You are on page 1of 25

•Ano ang mga larawang inyong

nakikita?
•Anong uri ng pinta ang mga ito?
•Para sa inyo, ano ang kahulugan ng
salitang abstrak/abstract?
ABSTAK
Isang uri ng lagom na karaniwang
ginagamit sa pagsulat ng akademikong
papel tulad ng tesis, papel siyentipiko
at teknikal, lektyur at mga report.
Ito ay kadalasang bahagi ng tesis o
disertasyon na makikita sa unahan ng
pananaliksik pagkatapos ng title page
o pahina ng pamagat.
Ito ang naglalaman ng pinakabuod ng
buong akademiko o ulat.
Kalikasan at Bahagi ng Abstrak
Deskriptibong Abstrak Impormatibong Abstrak
• Nakapaloob dito ang • Binubuod dito ang
kaligiran, layunin at tuon kaligiran, layunin, tuon
ng papel o artikulo atbp
• Kung ito ay papel- • Maikli ito, karaniwang 10%
pananaliksik, hindi na ng haba ng buong papel at
isinasama ang isang talata lamang
pamamaraang ginamit,
kinalabasan ng pag-aaral
at kongklusyon.
• Mas karaniwan itong • Mas karaniwan itong
ginagamit sa mga papel sa ginagamit sa larangan ng
humanidades at agham agham at inhinyeriya
panlipunan
Halimbawa
Ang awiting-bayan ay laganap sa bawat
pangkat-etniko sa buong Pilipinas. Sa
kanilang mga awiting bayan nasasalamin
ang kanilang kultura’t tradisyon. Isa sa
mga ito ang Gaddang ng mga pangkat-
etniko sa Lambak ng Cagayan na may
mayamang awiting-bayan. Ang mga
katutubong ito ay namamalagi sa mga
bayan ng Bayombong, Bagabag, at sa
Solano ng Nueva Viscaya (Journal of
Northern Luzon)
Sa patuloy na pag-unlad ng nasabing
bayan at dahil na rin sa pagpasok ng
mga makabagong teknolohiya sa
larangan ng musika, unti-unti nang hindi
naririnig at inaawit ang mga awiting-
bayan ng mga katutubong Gaddang ng
Bragy. Roxas. Naging layunin ng pag-
aaral na ito ang pagtukoy at pagsukat sa
antas ng kaalaman ng mga katutubong
Gaddang ng Brgy. Roxas sa kanilang mga
awiting-bayan.
Ginamit sa pagtukoy ng kalaman ang
edad, kasarian, at bilang ng taong
naninirahan sa lugar bilang variables
upang tukuyin kung may kinalaman ang
mga ito sa antas ng kanilang kaalaman.
Lumalabas sa pag-aaral na ito na ang
edad ay isang salik sa kanilang kaalaman
na kung saan mas matanda, mas mataas
ang antas ng kalaman hinggil sa kanilang
awiting-bayan.
Mas bata, mas kakaunti ang
nalalaman hinggil sa kanilang awiting-
bayan. Natukoy rin ng pag-aaral na ang
kasarian ay walang kinalaman sa
pagtukoy ng antas ng kaalaman. Ang
taon ng paninirahan ay isang salik din sa
pagtukoy ng antas ng kaalaman. Kapag
mas mahabang paninirahan sa lugar,
mas mataas ang antas ng kaalaman
hinggil sa mga awiting-bayang Gaddang.
Mas maikling paninirahan sa lugar,
mas mababa ang nalalaman hinggil
sa awiting-baying Gaddang. Dahil
dito nangangailangan lamang na
magkaroon ng mga paraan at gawain
na magpataas sa antas ng kaalaman
hinggil sa mga awiting-bayan upang
mapaunlad ang mga ito.
Key Words: Antas ng Kaalaman
Gaddang
Awiting-Bayan

Sanggunian: Tamani, Reinmark J. Latugan,


Eddielyn O., “Antas ng Kaalaman ng mga
Katutubong Gaddang Hinggil sa kanilang mga
Awiting-Bayan,” Isang Tesis, St Mary’s
University, 2012
BASAHIN AT SURIIN:
Ang pananaliksik ay pinamagatang “Ang
wika ng Sillag Festival bilang Daluyan ng
Kultura at Identidad ng mg Ilokano”.
Maraming dahilan kung bakit ito ang
kanilang napiling paksa, maliban sa upang
ipakilala ang Sillag Festival, isinagawa ito
upang malaman ang kanilang kultura at
maipakilala ang identidad ng mga Ilokano.
Mahalaga ang pananaliksik na ito sapagkat
ito ay naghahatid ng kaalaman at kamalayan
sa mga tao kung gaano nga ba kayamanan
ang ating wika.
Nagkakaroon din tayo ng ideya
kung paano pa payayabungin ang
wikang sariling atin. Isinagawa ng mga
mananaliksik ang pag-aaral mula sa
pagpapakilala ng kanilang paksa,
layunin, katawan, at konklusyon. Sila rin
ay dumalo mismo sa selebrasyon ng
Sillag upang mapag-aralan ang kanilang
kultura at matukoy ang identidad ng
mga Ilokano.
Mula sa isang pook-sapot
sa Google, ang “Sillag” ay isang
salitang Ilokano na ang ibigsabihin sa
ingles ay moonbeam, o sinag mula sa
buwan. Ito ay isang kapistahan na
nagpapamalas ng mga talento ng
mga mamayan sa lalawigan ng La
Union at upang makaakit na rin ng
mga turista upang makatulong sa
kanilang pamayanan.
Batay sa pananaliksik, winiwika ng Sillag
Festival na ang kanilang kultura ay
kinapapalooban ng mga simbolikong material
gaya ng sining, akda ,tradisyon,
pagpapahalaga at paniniwala ng isang
komunidad o pangkat. Ayon na rin sa
dayagram na nakapaloob sa pananaliksik, ang
Sillag Festival ay nagpapamalas ng likas na
husay sa sining, sa kultura, sa kaparaanan ng
mga Ilokano upang mapanatili ang kanilang
kinasanayang tradisyon, at sa paggamit ng
Wikang Ilokano na siyang nagbubuklod sa
mga mamamayan ng La Union.
Kung kaya’t ang Silag Festival ay
kabilang sa kultura na
pinanatiling sibilisado wikang
Ilokano, na siya rin namang
nagiging daluyan ng kultura at
identidad ng mga taga- La Union.
  Abstak
Paksa  
 
 
Nilalaman  
 
 
Layunin at  
Gamit  
 

You might also like