You are on page 1of 2

Angielica N.

Rabago

III- BSTM

1. Paano nalalabag ang batas tungkol sa paggamit ng Filipino bilang opisyal na wika? Sa iyong
pananaw,labag kaya sa konstitusyon ang pinaiiral na polisiyang “all –English” ng ilang paaralan?
Ipaliwanag.

Sagot:

Sa aking opinyon, nalalabag ang batas tungkol sa paggamit ng Filipino bilang opisyal na wika kung
ang mga tao ay hindi ito pinahahalagahan at itinatangkilik. Bagkus ay mas tinatankilik pa ang wikang
banyaga at mas ginagamit ito sa pang araw araw nilang pamumuhay.

Sa aking pananaw, labag sa konstitusyon ang pinaiiral na polisiyang "all-English" ng ilang paaralan
sapagakat ayon sa batas pangwika , nararapat lamang na hindi lang Engles ang gagamitin bagkus ay
dapat ring gamitin ang wikang Filipino sa paaralan. Sapagkat ito ay nagpapakita ng pagkikilala sa wikang
atin. Karagdagan dito ay nasasaad din sa batas na nararapat lamang na ituro ang Filipino sa paaralan
upang mapagyabong ang kasanayan ng bawal pilipino sa paggamit ng wikang Filipino at maunawaan nila
ang kahalagahan ng paggamit ng wikang ito.

2. Kung kabilang ka sa Kombensiyong Konstitutional na bumanalangkas ng Saligang Batas, ano ang


isusulong mong opisyal na wika? Bakit?

Sagot:

Sa aking pananaw, kung ako ay maging kabilang sa Kombensiyong Konstitutional na bumabalangkas


ng Saligang Batas ang isusulong kong opisyal na wika ay Filipino at Engles. Sapagkat mababakas natin sa
ating pangaraw- araw na pamumuhay na ang nabanggit kong dalwang wika ay syang madalas na
ginagamit ng mga tao sa pangaraw araw nilang pamumuhay. Karagdagan dito, kung may bagong wika na
magiging opisyal ay marahil maging hadlang ito sa pagkakaintindihan ng bawat isa sapagkat hindi lahat
ng tao ay sanay sa paggamit ng wikang ito.

3. Sang-ayon ka ba na tumanggap ang pambansang wika ng impluwensiya mula sa mga wikang nasa
labas ng bansa? Bakit oo bakit hindi? Patunayan.

Sagot:

Oo, sumasangayon ako na tumatanggap ang pambansang wika ng impluwensya mula sa mga wikang
nasa labas ng bansa sapagkat mababakas natin sa ilang mga Filipinong salita na pawang hiram lamang o
nakabase lamang sa wikang banyaga. Ilan sa mga halimbawa dito ay ang Spaghetti, siomai, shopao at
marami pang iba.

4. Sang ayon ka ba sa pagkakahirang ng Tagalog bilang batayan ng pambasang wika? Patunayan.


Sagot:

Oo, sangayon ako sa pagkakahirang ng tagalog bilang batayan ng pambansang wika sapagkat bago
paman ito mahirang na opisyal na wika, maraming pag aaral ang isinagawa upang malaman kung pinaka
karapat dapat ba ito na wika para sa bansa. Tiniyak din ng gobyerno na tama ang pagpili dito para sa
buong kapuluan at at nagbigyan daan ito sa pamamagitan ng pagsaalang- alang ng ibat' ibang salik.
Karagdagan dito, kung bibilangin at pagsasamasamahin ang bilang ng gumagamit ng wikang ito ay mas
higit na mataas sa bilang ng mga taong gumagamit ng ibang wika at mapapansin din natin na ang wikang
Filipino ay mas alam at sikat sa ibang bansa.

You might also like