You are on page 1of 19

Magandang Hapon!

1.Ang wika ay ginagamit bilang isang tulay


sa pakikipagtalastasan.
2.Ang Pilipinas ay isang multilinggwal na
bansa.
3.Ang Tagbanwa ay isang dayalekto.
ANO ANG COVID19?
“Ang COVID-19 ay isang sakit sa paghinga na sanhi ng isang
bagong virus. Kabilang sa mga sintomas ang lagnat, pag-ubo,
namamagang lalamunan at pangangapos ng hininga. Ang
virus ay maaaring kumalat mula sa isang tao patungo sa
ibang tao, ngunit ang tamang kalinisan ay makakatulong
upang maiwasan ang impeksiyon. Ayon sa Department of
Health upang makaiwas sa covid19 ay laging maghugas ng
mga kamay, iwasan ang paghawak sa mata, ilong at bibig.
Huwag pumunta sa matatao lugar. Lagi magsuot ng facemask
at iwasan ang paglabas ng bahay lalo na kung may sakit”
LAYUNIN:
Matapos ang talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang:
a. Naibibigay ang kahulugan ng Tekstong Impormatibo
b. Napahahalagahan ang pagkakaroon ng panibago
kaalaman
c. Nailalahad ang iba’t-ibang uri ng Tekstong
Impormatibo
ANO ANG
IMPORMASYON?
TEKSTONG
IMPORMATIB
O
Ang tekstong impormatibo ay
isang uri ng pagpapahayag na ang
layunin ay makapagbigay ng
TEKSTONG impormasyon. Naglalahad ito ng
malinaw na paliwanag sa paksang
IMPORMAT tinatalakay. Sinasagot nito ang
IBO mga tanong na ano, kailan, saan,
sino at paano. Sa ibang
terminolohiya, tinatawag din itong
“ekspositori”.
• Pahayagan (news paper)
• Encyclopedia
• Posters
• Libro at aklat-aralin
• Mga tala (notes)
• Listahan (directory)
• Diksyunaryo
• Ulat
• Manwal panturo (instructional manual)
1.Ang ating pambansang bayani ay si Doctor Jose Protasio
Alonso Mercado Y Realonda Rizal. Anak siya ng mag-
asawang Teodora Alonso at Francisco Mercado.
2.Ayon sa mga historyador, nagmula ang pangalang Bulacan sa
‘bulak’ dahil laganap daw noon sa lalawigan ang puno ng
bulak.
3.Ang kasingkahulugan ng salitang marangya ay mayaman.
Dukha naman ang kasalungat nito.
4.Francisco Domagoso ang tunay na pangalan ni Isko Moreno.
Naging tanyag lamang siya sa kaniyang screen name kaya ito
na rin ang naging pangalan niya bilang politiko.
Mga Uri ng
Tekstong
Impormatibo
Paglalahad ng Totoong
Pangyayari/Kasaysayan

Sa uring ito ng teksto inilalahad ang mga


totoong pangyayaring naganap sa isang
panahon o pagkakataon.
HALIMBAWA:

1. Naganap ang Bataan Death March noong Abril 1942


sa kasagsagan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
2. Ginawa ang 2019 Midterm election noong Mayo 13,
2019 at idineklara ni Pangulong Duterte bilang non-
working holiday.
Pag-uulat Pang-impormasyon
• Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang
kaalaman o impormasyon patungkol sa tao,
hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di
nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa
paligid.
HALIMBAWA:
1. Natagpuan ng mga mananaliksik ang isang antigong
mangkok ng noodles sa China na sinasabing
pinakamatanda sa buong mundo.
2. Mula sa Pampanga ang pagkaing sisig. Likas na maasim
daw ang orihinal na recipe nito dahil pagkain daw ito
ng mga naglilihi at lasing.
Pagpapaliwanag

• Ito ang uri ng tekstong impormatibong nagbibigay


paliwanag kung paano o bakit naganap ang isang bagay
o pangyayari. Layunin nitong makita ng mambabasa
mula sa mga impormasyong nagsasaad kung paano
humantong ang paksa sa ganitong kalagayan.
HALIMBAWA
1. Nahulog ang bata dahil iniwan siya ng tiyahin niya sa
upuan.
2. Ayon sa mga historyador, nagmula ang pangalang
Bulacan sa ‘bulak’ dahil laganap daw noon sa lalawigan
ang puno ng bulak.
3. Gagawin ang Miss Universe 2019 Pageant sa United
States. Ang unang inanunsyong petsa ay sa Disyembre
8.
Panuto: Pagtapat-tapatin. Tukuyin sa Hanay B ang inilalarawan sa mga
pahayag sa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.
HANAY A HANAY B
1. Ito ay isang uri ng pagpapahayag na ang A. Pag- uulat pang -Impormasyon
layunin ay makapagbigay ng impormasyon B. Pagpapaliwanag
2. ito uri ng teksto na inilalahad ang mga C. Tekstong Impormatibo
totoong pangyayaring naganap sa isang D Paglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan
panahon o pagkakataon
3. Sa uring ito nakalahad ang mahahalagang
kaalaman o impormasyon patungkol sa tao,
hayop, iba pang bagay na nabubuhay at di
nabubuhay, gayundin sa mga pangyayari sa
paligid.
4. Ito ang uri ng tekstong impormatibong
nagbibigay paliwanag kung paano o bakit
naganap ang isang bagay o pangyayari.
TAKDANG ARALIN:
* Magsaliksik tungkol sa Tekstong Deskriptib at mga uri
nito.

You might also like