You are on page 1of 1

Wikang Filipino sa Edukasyon

     Ang wikang Filipino ang susi sa maayos at mabilis na komunikasyon ng bawat isa,
ito ay ginagamit upang magkaunawaan at magkaintidihan ang sinasabi ng mga mag-
aaral. Kaya napakahalaga ng pakikinig dahil sa ganitong paraan natututo ang bawat
isa. Ang isang tao na gumagamit ng Wikang Filpino ibig sabihin isa siyang Pilipino pero
bakit ang ibang Pilipino ay ikinakahiya ang sariling wika? Ito ba ang sinasabing
mahalaga at mahal raw ng mga mamamayan ang sariling wika ngunit kahit gamitin man
lamang ito ay di magawa dahil sa mga masasamang ideya, at kuro-kuro na namuo sa
isipan ng ibang tao o mga banyaga tungkol sa Pilipino na dahilan na ikahiya ang sariling
wika. Kung mahalaga talaga sa mga Pilipino ang Wikang Pambansa ay gagamitin ito
kahit kailan at saan man magpunta. Ginagamit ang wikang Filipino bilang isang midyum
para makasulat, makabasa at makaintindi ng mga aralin at mga bagay na dapat
matutunan at malaman. Kung walang wika ay hindi matututo ang isang mag-aaral sa
mga bagay na kailangan niyang malaman, hindi rin magkakaintindihan ang bawat isa.  
 
   Ang wikang Filipino ang gamit sa pakikipag-ugnayan sa pag-aaral at sa pagtuturo sa
iba. Ang sukatan ng karunungan at katalinuhan ay kakayahan nito sa pagsasalin ng
mga natutunan sa ibang tao. Maraming iba't-ibang wika dahil sa archepilago ng hugis
ng bansa Pilipino o tinatawag ding varayti ng wika. Sabi ng marami na ang Wikang
Ingles ang mas mahalaga kumpara sa Wikang Filipino dahil ang Wikang Ingles ang
pangunahing linggwahe na mas ginagamit ng karamihan kahit saan man magpunta sa
buong mundo. Pero para sa mga Pilipino at sa mga taong mas nakakaintindi sa
kahalagahan ng ating Wikang Filipino, ito ang sumisimbolo sa katauhan bilang isang
Pilipino, makakaya ring mapaunlad ang sariling bansa kahit ang sariling wika lamang
ang ating gamitin. Sabi pa nga ng bayaning Pilipino na si Dr. Jose Rizal "Ang hindi
marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa malansang isda." Kaya
pahalagahan ito at mahalin ng buong puso, hindi lamang sa salita kundi sa gawa.
Mahalaga talaga ang wikang filipino sa kasalukuyan dahil nagpapatunay ito na
mayroong sariling wikang maipagmamalaki ang mga Pilipino.
 
   Ang wikang Filipino ay instrumento sa pagpapaunlad ng kultura at sining sa isang
bayan o bansa. Malinaw na, ang wika ay isang mahalagang kasangkapan na ginagamit
upang maiparating ang panloob na mga saloobin at damdamin ng isang tao. Ito ay hindi
lamang isang paraan ng pakikipag-usap sa iba, ngunit para din sa pakikipagkaibigan,
pagtalakay at pagbabahagi ng iba't ibang opinyon at ideya. Sa buong kasaysayan,
maraming bagay, sitwasyon at pangyayari na tumutukoy sa kahalagahan ng wika sa
mga tao, sa kapaligiran, at lalo na sa bansa.

You might also like