You are on page 1of 5

KLARISSE S.

JOSE
11- ABM TYCOON
1. Ano ang ibig-sabihin ng wikang opisyal? Paano nagiging opisyal ang wika?
SAGOT: Ang opisyal na wika ay isang wika o lengguahe na binigyan ng bukod-tanging
status sa Saligang Batas ng mga bansa, mga estado, at iba pang teritoryo, ito ang wikang
kadalasang ginagamit sa lehislatibong mga sangay ng bansa, bagama’t hinihiling din ng batas
maraming bansa na isalin din sa ibang wika ang mga dokumento ng gobyerno.
Ang isang wika ay nagiging opisyal dahil ito ay dumadaan sa maraming pag-aaral. Isa sa
nagiging basehan para maging opisyal ang isang wika ay kung makarami ang gumagamit
nito. Ayon naman kay Virgilio Almario ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na
maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan.

2. Ano-anong wika ang karaniwang ginagamit sa pagtuturo sa inyong paaralan?


SAGOT: Wikang Ingles, Filipino at kadalasan ay Akeanon din.

3. Sa iyong palagay, nakatutulong ba ang mga ito upang higit mong maunawaan ang iyong
mga aralin at aktibong makibahagi sa mga gawain at talakayan? Bakit oo o bakit hindi?
SAGOT: Oo, at hindi lang iyan ang naitulong ng wikang pambansa, ito rin ang nagbubuklod
sa ating mga Pilipino bilang isang mamamayan ng bansang Pilipinas. Kung wal ito ay hindi
tayo magkakaunawaan sa pagitan ng bawat wika.

4. Ano-ano naman ang ating mga opisyal na wika at wikang pampagtuturo alinsunod sa
itinadhana ng Saligang Batas.
SAGOT: Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing
pantulong na mga na mga wikang panturo roon

5. Ano ang MTB-MLE? Sa paanong paraan daw ito maaring makatulong sa mga mag-aaral
sa mga unang taon ng pagpasok nila sa paaralan?
SAGOT: Ang Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education. Ang paggamit ng wikang
ginagamit din sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang
wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatubay rin sa kanilang kamalayang sosyo-
kultural.

6. Sa iyong palagay, makatutulong mga kaya sa mga batang mag-aaral kung ang wikang
kinagisnan nila ang gagamiting wikang panturo sa kanila? Magbigay ng patunay.
SAGOT: Sa aking palagay ay makatutulong ito sa mga batang mag-aaral kung ang wikang
kinagisnan nila ang gamiting wikang panturo sa kanila.
Sa kanilang murang edad at isip, payak na wika muna ang gagamitin. Lahat ay dapat
magsimula sa simple hanggang sa maging mahirap. Mas magiging madali ang kanilang
pagkatuto sapagkat pamilyar na sa kanila ang wikang paglalahad ng leksyon.

7. Kung ikaw ay magkaka-anak balang araw, anong unang wika ang imumulat mo sa kanya
o kanila, ang wikang bang umiiral sa inyong lugar o wikang ingles? Ipaliwanag.
SAGOT: Kung ako ay magkaka-anak balang araw, ang unang wika na imumulat ko sa
kanya ay ang wikang umiiral sa aming lugar upang kahit bata pa lamang siya ay
magkakaintindihan sila ng mga taong nakakasalamuha nya at maaari namang maging
ikalawang wika ang Ingles.

You might also like