You are on page 1of 1

Ang awiting bayan ay laganap sa bawat pangkat- etniko sa buong Pilipinas.

Sa kanilang mga awiting


bayan nasasalamin ang kanilang kultura’t tradisyon. Isa ang mga Gaddang sa mga pangkat etniko sa
Lambak ng Cagayan na may mayamang awiting bayan. Ang mga katutubong ito ay namamalagi sa mga
bayan ng Bayombong, Bagabag at Solano sa lalawigan ng Nueva Vizcaya (Journal of Northern Luzon,
1986).Sa patuloy na pag- unlad ng mga nasabing bayan at dahil na rin sa pagpasok ng mga makabagong
teknolohiya sa larangan ng musika, unti- unting hindi naririnig at inaawit ang mga awiting bayang ng mga
katutubong Gaddang ng Brgy. Roxas. Naging layunin ng pag-aaral na ito at ang pagtukoy sa antas ng
kaalaman ng mga katutubong Gaddang ng Brgy. Roxas sa kanilang mga awiting bayan. Sinukat nito ang
kaalaman ng mga katutubo sa mga awiting bayan. Ginamit sa pagtukoy sa antas ng kaalaman ang edad,
kasarian at bilang ng taong paninirahan sa lugar bilang variables upang tukuyin kung may kinalaman ang
mga ito sa antas ng kanilang kaalaman. Lumabas sa pag- aaral na ito na ang edad ay isang salik sa
kanilang kaalaman na kung saan mas matanda, mas mataas ang antas ng kaalaman hinggil sa kanilang
awiting bayan. Mas bata, mas kakaunti ang nalalaman hinggil sa kanilang awiting bayan. Natukoy din ng
pag- aaral na ang kasarian ay walang kinalaman sa pagtukoy ng antas ng kaalaman. Ang taon ng
paninirahan ay isang salik din sa pagtukoy ng antas ng kaalaman. Kapag mas mahabang paninirahan sa
lugar, mas mataas ang antas ng kaalaman hinggil sa mga awiting bayang Gaddang. Mas maikling
paninirahan sa lugar, mas mababa ang nalalaman hinggil sa awiting bayang Gaddang. Dahil dito,
nangangailan lamang na magkaroon ng mga paraan at gawain na magpapataas sa antas ng kaalaman
hinggil sa mga awiting bayan upang mapaunlad pa ang mga ito.

Ang aklat ay tungkol sa halagahan at aral na halaw mula sa pamamaraan at kilos-kapayapaan ng


kababaihang Talaandig. Mga salaysay ng mga Inay Malinandang, mga nanay na kumikilos para sa
kapayapaan ang naging daan na nagbukas sa mundo, pananaw, at halagahan ng malawak na salitang
kapayapaan ng Talaandig. Inilalahad sa aklat na ito ang mga resolusyon, kautusan, at batas mula sa
United Nations at Kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas tungkol sa ugnayan ng kilos-kapayapaan ng
kababaihan, paglalahad at pagsusuri ng isang halimbawang gabay sa pagtuturo ng Edukasyong
Pangkapayapaan at pagtanaw sa kahulugan at nilalaman ng Edukasyong Pangkapayapaan sa bansa.
Isinama ang mga aral at halagahang halaw mula sa prosesong kapayapaan ng mga Inay Malinandang ng
Talaandig. Naglalaman rin ito ng balangkas para sa pagtuturo at pitong modyul sa pag-aaral ng
edukasyong pangkapayapaan para sa pagsasanay ng mga gurong magtuturo ng edukasyong
pangkapayapaang ng K-12 sa bansa.

You might also like