay pag-ibig o pakikipagsapalaran ng isang tao o bayani.
(https://www.panitikan.com.ph/mga-uri-ng-tula/ )
Mga Uri ng Tulang Pasalaysay
a. Epiko- Ito ay isang napakahabang tula, isang uri ng kuwento tulad ng mga
nobela, na nakasulat nang patula. Karaniwang ang bida o pangunahing tauhan
sa epiko ay isang bayani o mahalagang tao sa isang lipunan. Mahalagang
bahagi ng isang bansa, pangkat etniko, o lipunan ang epiko. Binibigyang
halaga rin ng mga tao sa isang lipunan o pangkat ang pangunahing tauhan sa
isang epiko.
Ayon sa KapitBisig, ito ay isang pangunahing pasalitang
anyo ng pampanitikan na matatagpuan sa mga iba’t-ibang
grupong etniko. May mga iba’t ibang katangian nito: Base
ito sa kahima-himala / kapangyarihang higit sa karaniwang
magagawa ng tao o taong nagpapakilala ng kabayanihan
noong unang panahon; Mula ito sa tradisyong pasalita;
Binubuo ito ng tula; Kadalasang ito ay kinakanta o
Binibigkas ng paulit-ulit sa tonong pakanta.
Base sa ulat, kahit sa panahon natin ngayon, ang epiko ay
mayroon pa ring lugar sa buhay ng mga katutubong
minorya at kinakanta sa panahon ng pagtitipon, tulad ng
kasalan at lamayan
Umaaliw ito sa komunidad ng kapuri-puring gawain ng
kanilang mga ninuno at naghahatid sa mga kaugalian at
paniniwala ng mga nakaraang henerasyon, malimit ay
nagbibigay ng halimbawa para sa mga susunod na
henerasyon.
Sa pamamagitan nito, naghahatid tayo ng mga alaala ng
ating mga ninuno, ang kabuuan ng malayang daigdig at
ang tunay na anyo nito sa mundo
b. Awit o korido- Ito naman ay karaniwang may walong sukat o kung minsan
ay hindi sinusunod. Ito ay karaniwang ginagawa sa ibang bansa tulad ng
Europa, Espanya, Gresya, at Pransya
Ang Awit ay sa bawat taludtod, may labing dalawang pantig, na
itinutula/ binigbigkas nang pasalaysay ngunit may himig na may bagal
o tinatawag na adante, at mayroong makatotohanan at malapit sa
katotohanang kuwento at mga tauhan and kanilang
pakikipagsapalaran. Ang sikat na hilambawa ng isang Awit ay ang
Florante at Laura.
2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”, samantala
ang awit ay may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya
“allegro.
Nakapaloob sa kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na nalathala sa Pilipinas.
Karaniwang nakasaad ang lagom [summary] ng akda, ang halaga niyon sa panitikan, at ang
mga kritikang lumabas hinggil sa naturan. Halina't makiisa sa pagbubuo ng nilalaman nito.
Ang korido ay isang tulang panrelihiyon. Ang awit ay isang tulang nagsasaad ng kabayanihan.
Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don Juan Teñoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay,
Mariang Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz,
Prinsipe Florenio ni Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
14
Sa gayong kalungkot na paghihiwalay,
Mamatay ako, siya’y nalulumbay!
15
lamayan. Ang paksa ng karagatan ay tungkol sa isang prisesa na nawala ang
singsing sa karagatan. Nagpapasikatan ang mga binata sa kanilang mga husay at
talento (na isinasagawa sa pamamagitan ng pagtula). Kung sino man sa kanila ang
makakakuha ng singsing ay magiging asawa ng prinsesa.
3.2 Duplo - isa ring pagtatalo at pahusayan sa pagbigkas ng tula ang duplo na ginagawa
sa lamayan.tinaguriang punong halamanan ang haring namumuno rito.nagsimula
ang paligsahan sa pagdarasal para sa kaluluwa ng yumaong pinararangalan.
3.3 Batutian (Ingles: satirical joust) ay isang uri ng tulang patnigan na hinango sa
balagtasan. Ipinangalan ito sa kinikilalang " Unang Hari ng Balagtasan", si Jose
Corazon de Jesus (Huseng Batute). ginagawa ito sa mga lamayan upang libangin
ang mga tao. Naglalaman ito ng katatawanan ngunit may kasama ring katotohanan.
Ang batutian ay hango sa pangalan ng pinakatanyag na man-babalagtas na si Jose
Corazon de Hesus alyas "batuteng huse o Huseng Batute" Kabilang sa mga
katangian ng Batutian na lumabas sa magasin noon ang pagtalakay ng siste ang
pagtalakay sa kasalukuyan isyu pampulitika o pangkultura ang pagpapa-antig ng
damdamin ng mambabasa ang pagpapalitan ng katwirang maaaring taglayin ng
magkatunggaling sektor sa pamayanan ng tulaan.
3.4 Balagtasan - isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtutula. Inimbento ito noong
panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim ng Amerika, base sa mga lumang tradisyon
ng makatang pagtatalo gaya ng karagatan, huwego de prenda at duplo. Ang
pinagmulan ng pangalan na balagtasan ay ang orihinal na apelyido ni Francisco
Baltazar, Balagtas, dahil ginawa ito para sa okasyon ng pagdiwang ng anibersaryo
ng kanyang kaarawan. Ang balagtasan ay hawig sa isang duplo. Ang mga kasali
dito ay gumaganap na nasa isang korte na sumisiyasat sa kaso ng isang hari na
nawala ang paboritong ibon o singsing. May gumaganap na fiscal o tagausig, isang
akusado,at abogado. Ito ay magiging dibate o sinasabing tagisan ng katwiran sa
panig ng taga-usig at tagapagtanggol at maaaring paiba-iba ang paksa. Bagamat ito
ay lumalabas na debate sa pamamaraang patula, layunin rin nito na magbigay aliw
sa pamamagitan ng paghahalo ng katatawanan, talas ng isip, na may kasamang mga
aktor sa isang dula. Ang balagtasan ay ginamit ng mga manunulat upang
maipahiwatig ang kanilang palagay sa aspetong politika at mga napapanahong
pangyayari at usapan
3.5 Ensileda- isa pang paligsahan sa pagtula na ginagawa bilang pang-aliw sa
namatayan. Ito ay ginagawa gabi-gabi hanggang sa ika-siyam na gabi
16
5. Sanlibo’t Isang Gabi mula sa Arabia at Persia
6. Canterbury Tales buhat sa Inglatera
7. Iliad at Odyssey mula sa Gresia
8. El Cid Campeador mula sa Espanya
17