You are on page 1of 7

Colegio De Sta. Lourdes of Leyte Foundation Inc.

Brgy. 1 Quezon Tabontabon, Leyte


Cellphone No.: 09057244430
Website: https://csllfi.wordpress.com
College of Nursing and Entrepreneurship

Ugnayang Pagbasa at Pagsulat


Modyul 8

Layunin:

a.) Nalalaman ang ugnayan ng pagbasa at pagsulat.


b.) Naiisa-isa ang kahalagahan ng pagbasa at pagsulat.
c.) Nagagamit ang rehistro ng wika sa pagbuo ng pangungusap

CSLLFI

UGNAYANG PAGBASA-PAGSULAT

Itinuturing ni Pearson (1985) ang ugnayang pagbsa at pagsulat bilang nagiisang


pinakamahalagang pagbabago sa pagtuturo ng wika.

1. Itinuturo ang pagbasa at pagsulat nang magkahiwalay.

2. Inihihiwalay rin ang iba’t ibang nilalaman ng pagsulat.

3. Nagsasarili ang pagbaybay, ang paggamit ng gramatika, bantas at malaking


titik.

4. Hindi magkasama ang mga gabay sa pagtuturo, teksbuk at maging ng


tagapagturo.

5. Hindi nabubuo ang tuloy tuloy, magkakaugnay at makabuluhang teksto.


6. Ang pagbasa at pagsulat ay kompartamentalays bilang magkaibang
disiplina.

7. Ang mga salitang natututuhan sa pagbaybay ay magkaiba sa talasalitaang


nakapaloob sa tekstong binabasa.

8. Ang ponetikang itinuturo na bahagi ng pagbasa ay inilalarawan bilang


tulong sa pagbaybay.

9. Ang pamaraan sa pagtuturo ng pagsulat ay nakatuon sa pagkaunawa sa


teksto.

10. Sa kasalukuyan, may ugnayan ang pagtuturo ng pagbasa at pagsulat.


(Noyce at Christie -1989)

Ang Pagbuo Ng Ugnayang Pagbasa At Pagsulat

1. Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat.

2. Ang literasi ay kakayahang makabasa at makasulat.

3. Magkakasama sa pamamagitan ng kahulugan at mga gawaing


pampagtuturo.

4. Gawaing pangkaisipan at magkakaugnay ang sentro ng pag-iisip.

5. Nangangailangan ng kritikal na pag-iisip.

6. Nagagamit ang kritikal na pag-iisip.

Limang Saklaw Na Mag-Uugnay Sa Pagbasa At Pagsulat

1. Impormasyon;

2. Istruktural;

3. Transakyonal;

4. Aestetiko; at

5. Proseso.
Napatunayan sa pag-aaral ni Kelly (1990) na ang mga mag-aaral na
nakapagsusulat ng tungkol sa kanilang binasang akda ay higit na
nauunawaan ang kanilang binasa.

Nalilinang nila ang kasanayan sa:

1. Encoding at Decoding,

2. Pagsulat ng pangungusap,

3. Paglinang ng talata at

4. Pagsulat ng higit sa mahabang seleksyon.

Kahalagahan Ng Ugnayang Pagbasa-Pagsulat

1. Nagiging masigla ang pagkatutong literasi;

2. Nagaganap ang pagkatuto;

3. Nalilinang ang aspeto ng pagkaunawa; at

4. Naihahanda ang mga mag-aaral sa daigdig na naghihintay.

Ang Pagsulat Bilang Proseso

1. Sa tradisyonal na paraan, itinatakda sa mga mag-aaral ang gawaing


pasulat at binibigyan ng kaukulang evalwasyon ng guro ng kanilang mga
naging produkto.

2. Sa kasalukuyan, ang pagsulat ay itinuturing na isang proseso at hindi


produkto.

3. Ang dating produktong pagdulog sa pagsulat ay nahalinhan ng prosesong


pagdulog sa pagsulat.

Ugnayang Pagbasa-Pagsulat Sa Kasalukuyan

1. Nagkakaloob ang internet ng bago at napapanahong oportunidad upang


pagugnaying ang pagbasa’t pagsulat.

2. Ang simpleng bagay na magagawa ay ang pagsusulat.


Pagbasa At Pagsulat Sa Akademikong Pangangailangan

- Nahahasa ang pagkakataong magmuni-muni o magrepleksyon tayo


tungkol sa ating mga ideya o aksyon na siyang landas tungo sa
pagpapabuti ng kasanayan natin sa kamalayan at pagkontrol sa mga
iniisip at kinikilos natin.

- Ang kakayahang bumasa at sumulat ay mga kasanayang makabuluhan


sa pagsasakatuparan ng mga gawaing akademiko.

Level ng pagpoprosesong mental tulad ng;

1. kamalayan
2. kontrol
3. repleksyon
4. semiotic mediation

- Ang pagbasa at pagsulat ang pinaka puso ng pag-aaral sa antas tersarya.

Ang Pagbasa, isang proseso

- Ang pagbasa ay ang pagtuklas sa kahulugan ng mga salitang limbag na


simbolo.
- Masalimuot na proseso.
- Kahingian ng abilidad ang pag-unawa sa kahulugan, pag-interpret, at
pag-aply ng mga ideyang nakuha sa pagbasa.

REAKSYON
REKOGNISYON

APLIKASYON
KOMPREHENSYON
PAG-UNAWA SA REHISTRO NG WIKA: TUGONG AKMA SA KOMUNIKASYON

WIKA at KAHUSAYAN sa paggamit nito ang komponent sa komunikasyon na


napakahalaga.

Sa pamamagitan ng wika, nabubuksan ang maraming daan para maipahayag


ang anumang mensahe na nagmumula sa puso o isipan.

Subalit ang nabubuksang daan ay nagiging makitid kapag ang target na


participant ay kulang sa kahusayan sa pag-unawa sa midyum na pinili sa
pagpapaabot ng mensahe.

Halimbawa:

Tagalog na taga-Batangas at Taga-Maynila;

TB: Umipod-ipod ka naman.


TM: Ano bang ipod-ipod?
TB: Umisod-isod ka sabi.
(Nang maalala nyang taga-Maynila ang kausap)
TB: Umurong-urong ka naman

Dayalekto – panrehiyon o heograpikal na varayti ng wika na may sariling ponolohiya,


sintaksis at leksikon (vocabulary).

Sa Morong Rizal:

• Ikaw na ba ang SUSUNOR?


• Kunin mo nga ang SANROK.
• Ang laki ng RAGA!
• Nasa BUNROK, nanghuhuli ng usa. Sa
Bulacan:

• pila – baterya ng sasakyan


• saukan – sawsawan
• tinadtad – bopis (baga at puso ng baboy
o baka)
• kayo – tela
• lansak – libreng pakain sa simbahan/kapilya tuwing Sabado de
Gloria
• patuka – feeds
• jokak – libreng pakain
- Halimbawa ng register ang salitang "kapital" na may kahulugang
"puhunan" sa larangan ng pagnenegosyo at may kahulugan namang
"punong lungsod" o "kabisera" sa larangan ng heograpiya.

- Bawat propesyon ay may register o


espesyalisadong salitang ginagamit. Iba ang
register ng wika ng guro sa abogado. Iba rin ang
sa inhinyero, game designer at negosyante.
- Hindi lamang ginagamit ang register sa isang
partikular o tiyak na larangan kundi sa iba't
ibang larangan o disiplina rin.
- Espesyal na katangian ng mga register ang
pagbabagong kahulugang taglay kapag ginamit
na sa iba't ibang disiplina o laranga.
Halimbawa ng Rehistro ng wika,

REGISTER – isang opisyal na listahan ng pangalan,


kapanganakan,pagpapakasal pagkamatay (lengguwahe) -
isang listahan ng mga bisita sa hotel (turismo)
-pagpapatala ng sulat sa post office (komunikasyon)
-pagpapatala ng pangalan sa halalan (politika)
-pagpasaok ng mga mensahe sa utak/pagtanda o
pag-alala sa natutunan (saykologi)

Mahalagang matukoy ang larangan kung saan ito ginagamit upang


hindi ipagkamali ang kahulugan ng salita at maging madali ang pag-unawa
rito.

Akronim na CA: Cancer (Medisina), Calcium (Nutrisyon), Communication Arts.

WITHDRAWAL -pag-atras o pagsuko sa larangan ng military.


-pagkuha ng salapi sa banko (salapi)
-pagpapalabas ng semilya upang hindi
makapasok sa kaangkinan ng babae (agham)
-pagtigil o pagpigil sa bagay na gusting sabihin o
gawin (komuniksayon)
A. Pag aralan ang halimbawa ng register. Ibigay ang kahulugan ng mga salita sa
ibang larangang nakatala sa ibaba.

You might also like