You are on page 1of 12

Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Sitwasyong Pangwika sa
Pamahalaan at sa Edukasyon
modyul:3
GROUP 2:

TUGADE, CYREL ARCENAS, JASMIN CATIPON, LYN ROSE


RIO TIMBANGAN

3
GROUP 2:

CABIDOG, JADE CALAYAG, JHORIX ARCIETE, ARNEL


DALMACIO EXALA DIVIDA

20XX presentation title 4


LAYUNIN:
NAKASUSULAT NG MGA TEKSTONG
NAGPAPAKITA NG MGA KALAGAYANG
PANGWIKA SA KULTURANG PILIPINO
(F11PU – IIC – 87)

5
Sitwasyong Pangwika sa
Pamahalaan
WIKANG FILIPINO
ANG PAMBANSANG WIKA NG PILIPINAS ANG WIKANG FILIPINO, ITO
AY MAY TAGLAY NA MALALIM, MALAWAK AT NATATANGING
KAALAMAN AT KARUNUNGAN. KUNG MAHUSAY NATING
MAGAGAMIT ITO SA ATING BUHAY AT IBA’T IBA PANG MGA ASPETO
NITO AY MASASABI NGANG MAGBUBUNGA ITO NG KAUNLARAN AT
KARUNUNGAN. ANG WIKANG ITO NA MAHIWAGA NA NAGPABABATID
NG MGA KAALAMAN AY LALONG MABISANG MAIKAKASANGKAPAN
SA ATING PAMBANSANG KAUNLARAN KUNG ITO'Y LUBOS AT
PUSPUSANG PINAPAIRAL SA IBA'T IBANG LARANGAN AT DISIPLINA
LALO NA SA PAGGAMIT SA IBA'T IBANG SITWASYONG PANGWIKA SA
ATING PAMAHAALAN.
Mga sitwasyong pangwika sa pamahalaan:
➢ Ginagamit ang wika sa mga usaping pulitika sa pamamagitan ng pangangampanya tuwing sasapit ang halalan
o eleksyon.
➢ Ginagamit ang wika ng mga namumuno lalo na ang Pangulo ng Pilipinas sa mga mahahalagang okasyon.
➢ Nang dahil sa wikang gamit ng mga namumuno, nagkakaroon ng kamalayan ang mga mamamayan sa mga
nagaganap at nangyayari sa pamahalaan o gobyerno.
➢ Nakatutulong ang wika sa mamamayan upang lubos na makilala ang tamang mamumuno na kanilang
ihahalal upang mamamahala at mamumuno sa bansa at sa bayan.
➢ Naririnig sa iba't ibang panig ng bansa ang mga mahahalagang isyu tungkol sa pamahalaan gayundin sa mga
namumuno, sa radyo at telebisyon na may kinalaman sa pulitika.
➢ Wika ang ginagamit ng mga namumuno upang mahusay na makipag- ugnayan sa isa't isa tungo sa maayos na
pamamahala at pagpapaunlad ng bansa.
➢ Wika rin ang ginagamit ng mga tao upang maipabatid ang mga opinyon, saloobin at hinaing ukol sa
pamahalaan. ( Ang impormasyon ay kinuha sa https://brainly.ph/question/419105)

7
Karagdagang Kaalaman:
Sa bisa ng Atas Tagapagpaganap Blg. 335, serye ng 1988 na “nag-
aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensiya at
instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na
kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na
mga transaksiyon, komunikasyon at korespondensiya,” naging
mas malawak ang paggamit ng wika sa iba’t ibang antas at sangay
ng pamahalaan. Ito ang malaking kontribusyon ni dating
Pangulong Cory Aquino sa paglaganap ng wikang Filipino sa
pamahalaan sahil hanggang sa kasalukuyan ay
nananatili ang mga pinasimulan niyang mga inisyatibo sa
paggamit ng wika. 8
Tulad ng kanyang ina, si Pangulong Benigno Aquino III ay nagbigay rin ng malaking suporta at
pagpapahalaga sa wikang Filipino sa pamamagitan ng paggamit niya ng wikang ito sa
mahahalagang panayam at sa mga talumpating ibinibigay niya katulad ng SONA o State of the
Nation Address. Sa buong panahon ng kanyang panunungkulan ay sa Filipino niya ipinararating
ang kanyang SONA. Makabubuti
ito para maintindihan ng ordinaryong mamamayan ang kanyang mga sinasabi. Ito
rin ay nagbibigay ng impresyon sa mga nakikinig na pinahahalagahan niya ang
wikang ito. Maging sa mga opisyal na pagdinig sa pamahalaan ay wikang Filipino rin ang
ginagamit subalit hindi rin naiiwasan and code switching lalo na sa mga salitang teknikal na hindi
agad naihahanap ng katumbas sa wikang Filipino. (Ang datos ay kinuha sa aklat ng Pinagyamang
Pluma, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino nina Alma M. Dayag and
Mary Grace G. del Rosario)
Ayon kay Virgilio Almario (2014) ang wikang opisyal ay itinadhana ng batas na maging wika sa
opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, ito ang wikang maaring gamitin sa anumang
uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at labas ng alinmang sangay o
ahensiya ng gobyerno.

9
Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon
Ang wikang panturo naman ang opisyal sa wikang ginagamit sa
pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit sa pagtuturo at pag-
aaral sa mga eskuwelahan at ang wika sa pagsulat ng mga aklat at
kagamitang panturo sa mga silid-aralan.
“Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at
magsisilbing pantulong ng mga wikang panturo roon” Saligang Batas ng 1987,
Art.XIV, Sek.7.

10
Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na
wika at wikang panturo sa mga paaralan. Sa pagpasok ng K to
12 Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag-
aaral ay naging opisyal na wika mula Kindergarten hanggang
Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. Tinawag
itong MotherTongue-Based Multi-Lingual Education (MTB-MLE).
Ayon sa dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Bro. Armin
Luistro, FCS, “ang paggamit ng wikang ginagamit din sa tahanan
sa mga unang baitang ng
pag- aaral ay makatutulong na mapaunlad ang wika at kaisipan
ng mga mag-aaral
at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-
kultural.”

11
May 19 na wika at dayalekto na Ang wikang Filipino at Ingles ay
itinadhana ng DepEd: gagamitin at ituturo pa rin sa paaralan.
1.Tagalog 11.Maguindanaoan Ang magiging pokus ng Kindergarten at
2.Kapampangan 12. Meranao unang baitang ay katatasan sa pasalitang
3. Pangasinense 13. Ivatan pagpapahayag. Sa Grade 2 hanggang
4.Chavacano 14. Sambal Grade 6 ay bibigyang diin ang iba’t iba
5. Ilokano 15. Aklanon pang component ng wika tulad ng
6. Bikol 16. Kinaray-a pagpapakinig, pagsasalita, pagbabasa, at
7. Cebuano 17.Yakan pagsusulat. Sa mataas na baitang ay
8. Hiligaynon 18. Surigainon Filipino at Ingles pa rin ang pangunahing
9. Waray 19. Ybanag wikang panturo
10. Tausug n o medium of instruction.
(Ang datos ay kinuha sa
https://www.slideshare.net/REGie3/wikang-opisyal-at-wikang-
panturo-151027890)

12

You might also like