You are on page 1of 10

TALASALITAAN

1. Matayog
2. Huwad
3.
4.
c5
Karimlan
Alpas
5. Paraluman
6. Agham
7. Sipnayan
8. Pahimakas
GAWAIN BLG.1: Radial Circle Malaki ang
ginagampanang bahagi ng wika sa pakikipagkapwa ng
mga tao. Sa loob ng Radial Circle, Isulat ang
kahalagahan ng wika sa ating pakikipag-ugnayan sa
kapwa at iugnay ito sa kasaysayan ng Wikang
Pambansa.
Ang Wika ay isa sa mahalagang instrumento ng
komunikasyon.
 Ito ay nagmula sa pinagsama-samang makabuluhang
tunog, simbolo at tuntunin, nabubuo ang mga salitang
nakapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan.
 Itinuturing din itong behikulong ginagamit sa
pakikipagusap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa.
 Ang salitang Latin na Lingua na nangangahulugang “dila”
at “wika” o “lengguwahe.”
 Ayon kina Paz, Hernandez, at Peneyra (2003:1), ang wika ay
tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang
minimithi o pangangailangan natin.
 Ayon kay Henry Allan Gleason, Jr. ang wika ay masistemang
balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang
kultura.
 Ayon sa Cambridge Dictionary ang wika sa ganitong paraan
ito ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga
tunog, salita, at gramatikang ginagamit sa pakikipagtalastasan
ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba't ibang uri ng
gawain.
 Ayon kay Charles Darwin ay naniniwalang ang wika ay isang
sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake, o ng
pagsusulat. HIndi rin daw ito tunay na likas sapagkat ang bawat
wika ay kailangan munang pag-aralan bago matutuhan.
 Ayon kay Virgilio Almario (2014:12) ang wikang opisyal ay
itinadhan ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan. Ibigsabihin ito ang wikang maaring gamitin sa
anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat sa
loob at sa labas ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno.
 Ang wikang panturo naman ang opisyal na wikang ginagamit sa
pormal na edukasyon. Ito ang wikang ginagamit na panturo at pag-
aaral, at ang wikang nakasulat sa mga aklat at sa anumang
kagamitang panturo sa silid-aralan.
 Sa pangkalahatan nga ay Filipino at Ingles ang mga opisyal na
wika at wikang panturo sa mga paaralan. Sa pagpasok ng K to 12
Curriculum, ang Mother Tongue o unang wika ng mga mag- aaral
ay naging opisyal na wika mula Kindergarten hanggang Grade 3
sa mga paaralang pampubliko at pribado man.
19 na Wika at Dayalekto na itinadhana ng DepEd:

1. Tagalog 9. Waray 17. Yakan


2. Kapampangan 10. Tausug 18. Surigainon
3. Pangasinense 11. Maguindanaoan 19. Ybanag
4. Chavacano 12. Meranao
5. Ilokano 13. Ivatan
6. Bikol 14. Sambal
7. Cebuano 15. Aklanon
8. Hiligaynon 16. Kinaray-a
 Ang wikang Filipino at Ingles ay gagamitin at ituturo
parin sa paaralan.
 Ang magiging pokus ng Kindergarten at unang baitang
ay katatasan sa pasalitang pagpapahayag.
 Sa Grade 2 hanggang Grade 6 ay bibigyang diin ang
iba’t iba pang component ng wika tulad ng
pagpapakinig, pagsasalita, pagbabasa, at pagsusulat.
 Sa mataas na baitang ay Filipino at Ingles pa rin ang
pangunahing wikang panturo o medium instruction.
Poster Making:

Bumuo ng isang pangkat na may 3-5 miyembro at


gumihit ng simbolong naglalarawan sa kasaysayan
ng Wikang Pambansa, ipaliwanag ito sa buong
klase.

Kagamitan:
Short bond paper
Mga Pangkulay
MODYUL 1: Pagtataya (10 points) Tukuyin ang mga sumusunod at isulat ang sagot sa patlang.
__________________1. Probisyon sa Konstitusyong 1987 na nagtatakda sa wikang Filipino
bilang wikang pambansa.
__________________2. Siya ay naniniwalang ang wika ay hindi tunay na likas sapagkat ang
bawat wika raw ay dapat munang pag-aralan bago matutunan.
__________________3. Petsa kung kailan ipinroklama ang Tagalog bilang wikang Pambansa.
__________________4. Ito ang wikang naging batayan ng wikang pambansa dahil ito ay
tumutugma sa pamantayang binuo ng sangay na nagsusuri sa iba’t ibang wika o diyalekto sa
bansa.
__________________5. Ano ang ibigsabihin ng sa
__________________6. Petsa kung naging Filipino ang pangalan ang ating wikang pambansa.
__________________7. Ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.
__________________8. Ayon sa kanya ang wikang opisyal ay itinadhan ng batas na maging wika
sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.
__________________9. Kailan ipinahayag na ang wikang opisyal ng bansa ay tagalog at ingles
sa bisa ng batas komonwelt blg. 570.
__________________10. Magbigay ng isang pamantayan pangwika.

You might also like