You are on page 1of 3

Wika

I. Kahulugan- Ang wika ay isang sistemang komunikasyon na madalas ginagamit ng tao


sa isang partikular na lugar. Ito rin ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan at kalipunan
ng mga signo, tunog at mga kadugtong na batas para maiulat ang nais sabihin ng
kaisipan. Ginagamit ang sistemang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa
paraan ng pagsasalita at pagsusulat.

II. Katangian

1. Ang wika ay masistemang balangkas


- Isinaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan para makabuo ng
makahulugang bahagi tulad ng salita, parirala, pangungusap at panayam.

2. Ang wika ay sinasalitang tunog


- Ito ay sinasalita na galing sa magkasunud-sunod na tunog na humuhugis sa
paraan ng mga iba’t ibang kasangkapan sa pagsasalita na tinatawag na mga
bahagi ng pagsasalita o speech organs.
o Mga patinig: / a, e, i, o, u /
o Mga katinig: / b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, w, y /

3. Ang wika ay arbitraryon simbolo ng mga tunog


- Ang mga salita ay tumututok sa mga salitang simbolo. Napapaloob sa
katawagang ito ang dualismo na isang pananagaisag at isang kahulugan.

4. Ang wika ay komunikasyon


- Muli, ito ay kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang nag-uusap na
mga tao. Sa ganitong paraan, maipapahayag ang mga damdamin, kaisipan,
pangarap, imahinasyon, layunin, at pangangailangan ng tao.

5. Ang wika ay pantao


- Ang wika ay isang eksklusibong pag-aari ng mga tao nga sila mismong lumikha
at sila rin ang gumagamit. Dala-dala ng mga tao nito bilang kasangkapan ng
pakikipagtalastasan.

6. Ang wika ay kaugnay ng kultura


- Taglay nito ang kultura ng lipunang pinagmumulan nito. Ang sining, panitikan,
karunungan, kaugalian, kinagawain at paniniwala ng mamamayan ang bumubuo
ng kultura.

7. Ang wika ay ginagamit


- Kailangan itong gamitin na instrumento sa komunikasyon. Unti-unting mawawala
ito kapag hindi ginagamit.

8. Ang wika ay natatangi


- May kaibahan ang bawat wika sa ibang wika. Walng dalawang wika na
magkatulad. Ang bawat wika ay may sariling sistema ng palatunugan,
palabuuan, at palaugnayan; at may sariling set ng mga bahagi.

9. Ang wika ay dinamiko


- Ito ay buhay at patuloy sa pagbabago nang dahil sa patuloy rin na nagbabago
ang pamumuhay ng tao at iniangkop ang wika sa mabilis na tkbo ng buhay na
dulot ng agham at teknolohiya.

10. Ang wika ay malikhain


- Ang anumang wika ay may abilidad na makabuo ng walang katapusang dami ng
pangungusap.

III. Kalikasan

1. Pinagsama-samang tunog- Dahil sa binigyan ng simbolo (letra) ang mga tunog, ang
pagsasama-samang ito ay lumilikha ng mga salita.

2. May gramatikal na istraktura


a. Ang ponolohiya (pagsasama-sama ng tunog upang bumuo ng salita).
b. Ang morpolohiya (pagbubuo ng mga salita).
c. Sintaks (pagsasama-sama ng salita upang bumuo ng pangungusap).
d. Semantiks (ang kahulugan ng mga salita at pangungusap).
e. Pragmatiks na nagpapaliwanag sa pagkakasunod sunod ng pangungusap
(sequence of sentence).
f. Sa partisipasyon sa isang konbersasyon.
g. Sa antisipasyon ng mga impormasyon na kailangan ng tagapagsalita.

3. Sistemang oral-awral- Sistemang sensora sa pisikal na tao, pasalita (oral), pakikinig


(awral), dalawang mahalagang organo (bibig at tainga) na nagbibigay hugis sa mga
tunog na napapakinggan.

4. Pagkawala o estinksyong wika- Maaaring mawala kapag di ginagamit o wala ng


gumagamit

5. Iba- iba, daybersifayd, ingigenus- Dahil sa iba't iba ang kultura ng pinagmulang lahi ng
tao, ang wika ay iba-iba sa lahat ng tao sa lahat ng panig ng mundo. May etnograpikong
pagkakaiba sapagkat napakaraming minoryang grupo (ethnic group) ang mga lahi o lipi.

IV. Mga Teorya

1. Teoryang Bow-wow- Isang teoryang ginagayaang mga tunog na nililikha ng mga


hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok, atbp.; at ng mga tunog ng kalikasan kaya
ng ihip ng hangin, patak ng ulan, atbp.
2. Teoryang Ding-dong- Itinutukoy nito ang mga sariling tunog ng lahat ng bagay sa
kapaligiran tulad ng tsug-tsug ng tren o tik-tak ng orasan.

3. Teoryang Pooh-pooh- Tinutukoy nito sa mga paggamit ng bibig, na kung saan nililikha
ang mga tunog na galing sa dala ng emosyon tulad nga saya, lungkot, galit, atbp.

4. Teoryang Ta-ra-ra Boom De Ay- Ang teoryang ito ay nagsasabi na ang wika ng tao ay
galing sa mga tunog na nilikha sa mga ritwal na nagbabagu-bago at binigyan ng ibang
kahulugan katulat ng pagsayaw, pagtatanim, atbp.

5. Teoryang Sing-song- Isang teorya na kung saan ang mga unang salita ay mahaba at
musikal, at hindi maiikling bulalas na pinaniniwalaan ng marami.

6. Teoryang Biblikal- Ito ay mula sa Biblia sa Genesis 11: 1-8 na nagsasabii na ang
buong lupa ay iisang wika at iisang mga salita,

7. Teoryang Yoo He Yo- Ayon kay A.S Diamond, ang tao ay natutong magsalita bunga
ng kaniyang puwersang pisikal.

8. Teoryang Ta-ta- Galing sa wikang Pranses, ito ay nangahulugang paalam sapagkat


kapag ang isang tao ay nagpapaalam, siya ay kumakampay ang kamay nang pataas o
pababa.

9. Teoryang Mama- Tinutukoy ito sa unang sinabil ng sanggol, na dahil hindi niya
masabi ang salitang ina o ang Ingles na mother, sinabi niyang mama kapalit sa mother.

10. Teoryang Hey you!- Ayon sa linggwistang si Revesz, nagmula ang wika sa mga
tunog na nagbabadya ng pagkakakilanlan (Ako!) at pagkakabilang (Tayo!).
Napapabulalas din tayo bilang pagbabadya ng takot, galit o sakit (Saklolo!). Tinatawag
din itong teoryang kontak.

11. Teoryang Coo coo- Tinutukoy nito sa mga tunog na nalilikha ng mga sanggol na
ginagaya ng mga matatanda bilang pagpapangalan sa mga bagay-bagay sa paligid.

12. Teoryang Babble Lucky- Ayon sa teoryang ito, nagmula ang wika sa mga walang
kahulugang bulalas ng mga tao na nasuwertehang nakalikha at iniugnay sa mga bagay-
bagay sa paligid.

13. Teoryang Hocus Pocus- Ayon kay Boree, ang pinanggalingan ng wika ay tulad ng
pinanggalingan ng mga mahikal o relihiyosong aspeto ng pamumuhay ng ating mga
ninuno.

14. Teoryang Eureka!- Ayon rin kay Boree, ang ating mga ninuno ay may ideya ng
pagtatakda ng mga arbitraryong tunog upang ipakahulugan sa mga tiyak na bagay.
Nang nalika ang mga ideyang iyon, mabilis na iyong kumalat sa iba pang tao at naging
kalakaran sa pagpapangalan ng mga bagay- bagay.

You might also like