You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

TARLAC STATE UNIVERSITY


COLLEGE OF EDUCATION
Lucinda Campus, Tarlac City
Tel. No. (045) 493-0182; Fax No. (045) 982-0110
Re-accredited Level III by the Accrediting Agency of
Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACUP), Inc.

Masusing Banghay-Aralin

PANAHON BAGO
DUMATING ANG
MGA KASTILA
(PAGPAPAKITANG-TURO)
Inihanda ni:

Ellaine M. Antonio
BEEd 2A

Iniwasto ni:

Bb. Glendalyn S. Arias


Guro

Abril 2020
Ikalawang Semestre
Detalyadong Banghay Aralin

I. Layunin
a. Naihahayag ang mga iba’t ibang kalagayan ng panitikang filipino bago dumating ang
mga kastila.
b. Nabibigyang halaga ang mga ambag ng mga dayuhan sa panitikang filipino.
c. Naisasagawa ang pang unawa sa panahon bago dumating ang mga kastila sa
pamamagitan ng pangkatang Gawain.

II. Paksang Aralin

Paksa: Panahon bago dumating ang mga kastila.

Sanggunian:

http://www.ruelpositive.com/panahon-bago-dumating-ang-mga-kastila

Kagamitan: Laptop, Mga larawan, Cartolina, TV

III. Proseso ng Pagkatuto

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A. 1 Panimulang Gawain

Magandang umaga klas?


Magandang umaga rin po.
Tumayo ang lahat at pangunahan mo ang
panalangin Eapril?
(Lahat ay tatayo at mananalangin).
Ama naming makapangyarihan sa lahat…
Bago kayo umupo ay pakiayos ang inyong
upuan at itapon ang mga basura sa basuraan.

May lumiban ba sa klase Raine?


Ikinagagalak ko pong sabihin na wala pong
lumiban sa ating klase ngayon.
A. 2 Pagbabalik aral
Bago tayo dumako sa ating susunod na paksa,
ako ay may iilang katanungan patungkol sa
ating nakaraang talakayan.

Ano ang ibig sabihin ng salitang “agus”?


Daloy ng tubig po.
Tama! Ano naman ang kabisera ng Agusan del
sur?
Prosperidad po.
Mahusay! Ano naman ang nagsisilbing
kabisera ng Surigao Del norte?
Surigao po.
Tama! Ano naman ang pangunahing industriya
ng rehiyon XIII?
Pagtrotroso, pagmimina at agrikultura po.
Napakahusay! Nakakatuwang isipin na ang
lahat ay nakinig sa ating nakaraang talakayan.

A. 3 Pagganyak
Bago natin simulan ang ating bagong
talakayan, may inihanda akong Gawain para sa
inyo. Bago riyan, papangkatin ko muna kayo
sa tatlo. Ang unang hanay ang unang grupo,
ang pangalawang hanay ay pangalawang grupo
at ang nasa ikatlong hanay ay ang ikatlong
grupo.
Maliwanag ba iyon?
Opo.
Pakibasa nga ang panuto Kate?
Panuto. Magkakaroon ng limang representante
ang bawat pangkat. Ang manlalaro lamang ang
may karapatang humawak sa lobo.Dapat hindi
maisagi ang lobo sa sahig kapag sumagi ito,
puwedeng bumalik sa umpisa. Ang starting
line ay ang magsisilbi sa mga katanungan, at
ang Finish line naman ay ang magsisilbi sa
mga kasagutan.
Maraming salamat.
Handa na ba ang lahat?
Opo Ma’am
Kung gayon, ang oras niyo ay magsisimula na.
(Nagsisimula na sakanilang gawain)
Mga Katanungan:
1. Ano ano ang mga bahagi ng panitikang
Filipino bago dumating ang mga
kastila?
2. Ito ay panitikan na ang karaniwang
paksa ay nagsasalaysay ng pinagmulan
ng isang bagay, kalagayan o
katawagan?
3. Isa itong kwento na nagpasalin salin sa
mga bibig ng mga tao, kayat ang
katotohanan sa kwento ay mahirap
tukuyin?
4. Ito ay nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahigit sa karaniwang
tao?
5. Ito ay isa sa mga mga matatandang uri
ng panitikang Filipino na lumitaw bago
dumating ang mga kastila?
Mga Inaasahang Kasagutan:
1. Alamat, kwentong bayan, epiko,
awiting bayan,Karunungang bayan.
2. Alamat
3. Kwentong bayan
4. Epiko
5. Awiting bayan
Tapos na ang tatlong minuto. Maari niyo nang
sabahin sa harap ng klase ang inyong mga
sagot. Mauuna ang unang grupo, sunod ang
ikalawa at huli ang ikatlo.

Maraming salamat! Napakahusay ng lahat.


Maaari na kayong bumalik sa inyong mga
upuan.
(Bumalik sa kanilang mga upuan)
B. Paglalahad
At ang lahat ng ito ay may kaugnayan sa ating
paksang tatalakayin. Ito ay patungkol sa
Panahon bago dumating ang mga kastila.

Basahin mo nga ang patungkol sa Panitikan ng


mga sinaunang Filipino, Hannah?
Panitikan- nagsisilbi itong wika ng Pilipino na
nagbubunyag ng panlipunan at panlahing
kaugalian ng ating pang araw-araw na buhay,
na nagbabakas sa mga kwentong bayan,
alamat, epiko,kantahing bayan, kasabihan,
bugtong, palaisipan, sinaunang dula, at
maikling kwento.
Maraming salamat Hannah. Kasama nadin dito
ang Alibata na kung saan ito ay abakadang
kahawig ng Malayo-Polinesyo na unang
ginamit ng ating mga ninuno. Bago pa man
dumating ang mga kastila sa Pilipinas mayroon
nang sining at panitikan ang mga Pilipino.
Karamihan sa mga panitikan sa panahong ito
ay nagmula lamang sa iisang tao. Gamit ang
pagsasalin-dila, naipasa-pasa ang mga ito sa
ibat ibang tao at lugar.Ngunit ayon sa aking
nabasa marami sa nilikhang panitikang ito ay
Nawala dahil sinira at sinunog ito ng mga
prayle dahil sa naglalaman daw ito ng mga
kwento ng demonyo.
Tayo naman ay dumako sa unang bahagi ng
panitikang Filipino bago dumating ang mga
kastila. Pakibasa, Mikaela?
Alamat- panitikang tuluyan na ang karaniwang
paksa ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng
isang bagay, kalagayan, o katawagan.
HALIMBAWA: Alamat ng mga Tagalog.
Maraming Salamat Mikaela. Isang halimbawa
ng alamat na umusbong bago dumating ang
mga kastila ay ang Alamat ng mga tagalog. Ito
ay patungkol sa dalagang nagngangalang
Simang. Napakaganda niya kaya’t maraming
binatang nangingibig sa kanya. Isang araw ay
nagpasya si Simang: “Sinuman sainyo ang
makakapagpadala sakin ng malaking sawa ay
papakasalan ko” nagtaka ang mga binata dahil
mahirap humuli ng isang malaking sawa. May
isang lalaki ng nagngangalang Ilog an tumayo
sa harapan ng dalaga at walang lakas niyang
sinabe “Mahal kong Simang lahat ay gagawin
ko para sayo” Umalis si Ilog upang humanap
ng sawa. Matagal na panahon ang nagdaan ,
naghiyawan ang mga tao sa pagbalik ni Ilog na
hawak hawak ang malaking saw ana
pinipigilan pa nitong kumawala. Dinala ni Ilog
ang sawa kay simang. At may duamting na
dalawang sundalong Espanyol na di napansin
ang kaguluhan ang napansin nila ay ang
kagandahan ni Simang. Binitawan ni Ilog ang
sawa bigla itong nilingkis si Ilog at sumigaw si
Simang ng “Taga Ilog , Taga Ilog” Ng
sumunod na araw ikinuwento ng dalawang
dayuhan ang tungkol sa dalagang Nakita pa
nila sa Taga-ilog. Hindi tumagal ito ay nagging
Tagalog.

Atin namang alamin ang pangalawa ang


kwentong bayan, Pakibasa Faith?
Kwentong bayan- ay madalas nangyayari sa
loob at labas ng ating lugar na kung saan ito ay
nagpasalin salin sa mga bibig ng mga tao,
kayat ang katotohanan sa kwento ay mahirap
tukuyin.
HALIMBAWA: Si Bulan at si Adlaw
Maraming salamat! Ito ay isang kuwentong
bayan ng Tinggiyan. Noong unang panahon ay
may mag-asawang may mabuting
pagpapasunuran at pagmamahalan. Sila'y sina
Adlaw at Bulan. Nagkaanak sila ng maraming
bituin. Napansin ni Adlaw na lubha ng masikip
sa kanilang bahay sapagkat patuloy na nag-
aanak si Bulan. Kinausap ni Adlaw si Bulan at
sinabi sa asawa na pagpapatayin nila ang iba
nilang mga anak upang lumuwag ang kanilang
tirahan.Tinutulan ni BUlan ang mungkahi ni
Adlaw at ito ang naging dahilan ng mainit
nilang pagkakagalit. Wala nang katahimikan sa
kanilang bahay sapagkat halos araw-araw ay
nag-aaway sila. Hindi na nakatiis si Bulan at
ipinasya niyang makipaghiwalay sa asawa na
lalo namang ikinagalit ni Adlaw. Hindi
nagtagal ay pumayag na rin si Adlaw na
makipaghiwalay sa kasunduang isasamang
lahat ni Bulan ang mga anak na bituin at hindi
na pakikita sa kanya ang mag-iina. Kaya mula
noon, makikitang nag-iisang sumusikat si
Adlaw (Araw) sa araw at sa gabi naman ay
lumilitaw si Bulan (Buwan) kasama ang mga
anak na bituin. Kapag ang dating mag-asawa'y
nagkakatagpo ay lalong tumitindi ang poot ni
Adlaw kay Bulan kaya hinahabol niya ito na
nagiging dahilan ng eclipse.

Alamin naman natin ang Epiko, Pakibasa


Eapril?
Epiko- nagsasaad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang tao na
kadalasan siya’y buhat sa lipi ng mga diyos o
diyosa.
HALIMBAWA:
 Bidsari- Epiko ng Moro
 Biag ni Lam- Ang – Epiko ng Iloko
 Maragtas- Epiko ng Bisaya
 Kumintang- Epiko ng tagalog
 Parang sabir- epiko ng moro
 “Dagoy at “Sudsud”- Epiko ng mga
Tagbanua
 Tatuang- epiko ng mga Bagobo
 Indarapatra at Sulayman
Maraming Salamat! Yan lamang ang mga
halimbawa ng epiko noong sinaunang panahon.
Alamin naman natin ang Awiting bayan.
Maaari mo bang basahin, Anshiel?

Awiting bayan- ay isa sa mga matatandang uri


ng panitikang Filipino na lumitaw bago
Ang halimbawa nito ay ang Kundiman- Awit
dumating ang mga kastila.
ng pagibig, Kumintang o Tagumpay- Awit ng
pandigma, Ang dalit o Imno- Awit sa diyosan
ng mga Bisaya, Ang oyayi o hele- Awit sa
pagpapatulog ng bata, Diona- Awit sa kasal.
Suliranin- Awit ng mga manggagawa, at
Talindaw- Awit sa pamamangka.
Dumako naman tayo sa Karunungang bayan,
Maaari mobang basahin , Ariel?

Karunungang bayan- binubuo ito ng mga


salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan,
kasabihan at mga kawikaan.
Pakibasa nga ang Salawikain, Anshiel?
Salawikain- ito’y nakaugalian nang sabihin at
nagsilbing batas at tuntunin ng kagandahang
asal ng ating mga ninuno.
Halimbawa nito ay ang “Aanhin pa ang damo
kung wala na ang kabayo”
Pangalawa pakibasa, Aquilar?
Sawikain- mga kasabihang walang natatagong
kahulugan.
Halimbawa, “Nasa Diyos ang awa nasa tao ang
gawa” ito pa “ Ang taong matiisin, nakakamit
ang mithiin”
Sumunod naman ang bugtong, Pakibasa,
Darlene?
Bugtong- ito’y binubuo ng isa o dalawang
taludtod na maikli na may sukat o tugma.
Halimbawa, dalawamng batong itim malayo
ang nararating (mata). Nanganak ang aswang
sa tuktok nagdaan. (Saging)
Dumako naman tayo sa Palaisipan, Pakibasa
Mary Joy?
Palaisipan- noon pa man ay may matatawag na
ring palaisipan ang ating mga ninuno.
Halimbawa nito ay ang, May isang bola sa
mesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano nakuha
ang bola nang di man lang nagalaw ang
sombrero?
Sagot: Butas ang tuktok ng sombrero.
Pakibasa mo nga ang tungkol sa Bulong,
Kamille?
Bulong- ang bulong ay ginagamit na angkulam
o pang-ingkanto.
Halimbawa, ikaw ang nagnanakawan ng bigas
ko lumuwa san ang mga mata mo.
Mamaga sana ang katawan mo.
Patayin ka ng mga anito.
Dumako naman tayo sa Kasabihan, pakibasa
Irish?
Kasabihan- karaniwang ginagamit sa
panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Halimbawa, putak, putak batang duwag .
Matapang ka’t nasa pugad.

At ang huli ay ang kawikaan, Pakibasa,


Mhaica?
Kawikaan- kauri ng sawikain na ang kaibahan
lamang ay laging nagtataglay ng aral sa buhay.
Halimbawa, Ang panahon ay samantalahin
sapagkat ginto ang kahambing.
Ang katamaran ay kapatid, kapatid ng
kagutuman.

C. Paglalahat
Kung talagang nakinig kayo sa ating talakayan
kanina ay ako naman ang magtatanong.

Ano ang pamagat ng kwento ng isang dalagang


maganda na nagpakuha ng isang malaking
sawa?
Ma’am Alamat ng mga Tagalog po.
Ibigay ang halimbawa ng kwentong bayan , na
nabanggit sa talakayan.?
Si bulan at si Adlaw ma’am.
Magbigay ng halimbawa ng awiting bayan.?
Kundiman, Kumintang, Dalit,Oyayo
Bilang isang estudyante, paano mo
papahalagahan ang mga naiambag ng mga
ninuno natin sa panitikang Filipino?
Bilang isang estudyante mapapahalagahan ko
lang ang mga naiambag satin ng ating mga
ninuno, una tangkilikin at respetuhin natin ang
mga naiambag dahil isa itong kayaman sa ating
panitikang Filipino.
Ano ano naman ang iba’t ibang bahagi ng
panitikang Filipino bago dumating ang mga
kastila?
Alamat, epiko, kwentong bayan, awiting
bayan, karunungang bayan.
Mahusay! Nakakatuwang isipin na ang lahat ay
nakinig sa ating talakayan.

D. Paglalapat
Ngayon, kayo ay magsasagawa ng isang
gawain patungkol sa ating paksa sa araw na ito.

Basahin mo nga ang proseso ng Gawain,


Miriam.
Proseso ng Gawain.
1. Papangkatin sa tatlo ang klase.
Susundin ang pangkat sa naunang
Gawain.
2. Ang Unang grupo ay gagawa ng
Bugtong pantungkol sa Panahon bago
dumating ang mga Kastila.
3. Ang Pangalawang grupo naman ay
magsasagawa ng kanilamng kasabihan
patungkol sa Panahon bago dumating
ang mga kastila.
4. Ang Pangatlong grupo naman ay
gagawa ng salawikain patungkol sa
Panahon bago dumating ang mga
kastila.
5. Ang bawat grupo ay bibigyan ng mga
materyales na kanilang gagamitin sa
presentasyon ngunit kung sino ang
makakagawa ng mas maganda sila ang
mananalo.
6. Ang bawat grupo ay bibigyan ng
limang minuto sa paghahanda at limang
minuto sa pagsasagawa.
Maraming salamat! Maliwanag ba ang proseso
ng ating Gawain?
Opo Ma’am
Kung ganon. Pumunta na kayo sa inyong
grupo at ang oras ang magsisimula na.
(Pumunta sa kani-kanilang grupo at naghanda)
Tapos na ba ang lahat?
Opo Ma’am
Tinatawagan ko ang bawat grupo upang ipakita
ang kanilang presentasyon.
(Ang bawat grupo ang nagbahagi ng kanilang
presentasyon patungkol sa paksa na ibinigay
sakanila)

IV. Pagtataya
Kumuha ng isang buong papel at sagutin ang
mga sumusunod.
1. Abakadang kahawig ng Malayo-
Polinesyo?
2. Ano ang pamagat ng Alamat na di
lumaon naging Tagalog?
3. Ito ay pinagsalin salin sa mga bibig ng
mga tao. Kaya’t ang katotohanan sa
kwento ay mahirap tukuyin.?
4. Nagsasad ng kabayanihan ng
pangunahing tauhan na nagtataglay ng
katangiang nakahihigit sa karaniwang
tao na kadalasan siya’y buhat sa lipi ng
mga diyos o diyosa.?
5. Ano ang epiko ng mga Moro?
6. Ang______ ay ginagamit na angkulam
o pang-ingkanto.?
7. Kauri ng sawikain na ang kaibahan
lamang ay laging nagtataglay ng aral sa
buhay.?
8. Ito’y binubuo ng isa o dalawang
taludtod na maikli na may sukat o
tugma.?
9. Binubuo ito ng mga salawikain,
sawikain, bugtong, palaisipan,
kasabihan at mga kawikaan.?
10. Isa sa mga matatandang uri ng
panitikang Filipino na lumitaw bago
dumating ang mga kastila.?

Mga Kasagutan
1. Alibata
2. Alamat ng mga Tagalog
3. Kwentong bayan
4. Epiko
5. Bidsari
6. Bulong
7. Kawikaan
8. Bugtong
9. Karunungang bayan
10. Awiting bayan

V. Takdang Aralin
Para sa inyong takdang aralin, magbasa kayo
patungkol sa Panahon ng mga kastila at isulat
sa kalahating papel kung ano ano ang mga
importanteng nagawa ng kastila sa ating
panitikang Filipino.

Iyon lamang para sa araw na ito!


Maraming Salamat at Paalam sa inyong lahat.
Maraming Salamat po guro, Paalam.

You might also like