Professional Documents
Culture Documents
.
Kahulugan ng Komunikasyon
Ayon naman kay Virgilio S. Almari, naniniwala siya sa halip na Tagalog lamang
ang pagmulan ng panumbas bakit hindi na lang tayo mimbento ng mga bagong
salaita gamit ang iba pang wika sa Pilipinas. Sa ganitong mapagyayaman natin
ang Filipino gamit ang ating mga katutubong wika bago tayo ay humiram ng
mga salita sa mga banyaga.
Papel ng Wikang Filipino sa Lipunan
Bilang mga Pilipino tungkulin nating pagyabungin ang bawat butil ng ating
pagkakakilanlan. Kaakibat ito ng ating pagiging malaya at ng lahat ng sakripisyo ng ating
mga ninuno. Kaya naman ang tahasang pagtatanggal sa asignaturang Filipino at Panitikan
sa kurikulum ay isang paraan ng pagkitil sa ating identidad at pagsasawalang bahala ng
lahat ng buhay na binuwis para makamit ito. Malinaw sa posisyong papel ng Ateneo de
Manila ang pangangailangang mapagtibay ang Filipino bilang isang disiplina nang sa
gayon ay mapataas din ang kalagayan ng mga pangrehiyong wika. Ang pagyakap sa ibang
wika habang pinababayaan at 4 Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino iniisang
tabi ang sariling wika ay nagtutulak sa atin palayo sa sariling bayan at nagpipiring sa
atinsa mga totoong intensyon ng nagpapalawig nito.
Unibersidsad ng Pilipinas, Diliman Departamento ng Filipino at Panitikan sa
ilalim ng Kolehiyo ng Arte at Literatura.
Ang pinakamainam na porma na pagkatuto ay ang pagpapatuto din sa iba. Ang pagbibigay
serbisyo sa kapwa gamit ang kaalamang natutunan ay higit pa sa salaping maaring
matanggap ng isang propesyunal. Kaya gaano man kahusay ang magiging produkto ng
bagong kurikulum kung hindi naman ito magagamit sa pagtulong sa kapwa ay hindi din
makapagbibigay ng pagunlad. Binibigyang diin sa posisyong papel ng UP Diliman na
dapat kaagapay ng intelektwalisasyon ay ang pag gamit nito sa makataong paraan. Hindi
dapat natatapos ang paglago sa pagkakamit ng degri kundi sa pagbabalik nito sa iba sa
pamamagitan ng serbisyo at ang mainam na serbisyo ay nagsisimula sa pagkakaunawaan.
Wala nang hihigit pa sa unawaang dulot ng parehas na wika.
“Paninindigan ng Kagawaran ng Filipinolohiya
ng Politeknikong Universidad ng Pilipinas (PUP), Samahan ng mga Dalubguro
atFilipino (SADAFIL), Samahan ng mga Batang Edukador ng Wikang Filipino atmga
Sining ng Plipinas, PUP Ugnayan ng Talino at Kagalingan”
Kalakip ng pagka Pilipino ang wikang Filipino at ang paglinang nito ay paglinang din ng
sariling identidad. Ito ay nagbibigay diin sa lalong pangangailangan ng mga mamayan
lalo’t higit ng mga mag-aaral na linangin ang kani-kanilang identidad. Malinanw ang
pahayag sa posisyong papel na ang pagtatanggal ng pag-aaral ng Filipino sa kolehiyo ay
pagtatanggal din ng pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Ang pag-aaral ng wika at panitikan
sa kolehiyo ay higit na mainam na panahon para mas mapalalim ang pagmamahal sa
sariling identidad at mapataas ang antas kasabay ang paglinang din ng kani-kaniyang
propesyon at larangan. Upang kasabay ng mga lumalagong Pilipino ay ang pagyabong din
ng wikang Filipino.
Philippine Normal University
Ang paaralan ang nagiging kanugnog ng tahanan kung saan lalong pinapanday ang
pagkatao ng bawat indibidwal. Ito ang siyang nagbibigay katuturan sa mga karaniwang
karanasan at nagpapaliwanag ng mga bagay sa mas malalim na perspektibo. Binigyang
pansin sa posisyong papel ang malaking gampanin ng paaralan sa pagbuo ng tulay na
magdudgutong sa kung ano man ang mga napagaralan sa silid ay syang magamit at
madala sa paglabas dito. Ito ang nagpapaigting ng pagnanais na malinang sa paaralan ang
sariling wika at panitikan at nang sa gayon ay masiguradong bahagi ng paglago ng mga
mag-aaral ang midyum na batid ng bawat Pilipino. Ito ay magbibigay daan din sa
kapakinapakinabang na talastasan at talaban ng ideya.
Samakatuwid, ang bawat posisyong papel na nailathala sa paksang ito ay naging
malaking bahaging sa pagkakaroon sa kasalukuyan ng mga asignaturang umiinog sa
Filipino at Panitikan. Ang hakbang at inisyatiba na isinaalang-alang ng mga
organisyon at pamantasan ay nagbigay ng magandang bunga sa kalagayang
pang-edukasyon ng susunod na henerasyon. Patuloy na magiging mapanghamon ang
pagyakap sa globalisasyon at nawa kaalisabay nito ay mas humigpit ang pagyakap sa
sariling pagkakakilanlan at identidad. Sa kabila ng pagbabago sa napakaraming
aspekto ay manatili sana ang pagmamahal sa Filipino at Panatikan. Inaasahang dadami
ang mga propesyonal na magmamahal at magpapaunlad sa sariling wika matapos ang
pagtatalakay sa mga posisyong papel na ito upang maibalik ang Filipino at Panitikan
sa kolehiyo.
“Pahayag para sa pagpapatibay ng Wikang Filipino bilang sabjek sa kolehiyo”
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas kolehiyo ng Arte at Literatura
Unibersidad ng Pilipinas, Diliman
Ched Sentro ng kasaysayan sa panitikan Ched sentro ng kahusayan sa Filipino
18 hunyo 2014
“Kaming mga propesor ng Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas ay
matinding tumututol sa pagbabago sa siyam na yunit na kahingian sa wikang Filipino
sa General Education Curriculum ng Commission on Higher Education (CHED) sa
pamamagitan ng ipinalabas na CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013.
Naniniwala kaming ang panukala ng CHED Memorandum Order No. 20, Series of
2013 ay paglapastangan sa pagpapahalaga sa kasaysayan, karunungan, at diwa ng
kasarinlang mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi ng
mga Filipino.”
Una, tinatanggal nito ang katiyakan na magamit at maituro ang wikang Filipino sa
kolehiyo. Ang pagsasabing ang walong core GE courses ay maaaring ituro sa Ingles o
Filipino ay mapanlinlang. Mula sa umiiral na sitwasyong may tiyak na siyam na yunit
ang wikang Filipino, inilalagay na ngayon ang kapalaran ng wika sa kamay ng mga
unibersidad, kolehiyo, departamento, mga guro’t mag-aaral, gayundin sa iba pang mga
puwersa sa loob at labas ng akademya. Ang kunwa’y paglalatag ng mga kursong GE
na maaaring ituro kapuwa sa Filipino at Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa
dalawang wika, bukod pa sa malaking posibilidad ng pagpili sa Ingles dahil ito ang
inimaheng “wika ng edukado” at “wikang susi ng kaunlaran.”
Pangalawa, hindi nito kinikilala ang pag-aaral ng wikang Filipino bilang isang
lehitimong dominyo ng karunungan. Sa bagong GE Curriculum, nababanggit lamang
ang Filipino, kahanay ng Ingles, bilang midyum o daluyan ng pagtuturo. Binabalewala
ng ganitong pagtingin ang integridad ng wikang Filipino bilang ganap na dominyo ng
karunungan at isa ring paraan ng pag-unawa sa lipunan at sa mundo, at kung gayon,
nag-aambag sa pagpanday ng kaisipan at pananagutan sa lipunan.
Pananaw at kamalayan ang wikang Filipino. Dahil nasa wika mismo ang kaalaman sa
sariling pisikal at di-pisikal na daigdig, hindi lamang usapin ng wikang panturo ang
Filipino kundi usapin higit ng pagkilala sa pagka- Filipino. Sasaklawin ng sabjek na
Filipino ang iba’t ibang kaalamang may kinalaman sa pagiging Filipino na
magpapatibay sa pagkaugat ng mga estudyante sa sariling identidad. Ito ang magiging
matibay na pundasyon ng mag-aaral upang maging handa sa pagharap sa mabilis na
pagbabago ng kaayusang global ngayon.
Pang-apat, ang pagtatanggal ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo ay isang anyo
ng karahasang pangkamalayan.
Buo ang pagkilala namin na ang layunin ng higher education at ng general education
na pumanday ng mga estudyante na may matatag na pagkilala sa kanilang kasaysayan
at tungkulin bilang Filipino, ay hinding-hindi matatamo kung ang pangunahing
kasangkapan para matamo ito—ang wikang Filipino—ay buburahin ng institusyon na
dapat sana’y nagtataguyod at pumapanday nito.
Malinaw sa probisyong ito ang responsibilidad ng gobyerno na itaguyod ang pagbuo ng mga
hakbnagin upang patuloy na magamit ang wika sa mas malalim pamamaraan
sa pamayanan man o paaralan. Ang mga inisiyatibang nagpapalawak ng saklaw ng gamit sa
Filipino bilang wikang panturo at wika ng komunikasyon ay inaasahang magmumula sa
pamahalaan ayon sa Saligang Batas. Kaya naman ang mga nagdaang pagtatangka na alisin
ang Filipino at Panitikan ay tunay na nagsindi sa mga damdaming makabansa ng mga
Pilipino.
Hindi lamang dito limitado ang mga opisyal na dokumento na sumusuporta
sa paggamit ng Filipino sa mas interaktibo at malalim na paraan. Ang dating
Pangulong Corazon C. Aquino ay nagbigay diin din sa probisyong ito sa
pamamagitan ng Executive Order No. 335 na “Nag-aatas sa Lahat ng mga
Kagawaran/Kawanihan/Opisina/Instrumentaliti ng Pamahalaan na
Magsagawa ng mga Hakbang na Kailangan para sa Layuning Magamit
ang Filipino sa Opisyal na mga Transaksiyon, Komunikasyon, at
Korespondensiya.”
Ayon kay Lumbera et al. (2007) ang Filipino ang wikang gingamit sa
paglinang at pagpapalaganap ng isang edukasyong na nagtataguyod ng
kapakanan ng bansa, nagpapayaman ng diwang mapagtanong at mapanlikha
at umuugat sa buhay at pakikibaka ng nakararami. Mula dito ay mababatid
na ang ugat ng sinasabing wika na likas sa ating mga Pilipino ay Filipino.
Kaya ito ay nararapat lamang gamitin sa ano mang aspekto ng
komunikasyon at pagkatuto.
“12 Reasons to Save the National Language.”
G. David Michael M. San Juan
Agosto 10,2014
Ang unang dahilan na kaniyang binigay ay ang nasasaad sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng
kontistusyon ng bansa. Aniya ay nakaririmarin ang mga ahensya ng gobyerno na
gumgamit ng Ingles bilang opisyal na wika ng komunikasyon at gayundin ay ang mga
institusyong tila sumasalungat sa pagsusulong ng Filipinisasyon. Sunod niyang
binigyang diin ay ideya ng epektibong gamit ng Filipino bilang wikang panturo kung
ito ay ituturo rin bilang isang sabjek o disiplina.
“12 Reasons to Save the National Language.”
G. David Michael M. San Juan
Agosto 10,2014
Isa rin ay ang globalisasyon at ASEAN integration, kung saan inaasahan ang
pagpapatibay ng sariling wika, panitikan, at kultura upang may maibahagi tayo sa
pandaigdigan at pangrehiyong na palitan sa panlipunan at pangkalingang unawaan. Ito
ay isa ring paraan ng paglinang ng napag-aralan at napagtalakayan sa hayskul tulad ng
kung paano nililinang ang ibang disiplina sa hayskul at kolehiyo. Bukod pa rito, ang
Filipino at Panitikan ay parehas sa College Readiness Standard sa CHED’s Resolution
No. 298-2011. Ang resulta ng National Achievement Test sa Filipino ng sa hayskul ay
mababa pa rin sa itinalagang lebel ng masteri ng Kagawaran ng Edukasyon at dahil
dito ay lalong na ngangailangan ng Filipino sa kolehiyo upang mapunang ang
kulang pang natutuhan ng mga mag-aaral sa hayskul.
Nakalathala sa akda ni G. Virgilio S. Almario (2014) na napakarami pang dapat gawin
upang ganap na magtagumpay ang wikang Filipino. Aniya hindi sapat ang
pagdedeklara ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto bilang tugon sa
Proklamasyon Blg. 1041 ng Pangulong Fidel V. Ramos noong Hulyo 5, 1997. Dagadag
pa niyang na ang wikang Filipino ay totoong mabubuhay at yayaman sa pamamagitan
ng patuloy na paggamit araw-araw ng mga mamayan. Bagaman kung tutuusin, hindi
sapat kahit ang panyayaring siyento posiyento na ang mga mamayang Pilipino ay
nakapagsasalita at nakuunaw sa wikang Filipino.
Kasama rin sa akdang ito Pambansang Alagad ng Sining ang pag-aasam na sa darating
na panahon, sinumang nais mag-aral pa ay maaaring magbasa sa isang aklatang tigib sa
nga aklat sa mga aklat at sangunian na nakalimbag sa Filipino. Ang lahat ng balikbayan
at bisita ay sinasalubong sa airport ng mga karatula sa wikang Filipino ang banyagang
nais magtagal sa Pilipinas. May tatak at paliwanag sa Filipino ang mga ibinebentang
de-lata at nakapaketeng produkto. Idinadaos ang mga kumperensiya sa wikang
Filipino, at kung kailangan, may mga tagasalin sa Ingles at ibang wikang global.
Nagtutulong-tulong ang mga eksperto at guro sa mga wikang katutubo sa Wikang
Pambansa. Nagsasalita sa Filipino ang mga mambabatas kahit hindi sila nkaharap sa
telebisyon para maintindihan ng bayan. At hindi nag-iisa ang Pangulong Benigno C.
Aquino III sa pagtatalumpati sa wikang Filipino.
Tunay nga na kapag nangyari ang mga bagay na ito ay maikukunsidera na ang
paggamit sa Filipino bilang wika ng komunikasyon ay nasa
mataas na antas na o higit pa.
YUNIT II
PAGPOPROSESO NG IMPORMASYON
PARA SA KOMUNIKASYON
Ang Pananaliksik at ang Komunikasyon sa Ating Buhay
Sa anumang sitwasyong pang komunikasyon, ginagamit sa pakikipag ugnayan,
pakikisalamuha at pakikipag talastasan sa kapuwa ang mga kaalamang natutuhan natin mula
sa pagoobserba at pagsusuri ng lipunan. Ang mga nabatid at napaglimian nating kaalaman
mula sa karanasang panlipunan ang pumapanday sa ating karunungan na siyang gumagabay
sa ating maliliit at maalaking desisyon at hakbang sa buhay. Ang pangunahing salik ng
kaalaman, na ibinabahagi din natin sa kapuwa ay ang mga impormasyong nasasagap natin
mula sa tao, sa ating kapaligiran, at midya. Sa makatuwid, lubhang mahalaga na pagyamanin
ang ating kakayahan na magproseso ng impormasyon – ang bawat butil ng impormasyon na
alam natin at anumang kaugnayan ng mga butil na ito sa isa’t isa – dahil ito ang malaking
bahagi ng kaalaman. Ang ating kapasidad sa paggawa at pagsasabuhay ng desisyon, aksiyon,
at komunikasyon ay nakasalalay sa nabuo nating kaalam at napanday nating karunungan.
Bahagi pa rin ng pang-araw-araw na pamumuhay ang pakikinig ng awitin, panonood ng mga
palabas, o ang pag-alam ng mga makabagong kaganapan. Ang lahat ng ito ay sa maaring
magawa gamit ang telebisyon, radyo, o kaya ay kompyuter. Mass Media o pangmadlang midya
ang ginagamit ng karamihan na mapagkukunang ng impormasyon at balita. Ito ay
nangangahulugang teknolohiya na inilaan upang maabot ang ng impormasyon ang madla. Ito ay
pangunahing paraan ng komunikasyon na gingamit upang maabot ang karamihan sa
pangkalahatang publiko. Ang pinaka-karaniwang pangmadlang midya ay pahayagan,
magasin,radyo, telebisyon, at Internet. Ang pangkalahatang publiko ay karaniwang umaasa sa
pangmadlangmidya upang magbigay ng impormasyon tungkol sa mga isyung pampulitika,
lipunan, libangan, at balita sa kulturang popular.
Sabi nga, ang kaalaman ay kapangyarihan at may kapangyarihang panlipunan. Sa harapang
pakikipag-usap sa kapuwa o sa pagpapahayag gamit ang midya, malakas ang bias at talab ng
mga ibinabahaging kaalam batay sa malalim at malawak na pag susuri at pagtatahi ng
impormasyon. Ang makatotohanan at katiwa tiwalang kaalaman ay makakatulong sa pag
igpaw sa kamangmangan at kahirapan. Gayundin ito ay isa sa mga malakas ba panlaban sa
panlilinlang, pangaapi, at pang aabuso lalo pang ang mali at binaluktot na impormasyon ay
ginagamit sa kasamaan ng mga ganid at sira sa lipunan. Sa kasalukuyang panahon kung
kailan laganap ang kultura ng pang madlang midya at virtual na komunikasyon, mas madali
ng magpakalat ng tinatawag na disinformation sa paraang ng fakenews sa mga midya
gingamit sa information and communication technology (ICT). Sa kabila nito lalong
pinaiigting ang pagmagmamatyag sa mga impormasyong nagmumula rito upang makabubuo
tayo ng makabuluhan at makatuturang kaalaman na magagamit sa pagpapaunlad ngating
buhay at lipunang Pilipino.
Ang fake news ay tumutukoy sa mga sadyang hindi totoo, o mga kwento na naglalaman ng ilang katotohanan ngunit
hindi ganap na tumpak, sa pamamagitan ng aksidente o disenyo. Sinasbi rin ng ilang tao na ang mga totoong kwento
ay “fake news", dahil lamang sa hindi sila sangayon sa kanila. Maaari itong humantong sa mapanganib na
pagwawalang bahala na mahahalagang payo. Ang mga fake news ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa
pag-uugali sa lugar ng trabaho. Halimbawa, sa pamamagitan ng pagsira sa kultura ng pag-aaral, at naging sanhi ng
pagkalat ng tsismis at kawalan ng katiyakan. Kaya mahalaga na malaman kung paano ihiwalay ang tunay mula sa
mga pekeng impormasyon.
Ayon sa website na MindTools May ilang hakbang upang malaman kung ang impormasyon ay lehitimo o hindi.
1. Upang makadiskubre ng mga bagong kaalaman hinggil sa mga batid nang penomena.
2. Upang makakita ng mga sagot sa mga suliraning hindi pa ganap na nalulutas ng mga umiiral
na metodo at impormasyon.
3. Mapagbuti ang mga umiiral na teknik at makadebelop ng mga bagong instrumento o
produkto.
4. Makatuklas ng hindi pa nakikilalang substances at elements.
5.Higit na maunawaan ang kalikasan ng mga dati nang kilalang substances at elements.
6. Makalikha ng mga batayan ng pagpapasya sa kalakalan, industriya,edukasyon pamahalaan at
iba pang larangan.
7. Ma-satisfy ang kuryusidad ng mananaliksik.
8. Mapalawak o ma verify ang mga umiiral na kaalaman.
Mga Katangian ng Pananaliksik
Mga Tip sa Pananaliksik
Sa pag aaral ng kaiharapan ng mga namumulot ng basura sa isang tambakan sa malabon, rizal
ang isa sa mga metodo ng pangangalap ng datos na ginagamit nina Gepigon at Francisco (1982)
ay pagdalaw dalaw ayon sa kanya ang pagdalaw dalaw ay ang pagpunta punta at pakikipag usap
ng mananaliksik sa tagapagbatid upang sila ay makakilala; matapos magpakilala at makuha ang
loob ng iat isa,mas maluag na sa kalooban ng tagapagbatid a ilbas sa usapan “ang mga nais
niyang sabihin bagamt maaring may ilan pang pagpilpigil (1982, p. 194).ito ay maaroing
kaakibat din ng ibang mga pamamaraan ng pagkuha ng datos kagaya ng pakikipag kuwentuhan
at pakikilao. Maaaring magsilbing panimulang hakbang bago itopalalamin at palawigin ang mga
imporamsyon kinakalap mula sa mga tagapagbatid.
8.Pakikipanuluyan
Ginagamit naman ni nickdao Henson (1982) ang panuluyan sa pag aaral ng konsepto ng panahon
ngf mga tsiaong, guiguinto bulacan. Para makakuha ng datos sa pamamaraang ito dumadalaw
muna sila nbsa barangay habng sa naninirahan na siya ng talong buwan ditto para sa kanyang
pagaaral. Sa pkikipanuluyan siya ay nakisalamuha sa mga tao at nakisangkot sa ilan sa kanyang
mga aktibidad kagaya ng pag kukwenuhan sa umpukan, pangangapitbahay, at pagdalo sa ibat
ibang pagtritipon; pagmamasid sa mga nagaganapsa kapaligiran : at pagtatanong tanong hingil sa
paksang sinasaliksik. Sa gayon, nasasabing ang pakikipanuluyan ay pang pang matagalan at
masaklaw na pamamaraan dahil ginawa ito sa loob ng maraming araw sa kaakibat ng iba pang
mga espesipikng amamaraan ng pagkuha ng datos. Ang mananaliksik ay hindi lamg nakikitira sa
isang bahay at nakikisangkotsa buhay ng isang pamayanan , kundi siyarin ay nag mamasid nag
tatanong tanon, nakikipag kwuntuhan, at nakikilahok sa mga Gawain. Pakikipanuluyan
inaasahaang mas malalim at komprehensibo ang mga impormasyong malilikom ngmananaliksik.
Hindi to kataka taka dahil ang pakikipanuluyan “ ay isa sa pinakamabisang pamamaraan upanfg
mapaunlad ang pakikipag kapuwang isang tao” (san juan & soriaga, 1985,p.433).
9.Pagbabahay bahay
May pagka masaklaw rin ang pagbahay bahay sapagkat hindi lamang pumupunta sa bahay ng
taga pagbatid ang mananaliksik, nag mamasid, nagtatanong tanong, at nakikipag kuwentuhan at
nakikipag panayam din siya ginagamit ang pamamaraang ito sa pagsasasaggawa ng survey, pero
ituturing ding etnograpikong pamamaraan kung saan inaasahang nakakakuha ng hitik, kompleks,
at malallalim na impormasyon mula sa maraming tagapagbatid.
10.Pagmamasid
Ang pagmamasid naman ay maaaring gamitin hindi lamang sa paglikom ng datos mula kapuwa
tao kundi pati narin sa mga bagay, lugar, pangyayari, at iba pang penomeno. Sa medaling salita,
ito ay pag oobserba gamit ang mata, tainga, at pandama sa tao, lipunan, at kapaligiran. Kung
kaakibat ng pakikiramdam ang pagmamasid ay maaaring matantiya ng mananaliksik kung
“maari siyang magpatuloy o hindi sa mga susunod hakbangin” sa pananaliksik ( Gonzales 1982
p.175) Ang pagmamasid ay kaakibat dinng iba pag may pamamaraan ng pagkuha ng datos
kagaya ng pakikilahok, pakikisangkot, pagbabahay bahay, at pakikipanulyan.
Instrumento sa pagkalap ng datos mula sa kapuwa tao. Kaparehoong
harapan at mediado na nangangalap ng impormasyon mula sa kapuwa
tao, dapat ihanda ng mananaliksik ang angkop na instrument. Ang ilan
sa mga instrument na karaniwang ginagamit ay ang sumusunod:
1.Talatanungan at gabay na katanungan
2.Pagsusulit o eksaminasyon
3.Talaan sa fieldwork
4.Rekorder
Pangangalap ng impormasyon mula sa mga aklatan.
1. Sa paggawa ng buod sa pangkalahatan, basahin nang mabuti ang teksto bago tukuyin ang mga suisng salita, ang
paksang pangungusap, at ang pinakatema. Bago sulatin ang buod, palitawin muna ang koneksiyon ng mga susing
salita, ang paksang pangungusap, at/o ang mga tema upang malaman ang sintesis o pinakapunto ng teksto.
(Constantino et al., 2016)
2. Kahingian sa ilang uri ng materyal ang ankop na elemento at estruktura ng buod.
3. Sa pagbubuod ng teksto mula sa panayam, talakayan, at iba pang etnograpikong pamamaraan ng pangangalap ng
datos, ang coding ay isang mabisang paraan dahil ang hinahantungan ng huling sikulo nito ay ang buod o ubod ng
teksto.
4. Iwasan ang mapanlahat na pahayag kung kakaunti lang ang bilang ng kalahok o tinanong.
(Jimenez, 1982, p.27)
Pagbuo ng Pahayag ng Kaalaman. Ikonsidera ang mga sumusunod:
1. Pumili ng mga angkop na salita nasumasalamin sa mga katunayan at datos ng
ginawangpananaliksik, naiintindihan ng mga kalahok o audience ng sitwasyong
komunikasyon, atmakabuluhansa kultura at lipunang Pilipino.
2. Gumamit ng epektibo at wastong komposisyon
3. Isaayos ang estruktura at daloy ng kaalamang ipinapahayag upang hindi
magdulot ng
kalituhan
4. Pukawin ang interes, damdamin, at kamalayan ng mga kalahok o audience.
5. Gumamit ng angkop na panauhang pananaw: una(ako, ko akin, tayo, natin, kami ); pangalwa (ikaw, kayo, ka, mo,
inyo, ninyo,); at pangatlo (siya, sila, niya, kaniya, nila, kanila,). Mas pormal at neutral ang pangatlong panauhan
dahil “inilalayo nito ang manunulat sa tuksong makialam “ at “pinababayaang ang mga datos at impormasyon ang
kumubinsi sa mambabasa” (Alamario 2016b, p. 32). Subalit hindi naman ito nanfgangahulugan na hindi
makatothanan ang anumang pahayag na ginagamitang una at pangalwang panauhan, lalo na kung kailangan, kung
mas inilalapit sa karanasan ng audience at nagtatangka ng mas malikhaing estilo ng pagsulat. Ang paggamit ng
pantayong pananaw o “pag uulat sa sarili” (Navaro et al. 1997, p.2 ) sa komunikasyon sa pangkalahatan ay
mahalaga rin para bigyang diin na ang mga kababayang Pilipino ankinakausap at ang kapakinabangan ng lipunang
Pilipino ang minimithi ng pahayag ng kaalaman.
6. Iwasan ang paglalahad ng impormasyon makapapahamak sa mga tagapagbatid (Creswell 2014 p. 99-100).
Kailngang respetuhin ang kanilang karapatan sa privacy. Gumamit ng alyas sa pangalan at lugar kung nararapat
(Creswell 2014).
7. Gumamit ng mga sipi mula sa mga tagapagbatid at eksperto para patotohanan at palakasin
ang mga punto, argument, o pahayag.
Gumamit ng isang estilong pansanggunian, lalo na kung kahingian (halimbawa sa journal
article). May tatlong kilalang estilong pangsanggunian na ginagamit sa mga journal, term paper,
aklat, manwal at iba pang publikasyon: modern languages association (MLA) American
psychological association (APA), at Chicago manual of styles (CMS). Ang pahayagan naman
tulad ng Philippine Daily Inquirer ay naglabas ng sarli nitong stylebook. Sa telibisyon at bidyo,
ang mga batis ng impormasyon ay maaaring banggitin sa iskrip o ipakita sa screen.
Pinakaimportante sa lahat ng konsiderasyon sa pagsususlat ang mga katunayan at datos na
magpapatibay sa pahayag at kaalaman. Higit sa gramatika, dulog at estilo, mas importante ang
kapanssi paniwalang paglalahad . ang kapani paniwaola ay “nakasalig sa mga katayuan”
(Almario,2016, p.27)
Bigyang-pansin ang ilang paalala sa paghahanap ng batis ng impormasyonsa aklatan.
1.Alamin kung saang aklatan matatagpuan ang mga batis ng impormasyon na natukoy para sa isang pananaliksik.
2.Gumawa ng sulat sa kinauukulan at magtanong din hinggil sa protokol at patakaran na pinaiiral sa aklatang
natukoy.
3.Kung hindi kinakailangan ang sulat, alamin ang mga kahingian bago makapasok at makagamit ng mga pasilidad.
(http://web.nlp.gov.ph/nlp/?q=node/1444).
4. Rebyuhin ang Dewey Decimal System at Library Congress dahil alin man sa dalawang ito ang madalas na
batayan ng klasipikasyon ng aklat ng pangkalahatang karunungan. (Hinampas, 2016, pp.51-54)
5.Tandaan na ipinagbabawal ang pagpapa-photocopy ng buong aklat, tesis, disertasyon, at ilan pang mga printed na
materyal kaya kailangan ang matiyaga at mabilis na pagbabsa kung maraming sangunian ang bubulatlatin.
6.Gamitin ang online public access catalog (OPAC) para makahanap na ng mga sangunian bago pa man pumunta sa
aklatan o bago puntahan ang seksiyon o dibisiyon ng aklatan.
7.Huwag kalilimutang halughugin ang pinagkunanna online ng aklatan gaya ng subkripsiyon sa journal, e-books,
e-databases, at iba pang batis ng impormasyonsa Internet.
Pangangalap ng impormasyon mula sa mga online na materyal. Sa kaslukuyang panahon ng Internet at digital
na teknolohiya, maaakses ang maraming primaryang batis ng impormasyon hindi lamang sa mga kompyuter na
laptop at desktop kundi pati sa mas maliit na gadyet na cell phone at tablet na kompyuter. Pangunahin sa mga batis
na ito ang mga artikulos sa journal, balita sa online news site, at account ng karanasan sa blog.
Sa pagpili ng batis ng impormasyon para sa pananaliksik, bigyang prayoridad ang online news sites na:
1.walang hayag na kinikilingang tao, grupo, o institusyon dahil naglalathala ng mga artikulong may iba’t ibang
panig;
2.pumupuna sa sarili o umaamin ng pagkakamali sa pamamagitan ng komento at errata; at
3.hindi naglalabas ng mga propagandang nagpapabango sa ngalan ng isang tao, grupo, o institusyon habang
tahasang bumabatikos sa mga kalaban nito.
Mainam ding bisitahin ang mga sumusnod kung ang pananaliksik ay may kaugnayan sa isyung pambansa.
Website ng pamahalaan
Website ng ahensiya ng pamahalaan
Website ng mga samahang mapanuri at may adbokasiyang panlipunan
Website na gumagawa ng fact check
YUNIT III
MGA GAWING
PANGKOMUNIKASYON NG MGA
PILIPINO
TSISMISAN
Kinilala ng ating Kodigo Sibil ang karapatan ng bawat isa na maproteksyunan ang kanyang
dignidad, personalidad, pribadong pamumuhay, at kapayapaan ng isip. Sinasabi sa Artikulo
26 na ang mga sumusunod na magkakatulad na akto, bagamat hindi maituturing na krimen ay
maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon (cause of action) para sa mga danyos, pagtutol
at iba pang kaluwagan:
1.Panunubok sa pribadong buhay ng iba;
2.Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng iba;
3.Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng kanyang kaibigan;
4.Pang-aasar o pamaahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang pangrelihiyon, mababang
antas ng pamumuhay, lugar ng kapanganakan, pisikal na depekto, at iba pangpersonal na
kondisyon.
Legal na Aksyon at mga Patakaran na Kaugnay ng Tsismis
Pakikipag-kapuwa sa Kanyang
Tahana’t Kaligiran
Ang pagbabahay-bahay ay ang pagdalaw o pagpunta ng isang tao o grupo sa
mga bahay sa isang pamayanan para maghatid ng mahalagang impormasyon,
magturo ng isang teknolohiya, kumonsulta sa mga miyembro ng pamilya
hinggil sa isyu o programa, mangungumbinsi sa pagsali sa isang paligsahan o
samahan, o manghimok na tumangkilik sa isang produkto, kaisipan, gawain o
adbokasiya. Mainam din itong pamamaraan para pag-usapan ang mga
sensitibong isy sa isang pamayanan.
Kung tutuusin, ang pagbabahay-bahay ay hindi nalalayo sa kaugalian ng
pangangapitbahay na matagal nang ginagawa ng mga Pilipino, lalo na sa mga
lugar na rural. Sa mga pamilyang magkakalapit ang bahay, ang
pangangapitbahay ay nakapagpapatatag ng samahan sa mga mamamayan ng
isang komunidad. Dito nagaganap ang kamustahan o usisaan sa buhay ng
bawat isa, bahagian ng iniisip at saloobin, hingian p palitan ng mga material
na bagay, lalo nang mga sangkap sa pagluluto at iba pang gawain sa bahay, at
maging tsismisan at umpukan. Ang laman at layon ng interaksyon ay madalas
na hinggil sa karaniwang intindihin at gawain sa araw-araw.
Minsan, ang pangangapitbahay ay nauuwi rin sa pakikikain,
pakikipag-inuman, at pakikitulog. Sa kabilang banda, ang pagbabahay-bahay
ay madalas isinasagawa ng mga kinatawan ng ahensiya ng pamahalaan,
pribadong institusyon, o nongovernment organization na may tiyak na layong
panlipunan na nangangailangan ng kontribsyon, pakikiisa, at
pakikipagtulungan ng mga residente ng isang komunidad.
Ang Pasko ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga Kristiyano sa pagsilang
kay Hesukristo. Karaniwan na nagbabahay-bahay ang bawat pamilya upang
magmano at magbigay ng pagpapahalaga sa mga nakatatanda at mga
kamag-anak sa kahit na naumang paraan. Mayroon ding nagaganap na
pamamahagi at pagtanggap ng munting aginaldo para sa mga bata. Ito ay
kaugaliang kinagisnan minana natin sa ating mga ninuno at patuloy na
nagpasalin-salin sa mga susunod na henerasyon bagama’t may mga
modipikasyon sa paraan ng selebrasyon batay sa pagbabago at
pangangailangan ng panahon.
Isa pang halimbawa ng pagbabahay-bahay ay ang pangangaluluwa na
ginagawa sa bisperas ng Araw ng mga Patay. Itoy isinasagawa sa
pamamagitan ng pag-awit ng mga awiting bayan kapalit ang konting
donasyon at dasal para sa mga namayapa. Pero halos tuluyan na at nagbago
ang konseptong ito sapagkat ngayon ay hindi na umaawit sa tapat ng bahay sa
halip sila ay nakasuot ngayon ng kasuotang pang trick or treat ang naumang
kapalit na kahit na naong bagay o halaga na manggagaling sa mga may-ari ng
bahay.
Isa pang halimbawa ng pagbabahay-bahay ay ang pangangaluluwa na
ginagawa sa bisperas ng Araw ng mga Patay. Itoy isinasagawa sa
pamamagitan ng pag-awit ng mga awiting bayan kapalit ang konting
donasyon at dasal para sa mga namayapa. Pero halos tuluyan na at nagbago
ang konseptong ito sapagkat ngayon ay hindi na umaawit sa tapat ng bahay sa
halip sila ay nakasuot ngayon ng kasuotang pang trick or treat ang naumang
kapalit na kahit na naong bagay o halaga na manggagaling sa mga may-ari ng
bahay.
Karaniwang mabilis ang daloy ng komunikasyon sa pagbabahay-bahay dahil
na rin sa layunin ng makarami ng bahay na mapupuntahan sa araw na iyon,
subalit ang prinsipyong ito ay hindi totoo sa iba na higit na pinahahalagahan
ang kalidad ng pakikipag-usap sa mga taong kanilang pinupuntahan.
Karaniwang mabilis ang daloy ng komunikasyon sa pagbabahay-bahay dahil
na rin sa layunin ng makarami ng bahay na mapupuntahan sa araw na iyon,
subalit ang prinsipyong ito ay hindi totoo sa iba na higit na pinahahalagahan
ang kalidad ng pakikipag-usap sa mga taong kanilang pinupuntahan.
PULONG-BAYAN
Marubdod na Usapang
Pampamayanan
Ang isa pang mahalagang gawaing pangkomunikasyon ng mga Pilipino ay
ang Pulong bayan. Karaniwan itong isinasagawa bilang isang anyo ng
konsultasyon sa mga mamayan o particular na pangkat upang tugunan o
paghandaan ang isang napakahalagang usapin. Pinangungunahan ng lider ang
pagtalkay sa isang usapin na may kaakibat ng pagpapahalaga sa opinion at
mga mungkahi ng mga taong kabahagi sap ag-uusap. May pahkapormal ang
mga pagtalakay na nakapokus lamang sa paksa na inihanda para sa
espisipikong gawain na ito- ang pulong bayan.
Ang pulong bayan ay pagtitipon ng isang grupo ng mga mamayan sa
itinakdang oras at lunan upang pag-usapan nang masinsinan, kabahalaan,
problema, programa at iba pang usaping pangpamayanan. Madalas itong
isinasagawa kapag may programang pinaplano o isasakatuparan, may mga
problemang kailangang lutasin at may mga batas na ipatutupad sa isang
komunidad. Depende sa layon, maaring ang mga kalahok sa pulong-bayan ay
mga kinatawan ng iba’t-ibang sector sa isang pamayanan, mga ulo o
kinatawan ng mga pamilya o sinomang residenteng apektado ng paksang
pag-uusapan o interesadong makisangkot sa usapin.
Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang
pag-usapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang
pagbabago. Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapag-usapan nang
maayos ang mga bagay-bagay. Dito maaaring sabihin ng mga kalahok ang
kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon na makapagsalita. Ito
ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino.
Sa isla ng Calauit sa Busuanga, Palawan ang tradisyunal na “saragpunan” o
tipunan ng mga tagbanua ay nagaganap sa isang malilim na lugar kung saan
may malalaking batong nakaayos nang pabilog na nagsisilbing upuan ng mga
kalahok sa pulong.
KOMUNIKASYONG DI- BERBAL
Pagpapahiwatigan sa Mayamang
Kalinangan
Ayon kay Mehrabian, ang kabuuang epekto ng komunikasyon ay maaaring
ipahayag sa pamamagitan ng pormulang ito:
Kabuuang Epekto = .07 Berbal + .38 Tinig + .55 Mukha
2.Ang mga senyas na di-berbal ay maaaring gamitin sa halip na wika. Sa ating kultura, ang
pagtango ng ulo ay ginagamit na panghalili sa salitang “oo”, ang pag-iling ng ulo ay
ginagamit na panghalili sa salitang “hindi”. Matapos ang isang laro ng basketball,
halimbawa, hindi na kailangang gumamit ng wika ang mga manlalaro upang ipahayag
kung nanalo sila o natalo. Naipapahiwatig ang kanilang kasiyahan sa pagkapanalo o kaya
nama'y kalungkutan sa pagkatalo sa pamamagitan ng galaw ng kanilang katawan.
Mga Paraan ng Paggamit ng mga Senyas na Di-Berbal
3.Maaaring pabulaanan ng mga senyas na di-berbal ang isinasad ng wika. Alam na nating
higit na ginagamit ng tao ang kanyang paningin kaysa pandinig. Sa mga senyas na
di-berbal at ng wika, higit na pinaniniwalaan ng tagapakinig ang ipinahihiwatig ng una.
Halimbawa, kung ang kasabay ng pangungusap na “Masaya naman ako” ay malamlam na
mga mata at pilit na ngiti, dalwang mensaheng magkasalungat ang ikinukumunika.
Nagiging suliranin ng tagapakinig kung alin sa dalawang mensahe ang dapat bigyan ng
reaksiyon.
4.Upang ayusin ang daloy ng komunikasyon. Halimbawa nito ay ang paghipo sa braso
upang itulak ang isang kalahok sa talakayan na magsalita. Ayon sa pananaliksik ni Patricio,
nakatutulong ang ganitong senyas sa daloy ng talakayan.
Maraming kahulugan ang maaaring ibigay sa mga senyas na di-berbal. Upang maging higit
na mabisang kaugnay ang mga senyas na ito ng mensaheng berbal, kailangang palagi
nating isa-isip ang ilang katangian nito.
Pagaw: \pah-gao\
Ibig sabihin: Tungkol sa ang kawalan ng kakayahan upang makipag-usap sa isa sa natural
na boses dahil sa isang sigaw o dahil sa pagkakroon ng sakit.
Ibang tawag: paos.
Halimbawa: “Yan kasi, sabinang wag mag kokonsert sa banyo kya ka napagaw eh.”
Palakat: \pah-lah-kaht\
Ibig sabihin: Pag tawag sa isang tao na ginagamit ay isang malakas na bosses.
Ibang tawag: sigaw.
Halimbawa: “Ano ganaman yaan palakatan kyo diyan eh magkatabi naman kayong
dalawa.”
Sagimis: \sah-gih-mihs\
Ibig sabihin: Ito ay isa sa mga paburitong merenda ng pilipino, gawa sa rapper na may
banana slice sa poob at asukal , at ito ay piniritos hangang mag brown ang kulay.
Ibang tawag: Turon.
Halimbawa: “Hala favorite ko ga yang sagimis , kahit yan lang kainin ko sa buong araw
, masaya na ako .”
Sakol: \sah-kol\
Ibig sabihin: Kakain na ang gamit ay ang kanyang kamay.
Ibang tawag: kamay o magkakamay.
Halimbawa: “Masarap ang ulam ngayon nilabong itlog tapos may toyo , maslalo nang
sasarap pag magsasakol.”
Tabig: \tah-big\
Ibig sabihin : Hinding sinasadyang masangi ang isang tao.
Ibang tawag: sagî, tama, dali(e).
Halimbawa : “Hala , pasensya na po di ko po nakita yung vase ninyo , sorry po talaga di
ko sinasadyang matabig ung vase.”
Sakol: \sah-kol\
Ibig sabihin: Kakain na ang gamit ay ang kanyang kamay.
Ibang tawag: kamay o magkakamay.
Halimbawa: “Masarap ang ulam ngayon nilabong itlog tapos may toyo , maslalo nang
sasarap pag magsasakol.”
Tabig: \tah-big\
Ibig sabihin : Hinding sinasadyang masangi ang isang tao.
Ibang tawag: sagî, tama, dali(e).
Halimbawa : “Hala , pasensya na po di ko po nakita yung vase ninyo , sorry po talaga di
ko sinasadyang matabig ung vase.”
Tagaktak: \tah-gahk-tahk\
Ibig sahihin : Tuloy tuloy na pagpatak, katulad ng pawis pag sobrang init.
Ibang tawag: daloy.
Halimbawa : “Kainit naman dito sa pinas , tuwing lumalabas ako ng bahay eh tagaktak
na pawis ko eh.”
Balisong
Balisong ang isang uri ng patalim na naititiklop ang puluhan na nagsisilbi ring kaluban ng
talim. Malimit gamitin ito ng mga Batangueño na nagpatanyag din dito. Ipinangalan ito sa
Baryo Balisong na isang nayon sa bayan ng Taal sa Batangas dahil doon ginagawa at
ibinebenta ang sari- saring uri ng balisong. Sinasabing ito ang bersiyon ng Swiss knife ng
Pilipinas, dahil sa dami nang maaaring gamit dito—panghiwa, pantilad, pambukas ng
de-lata, pantanggal ng tansan sa bote, pangkayas ng kawayan, pang-ahit, at iba pa. Kahit
maraming gamit o silbi ang balisong, ipinagbabawal pa rin ng awtoridad ang pagdadala
nito dahil maaari itong makapanakit o makamatay, gaya ng ginagawa ng masasamang loob.
Ngunit sa kamay ng matwid na tao, ang balisong ay nagiging sining kapag ginamit nang
kapaki-pakinabang sa anumang bagay.
Kapeng Barako
Ang kapeng barako o barako ay isang uri ng kape na tumutubo sa Pilipinas, lalu na sa mga
lalawigan ng Batangas at Cavite. Mula ito sa uring Coffea liberica, subalit ginagamit din
ang pangalang ito sa lahat ng kapeng galing sa mga lalawigang nabanggit. Nagmula ang
salitang “barako” mula sa salitang ginagamit para sa lalaking hayop.