You are on page 1of 2

Kahalagahan ng Pagtuturo ng Lingguwistika sa Filipino sa Kolehiyo

Napakalaki ng papel ng isang isang guro sa isang paaralan, sapagkat sa pagbuka ng kanilang bibig
unang matutunan ang mga kaalaman ayun sa kanilang mga karanasan. Datapwat sila ay nagpapaka
dalubhasa na sa kanilang mga propesyon ay tama na ang lahat nang kanilang binabanggit. Kung kayat
mahalagang malaman ang kahalagahan sa pag aaral ng Lingguwistikang Filipino lalo na ng mga kolehiyo.

Bakit nga ba mahalagang malaman at pag aralan ang Lingguwistikang Filipino?malaki ang gampanin nito
sa buhay ng bawat isang mamamayang pilipino sapagkat dito makikilala ang pagkakakilanlan nang ating
pag katao. Sapagkat ang wika ay ang pagkakakilanlan ng isang persona at maging ang isang bansa.
Mahalaga na pag aralan ito sapagkat ito ang dahilan kung bakit nagkaka ugnay ugnay ang bawat
mamamayan.

Ayon kay Gng.Reyno, "Makapangyarihan ang wasto at mabuting paggamit ng ating wika. Isa itong daan
upang magkaroon tayong mga Pilipino ng matatag na pagkakakilanlan."

Dahil sa wika ay mas higit na nakikilala ng bawat isa ang mga taong kanilang nakakasalakuha. Sapagkat
ito ang nagiging dahilan nila upang magkaintindihan, makipah usap at maging sa kalakalan.

Subalit nakakalungkot na isipin na unti unti na nating nakakalimutan ang ating pagkakakilanlan. At sya
pang nagtutulak satin upang kalimutan at talikuran ang ugat nang ating pinag ugatan at pinagsimulan.
Unti-unti na tayong nilalamon ng mga banyagang sumusira sa ating pagiging isang makabayang pilipino.
Nasisilaw tayo sa mga makabagong uso na halos iwan na ang pinanggalingang bayan na syang
sinilangan. Hindi na pinapahalagahan ang mga ipinaglaban ng mga bayaning nag buwis ng buhay para sa
wikang sariling atin.

Ayon kay Geronimo J(2015), Limitado rin ang paggamit sa wikang Filipino bilang wikang panturo, at
"tiyak, pili, at kaunti" pa rin ang mga asignaturang maaaring ituro gamit ito. Lamang ang paggamit ng
Ingles sa mga publikasyon, papel, artikulo, libro, at iba pang lathalain sa nakararaming kolehiyo at
unibersidad.Ingles din kadalasan ang wika sa pananaliksik, tesis, o disertasyon, dahil mas sanay ang mga
guro at mag-aaral sa wikang ito. Maraming mga terminolohiya ang walang katumbas sa Filipino, at
kulang ang mga librong nakasulat sa Filipino na mapagkukuhanan ng mga kaugnay na pag-aaral at
literatura.

Ngunit para sa karamihan ng mga kolehiyo at unibersidad, walang "malalim, malawak, at masistemang"
patakarang pangwika sa Filipino sa kasalukuyan. Hindi pa rin sapat na nabibigyang pansin ang
pagpapayaman, pagpapalaganap, at pagpapaunlad ng wikang Filipino May ilang limitado lang ang
programa sa Filipino sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto. Kailangan pa ng
ilang institusyon ng "matinding panghihikayat" upang magkaroon ng programa para sa wikang Filipino.

Datapwat itoy Araw-araw nating sinasalita ay kulang parin ang ating kaalaman patungkol sa ating sariling
wika. Hindi natin batid kung saan nag ugat ito, hindi natin alam kung bakit ito ang ating wikang
ginagamit, hindi natin alam kung bakit tayo nagkaroon ng wika na syang mag uugnay sa ating pagkatao.

Bakit nga ba kailangang ituro ito sa kolehiyo? Mahalaga itong ituro sa kolehiyo datapwat itoy itinuro na
sa prinarya at sekundarya ay kailangan paring pag aralan ito .dahil hindi parin sapat ang kaalaman na
naipasa ng ating mgs guro noong tayon nasa elementarya at high school. Dahil ang bawat propesyon na
ating tinatahak ay may ibat ibang salita o jargon na wala sa ibang propesyon. Mahalaga itong talakayin
sapagkat dito malalaman at mababase ang ibat ibang salita na maaring gamitin sa ating propesyon na
maari wala at magkaiba sa ibang laranagan subalit iisa ang salita.

Ayon kay Reyno D.(2018), Bilang guro ng Filipino, mahalagang maisama sa oryentasyon ng mga batang
tinuturuan kung bakit nila pinag-aaralan ang Filipino. Sa oryentasyong ito, malalaman nila na higit sa
isang asignatura ang Filipino na kanilang pinag-aaralan. Sa pagagamit ng wika, mahahasa ang kanilang
kaalaman at kakayahan sa pagsasalita ng Filipino. Kapag ginagamit parati ang wika, magiging matatag
ang pundasyon ng mga salita na siyang magagamit sa pag-unawa sa maraming bagay tungkol sa ating
mga Pilipino. Ang mga nakalimbag na akda, dula o anumang palabas o panoorin, at ang mga kuwentong
naririnig tungkol sa ating mga Pilipino gamit ang wikang Filipino ay mas napahahalagahan dahil sa
pagkakaroon ng sapat na pag-unawa rito. Ito rin ang maaaring pag-ugatan ng damdaming
pagkamakabayan at magsisilbing ningas ng pagmamahal sa ating bansa, sa ating pagka-Pilipino. Hindi
ba’t kay sayang isipin na nauunawan ng mga batang Pilipino ang kanilang kultura gamit ang wikang
Filipino?Mahalaga na sa murang edad ng mga bata ay naiintindihan nila at nagagamit ang wikang
Filipino. Kaya naman kailangan ang patuloy na paglinang sa kakayahan ng mga bata na magamit ito
araw-araw sa kanilang pamumuhay. Sa paraang komunikatibo kailangang maipagamit ang wikang
Filipino. Sa pa

You might also like