Professional Documents
Culture Documents
Aklat
Atanacio, H., et. al (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Quezon City: C&E Publishing, Inc.
Modyul Blg.: 1
I. Paksa: Ang Kahulugan at Proseso ng Pagbabasa
II. Layunin sa Pagkatuto:
Sa pagtatapos ng aralin, nakakaya kong:
1. matukoy ang proseso ng pagbasa
2. makilala ang mga aspekto ng pagbabasa
3. mapahalagahan ang tunguhin ng pagbabasa sa mga mag-aaral
III. Panimula/Balik-aral/Nilalaman:
Panimula:
Maaari nating libutin ang buong daigdig sa pamamagitan lamang ng pagbabasa. Matatarok
natin ang lalim ng kaalaman at nahahawan ang landas ng karunungan sa iba’t ibang larangan—
sining, agham, teknolohiya, kasaysayan, pulitika, lipunan, at iba pa. Namumulat tayo sa
katotohanan at nagkakaroon ng pagkakataong makisalamuha para sa ating ibayong
kapakinabangan.
NDDU-IBED-F-081
KAHULUGAN NG PAGBASA
Ang pagbasa ay proseso ng pag-aayos, pagkuha, at pag-unawa ng anomang uri at anyo ng
impormasyon o ideya na kinakatawan ng mga salita o simbolo na kailangang tingnan at suriin
upang maunawaan. Ang mga sagisag na ito ang nagsisilbing instrumento upang mabigyang-
kahulugan ang mga kaisipang gustong ipahayag. Ngunit tandaan nating hindi lahat ng layunin ng
manunulat sa kaniyang akdang nilikha ay natatamo o naisasakatuparan ng isang mambabasa.
PROSESO NG PAGBASA
Isang kumplikadong proseso ang pagbasa sapagkat maraming kasanayan ang nililinang at
kailangang malinang upang maging epekstibo ito. Masasabing mahusay at mabisa ang pagbasa
kung natutukoy ang layunin ng binabasa, nagagamit ang mga estratehiya at teknik sa pagbasa,
nakabubuo ng hinuha o hula sa susunod na pangyayari sa binasang akda, at naiuugnay ang dating
kaalaman at karanasan upang maunawaan ang kahulugan ng binasang teksto.
Upang makabasa ang isang tao, kailangang may kakayahan siyang kilalanin ang nakasulat na
salita. Kung mayroon siyang kakayahang bigkasin ang salita, nangangahulugang nakikilala at
nauunawaan niya ang salitang binigkas. Ang pag-unawa sa mga salita ay nakapaloob sa
dalawang mahahalagang kasanayan: ang una ay ang pagkilala sa mga salitang binabasa at
binibigyan ng kaukulang kahulugan. Ang ikalawa ay ang pag-unawa, pag-aayos, at pagbibigay-
anyo sa tekstong binasa. Tatlong element ang isinasaalang-alang dito:
NDDU-IBED-F-081
2. Pag-unawa sa pangungusap o kaalaman sa syntax
Ang syntax ay isang sangay sa disiplina ng lingguwistika na sumusuri kung paanong ang
mga salitang nakapaloob sa isang pahayag ay nagkakaugnay-ugnay. Mahalagang aspekto
ng syntax ay kung paanong ang bawat bahagi ng pananalita ay nagkakaugnay-ugnay.
Tinitingnan din kung paano mapag-uugnay-ugnay ang mga salita upang makabuo ng isang
wasto at angkop na pangungusap. Bawat wika ay may kaniya-kaniyang estruktura at
kakayahan.
Sa wikang Filipino, ang wastong ayos ng pangungusap ay nasa anyong panaguri + simuno
o kaya ay simuno + panaguri. Samakatuwid, ang paksa sa Filipino ay maaaring nasa
unahan ng panaguri, at maaari ding nasa hulihan nito.
Halimbawa:
Umaanot na sa 100 ang kasaping paaralan mula sa iba’t ibang rehiyon.
Maaaring balikan muli ang binasang pangungusap sapagkat hindi wasto ang naunang
salitang ginamit sa simula ng pangungusap. Ang kakayahan nating magproseso ng tamang
impormasyon at kaalaman sa gramatika ang magsasabi sa atin na umaabot ang angkop na
salita at hindi “umaanot”.
Halimbawa:
Hinihinalang nagtatango na ang suspek.
May kakayahan ang ating utak na magproseso ng tamang impormasyon at sinasabi sa atin
na ang angkop na salita ay nagtatago at hindi “nagtatango”.
Ayon kay Emerald Dechant (1991), ang pag-unawa ay basehan ng pagbibigay ng kahulugan; at
ang kahulugan ay inihahatid sa pamamagitan ng mga nakalimbag na titik at hindi mula sa mga
mismong teksto. Ibig sabihin, ang pagkaunawa sa teksto ay nakadepende sa kung paano
nauunawaan ng mambabasa ang mga salita, at hindi sa kung ano lamang ang nakasulat.
Samakatuwid, ito ay interaksiyon ng teksto at ng mambabasa.
Sinang-ayunan din ito ni McCormick (1998). Ayon sa kaniya, ang pagbabasa ay pagbibigay ng
kahulugan sa teksto at hindi pagkuha ng kahulugan mula sa teksto. Sa interaktibong proseso ng
pagbabasa, tayo ay bumubuo ng kahulugan gamit ang mga kaalaman at kasanayan sa
pagbubuo ng salita mula sa pinagsama-samang tunog (phonology), pagpapalit ng anyo ng
salita batay sa paggamit nito sa pangungusap (morphology), pagsasama-sama at paglalagay
sa tamang puwesto ng mga salita sa pangungusap (syntax), at ang kahulugang makukuha mula
sa buong pangungusap (semantics) batay sa pag-unawa sa mga ito. Mula sa mga kahulugang
dala ng mga ito, ang teksto at ang mambabasa ay nagkakaroon ng interaksiyon upang
mabigyan ng kahulugan ang akda. Dahil sa interaktibong pagbasa, nagkakaugnay ang dating
kaalaman ng mambabasa at ang kaniyang konsepto sa paligid. Ang bawat yugto ng gawaing
pagbasa ay kakikitaan ng aktibong partisipasyon ng mambabasa.
Kahulugan ng Teksto
NDDU-IBED-F-081
IV. Sukatin ang Pag-unawa:
1. ________________
2. ________________
3. ________________
4. ________________
Susi sa Pagwawasto:
1. Pagkilala 2. Pag-unawa 3. Reaksion 4. Pag-uugnay
V. Pagpapayaman ng Kaalaman:
2. Ito ang sentral na bahagi ng utak na nagbibigay ng interpretasyon sa mga salita o simbolo.
a. cerebral cortex b. fixation c. inter fixation d. retina
4. Ito ang proseso ng pagbasa kung saan nagkakaroon ng transaksiyon at interaksiyon sa pagitan
ng teksto at mambabasa.
a. interaktibong pagbasa b. kognitibong pagbasa
c. metakognitibong pagbasa d. panlipunang pagbasa
5. Ito ang tawag sa pagtitig ng ating mga mata sa binabasa upang kilalanin at intindihin ang teksto.
a. cerebral cortex b. fixation c. inter fixation d. retina
10. Ito ay karaniwang nangyayari habang tayo’y nagbabasa na kung saan ay gumagalaw ang
ating mata mula kaliwa pakanan o mula itaas pababa.
a. cerebral cortex b. fixation c. inter fixation d. retina
VI. Sanggunian/Kagamitan:
Aklat
Atanacio, H., et. al (2016). Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik.
Quezon City: C&E Publishing, Inc.
NDDU-IBED-F-081