Bawat bansa ay may kaniya-kaniyang ginagamit na wika bilang instrumento
ng komunikasyon at ito'y yumayabong na parang punong kahoy sa paglipas ng panahon.Ito'y likas na makataong pamamaraan sa paghahatid ng kaisipan,damdamin,pagbibigay motibasyon at pagtuturo. Ito ay isang kodigong pakikipagtalastasan na karaniwang ginagamit ng ilang grupo ng tao na kumakatawan sa isang lahi o bansa tungo sa paglikha isang malaya at maunlad na bansa. Ang wika ay Isa sa mahahalagang aspeto ng isang kultura ng isang bansa at mas lalong pinapatibay nito ang pagkakakilanlan ng bawat isa.
Ngunit sa bansang ito, ay may mainit na isyu o usapin tungkol sa pagtanggal
ng wikang Filipino sa kolehiyo at dulot nito,maraming opinyon ang lumaganap sa pagpapatupad nito.Ano nga ba ang nararapat sa isyu na ito at ano ang dapat na gawin para pakinggan ang mga tutol dito? Wika nga ni Manuel L. Quezon "Hindi ko nais na Kastila o Ingles ang wika ng pamahalaan. Kailangan magkaroon ang wika ang Pilipinas, Isang wikang nakabatay sa isa sa mga katutubong wika."
Ayon sa Commission on Higher Education (CHED) ay may isinagawang
hakbang sa pagbabalak na alisin Ang asignaturang Filipino sa kolehiyo o mas nagpapakita Ng isang kilos ng pagiging Anti-Filipino. Ito ay pinapatibay sa pagpapatupad ng Memorandum Order Blg.20 noong Agosto 2018 series of 2013 o pagbago sa General Education Curriculum (GEC) at palitan ng asignaturang Hangul kung saan ang asignatura at wikang ito ay ginagamit sa bansang Korea. Ngunit kung ating siyasatin ang memorandum ay sumasalungat sa Batas Konstistusyon Artikulo XIV seksyon 6-7 na isinasaad ang pagpapalawak at pagyamanin ang wikang Filipino. Ngunit sa kabila ng pagpapatupad ng Memorandum Oder Blg.20, ang mga guro sa Filipino ay tumutol sa utos ng CHED na tanggalin ang Filipino sabjek sa kolehiyo. Nag tipon-tipon ang mga guro, mananaliksik at manunulat sa iba't ibang pamantasan para sa talakayang "Bantay Wikang Filipino: Ang pagtuturo ng Wikang Filipino sa kolehiyo" noong Hunyo 23 upang ipahayag ang inilabas ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas (DFFP). Ayon sa tagapangulo ng DFFP Prop. Aura Albano Abiera ay "Hindi dapat mabalewala o masayang ang ambag at mga napagtagumpayan ng mga guro, manunulat at Iskolar na nagbuhos ng kanilang lakas, talino at buhay para isulong ang sarili nating wika at makabayang edukasyon" aniya. Ayon sa tanggol wika (DFFP) higit 10,000 guro sa buong bansa ang maaapektuhan kapag nawala ang Filipino sa kolehiyo at ito'y tinutulan ng ilang guro na alisin ang asignaturang Filipino sa kurikulum ng mga koleyo at unibersidad ng Pilipinas.
Sa hiwalay na panayam,nilinaw ni CHED executive director Atty. Julito
Vitriolo na hindi umano tuluyang alisin ang asignaturang Filipino sa Senior High School. Subalit para kay San Juan, hindi solusyon ang paglipat ng mga guro sa Senior High School at mahalaga rin umanong ipagpatuloy ang pagtuturo sa kolehiyo ng wikang Filipino upang magkaroon ng mas intelektwal na talakayan. Gayunpaman, iginiit ni Vitriolo na sinisiguro niya pa rin na maaari pa umanong mabago ang utos kapag natapos na nilang dinggin ang panig ng mga tutol.
Bilang isang mag-aaral at bilang isang Pilipino hindi ako sang-ayon sa
pagtanggal ng asignaturang Filipino. Masakit saakin na pilit alisin ang wikang Filipino sa kolehiyo. Hindi nila naisip na maraming maaapektuhan sa pag alis nito lalo't na ang mga guro ay isang malaking kawalan ito at ang mga estudyanteng sa halip ay matuto,bababaw na lamang ang tingin nito sa ating kultura.Sinasabi nga ng maraming Pilipino na ang paggamit ng sariling wika ay parte ng ating pagkakakilanlan bilang isang mamamayang Pilipino.Kailangan nating isaalang- alang ito igalang at alagaan bilang isang kayamanan upang mas magiging maunlad pa ang paggamit nito lalong lalo na sa mga susunod na kabataan. Dahil dito ay makakabuo tayo ng mabuting relasyon sa kapwa, sa pamamagitan ng pagkakaisa tungo sa hinaharap. Nais ko rin mapalawak ang aking kaalaman sa wikang Filipino upang maging bihasa ako at alam kong makakatulong ito sa pagkamit ng aking pangarap. Sa halip na alisin, ito'y ating paigtingin, pagyabungin at pagyamanin sapagkat dito tayo nahuhubog na lalong kilalanin ang ating wika, kultura at bansa.