You are on page 1of 11

TEKSTONG IMPORMATIBO

Layunin

1. Natutukoy ang tekstong nasa anyong impormatibo


2. Nakikilala ang kaibahan ng tekstong impormatibo sa ibang uri ng
teksto
3. Natutukoy ang mga salita ayon sa formalidad na gamit,
4. Nagagamit ang cohesive device sa pagsulat ng halimbawang teksto

Panimula

Ang bawat babasahin o sulatin ay mahalagang sangkap sa pagkatuto ng isang


indibidwal, halimbawa nito ay mga uri ng teksto kung saan kabilang ang
aralin natin ngayon ang Tekstong Impormatibo, sa katawagan pa lamang sa
teksto ay mahihinuha na ninyo kung ano ang pangunahing layunin ng isang
manunulat sa pagsulat ng ganitong uri ng babasahin. Tuklasin ninyo ang
kaalaman sa likos ng Tekstong Impormatibo.

TEKSTONG IMPORMATIBO

 Nagbibigay ng tiyak na impormasyon kaugnay sa isang tao, bagay


lugar o pangyayari.
 Nagpapahayag ng mahalagang impormasyon tungkol sa paksang
tinatalakay
 Malinaw na naglalahad ng mga bagay-bagay upang malinaw na
maibahagi ang impormasyong nararapat na malaman ng mambabasa
 Sinasabing sinasalungat ng tekstong impormatibo ang Argumentativ
sapagkat hindi nagbibigay ng pinyon o pabor sa paksang tinatalakay,
kadalasan itong naglalahad ng mga datos ng obhetibo ( objective)
 Kaaniwan itong sumasagot sa tanong na ano, sino at paano,
patungkol sa paksa
 Halimbawa;

Para sa katanungang Ano;

 Ano ang mga benipisyo ng bagong Sistema ng Edukasyon, Ang k-


12?
Halimbawa:

Mga Benepisyo sa K-12

Pinaluwag ng pinagyamang kurikulum ang akademikong gawain. Layunin nitong


linangin ang mga mag-aaral sa lahat ng aspeto. Bilang katunayan bibigyan nito ang
mga mag-aaral ng higit maraming oras upang linangin ang kani-kanilang mga
kakayahan upang makabahagi sa co-curricular activities at makisangkot sa
aktibidad sa lipunan.

Sa K-12. Ang ating graduates ay higit na handa sa pagpasok sa lalong mataas na


edukasyon. Sa loob ng programa ay magtataglay sila ng mga kasanayan at
kakayahang akma sa pangangailangan ng job market. Magkakaroon sila ng
certification sa larangan ng espesyalisasyon gayundin, dahik sa K-12 ay kikilalanin
na sa ibang bansa ang Filipino professionals. Ang K-12 ay makatutulong din upang
umangat ang ating ekonomiya. Pinatutunayan ng ilang pag-aaral na ang
pagpapaunlad sa kalidad ng edukasyon ay nakapagpapaangat sa GDP growth
hanggang 2%. Mabisang sandigan sa pangmatagalang socio-economic
development ang lipunang dumaan sa de kalidad na edukasyon.

Para sa Katanungang Sino:

 Sino sa mga kandidata ng Miss Earth 2016 ang nagwagi?


 Sino si Henry Sy
Buhay at Tagumpay ng Henry Sy

Madalas Makita sa magarang tindahan ng SM Makati ang may-ari nito, na walang


iba kundi si Henry Sy. Konserbatibo siyang manumit, ngunit elegante na
nagpapaiba sa kanya sa karamihan.

Sinasabi ng karamihan na ang SM ay isang lugar upang makapag-shopping;


ipinangmalaki rin ang bangko, at ang fast food sa loob nito.

Sino ang mga-aakalan na may-ari nito, na nagbuhat sa China at dumating sa


pilipinas sa dad na labindalawa, ay nagsimulang magtrabaho sa tindahan sari-sari
ng kanyang ama.

Ayon sa pagsasalaysay ng nakipanayam sa opisina ni G.Sy sa Makati Stock


Exchange Bldg., ang kanyang opisina ay angkop sa pinuno na may sampung
korporasyon. Larawan siya ng mapayapang tao. Pangkaraniwan ang kasuotan,
wala siya kahit anong alahas, kuntento siya bilang tao, at nararamdaman niyang di
kailangan ng ano man sa katawan, bilang simbolo ng kayamanan.

Kung pag-uusapan ang kabataan, tinawag niya ang kanyang sarili na


mapangarapin. Madalas na pangarap niya ang magbiyahe sa buong mundo at sa
pag-asa na maging totoo, sumali siya sa navy. Ang pangarap niya na
makapagbiyahe sa buong mundo ay natupad. Nagbiyahe siya sa Japan, Amerika at
Europa para sa fashion shows upang kumuha ng ideya para sa kanyang tindahan.

Kung babalikan ang kanyang pagtitinda ng sapatos ,nagdanas siya ng kahirapan


noong panahonng Hapon. Nawala ang lahat halos ng kanyang pinaghirapan.Ang
kaginhawaan ay bumalik sa Pilipinas matapos ang liberasyon. Iniisip niya ang
pangangailangan ng sapatos. Nagbukas siya ng kanyang unang tindahan ng
sapatos. Nang lumabas ito, muli siyang nagbukas ng marami, sa pag-asa na ito ay
makarating pa ng Amerika. Matapos siyang makapagbukas ng anim na tindahan,
nabigo siya sapagkat kulang na ang magdadala sa kanya ng sapatos na kailangan
ng kanyang tindahan.

Inilipat niya ito sa damit, kasama na ang lakas at tibay ng loob. Ang unang
"Shoemart" ay binuksan sa Rizal Avenue sa Maynila noong 1958. Marami na
siyang tindahang itinayo, subalit may plano siyang magtayo ng higit na malaki,
80,000 metrong parisukat ang luwang at limang palapag. Ito ang magiging
pinakamalaking tindahan sa Southeast Asia. Ayaw pa niyang ipaalam ang kanyang
pangarap hangga't di pa ito nagsisimula.
Dala ng kanyang malaki at mataas na layunin, siya ay nagsimula ng matataas na
gusali sa bansa, sa Makati Tuscany sa Ayala Avenue, kinalalagyan ng magagara
at malalaking bahay. Apartament at istudyo. Marami raw siyang pangarap at
gusto niyang matupad ito.

Pinayuhan niya ang mga gustong tumulad sa kanya. Huwag mahihiya, dapat
malakas, hindi mahina. May kakayahan na lumaban kung sakaling malugi sa
negosyo. Magtrabaho ng 8 hanggang 10 oras araw-araw, 7 araw sa isang linggo.
Nakatatanggap daw siya ng kasiyahan sa gawain. Hindi raw siya magagandang
nagtratrabaho dahilan sa pera, seguridad, lakas at pagkakaroon ng bagay, bagkus
para sa katuparan ng pangarap at pag-asa. Ang isang tao na apat na oras
nagtratrabaho at ikaw ay labindalawa, kahit mahusay siya, tatlong beses kang
nagunguna sa kanya, higit kang mangunguna.

Bagama't ninais niyang tumigil matapos ang edad limampu, naramdaman niya
ang pangangailangan na magpatuloy siya sa gawain, dahil ang mga lumilinang
ng SM ay pumipili ng magandang lugar. Ang mga tao naman ay tinatangkilik
ang SM at ang mga nagdadala ng paninda ay patuloy pa.

Ang huling payo niya ay magkaroon ng plano. Ipagpatuloy ang trabaho,


magkaroon ng tamang desisyon at wastong pakikibagay sa mga pangyayari.
Hindi siya umaasa sa swerte. Nagsalita siya sa mga bagay na praktikal, hindi
lang batay sa teknikal.

Si Henry Sy ay walang takot sa malaking pangarap na hindi ginagawa ng


maraming tao. Ginawa niyang makatotohanang libu-libong tao araw-araw ang
nakikibahagi sa SM.

Para sa katanungang Paano:

 Paano nagkakaroon ng Pangulo ang isang Republikang Bansa?


 Paano nabubuo ang Bagyo?
Signal no. 2 sa ilang lugar kay Marce

(Pilipino Star Ngayon) | Updated November 25, 2016 - 12:12pm

MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong “Marce” ang lakas nito habang


tinutumbok ang lalawigan ng Capiz ayon sa state weather bureau ngayong
Biyernes.

Huling namataan ng PAGASA ang pang-13 bagyo ngayong taon sa 90


kilometro kanluran timog-kanluran ng Roxas City kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay ni Marce ang lakas na 65 kilometers per hour at bugsong aabot sa 110
kph, hababg gumagalaw sa bilis na 22 kph.

Nakataas ang storm warning signal number 2 sa mga sumusunod na lugar:

Romblon

Calamian Group of Islands

Southern Occidental Mindoro

Southern Oriental Mindoro

Iloilo

Capiz

Aklan

Northern Antique

Signal number 1 naman sa:

Northern Palawan kabilang ang Cuyo Island

Nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro

Nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang Island

Masbate kabilang ang Burias at Ticao Island

Negros Occidental

Nalalabing bahagi ng Antique

Guimaras
 May ilang mahahalagang konseptong dapat tandaan upang makilala
ang tekstong impomatibo.
1. Ang tekstong impomatibo ay naglalayong maglahad ng mga
tiyak na impormasyon, at mahalagang detalye na may lohikal
na paghahanay.
2. Isang tiyak na paksa na lamang ang tinatalakay nito. kung
magkaroon ng kauganay na paksa, dapat na makita ito sa
kasunod na talata.
3. 3. Sa pagbasa ng Tekstong Impormatib, magkaroon ng focus
sa mga impormasyong
ipinnapahayag. isulat kung kinakailangan.
4. Sa pagsulat ng tekstong impormatib, tandaang ihanay nang
maayos ang mga salita, piliing mabuti ang mga tiyak at
mahahalagang salita lamang.

 Upang mailahad ang layon ng tekstong impormatib, makikita batay


sa pagkakabuo ng bawat

detalye ay ginagamitan ng formal na gamit ng salita. nahahat ito sa


dalawang uri:

 Formal- itinuturing na pinakamataas na antas ng


wika, karaniwan itong gamit sa pakikipagtalastasan ng
mga propesyunal o mga nakapag-aral.gayundin ang
mga nagpakadalubhasa sap ag-aaral ng wika.

A. Pambansa- uri ng wikang sinasalita sa paaralan, tanggapan ng


pamahalaan, sa pagsulat ng kontitusyon, sa simbahan, sa mga pagpupulong
sa kongreso at senado at maging sa Palasyo ng Malacañang.

Halimbawa: Anak, Tahanan, Pangulo

B. Pampanitikan- wikang ginagamit sa mga akdang pampanitikan upang


maging masining, malikhain, matalinghaga ang paglalahad o pagpapahayag.

Halimbawa:

Bunga ng Pag-ibig
Palasyo ng Pag-ibig
Ama ng Bansa

 Informal- wikang sinasalita sa ordinaryong pakikipag-


komunikasyon.

A. kolokyal- ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit


nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan
ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /lika/ para sa 'halika', /pre/ para sa
'pare'

B. Lalawiganin- wikang gamit sa isang pook o lipon ng mga tao,


tinatawag itong dayalekto sa kasalukuyan. halimbawa na rito ang
Batangeño, Chavacano, Tausug, Cebuano, Ilonggo, Visaya at iba pa.
Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang
lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang
lalawigan.

Halimbawa: Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)


Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Mag-urong (maghugas!)

C. Balbal- tinuturing na pinakamababang uri ng wika, karaniwang


gamit ng mga taong walang pormal na edukasyon.

Halimbawa:

Chicks (dalagang bata pa)

Osip (piso)

Pinoy (Pilipino)

Formal ang gamit ng wika kapag ang mga salita at pahayag na ginamit ay pinili at
maayos na inihanay upang mailahad ang ideya samatalang

Di-formal kapag ang mga salita o pahayag ay karaniwang ginagamit sa pang-araw-


araw na pamumuhay ito ang anyo ng salita sa pinakagamitin ng bawat indibidwal
TEKSTONG DESKRIPTIBO (DESKRIPTIV)

Deskriptiv ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga


impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar
at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao,
kalimitang tumutugon sa tanong na Ano.

Layunin

 Naglalayong ilarawan ang pisikal na katangian ng mga pangunahing


tauhan at ang ilang mga bagay.

Kahulugan

 Deskriptiv ang teksto kung naglalarawan ito ng isang viswal na


konsepto tungkol sa isang tao, bagay, pook o pangyayari.
 Maaring nagbibigay rin ito ng maws malalim na paglalarawan sa
kabuuan ng bagay o ng isang pangyayari.

Mga Halimbawa:

1. Paglalarawan ng Tao

a. Masisipag at matitiyaga sa Gawain ang mga Asyano

b. Marami sa mga Asyano, tulad ng Hapones at


Koreano ay eksperto sa teknolohiya.

2. Paglalarawan ng Lugar

a. Dahil sa pinakamaunlad na bansan ang hapon,


itinuturing itong “higante” sa Asya.

b. May mga bansa sa Asya na kahit na mayaman sa


mga likas na yaman ay di-ganong maunlad kung
ihahambing sa mga karatig bansa na may kakaunting
likas na yaman.
3. Paglalarawan ng Bagay

a. Matataba ang mga produktong maaani sa maraming


lupain sa mga bansang Asyano.

b. Mataas ang kalidad ng mga panindang iniluluwas


ng mga bansang Asyano sa ilang karatig bansa sa
Asya.

4. Paglalarawan ng Pangyayari

a. Umunlad ang industriya sa Asya dahil sa pagtuklas


at pagpapaunlad ng Agham at teknolohiya.

b. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya, sadyang


gumaan ang mga gawain at higit na dumami ang
produksyon.

Kahalagahan ng Tekstong Deskriptiv

Mahalaga ang tekstong deskriptiv dahil sa tekstong ito ay nagbibigay


katangian ang mga tao, pangyayare at ang mga iba’t ibang bagay, kung wala
ito ay hindi tayo makakakuha ng isang malinaw na imahe o tingin sa mga
bagay na binibigyan ng katangian.
Humanities and Social Science Strand

PAGBASA AT PAGSUSURI SA IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO


SA PANANALIKSIK (FILI-122)

TEKSTONG IMPORMATIBO

AT

TEKSTONG DESKRIPTIBO (DISKRIPTIV)

MA. DOROTHY LYKA F. SARCIA

HUMSS 2AA

You might also like