You are on page 1of 13

WIKANG

OPISYAL AT
WIKANG
PANGTURO
Mrs. Christin E. Mendaros
Teacher II
WIKANG OPISYAL

Ayon kay Virgilio Almario (2014:12) ang


wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas
na maging wika sa opisyal na talastasan ng
pamahalaan.
Ibig sabihin, ito ang wikang
maaring gamitin sa anumang
uri ng komunikasyon, lalo na
sa anyong nakasulat , sa loob
at labas ng alinmang sangay o
ahensiya ng gobyerno
W I K A N G O P I S YA L
Ito ang opisyal na wikang ginagamit
sa pormal na edukasyon. Ito ang
wikang ginagamit sa pagtuturo at
pag-aaral sa mga eskwelahan at ang
wika sa pagsulat ng mga aklat at
kagamitang panturo sa mga silid-
aralan.

W I K A N G PA N T U R O
Ano-ano ang mga wikang ginagamit
bilang panturo sa loob ng silid-aralan?
Nakakatulong ba ang mga ito upang higit
nating maunawaan ang mga aralin at
aktibong makibahagi sa mga Gawain at
talakayan?
“Ukol sa layunin ng komunikasyon at
pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas
ay Filipino at, hangga’t walang ibang
itinadhana na batas, Ingles. Ang mga wikang
panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal
sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong na
mga wikang panturo noon.
Dapat itaguyod nang kusa at opisyal ang
Kastila at Arabic.”

Saligang Batas ng 1978, Artikulo XIV, Seksiyon 7


Sa pangakalahatan nga ay Filipino at
Ingles ang mga opisyal na wika at wikang
panturo sa mga paaralan.

Sa pagpasok ng K to 12 Curriculum, ang Mother


Tongue o unang wika ng mga mag-aaral ay naging
opisyal na wikang pangturo mula Kindergarten
hanggang Grade 3 sa pampubliko at pribado man.
Tinawag itong Mother Tongue-Based Multi-
Lingual Education (MTB-MLE).
“Ang paggamit ng wikang ginagamit
din sa tahanan sa mga unang baiting
ng pag-aaral ay makakatulong
mapaunlad ang wika at kaisipan ng
mga mag-aaral gayon din sa
kamalayang sosyo-kultural.”

Brother Armin Luistro, Former DepEd Secretary


Pinatunayan ng mga isinagawang pag-
aaral na local at internasyonal na ang
paggamit ng wikang kinagisnan sa mga
unang taon ng pag-aaral ay nakakalinang
sa mga mag-aaral na mas mabilis matuto
at umangkop sa pag-aaral ng pangalawang
wika (Tagalog) at maging ng ikatlong wika
(Ingles).
Noong mga unang taon ng pagpapatupad
ng K to 12 ay itinadhana ng DepEd ang
labindalawang local o panrehiyong wika at
diyalekto para magamit sa MTB-MLE.
Subalit noong taong 2013 ay nadagdagan
pa ito ng pito kayat labinsiyam na ang
wika at diyalekto na ginagamit.
Ito ay mga sumusunod: Tagalog,
Kapampangan, Pangasinense, Iloko,
Bikol, Cebuano, Hiligaynon, Waray,
Tausug, Maguindanaoan, Meranao,
Chavacano, Ybanag, Ivatan, Sambal,
Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at
Surigaonon.
Ang mga wika at diyalektong ito
ay ginagamit sa dalawang paraan:

(1) Bilang hiwalay na asignatura;


at
(2) Bilang wikang panturo.

You might also like