You are on page 1of 19

02 Pagtukoy ng Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang Salitang

Ginagamit ng Iba't Ibang Uri ng Tekstong Binasa - Tekstong


Impormatibo

Ang bawat babasahin o sulatin ay mahalagang sangkap sa pagkatuto ng isang


indibidwal, gaya ng uri ng teksto kung saan kabilang ang aralin natin ngayon ang
Tekstong Impormatibo, sa katawagan pa lamang sa teksto ay mahihinuha na ninyo
kung ano ang pangunahing layunin ng isang manunulat sa pagsulat ng ganitong uri ng
babasahin. Tuklasin ninyo ang kaalaman sa likos ng Tekstong Impormatibo.

Ang tekstong impormatibo, na kung minsan ay tinatawag ding ekspositori, ay


isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong magpaliwanag at magbigay ng
impormasyon. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang tanong na ano, kailan,
saan, sino at paano. Pangunahing layunin ng impormatibong teksto ang magpaliwanag
ng mambabasa ng anumang paksa na matatagpuan sa tunay na daigdig. Kaiba sa
piksyon, naglalahad ito ng mga kwento ng mga tunay na tao o nagpapaliwanag ng mga
konseptong nakabatay sa mga tunay na pangyayari.

Ito rin ay naglalahad ng mga bagong kaalaman, pangyayari, paniniwala, at mga


impormasyon. Ang mga kaalaman ay sistematikong nakaayos at inilalahad nang buong
linaw upang lubos na maunawaan. Kadalasang sinasagot nito ang mga batayang
tanong na ano, kailan, saan, sino, at paano. Layunin nito na maging daluyan ng
makatotohanang impormasyon para sa mga mambabasa, sapagkat marami ang
nagtitiwala na may katiyakan ang mga impormasyon sa mga ganitong uri ng
teksto. Naniniwala ang mga mambabasa na ang tekstong kanilang binabasa ay
nakapagbibigay liwanag sa mga katanungan sa kanilang isipan. Naglalahad ito ng mga
pangyayari at karanasan ng mga tao. Nakapagpapaliwanag din ito ng mga konseptong
nakabatay sa mga tunay na pangyayari at kapakipakinabang ang mga impormasyong
inilalahad nito. Mahalaga ang pagbabasa ng mga tekstong nagbibigay ng impormasyon
sapagkat napauunlad nito ang iba pang kasanayang pangwika gaya ng pagbabasa,
pagtatala, pagtukoy ng mga mahahalagang detalye, at pagpapakahulugan ng
impormasyon. Halimbawa nito ay pagbabasa ng peryodiko, pakikinig at panonood ng
balita, mga kasaysayan, adbertismo at iba pa.

Ang ilang tiyak na halimbawa ng tekstong impormatibo ay bayograpiya,


mga impormasyon na matatagpuan sa diskyunaryo, encyclopedia,
o almanac, papel-pananaliksik sa mga journal, siyentipikong ulat, at mga balita sa
dyaryo.

Upang mas madaling maunawaan ang anumang tekstong impormatibo,


kadalasang gumagamit ang mga manunulat ng iba’t ibang pantulong upang gabayan
ang mambabasa na mabilis na hanapin ang iba’t ibang impormasyon.
Kabilang dito ay ang:

1. Talaan ng nilalaman
2. Index
3. Glosaryo para sa mahalagang bokabolaryo
4. Larawan at ilustrasyon
5. Kapsyon
6. Palatandaan para sa mga lawawan, graph, at talahayan

Sa madaling salita ang tekstong impormatibo ay:

 Nagbibigay ng tiyak na impormasyon kaugnay sa isang tao, bagay


lugar o pangyayari.
 Nagpapahayag ng mahalagang impormasyon tungkol sa paksang
tinatalakay
 Malinaw na naglalahad ng mga bagay-bagay upang malinaw na
maibahagi ang impormasyong nararapat na malaman ng
mambabasa
 Sinasabing sinasalungat ng tekstong impormatibo ang
Argumentatibo sapagkat hindi nagbibigay ng opinyon o pabor sa
paksang tinatalakay, kadalasan itong naglalahad ng mga datos ng
obhetibo (objective)
 Kaaniwan itong sumasagot sa tanong na ano, sino at paano,
patungkol sa paksa
 Halimbawa;

Para sa katanungang Ano;

 Ano ang mga benipisyo ng bagong Sistema ng Edukasyon, Ang k-


12?

Halimbawa:
Mga Benepisyo sa K-12

Pinaluwag ng pinagyamang kurikulum ang akademikong gawain. Layunin nitong


linangin ang mga mag-aaral sa lahat ng aspeto. Bilang katunayan bibigyan nito ang
mga mag-aaral ng higit maraming oras upang linangin ang kani-kanilang mga
kakayahan upang makabahagi sa co-curricular activities at makisangkot sa aktibidad
sa lipunan.

Sa K-12. Ang ating graduates ay higit na handa sa pagpasok sa lalong mataas


na edukasyon. Sa loob ng programa ay magtataglay sila ng mga kasanayan at
kakayahang akma sa pangangailangan ng job market. Magkakaroon sila ng
certification sa larangan ng espesyalisasyon gayundin, dahik sa K-12 ay kikilalanin na
sa ibang bansa ang Filipino professionals. Ang K-12 ay makatutulong din upang
umangat ang ating ekonomiya. Pinatutunayan ng ilang pag-aaral na ang pagpapaunlad
sa kalidad ng edukasyon ay nakapagpapaangat sa GDP growth hanggang 2%.
Mabisang sandigan sa pangmatagalang socio-economic development ang lipunang
dumaan sa de kalidad na edukasyon.

Para sa Katanungang Sino:

 Sino sa mga kandidata ng Miss Earth 2016 ang nagwagi?


 Sino si Henry Sy

Halimbawa:

Buhay at Tagumpay ng Henry Sy

Madalas makita sa magarang tindahan ng SM Makati ang may-ari nito, na walang iba
kundi si Henry Sy. Konserbatibo siyang manumit, ngunit elegante na nagpapaiba sa kanya sa
karamihan.

Sinasabi ng karamihan na ang SM ay isang lugar upang makapag-shopping;


ipinangmalaki rin ang bangko, at ang fast food sa loob nito.

Sino ang mga-aakalang na may-ari nito, na nagbuhat sa China at dumating sa Pilipinas sa


edad na labindalawa, ay nagsimulang magtrabaho sa tindahan sari-sari ng kanyang ama.

Ayon sa pagsasalaysay ng nakipanayam sa opisina ni G. Sy sa Makati Stock Exchange


Bldg., ang kanyang opisina ay angkop sa pinuno na may sampung korporasyon. Larawan siya
ng mapayapang tao. Pangkaraniwan ang kasuotan, wala siya kahit anong alahas, kuntento siya
bilang tao, at nararamdaman niyang di kailangan ng ano man sa katawan, bilang simbolo ng
kayamanan.

Kung pag-uusapan ang kabataan, tinawag niya ang kanyang sarili na mapangarapin.
Madalas na pangarap niya ang magbiyahe sa buong mundo at sa pag-asa na maging totoo,
sumali siya sa navy. Ang pangarap niya na makapagbiyahe sa buong mundo ay natupad.
ipaalam ang kanyang pangarap hangga't di pa ito nagsisimula. Nagbiyahe siya sa Japan,
Amerika at Europa para sa fashion shows upang kumuha ng ideya para sa kanyang tindahan.

Kung babalikan ang kanyang pagtitinda ng sapatos nagdanas siya ng kahirapan noong
panahonng Hapon. Nawala ang lahat halos ng kanyang pinaghirapan. Ang kaginhawaan ay
bumalik sa Pilipinas matapos ang liberasyon. Iniisip niya ang pangangailangan ng sapatos.
Nagbukas siya ng kanyang unang tindahan ng sapatos. Nang lumabas ito, muli siyang nagbukas
ng marami, sa pag-asa na ito ay makarating pa ng Amerika. Matapos siyang makapagbukas ng
anim na tindahan, nabigo siya sapagkat kulang na ang magdadala sa kanya ng sapatos na
kailangan ng kanyang tindahan.

Inilipat niya ito sa damit, kasama na ang lakas at tibay ng loob. Ang unang "Shoemart" ay
binuksan sa Rizal Avenue sa Maynila noong 1958. Marami siyang tindahang itinayo, subalit
may plano siyang magtayo ng higit na malaki, 80,000 metrong parisukat ang luwang at limang
palapag. Ito ang magiging pinakamalaking tindahan sa Southeast Asia.

Para sa katanungang Paano:

 Paano nagkakaroon ng Pangulo ang isang Republikang Bansa?


 Paano nabubuo ang Bagyo?

Halimbawa:
SIGNAL NO. 2 SA ILANG LUGAR KAY MARCE
(Pilipino Star Ngayon) | Updated November 25, 2016 - 12:12pm

MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong “Marce” ang lakas nito habang


tinutumbok ang lalawigan ng Capiz ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.

Huling namataan ng PAGASA ang pang-13 bagyo ngayong taon sa 90 kilometro


kanluran timog-kanluran ng Roxas City kaninang alas-10 ng umaga.

Taglay ni Marce ang lakas na 65 kilometers per hour at bugsong aabot sa 110
kph, hababg gumagalaw sa bilis na 22 kph.

Nakataas ang storm warning signal number 2 sa mga sumusunod na lugar:

 Romblon
 Calamian Group of Islands
 Southern Occidental Mindoro
 Southern Oriental Mindoro
 Iloilo
 Capiz
 Aklan
 Northern Antique
 Signal number 1 naman sa:
 Northern Palawan kabilang ang Cuyo Island
 Nalalabing bahagi ng Oriental Mindoro
 Nalalabing bahagi ng Occidental Mindoro kabilang ang Lubang
Island
 Masbate kabilang ang Burias at Ticao Island
 Negros Occidental
 Nalalabing bahagi ng Antique
 Guimaras

May ilang mahahalagang konseptong dapat tandaan upang makilala ang tekstong
impomatibo.

1. Ang tekstong impomatibo ay naglalayong maglahad ng mga tiyak na


impormasyon, at mahalagang detalye na may lohikal na paghahanay.
2. Isang tiyak na paksa na lamang ang tinatalakay nito. kung magkaroon ng
kaugnay na paksa, dapat na makita ito sa kasunod na talata.
3. Sa pagbasa ng Tekstong Impormatib, magkaroon ng focus sa mga
impormasyong ipinanapahayag. Isulat kung kinakailangan.
4. Sa pagsulat ng tekstong impormatib, tandaang ihanay nang maayos ang mga
salita, piliing mabuti ang mga tiyak at mahahalagang salita lamang.

Upang mailahad ang layon ng tekstong impormatibo, makikita batay sa


pagkakabuo ng bawat detalye ay ginagamitan ng formal na gamit ng salita. Nahahati ito
sa dalawang uri:

1. Formal- itinuturing na pinakamataas na antas ng wika, karaniwan itong gamit


sa pakikipagtalastasan ng mga propesyunal o mga nakapag-aral gayundin ang mga
nagpakadalubhasa sa pag-aaral ng wika.

A. Pambansa- uri ng wikang sinasalita sa paaralan, tanggapan ng pamahalaan, sa


pagsulat ng kontitusyon, sa simbahan, sa mga pagpupulong sa kongreso at senado at
maging sa Palasyo ng Malacañang.
Halimbawa: Anak, Tahanan, at Pangulo

B. Pampanitikan - wikang ginagamit sa mga akdang pampanitikan upang maging


masining, malikhain, matalinghaga ang paglalahad o pagpapahayag.
Halimbawa: Bunga ng Pag-ibig, Palasyo ng Pag-ibig at Ama ng Bansa

2. Informal- wikang sinasalita sa ordinaryong pakikipag-komunikasyon.


A. Kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan
napaiikli ang mga salita ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito.

Halimbawa: /lika/ para sa 'halika', /pre/ para sa 'pare'

B. Lalawiganin - wikang gamit sa isang pook o lipon ng mga tao, tinatawag itong
dayalekto sa kasalukuyan. Halimbawa na rito ang uri ng Tagalog sa Maynila, uri ng
Waray sa Eastern Samar, iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga
wikang lalawiganin ngunit nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan.

Halimbawa: Papanaw ka na? (Aalis ka na?), Nakain ka na? (Kumain ka na?) at Mag-
urong (maghugas!)

C. Balbal- tinuturing na pinakamababang uri ng wika, karaniwang gamit ng mga taong


ordinaryo.
Halimbawa: Chicks (dalagang bata pa), Osip (piso) at Pinoy (Pilipino)

Formal ang gamit ng wika kapag ang mga salita at pahayag na ginamit ay pinili
at maayos na inihanay upang mailahad ang ideya samatalang
Di-formal kapag ang mga salita o pahayag ay karaniwang ginagamit sa pang-
araw-araw na pamumuhay ito ang anyo ng salita sa pinakagamitin ng bawat indibidwal

Katangian ng Tekstong Impormatibo

1. Makatotohanan ang mga datos.


2. May malawak na kaalaman tungkol sa paksa ang manunulat.
3. Ang kaalaman ay nakaayos nang sunod-sunod at inilalahad nang buong diwa at
may kaisahan.
4. Karaniwang makikita sa mga pahayagan o balita, sa mga magasin, textbook, at
sa mga pangkalahatang sanggunian.

Elemento ng Tekstong Impormatibo

1. Layunin ng may-akda - Layunin nitong maglahad o magbigay ng impormasyon.


2. Pangunahing Ideya - Ito ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa
mambabasa. Nagagawa ito sa paglalagay ng pamagat sabahagi –tinatawag din
itong organizational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng
mambabasa angpangunahing ideya ng babasahin.
3. Pantulong na kaisipan - Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na
pantulong na kaisipano mga detalye upang makatulong mabuo saisipan ng
mambabasa ang pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan sa kanila.

4. Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/sangguniang magtatampok sa mga


bagay na binibigyang-diin - Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng
mga malawak na pag-unawa sa binabasang tekstong impormatiboang paggamit
ng mga estilo o kagamitan/sangguniang magbibigay-diin sa mahahalagang
bahagi tulad ng sumusunod:
a. Paggamit ng mga nakalarawang representasyon (larawan, guhit, dayagram,
tsart, timeline)
b. Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto (pagsulat ng nakadiin,
nakahilis, nakapanipi)
c. Pagsulat ng mga talasanggunian (mga aklat, kagamitan at iba pa)
Iba’t Ibang uri ng Tekstong Impormatibo
May iba’t ibang uri ng tekstong impormatibo depende sa estraktura ng paglalahad
nito. Ang mga estrakturang ito ay:

Sanhi at Bunga
Ito ay estraktura ng paglalahad na nagpapakita ng pagkakaugnay-ugnay ng mga
panyayati at kung paanong ang kinalalabasan ay naging resulta ng mga naunang
pangyayari. Sa uring nito, ipinaliliwanag ng manunulat ang mailinaw na relasyon sa
dalawang bagay at nagbibigay ng pokus sa kung bakit nang yari ang mga bagay (sanhi)
at ano ang resulta nito (bunga).

Paghahambing
Ang mga tekstong nasa ganitong estraktura ay kadalasang nagpapakita ng mga
pagkakaiba at pagkakatulad sa pagitan ng anumang bagay, konsepto, o pangyayari.

Pagbibigay-Depenisyon
Ipinaliliwanag ng ganitong uri ang kahulugan ng isang salita, termino, o konsepto.
Maaring ang paksa ay tungkol sa isang konkretong bagay gaya ng katarungan,
pagkakapantay-pantay, o pag-ibig, sa ganitong uri ng tekstong impormatibo,
mahalagang pag-ibahin ang mga kahulugang denotatibo o konotatibo.

Paglilista at Klasipikasyon
Ang estrukturang ito naman ay kadalasang naghahati-hati ng isang malaking
paksa o ideya sa iba’t ibang kategorya o grupo upang magkaroon ng sistema ang
pagtalakay. Nagsisimula ang manunulat sa pagtalakay sa pangkalahatang kategorya at
pagkatapos bibgyang depinisyon at halimbawa ang iba’t ibang klasipikasyon o grupo sa
ilalim nito.

Sa kabuuan, mas madaling nauunawaan ang kahulugan ng isang teksto kung


agad na nakukuha ng mambabasa ang gamit na padron o estruktura ng paglalahad ng
manunulat sa isang tekstong impormatibo. Kapag naunawaan ang estruktura, nabubuo
sa isip ng mambabasa ang kabuuang balangkas na nakatutulong sa kaniya upang
unawain ang kahulugan at ugnayan ng bawat bahagi nito.

Ayon kay Yuko Iwai (2007) sa artikulung “Developing ESL/EFL Learner’s


Reading Crisis: Why poor Children Fall Behind” mahalagang hasain ng isang mahusay
na mambabasa ang tatlong kakayahan upang unawain ang mga tekstong impormatibo.
Ang mga kakayahang ito ay ang pagpapagana ng mga imbak na kaalaman, pagbuo ng
mga hinuha, pagkakaroon ng mayamang karanasan.

Pagpapagana ng imbak na kaalaman


May kinalaman sa pag-alala ng mga salita at konseptong dati ng alam na
ginagamit sa teksto upang ipaunawa ang mga bagong impormasyon sa mambabasa.

Halimbawa:
Kung nag babasa ang isang mag-aaral tungkol sa iba’t ibang uri ng pamumuno,
maari niyang balikan ang nauna na niyang nalalaman tungkol sa presedente, minister, o
iba pang uri ng pinuno upang iugnay sa mga bagong matutuklasang impormasyon.

Pagbuo ng hinuha
Ito ay ang matalinong paghula ng maaaring kahulugan ng isang bahagi na hindi
direkta o tahasang ipinaliwanag sa teksto. Mahalagang sanayin ng isang mambabasa
ang kritikal na pag-iisip sa ganitong mga kaso upang hindi maantala ang pagbabasa sa
kabuoan ng teksto.

Pagkakaroon ng mayamang karanasan


Mahalaga rin ang pagkaroon ng mayamang karanasan sa pagbasa ng iba’t ibang
teksto at pagdanas sa mga ito.

Halimbawa:
Kung ang isang mambabasa ay may malawak na karanasan at pag-unawa sa
iba’t ibang uri ng hayop, mas magiging madali na sa kaniya ang pagbuo ng mga
kategorya at pag-unawa sa iba’t ibang grupo nito sa batay sa mga katangiang kaniya
nang nasaksihan.
03 Pagtukoy ng Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang Salitang
Ginamit ng Iba't Ibang Uri ng Tekstong Binasa-Tekstong Persweysib
PANIMULA

Ang Tekstong Persweysib

Layunin ng isang tekstong persuweysib ang mahikayat o makumbinsi ang


magbabasa ng teksto. Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang takbo
ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang
siyang tama. Hinihikayat din nito ang mambabasa na tanggapin ang posisyong kanyang
pinaniniwalaan.

Ang tekstong persuweysib ay subhektibo ang tono sapagkat malayang


ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang
isyung may ilang panig. Mababasa rito ang personal na opinyon at paniniwala ng may-
akda.

Ang tekstong persweysib ay tekstong nanghihikayat ng mambabasa na sumang-


ayon sa kanyang sinasabi. Inilalahad ng tekstong persweysib ang isang katotohanan
upang mapanindigan ang kanyang panghihikayat sa mambabasa. Layunin din ng
tekstong persweysib na makumbinsi ang mambabasa na sundin ang kanyang
mungkahi. Ang tekstong persweysib ay maaaring ayon sa anyo ng mga sumusunod:

1. isang argumento
2. paglalahad
3. talakayan
4. pagsusuri, o
5. patalastas

MGA HALIMBAWA NG TEKSTONG PERSWEYSIB

A. Itinuturing na pangalawang magulang natin ang mga guro sa paaralan. Hindi dahil
mga ninong at ninang natin sila kundi dahil sila ang nag-aalaga at nagbabantay sa atin
sa eskwelahan kung saan wala ang ating mga magulang. Ginagabayan nila tayo sa
ating pag-aaral at maging sa wastong asal. Dahil dito, nararapat lamang na sila ay ating
respetuhin din bilang ating mga magulang. Tulungan din natin sila kung nakikita nating
sila ay nangangailangan. Tulungang magbuhat ng kanilang dala kung nagkandaugaga
na sa daan at batiin kahit saan man natin sila nakakasalubong. Minsan, lagi silang galit
at nagtataas ng boses pero mahal nila tayo. Ginagawa lang nila ito upang pakinggan
natin sila at para malaya nilang maiparating sa atin ang mga dapat nating matutunan
bilang kabataan. Kaya sa susunod na makita mo ang iyong guro, batiin mo siya o kaya
ay yakapin. Humingi ka ng tawad kung nagalit ka sa kanya nung napagalitan ka niya
dahil simbolo lang iyon ng kanyang pagmamalasakit sa’yo. Sa darating na teachers
day, sorpresahin mo siya ng regalo o bulaklak at tiyak matutuwa si ma’am o sir.

Ang tekstong ito ay naghihikayat sa mga mambabasa na dapat respetuhin at


mahalin ang kanilang guro. Nais ng awtor na sundin ng mambabasa ang kanyang payo
at kinukumbinsi niya ang isipan nila na siya ay tama.

B. Ang kalamansi ay isang prutas na nagtataglay ng bitamina C. Ang bitamina C ay


magandang panlaban sa mga sakit. Hindi lang ‘yan, ito rin ay nakapuputi ng balat. Kaya
kung nais mong pumuti, lagyan mo ng katas ng kalamansi ang iyong panligo araw-
araw. Uminom ka rin ng kalamansi juice upang maging malakas ang iyong katawan
laban sa sakit. Ano pang hinihintay mo? Tumakbo na ngayon sa palengke at bumili ng
kalamansi at simulan na ang paggamit nito!

Ang tekstong ito ay humihikayat sa mga mambabasa na gumamit ng kalamansi.


Inilahad muna niya ang mga benepisyo ng kalamansi upang sila ay maniwala at mas
makumbinsing bumili.

Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa rnga iskrip para sa patalastas,


propaganda para sa eleksiyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking.
lnilarawan ng Griyegong pilosopo na si Aristotle ang tatlong paraan ng panghihikayat
o pangungumbinsi. Ito ay ang sumusunod:

a. Ethos - Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng


isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan
tungkol sa kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila mahikayat na maniwala rito.
Halimbawa, ang isang taong nanghihikayat ng mga turista upang bisitahin ang isang
isla sa Pilipinas gayong hindi pa siya nakapupunta dito ay maaaring maging kaduda-
duda. Gayunman, may iba pang paraan upang magkaroon ng kredibilidad. Ang estilo
ng pagsulat ay mahalaga upang magkaroon ng kredibilidad. Dapat na maisulat nang
malinaw at wasto ang teksto upang lumabas na hitik sa kaalaman at mahusay ang
sumusulat. Ang paraang pagsisipi ng sanggunian ay maaaring makatulong sa
pagpapatibay ng kredibilidad. Kailangang mapatunayan sa mga mambabasa na ang
mga datos at impormasyon ay tama upang makumbinsi na ang isinulat ay tama at
mapagkakatiwalaan.

b. Pathos - Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang


mambabasa. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala
ng kanyang emosyon. Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa
ay isang epektibong paraan upang makumbinsi sila. Halimbawa, ang pagsasalaysay ng
isang kuwentong makaaantig ng galit o awa ay isang mabisang paraan upang
mahikayat sila na pumanig sa manunulat.
c. Logos - Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa.
Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa mga
impormasyon at datos na kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto na siyang
dapat paniwalaan. Gayunman, isa sa mga madalas na pagkakamali ng mga manunulat
ang paggamit ng ad hominem fallacy, kung saan ang manunulat ay sumasalungat sa
personalidad na katunggali at hindi sa pinaniniwalaan nito.

Kailangang tandaan nasa paggamit ng mga paraang ito dapat isaalang-alang


kung sino o anong uri ang mga mambabasa. Halimbawa, kung ang babasa ng teksto ay
mga taong may hawak na mataas na posisyon o mga negosyante, makabubuting
gumamit ng kredibilidad at mga wastong impormasyon at datos upang sila makumbinsi,
habang mayroon namang mga mambabasa na nahihikayat kung gagamitan ng apela sa
emosyon. Maaari ding gamitin ang lahat ng paraan o kung mayroon pang naiisip na
ibang paraan na magiging epektibo sa uri ng inaasahan mong mambabasa.

Mga Elemento sa Pagbuo ng isang Mahusay na Tekstong Nanghihikayat

1. Pagbuo ng mga makatotohanang kaisipan


2. Pagtukoy ng damdamin, saloobin na may kaugnayan sa interes ng mga
mambabasa
3. Pagkakasunod-sunod ng mga kaisipang may katotohanan at damdamin.
4. Pagbuo at pagpapahayag ng kongklusyon
5. Pagpapaniwala sa mga mambabasa na ang kongklusyon ay mula sa
napagkasunduang katotohanan.
6. Pagkakaroon ng tiwala sa sarili.

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Tekstong Nanghihikayat

Piliin ang iyong posisyon - Ang mga bahagi ng isyu o problema ang nais mong
isulat at anong posibleng solusyon ang nais mong gawin. Alamin ang layunin ng iyong
isusulat.

Pag-aralan ang iyong mambabasa - Alamin kung ang iyong mambabasa ay sasang-
ayon sa iyo, walang kinikilingan o hindi sasangayon sa iyong posisyon.

Saliksikin ang iyong paksa - Ang mapanghikayat na teksto ay naglalahad ng isang


tiyak at kongkretong ebidensiya. Maaari kang pumunta sa aklatan o kapanayamin ang
mga taong eksperto sa iyong paksa.

Buuin ang itong teksto - Alamin kung ano ang dapat mong isamang ebidensiya at
pagkakasunod-sunod ng mga ito. Kailangang isaalang-alang ang iyong layunin,
mambabasa at paksa.

Alam mo ba?

Propaganda Device
Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto, iboto ang isang kandidato
o gawin ang isang kilos ay dapat na masusing pinag-iisipan. Kung mapapansin, ang
mga patalastas sa telebisyon, sa mga dyaryo, at magasin ay kinakailangang
nakapupukaw ng atensiyon upang mapansin. Ang mga eksperto sa likod ng mga
propagandang ito ay may mga ginagamit ng propaganda device. Ating alamin kung
ano-ano ito:

1. Name Calling - Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang


produkto katunggaling politiko upang hindi tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito
sa mundo ng politika.
Halimbawa: Huwag niyong iboto si Mandarayang Paul.

2. Glittering Generalities - Ito ay ang magaganda at nakasisilaw na pahayag ukol


isang produkto na tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng
mambabasa.
Halimbawa: Mas makatitipid sa napakamurang Brand X. Ang inyong damit ay
mas magiging maputing-puti. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian.

3. Transfer - Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa ibang


produkto o tao ang kasikatan.
Halimbawa: Magaling si Jenny kasi isa siyang tauhan ng Presidente ng
organisasyon.

4. Testimonial - Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso


ng isang tao o produkto.
Halimbawa: Ako si Coco de Veyra, isang aktor. Iniindorso ko ang sabong ito.

5. Plain Folks - Karaniwan itong ginagamit sa kampanya para sa eleksiyon kung


saan ang politiko (di-ordinaryong tao) ay pinalalabas na isang ordinaryong tao.
Halimbawa: Si Mr. Lao ay galing sa mahirap na sektor. Kaya nakakabuti na
iboto niyo siya.

6. Card Stacking - ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng


produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian.
Halimbawa: Ang instant noodles na ito ay nakapagbubuklod ng pamilya,
nakatitipid sa oras, mura na masarap pa. (Ngunit hindi nito sinasabi na mataas
ang volume ng sodium ng noodles at maaaring magdulot ng sakit.)

7. Bandwagon - Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang


isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na.
Halimbawa: Ang buong bayan ay nag-e-LBC Peso Padala na.
04 Pagtukoy ng Kahulugan at Katangian ng Mahahalagang Salitang
Ginamit ng Iba’t Ibang Uri ng Tekstong Binasa – Tekstong Ekspositori

Kamusta ka? Panibagong kaalaman na naman ang magpapayaman sa iyong isipan.


Sinasabing ang wika’y kasangkapan sa pakikipagtalastasan, tunay ngunit hindi
kasangkapan pang teknikal lamang, kadalasan din natin itong ginagamit upang
makapagpahayag ng ating mga saloobin o pananaw, sa araling ito malalaman mo ang
gamit sa tekstong ekspositori sa pakikipagtalastasan sa mga mambabasa at ang
paglalahad nito ng mga impormasyong kaugnay sa pinag-uusapang paksa.

TEKSTONG EKSPOSITORI

 Tekstong nagpapaliwanag at naglalahad ng mga impormasyon at ideya


kaugnay sa isang paksa

 Naglalahad ng masusing pagpapaliwanag kung paano ang isang abstrak na


konsepto na nasa isip ng tao ay iniuugnay sa isang tiyak na paksa
 Nililinaw nito ang mga katanungan sapagkat tinutugunan nito ang
pangangailangan ng mga mambabasa na malaman ang mga kaugnay na
ideya o isyu.
 Ayon kay Rubin (1995) sinasaklaw ng pagpapahayag na ito ang malawak na
bahagi ng sinulat at binasa ng mga karaniwang tao.
 Nagpapaliwanag at sumasagot sa tanong na: Ano ito? Ano ang ibubunga
nito? Ano ang pagkakatulad nito sa iba? at ano ang kahulugan nito?
 Nagbibigay ng impormasyon ukol sa sanhi at bunga, nagpapaliwanag ng
mahalagang impormasyon, ito ay kadalasang walang pinapanigan.

 Anyo ng diskurso na nagpapahayag ang manunulat ng mga ideya, kaisipan


at mga impormasyon na nasasakop ng kanyang kaalaman

KATANGIAN NG TEKSTONG EKSPOSITORI

1. Depinisyon – Pagbibigay kahulugan ng isang di- pamilyar na terminolohiya o mga


salitang bago sa pandinig ng mambabasa. May tatlong bahagi ang Depinisyon.

3 Bahagi ng Depinisyon

 termino o binigyang kahulugan


 uri o klase kung saan nabibilang ang terminong binibigyang
kahulugan
 Mga natatanging katangian nito o kung paano naiiba sa mga
katulad ng uri

Dalawang uri ng Depinisyon


A. Denotasyon/Formal – Dimensyon na karaniwang kahulugang dala ng diksyunaryo o
salitang ginagamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.

Halimbawa: kinatatakutan ng mga magsasaka ang kanilang Panginoon.


(Diyos/tagapaglikha)

B. Konotasyon/Informal – Dimensyon na di-tuwiran ang kahulugan. Nagkakaroon ng


ikalawang kahulugan ang salita o pahayag. May mga paniniwala na sa dimensyong ito,
pansariling kahulugan ng isang tao ang maaaring ibigay.

Halimbawa: kinatatakutan ng mga magsasaka ang kanilang Panginoon.

2. Pag-iisa-isa (Enumerasyon) – Pagtalakay sa pangunahing paksa kasunod ang


pagbanggit ng isa-isa ng mga kaugnay na mahahalagang kaisipan.

Maaring isagawa ang pag-iisa-isa sa paraang tiyak at pangkalahatan

 Iniisa-isa ang mga tiyak at mahahalagang detalyeng tinatalakay sa


teksto upang mapadali ang paraan ng pagtanda ng mga
mahahalagang kaisipan.
 Sa pangkalahatan paraan naman nakapaloob ang kabuuan ng mga
kaisipang nakategorya sa bawa’t sabtapik ng isang pangunahing
paksa.

Halimbawa: Isa-sahin ang mga uri ng pagpapahayag (tiyak)

1. Pagsasalaysay
2. Paglalarawan
3. Paglalahad
4. Pangangatuwiran
Halimbawa: Pangkalahatang pag-iisa-isa
Paghahanda sa pagbasa
Paglusong sa pagbasa ng ton, Pagtatagni-tagni, Kritikal na
pagbasa

Dalawang uri ng Enumerasyon:


A. Simple – Ito ay ang pagtatalakay sa pangunahing paksa at pagbanggit ng mga
kaugnay at mahahalagang salita
B. Kumplikadong pag-iisa-isa – Ito ang pagtalakay sa pamamaraang pagtatala ng
pangunahing paksa at may kaugnay na kaisipan na naglilinaw sa paksa.

3. Pagsunod-sunod (Order) – Isinasaayos ng manunulat ang mga kaisipan at ang


mga serye ng pagkakasuod-sunod ng pangyayari na humahantong sa pagkakabuo ng
isang konklusyong ginagamitan ng mga salitang: una, pangalawa, matapos, habang,
sumunod, at susunod na at iba pa.

Tatlong uri ng Pagsusunod-sunod:


A. Sekwensyal – Karaniwang ginagamitan ang mga salitang una, pangalawa,
pangatlo, sunod at iba pa, binubuo ng mg serye ng mga pangyayari.
B. Kronolohikal – pagkakasunod-sunod ng mga magkakaugnay na pangyayari ayon
sa tamang panahon at oras.
C. Prosejural – pagkakasuod-sunod ng mga pangyayari mula simula hanggang wakas

4. Paghahambing at Pagkokontras – Hindi kailanman naghiwalay ang dalawang


ideya lalo na higit sa tekstong ekspositori, isang proseso ito ng pagpapakita ng mga
katangian ng mga bagay. Ayon kay Fulwiler (2002), ang paghahambing ng dalawang
bagay ay upang hanapin ang pagkakatulad at ang pagkokontras nito. Ang
paghahambing at pagkokontras ay kapuwa nakatutulong sa mambabasa na
maunawaan ang pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawa o higit pang kaisipan.

 Paghahambing – pagpapahayag ng katangian, kahinaan at


kalakasan ng isang bagay tungo sa pagbuo ng isang pasya o
kaisipan tungkol sa isang paksa.
 Pagkokontras – pagpapahayag ng pagkakaiba ng mga bagay na
pinag-uusapan sa isang teksto.

Tatlong Paraan sa Pagkukompara at Pagkokontras


A. Ang pagsusuring punto-per-punto (point-to-point) sinusuri at pinaliliwanag muna ang
katangian ng isa bago ikumppara sa kapuwa ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga
ito;
B. Ang pagsusuring kabuuan-sa-kabuuan (whole-to-whole) na nagrerepresinta ng
unang kabuuan at kasunod nito ay kabuuan naman ng isa;
C. Ang pagsusuring pagkakatulad at pagkakaiba (similarity and difference) na
tumatalakay sa pagkakatulad ng dalawang bagay na pinagkukumpara at pagkatapos ay
ang pagkakaiba ng dalawang bagay na pinagkokontras.

5. Sanhi at Bunga – Pagtalakay sa dahilan ng pangyayari at kung ano ang bunga o


magiging epekto, ang bawat pangyayari na nagbibigay – daan.

Ang sanhi ay isang bagay na nagiging dahilan ng pangyayari (something that


makes something else happen); at ang bunga o epekto ay ang resulta o kinalabasan ng
pangyayari (the thing that happens). Ang sanhi at bunga ay maaring ilarawan ang mga
posibleng epekto sa hinaharap.

Katangian ng Epektibong Eksposisyon


A. Pagkakaroon ng sapat na kaalaman ang isang tao kaugnay na paksa

- Makabubuo lamang ng isang mahusay na ekposisyon kung ang manunulat ay


may malawak na kaalaman sa paksang pag-uusapan.
B. Pagkakaroon ng kakayahang maghanay ng kaisipan

- Ang maayos at organisadong pagkakahanay ng mga ideya at datos ay daan sa


isang mahusay na eksposisiyon.
C. Kawalan ng Pagkiling

- Katangian ng isang tekstong ekspositori ang pagiging obhetibo, kaya’t kailangan


na taglay nito ang bukas na isipan upang tanggapin ang iba’t ibang mahahalagang
ideya maging ito man ay taliwas sa sariling paniniwala ng manunulat.
D. Mahalagang Palabasa ang isang manunulat ng Tesktong Ekspositori upang
makakalap ng mga impormasyon.

- Mainam na maging mapagmasid ang manunulat dahil buko d samga aklat at


babasahin maaring makakuha ng impormasyon sa kapaligiran at sa mga gawain sa
araw-araw.

Katangian ng Mahusay at Epektibong Tekstong Ekspositori


A. Malinaw - masasabing malinaw ang tekstong ekspositori kung madaling
nauunawaan ng mambabasa ang nais ipaunawa ng manunulat.

B. Tiyak – nararapat na manunulat ay kayang panindigan ang mga datos na inilahad sa


loob ng teksto.

C. May Kohirens – nararapat na may kaisahan ang mga ideya na inilalahad sa teksyo
upang maunawaan ng mga mambabasa.

D. Empasis – ang pagbibigay ng diin o mga karagdagang impormasyon ay mahalaga


at makatutulong sa mambabasa na maunawaan ang teksto.

Uri ng Tekstong Ekspositori


1. Editoryal – isang uri ng ekspositori na naglalayong magpahayag ng isang pananaw
kaugnay sa mga pinag-uusapan isyu pambansa o pampulitikal, karaniwang mababasa
sa mga pahayagan.

Isang talatang, Nagpalaya Ni Jenielyn T. Garald

Ang Martial Law -- isang madilim na bahagi nang kwentong buhay ng mga
Pilipino sa ilalim nang mapanupil na pangulong tawagin natin MARCOS.

Tubong Ilocos at isang mahusay na abogado, Ikasampung pangulo ng PIlipinas,


pinamunuan niya ang bansa sa loob ng dalawamput-isang taon, mula 1965 hanggang
sa mapatalsik siya noong 1986 dahil sa binuong People Power.
Marami ang nagsasabing mahusay na pangulo si Marcos ngunit ito raw ay naging
gahaman sa kapangyarihan kaya pinalitan niya ang uri ng pamahalaan mula
presedential patungong parliamentary na naging dahilan ng pagakakaluklok niya nang
mahabang panahon bilang lider ng bansa.

Sa kanyang pamumuno naging talamak ang pagpatay at paghuli sa mga taong


nakikipaglaban para sa kalayaan at karapatan, marami ang naging bilang ng mga
“Desaparasidos” o mga dinukot ng military na naglaho.

Proclamation 1081- nagdulot ng matinding takot sa sambayanang Pilipino,


walang maaring magsalita laban sa pamahaalan, ang proklamasyong ito ang umagaw
sa dalawang mahalagang elemento ng Bansa ang KALAYAAN AT DEMOKRASYA.

Sa loob ng dalawang Dekada, ang labi ng Dating pangulong Marcos ay nanatili


sa isang refregirated crypt sa kanilang tahanan sa Ilocos.

Mahabang panahon na ang pakikipaglaban ng pamilya Marcos kasabay ng


kanilang mga taga- suporta na mailibing sa Libingan ng mga bayani ang isa sa maaring
naging dahilan kung bakit nagkaroon ng malaking pagkakautang ang bansa sa bansang
Amerika. Ayon sa datos sinasabing ang utang ng Pilipinas sa Amerika noong 1962 ay
umabot lamang sa $360 milyon, Ngunit ng maupo bilang pangulo si Marcos ito ay
pumalo sa mahigit na $28.3 bilyon na nagtalaga sa Pilipinas bilang bansa na may
pinakamalaking utang sa buong Asya. Maraming ‘di magagandang karanasan ang
dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng isang mapang- abusong pinuno, Umalingaw-
ngaw sa bawat sulok sa bansa ang daing ng mga pamilyang nawalan ng mahal sa
buhay.

Ngunit sa isang iglap ang nagparanas ng kahirapan, kumitil sa karapatan ng


malayang pagpapahayag, nagpapatay at nang-abuso sa karapatan ay tila bayaning
ipagbubunyi at ihahanay sa mga tunay na bayaning nagbuwis ng buhay para sa
kalayaan at karapatang ipinaglaban.

AFP Regulation G161373 ang naging batayan ng Korte suprema upang ang Ama
ng Martial Law at Pagpapahirap ay ihimlay sa libingan ng mga Bayaning naging
sandigan ng lakas ng bawat Pilipino. Isang talata sa talaan ng mga batas ang naging
daan upang malimutan ng mga mambabatas ang napakahabang kwento ng pang-
aabuso sa karapatan ng bawat Pilipino.

2. Sanaysay – pagpapahayag ng isang manunulat ng kanyang ideya o opinyon


kaugnay sa isang mahalagang isyu sa bansa.

Wikang Filipino Bilang Kasangkapan sa Paglinang ng


Pambansang Kultura tungo sa Pagkakakilanlan
Maharani Marta Satuito
Ano ba ang kaugnayan ng wika sa kultura? Ang wika ay nalilinang dahil sa
kultura, ang kultura ay nalilinang dahil sa wika at ang wika ay ang kultura mismo. Maari
natin itong ituring bilang batayang gabay sa matibay na kaugnayan ng wika at kultura,
at bilang mabisang kasangkapan sa pagtataguyod ng pagkakakilalan nating mga
Pilipino.

Ang wika ay nalilinang dahil sa kultura. Ayon kay Walt Whitman, ang wika ay
hindi abstraktong nilikha ng mga nakapag-aral o ng bumubuo ng diksyunaryo. Kundi ito
ay isang bagay na nalikha mula sa mga gawa, pangangailangan, kaligayahan, panlasa
ng mahabang talaan ng henerasyon ng lahi at nagtataglay ito ng malawak na batayang
kasama (Peňa et. Al. 2012). Malinaw na ang wika ay nalilinang at nagpapatibay
sapagkat ang kultura ang nagbibigay katuturan sa ipinapahayag na kaisipan ng wika.
Ginagamit ang wika dahil ito ay daluyan ng komunikasyon upang magpasimula ng
isang tiyak na pagkilos o paggawa. Ito rin ay pangangailangan ng tao sa pakikipag-
ugnayan sapagkat siya ay itinuturing na may pangangailangang sosyal. Ang wika ay
nakapagpapahayag din ng iba’t ibang damdamin at natutukoy din ditto ang pananaw sa
iba’t ibang bagay na nagpapasiyahan kung ano ang magiging kalugod-lugod sa atin,
ang pagpapasiyang mayroong impluwensya mula sa ating kapuwa at kabuuan ng
lipunang kinabibilangan.

Gayunpaman, maari ring sabihin na ang kultura ay nalilinang at napagtitibay din


ang wika. Binibigyang-kahulugan ni Virgilio Almario ang wika bilang katutubong
halagahan o value para sa marangal na buhay n gating mga ninuno. Isang dakilang
pamantayang nararapat sundin saanman at kalianman tungo sa wastong
pakikipagkapwa-tao, isang banal na tuntuning kailangan tupdin upang hindi “maligaw ng
landas”. Hindi mapasusubalian na ang ating sariling wika ang siyang midyum na
ginagamit ng ating mga ninuno sa pagpapahayag ng mga itinakdang batas at
pamanatayan sa lipunan, pasalita man o pasulat. Sa batas nina Maragtas at Kalantiaw,
malinaw na nakapaloob sa kaisipang ipinapahayag ng wikang ginamit ang
pamantayang itinakda ng batas na ito sa siya naming pinagbabatayan ng pamumuhay
at pagkilos ng isang mamamayang Pilipino sa lipunang kaniyang kinabibilangan.
Matagumpay ding naipabatid at naipasa sa bawat henerasyon ang mga paniniwala at
pamamaraang Pilipino bunga ng sabi-sabi o word of mout h. Samakatuwid, natutukoy
ang mga pamantayan, gayon na rin ang kultura ng lipunang Pilipino. Gamit ang wika sa
diskursong pananalita at pasulat.

Ang kultura ay nalilinang dahil sa wika. Ang wika ay daluyan ng Komunikasyon at


sa pagkakaroon ng komunikasyon, naisasakatuparan ang ugnayan ng isang tao sa
kaniyang kapwa. Sa pagkakaroon naman ng ugnayan. Maaring bumuo ng
pagkakasunduan at dahil ang tao ay tunay na isang sosyal na nilalang, ang
pagkakasunduang ito ang maghahantong upang magpasya na makisama sa kapwa at
magtaguyod ng isang lipunan. Ang isang lipunan ay may tiyak na kultura na nakasalig
naman sa napagkasunduang katotohanan. Ito ay nabuo sapagkat may pagkakasundo
bunga ng komunikasyon na mauugat naman sa katangian g wikang maging daan na
nag-uugnay ng mga kaisipan.
Ang wika ang kultura mismo kung pagbabatayan naman natin ang winika ng
karakter sa si Simoun ng El Filibusterismo ni Dr. Jose Rizal na ang wika ay paraan ng
pag-iisip ng tao, samakatuwid tinatanggap natin na ang wika ay ang kultura mismo.
Dahil nga ang kultura ang pamamaraan ng pagkilos at pamumuhay ng isang tao ay
nakabatay sa kanyang pag-iisip, ito ang pangunahing pinagmulan ng kaisipan ng
kultura.

Paano nga ba magagamit ang wika upang malinang ang pambansang kultura.
Bahagi ng Sanaysay Wikang Filipino bilang kasangkapan sa Paglinang ng pambansang
kultura tungo sa pagkakalilanlan Ni Mahari Marta Satuito, p115 (Daloy ng wika,
Komunikasyon at Pananaliksik sa wika at Kulturang Pilipino).

You might also like