You are on page 1of 9

KATANGIAN NG WIKA

Ang wika ay may iba't ibang katangian. Ito ay isa sa mga mahahalagang bagay na ibinigay
ng Diyos sa tao upang mabuhay nang may kabuluhan at makamit niya ang kanyang mga pangarap
at mithiin sa buhay.
Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay
sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.Mapapansing batay sa mga salitang
nakalahad sa itaas, tayo ay makabubuo ng isang pangungusap tulad ng: Si Sarah ay nag-aaral
nang mabuti upang makapasa sa eksamin.
Ang wikang ay sinasalitang tunog. Makabuluhan ang wika sapagkat ito ay nagtataglay ng tunog.
Subalit hindi lahat ng tunog ay wika sapagkat hindi lahat ng tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang
pinakamakabuluhang tunog ay may kahulugan. Sa tao, ang pinakamakabuluhang tunog na nilikha
natin ay ang tunog na salita. Ito rin ang kasangkapan ng komunikasyon sa halos lahat ng
pagkakataon. Tanging sinasalitang tunog lamang na nagmumula sa tao ang maituturing na wika.
Nilikha ito ng ating aparato sa pagsasalita na nagmumula sa hanging nanggagaling sa baga ng
nagdaraan sa pumapalag na bagay na siyang lumilikha ng tunog (artikulador) at minomodipika ng
ilong at bibig (resonador).
Ang wika ay pinipili at isinasaayos. Mahalaga sa isang nakikipagtalastasan na piliing mabuti at
isaayos ang mga salitang gagamitin upang makapagbigay ito ng malinaw na mensahe sa kausap.
Sa lahat ng pagkakataon, pinipili natin ang wikang ating gagamitin.
Ang wika ay arbitraryo. Ang isang taong walang kaugnayan sa komunidad ay hindi matututong
magsalita kung papaanong ang mga naninirahan sa komunidad na iyon ay nagsasalita sapagkat
ang esensya ng wika ay panlipunan.Ang pagiging "arbitrary" ng wika ay maari ring maiayon sa
konbensyunal na pagpapakahulugan ng salitang ginagamit. Walang kaugnayan ang salitang
ginagamit sa ipinakakahulugan nito. Isang halimbawa ay ang salitang "aso" sa ingles ang gamiting
salita ay "dog", sa Ilokano, ito ay "aso", sa Pangasinan ito ay "aso" maaaring pareho ang mga
salitang ginamit dahil ang mga gumagamit ng wika ay napagkayariang ito ang gamiting salita kaya't
ito ang pangkalahatang gamit sa salitang "aso"

Ang wika ay ginagamit. Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon at katulad ng iba pang
kasangkapan, kailangang patuloy itong ginagamit. Ang isang kasangkapang hindi ginagamit ay
nawawalan ng saysay.
Ang wika ay nakabatay sa kultura. Paanong nagkakaiba-iba ang wika sa daigdig? Ang sagot ay
makikita sa pagkakaiba-iba ng mga kultura ng mga bansa at pangkat. Ito ang paliwanag kung bakit
may mga kaisipan sa isang wika ang walang katumbas sa ibang wika. Pansinin natin ang
pagkakaiba ng wikang Filipino sa Ingles. Anu-ano ang iba't ibang anyo ng "ice formations" sa
Ingles? Ngunit ano ang katumbas ng mga iyon sa Filipino? Maaring yelo at niyebe lamang, ngunit
ano ang katumbas natin sa iba pa? Wala, dahil hindi naman bahagi sa ating kultura ang "glacier",
"icebergs", "forz", "hailstorm" at iba pa.
Ang wika ay nagbabago. Dinamiko ang wika. Hindi ito maaaring tumangging magbago. Ang isang
wika ay maaaring nadaragdagan ng mga bagong bokabularyo. Bunga ng pagiging malikhain ng
mga tao, maaaring sila ay nakalilikha ng mga bagong salita.
Ang wika ay komunikasyon. Ang tunay na wika ay wikang sinasalita. Ang wikang pasulat ay
paglalarawan lamang ng wikang sinasalita. Gamit ito sa pagbuo ng pangungusap. Walang
pangungusap kung walang salita.
Ang wika ay makapangyarihan. Maaaring maging kasangkapan upang labanan ang bagay na
salungat sa wastong pamamalakad at pagtrato sa tao. Isang halimbawa nito ay ang wastong
pamamalakad at pagtrato sa tao. Ang salita, sinulat man o sinabi ay isang lakas na humihigop sa
mundo. Ito ay nagpapatino o nagpapabaliw, bumubuo o nagwawasak, nagpapakilos o
nagpapahinto.
Ang wika ay kagila-gilalas. Bagama't ang pag-aaral ng wika ay isang agham, kayraming salita pa
rin ang kay hirap ipaliwanag.

KAHALAGAHAN NG WIKA
Mahalaga ang wika sapagkat: Ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon. Ginagamit
ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao. Sumasalamin ito
sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan. At isa itong mabuting kasangkapan sa
pagpapalaganap ng kaalaman.

ANTAS NG WIKA
1. Formal at di-formal di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang
formal naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
2. Lingua franca wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang
lingua franca ng mga tao
3. Kolokyal o lalawiganin wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano,
Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa.
4. balbal o pangkalye wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanyakanyang kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla halimbawa ang mga salitang
eklavush, erpat at ermat at cheverloo.
5. edukado/malalim wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa
gobyerno, sa korte at iba pang okasyong profesyunal

TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA


x. Teorya sa Tore ng Babel Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa
pagsasalaysay, noong umpisay iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa
nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatakwatak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at
sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang
wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo.

x. Teoryang Bow-wow Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong
umpisay ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok
at huni ng ibon.
x. Teoryang Ding-dong Maliban sa tunog ng hayop, ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng
kalikasan at paligid gaya ng pagtunog ng kampana, patak ng ulan at langitngit ng kawayan.
x. Teoryang Pooh-pooh Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit
ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at
paglalaan ng lakas.
x. Teoryang Yo-he-ho Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga
taong sama-samang nagtatrabaho.
x. Teoryang Yum-yum Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng
maestro ng musika at sa bawat kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa kanyang
labi.

PAMBANSANG WIKA
Sa kasaysayan ng Pilipinas ay pormal na nagkaroon ng banggit hinggil sa Wikang
Pambansa sa Saligang Batas ng Biak na Bato noong 1987. Dito nakasaad naang wikang Tagalog
ang magiging Opisyal Na Wika ng pamahalaang rebolusyonaryo. Ang Opisyal na Wika ay may
pagkakaiba sa Wikang Pambansa. Ang Opisyal na Wika ay ang wikang ginagamit sa mga opisyal
na transaksyon ng pamahalaan samantalangang Wikang Pambansa ay tumutukoy sa wikang
ginagamit sa pang-araw-araw na pamumuhayng mga mamamayan. Ang buhay ng unang
Republika ay hindi nagtagal dahil sa pagdating ng bagong mananakop ang mga Amerikano. Dito
ay sapilitan nilang ipinagamit ang isang wikangbanyaga Sa mga katutubo na nakakanlong sa
itinayo nilang public school system napinangunahan ng mga Thomasites.

OPISYAL NA WIKA
Ang mga unang naging tagapagturo ng mga Pilipino.Ipinag-utos sa ilalim ng pamumuno ng
mga Amerikano na gawing Opisyal na Wikang panturo ang wikang Ingles sa mga paaralan noong
1901 sa bisa ng Batas Blg. 74 sapamamagitan ng Philippine Commission. Dito nagkaroon ng hugis
ang Wikang Pambansa.Sa Artikulo 14, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 ay pormal na
inatasan angKongreso na magsagawa ng kaukulang hakbang hinggil sa pagkakaroon ng Wikang
Pambansana ibabatay sa mga umiiral na wika ng Pilipinas. Ito ang nagbigay-hugis sa
pagkakatatag ngSurian ng Wikang Pambansa na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino (KWF)
sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 184. Itoy naging possible sa pamamagitan ng pagsisikap nina
Eulogio Amang Rodriguez at Norberto Romualdez, mga dating miyembro ng Asembleya.
Naghirang ng lupon sa dating Pang. Manuel L. Quezon ng lupon ng mga eksperto na nagsagawa
ng pag-aaral hinggil sa pagpili ng Wikang Pambansa noong Enero 12, 1937. Ayon sa resolusyon
ng Surian ng Wikang Pambansa noong Nobyembre 9, 1937,ang wikang Tagalog ang nakatugon sa
mga inihaing pamantayan ng lupon kayat noong Disyembre 30, 1937 ay pinagtibay ni Pang.
Quezon ang naturang pasya sa bisa ng KautusangTagapagpaganap Blg. 134.Ipinahayag na
Tagalog ang opisyal na wika ng Pilipinas sa bisa ng Batas Komonwelt Blg. 570 nang idineklara ang
Kasarinlan ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946.Ipinag-utos naman ni dating Pang. Ramon Magsaysay
sa bisa ng Proklamasyon Blg. 12 noong Marso 26, 1954, ang pagdiriwang ng Linggo ng Wika mula
Marso 29 hanggang Abril 4 bilang paggunita sa kaarawan ni Francisco Balagtas subalit ito ay
nabago.
Ito ay naging Agosto 13-19 bilang parangal kay Pang. Manuel L. Quezon na tinaguriang Ama ng
Wikang Pambansa. Ito ay bisa ng Proklamasyon Blg. 186.

MGA URI NG BARAYTI NG WIKA


IDYOLEK-pampersonal na gamit ng wika, kadalasangyunik.

DAYALEK-nadedebelop sa rehiyong kinabibilangan.


SOSYOLEK-pansamantalang barayti.
ETNOLEK-nadedebelop mula sa mga salita ng mgaetnolonggwistikong grupo.
EKOLEK-kadalasang mula o sinasalita sa loob ng bahay.PIDGIN-wikang walang pormal na
estruktura.
CREOLE-nadedebelop ang pormal na estruktura.
REJISTER-wikang espesyalisadong nagagamit sa isang partikular na domeyn.

MGA GAMIT NG WIKA


Isa sa mga iskolar ng wika na nagpakadalubhasa sa komunikasyon ng taoo ay si Michael
Alexander Kirkwood Halliday. Isinailang noong 1925 sa Leeds, England, nag-aral si halliday ng
wika at paniitikan tsino sa London university bago tumungong tsina para pagaralan ang
lingguwistikong tsino. Nakasulat na siya ng mahigit 270 aklat at artikulo tungkol sa lingguwistika at
nagging tagapanayan sa maraming komperensiya sa wika sa ibat-ibang panig ng daigdig. Isa sa
pinakamahalagang ambag niya rito ay ang systemic functional linguistics na nagsasaad na kaya
nilikha ang wika dahil may mga tungkulin dapat gampanan ang tao. Ayon kay halliday ang
pagunlad ng wika ay dumaraan sa tatlong antas: Ang antas ng protowika, ang Antas ng
transisyonal, at ang Antas ng maunlad na wika.
Antas ng Protowika ito ay ang kilos na may tiyak na ibig sabihin at siyang unang ginagamit ng
mga sanggol upang maintindihan ng kapwa habang hindi kayang magsalita ang unang yugto ng
pagunlad ng wika.
Interaksyonal
- nakapagpapanatili, nakapagpapatatagng relasyong sosyal.
Instrumental
- tumutugon sa mga pangangailangan.
Regulatori
- kumokontrol, gumagabay sa kilos/asal ngiba.
Personal
- nakapagpapahayag ng sariling damdamin oopinyon.

Antas ng Transisyonal ito ay ang yugtong nagsisillbing tagapamagitan ng antas na hindi pa


makapagsalita ang sanggol at kumikilos pa lamang at ang pinakamataas na antas o kung sanay na
siyang magsalita sa unang wika. Ang protowikang unang ginamit ng sanggol ay napapalitan nan g
wikang leksikogramatiko.
Imajinativ
- nakapagpapahayag ng imahinasyon samalikhaing paraan.
Heuristik
- naghahanap ng mga informasyon/datos.
Informativ
- nagbibigay ng informasyon/datos.
Antas ng Maunlad na Wika dito ay dire-diretso nang nakapagsasalita ang isang tao gamit ang
kaniyang unang wika.

MGA KONSEPTONG PANGWIKA


BILINGGUWALISMO Ito ay isang kosepto na agad na nabubuo sa isip at may kakayahang
gumamit ng dalawang wika. Ipinatupad ng pamahalaan ang Patakaran sa Edukasyong Bilingguwal
noong 1947 na niresiba noong 1987. Ayon kay Colin Baker isang author sa kanyang aklat na
Foundations of Bilingual Education and Bilingualism noong 2011, na ang ganitong saradong
depinisyon ng bilingguwalismo ay Problematiko. Ang bilingguwalismo ay may ibat ibang uri at
antas. Maaring maging bilingguwal ang isang tao sa maraming paraan. Ayon naman kay Suzanne
Romaine na siyang sumulat ng artikulong Bilingual Language Development noong 1999, tinukoy
niya ang mga uri ng bilingguwalismo sa mga bata. Inilatag sa kanyang pagsusuri ang lahat ng
posibleng matuto ang isang bata ng ikalawang wika at makalinang ng bilingguwalismo.
ONE-PERSON, ONE-LANGUAGE. Dito, magkaibang unang wika ang mga magulang bagamat
kahit paano ay nakapagsasalita sila ng wika ng isa ang isa.
NON-DOMINANT HOME LANGUAGE/ONE-LANGUAGE, ONE ENVIRONMENT. Dito, may
kani-kaniya pa ring unang wika ang ama at ina, at isa sa mga ito ang dominenteng wika ng
pamayanan.

NON-DOMINANT LANGUAGE WITHOUT COMMUNITY SUPPORT. Dito, magkatulad ang


unang wika ng mga magulang ngunit ang dominenteng wika sa pamayanan ay hindi ang sakanila.
DOUBLE NON-DOMINANT LANGUAGE WITHOUT COMMUNITY SUPPORT Dito, may kaniyakaniyang unang wika ang mga magulang ngunit ang dominenteng wika sa pamayanan ay hindi
ang alinman sakanila.
NON-DOMINANT PARENTS. Dito, pareho ng unang wika ang mga magulang, ang wika din nila
ang dominanteng wika sa pamayanan.
MIXED. Sa ganitong uri, bilingguwal ang mga magulang. Kapag kinakausap ng mga magulang
ang bata napapalit-palit sila ng wika.
MULTILINGGUWALISMO Ito ay ang kakayahang makagamit ng dalawa o higit pang wika. Ayon
kay Grosjean, may multilingguwalismo sa bawat bansa sa daigdig, anuman ang antas ng
panlipunan o edad. Dagdag pa ni Tucker, lalong marami ang batang bilingguwal o multilingguwal
kaysa monolingguwal at marami sa kanila ang naturuan gamit ang ikalawang wika o natuto nito sa
kanilang pag-aaral, kaysa sa natuuruan gamit ang purong unang wika lamang. Ayon kay Baker
may mga dimension ng bilingguwalismo at multilingguwalismo.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.

KAKAYAHAN
GAMIT
BALANSE NG WIKA
GULANG
PAGUNLAD
KULTURA
KONTEKSTO
PARAAN NG PAGKATUTO

PAMBANSANG WIKA SA PANAHON NG ESPANYOL


Ano ang wika? Ang wika ay ang pangunahing kasangkapan upang maipahayag ang kaisipan at
saloobin. Wika ang ginagamit ng anumang henerasyon sa kodipikasyon ng mga kaalamang
natuklasan nila at sa pagsalin ng mga ito sa kasunod na salinlahi. Wika ang gamit ng tao sa
pagbuo ng mga batas na kokontrol sa kilos at titiyak ng kaayusan. Wika ang gamit sa

pakikipagkalakalan upang maisara ang mga transaksiyon; sa medisina, upang matukoy ng


manggagamot ang sakit ng pasyente at maipaliwanag dito ang lunas; sarelihiyon, upang
maipahayag ng mga sumasamba ang kanilang pananampalataya; at sa edukasyon, upang
mabisang makapagtalastasan ang guro at estudyante. Wika ang nagtititik ng panitikan,
kasaysayan, sining, at mga agham.

You might also like