You are on page 1of 3

Posisyong Papel

Mga Mag-aaral:

Emmanuel Colminares

John Carlo Geraga

Aurea Recto

Mark Neil Nolluda

Jade Villahermosa

Alren Vincent

Nilikha ang posisyong papel na ito upang ipahayag ang saloobin ng mga mag-aaral ng
University of Makati sa kursong Bachelor of Science in Information Technology: Pangkat 3 ukol
sa usaping sa pagtanggal ng Wikang Filipino at Panitikan sa mga Unibersidad at Pamantasan.

Tanong namin, Sang-ayon ka ba kung ang ating wika na itinuturo sayo mula noon ay mawawala
na pagtungtong mo sa kolehiyo? Isang palaisipan kung karapat-dapat bang ito ay tanggalin.

Amin ding pinaaalala sa papel na ito ang mga artikulo, katotohanan, at ang aming saloobin ukol
sa isyung tinatalakay. Ang mga ito’y aming isinaliksik at tinipon upang magpahayag ng
kolektibong opinyon na nagnanais magbigay kamalayan sa mga nakatataas. Sana’y ito ay
magsilbing boses ng bawat sumusuporta sa Wikang Filipino- ang Wikang Pambansa.

Hindi sang-ayon ang aming grupo sa pagtanggal ng Wikang Filipino at Panitikan sa mga
Unibersidad at Pamantasan.

Ang Wikang Pambansa ang repleksyon ng ating identidad bilang isang Filipino at bilang
isang bansa.

Self-assuredness in knowing and being Filipino

Saad sa Section 2. General Education Outcomes ng CHED Memorandum No. 20 Series of


2013, Kategorya ng Personal and Civic responsibilities.

Malinaw na lihis ang adhikaing isinasaad ng CHED sa kanilang inilabas na outcome guidelines.
Klarong-klaro na taliwas ang adhikain kanilang ibinigay sa kanilang gustong i-implemento.
Paano nga ba natin nasusukat ang pagiging isang Filipino? Hindi ba’t ang wika rin ang syang
nagbigay buhay sa ating kultura, kasaysayan, at pagkakakilanlan bilang isang bayan, isang
bansa, at bilang isang indibidwal.

Ang wika ay hindi lamang instrumento ng pamamahayag, ito rin ang pundasyon ng ating
pagkakakilanlan bilang isang bansa at bilang isang indibidwal. Ayon kay Jose Rizal, ang hindi
marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa hayop at malansang isda na
nangunguhulugang mahalin ang sariling wika na siyang yamang nagmula sa ating mga ninuno
at sumisimbolo sa ating kasarinlan bilang isang bansa.

Kung atin namang bubusisain ang legalidad ng Memorandum na ito malinaw na nakasaad sa
1987 Konstitusyon ng Pilipinas Artikulo XIV Seksyon 6, na Filipino ang itinakdang wikang
Pambansa. Nakasaad dito na dapat pa itong payabungin at pagyamanin salig sa umiiral na mga
wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Karagdagan pa rito, alinsunod sa mga tadhana ng
batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino
bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa Sistemang
pang-edukasyon.

Inklusibong Edukasyon para sa lahat.

Ang edukasyon ay dapat inklusibo, ibig sabihin ito ay dapat para sa lahat, at dapat naiintindihan
ng lahat. Karamihan nang bumubuo sa populasyon ng Pilipinas ay mga mahihirap. Ano nga ba
ang wikang naiintindihan ng lahat? Hindi ba’t tagalog?

Ang Pambansang Asambleya ay nagpatatag ng unang Surian ng Wikang pamabansa noong


Nobyembre 12, 1936. Ngunit, noong Hulyo 14, 1937 ay kinilala ang Tagalog bilang batayan ng
Wikang Pambansa ng Pilipinas. Isa sa mga dahilan ay mas marami ang gumagamit ng wikang
Tagalog at naiintindihan ito ng iba’t-ibang rehiyon.

Ayon sa 1987 Kautusan Blg. 52, ipinag-uutos ni Lourdes R. Quisumbing, kalihim ng


Departamento ng Edukasyon, Kultura at Palakasan, ang paggamit ng Filipino bilang Wikang
Panturo sa lahat ng antas sa mga paaralan kaalinsabay ng Ingles na nakatakda sa patakarang
eduksayong bilingguwal.

Mas madaling mag-disemina ng mga impormasyon at mga kaalaman sa mga mamamayan


kung ito ay nasa Filipino. Isa sa malaking problema na kinahaharap ng ating bansa ay ang
medya ng impormasyon. Hirap ang ating mga kababayan sa laylayan sa pag-intindi ng Ingles.
Isang halimbawa ay mas mainam ilathala ang mga resulta ng pananaliksik sa Agrikultura kung
ito ay nasa Filipino dahil ito ay mas madaling maiintindihan ng mga magsasaka sa bawat
rehiyon ng bansa. Kaya naman maituturing na mapanganib na hakbang ng Commission on
Higher Education (CHED) na alisin ang Filipino, malaking dagok ito sa inklusibong edukasyong
dapat isulong lalong-lalo na para sa ating mga kababayang nasa laylayan.
Walang konkretong planong inihayag patungkol sa mga maapektuhang estudyante, guro,
propesor, at mga batikan sa Filipino.

Maraming estudyante, guro, propesor, at mga batikan sa Filipino ang maaring mawalan ng
trabaho o mabawasan ng kita at ang ibang estudyanteng nagnanais na palalimin ang kaalaman
sa Wika ay maaaring mawalan ng oportunida.

Ayon sa 1996 CHED Memorandum Blg. 59, ang CHED ay nagtatadhana ng 9 na yunit na
pangangailangan sa Filipino sa pangkalahatang edukasyon at nagbabago sa deskripsyon at
nilalaman ng mga kurso sa Filipino 1 (Sining ng Pakikipagtalastasan), Filipino 2 (Pagbasa at
Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina) at Filipino 3 (Retorika).

Humigit kumulang 10,000 guro ng Filipino at Panitikan ang mawawalan ng trabaho kapag
ipinagpatuloy ng CHED ang Memorandum No.20, ayon kay Dr. David San Juan. Walang
katiyakan ang pagsasanay muli ng mga gurong mawawalan ng trabaho kung papalitan ang
asignaturang kanilang ituturo, dagdag pa ni San Juan. Wala ring tiyak na plano para sa mga
estudyante na mawawalan ng oportunidad.

You might also like