You are on page 1of 2

BSED FIL 2-A

ELECTIVE 1

GAWAIN: #1

1. Bakit mahalagang pag-aralan ang wikang Filipino? Ano ang papel nito sa buhay ng tao?

• Mahalagang pag-aralan ang wikang Filipino dahil ito ang salamin at repleksyon ng ating kultura at
pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ating sariling wika mas mababatid natin ang
kapintasan sa ating panitikan at makapagsanay upang maiwasto at mapaunlad ang mga ito. Dito lubos
nating makikilala ang kalinangan ng mga Pilipino, malalamin natin ang minanang yaman ng kaisipan at
taglay na katalinuhan ng lahing ating pinagmulan. Ang mahalagang papel ng wikang Filipino ay
nagagamit natin ito upang magkaroon ng maayos na komunikasyon ang bawat isa. Sa pamamagitan nito,
nagkakaroon ng pagkakaintindihan ang bawat Pilipino. Ito ang instrumento sa pagpapanatili ng
katahimikan at kapayapaan ng isang bansa o lipunan dahil ang lahat ay lubos na nagkakaunawaan.

2. Saan ito madalas gamitin ng tao?

•Ang wikang Filipino ay madalas gamitin ng tao sa pakikipag-komunikasyon sa kanilang kapwa. Ito ang
nagiging instrumento sa pagpapahayag ng damdamin o saloobin ng bawat indibidwal sa paraang berbal
o di-berbal. Madalas din itong gamitin sa pagbabahagi ng kaalaman sa bawat isa na makakatulong upang
mapaunlad at mapayabong ang kani-kanilang karunungan.

3. Magbigay ng mga gawaing ginagamit ang wikang Filipino.

• Pagbabalita

• Pagsulat ng Liham

• Pakikipag-ugnayan

• Pakikipagtalastasan/Pagsasadula

• SONA (State of the Nation Address)

4. Bilang mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino, ano-anong paraan ang iyong gagawin upang
malinang ang paggamit ng wikang Filipino?

• Bilang isang mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino, malilinang ko ang paggamit ng wikang


Filipino sa pamamagitan ng pagpapahalaga at pagmamahal sa sarili kong wika nang sa gayon ay magamit
ko ito ng buong husay. Mas makakabuti kung patuloy ko itong gagamitin at pag-aaralan nang husto para
maibahagi at maipagpatuloy ko ang panghihikayat sa mga kapwa ko Pilipino na patuloy itong tangkilikin
at gamitin sapagkat ito ang ating tunay na wikang kinagisnan na dapat nating pakaingatan at
payabungin.

5. Pabor ba kayo na alisin na sa kurikulum ang asignaturang Filipino? Bakit?

• Hindi ako pabor na alisin na sa kurikulum ang asignaturang Filipino dahil ito ang ating sariling wika na
pamana ng ating mga ninuno. Kung ito ay aalisin sa kurikulum tiyak akong maraming kabataan ang
mahihirapan sa kanilang pag-aaral lalo na kung ang gagamitin na lamang ay ang wikang banyaga. Hindi
lahat ng mag-aaral ay kayang intindihin at analisahin ang wikang banyaga sapagkat mas nahasa at
nalinang ang kanilang kaalaman sa tulong ng paggamit ng wikang Filipino. Sa halip na ito ay alisin, mas
makakabuti kung patuloy natin itong gagamitin at pauunlarin upang maging bihasa ang bawat kabataan
sa paggamit nito. Naniniwala akong ang bawat kabataan ang siyang magpapatuloy sa pagpapayabong at
pagpapaunlad ng ating sariling wika na sumasalamin sa ating kultura at pagka-pilipino.

You might also like