You are on page 1of 19

UGNAYANG PAGBASA PAGSULAT

Layunin:

a.) Nalalaman ang ugnayan ng pagbasa at pagsulat.


b.) Naiisa-isa ang kahalagahan ng pagbasa at pagsulat.
c.) Nagagamit ang rehistro ng wia sa pagbuo ng pangungusap

UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT

Itinuturing ni Pearson (1985) ang ugnayang pagbsa at pagsulat bilang nagiisang


pinakamahalagang pagbabago sa pagtuturo ng wika.

1. Itinuturo ang pagbasa at pagsulat nang magkahiwalay.

2. Inihihiwalay rin ang iba’t ibang nilalaman ng pagsulat.

3. Nagsasarili ang pagbaybay, ang paggamit ng gramatika, bantas at malaking titik.

4. Hindi magkasama ang mga gabay sa pagtuturo, teksbuk at maging ng tagapagturo.

5. Hindi nabubuo ang tuloy tuloy, magkakaugnay at makabuluhang teksto.

6. Ang pagbasa at pagsulat ay kompartamentalays bilang magkaibang disiplina.

7. Ang mga salitang natututuhan sa pagbaybay ay magkaiba sa talasalitaang


nakapaloob sa tekstong binabasa.

8. Ang ponetikang itinuturo na bahagi ng pagbasa ay inilalarawan bilang tulong sa


pagbaybay.
9. Ang pamaraan sa pagtuturo ng pagsulat ay nakatuon sa pagkaunawa sa teksto.

10. Sa kasalukuyan, may ugnayan ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat. (Noyce at


Christie -1989)

Ang Pagbuo Ng Ugnayang Pagbasa At Pagsulat

1. Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat.

2. Ang literasi ay kakayahang makabasa at makasulat.

3. Magkakasama sa pamamagitan ng kahulugan at mga gawaing pampagtuturo.

4. Gawaing pangkaisipan at magkakaugnay ang sentro ng pag-iisip.

5. Nangangailangan ng kritikal na pag-iisip.

6. Nagagamit ang kritikal na pag-iisip.

Tulong upang mas madaling maunawaan ang Kabanata 2, buksan ang link na ito.
https://prezi.com/mio9gb6c1i7l/pagbasa-at-pagsulat/

Limang Saklaw Na Mag-Uugnay Sa Pagbasa At Pagsulat

1. Impormasyon;

2. Istruktural;

3. Transakyonal;

4. Aestetiko; at

5. Proseso.

Napatunayan sa pag-aaral ni Kelly (1990) na ang mga mag-aaral na nakapagsusulat


ng tungkol sa kanilang binasang akda ay higit na nauunawaan ang kanilang binasa.
Nalilinang nila ang kasanayan sa :

1. Encoding at Decoding,

2. Pagsulat ng pangungusap,

3. Paglinang ng talata at

4. Pagsulat ng higit sa mahabang seleksyon.

Kahalagahan Ng Ugnayang Pagbasa-Pagsulat

1. Nagiging masigla ang pagkatutong literasi;

2. Nagaganap ang pagkatuto;

3. Nalilinang ang aspeto ng pagkaunawa; at

4. Naihahanda ang mga mag-aaral sa daigdig na naghihintay.

Ang Pagsulat Bilang Proseso

1. Sa tradisyonal na paraan, itinatakda sa mga mag-aaral ang gawaing pasulat at


binibigyan ng kaukulang evalwasyon ng guro ng kanilang mga naging produkto.

2. Sa kasalukuyan, ang pagsulat ay itinuturing na isang proseso at hindi produkto.

3. Ang dating produktong pagdulog sa pagsulat ay nahalinhan ng prosesong


pagdulog sa pagsulat.

Ugnayang Pagbasa-Pagsulat Sa Kasalukuyan

1. Nagkakaloob ang internet ng bago at napapanahong oportunidad upang pag-


ugnaying ang pagbasa’t pagsulat.

2. Ang simpleng bagay na magagawa ay ang pagsusulat.


Pagbasa At Pagsulat Sa Akademikong Pangangailangan

- Nahahasa ang pagkakataong magmuni-muni o magrepleksyon tayo tungkol sa


ating mga ideya o aksyon na siyang landas tungo sa pagpapabuti ng kasanayan
natin sa kamalayan at pagkontrol sa mga iniisip at kinikilos natin.

- Ang kakayahang bumasa at sumulat ay mga kasanayang makabuluhan sa


pagsasakatuparan ng mga gawaing akademiko.

Level ng pagpoprosesong mental tulad ng;

1. kamalayan
2. kontrol
3. repleksyon
4. semiotic mediation

- Ang pagbasa at pagsulat ang pinaka puso ng pag-aaral sa antas tersarya.

Ang Pagbasa, isang proseso

- Ang pagbasa ay ang pagtuklas sa kahulugan ng mga salitang limbag na simbolo.


- Masalimuot na proseso.
- Kahingian ng abilidad ang pag-unawa sa kahulugan, pag-interpret, at pag-aply
ng mga ideyang nakuha sa pagbasa.

REAKSYON
REKOGNISYON

APLIKASYON
KOMPREHENSYON
PAG-UNAWA SA REHISTRO NG WIKA: TUGONG AKMA SA KOMUNIKASYON

WIKA at KAHUSAYAN sa paggamit nito ang komponent sa komunikasyon na


napakahalaga.

Sa pamamagitan ng wika, nabubuksan ang maraming daan para maipahayag ang


anumang mensahe na nagmumula sa puso o isipan.

Subalit ang nabubuksang daan ay nagiging makitid kapag ang target na participant ay
kulang sa kahusayan sa pag-unawa sa midyum na pinili sa pagpapaabot ng mensahe.

Halimbawa:

Tagalog na taga-Batangas at Taga-Maynila;

TB: Umipod-ipod ka naman.


TM: Ano bang ipod-ipod?
TB: Umisod-isod ka sabi.
(Nang maalala nyang taga-Maynila ang kausap)
TB: Umurong-urong ka naman

Narito ang tulong upang mas madaling maunawaan ang Kabanata 2, buksan ang
link na ito: https://prezi.com/uzv33_hfdzt7/rehistro-ng-wika/

Dayalekto – panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika na may sariling ponolohiya,


sintaksis at leksikon (vocabulary).

Sa Morong Rizal:

• Ikaw na ba ang SUSUNOR?


• Kunin mo nga ang SANROK.
• Ang laki ng RAGA!
• Nasa BUNROK, nanghuhuli ng usa.
Sa Bulacan:

• pila – baterya ng sasakyan


• saukan – sawsawan
• tinadtad – bopis (baga at puso ng baboy o baka)
• kayo – tela
• lansak – libreng pakain sa simbahan/kapilya tuwing Sabado de Gloria
• patuka – feeds
• jokak – libreng pakain
- Halimbawa ng register ang salitang "kapital" na may kahulugang "puhunan" sa
larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang "punong lungsod" o
"kabisera" sa larangan ng heograpiya.

- Bawat propesyon ay may register o


espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang
register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang
sa inhinyero, game designer at negosyante.
- Hindi lamang ginagamit ang register sa isang
partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't ibang
larangan o disiplina rin.
- Espesyal na katangian ng mga register ang
pagbabagong kahulugang taglay kapag ginamit na
sa iba't ibang disiplina o laranga.

Halimbawa ng Rehistro ng wika,

REGISTER – isang opisyal na listahan ng pangalan,


kapanganakan,pagpapakasal pagkamatay (lengguwahe)
-isang listahan ng mga bisita sa hotel (turismo)
-pagpapatala ng sulat sa post office (komunikasyon)
-pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)
-pagpasaok ng mga mensahe sa utak/pagtanda o
pag-alala sa natutunan (saykologi)

Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginagamit upang hindi
ipagkamali ang kahulugan ng salita at maging madali ang pag-unawa rito.

Akronim na CA : Cancer(Medisina), Calcium(Nutrisyon), Communication Arts.

WITHDRAWAL -pag-atras o pagsuko sa larangan ng military.


-pagkuha ng salapi sa banko (salapi)
-pagpapalabas ng semilya upang hindi
makapasok sa kaangkinan ng babae (agham)
-pagtigil o pagpigil sa bagay na gusting sabihin ogawin (komuniksayon

PAGPAPALAWAK NG
TALASALITAAN
Layunin:

a.) Napag-uugnay ang kaalamang pantalasalitaan sa pagunawa


ng teksto.
b.) Nahahasa ang kahusayan sa pagsasaing wika ng isang akda.
c.) Natutukoy ang mga hiram na salita.

TALASALITAAN

- Tinatawag ding Vocabulary o bukabularyo, ay ang pangkat ng mga salita na


nasa loob ng isang wika na pamilyar sa isang tao.

- Ang talasalitaan ay karaniwang umuunlad na kaalinsabay ng edad, at nagsisilbing


gamitin at pundamental na kasangkapan para sa komunikasyon at pagkakamit ng
kaalaman.

- Ang mga salita na itinuturing na pinakadiwa ng isang wika ay ang kabuuang


talasalitaan ng wikang ito.
- Gumamit tayo ng mga salita sa pagpapahayag ng ating naiisip at nadarama.
- Dapat isaisip na mahalaga ang wastong paggamit ng mga salita sa ating pang-
araw-araw na pakikipagtalastasan.
- Dapat din nating mabatid na ang ganap na kawastuhan at kaliwanagan ng isang
mensahe ay nakabatay sa mga salitang ating pinipili.
- Ang mga salita bilang pinakamahalagang sangkap ng wika ay mauuri natin sa
dalawang pangkat: mga salitang pangnilalaman (content words) at mga
salitang pangkayarian (function words).

1. Mga Salitang Pangnilalaman. Ito ay


mga salitang may isang tiyak na
kahulugan at nagsisilbing mahahalagang
salita sa loob ng pangungusap. Ang mga
salitang ito’y maaaring tumukoy sa isang
tao, halimbawa, titser; isang bagay-
lapis; kilos o galaw- tumayo, lumundag,
katangian- maganda o dikaya’y isang
kalagayan- matiwasay. Ang mga salitang
ito’y may taglay nang sariling kahulugan
kahit hindi pa isama sa ibang salita.
Kabilang sa mga salitang pangnilalaman
ay ang mga pangngalan, pandiwa,
pang-uri at pang-abay.

2. Mga Salitang Pangkayarian. Ito ay mga salita o kataga na nagkakaroon


lamang ng tiyak na kahulugan kapag nasa pangungusap at tungkulin nito na
mapagsama-sama at mapag-ugnay-ugnay ang mga salitang pangnilalaman,
upang makabuo ng pangungusap. Kabilang sa mga salitang pangnilalaman
ang mga pangatnig, pang-angkop, pang-ukol, pantukoy at pangawing.

Ang Paglinang ng Talasalitaan

- Ang pagtatamo ng mga salita ay maaring bunga ng isang paglinang ng


talasalitaan. Ayon kay Channell (1988), ang isang bagong talasalitaan ay
maaangkin lamang ng mag-aaral kung maibibigay niya ang kahulugan alinsunod
sa gamit nito sa loob at labas ng isang konteksto at magagamit din niya ito nang
buong husay sa pakikipagtalastasan.
Pag-alam sa Kahulugan ng Isang Salita

- Kailangang may sapat na kamalayan sa iba’t ibang katangian ng isang salita ang
mag-aaral bago lubusang sabihin na alam niya ang salitang ito. Dapat may
kabatiran ang mag-aaral sa kahulugan nito sa kasalukuyang konteksto; ang
pagkakatulad at pagkakaiba nito sa ibang salita na may kahulugan; ang ibang
kahulugan na maaari itong taglayin; ang ibang anyo nitong panggramatika; paano
ginamit ang salita at mga sitwasyong pinaggagamitan nito.

Halimbawa: Pansinin ang iba’t ibang kahulugan ng mga salitang iisa ang baybay
ngunit magkakaiba ng bigkas.

TUBO

1. tubó - isang uri ng pananim


2. tubo - bakal na pandaluyan ng tubig
3. tubò - pakinabang sa isang negosyo
4. tubô - sumibol na

PASO

1. pasó - lipas na
2. paso - makitid na daan
3. pasò - nalapnos dahil sa init
4. pasô - taniman ng halaman

Mga Salik na Nakakaimpluwensya sa Paglinang ng Talasalitaan

- May ilang salik na nakaaapekto sa paglinang ng talasalitaan ng mga mag-aaral.


May mga pag-aaral na nagpapatunay na ang mga salitang natutuhan sa
pamamagitan ng aktibong paggamit nito ay higit na natatandaan kaysa sa mga
salitang naririnig lamang o nababasa kaya. Ang pag-uulit at malimit na paggamit
ng mga salita ay mahalaga para sa pagtatamo nito. Ang sampung minutong
pagsasanay sa paglinang ng talasalitaan araw-araw ay mas mabisa kaysa sa
minsanang limampung minutong pagkaklase.

Tulong upang mas maunawaan ang Kabanata 3, buksan ang link na ito:
https://www.youtube.com/watch?v=k5zM4kfThiI
Mga Talasalitaang Aktib At Pasib

1. Aktibong ginagamit ng isang tao ang mga salita kapag siya’y nagtatalumpati o di
kaya’y nagsusulat.

2. Pasibong nagagamit ang mga salita sa pakikinig at pagbasa. Ito’y tumutukoy sa


kakayahan ng isang tao na maunawaan ang mga salitang ginagamit sa
pagsasalita at pagsulat ng ibang tao.

Ang Aktibo at Pasibong Gamit ng mga Salita

Tinatayang mas maraming salita ang nauunawaan ng isang tao kaysa sa


mgasalitang aktibo niyang nagagamit. Ayon kina Richards et.al (1985), ang isang
taal natagapagsalita ng wika ay maaaring magtaglay ng mahigit sa 100,000
pasibongtalasalitaan ngunit ang taglay niyang aktibong talasalitaan ay maaaring
nasa pagitanlamang ng 10,000 hanggang 20,000 salita.

Ang Mga Salita at Pagpapakahulugan sa mga Ito

Maraming dapat alamin ang guro tungkol sa kalikasan


at katangian ng mga salitakung nais niyang maituro nang
mahusay ang talasalitaan. Talakayin sa bahaging ito angilang
konsepto o kaisipan na may kaugnay sa mga salita at
ang kanilang taglay na kahulugan.

1. Denotasyon

- Karaniwang kahulugan dala ng diksyunaryo o salitang


ginagamit sa pinaka karaniwan at simpleng pahayag.

- Kung pinag-uusapan ang mga pagpapakahulugan sa


isang salita, karaniwan nang tinutukoy ay ang
kahulugan nitong konseptwal, iyong kahulugang nag-
uugnay dito sa isang bagay, tao, lugar o pangyayari.

- Tinatawag itong kahulugang denotatib.

- Ang denotatibong kahulugan ay ipinalalagay na sentral o pangunahing


kahulugan ng isang talasalitaan.
Halimbawa:

Makunat ang tikoy.


Makunat = mahirap kagatin
2. Konotasyon

- Kung pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat. Kung may dalang kahulugang
iba kaysa sa karaniwang pakahulugan.

- May mga salitang nagtaglay ng posibo o negatibong konotasyon, samantalang


ang iba’y maaaring neutral ang kahulugan.

Halimbawa:

Makunat ang taong iyan.


Makunat = kuripot

Mga halimbawa ng Denotasyon at Konotasyon

BUGTONG ANAK
Denotasyon : anak na bugtong
Konotasyon : nag-iisang anak
NAGSUSUNOG NG KILAY
Denotasyon : sinusunog ang kilay
Konotasyon : nag aaral mabuti
UMUSBONG
Denotasyon : paglaki o pagtubo ng halaman
Konotasyon : kinalakihan o lumaki
BALITANG KUTSERO
Denotasyon : balita ng kutsero
Konotasyon : gawa gawang storya o chismis
NAGPANTAY ANG PAA
Denotasyon : pantay ang paa
Konotasyon : patay na
IYAK PUSA
Denotasyon : umiiyak ang pusa
Konotasyon : iyakin
BUHAY ALAMANG
Denotasyon : buhay na alamang
Konotasyon : mahirap
PAGPUTI NG UWAK

Konotasyon : hindi na matutuloy o hindi mangyayari


BASANG SISIW
Denotasyon : Sisiw na basa
Konotasyon : Batang kalye
GINTONG KUTSARA
Denotasyon : Kutsara na ginto
Konotasyon : Mayaman na angkan

3. Salita na Maraming Kahulugan (Polysemy)

- may mga salita na iisa ang anyo subalit nagtataglay ng dalawa o


mahigit pang kahulugan.

- Polysemous ang tawag sa mga salitang ito.

- Kung babasahin o di kaya’y maririnig natin ang salitang kamay, agad na


pumapasok sa ating isipan na ito’y bahagi ng katawan. Ngunit maari rin itong
magtaglay ng iba-ibang kahulgan gaya ng mga sumusunod na halimbawa:
kamay na bakal, mahabang kamay, malikot na kamay atb.

Halimbawa: KAMAY – bahagi ng katawan.


KAMAY na bakal, mahabang KAMAY, malikot na KAMAY

4. Kasingkahulugan (Synonym)

- may mga salita na halos pareho ang kahulugan.

Halimbawa: Magsagupa – mag-away Namataan – nakita


Mapintog – matambok Bagwis – pakpak
Supling – anak Sukab – taksil

Ngunit tandaan may mga salitang magkakasingkahulugan na hindi maaring


magkapalitan ng gamit tulad ng matangkad at matayog.

Matangkad ang babae.


Matayog ang puno.
5. Magkasalungat (Antonym)

- ang mga salitang kabaligtaran ng kahulugan ng isang salita ay sinasabing


kasalungat na salita.

Gradable – pinahihintulutan nitong magkaroon ng pagpapahayag ng degree of


contrast.
Non-Gradable – hindi pinahihintulutan nitong magkaroon ng pagpapahayag ng
degree of contrast.
Converse Terms – ito ay ang mga salitang magkakasalungat ang kahulugan
ngunit magkakaugnay ito.

6. MGA HAYPONIM (Hyponyms)

- may mga salita na magkakugnay sa kahulugan kaya’t ang kahulugan ng isang


salita ay maaaring sumaklaw sa kahulugan ng iba pang salita, iyon nga lamang, mas
pangkalahatan ang kahulugan ng isang salita kaysa karamihan.
7. HOMOGRAPH

-ang salitang parehong baybay ngunit magkaiba ng bigkas at kahulugan.

Halimbawa:

tubo-tubo, paso-paso, basa-basa, puno-puno

8. HOMOPHONES

-ang salitang parehong bigkas ngunit magkaiba ng baybay at kahulugan

Halimbawa:

cite-site

Narito ang tulong upang mas madaling maunawaan ang Kabanata 3, buksan ang
link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=pDiVCobB74E

Pag-uugnay ng Kaalamang Pantalasalitaan sa Pag-unawa ng Teksto

Ayon kina Anderson at Freebody sa kanilang aklat na Vocabulary Knowledge


(1981) may tatlong pananaw o posisyon sa ganitong pag-uugnay.

a. Pangkagamitang posisyon

b. Pangkakayahang posisyon

c. Pangkaalamang posisyon
1. Pangkagamitang Posisyon (Instrumentalist Position)
- dapat na pag-aralan nang tuwiran ang mga talasalitaan ng mga estudyante sa halip
na hayaan na lamang silang matutunan ito sa pagbabasa.

2. Pangkakayahang Posisyon (Aptitude Position)

- ang mga estudyante ay nagkakaroon ng malawak na kaalamang pantalasalitaan s


pamamagitan ng malawakang pagbabasa.

- nararapat na magkaroon ang mga estudyante ng maraming pagkakataon sa


pagbabasa at pagsasanay sa pagkilala ng mga salita.

3. Pangkaalamang Posisyon (Knowledge Position)

- sinasabing ang pagkakaroon ng kakayahang pantalasalitaan at pagunawa ay


dulot ng malawak na kaalaman tungkol sa sariling kapaligiran at kultura.

- pagkakaroon ng mga batayang kaalaman at konsepto na ginagamit ng isang


estudyante sa pag-unawa ng mga salita, sa kabuuan ng teksto.

- kaya upang mapalawak ang talasalitaan ng mga mag-aaral, nangangailangan


na magkaroon sila ng sapat na mga karansan na pag-uusapan at maisusulat nang sa
gayon ay mapauunlad ang mga konsepto at kaisipan nila na magagamit sa pag-unawa
ng nilalaman ng teksto.

4. Interaktibong Posisyon (Interactive Position)

- ito ang pag-uugnayan ng mga sistema ng palatandaan o hudyat (cueing system) sa


teksto na tumutulong sa mabisang pag-unawa.

Ang mga palatandaang ito ay:

1. Palatandaang Grapoponiko – nauukol sa tunog na bumubuo sa mga salita.

2. Palatandaang Sintaktibo – nauukol sa pagbubuo o kayarian ng mga salita.


3. Palatandaang Semantiko – nauukol sa kahulugan ng salita ayon sa
pagkakaugnay nito sa iba pang salita.

4. Palatandaang Iskematik – pag-uugnayan ng sariling karanasan sa binabasa.

Mga Estratehiya sa Paglinang ng Talasalitaan

A. Pagsusuring Pangkayarian (Structural Analysis) – mauunawaan ng isang mag-aaral


ang isang salita sa pamamagitan ng pagsuri ng kayarian nito tulad sa salitang-ugat,
mga panlapi, paraan ng pagkakabuo sa salitang tulad ng payak, maylapi, inuulit o
tambalan.

Halimbawa:
Ibigay ang kahulugan ng mga salita ayon sa panlaping ginamit o paraan ng
pahkatuto.
Ligaya
Kaligayahan
Maligaya
Kahoy
Makahoy
Kahuyin
Kamoteng-kahoy--------------------

B. Paggamit ng mga Palatandaang Nagbibigay kahulugan (Context Clues)


-ang mga paaltandaan o pahiwatig ay makikita sa pamamagitan ng pagsusuri at
pag-uugnay sa mga salitang sinusundan o sumusunod sa di-kilalang salita.

Halimbawa:
Mga pangungusap na may kontekstwal klu.
1. Pula ang kanyang bag. (kulay)
2. Binatikos ng pulitiko ang pulhan nating kababayan (mga rebelde)
3. Hugasan mo ang putik sa gulong ng kotse. (dumi, nabasang putik)
4. Ang putikan niyang nakaraan ay pilit na itinatago (hindi maganda)
5. Kunin mo ang palakol sa likod ng pinto. (pumutol ng kahoy)
6. Nakakatuwa ka talaga, puro palakol ang iyong grado ! (bagsak)
7. Madaling kumalat ang liwanag sa probinsya. (kawalang dilim)
8. Bigyan mo ng liwanag ang isip ko. (ipaliwanag)
9. Pahiran mo ng gamiit ang napasong daliri. (nadarang sa init o apoy)
10. Napaso ako sa alindog ni Maria. (naakit, nahalina)

C. Ang Pag-uugnay ng mga Salita (Word Association) – hindi lamang kayarian


at gamit ng salita ang dapat bigyang pansin sa pagpapakahulugan ng mga salita.

1. Collection

- Pagsasama-sama ng angkop na mga salita upang makabuo ng ibang kahulugan.

Halimbawa:

Sinasabi nating pusong-bato sa halip na pusong matigas.


Matang-lawin sa malilinaw ang paningin sa halip na matang-kuwago.
2. Clustering

- Pagbibigay ng iba pang mga salita na halos kapareho rin ng kahulugan ng


naunang salita.

Halimbawa:

3. Clining

- Pagkilala ng pagkakaugnay ng mga salita ayon sa antas o tindi ng


kahulugan ipinahahayag. May mga salita na ginagamit ayon sa tindi ng damdamin na
nais ipahayag.

Halimbawa:

Damdamin: inis – yamot – suklam -- galit


Panahon: noon- kamakalawa- ngayon- mamaya- bukas-sa isang buwan
4. Level of Formality

– Pagpapangkat ng mga salita ayon sa antas ng paggamit o pormalidad ng


gamit nito.

Halimbawa:

5. Classification

- Pagpapangkat ng salita ayon sa punong salita o paksa.

Halimbawa:

PANLASA: matamis, mapakla, mapait, matabang, maalat.


KILOS: magaslaw, malikot, mabagal, mabilis, mabini, maharot.
PANDINIG: malagong, dagundong, matinis, malambing, maugong.
PANINGIN: madilim, malinaw, malabo, maulap.

6. Association/Word Network

- Pagbibigay ng mga salita kaugnay sa isang salita o paksa.

Halimbawa:
7. Gamit ng Diksyunaryo

- isang librong naglalaman ng seleksyon ng mga salita ng isang wika, kalimitang


isinaayos nang paalpabeto na nagbibigay-impormasyon, implekasyon atbp.

-Ibinibigay din nito ang wastong baybay, wastong gamit, etimolohiya, pagbigkas
at uri ng salita.

-Nakakatulong din ang disyunaryo sa pagbibigay sa mga mambabasa o


manunulat ng mga salitang maaaring magamit upang maipanghalili sa isang palasak na
salita.

You might also like