You are on page 1of 7

Wikang Filipino; pinakamabisang

instrumento sa pagtuturo

Isang
Papel na Pananaliksik sa Filipino 2
Misamis University
Ozamiz City

Ipinasa nila:
Apao, Gavino
Callenero, Angel Faith
Catubig, Diover
Engracia, Althea Midge
Fey, Rosefel
Fuertes, Chennie
Larano, Calvin Jan
Sumatra, Kharra
Yap, Mark Cyprian

Filipino 2
TTH: 10:15 11:40
E-203

INTRODUKSYON

Malinaw na ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na

ginagamit upang maiparating ang mga nasasaloob na ideya at damdamin

ng isang tao. Kahit na sa anumang anyo, sa pamamagitan ng pagsusulat


o pagsasalita, ang wika ang pinakamabisang paraan upang maihatid ang

mga kaisipan at mapanatili sa madaling hakbang ang kasaysayan at mga

tala ng mga sinaunang Pilipino. Sa ganitong pagkakataon, malalaman ng

mga kasalukuyang mamamayan ang mga hakbangin na ginawa noong

unang panahon upang maipatuloy ito sa mabuting paraan at maiwasan

ang mga hindi magagandang pangyayari noon. Ito ang magsisilbing

lakas upang maisakatuparan ang mga naudlot na pangarap noong

simula pa.

Sa paglipas ng panahon, mapatutunayan na ang wika ang siyang

pinakamahalagang sandata upang maiparating ng isang bansa sa

kanyang mga mamamayan ang mga pangyayari, kasaysayan at bahagi

ng ekonomiya nito. Gayundin naman na ang wika ang siyang sentro ng

mga mamamayan upang maibuhos sa kanilang pamahalaan ang

kanilang mga hinaing.

Sa paaralan, tinuturo ang kahalagahan ng mga bagay-bagay

katulad nalang ng wikang pambansa. Ang isang bansa na may sariling

wika ay nangangahulugang malayang bansa. Ang wika ay isang paraan

ng komunikasyon. Dahil sa wika nagkakaintindihan ang lahat ng tao.

Iba't-ibang wika sa bawat lugar, komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika

ng isang bansa katulad ng Wikang Filipino.

Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa

siyang Pilipino. Sinasabing mahalaga at mahal daw ng mga mamamayan

ang sariling wika kung kayat masasabi naming ang wikang filipino nga
talaga ang pinakamabisang instrumento sa pagtuturo dahil ito ang ating

wika.

1.2 Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kahalagahan ng wikang Filipino sa

pagtuturo. Layunin ng pag-aaral na ito na sagutin ang mga sumusunod

na katanungan:

1.2.1 Gaano kahalaga ang wikang Filipino para sa mga mag-aaral?

1.2.2 Paano kinukumpara ang wikang Filipino sa wikang banyaga?

1.2.3 Para sa ating mga Filipino aling wika ang mas kailangan nating

hasain, ang wikang Filipno na siyang ating sariling wika o ang wikang

banyaga na kung saan mas nirerequire na ngayong gamitin?

TSAPTER II

PRESENTASYON, ANALYSIS, AT INTERPRETASYON

2.1 Kahalagahan ng Wika Para sa Mga Mag-aaral

Ang kahalagahan ng wikang Filipino sa mga mag-aaral ay ito ay

isang mahalagang salik ang wika sa komunikasyon. Sa pamamagitan ng


maayos at angkop na paggamit ng wika, nagkakaroon ang gumagamit

nito ng kakayahang kumuha at makapagbahagi ng kaalaman, ng mga

mithini at nararamdaman.

Sa bawat aspekto ng pag-iral ng tao ay ginagamitan ito ng wika

kapag nagpapalitan ng mga sikreto sa pagitan ng malalapit na kaibigan,

kapag sumasagot sa klase o nagsusulat ng iba't ibang term paper, sa

mga oras ng review para sa eksamen, lahat ay gumagamit ng wika. Dito

nakasalalay ang epektibong pagkatuto at matagumpay na paghahatid ng

mga ideya sa ibang tao. Ngunit gaya nga ng nabanggit kanina,

kailangang hasain ang wika sa isang kaukulang lebel upang magamit ito

nang maayos. Kaya naman may mga kurso tayo sa grammar o balarila, at

sa literature o panitikan. Sa pamamagitan ng mga kursong ito,

lumalawak ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa paggamit ng

iba't ibang mga salita upang makamit nila ang kanilang mga nais gawin.

May matibay na relasyon ang pagbabasa at pagsusulat, sapagkat hindi

maaaring umiral ang isa kung wala ang isa pa. Habang umuunlad ang

ating kakayahan sa pagbabasa ay inaasahang umuunlad din ang ating

kakayahan sa pagsusulat. Ginagamit rin ang wikang Filipino upang mas

lalo pang nagbubuklod buklod ang bawat isa sa ating bansa.

2.2 Pagkukumpara ng Wikang Filipino sa Wikang Ingles

Sa kabila nito, hindi pa rin ito sapat upang masabing

intelektwalisado ang wikang Filipino kung ikukumpara sa ibang wika

tulad ng wikang ingles. Kinakailangang pag-aralan nang mabuti ang

proseso ng intelektuwalisasyon bago pa man ito isagawa. Kailangan


ding maintindihan ng mga tao na ang ating wika ay hindi unibersal tulad

ng wikang Ingles. Maisalin man natin ang lahat ng salita sa Filipino, hindi

pa rin ito magiging dahilan upang gamitin ng lahat, lalo pat pag-aralan

ng ibang tao mula sa ibang bansa. Hindi nito masisiguro na itoy

gagamitin sa pang-araw-araw na buhay. Bukod pa rito, hindi rin ito

magiging madaling proseso kung itoy ituturo sa mga mamamayan. Sa

kabilang banda, dapat din ay bigyang pansin at pagkakataon ang mga

nais magtaguyod ng pag-intelektuwalisa ng wikang Filipino. Mataas ang

respeto sa kanila dahil bagamat mahirap ang kanilang mga nais

mangyari ay hindi ito nagiging hadlang upang silayy magpatuloy. Kung

mabibigyan sila ng pagkakataon ay marahil maintindihan din kung bakit

hindi kinakailangang iintelektuwalisa ang wikang Filipino sa bawat

larangan. Bukod sa hindi magiging simple ay hindi rin ito ang tanging

paraan upang itaguyod ang sariling wika. Ang intelektuwalisasyon ng

Filipino ay hindi imposible, ngunit sa ating panahon ngayon, hindi rin ito

lubusang magagamit. Bukod pa rito ay hindi na rin mapapalitan ang

katotohanang Ingles pa rin ang unibersal na wika.

2.3 Wika na Mas Kailangang Hasain

Bilang isang Filipino mas piniprefer na hasain ang ating sariling

wika kaysa sa wikang banyaga. Dahil ang wikang filpino ang

nagsisimbolo ng ating pagka Filipino ito ang siyang maipagmamalaki

natin sa ating bansang kinabibilangan. Mahalaga ang paggamit ng

wikang Filipino sa pagtuturo sapagkat malaki ang maitutulong nito sa

intelektwalisasyon ng mga Pilipino. Sa isang payak napagsusuri

masasabi nating ang paggamit ng katutubong wika sa pagtuturong


anumang uri ng kaalaman ay nakapagpapabilis sa proseso ng

edukasyon. Sabi ng marami an Wikang Ingles ang mas mahalaga

kumpara sa Wikang Filipino dahil sa ang Wikang Ingles a ang

pangunahing linggwahi na mas ginagamit nga karamihan kahit saan man

sila magpunta sa mundo. Pero para sa amin at sa mga mas

nakakaiintindi sa kahalagahan ng Wikang Filipino ay ang Wikang Filipino

parin ang napakahalaga dahil ito ang sumisimbolo sa ating katauhan

bilang isang Pilipino, makakaya nating mapaunlad ang ating sariling

bansa kahit ang ating sariling wika lamang ang ating gamitin katulad ng

bansang Japan. Mas pinahahalagahan nila nag kanilang sariiling wika

kaysa sa ibang wika kahit ganito napapaunlad parin nila ang kanilang

bansa at ngayon isa ang kanilang bansa sa pinakamaunlad na bansa sa

buong mundo. Sabi pa nga ng ating bayani na si Dr. Jose Rizal " Ang

hindi marunoong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang

isda." Kaya tayong mga Pilipino pahalagahan natin ang ating sariling

wika at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa.

Mapapansin na hindi umunlad ang wika sa loob ng napakahabang

panahon dahil hindi na kailangan pang pag aralan ng mga banyaga ang

wikang Pilipino.

Tunay na isang paraan na magkaunawaan ang magkaibang wika

sa pamamagitan ng wikang Ingles, ngunit isipin naman ng mga Filipino

na hindi obligasyon na magsalita ng Ingles kung nasa sariling bayan. Sa

katunayan hindi isyu kung alin ba talaga ang dapat na gamiting opisyal

na wikang panturo sa mga paaralan. Ang tunay na isyu dito ay ang

kalidad ng edukasyon. Sa huli ay nasa estudyante pa rin kung paano siya


magsusumikap upang tumaas ang kanyang kaalaman sa paggamit ng

Wikang Ingles at pagmamahal sa pamanang Wikang Filipino.

Pinost 18th March 2014 ni Angel Callenero

You might also like