You are on page 1of 64

PASASALAMAT

Walang hanggan ang aking pasasalamat sa mga taong tumulong sa akin upang
mapagtagumpayan at maging epektibo ang aking ginagawang modyul.

Nagpapasalamat ako sa Panginoon dahil hindi ko ito magagawa at matatapos kung


wala ang kanyang patnibay, binibigyan niya din ako ng lakas ng loob at sa lahat ng aking
ginagawa, nandoon ang kanyang presensya.

Pangalawa sa Administrasyon ng Goldenstate College, Dr. Warren A. Manilay,


MNSA, Dr. Sara Jane T. Manilay, Dr. John Ralph T. Manilay, and Dr. Mary Rose S.
Manilay sa pagbigay sa akin ng opportunidad na makagawa ng gabay na pag-aaral para
sa aming mga estudyante.

Dr. Josie Yap-Tirador, Vice President for Academic Affairs, para sa kanyang payo
at paggabay sa amin lalo na sa Senior High School Faculty.

Dr. Richard Funa Fermocil, para sa kanyang walang sawang pagtulong at pagsuri
sa balangkas at nilalaman ng aking ginawang modyul.

Panghuli, sa aking mapagmahal na pamilya. Salamat sa pagiging bahagi ng aking


buhay.

Mirriamy
Talaan ng Nilalaman

Pahina ng Titulo

Pasasalamat

Talaan ng Nilalaman

Balangkas ng Kurso/Course Outline

Online Rules and Regulations

Deskripsyon ng Kurso

1 – 3 Linggo Ang Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas

Pagsasanay / Rubriks ng Pagsasanay

4-6 Linggo Panitikan sa Panahon Bago Dumating ang mga Kastila

Pagsasanay / Rubriks ng Pagsasanay

7 – 9 Linggo Panitikan sa Panahon ng mga Kastila

Pagsasanay / Rubriks ng Pagsasanay

10 – 12 Linggo Panitikan sa Panahon ng Pagbabagong Diwa

Pagsasanay / Rubriks ng Pagsasanay

13 – 15 Lingggo Panitikan sa Panahon ng Himagsikan

Pagsasanay / Rubriks ng Pagsasanay

16 – 18 Linggo Pagbuo ng Banghay Aralin

Pagsasanay / Rubriks ng Pagsasana

Sanggunian
Course Outline
Course Name Fil 311 - Pagtuturo sa Filipino sa Elementarya
(Panitikan ng Pilipino)
Course Credit 3 Units
Pre-requisite None
Contact Hours / Week 3 Hours
Ang Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas
 Ang Kahulugan ng panitikan.
 Ang Anyo ng panitikan.
Week 1 – 3  Ang kahalagahan ng panitikan.
 Gamit ng panitikan.
 Mga katangian ng Panitikang Pilipino.
Mga Pagsasanay
Rubriks ng Pagsasanay

Panahon Bago Dumating ang mga Kastila


 Mga katutubong panitikan.
Dalawang bahagi ng matandang panitikan
 Kapanahunan ng mga alamat.
 Kapanahunan ng mga epiko.
Kaligirang Pangkasaysayan sa Kapanahunan
ng mga Alamat
 Ang mga Ita.
 Ang mga Indonesyo.
 Ang mga Bombay.
 Ang mga Arabe at Persya.
 Mga katangian ng Kapanahunan ng mga alamat
Kaligirang Pangkasaysayan sa Kapanahunan
Week 4 - 6 ng mga Epiko
 Ang mga Malay.
 Ang mga Intsik.
 Impluwensiya ng Imperyo ng Madyapahit /
Kambodya.
 Ang kaharian ng Malacca
Mga Panitikang Umusbong
 Alamat
 Epiko
 Bulong
 Kwentong Bayan
 Bugtong
 Awiting Bayan Salawikain
 Unang Dulang Pilipino
 Palaisipan
 Sawikain
 Kasabihan
Mga Pagsasanay
Rubriks ng Pagsasanay
Panahon ng mga Kastila
 Kaligirang kasaysayan.
 Mga pagbabagong naganap sa buhay ng mga
Pilipino.
Dalawang Panahon ng Panitikan
 Panitikang Pamaksang Pananampalataya at
Kabutihang-asal
 Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso
Tatlong Katangian ng Panitikan
 Mga Implowensya ng Kastila sa Panitikang
Filipino
 Mga Akdang Panrelihiyon
 Mga Dulang Panrelihiyon
Week 7 - 9 Mga Uri ng Panitikan na Umusbong
 Ang Pasyon
 Moro-moro o Komedya
 Dalit
 Dung-aw
 Karagatan
 Duplo
 Karilyo
 Senakulo
 Tibag
 Sarsuwela
 Kurido
 Awit
 Parabula
 Kantahing-Bayan
 Saynete
Mga Pagsasanay
Rubriks ng Pagsasanay
Panahon ng Pagbabagong Diwa
 Mga Reporma
 Mga Propagandista
 Kilusang Propaganda
Ang Mga Propagandista at ang Kanilang mga
Akda
 Dr. Jose Rizal
 Marcelo H. Del Pilar
Week 10 - 12  Graciano Lopez Jaena
 Antonio Luna
 Mariano Ponce
 Pedro Seranno Laktaw
 Jose Maria Panganiban
 Dr. Pedro Paterno
 Pascual Poblete
 Isabelito Delos Reyes
 Fernando Canon
Mga Pagsasanay
Rubriks ng Pagsasanay
Panitikan sa Panahon ng Himagsikan
 Kaligirang kasaysayan.
Nilalaman ng Panitikan sa Panahon ng
Paghihimagsik
Mga Taluktuk ng Tahasang Paghihimagsik
 Andres Bonifacio
 Emilio Jacinto
 Apolinario Mabini
Mga Aral ng Katipunan sa Kartilya
 Pio Valenzuela
Mga Pahayagan Noong Panahon ng
Paghihimagsik
 Kalayaan
 Diario de Manila
 El Heraldo de la Revolicion
 La Independencia
 La Republika Filipina
 Ang Bayang Kahapis
 Ang Kaibigan ng Bayan
 Ang Kalayaan
Mga Kababaihang Miyembro ng Katipunan
 Greporia de Jesus
 Josefa Rizal
 Melchora Aquino
Week 13 - 15  Marina Dizon
 Angelica Lopez-Rizal
 Trinidad Tecson
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
 Kaligirang Kasaysayan
 Mga Katangian ng Panitikan
 Diwang nanaig sa Panahon ng Amerikano
 Mga impluwensiya sa pananakop ng mga
amerikano
 Mga Pahayagan sa Panahon ng Amerikano
Tatlong Pangkat ng Manunulat
 Maka-kastila
 Maka- Ingles
 Maka- Tagalog
Mga Dulang Pinatigil
Panitikan umuusbong sa Panahon ng Kastila
 Panitikan sa Kastila
 Panitikan sa Tagalog
 Panitikang Filipino sa Ingles
Mga Pagsasanay
Rubriks ng Pagsasanay
Panitikan sa Panahon ng Hapones
 Saligang Kasaysayan
Mga Uri ng Akda
 Maikling Kwento
 Dula
 Nobela
 Panulaan
Mga Tulang Umusbong
 Haiku
 Tanaga
Panahon ng Mula nang Matamo ang Kalayaan
Hangang sa Kasalukuyan
 Kaligirang kasaysayan
Kalagayan ng Panitikan
 Panulaan sa kasalukuyan
 Awiting Pilipino
Week 16 - 18  Sanaysay
 Maikling Kwento
 Pahayagan, magasin at iba pang magasin
 Panitikan sa Computer Age
Pagbuo ng Banghay Aralin
 Kahulugan ng Banghay Aralin
 Kahalagahan ng Banghay Aralin
 Mga Bahagi ng Banghay Aralin
 Masusing Banghay ng Pagtuturo
 Mala-susing Banghay ng Pagtuturo
 Maikling Banghay ng Pagtuturo
Pakitang-turo sa Nabuong Banghay-aralin
Panuntunan at Regulasyon sa Online Class

1. Ang mga mag-aaral ay dapat mayroong kuwaderno at panulat para sa pagtatala.

2. Dapat i-mute ng mga mag-aaral ang kanyang mikropono habang nagsimula ang

talakayan.

3. Habang nagsimula ang klase sa online, mangyaring obserbahan ang mga

sumusunod:

a. Maghanap ng isang lugar na walang ingay ngunit may malakas na signal para

sa internet koneksyon.

b. Hindi pinapayagan ang anumang di kanaisnais na kilos o galaw habang ang

klase sa online ay nagsisimula.

c. Tiyaking handa na ang lahat para sa talakayan.

d. Nasa maayos na posisyon, hindi pinapayagan ang posisyon sa paghiga o

pagtulog.

e. Hindi pinapayagan ang pagkain habang nagsisimula ang online na kalse.

f. Kung mayroon kang mga katanungan/query patungkol sa talakayan, pindutin

lamang ang hands-up na emoticon upang matugunan ang iyong mga

katanungan.
Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya
(Panitikan ng Pilipinas)
(Fil 311)

Deskripsyon ng Kurso

Sa asignaturang ito ay ituturo ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtuturo


ng panitikan at kungpaano ito bibigyan ng pagtataya. Lalamanin din nito mga panitikang
makatutulong sa mga mag-aaral na magiging guro bilang kanilang lunsaran sa pagtuturo.
Magtataglay din ito ng iba pang mga prinsipyo, teorya at iba pang may malaking kinalaman
sa pagtuturo at maging sa pagtataya ng panitikan.

Inaasahang matutuhan.

Sa pagtatapos ng kurso, inaasahang matutuhan ng mga mag-aaral ang mga sumusunod:

1. Nailalahad ang mga pamamaraan sa pagtuturo ng panitikan.


2. Nailalarawan kung paano tinaya ang itinurong panitikan.
3. Nasusuri ang nilalaman ng ibat’-bang mga panitikan na pag-aaralan.
4. Nagbibigay ng mga pangunahing kaalaman sa pagtutro ng panitikan.
1 – 3 Linggo. Ang Kasaysayan ng Panitikan sa Pilipinas
Mga Layunin
1. Natutkoy ang kahulugan, anyo, kahalagahan, katangian at gamit ng
Panitikan.
2. Natatalakay ang kahulugan, anyo, kahalagahan, katangian at gamit ng
Panitikan.
3. Napapahalagahan ang Panitikang Pilipino.

Nanggaling ang salitang panitikan sa unlaping pang- na nagiging pan- kapag ang
kasunod na salitang ugat ay nagsisimula sa mga titik na d, l, r, s, at t; sa salitang ugat na
titik o letra na nawawala ang simula sa pagkakasunod sa unlaping pan- at sa hulaping -an.
Dito nabuo ang salitang panitikan na nangangahulugan sa Ingles na literature at sa Kastila
ay literatura na batay sa Latin na “litera” na ang kahulugan ay letra o titik.

Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng


tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito
mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan
ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na
pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng
interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ng buhay,
pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't
ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot,
paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-
aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan.
Anyo ng Panitikan
Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang anyo ng panitikan: ang
mga Piksiyon (Ingles: fiction) at ang mga Di-piksiyon (Ingles: non-fiction) na mga sulatin at
babasahin. Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng
mga akdang bungang-isip lamang. Nag-iimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan,
pangyayari, sakuna, at pook na pinangyarihan ng kuwento para sa kanilang
mga prosang katulad ng mga maikling kuwento.
Para sa pangalawang anyo ng panitikan, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita
at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng
manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa
lamang ang nakaka-engganiyong kuwento. Kabilang sa mga hindi-bunganga-isip na mga
sulatin at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga
akdang pang-kasaysayan.
Kahalagahan ng Panitikan
1. Sa pamamagitan ng panitikan naipakikilala ang pagka-Pilipino at naibabahagi ang
yaman ng isip at ang angking talino ng lahing pinagmulan.
2. Naipababatid sa daigdig ang kadakilaan at karangalan ng tradisyong Pilipino na
sandigan ng kabuuan ng ating kultura.
3. Nababatid ang kahinaan sa pagsulat at pagsasanay upang ito ay maisasaayos at
maituwid.
4. Nakikilala at nagagamit ang mga kakayahan sa pagsulat at maging masigasig sa
paglinang at pagpapaunlad nito.
5. Naipadarama ang pagmamahal sa kultura sa pamamagitan ng pagpapakita ng
malasakit sa panitikan.
6. Sa pamamagitan ng panitikan naipakikilala ang pagka-Pilipino at naibabahagi ang
yaman ng isip at ang angking talino ng lahing pinagmulan.
7. Naipababatid sa daigdig ang kadakilaan at karangalan ng tradisyong Pilipino na
sandigan ng kabuuan ng ating kultura.
8. Nababatid ang kahinaan sa pagsulat at pagsasanay upang ito ay maisasaayos at
maituwid.
9. Nakikilala at nagagamit ang mga kakayahan sa pagsulat at maging masigasig sa
paglinang at pagpapaunlad nito.
10. Naipadarama ang pagmamahal sa kultura sa pamamagitan ng
pagpapakita ng malasakit sa panitikan.

Gamit ng Panitikan sa Pagtuturo.


1. Pagbabasa-para sa mabisang pag-unawa sa mga malikhaing akda.
Kontekstuwal na pagsusuri ay kinikilala bilang produkto ng mga nakalipas
na pangyayaring nagpapalawak ng butyl ng isipan ng mambabasa. Ang
ganitong pagbasa’y iniintindi ang kalagayang panlipunan na nabubuhos sa
anyo ng pagsulat ng panitikan. Nagiging mas tiyak ang mambabasa sa
kaniyang pagkilatis sa simbolo, lugar, panahon at iba pa. (Cruz, 2017)
2. Pagpukaw sa malikhaing pag-iisip ng mga estudyante.
Kapag ang isang estudyante ay nasanay sa pagbabasa, maaaring
mapukaw ang kanyang kakayahang mag-isip sa paraang malikhain. Ibig
sabihin, hindi lamang nakatuon sa isang pananaw ang kanyang
pagbibigay interpretasyon sa akda o tekstong binasa sa pamamagitan ng
paggamit ng iba’t ibang pagdulog o teoryang pampanitikan.
3. Pagtuturo ng kaalaman pangwika.
Sa kasalukuyan ang isang itinuturing na language classroom ay naiiba sa
kalagitnaan, malapit matapos sa ika-20 siglo patungo sa ika-21 siglo. Ang
tuon ay hindi balarila, pagsasaulo at pagkilatis sa kaugatan ngunit
paggamit ng wika at kultura na kaalaman bilang pag-uugnay sa sarili sa
daigdig. Heograpikal at pisikal na paghahati ay napag-uugnay ng
teknolohiya.
4. Pagkakaroon ng Interaktibong Pagkatuto.
Sa pamamagitan ng panunuring pampanitikan, naiuugnay sa iba pang
mga disiplina at sa tunay na buhay ang akdang binasa. Nakapaloob din
ditto ang pagkatutong nakatuon sa mag-aaral at ang integrasyon ng mga
makrong kasanayan. Ang mga estratehiyang participative, facilitative, at
consultative ay mga katangian ng pag-aaral na integrative. Dito, ang guro
ay tagapagpadaloy lamang ng pagkatuto samantalang tagagawa ang mga
mag- aaral.
5. Pagkakaroon ng mabungang Interakyon.
Dahil sa kaalaman tungkol sa iba’t ibang pagdulog sa pagbabasa ng akda
o teksto, nagkakaroon ng kalayaan ang mga estudyante na ihayag ang
kanilang sariling kuro-kuro sa pamamagitan ng paglalapat ng kanilang
pinaniniwalaang teorya sa binasa.
6. Pagsanib ng wika at panitikan.
Maliban sa pamamaraang komunikatibo sa pagtuturo ng wika,
nakatutulong din ang paggamit ng panitikan bilang lunsaran sa pagtuturo
ng wika. Halimbawa, ang pagtuturo ng pandiwa, pangatnig, pang-uri at iba
pa.

Katangian ng Panitikan
1. Nagging paksain ang mga katutubong ugali sa bukid at pakikipagsapalaran
sa lungsod bunga ng pagpapalaganap ng simulaing dinala rito ng hapon na
ang asyano ay para sa Asya.
2. Nabigyan ng pagkakataon ang mga bagong manunulat na pumaimbulog sa
larangan ng panitikan, sumulat ng kahit na anong paksa maliban sa pulitika
at sasang-ayon sa panunturan ng Censor- Ang Manila Shimbun-sha.
3. Naging malaya ang lahat ng manunulat sap unto ng porma, teknik ng
pagsulat at anyo bagama’t nagging maingat sa pagsanggi sa pagmamalabis
ng bagong nandayuhan.
Nanatili ang mga anyo ng Panitikan mula sa patula hanggang sa tuluyan
sa panahon ng propaganda at himagsikan. Ang tanging nagbago sa panitikan sa
panahong nabanggit ay ang layunin ng mga manunulat sa pagbuo ng bawat
akdang pampanitikan at mga paksain ginagamit nila.
Mga Katangian ng Panitikang Pilipino
Isang paglalahad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga
kathang-isip na guni-guni. Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang pantaw,
pang-amoy, panlasa, at pandama. Noong 2000, binigyang katangian ito ni
Villafuerte bilang isang buhay ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng
tao. May buhay ang panitikan sapagkat may sarili itong pintig at dugong mainit na
dumadaloy sa mga artery at bena ng bawat nilalang at ng isang buong lipunan. Sa
kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan.
Kapag binasa ang panitikan, pinagmumulan ito ng madamdaming
emosyon sa isang tao o pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat ang mga ito ng
kapwa tao.

11
Sa kasalukuyan, madali at magaan ang pamamaraan ng pagkalat at
pagpapamudmod ng panitikan sa Pilipinas. Dahil ito sa makabagong mga
kaunlaran sa larangan ng teknolohiya. Bukod sa mga nasusulat na salita sa mga
aklat, radio, at telebisyon, kumakalat din ang panitikan sa pamamagitan ng mga
kagamitang elektronika, katulad ng grabador ng tinig at tunog(tape recorder),
disking kompakto(compact disk), plaka, mga tape ng VHS, at mga kompyuter.
Dahil sa internet, naging maginhawa at madali ang pagkuha ng mga
impormasyong pampanitikan. Isa nang instrument ito para sa mga mambabasang
Pilipinong may pagpapahalaga at pagmamalaki sa kanilang pinagmulan,
kasaysayan, at kalinangan o kultura.

Pagsasanay

Unang Gawain
Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod. 3 o higit pang pangungusap. Limang (5) puntos
bawat bilang.

1. Ano ang Panitikan?


_______________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Ano-ano ang mga Anyo ng Panitikan?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ano ang kahalagahan ng Panitikan?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. Ano ang katangian ng Panitikang Pilipino?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Ikalawang Gawain
Bawat isa ay mangalap ng isang maikling palabas(video) sa internet na may
kaugnayan sa panitikan ng mga Pilipino noong unang panahon. Ipapasa ito sa
pamamagitan ng Email, Edmodo, at Messenger. 30 puntos ang ibibigay ng guro.

12
Krayterya ng Pagsasanay

Krayterya 5 4 3 2 1
Ang mga Ang mga Ang mga
Ang mga ideya ay ideya ay ideya ay Ang mga
Pagsasaayos ideya ay organisado at halos halos ideya ay
ng mga ideya wasto at may isang organisado at organisado hindi
organisado kulang na may 2-3 may 4-5 organisado
ideya kakulangan kakulangan
Ang mga Ang mga Ang mga Ang mga
ideya ay ideya ay ideya ay ideya ay
Ang mga
halos halos halos halos
Kabuuan ng ideya ay
naalinsunod naalinsunod naalinsunod naalinsunod
mga ideya alinsunod
sa paksa na sa paksa na sa paksa na sa paksa na
sa paksa
may isang may 2-3 may 4-5 may 6 na
kakulangan kakulangan kakulangan kulang.
Malinis ang Malinis ang Malinis ang Malinis ang Marumi ang
pagkasulat pagkakasulat pagkakasulat pagkakasulat pagkakasulat
Kalinisan
na walang na may isang na may 2-3 na may 4-5 na may 6 na
pagbubura pagbubura pagbubura pagbubura pagbubura

13
4 - 6 Linggo. Panahon Bago Dumating ang mga Kastila

Mga Layunin
1. Nakikilala ang mga katutubong panitikan.
2. Natatalakay ang dalawang bahagi ng matandang panitikan.
3. Natutkoy ang mga halimbaw ng panitkan.

Mga Katutubong Panitikan

Bago pa man dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, mayroon nang sining at
panitikan ang mga sinaunang Pilipino. Karamihan sa mga panitikan nila’y yaong mga
pasalin-dila gaya ng mga bulong, tugmang-bayan, bugtong, epiko, salawikain at awiting-
bayan na anyong patula; mga kwentong-bayan, alamat at mito na anyong tuluyan at ang
mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa.
Karamihan sa mga panitikang ito ay pasalin-dila. May mga panitikan ring nasulat sa mga
piraso ng kawayan, matitibay na kahoy at makikinis na bato. Ngunit iilan na lamang ang
mga natagpuan ng mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa kasaysayan,
pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa paniniwalang ang
mga ito ay gawa ng demonyo.

Dalawang Bahagi ng Matandang Panitikan

Kapanahunan ng mga Alamat

Ang panahon ng mga alamat ay sumasakop mula sa panahon ng pagdating ng


ikalawang pangkat ng Malay. Ang kanilang panitikan ay pasalita lamang na binubuo ng
mga mitolohiya, alamat, kwentong bayan, mahiya, seremonya sa pananampalataya
sumasambala sila sa punongkahoy, sa araw at sa iba pang mga anito. Naniniwala rin sila
sa pamahiin.

Kapanahunan ng mga Epiko

Nagsimula sa pali-palibot ng mga taong 1300 A.D. at nagtatapos sa panahon ng


pananakop ni Legazpi noong taong 1565.

Panahon bagu dumating ang mga Kastila

Kaligirang Pangkasaysayan sa kapanahunan ng mga Alamat

Ang mga Ita

Unang nanirahan sa ating mga pulo. • Nakilala sa tawag na ita, ayta o agta at kung
minsa’y baluga. • Sila ay walang pamahalaan, panulat, sining, siyensya, bagamat sanay sa
gamit ng busog at pana sa paghahanap ng makakain.

Ang mga Indonesyo

Nakarating sa Pilipinas may 8,000 taon na. • Nang sumapit sila rito’y may
malalaking pangangatawan, maitim na balat, makapal na labi, malaking ilong at pangahan •
May kabihasnan silang higit sa mga Negrito. -may pamahalaan -Nagsusuot ng damit -

14
nagluluto ng pagkain -nagsasaing sa tukil -marunong magpanginas ng apoy Mayroon silang
alamat at mga epiko, mga pamahiin at mga bulong na pangmahiya.

Ang mga Bumbay

Ang mga Bumbay o Hindu ay nakarating sa Pilipinas noong ika-12 siglo. Ang unang
sapit ng mga Bumbay ay nanggaling sa Borneo at sila’y nagdala ng pananampalatayang
Budismo, Epiko at Mahiya. Ang Ikalawang sapit ay nanggaling sa Java at Borneo din noong
ika-14 na siglo, nagdala sila ng pananampalatayang Bramanistiko at panitikang epiko,
awiting bayan atliriko. Marami ding mga salitang Bumbay o Hindu na bahagi na ng wikang
Pilipino. Ang mga ito’y, guro, bansa, mukha, likha, hukom, dukha at iba pa.

Ang mga Arabe

Dumating ang mga Arabe sa Pilipinas noong ika12 siglo, ngunit ang nagdala ng
pananampalatayang Muslim ay ang tinatawang na “Hadramaut Sayyids” mga misyonerong
Arabe na nanggaling sa Malaysia at dumating sa Pilipinas noong ika 16-siglo. Kasama nila
ang maraming mangangalakal na Arabe at Persiyano, sila’y nanirahan sa Mindanao at
Sulu. Nagdala rin sila ng mga Epiko, Kuwentong Bayan, Dula at Alamat.

Mga Katangian sa kapanahunan ng Alamat

1. Ang mga nakatira sa kapuluang ito noong Kapanahunan ng mga Alamat, bagama’t
hindi tahasang gala, ay walang panatilihang tahanan.
2. Kung nasa isang pook ay pangkat-pangkat at sila ay may sariling pamahalaang
ksaundo o kaaway ng mga kalapitpangkat.
3. Ang panitikan noon ay saling-dila o lipat-dila, na ang nagpapahayag ay ang mga
apo, na karaniwang puno ng baranggay o pinaka-pari ng kanilang relihiyon.
4. Ang relihiyon noon ay ang pagsamba sa araw, punungkahoy o anumang kalagayan
ng kalikasan at ang lahat ng mga kababalaghan ay gawa ng mga mabubuting
hilagyo (spirit) na tinatawag nilang “anito”.
5. Binubuo ang panitikan ng mga bulong na pangmahiya (incantations), kwentong-
bayan (folktale), alamat (legend).
6. Ang karamihan ay salig sa pananampalataya at pamahiin.
7. May mga mananaliksik na nagsasabing ang mga taong ito ay mayroong ilang tulang
panrelihiyon.

Kaligirang Pangkasaysayan Ukol sa Kapanahonan ng Epiko

Ang mga Malay

Tatlong pangkat ng mga Malay ang nakarating sa Pilipinas

1. (kumulang humigit sa 200 taon bago namatay si Kristo at 100 taon pagkamatay ni
Kristo.)Ang mga Malay na ito’y nagdala ng kanilang pananampalatayang pagano at
mga awiting pangrelihiyon. Sila’y nangagtira sa kabundukan ng Luzon at sila ang
mga ninuno ng mga Igorot, Bontok at Tinguianes.
2. (100 hanggang 1300 taon pagkamatay ni Kristo.) mga ninuno ng mga Tagalog,
Bisaya, Ilokano at mga iba pa. Sila’y may dalang wika, alpabeto, awiting bayan,
kuwentong bayan, mga alamat at mga karunungang bayan. Ang mga ito bagama’t
mga tubong Malaysia ay kung saan-saan nanggaling na mga kalapit bansa gaya ng

15
Borneo, Malacca at Indonesya at pagdating sa Pilipinas ay kumalat sila sa iba’t
ibang lalawigan ng Luzin at Visayas. Sila ang nagdala ng Baranggay.
3. Ikatlong pangkat ay ang mga Malay na Moslem. Nagsidating sila noong 1300 at
1500 taon. Nanggaling sila sa Malaysia at nanirahan sa Mindananao at Sulu.
Nagdala sila dito ng Epiko, Alamat, KuwentongBayan at Pananampalatayang
Moslem.

Ang mga Intsik

Ang mga Intsik ay nakarating sa Pilipinas sa pagitan ng ikatlo hanggang ikawalong


siglo. Ang mga Intsik ay nagdala ng kanilang wika- kaya’t mahigit sa 600 salitang Intsik ay
bahagi na ng wikang Pilipino. Ang mga salitang gusi, susi, mangkok, talyasi, kawali, kawa,
bakya, tingi, Ingkong, Impo, bayaw, inso, kuya, diko, sangko at mga iba pa ay
nanggaling sa Intsik. Ang ilang kaugaliang sosyal ay galing din sa kanila. Ang Pilipinas ay
nasakop ng mga Intsik noong taong 1405 hanggang 1417 noong panahon ni Yonglo.

Impluwensya ng Madyapahit / Kambodya

Ang Imperyo ng Madjapahit na ang pinaka sentro ay Java sa Indonesya ay naging


napakamakapangyarihan at maraming mga kalapit bansa ang nasakop. Kabilang dito ay
IndoTsina, Cambodia, Siam, Anam, Tonkin at Pilipinas. Kaya’t ang Pilipinas ay nagkaroon
ng impluwensiya ng mga bansang nabanggit lalo na sa panitikan. Ang mga kuwentong
bayan ng Cebu, Panay, Negros at Palawan ay katulad ng mga kuwentong bayan ng mga
nabanggit na mga bansa.

Ang Kaharian ng Malacca

Sa pagbagsak ng Imperyo ng Madjapahit ay ang Imperyo naman ng Malacca ang


naging makapangyarihan sa Silangan. Nagtatag sila ng pamahalaang pinamunuan ng mga
Sultan o Rajah. Tumagal ang kapangyarihan ng Malaca ng may 20 taon mula noong 1430
hanggang 1450. Nagtatag sila ng pamahalaang pinamumunuan n g mga Sultan o Rajah.
Sinasabing ang karaniwang pahayag na “Alla-eh” sa Batangas ay impluwensiya ng Imperyo
ng Malacca.

Mga Panitikang Umuusbong sa Kapanahunan Bagu dumating ang mga Dayuhan

Alamat

Alamat ang tawag sa pasalitang literature na ipinamana pa sa atin ng ating mga


ninuno. Mga simpleng istorya ito na nagsasalaysay kung saan nanggaling ang maraming
bagay-bagay sa ating kapaligiran. Ilan sa klasipikasyon ng alamat ay tumutukoy kay
Bathala, sa kalikasan, sa kultura at sa pinanggalingan ng mga hayop at halaman.

Halimbawa: Alamat ng Pinya, Alamat ng Sampaguita, Alamat ng Macopa at iba pa.

Epiko

Ito ay kwento ng kabayanihan. punung-puno ito ng mga kagilagilalas na pangyayari.

Halimbawa:
IBALON

16
Ang Ibalon ay matandang pangalan ng Bicol. Noong 1895, si Prayle Jose Castallo
ay may kinaibigang bulag na lagalag na mang-aawit na si Cadungdung. Sa kanya narinig
ng pari ang epikong Ibalon. Itinala at isinalin ng pari sa Castila ang isinalaysay sa kanya ni
Cadungdung.
Ang Epiko ay nababahagi sa trilogia. Inilalarawan dito ang kabayanihan nina Baltog,
Handiong, at Mantong.

Bulong

Isang uri ng tradisyonal na dula at ito’y labis na pinaniniwalaan ng mga unang


pilipino. isa pang pagbulong ay paghingi ng pahintulot sa pinaniniwalaan nilang nuno sa
punso.

Kwentong Bayan

Ito ay nagpapasalin-salin sa bibig ng tao. Madalas itong nangyayari sa paligid-ligid


lamang ng ating lugar. Ang mga kwentong ito ay nauukol sa pakikipagsapalaran,
pagiibigan, katatakutan. Nakatutulong ang mga kwentong ito upang mapahalagahan natin
ang kapaligiran, makilala ang ating katauhan at maiayos ang ating pananaw sa buhay.

Halimbawa:
Ang Kwentong Pinya
Ang Kuwintas at Suklay

Bugtong

Uri ng panitikan na kawili-wili. Ito ay isang paraan ng pagpapalawak ng talasalitaan


at pagsasanay sa mabilis na pag-iisip na nagpapasalin-salin sa bibig ng mga ninuo. Ito ay
may tugma at talinghaga at kapupulutan ng mahalagang butil ng karunungan.

Halimbawa:
1. Kung kailan mo pinatay, saka pa humaba ang buhay.
Sagot: kandila
2. Baboy ko sa pulo, ang balahibo’y pako.
Sagot: langka

Awiting Bayan

Tuloy-tinig (survival) ng dating kalinangan sa pamamagitan ng saling-dila. Ito ay


kasasalaminan ng kalinangan ng lahi.
Halimabawa:
“SARONG BANGGUI”

Salawikain

Ito ay maiigsing pahayag ng mga pangkalahatang katotohanan, mga batayang


tuntunin, o mga alintuntunin ng kaasalan. Ito ay maaaring patula o tuluyan. Ang may-akda
ay hindi matunton at ang mga ito ay pasalin-salin sa mga lahi. Tumutukoy sa kasikhayan,

17
kasipagan, kaagapan, at katipiran; kalinisang at katimpihan; pagpapaumanhin at
pagtitiyaga; pamimitagan at mabuting kamihasnan; pagbibiro; at mga kaagapay na
katotohanan sa buhay.
Halimbawa:
1. Turan mo ang iyong kaibigan, sasabihin ko kung sino ikaw.
(Tell me who your friends are, and I’ll you who you are.)
2. Ang tunay na kaibigan, nakikilala sa kagipitan
(A friend indeed is a friend in need.)
3. Gawin mo sa kapuwa mo. Ang nais mong gawin niya sa iyo.
(Do unto others what you want others do unto you.)

Kasabihan

Ginagamit sa pagpuna sa isang gawi o kilos ng isang tao.


Halimbawa:
Kapag mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli.
Walang umaani ng tuwa, na hindi sa hirap nag mula.

Palaisipan

Ito ay nasa anyong tuluyan. ito’y gumigising sa isipan ng tao upang bumuo ng isang
kalutasan sa isang suliranin. kahit na sa paaralan ngayon ay ginagamit na ang palaisipan
sapagka’t ito’y isang paraan upang tumalas ang isipan ng mga mag-aaral.
Halimbawa:
Tanong: Ano ang nakikita mo sa gitna ng Dagat?
Sagot: G

Tanong: Bakit binubuksan ang bintana tuwing umaga?


Sagot: Kasi nakasara,bakit bubuksan mo pa ba kung bukas na.

Sawikain

Ang sawikain o idioma ay salita o grupo ng mga salitang patalinhaga ang gamit. ito'y
ay nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

Halimbawa:
1. Anak-dalita – mahirap
2. Alilang-kanin – utusang wanlang sweldo,pagkain lang

18
Pagsasanay
Unang Gawain
Panuto: Tukuyin ang mga sumusunod na halimbawa ng Panitikan bagu dumating ang mga
Dayuhan . Isulat sa patlang ang sagot.

_______________________1. Tanong: Ano ang tinapay na hindi kinakain ang gitna?


Sagot: Donut na may butas sa gitna
_______________________2. Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna
Sagot: Niyog
_______________________3. Amoy pinipig = mabango

_______________________4. Manang Biday

_______________________5. Mina ng ginto

_______________________6. Kung ano ang puno siya ang bunga.

_______________________7. Tanong: hindi hayop, hindi rin tao ngunit tinatawag niya ako
Sagot: Telepono/Cellphone

_______________________8. Ang anak ay nakaupo na, ang ina’y gumagapang pa


Sagot: Kalabasa

_______________________9. Kung walang tiyaga, walang nilaga

_______________________10. Ang nuno nating lahat

Ikalawang Gawain
Panuto: isalik ang mga sumusunod na Panitikan. Gumawa ng buod nito. Isulat sa isang
buong papel.

1. Epiko

2. Kwentong bayan

3. Alamat

Ikatatlong Gawain

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga bugtong.

1. Maikling landasin, di maubos lakarin. Sagot: ___________________


2. Hindi hayop, hindi tao, pumupulupot sa tiyan mo. Sagot: ___________________
3. Dala mo dala ka, dala ka ng iyong dala. Sagot: ___________________
4. Maliit pa si Kumpare, nakakaakyat na sa tore. Sagot: ___________________
5. Kung gusto mong tumagal pa ang aking buhay, kailangang ako ay mamatay.
Sagot: ___________________

19
6. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat. Sagot: ___________________
7. Isang butil ng palay, sakot ang buong buhay. Sagot: ___________________
8. Naabot na ng kamay, ipinagawa pa sa tulay. Sagot: ___________________
9. Dalawang batong itim, malayo ang nararating. Sagot: ___________________
10. Kay lapit-lapit na sa mata, di mo pa rin makita. Sagot: ___________________

Ika-apat na Gawain

Panuto: Ipaliwanag ang bawat sawikain. 5 puntos bawat bilang. 2 o higit pang
pangungusap.

1. Bukas ang palad.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Amoy pinipig.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Lantang gulay.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
4. Marupok ang utak.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. Nagsusunog ng kilay.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

Ikalimang Gawain

Panuto ipaliwanag ang mga salawikain. 3 o higit pang pangungusap. 5 puntos bawat
bilang.

1. Aanhin mo ang palasyo, kung ang nakatira ay kuwago?

20
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Mabuti pa ang bahay kubo, basta ang nakatira ay tao.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Ang pili ng pili, natatapat sa bungi.

_____________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________-

21
7 - 9 Linggo. Panitikan sa Panahon ng Kastila

Mga Layunin
1. Nakikilala ang panitikan sa panahon ng kastila.
2. Natatalakay ang dalawang panahon ng panitikan.
3. Natutkoy ang mga halimbawa ng panitkang umuusbong sa panahon ng
kastila.

Kaligirang Kasaysayan
Ang isinaalang-alang na unang pananakop ng mga Kastila sa ating kapuluan
ay ang pananatili rito ni Miguel Lopez de Legazpi noong 1565, bilang kauna-
unahang Kastilang gobernador heneral at dito nagsimula ang panitikan ng mga tao
rito. Ang diwa ng pasimulang ito ay nagpatuloy nang walang pagbabago hanggang
sa pagkakaroon ng digmaan sa Kabite noong 1872. Higit sa tatlong dantaon din ang
pananakop na ito ng mga Kastila.

Mga pagbabagong naganap sa buhay ng mga Pilipino

1. Mapalaganap ang relihiyong Katolika Apostolika Romana, pagpapalawak ng


kanilang hanapbuhay na pambansa at ng kanilang nasasakupang lupain
2. Si Villalobos ang nagpasya ng ngalang “Felipinas” o “Felipenas” bilang
parangal kay Haring Felipe II. “Filipinas” na naging “Pilipinas”
3. Taong 1565 at 1873, nakilala ang mga pangalang Lakandula, Magat
Salamat, Tamblot, Dagohoy, Diego Silang, Palaris, Manong Pule, atb.
4. Nagpalit sila ng pangalan at nagpabinyag **Naging gobernador si Jose
Basco (1778).
5. Si Claveria (1849), binigyang ng apelyidong kastila ang pamilyang Pilipino
6. Instik, Hapon, Ingles nagtangkang lumusob at umagaw sa Pilipinas.
7. Umunlad ang kabuhayan dahil sa tuwirang pakikipagkumersiyo ng Espanya
at Europa. Nagkaroon ng mga sasakyang tulad ng karwahe, tren at bapor
8. Nagbago ang anyo ng kanilang pamamahay; nagkaroon ng mga bahay na
tisa at bato.
9. Magagandang kasangkapan tulad ng piyano, muwebles at mga kagamitang
pangkusina
10. Natuto silang magdiwang ng mga kapistahan bilang parangal sa mga santo
at Papa
11. Bilang libangan, nagkaroon ng mga sabong, karera ng kabayo at teatro.

Dalawang Panahon ng Panitikan


1. Panitikang Pamaksang Pananampalataya at Kabutihang-asal
2. Panitikang Rebolusyonaryo at Sedisyoso

22
Tatlong Katangian ng Panitikan
1. May sari-saring kaanyuan at pamamaraan, gaya ng mga tulang liriko, awit,
kurido, pasyon, duplo, karagatan, kumedya, senakulo, sarsuwela,
talambuhay, at mga pagsasalingwika.
2. Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon.
3. Ang lalong nakararami ay huwad, tulad, o halaw sa anyo, paksa, o
tradisyong kastila.

Empluwensiya ng Kastila sa Panitikan ng Pilipino


1. Ang “Alibata”na ipinagmamalaki kauna-unahang abakadang Filipino na
nahalinhan ng alpabetong Romano.
2. Ang pagkakaturo ng Doctrina Cristiana na kinasasaligan ng mga gawang
makarelihiyon.
3. Ang wikang Kastila na naging wika ng Pantikan nang panahong yaon.
Marami sa mga salitang ito ang naging bahagi ng wikang Filipino.
4. Ang pagkakadala ng mga alamat ng Europa at tradisyong Europeo rito na
naging bahagi ng Panitikang Filipino tulad ng awit, kurido, moromoro at iba
pa.
5. Ang pagkakasinop at pagkakasalin ng makalumang panitikan sa Tagalog at
sa ibang wikain.
6. Ang pagkakalathala ng iba’t ibang aklat na pambalarila sa wikaing Filipino
tulad sa Tagalog, Ilokano at Bisaya.
7. Ang pagkakaroon ng makarelihiyonghimig ng mga lathalain ng mga
panahong yaon.

Mga Akdang Panrelihiyon


1. Doctrina Christiana
 Kauna-unahang aklat na nalimbag sa Pilipinas noon 1593, sa
pamamagitan ng silograpiko. -Aklat ito nina Padre Juan de Placencia
at padre Domingo Nieva. Nasusulat ang aklat sa Tagalog at Kastila. -
Naglalaman ng mga dasal, sampung utos, pitong sakramento, pitong
kasalanang mortal, pangungumpisal at katesismo. -May 87 pahina
lamang.
2. Nuestras Señora Del Rosario
 Ikalawang aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito ni Padre Blancas
de San Jose noong 1602 at nalimbag sa Imprenta ng Pamantasan ng
Sto. Tomas sa tulong ni Juan de Vera, isang mestisong Intsik.
Naglalaman ito ng mga talambuhay ng mga santo, nobena, at mga
tanong at sagot sa relihiyon.
3. Barlaan at Josaphat
 Aral na Tunay na Totoong Pag-aacay sa Tauo, nang manga
Cabanalang Gaua nang manga Malaoualhatiang Barlaan at Josaphat
(1780) na batay sa mga Sulat sa Griyego ni San Juan Damasceno.”
 Ikatlong aklat na nalimbag sa Pilipinas. Akda ito sa Tagalog ni Padre
Antonio de Borja. Orihinal na nasa wikang Griyego. - Jacobo Biblio
(Latin), Baltazar de Santa Cruz (Kastila) - Ipinalalagay itong

23
kaunaunahang nobelang nalimbag sa Pilipinas. -isinalin sa salitang
Iloko at sa anyong patula ni Padre Agustin Mejia.
4. Urbana at Felisa.
 Aklat na sinulat ni Modesto de Castro, ang tinaguriang “Ama ng
Klasikong Tuluyan sa Tagalog”.Naglalaman ito ng pagsusulatan ng
magkapatid na sina Urbana at Felisa. Pawang nauukol sa
kabutihangasal ang nilalaman ng aklat na ito, kaya’t malaki ang
nagawang impluwensya nito sa kaugaliang panlipunan ng mga
Pilipino.
5. Pasyon
 aklat na nauukol sa buhay at pagpapakasakit ni Kristo. Binabasa ito
tuwing Mahal naAraw. Nagkaroon ng apat (4) na bersyon sa Tagalog
ang akdang ito, at ang bawat bersyon ay ayon na rin sa pangalan ng
mga nagsisulat. Ang mga ito ay ang Padre Mariano Pilapil (1814)
Gaspar Aquino de Belen (1704); Aniceto dela Merced (1856); at Don
Luis de Guian (1750 ).
 Isinaalang-alang na pinakapopular ang Version de Pilapil na may 8
pantig sa bawat taludtod, at 5 taludtod sa bawat saknong.

Halimbawa
850
Ang tauo hanggang mayaman
Marami ang kaibigan
Cung mahirap na,
I ang buhay Di batii’t, titigan
851
Gayon ngani itong mundo
Magdaraya, t, walang toto
Parang lihis na totoo
Pangimbolo, i, nanalo
Sa calolowa nang tauo.

Mga Dulang Panrelihiyon


1. Panunuluyan
 Dulang tinatanghal sa lansangan
 Paghahanap ng matutuluyan nina Maria at Joseph sa Bethlehem
 Ang mga bahay sa paligid ang hinihingan ng mag-asawa ng silid na
matutuluyan
2. Dalit
 Ang himno o dalit ay isang awit ng papuri, luwalhati, kaligayahan o
pasasalamat, karaniwang para sa Diyos, sapagkat nagpapakita,
nagpaparating o nagpapadama ng pagdakila at pagsamba.
Halimbawa:
Flores de Mayo
 ang pag-aalay ng bulaklak kasabaynang pag-awit bilang handog sa Birheng
Maria.

24
3. Santa Cruzan
 ay isang prusisyon na isinasagawa sa huling bahagi ng pagdiriwang ng
Flores de Mayo. Isinasalarawan nito ang paghahanapsa Banal na Krus ni
Reyna Elena, ang ina ni Constantino.
4. Senakulo
 isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong Hesuskristo.
 Kadalasan ginaganap sa lansangan o sa bakuran ng simbahan.
5. Salubong
 Pagtatanghal ng pagtatagpo ng muling nabuhay na Panginoong Hesus at ni
Maria.
6. Tibag
 isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena sa
krus na pinagpakuan kay Kristo.
7. Komedya/ Moro moro
 isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng pakikipaglaban ng
Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
8. Karilyo
 pagpapagalawng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa likod
ng isang kumot na puti na may ilaw.
9. Sarsuwela
 isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong
(3)yugto, at nauukol sa mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig,
paghihiganti, panibugho, pagkasuklam at iba pa.
 Severino Reyes o Lola Basyang
10. Dung-aw
 binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng yumaong
asawa, magulang at anak.
11. Karagatan
 Nanggaling sa alamat ng prinsesang naghulog ng singsing sa karagatan,
tapos nangakong papakasalan niya ang binatang makakakuha nito. • isang
larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang dalagang nahulog
sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay siyang
pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
12. Duplo
 larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay
sa patay.
 Isinasagawa sa ika-9 na araw ng pagkamatay.
 Pagalingan ito sa pagbigkas at pagdebate, pero kailangan may tugma / sa
paraang patula.
 Gumagamit ng mga biro, kasabihan, salawikain at taludtod galing sa banal
na kasulatan.
 BILYAKA at BILYOKO = DUPLERO
13. Saynete
 itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng
pananakop ng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa
paglalahad ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.

25
14. Pangangaluluwa
 Kilala bilang Todos Los Santos
Halimbawa:
Kaluluwa kaming tambing
Sa purgatoryo nanggaling
Doon po’y ang gawa naming
Araw gabi’y manalangin

Mga Uri ng Panitikang umuusbong sa Panahon ng Kastila

1. PASYON – inaawit tuwing Kwaresma, hinggil sa buhay , sakit at pagdurusa ni


Kristo.
2. KOMEDYA/MORO-MORO- isang matandang dulang Kastila na naglalarawan ng
pakikipaglaban ng Espanya sa mga Muslim noong unang panahon.
3. DALIT – ang pag-aalay ng bulaklak kasabay nang pag-awit bilang handog sa
Birheng Maria.
4. DUNG-AW –binibigkas nang paawit ng isang naulila sa piling ng bangkay ng
yumaong asawa, magulang at anak.
5. KARAGATAN – isang larong may paligsahan sa tula ukol sa singsing ng isang
dalagang nahulog sa gitna ng dagat at kung sinong binata ang makakuha rito ay
siyang pagkakalooban ng pag-ibig ng dalaga.
6. DUPLO –larong paligsahan sa pagbigkas ng tula na isinasagawa bilang paglalamay
sa patay.
7. KARILYO – pagpapagalaw ng mga anino ng mga pira-pirasong kartong hugis tao sa
likod ng isang kumot na puti na may ilaw.
8. SENAKULO – isang dulang nagsasalaysay ng buhay at kamatayan ng Poong
Hesuskristo.
9. TIBAG – isang pagtatanghal kung buwan ng Mayo, ng paghahanap ni Santa Elena
sa krus na pinagpakuan kay Kristo. J. SARSUWELA- isang komedya o
melodramang may kasamang awit at tugtog, may tatlong (3)yugto, at nauukol sa
mga masisidhing damdamin tulad ng pag-ibig, paghihiganti, panibugho,
pagkasuklam at iba pa.
10. KURIDO – galing sa salitang Mehikanong “corrido” na ang ibig sabihin ay
“kasalukuyang pangyayari” (current event). Ito ay tulang pasalaysay na may sukat
na walong (8) pantig at pumapaksa sa katapangan, kabayanihan at kababalaghan.
11. AWIT – tulang pasalaysay na may sukat na labindalawang (12) pantig at may mga
pangyayaring hango sa tunay na buhay.
12. PARABULA – kwentong hango sa Banal na Kasulatan na maaaring umakay sa tao
sa matuwid na landas ng buhay.
13. KANTAHING-BAYAN – (Folk Songs) ang nilalaman ay nagpapakilala ng iba’t ibang
pamumuhay at pag-uugali ng mga tao at ng mga kaisipan at damdamin ng bayan.
14. SAYNETE – itinuturing na isa sa mga dulang panlibangan nang mga huling taon ng
pananakop ng mga Kastila. Ang paksa ng dulang ito ay nahihinggil sa paglalahad
ng kaugalian ng isang lahi o katutubo.

Mga Kantahing Bayan

1. Leron-leron Sinta = Tagalog


2. Pamulinawen = Iloko

26
3. Dadansoy = Bisaya
4. Sarong Banggin =Bikol
5. Atin Cu Pung Singsing = Kapampangan

Kahalagahan ng kantahing Bayang Pilipino

1. Ito ay nagpapakilala na ang ating diwangmakata ay katutubo sa ating lupain.


2. Ito ay nagpapahayag na tunay na kalinangan ng Pilipino
3. Ito ay bunga at bulaklak ng matulaing damdaming galling sa puso at kaluluwa ng
bayan.

27
Pagsasanay
Unang Gawain
Panuto: Kompletuhin ang talahanayan ayon sa kategorya ng mga dula basi sa iyong
binasa.

Dulang Pangtanghalan o Dulang Pantahanan Dulang panlansangan


Entablado

Ikalawang Gawain
Panuto: Pagkumparahin ang mga sumusunod na Panitikan. 5 puntos bawat bilang.

1. Duplo at Karagatan
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Karilyo at Komedya o Moro moro

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

28
10 - 12 Linggo. Panahon ng Pagbabagong Diwa

Mga Layunin
1. Nakikilala ang mga Propagandista at ang kanilang mga akda.
2. Napahahalagahan ang mga akda ng mga Propagandista.

Mga Reporma
1. Sa harap ng batas, kailangan pantaypantay ang pagtingin sa Pilipino at
Kastila.
2. Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3. Sa korte ng Espanya, kailangang ibalik ang pagkakaroon ng kinatawang
Pilipino.
4. Maging mga Pilipino ang kura paroko.
5. Ang pagkakaroong ng kalayaang pangkatauhan ng mga Pilipino sa
pamamahayag, pananalita, pagtitipon, at pagpupulong at gayon din sa
paghiling ng katarungan sa kaapihan

Sina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena ang pinakadakila sa
lahat ng propangandista

Iba pang Propagandista


1. Mariano Ponce – nag-aral ng medisina at mananalaysay.
2. Antonio Luna – pamasyotiko at mananalaysay
3. Juan Luna at Felix Ressureccion Hidalgo – mga pintor
4. Dr. Pedro Paterno – abogado at manunulat.
5. Jose Ma. Panganiban – tagapagsaling-wika at mananaysay
6. Pedro Serrano Laktaw – guro at leksikograp
7. Isabelo Delos Reyes – poklorista at mamahayag.
8. Dr. Dominador Gomez – manggagamot at mananalumpati

Mga Bayaning Manunulat:


1. Jose Protacio Rizal y Mercado
Ang Mga Akda ni Jose Rizal:

 Noli Me Tangere - Ang akdang ito ay inilimbag noong 1887 at tinalakay


dito ang mga kabulukan sa lipunan.
 El Filibusterismo - Ang akdang ito ay ang karugtong ng "Noli Me
Tangere", at tinalakay dito ang mga talamak na sakit sa lipunan,
pagsupil sa mga karapatang pantao at ang maling pamamalakad ng
gobyerno at simbahan.
 Sobre La Indolencia de Los Filipinos (Hinggil sa Katamaran ng mga
Pilipino)
 Sa mga Kababayang Dalaga sa Malolos
 El Consejo de Los Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala;1880) •
Brindis
 Me Piden Versos (Hinilingan ako nila ng Berso)

29
 Kundiman
 Sa Aking mga Kababata
 Ala Juventud Filipina
 Mi Ultimo Adios (Ang Huli Kong Paalam)
2. Marcelo H. Del Pilar
 Mapang-uyam, lantad at tuwiran ang kanyang mga akda na ikinaiba niya sa
ibang propagandista ng kanyang panahon.
 Itinatag at pinatnugutan niya ang Diariong Tagalog noong 1882.
 Ang panitik niya ay gumamit ng ubos-kayang pakikipagtunggali sa mga
prayle at pagtuligsa sa pang-aapi ng mga makapangyarihan kastila sa
Pilipinas.

Mga Akda ni Plaridel:


1. Caiingat Cayo - Ito'y isang libretong pagtatanggol sa akdang " Noli Me
Tangere" ni Rizal.
2. La Frailocracia en Filipinas - Ang sanaysay na ito ay naglalahad ng
kaapihang dinanas ng taumbayan at ang di makatarungang
pamamalakad ng mga prayleng kastila.
3. Ang Cadaquilaan ng Dios
4. Kalayaan
5. Dupluhan – Dalit – Mga Bugtong
6. Palatuntunan
7. Dasalan at Tocsohan
8. Isang tula sa Bayan
9. Paciong Dapat Ipag-alab nang Taong Babasa
10. Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas

3. Graciano Lopez-Jaena
Isang kritiko ng pahayagang KastilaLos Dos Mundos - Sa kanyang mga sulat
gumamit siya ng mga pananalitang nakahihikayat,maapoy, walang takot, dakila’t
makapangyarihan. - Tinaguriang Demosthenes ng Pilipinas - Itinatag ang
pahayagang tagapamansag ng kilusang Propaganda – ang La Solidaridad noong
1889
MgaAkda ni Graciano:
1. La Hija Del Fraile (AngAnak ng Prayle) 2.
2. Sa Mga Pilipino (1891)
3. En Honor de los Filipinas (Ang Dangal ng Pilipinas)
4. Mga Kahirapan sa Pilipinas
5. En Honor del Presidente de la Assosasion Hispano-Filipino
6. Ang Lahat ay Pandaraya
7. Fray Botod (Disyembre 17,1856 – Enero 20, 1896)

4. Antonio Luna
Isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon sa Espanya – Gumamit ng sagisag na
Tagailog – Karamihan sa paksa niya at tungkol sa kaugalian ng Pilipino at mga
pagtuligsa sa pamamalakad ng pamahalaan at simbahan. – Pinamatnugutan niya
ang La Independencia, tagapamansag ng mga manghihimagsik at ng Unang
Republika ng Pilipinas.

30
Mga Akda ni Antoni Luna:
1. Noche Buena
2. Divierten (Naglilibang Sila)
3. Por Madrid (Sa Madrid)
4. La Maestra De Mi Pueblo
5. Todo Por El Estomago
6. La Tertulla Filipina (Ang Piging na Pilipino)
7. Impresiones

5. Mariano Ponce
Nakasulat ng mga akdang pampanitikan sa tatlong wika (kastila, Tagalog at Ingles) -
Gumamit ng mga sagisag na Tikbalang, Nanding at Kalipulako. - Tanyag na kaanib
ng mga propagandista sa Espanya at mahalagang katu-katulong nina Jose Rizal,
Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez Jaena.
Mga Akda ni Ponce
1. Mga Alamat ng Bulakan
2. Pagpugot kay Longino
3. Sobre Filipinas
4. Ang mga Pilipino sa Indo Tsina
Ang Oaniyakan ng Kilusang Propaganda

6. Pedro Serrano Laktaw


Unang sumulat ng Diccionario Hispano-Tagalog noong 1889 • Itinatang niya ang
Lohiyang “Nilad”. Sa Kilusang Propaganda siya ang may mithiin magkaroon ng
Demokratikong pamunuan. Pagkakaroon ng kalayaan. Karapatan ng bawat tao
Kinatawan sa Korte ng Espanya. Maging lalawigan ng Espanyan ang Pilipinas
Magkaroon ng pagbabago

Mga akda ni Pedro:


1. Dicctionario Hispano Tagalog (1889)
2. Estudios Gramaticales
3. Sobre La Lengua Tagala

7. Jose Ma. Panganiban


Mahusay sa talumpati • May Memoria Fotografica • Gumamit ng sagisag na Jomapa.
• Ang kanyang akda ay naglalaman ng mga pagtatanggol sa mga Pilipino at
pagtutuligsa naman sa pamahalaan ng Kastila sa Pilipinas.
Mga tulang kanyang naisulat:
1. A Nuestro Obispo
2. Noche de Mambulao
3. Ang Lupang Tinubuan
4. Sa Aking Buhay

Mga sanaysay niya:


1. El Pensamiento
2. La Universidad de Manila
3. Su Plan de Estudio

8. Dr. Pedro Paterno


Siya ay naging makata, nobelista at mandudula • Siya rin ay isang iskolar at
mananaliksik • Ang kanyang mga paksa sa pagsulat ay nahihinggil sa relihiyon at

31
lipunan. • Siya ang unang Pilipinong nakalaya sa sensura sa panitikan nonng
panahon ng Kastila

Mga akda ni Paterno:


1. Ninay
2. Sampaguita y Poesias Varias (Mga Sampaguita at Sarisaring Tula)
3. El Cristianismo y La Antigua Civilizacion Tagala (1892)
4. La Civilizacion Tagala, El Alma Filipinos at Los itas
5. A Mi Madre (Sa Aking Ina)

9. Pascual Poblete
Tinaguriang Ama ng Pahayagan - Itinatag at pinamatnugutan ang pahayagang El
Resumen - Itinatag ang pahayagang El Grito el Pueblo na may pangalang Ang
Sigaw ng Bayan. - Pinakadakilang ambag ni Poblete sa kasaysayan at panitikan ay
ang itinuturing na kauna-unahang salin ng Noli Me Tangere ni Rizal sa wikang
Tagalog.

Mga iba pang akda ni Poblete:


1. Salin ang nobelang Ang Konde ng Monte Kristo ni Alexander Dumas
2. Lucrecia Triciptino
3. Salin ng Buhay ni San Isidro Labrador ni Francisco Butina
4. Ang Kagila-gilalas na Buhay ni Juan Soldado
5. Ang Manunulat sa Wikang Tagalog

10. Isabelito Reyes


Isang mamahayag, manunulat, manananggol at pinuno ng mga manggagawa. •
Itinatag ang “Iglesia Filipina Independencia” • Nagtamo ng gantimpala sa Madrid sa
kanyang akdang “El Folklore Filipino”

11. Fernando Canon


Akda ni Canon: • Flor Ideal (Kamithi-mithing Bulaklak)

32
Pagtatataya
Unang Gawain
Panuto: Gumawa ng Repleksyong Papel ukol sa ang mga sumusunod na Akda ng mga
Propagandista.5 o higit pang pangungusap.Isulat ito sa malinis na papel. 10 puntos bawat
bilang.

1. Dr. Jose P. Rizal

Kundiman
“Tunay ngayong umid yaring dila’t puso, Bayan palibhasa’y lupig at
sumuko, Sa kapabayaan ng nagturong puno.
Datapuwa’t muling sisikat ang araw, Pilit maliligtas ang inaping bayan,
Magbabalik mandin at muling iiral Ang ngalang Tagalog sa
sadaigdigan.
Ibubuhos namin ang dugo’t babaha, Matubos nga lamang ang sa
amang lupa. Hanggang di sumapit ang panahong tadhana’y Sinta’y
tatahimik, tutulog ang nasa.
2. Marcelo H. Del Pilar

Ang Cadaquilaan ng Dios

“Diyan ay sukat mo nang mabanaagan, nanasang irog, ang kadakilaan


niyang Diyos di nililingat sandali man sa pagkalinga sa atin. Dakila sa
kapangyarihan, dakila sa karunungan at dakila sa pag-ibig; sa pagmamahal
at pagpapalagay sa kanyang mga anak dito sa lupa; at pantas man o
mangmang, mayaman man at dukha ay walang mawawaglit sa mairog at
lubos niyang paglingap.”

3. Dr. Pedro Paterno

A Mi Madre (Sa Aking Ina)

“Bigyan mo ako, mahal, ng isang sinag Ng liwanag ng iyong sulyap, upang


ipangilaw kapag wala ka sa lumbay ng aking kaluluwa..”

4. Fernando Canon

Ang hamog ng mgamapuputing bulaklak, Ay napapawalang-wakas


sabulaklak Iyang mga burol, bulaklak na sa ubod niyang sumisibol Ay
nakakulong ang halik ngpag-ibig ni Bathala. Na dala roon ng maalab na
tagulaylay Na walang-wakas napag-awit ng mgamakabayan.

Maputing bulaklak ng kabundukan Na winawagayway sa bughaw ng


kalangitan. Kapag ang mga kabayanihan ay lumitaw. Dumadami ka’t
bumubukadkad saanman; Ngunit nagtatago’t pumapanaw O naging pulahan

33
Ikalawang Gawain

Panuto: Isaliksik ang mga akda ng mga sumusunod. Isulat ang nilalaman ng kanilang mga
gawa sa isang buong papel at ipaliwanag ang kahalagahan nito. 20 na puntos bawat bilang.

1. Isabelito Reyes
2. Jose Maria Panganiban

34
13 - 15 Linggo. Panitikan sa Panahon ng Himagsikan

Mga Layunin.
1. Nakikilala ang Panitikan sa Panahon ng Himagsikan
2. Nakikilala ang mga taluktuk sa Panahon ng Himagsikan
3. Napahahalgahan ang Pahayagan sa Panahon ng Himagsikan

Kaligirang Kasaysayan

Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga


Propagandista. Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at
pagsasamantala, at naging mahigpit pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at
simbahan. Ang mga mabuting balakin sana ng Inang Espanya sa Pilipinas ay
nasasalungat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito.

Matapos madakip si Rizal noong Hulyo 6, 1892, inisip ng mga Pilipino na


hindi na nila makakamit ang hinihinging pagbabago sa mapayapang paraan.Para sa
kanila, ang tanging paraan na lamang upang mabago ang pamumuhay ng mga
Pilipino ay ang pagpapaalis ang mga Espanyol sa pamamagitan ng rebolusyon.

Pagkatatag ng Katipunan

Noong Hulyo 7, 1892, itinatag nina Andres Bonifacio,Valentin Diaz, Teodoro


Plata, LadislaoDiwa,Deodato Arellano sa isangbahay sa Azcarraga.

Layunin ng Katipunan
1. .Politikal
2. Moral
3. Sibiko
Tatlong Sanguniaan ng KKK
1. Kataastaasang Sanggunian
2. Sangguniang Bayan
3. Sangguniang Balangay

Ang trianggulong sistema ay ginamit sa pagkuha ng mga kasaping katipunero Ang


dating miyembro ay maghahanap ng dalawang bagong miyembro na hindi
magkakilala. Sa maikling panahon, lumaki ang samahan ng Katipunan.

Mga kasapi ng Katipunan


1. Katipun U
 nang antas ng Katipuner (Password): Anak ng Bayan
 Nagsusuot ng itim na pandong sa mga pagpupulong na may
nakasulat na titik Z,B,L. Nangangahulugang Anak ng Bayan 11
2. Kawal
 Ikalawang antas ng Katipunero (Password): GOMBURZA

35
 Nagsusuot ng berdeng pandong sa mga pagpupulong na may titik na Z,B,L
nangangahulugang Anak ng Bayan12Bayani
3. Ikatlong antas ng Katipunero(Password): Rizal
 Nagsusuot ng pulang hood sa mga pagpupulong.
 Binubuo ng mga pinuno ng Katipunan.

Nilalaman ng Panitikan sa Panahon ng Tahasang Paghihimagsik


 Pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan
 Pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda nang
matamo ang inaasam na kalayaan.

Ang kinikilalang taluktok o pinakalider ng tahasang paghihimagsik ay sina:


1. Andres Bonifacio
 Siya’y isáng tunay na Pilipino na ipinanganak noong ika-30 ng
Nobiyembre ng 1863 sa isang bahay na pawid sa pook na nasa sa
harap ng himpilan ngayón ng pero-karil sa daang Azcárraga, Tundó,
Maynila. Ang kanyang amá’y nagngangalang Santiago Bonifacio na
ang hanap-buhay ay sastré at ang kanyang ina nama’y Catalina de
Castro. Mga taal na taga Maynilà.
 Isang Pilipinong makabayan at rebolusyonaryo.
 Binansagan siyang "Ama ng Katipunan". Siya ang nagtatag at lumaon
naging Supremo ng kilusang Katipunan na naglayong makamtan ang
kasarinlan ng Pilipinas mula sa Espanya at nagpasimula ng
Himagsikang Pilipino.
 Kinikilala rin siya ng ilang mga dalubhasa sa kasaysayan bílang unang
Pangulo ng Pilipinas, subalit hindi siya opisyal na kinikilala.
 20
 Hamak ang pinanggalingang kalagayan sa buhay, kaya’t sinasabing
ang kanyang mga natutuhan ay pawang galing sa “paaralan ng
karanasan”
 Umanib o lumahok sa kilusang itinatag ni Jose Rizal-ang LA LIGA
FILIPINA
 Lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa manunulat 21

Mga Akda ni Andres Bonifacio


1. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa
2. Ang dapat mabatid ng mga Tagalog
3. Tapunan ng Lingap
4. Ang mga Cazadores
5. Katungkulang Gagawin Ng Mga Anak Ng Bayan (Decalogo)
6. Mi Abanico
7. Huling Paalam ni Dr. Jose Rizal (Salin ng Mi Ultimo Adios ni Gat Andres
Bonifacio)
8. Katapusang Hibik ng Pilipinas

36
2. Emilio Jacinto
Ang tinaguriang “Utak ng Katipunan.”
Si Emilio Jacinto ay anak nila Mariano Jacinto at Josefa Dizon. Namatay
agad ang kanyang ama ilang sandali lamang matapos na siya ay isilang na
nagtulak sa kanyang ina. na ipaampon si Emilio sa kanyang tiyuhin na si Don
Jose Dizon upang magkaroon ng magandang buhay.
30
Si Emilio ay bihasa sa pagsasalita ng Tagalog at Kastila pero mas gusto niya
ang Kastila. Siya ay nag-aral sa Kolehiyo ng San Juan de Letran at nang
maglaon ay lumipat sa Pamantasan ng Sto. Tomas para mag-aral ng batas.
Hindi niya natapos ang kurso at sa edad na 20 ay sumapi siya sa isang
sikretong samahan na ang pangalan ay Katipunan.
Nang mamatay si Bonifacio, ipinagpatuloy ni Jacinto ang paglaban sa mga
Kastila bagamat hindi siya sumali sa puwersa ni Aguinaldo. Namatay si Emilio
Jacinto sa sakit na malaria noong Abril 16, 1899 sa Majayjay, Laguna sa edad
na 23.
Nakilatis ni Bonifacio ang dunong at katapatan ni Jacinto, kaya hinirang niya
itong kalihim (secretary) at fiscal (abogado, attorney) ng Katipunan.

Mga akda ni Emilio Jacinto


1. Pahayag (1875-1899)
2. Ang Kasalanan ni Cain (1875-1899)
3. Pahayag ng Agosto (1875-1899)
4. Sa may nasang makisanib sa Katipunang ito (1875-1899)
5. Ang Liwanag at Dilim
6. Mga Aral ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan.

3. Apolinario Mabini.
Si Apolinario Mabini (1864-1903), kilala bilang Dakilang Paralitiko at Utak ng
Rebolusyon, ay pangalawa sa walong anak nina Inocencio Mabini at Dionisia Maranan,
sa baryo Talaga, Tanauan, Batangas.
Noong 1893, isa siya sa mga bumuhay ng La Liga Filipina na siyang nagbibigay-suporta
sa Kilusang Pang-reporma. Noong taong 1896 naman, nagkaroon siya ng matinding
sakit na nagdulot sa kanya na maging paralitiko habambuhay. Hinuli siya ng mga
gwardiya sibil noong 10 Oktubre 1896, dahil sa pagkakaroon niya ng koneksyon sa mga
repormista. Sumailalim siya sa house arrest sa ospital ng San Juan de Dios at nang
kinalaunan ay pinalaya na rin dahil sa kanyang kondisyon.

Mga akda ni Apolinario Mabini


1. Liwanang at Dilim

Pio Valenzuela
Si Pio Valenzuela ay isang Pilipinong manggagamot at isang importanteng tao sa
panahon ng Rebolusyong Pilipino laban sa mga kolonyalistang Espanyol. Noong ika-11 ng
Hulyo 1869, siya ay isinilang sa Polo, Bulacan (ngayon ay Valenzuela City). Si
Valenzuela ay isang mag-aaral sa medisina ng University of Santos Tomas nang sumali
siya sa bagong tatag na Katipunan, isang sikretong lipunan na itinatag ni Andres Bonifacio

37
noong Hulyo 7, 1892 sa Tondo, Maynila. Lihim na itinatag niya ang mga sangay ng
Katipunan sa maraming lugar sa Morong (ngayon Rizal province) at Bulacan. Si Dr.
Valenzuela din ang kinomisyon ni Bonifacio upang makipagusap kay Dr. Jose Rizal, na
pinatapon sa Dapitan, tungkol sa Katipunan at sa plano ng grupo na bumangon laban sa
mga awtoridad ng Espanyol.

Umalis siya sa papuntang Dapitan noong Hunyo 15, 1896. Gayunpaman, nagbigay
ng babala si Rizal laban sa pagpapalit ng pamahalaan kung saan hindi handa ang mga tao.
Sinabi ni Rizal na kinakailangan ang edukasyon, at sa kanyang opinyon pangkalahatang
paliwanag ang tanging daan upang umunlad. Si Valenzuela rin ang tumulong kay Emilio
Jacinto sa pagtatag ng "Kalayaan", ang pahayagan ng Katipunan, gamit ang mga ninakaw
na makinilya mula sa Diario de Manila. Nang maglaon, tinanggap ni Valenzuela ang
amnestiya na inaalok ng kolonyal na gobyerno ng Espanyol. Sumuko siya noong
Setyembre 1, 1896 at pagkatapos ay dineport siya sa Espanya at nabilanggo sa Madrid.
Nang maglaon, siya ay inilipat sa Malaga, Barcelona at pagkatapos ay sa isang outpost ng
Espanya sa Africa. Siya ay nakulong sa loob ng mga dalawang taon. Sa ilalim ng mga
Amerikano, siya ay nabilanggo muli at inihayag bilang isang "radical propagandist".

Pagkalipas ng ilang taon, naglingkod siya bilang unang alkalde (sa panahon ng
rehimeng Amerikano) ng munisipalidad ng Polo (ngayon ay Valenzuela City) mula 1899
hanggang 1900 bago siya naging gobernador ng lalawigan ng Bulacan (1921-1925).
Namatay siya noong Abril 6, 1956 sa edad na 86.
Noong 1963, pinalitan ang pangalan ng bayan ng Polo at tinawag na Valenzuela bilang
parangal kay Dr. Pio Valenzuela. Ang munisipalidad ay naging isang lungsod noong 1998.

Mga Pahayagan Noong Panahon ng Himagsikan


1. Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896. Pinamatnugutan
ito ni Pio Valenzuela.
2. Diario de Manila, ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila ang
limbagan nito kaya’t may katibayan sila sa mga plano ng mga Katipunero.
3. El Heraldo de la Revolicion. Makalwa sanlinggom kung lumabas ang pahayagang
ito. Limbag ito sa Unang Republika ng Pilipinas noong 1898. Itinaguyod nito ang
kaisipang pampulitika. Nang lumaon, naging Heraldo Filipino ang pangalan nito at
kalaunan ay naging Indice Official at Gaceta de Filipinas. Tumagal ang pahayagang
ito mula ika- 28 ng Detyembre, 1898 hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon nitong
pag-alabin ang damdaming makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.
4. La Independencia. Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong ika- 3 ng
Setyembre, 1898.
5. La Republika Filipina. Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.
6. Ang Bayang Kahapis- hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.
7. Ang Kaibigan ng Bayan. Lumabas noong 1898.
8. Ang Kalayaan. Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.

Mga kababaihang Miyembro ng Katipunan


1. Gregoria de Jesus
 Asawa ni Andres Bonifacio.
 “Lakambini ng Katipunan
 “Ina ng Himagsikan”
2. Josefa Rizal
3. Melchora Aquino

38
 “Ina ng Katipunan”
 “Dakilang babae ng rebolusyon”
 Kilala bilang “Tandang Sora”
4. Marina Dizon
5. Angelica Lopez-Rizal
6. Trinidad Tecson

Sigaw sa Pugad Lawin


Pagkatapos mabunyag ang lihim ng Katipunan, tinipon ni Bonifacio ang mga Katipunero sa
Balintawak noong Agosto 23, 1896. • Dito napagkasunduan na simulan agad ang
Rebolusyon. Bilanghudyatng himagsikan, pinunit nila ang kanilangmga cedula at
sumigawng “Ligtasna tayosa pagkaalipin”. “Mabuhayang Pilipinas! Mabuhay ang
Katipunan”.

Pagsasanay
Unang Gawain
Panuto: Gumawa ng Repleksyong papel ukol sa mga akda na ginawa ng mga taluktok o
pinakalider ng tahasang paghihimagsik. Isulat ito sa isang buong papel.

Katapusang Hibik ng Pilipinas


Andres Bonificio
Sumikat na, Ina, sa sinisilangan, Ang araw ng poot ng Katagalugan, Tatlong daang
taong aming iningatan Sa dagat ng dusa ng karalitaan.
Walang isinuway kaming iyong anak Sa bagyong masasal ng dalita’t hirap Iisa ang puso
nitong Pilipinas at ikaw ay di na Ina naming lahat.
Sa kapuwa Ina’y wala kang kaparis Ang laway ng anak; dalita’t pasakit; pag nagpatirapang
sa iyo’y humubik, lunas na gamot mo ay kasakit- sakit.

Gapusing mahigpit ang mga Tagalog; makinahit biting parang isang hayop; Hinain
sa sikad, kulata at suntok Ito baga, Ina, ang iyong pag-irog?
Ipabilanggo mo’t sa dagat itapon; Barilin, lasunin, nang kami’y malipol sa aming Tagalog,
ito baga’y hatol Inang mahabagin, sa lahat ng kampon?
Aming tinitiis hanggang sa mamatay; Bangkay nang mistula’y ayaw pang tigilan Kaya kung
ihulog sa mga libingan, Linsad na ang buto’t lamuray ang laman.

Wala nang pamana itong Pilipinas Na layaw sa Ina kundi pawing hirap: Tiis ay
pasulong, patente’y nagkalat , Rekargo’t impuwesto’y nagsala-salabat.
Sari-saring silo sa ami’y inisip, Kasabay ng utos na tuparing pilit, May sa alumbrado, kaya
kaming tikis, Kahit isang ilaw ay walang masilip.
Ang lupa at bahay na tinatahanan, Bukid at tubigang kalawak-lawakan, At gayon din pati ng
mga halaman, Sa paring Kastila ay binabawasan.

Bukod pa rito’yang iba’t iba pa, huwag nang saysayin, Oh, Inang Espanya, sunod
kaming lahat hanggang may hininga Tagalog di’y siyang minamasama pa.
Ikaw nga, Oh, Inang pabaya’t sukaban kami’ydi na iyo saan man humanggan, Ihanda mo,
Ina, ang paglilibingan sa mawawakawak na maraming bangkay.

Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog ang barila’t kanyong katulad ay kulog, ang


sigwang masasal sadugong aagos ng kanilang bala na magpapamook.

39
Di na kailangan sa iyo ang awa ng mga Tagalog, Oh Inang kuhila, paraiso naming ang
kami’y mapuksa langit mo naman ang kami’y madusta.
Paalam na, Ina, itong Pilipinas, Paalam na, Ina, itong nasa hirap, Paalam, paalam, Inang
walang habag, Paalam na ngayon, katapusang tawag.

ANG KASALANAN NI CAIN


Akda ni Gat Emilio Jacinto (1875-1899)

Katatapos pang nilalang ng Maykapal ang Sandaigdigan.

Bahagya pang sumusupling sa mag-asawang si Adan at si Eva ang mga kauna-


unahang bunga ng kanilang pagsasama sa ibabaw ng lupa… At ang lupang ito, na
katatapos pang nilalang ng Maykapal ay dinungisan na ng isang kasalanang kakila-kilabot
at kasuklam-suklam na higit sa bangis ng gabing lumilintik at higit na kasindak-sindak at
nakauulol na pangarap ng may pusong dulingas at sukab na akala.

Si Cain ay nagtaglay ng malaking pagkainggit sa kapatid niyang si Abel, at sa


kainggitang ito’y nagmula ang isang matinding kagalitan, hanggang sa siya’y dinayang
dinala sa ilang at doo’y… pinatay ng lilong kapatid na si Caing tampalasan.

Magbuhat noon ay maraming daan at libong taon na ang nakararaos. Gayunma’y


nalilimbag pa sa alaala at gunita ng mga tao’t mga bayan ang kasalanan ni Cain at dili yata
mapapawi’t mababaklas hanggang sa ang lupa ay lupa.

Magbuhat noon, magbuhat ng patayin ng kapatid ang kapatid sa hamak na


kadahilanan ay naghari at nag-ulol ang kasukaban sa balat ng lupa, at ang mga mata’y
laging lumuluha, at ang dugo ng kapatid ay laging pinababaha ng kapatid, at walang
namamahay sa mga kalooban kundi ang umalipin at dumaya sa kapwa din.

At si Cain ay isinumpa ng Diyos at iginuhit sa noo niya ang tanda ng darakilang


kasalanan. At magbuhat noo’y makapal na noo ang nagtataglay ng hamak na tanda…

Tunay ngang may lumitaw na mga bayani’t magagandang puso ang nangahas at
nangahas ding bumangon sa lusak ng madlang kapahamakan; at sukdang ikapanaw ng
tangang hininga ay pinukaw at ipinaaalala sa nangahihimlay na ang lahat ng tao ay
magkakapatid at magkakapantay, na ang nagiging dahil ng mga sakit, hirap, at dalamhating
walang katapusan ng Sangkatauhan ay ang mana’t manang kasalanan ni Cain, na walang
daang iba pa sa kaginhawahang laging hinahanap kundi ang tunay na pagkakakilanlan at
pagmamahalan ng magkakapatid at tunay na paglingap ng lahat sa bawat isa at ng bawat
isa sa lahat.

Datapwat kung ito’y tunay, tunay din naman na ang mga pusong lubhang angkan at
angkan pa sa kasamaan at katampalasanan ay bumalikwas na nagngangalit at walang
awang inawas ang mga pangahas na nagsisiwalat ng banal na matwid at magandang pag-
ibig na makapuputol ng lilong pagpapasasa sa dinayang kapangyarihan at ninakaw na
yaman.

II

40
Ngayon naman, kung ang mamasdang haharapin ng paningin ay ang mga
nangyayaring pinaglalagusan ng Katagalugan, ay! puso’y naiinis, nagsisikip ang dibdib, at
luha sa mata’y kusang umaagos.

Nakaririmarim na tanda ng kasalanan ni Caing isinumpa ng Maykapal, bakit


nakaguhit ka sa noo ng makapal na Tagalog, karugo at tunay kong kapatid? Diyata’t ikaw
lamang nga, ikaw ang magiging dahil kung kaya mananatili sa karukhaan at kutya ang
walumpung yutang katawan, kung kaya di magtatamo ng kinakailangan at minimithing
kalayaan ang walumpung yutang Tagalog, kung kaya mawawalan ng kabuluhan ang mga
pinuhunang pagod, panganib, at di-masaysay na katiisan at tiyaga, sampu ng libo-libong
buhay na pumapanaw ng mga bayaning nagbangon ng katwiran at puri ng lahat? O,
kasalanan ni Caing isinumpa ng Diyos! Ikaw ay muli naming isinusumpa sa ngalan ng
aming mga inang nananangis, sa ngalan ng madlang nagbabata ng lahat ng sakit at
katampalasanan sa kadakilaan mo! Kasalanan ni Cain, ikaw ay muli’t muli naming
isinusumpa nang walang katapusan!

III

Masdan ninyo iyong tao: Ang mga mata niya’y laging isinusulyap sa balang
masalubong; ang mga tainga niya’y laging nakikinig ng balang salitaan; ang mga bibig
niya’y laging nangungusap ng balang nalalaban sa kanyang isinasaloob at masasamang
budhi; sa baywang niya’y may natatagong isang lubid at isang rebolber na laan sa kanyang
mga kapatid. Iyan ang policia secreta, samakatwid tiktik, tiktik na sukab at walang awa ng
tampalasang panginoon.

Ikalawang Gawain:
Panuto: Isaliksik ang mga sumusunod na mga Pahayagan. Paano ito nakakatulong sa
Panahon ng Paghihimagsik. 3 o higit pang panungusap.

1. Kalayaan

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Diario de Manila

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. El Heraldo de la Revolicion

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

41
4. La Independencia.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5. La Republika Filipina.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

42
Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Mga layunin
1. Nakikilala ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano.
2. Natatalakay ang mga Panitikan sa Panahon ng Amerikano.
3. Naiklaklasipika ang mga Panitikan batay sa Pangkat ng Manunulat.

Kaligirang Kasaysayan
Nagkaroon ng digmaang PilipinoAmerikano na siyang naging sanhi ng pagsuko ni
Hen. Miguel Malvar noong 1903. Gayun pa man, ang kilusang pangkapayapaan ay
nagsimula noong pang 1900.

Mga katangian ng Panitikan sa Panahon ng Amerikano

1. Hangaring makamit ang kalayaan.


2. Marubdob na pagmamahal sa bayan.
3. Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo.

Diwang nanaig sa Panahon ng Amerikano


1. Nasyonalismo
2. Kalayaan sa pagpapahayag
3. Paglawak ng karanasan
4. Paghanap at paggamit ng bagong pamamaraan

Mga Impluwensiya sa Panankop ng mga Amerikanoo.

1. Pagpapatayo ng mga paaralan.


2. Binago ang sistema ng edukasyon.
3. Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
4. Ipinagamit ang wikang Ingles.
5. Pagpapalahok sa mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan.
6. Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan.

Mga Pahayagan sa Panahon ng Amerikano.

1. EL GRITO DEL PUEBLO (Ang Sigaw/Tinig ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete


noong 1900
2. EL NUEVO DIA (Ang Bagong Araw) itinatag ni Sergio Osmena noong 1900
3. EL RENACIMIENTO (Muling Pagsilang) itinatag ni Rafael Palma noong 1900
4. Manila Daily Bulletin-1900

Tatlong Pangkat ng mga Manunulat

1. Maka-Kastila
2. Maka-Ingles
3. Maka-Tagalog

Mga Dulang ipinapatigil sa Panahon ng Amerikano

1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS – sinulat ni Aurelio Tolentino


2. TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad
3. MALAYA –ni Tomas Remegio

43
4. WALANG SUGAT – ni Severino Reyes

Panitikan sa Kastila
1. CECILIO APOSTOL- may pinakamabuting tulang papuri kay Jose Rizal ;
OBRA-MAESTRA- A Rizal
2. FERNANDO MA. GUERRERO- unang hari ng panulaan sa Kastila; OBRA-
MAESTRA-Crisalidas (Mga Higad)
3. JESUS BALMORI – “Batikuling”; OBRA-MAESTRA- El Recuerdo y el Olvido;
nahirang siyang “poeta laureado” sa wikang Kastila
4. MANUEL BERNABE- makatang liriko
5. CLARO M. RECTO-Obra-maestra-BAJO LOS COCOTEROS ( Sa Lilim ng
Niyugan)
6. TRINIDAD PARDO DE TAVERA- ang nagpasok ng titik W at K sa
abakadang Pilipino

Iba pang Manunulat sa Wikang Kastila


1. ADELINA GURREA – kauna-unahang makatang babae sa Pilipinas na
magaling sa Kastila; Obra-maestra- EL NIDO
2. ISIDRO MARPORI –obra-maestra-AROMAS DEL ENSUENO ( Halimuyak ng
Pangarap)
3. MACARIO ADRIATICO –obra-maestra-alamat”LA PUNTA DE SALTO ( Ang
Pook na Pamulaan )
4. EFIFANIO DELOS SANTOS- nakilala sa tawag na DON PANYONG; kilala
bilang mahusay na mananalambuhay
5. PEDRO AUNARIO –sumulat ng DECALOGO DEL PROTOCIONISMO

Panitikan sa Tagalog
1. Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas at “URBANA AT
FELIZA”ni Modesto de Castro ang naging inspirasyon naman ng mga
manunulat sa Tagalog
2. Inuri ni Julian Balmaceda sa tatlo (3) ang mga makatang Tagalog. Narito ang
mga sumusunod:
3. MAKATA NG PUSO : Lope K. Santos; Inigo Ed Regalado;Carlos Gatmaitan;
Pedro Gatmaitan; Jose Corazon de Jesus; Cirio H. Panganiban; Deogracias
A. Rosario; Ildefonso Santos; Amado V. Hernandez; Nemecio Carabana; Mar
Antonio
4. MAKATA NG BUHAY : Lope K. Santos; Jose Corazon de Jesus; Florentino
Collantes; Patricio Mariano; Carlos Gatmaitan; Amado V. Hernandez
5. MAKATA NG DULAAN : Aurelio Tolentino; Patricio Mariano, Severino Reyes;
Tomas Remegio
6. LOPE K. SANTOS – Ama ng Balarilang Tagalog; OBRA-MAESTRA-Banaag
at Sikat •JOSE CORAZON DE JESUS- Huseng Batute; OBRAMAESTRA-
Isang Punungkahoy
7. FLORENTINO COLLANTES- Kuntil Butil; OBRAMAESTRA- Lumang
Simbahan

44
8. AMADO V. HERNANDEZ- Makata ng mga Manggagawa; MGA OBRA-
MAESTRA- Isang Dipang Langit;Mga Ibong Mandaragit; Luha ng Buwaya;
Bayang Malaya; Ang Panday
9. VALERIANO HERNANDEZ-PENA- Tandang Anong at Kintin Kulirat; OBRA-
MAESTRA- Nena at Neneng
10. INIGO ED REGALADO – Odalager; OBRA-MAESTRADamdamin

Ang Dulang Tagalog


1. SEVERINO REYES – Lola Basyang; Ama ng Dulang Tagalog; OBRA-
MAESTRA- Walang Sugat
2. AURELIO TOLENTINO – ipinagmamalaking mandudula ng Kapampangan;
OBRA-MAESTRA- Luhang Tagalog at Kahapon, Ngayon at Bukas
3. HERMOGENES ILAGAN- nagtayo ng samahang “COMPANA ILAGAN” na
nagtanghal ng maraming dula sa kalagitnaang Luzon
4. PATRICIO MARIANO- sumulat ng “NINAY” at “ANAK NG DAGAT” na siya
niyang OBRA-MAESTRA
5. JULIAN CRUZ-BALMACEDA- “Bunganga ng Pating” ang siya niyang OBRA-
MAESTRA

Panitikang Pilipino sa Ingles


1. JOSE GARCIA VILLA – “Doveglion”; pinakatanyag na Pilipinong manunulat
sa Ingles
2. JORGE BACOBO – sinulat-”Filipino Contact with America”; A Vision of
Beauty
3. ZOILO GALANG – sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang
Ingles na pinamagatang “A Child of Sorrow”
4. ZULUETA DE COSTA-nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like the
Molave”
5. NVM GONZALES- may-akda ng “My Islands” at “Children of the Ash
Covered Loom”. Ang huli ay isinalin sa iba’t ibang wika sa India
6. ANGELA MANALANG GLORIA- umakda ng “April Morning”; nakilala sa
pagsulat ng mga tulang liriko noong panahon ng Komomwelt
7. ESTRELLA ALFON – ipinalalagay na pinakapangunahing manunulat na
babae sa Ingles bago magkadigma. Sinulat niya ang “MAGNIFICENCE” at
“GRAY CONFETTI”
8. ARTURO ROTOR – may-akda ng “THE WOUND AND THE SCAR”-kauna-
unahang aklat na nalimbag sa Philippine Book Guild

Iba pang Panitikan


1. PEDRO BUKANEG- Ama ng Panitikang Iloko; Bukanegan-kasingkahulugan
ng Balagtasan
2. CLARO CALUYA- Prinsipe ng mga Makatang Iloko; kilala sa pagiging
makata at nobelista
3. LEON PICHAY – kinilala bilang “pinakamabuting BUKANEGERO”

45
4. JUAN CRISOSTOMO SOTO- Ama ng Panitikang Kapampangan; Crisostan-
kasingkahulugan ng Balagtasan
5. ERIBERTO GUMBAN-Ama ng panitikang Bisaya

46
Pagsasanay
Unang Gawain
Panuto: Kompletuhin ang talahanayan ayon sa kategorya ng mga pangkat ng Manunulat sa
Panahon ng Amerikano. Isulat lamang ang mga panitikan sa loob ng kahon.

Maka- Kastila Maka- Ingles Maka- Tagalog

Ikalawang Gawain
Panuto: Isaliksik at ipalawinag ang mga dahilan kung bakit ipinatigil ang mga sumusunod
na dula. 3 o higit pang pangungusap. 5 puntos bawat bilang.

1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS – sinulat ni Aurelio Tolentino

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. TANIKALANG GINTO- ni Juan Abad

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. MALAYA –ni Tomas Remegio

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

4. WALANG SUGAT – ni Severino Reyes

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

47
16 - 18 Linggo. Panitikan sa Panahon ng Hapones

Mga Layunin.
1. Nakikilala ang Panitikan sa Panahon ng Hapones.
2. Natatalakay ang mga Panitikan sa Panahon ng Hapones.
3. Nakakasulat ng sariling tulang Haiku at Tanaga.

Sanligang Kasaysayan
 Binomba ang Pearl Harbor, pati na rin ang Pilipinas
 Madaling nasakop ang Pilipinas
 Nasa ilalim ng mga Hapones ang Pilipinas mula 1941-1945
 Pansamantalang natigil ang mga palimbagan
 Muling nabuksan ang lingguhang Liwayway
 Sumunod sa Liwayway ang Taliba
 Ipinagbawal ang mga magasing Ingles tulad ng Tribune at Free Press
 Paksa ng mga akdang pampanitikan: − BUHAY LALAWIGAN
 Naging mapalad ang panitikan dahil kay Kinichi Isikawa Tinuring na Gintong
Panahon ng panitikang Pilipino

Mga Uri ng Akda


 Naging maunlad at lubusang namulaklak sa panahon ng mga Hapones .Hindi
binigyang pansin ng mga patnugot ang panlasa ng mga karaniwang mamamayan -
Buhay lalawigan
1. Maikling Kwento
Lupang Tinubuan ni Narciso Reyes
 Unang gantimpala - pinakamahusay na akda noong 1945.Pumunta si Danding sa
probinsya ng kanyang ama at kinilala niya ang kanyang mga kamag-anak at ang
lugar.
2. Dula
 Mahalaga sa panahon ng mga Hapones.
 Pugo at Tugo (mga artista)
 Ang mga mabubuting dula ay ipinapalabas sa Avenue Theater at Life Theater

Mga Uri ng Dula


 Sino Ba Kayo? ni Julian C. Balmaceda (Alpahol)
 Pitong Taon ni Fidel Sicam
 Libangan para sa mga tao upang makalimot sa kawalan at karahasan
 Nagkaroon ng puwang sa lipunan at nangako ng magandang hinaharap
3. Panulaan
 Haiku – Ang haiku ay tulang binubuo ng labinpitong pantig, na may tatlong
taludturan; na ang unang taludtod ay may limang pantig, sa ikalawa ay may
pitong pantig, at ang ikatlong taludtod ay may limang pantig. Ito’y
nagtataglay ng talinghaga.
Halimbawa:
Ulilang damo
Sa tahimik na ilog
Halika, sinta!

Gonzalo Flores

48
 Tanaga – sinaunang anyo ng maikling tulang Tagalog, binubuo ng apat na
taludtod na tugmaan, may sukat na pitóng pantig ang bawat taludtod, at
nagpapahayag ng isang buong diwa. Ito ay tulang Tagalog na palasak na
bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay may mataas na uri. Binubuo ito ng
apat na taludturan na may pituhang pantig. Nahahawig sa haiku at muling
naging palasak ang mga tanaga noong panahon ng Hapon. Ang tanaga ay
itinuturing na malayang tula at sagana sa talinghaga.

Halimbawa:

Totoong sinungaling,
At talagang malihim,
Pipi kung kausapin,
Walang kibo’y matabil,
Ang isa sa kaaway,
Na marami ang bilang,
Ang iyong pangilangan,
Ayan… katabi mo lang!
— Ildefonso Santos

 Nobela
 Hindi maunlad ang nobela sa panahong ito − Kakapusan ng papel
 Mga nobela:
1. Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz
2. Pamela ni Adriano Laudico − Magandang Silangan
3. Sa Lundo ng Pangarap ni Gervacio Santiago

Pagtataya:
Unang Gawain.
Panuto: Gawain: Ibigay ang kaisipang nais ipabatid ng kasunod na mga tanaga at haiku sa
pamamagitan ng pagpupuno sa mga kahon. 5 puntos bawat bilang.

Hila moy tabak

Ang bulaklak nangingiig

Sa paglapit mo

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

49
Sa pag ibig nadama

Sakit na ini inda

basta't ikaw kasama

Ako ay sumasaya

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Gabay na katanungan:
1. Sa paanong paraan magiging gabay ang mga tanaga at haiku sa pang- araw-araw
mong buhay? Patunayan.

_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Nasasalamin mo ba ang kilos, ugali at pamantayan sa buhay sa mga Tanaga at


Haiku?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

50
Ikalawang Gawain:
Panuto: Magkatulad O Magkaiba (MOM)

1. May pagkakaiba at pagkakatulad ba ang Tanaga at Haiku?


Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. Tanaga at Haiku sa itaas.

Pagkakaiba (Tanaga) Pagkakaiba (Haiku)

Pagkakatulad (Tanaga at Haiku)

Ikatlong Gawain:
Panuto: Nakakabuo ng sariling Haiku at Tanaga.

Haiku
_______________________
_______________________
_______________________

Tanaga
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________
_______________________

Panahon ng Mula nang Matamo ang Kalayaan hanggang sa Kasalukuyan.


Mga Layunin.
1. Nakikilala ang Panitikan sa Panahon mula nang Matamo ang Kalayaan hanggang
sa Kasalukuyan.
2. Natatalakay ang mga Panitikan sa Kasalukuyan.
3. Nakasusulat ng Sanaysay ukol sa Panulaan sa Panahon mula nang Matamo ang
Kalayaan hanggang sa Kasalukuyan.

Kaligirang Kasaysayan
Muling nabawi ng mga mamamayang Pilipino ang tunay na kalayaan na nawala rin
ng may labing-apat na taon. Sa loob ng apat na araw, mula noong ika-21 ng Pebrero

51
hanggang ika-25 nito ay namayani ang tinatawag na “PEOPLE’S POWER” o LAKAS NG
BAYAN.

Maraming tagpong makabagbag-damdamin ang nasaksihan ng mga mamamayan


na tunay na tatak-Pilipino. Sa apat na makasaysayang araw ay naroon ang
magkakahawak-kamay at balikat sa balikat na Barikada, higaan sa kalye, pagsalubong ng
mga ngiti, pagmamakaawa, pagsasabit ng mga bulaklak sa mga taong nasa tangke na
lulusob sana sa pinararatangang dalawang “rebelde”-ENRILE-RAMOS, ‘pagkat sumama na
sa pangkat ni Aquino.

Muling naipamalas ng mga Pilipino ang samahang bayanihan tulad ng pagbabahagi


ng mga pagkain at inumin. Lumabas ang ganda ng paguugaling Pilipino. Muling nasilayan
ang pagtutulungan, pagmamalasakitan, pagkakaisa, pagbibigayan, pagkamatiisin,
pagmamahal sa bayan, pagsunod sa batas, pag-unawa sa kapwa, pananalig sa Panginoon
at marami pang iba na iisa ang tibok ng puso, iisa ang pulso, walang relihiyon, walang
rehiyon, marunong man o mangmang, mayan o mahirap.

Sa panahong ito ay isinilang ang bagong uring PILIPINO..ang mga Pilipinong


marunong magmalasakit sa kapwa kalahi at marunong magmahal sa sariling bansa sa
salita man o sa gawa. At para sa mga mamamayang Pilipino, ito pa lamang ang tunay na
bagong Republika – “ang Tunay na Bagong Republikang Pilipinas.”

Kalagayan ng Panitikan

Bagama’t iilang buwan pa lamang ang pagkakasilang ng tunay na


RepublikangPilipinas ay may mababakas nang pagbabagosa ating panitikan. At ang mga
pagbabagong itoay madarama na sa ilang mga TULA, AWITING PILIPINO, sa mga
PAHAYAGAN, sa mga SANAYSAY at TALUMPATI, at maging sa mga PROGRAMA SA
TELEBISYON.

Sanaysay
Ito ay isang sulating gawain na kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng mga
pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor o akda. Maipapahayag ng may akda ang
kanyang damdamin sa mga mambabasa, Ito rin ay isang uri ng pakikipag-komunikasyon na
ang ukol nito ay maipabatid ang inyong saloobin sa isang paksa o isyu. Ang Ingles na salin
nito ay essay.

Mga Uri ng Sanaysay


 Pormal – Ang talakayin nga uri nito ay ang mga seryosong mga pagsa nga
nagtataglay ng masusing at masusuri na pananaliksik ng taong sumulat. Ito ay
kadalasang nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang tao, hayop, bagay, lugar,
o pangyayari. Ang halimbawa nito ay ang pahayagang editoryal.
 Di-Pormal – Tumatalakay naman nito sa mga topikong karaniwan, personal, at
pang araw-araw na kasiya-siya or mapang-aliw para sa mga mambabasa. Ito
ay binigyan din ng mga bagay-bagay at karanasan ng akda sa isang topiko
kung saan maipakita niya ang kanyang personalidad na parang nakikipag-usap
siya sa isang kaibigan.

52
Mga bahagi ng Sanaysay
 Simula / Panimula – Ito ang pinakamahalaga na bahagi dahil dito ang inaasahan
kung ipagpatuloy ng mambabasa sa kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng
akda ang atensyon at damdamin ng mambabasa.
 Gitna / Katawan – Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang
puntos o idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng may-akda. Dito rin natin
malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang
paksang pinag-uusapan o binibigyang pansin.
 Wakas – Sa bahaging ito isinasara ng akda ang paksang nagaganap sa gitna o
katawan ng isinulat niya. Dito tin naghahamon ang akda sa mga isip ng mga
mambabasa na maisakatuparan ang mga isyung tinatalakayan niya.

Talumpati - Ang talumpati ay isang buod o kaisipan o opinyon ng isang tao na


ibinabahagi sa pamamagitan ng pagsasalita sa isang entbalado.

Ito ay may tatlong uri:

 Talumpating Walang Paghahanda


 Talumpating Pabasa
 Talumpating Pasaulo

Katangian ng Talumpati

 Isang sining ng pasalitang pagpapahayag na ang layunin ay makaakit o


makahikayat ng mga nakikinig.
 Ito rin ay nagpapahayag ng isang kaisipan sa paraang maanyo.
 Ang talimpati ay isang uri ng akda na tumatalakay sa napapanahong isyu o paksa
na ang layunin ay bigkasin sa harap ng madla na handang making.
 Ang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag tungkol sa isang
mahalagang paksa.

Panulaan sa Kasalukuyan

Ang mga tula sa kasalukuyan ay naglalaman ng halos walang kakimiang


pagpapahayag ng tunay na damdamin ng mga makata:
a. Ang kanilang mga tuwirang panunuligsa sa mga nanunungkulang may tiwaling gawin
b. pagpuri sa mga nakagagawa ng kabutihan.

Awiting Pilipino

Ang Magkaisa nina Tito Sotto, Homer Flores, at E.dela Pena, ang Handog ng Pilipino sa
Mundo ni Jim Paredes ay ilan sa mga awiting nagpakita ng makasaysayang tagpong
naganap sa sambayanang Pilipino na hinangaan sa sandaigdigan. Ang binuhay na awiting
Bayan Ko ni Freddie Aguilar mula sa panulat ni Jose Corazon de Jesus ay ang
pangunahing pumailanlang ngayon sa mga radyo at telebisyon. At dahil sa pagiging
makasaysayan nito noong nakaraang matahimik na rebolusyon, iminungkahi ngayon sa
“Constitutional Commission” na gawin itong pangalawang Pambansang Awit ng Pilipinas.

53
Sanaysay

Maging sa mga sanaysay, damang-damaang labis na katuwaan ng mga Pilipino sa


nakamit sa bagong kalayaan.

Maikling Kwento
Ang katangian ng maikling kwento sa ngayon ay dala o buhat sa nagging
nakagawiang pagsusulat ng mga makata noong panahon ng Hapon. Noong panahon na
iyon ay ipinagbawal ang paggamit ng ibang salita maliban sa kanilang wika. Kayat
nailimbag sa gintong pahina ng panitikang Filipino ang maikling kwento. Bagamat sa
panahong itoay naging masigasig ang mga manunulat sa kanilang katha, nanumbalik, nag-
ala-dagliang kawalan ng banghay ng kwento. Nagkaroon ng iba’t ibang pamamaraan ng
pagkukwento. Ang mga paksang dati ay hindi naisusulatay napapansin. Naging matimpi
ang sa pagtalakay ng paksa. Madula ngunit maligoy. Ang mga katangiang iyan ay namalagi
hanggang sa kasalukuyan at ito’y tinawag na kontemporaryong maikling kwento.

Radyo at Telebisyon

Maririnig na sa kasalukuyan na nakapagpapahayag na ng tunay na niloloob nang


walang takoto pangamba ang mga tagapagsalita sa radyoat mga lumalabas sa telebisyon.
Marami na sa panahong itoang mga komentaristasa radyoat telebisyon kung saan pawang
laman ng bibig ng mga itoang hayagang pagpuna nila sa mgagawain ng mga nasa pwesto.

Pahayagan, magasin, at ibapang babasahin


Matapos mawakasan ang Batas-Marsyal, tila hudyat na rin ito ng pagpapanumbalik sa
karapatan ng lahat ng mga Pilipino hinggil sa pamamahayag.
Dumami pa ang nagsulputang mga pahayagan sa panahong ito.
1. Inquirer
2. Manila Bulletin
3. Manila Times
4. Philippine Standard

PANITIKAN SA COMPUTER AGE


Chat, FB, twitter, blog, IG, tumblr, youtube, jejemon, unli, website, usb, e-mail,
download, wifi, connect, burn, scan, at cd. Ito ay mga salitang karaniwan nang ginagamit
ngayon sa ating wika at masasabing dulot ng teknolohiya at dahil parte na ng ating buhay
ang teknolohiya, mabilis ang pagbabagong idinulot nito sa buhay at lipunan. Mabilis din ang
pagbabago sa papel na ginagampanan ng impormasyon sa ating trabaho, buhay, at pag-
iisip.

Ang mabilis na pagbabagong naganap sa buhay natin ay dala ng mabisang sandata


ng teknolohiya – ang kompyuter, cellphone, at internet. Naging biswal na manipestasyon ng
demokratisasyon sa internet, ng pamamahayag ang blogging—isang anyo ng pagsusulat
sa espasyo sa Internet na nagbibigay ng kakayahan sa sinumang may Internet akses na
magsulat ng kanyang nais isulat, at “ipalimbag” ito sa isang pandaigdigang saklaw. Ang
presensya ng mabilisang input at feedback sa impormasyon ay isang katangiang hindi pa
kayang lubos na gayahin ng isang print-based system.

Kasunod nitong ang pagsulpot ng mga networking sites gaya ng friendsterat


facebook, naging madali ang pagpapahayag ng mga tao sa kanilang saloobin hinggil sa
isang bagay. Sa libro (at minsan sa internet na rin), ay nakakakitaako ng mga akda na

54
naisulat sa pamamagitan ng naghaharing paraan ng pagtetext – ang Hu-U-ismo. Kung
saan ang karakterisasyon ng ganitong klase ng texting ay gumaGmit U bilng tXter ng mga
kRaktern ms pNaikli at pNaarte ang dTing. Sila ang mga Pinoy na nagagawang ibahin ang
Wikang Ingles sa punto na hindi na ito maunawaan.

Samantala, ganito din ang pangyayari sa isang nabuong paraan ng pamamahayag,


ang jejemonismo- kung saan !tÖ Ñm@n @¥ p@gp@p@l!t pÖwww Ñg k@r@kter n@
g@met zHa p@gtetetxt. • Cellphone – nabago nitoang pang-araw-araw na komunikasyon;
dito nabuo ang Hu-U-ismo at jejemonismo. • Computer- Lol, BRB • Internet-dito naglipana
ang mga blogging sites kung saan hayagan ang pagpapahayag ng saloobin ng sinuman na
nais makisawsaw sa isyu.

55
Pagsasanay

Unang Gawain

Panuto: Sumulat ng Sanaysay ukol sa panulaan ni Francisco Soc. Rodrigo Giting ng


Bayan. Isulat sa isang buong papel.

Rubrik sa Pagsulat ng Sanaysay.

Kategorya Higit na Nakamit ang Bahagyang Hindi Walang Iskor


Inaasahan Inaasahan Nakamit ang Nakamit ang Napatunayan
(5) (4) Inaasahan Inaasahan (1)
(3) (2)
Introduksyon Nakapanghih Nakalahad sa Nakalahad sa Hindi malinaw *Hindi nakita
ikayat ang introduksyon introduksyon ang sa ginawang
introduksyon ang ang introduksyon sanaysay.
. Malinaw na pangunahing pangunahing at ang
nakalahad paksa gayundin paksa subalit pangunahing
ang ang panlahat hindi sapat ang paksa. Hindi
pangunahing na pagtanaw pagpapaliwana rin nakalahad
paksa ukol dito. g ukol dito. ang panlahat
gayundin ang na
panlahat na pagpapaliwana
pagtanaw g ukol dito.
ukol dito.
Diskusyon Makabuluhan Bawat talata ay May Hindi * Hindi nakita
ang bawat may sapat na kakulangan sa nadebelop ang sa ginawang
talata dahil sa detalye detalye mga sanaysay.
husay na pangunahing
pagpapaliwan ideya
ag at
pagtalakay
tungkol sa
paksa.
Organisasyon Lohikal at Naipakita ang Lohikal ang Walang * Hindi nakita
ng mga Ideya mahusay ang debelopment pagkakaayos patunay na sa ginawang
pagkakasunu ng mga talata ng mga talata organisado ang sanaysay.
d-sunod ng subalit hindi subalit ang mga pagkakalahad
mga ideya; makinis ang ideya ay hindi ng sanaysay.
gumamit din pagkakalahad ganap na
ng mga nadebelop.
transisyunal
na pantulong
tungo sa
kalinawan ng
mga ideya.
Konklusyon Nakapangha Naipakikita Hindi ganap na May * Hindi nakita
hamon ang ang naipakita ang kakulangan at sa ginawang
konklusyon pangkalahatang pangkalahatang walang pokus sanaysay.

56
at palagay o pasya palagay o pasya ang
naipapakita tungkol sa tungkol sa konklusyon
ang paksa batay sa paksa batay sa
pangkalahata mga katibayan mga katibayan
ng palagay o at mga at mga
paksa batay katwirang katwirang
sa katibayan inisa-isa sa inisa-isa sa
at mga bahaging gitna. bahaging gitna.
katwirang
inisa-isa sa
bahaging
gitna.
Mekaniks Walang Halos walang Maraming Napakarami at Hindi nakita sa
pagkakamali pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo ginawang
sa mga mga bantas, mga bantas, ang mga sanaysay.
bantas, kapitalisasyon kapitalisasyon pagkakamali sa
kapitalisasyo at at mga bantas,
n at pagbabaybay. pagbabaybay. kapitalisasyon
pagbabaybay. at
pagbabaybay.
Gamit Walang Halos walang Maraming Napakarami at * Hindi nakita
pagkakamali pagkakamali sa pagkakamali sa nakagugulo sa ginawang
sa estruktura estruktura ng estruktura ng ang sanaysay.
ng mga mga mga pagkakamali sa
pangungusap pangungusap pangungusap estruktura ng
at gamit ng at gamit ng at gamit ng mga
mga salita. mga salita. mga salita. pangungusap
at gamit ng
mga salita.
Kabuuan

Giting ng Bayan ni Francisco Soc. Rodrigo


I
Akala ni Marcos, ay pampalagiang Kaniyang mabobola’t mapaglalaruan Ang dating
maamoat sunud-sunurang Mga matiisin nating taong bayan.

II
Salamat sa Diyos, ngayonay gumising Itong baying dati’ywaring nahihimbing Salamatat
ngayo’ysumiklabang giting Nitong Bayang dati ay inaalipin.

III
Kaya nama’t ngayon ay taas noo
Nating Pilipinoosa harap ng mundo
Pagkat tayo’y laang magsakripisyo
Sa ngalan ng laya ng tama’t totoo.
Himala ni Bathala ni Francisco Rodrigo
Walang bahid alinlangan, yaring aking paniwala
Na himalang mahiwaga na nagmula kay Bathala
Yaong mga pangyayaring hindi inakala
Na nagbukas nang biglaan sa pintuan ng paglaya
Para sa ‘ting inalipin at inaping Inang Bansa!

57
Ikalawang Gawain
Panuto: Isaliksik at isulat ang Awiting Pilipino. 10 na puntos bawat bilang. Isulat sa isang
buong papel.

1. Kundiman ng 1800, Tagalog


2. Manang Biday, Ilocos
3. Nan-aanto-ay, Igorot
4. Amba, Negrito
5. Ano Dao Idtong sa Cogon, Bikol

58
Pagbuo ng Banghay Aralin
Mga Layunin.
1. Natatalakay ang Bahagi ng Banghay Aralin
2. Nakagagawa ng Banghay Aralin.
3. Nabibigyang Halaga ang Banghay Aralin.
4. Nakasusulat ng Masusing Banghay ng Pagtuturo, Mala -masusing Banghay
ng Pagtuturo at Maikling Banghay ng Pagtuturo.

Ano ang Banghay Aralin?


 Dito nakasulat ang plano ng guro sa kanyang tatalakaying leksyon. Ito ang
sinusunod ng guro sa kanyang isasagawa na pagtuturo.
Kahalagahan ng banghay aralin
1. Ito ang nagsisilbing gabay sa mga guro upang magkaroon ng isang direksyon ang
pagtatalakay ng isang guro.
2. Minsan ito ay nagsisilbing skrip ng guro.
3. Dahil dito, natatantya na ng guro bago magklase kung gaano katagal niya dapat
talakayin ang leksyon.
4. Nagkakaroon ng kumpyansa sa sarili ang guro at siya ang nagiging handa dahil sa
banghay aralin.
5. Nagiging mabuting halimbawa ang guro sa kanyang mga estudyante kung kaya niyang
maging organisado sa lahat ng pagkakataon.
Ano ang mga bahagi ng banghay aralin?
Ito ay kalimitang may apat o limang bahagi.

I. Mga Layunin
II. Paksang Aralin
III. Pamaraan
IV. Takdang Aralin

May tatlong uri ng kayarian ang pang-araw-araw na banghay ng pagtuturo:

I. Masusing Banghay ng Pagtuturo


II. Mala-masusing Banghay ng Pagtutro
III. Maikling Banghay ng Pagtuturo

Masusing Banghay ng Pagtuturo (Detailed Lesson Plan)

 Ito ay ginagamit ng mga bagong guro at mga gurong mga-aaral.


Ginagamit din ito ng mga datihan nang guro kapag naatasang
magpakitangturo. Sa ganitong anyo ng banghay, nakatala pati ang
tanong ng guro at ang inaasahang dapat na sagot ng mag -aaral.

59
Mala-Masusing Banghay

 ito’y higit na maikli kaysa masusing banghay ng pagtuturo. Sa halip na


mayroon pang bahagi ang Gawaing Guro at Gawaing Mag -aaral
binabanggit na lamang nang sunod-sunod ang gagawin ng guro sa klase.

Maikling Banghay

 ito’y talagang maikli lamang . Sa banghay na ito, sapat ng banggitin kung


anong pamaraan ang gagamitin ng guro o di kaya’y banggitin ang
sunodsunod na hakbang sa maikling pangungusap

Masusing Banghay Ng Pagtuturo

I. Mga Layunin

1.

2.

3.

II. Paksang Aralin:

III. Mga Kagamitan:

IV. Pamaraan

Takdang oras Unang Gawain


Mode (Inaasahang /Pares) Gawaing guro Gawaing Mag-aaral
Mga hakbang Mga hakbang
1 1.
2 2.
Takdang oras Ikalawang Gawain

Mode (Inaasahang /Pares) Gawaing guro Gawaing Mag-aaral


Mga hakbang Mga hakbang
1 1.
2 2.

V. Sariling Ebalwasyon at Mga Puna Sa Itinurong Aralin


Unang Gawain
Ikalawang Gawain
VI. Takdang-aralin

60
Mala-Masusing Banghay

I. Mga layunin.
1.
2.
3.
II. Paksang Aralin:
III. Pamaraan:
IV. Ebalwasyon ng Buong Liksyon
Takdang oras Pagkakasunod-sunod ng mga hakbang Kagamitan

1. Pagkuha ng atensyon
2. Paglalahad ng Aralin
3. Pagpapaliwanag
4. Paglalahat
5. Pagsasanay
6. Pagsasara
V. Ebalwayon ng Buong Liksyon
VI. Takdang-aralin
Maikling Banghay
I. Mga Layunin
II. Paksang Aralin
III. Mga Gawain sa Pagkatuto
A.Pambungad: Pagtiyak sa isang tiyak na problema, isyu o tapik
B.Paglilinaw
C.Pag-iimbistiga
D.Pagsasara – Lagom, Integrasyon, Paglalapat
IV. Ebalwasyon
V. Takdang-aralin
Pagsasanay
Panuto: Bumuo ng Banghay Aralin. Gamit ang Tatlong Uri ng Banghay Aralin. Isulat ito sa
malinis na papel.
1. Masusing Banghay ng Pagtuturo (pumili lamang ng isang paksa)
Paksa:
a. Alamat
b. Epiko
c. Bulong
2. Mala-susing Banghay ng Pagtuturo (pumili lamang ng isang paksa)
a. Kwentong Bayan
b. Bugtong
c. Awiting Bayan Salawikain
3. Maikling Banghay ng Pagtuturo
a. Unang Dulang Pilipino
b. Palaisipan
c. Sawikain

61
Sanggunian

A. Aklat

Arrogante, Jose A. et al. Panitikang Filipino Pampanahong Elektroniko. National Book


Store. Mandaluyong City, 1991

Austero, Cecilia S. et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. UNLAD Publishing


House. Pasig City. 2007

Baisa-Julian, Aileen G. at Dayag, Alma M., Pluma I Wika at Panitikan para sa Mataas na
Paaralan. Alma M. Quezon City, Philippines, Phoenix Publishing House, Inc., 2009

Evasco, Eugene at Ortiz Will. PALIHAN Hikayat sa Panitikan at Malikhaing Pagsulat. C & E
Publishing, Inc. Quezon City. 2008

Glinofria, Maurita L. at Laxina, Teresita F., Kadluan ng Wika at Panitikan IV Makati City,
Philippines, Diwa Scholastic Press Inc., 1999.

Mag-atas, Rosario U et al., Panitikang Kayumanggi (Pangkolehiyo), Valenzuela, Metro


Manila, Philppines, National Bookstore, Inc. 1994.

Reyes, Soledad S. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular. Ateneo de Manila


University Press. Quezon City. 1997

Rubin, Ligaya T. et al., Panitikan sa Pilipinas, Sampaloc, Manila, Philippines, Rex Book
Store: 2001.

Santiago, Lilia Quindoza et al., Mga Panitikan ng Pilipinas, C & E Publishing Inc., 2007

B. Elektronikong Pagsasaliksik

http://iskwiki.upd.edu.ph/images/1/12/Working_while_in_class.pdf

http://the1010project.multiply.com/journal/item/34/34?&show_interstitial=1&u=
%2Fjournal%2Fitem

http://www.ampedasia.com/forums/showthread.ph

http://www.balita.net.ph/2012/06/kuwentuhang-media/#.UKseSO_QVyw

http://www.gmanetwork.com/news/story/277577/ulatfilipino/balitangpinoy/free dom-of-
information-foi-bill-namimiligrong-mamatay-pagsapit-ng-disyembre

file:///C:/Users/INSPIRON%2014/Downloads/Panitikang_Pilipino.pdf

62
Mga Natutunan.

63
Repleksyong Papel.

64

You might also like