You are on page 1of 1

Sa aking pananaw ay marapat lamang na magkaroon ng asignaturang Filipino sa kolehiyo.

Ngunit may mga taong sasalungat o hindi sasang-ayon dito dahil lahat tayo ay magkakaiba ng
opinyon, may mga taong nais nang matagtag ang nasabing asignatura dahil ito ay napag-aralan
na sapagkat ang asignaturang filipino ay nasa beysik kurikulum sa elementarya hanggang sinyur
hayskul. Pero para saakin ay hindi dapat ito tagtagin sapagkat ito ay ang ating wika, lalo’t higit
na ito ay ang kumakatawan sa ating pagkaka-kilanlan. Ito ay dapat lamang na pag-aralan sa
kolehiyo dahil hindi pa sapat ang aking nalalaman sa asignaturang ito. Ang araling Filipino ay
sumasalamin kung sino, at kung ano tayo. Malaki ang naitutulong ng asignaturang Filipino sa
edukasyon sapagkat dahil dito ay mas mapapalawak at mapapayabong pa ang aking mga
nalalaman, gayon din ang iba pang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagsusulat, pagbabasa,
pakikinig, at panonood. Higit sa lahat nakakatulong ito upang lubos na maunawaan ang ating
kultura. Napaka importante ng asignaturang ito dahil sa pamamagitan nito ay mas makikilala o
maiintindihan ko pa ang sarili nating wika o ang ating sariling pagkakakilanlan, mga kulturang
pilipino, mga tradisyon, at marami pang iba na nagpapakita na tayo ay mga pilipino. Ito ay
nakakatulong din para tayo ay mahasa sa ating sariling wika.
Malaki ang naiaambag nito sa akin bilang isang mag-aaral sa kolehiyo. Dahil ang wika ang
nagsisilbing midyum o paraan sa pakikipag-komunikasyon at dahil dito nahahasa ang aking
pakikipag-komunikasyon sa ibang tao, ito’y nagpapalawak at nagpapalalim din sa pakikipag
komunikasyon ng bawat isa. Sa pagkakaroon ng isang bansa ng sariling wika ito ay
nangangahulugan na malaya, ito din ay nagbibigay kamalayan sa bawat isang pilipino. Ang
Wikang Filipino ay napakahalaga sa kadahilanang ito ang sumisimbolo sa kultura at nagsisilbing
identidad ng ating bansa. Mahalin at paunladin pa sana natin ang ating wika.

You might also like