You are on page 1of 9

Filipino sa Piling Larang (Akademik) Q3 Modyul 5-6

Magandang araw! Kumusta? Handa ka na ba sa isang bagong talakayan at


pagkatuto? Kung gayon ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo para sa isang
bagong kaalaman ukol sa akademikong sulatin na tinatawag na bionote.
Ano ba ang Bionote? Bakit nga ba ito kinakailangang pag-aralan? Ang bionote
ay isang uri ng sulatin na nagpapakilala sa isang propesyonal, bilang isang mag-aaral
mahalaga itong pag-aralan dahil ito’y magagamit para sa inyong kahaharaping
propesyon.

1. Nakapagbibigay ng kahulugan, katangian at karaniwang layunin ng salitang bionote;


2. Nakapagsusulat ng isang bionote gamit ang tamang estilo at teknikal na
pangangailangan nito; at
3. Naisaalangalang ang etika sa bubuuing bionote.
4. Nakapagbibigay ng kahulugan, proseso o tamang hakbang sa paggawa ng
talumpati;
5. Nakasusulat ng talumpati na sinusunod ang tamang hakbang nito; at
6. Naisasaalang-alang ang etika sa pagbubuo ng mahusay na talumpati.

ARALIN 1
KAHULUGAN AT KATANGIAN NG BIONOTE

Bago mo pag-aaralan ang nilalaman ng modyul na ito, may inihandang gawain na kailangan mo
munang sagutin. Makikita sa ibaba ang isang larawan, kilala mo ba kung sino siya? Ano ba ang kanyang
pangalan? Saan nga ba siya nag-aral at ano ang kanyang natapos? at Ano-ano ba ang kanyang nagawa sa
larangan ng politika?
Ipakilala ang taong makikita sa ibaba sa tulong ng mga gabay na tanong na iyong binasa. Isulat ito
sa iyong sagutang papel.

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

__________________________________________

1
Panuto: Isulat sa iyong sagutang papel ang mga sagot.
1. Base sa gawain, naging madali ba ang pagkilala sa taong nasa larawan? Bakit?
2. Paano kaya nakatutulong sa iyo ang gawaing iyon, dito sa aralin na iyong pag-aaralan?

Magaling! Naging positibo ba ang resulta ng unang gawain?


Sakaling hindi, huwag kang mag-alala dahil ang modyul na ito ay may
malaking maiambag sa iyo upang mas lalo mong maintindihan kung paano
gumawa ng isang bionote.

PAGLALAHAD
Ano ang Bionote?
Ang bionote ay impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o ano-ano
na ang nagawa mo bilang propesyonal. Inilalahad din dito ang iba pang impormasyon tungkol sa iyo na may
kaugnayan sa paksang tinalakay sa papel, sa trabahong ibig pasukan, o sa nilalaman ng iyong blog o website.
Iba ang binonote sa talambuhay at autobiography.
Ang bionote ay maikli at siksik, samantalang mas detalyado at mas mahaba ang talambuhay at
autobiography.
Iba rin ang bionote sa biodata at curriculum vitae o CV. Hinihingi sa biodata ang mga personal na
impokrmasyon tulad ng pangalan, kasarian, edad, petsa at lugar ng kapanganakan, tangkad, timbang, at iba
pa. Karaniwan itong ginagamit ng mga nagnanais magtrabaho sa gobyerno. Makikita naman sa CV ang mga
detalye tungkol sa natamong edukasyon, nakaraang trabaho, mga kasanayang may kaugnayan sa
inaaplayang posisyon o trabaho, mga nilahukang seminar o kumperensya, at iba pa. Karaniwan itong
ginagamit ng mga akademiko.

Bakit nagsusulat ng Bionote?


Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating karakter kundi maging ang
ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan. Ito ang paraan upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa.
Halimbawa, hindi tatangkilikin ng mga paaralan ang isang batayang aklat sa accountancy kung makikita sa
author’s profile na wala naman talagang backgorund ang awtor sa larangang ito. Hindi rin matatanggap
bilang industrial engineer ang isang aplikanteng ang nakasulat sa bionote ay tungkol sa mga kasanayan sa
pagluluto. Kung makikita naman ng mga mambabasa na ang isang blogger na nagsusuri ng mga aklat ay
hindi gaanong mahilig magbasa, awawalan silao ng interes na basahin ang kaniyang mga rebyu.
Sa pagsulat ng bionote, mahalagang malinaw ang layunin o mga layunin sa pagsulat nito. Kailangang
ding tukuyin kung sino ang magbabasa nito at ang ibig mong isipin nila tungkol sa iyo.

Mga Katangian ng Mahusay na Bionote


Katulad ng iba pang akademikong sulatin, hindi basta-basta ang pagsulat ng bionote. Sa katunayan,
marami ang hindi nagtatagumpay sa pagsulat nito. Karaniwang hindi nagtutugma ang gustong sabihin ng
awtor at gustong mabasa ng mambabasa. Ang mga sumusunod ay mga katangian ng isang mahusay na
bionote:
Maikli ang nilalaman. Karaniwang hindi binabasa ang mahahabang bionote, lalo na kung
hindi naman talaga kahanga-hanga ang mga dagdag na impormasyon. Ibig sabihi, mas maikli
ang bionote, mas babasahin ito. Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang
mahahalagang impormasyon. Iwasan ang pagyayabang.
2
Gumagamit ng Pangatlong Panauhang pananaw. Tandaan, laging gumamit ng
pangatlong panauhang pananaw sa pagsulat ng bionote kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa, “Si Roshelle G. Abella ay nagtapos ng MA- Filipino sa Unibersidad ng Foundation.
Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Piling Larangan sa Negros Oriental High School.”
Kinikilala ang Mambabasa. Kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa pagsulat ng
bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan, kailangang
hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila. Halimbawa, ano ang kalipikasyon
at kredibilidad mo sa pagsulat ng batayang aklat.
Gumagamit ng baligtad na tatsulok. Katulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong
sulatin, unahin ang pinakamahalagang impormasyon. Bakit? Ito ay dahil sa ugali ng maraming
taong basahin lamang ang unang bahagi ng sulatin. Kaya naman sa simula pa lamang ay
isulat na ang pinakamahalagang impormasyon.
Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian. Iwasan ito. “Si Ronalyn
Jane ay guro/manunulat/mang-aawit/negosyante/chef.” Mamili lamang ng mga kasanayan o
katangian na angkop sa layunin ng iyong bionote. Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan,
halimbawa, hindi na kailangang banggitin sa bionote ang pagiging negosyante o chef.
Binabanggit ang degree kung kailangan. Kung may PhD sa antropolohiya, halimbawa,
at nagsusulat ng artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa Cagayan, mahalagang isulat sa
bionote ang kredensyal na ito.
Maging matapat sa Pagbabahagi ng Impormasyon. Walang masama kung paminsan-
minsan ay magbubuhat ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa
inaaplayan o upang ipakita sa iba ang kakayahan. Siguruhin lamang na tama o totoo ang
impormasyon. Huwag mag-iimbento ng impormasyon para lamang bumango ang pangalan at
makaungos sa kompetisyon. Hindi ito etikal at maaring mabahiran ang reputasyon dahil dito.

Halimbawa ng bionote ng isang manunulat

Bionote Ni G, Patronicio Villafuerte


Si Patrocinio Villafuerte y isang guro at manunulat sa Filipino. Siya ay ipinanganak noong ika-7 ng
Mayo 1948 sa San Isidro, Nueva Ecija. Isa siyang manunulat na may bilang na 145 na akda. Nagtapos siya
ng Batsilyer sa Agham sa Edukasyon. PAngulo siya ngayon ng Departamento ng Pilipino sa Philippine Normal
University. Marami siyang nakuhang mga parangal sa iba’t ibang pag-gawad, tulad ng Gawad Merito na
kanyang nakuha at nakamit sa Manuel Luis Quezon University.
Tumanggap rin siya ng mga parangal. Ang kanyang kauna-unahang nakamit ay mula sa Genoveva
Edroza Matute Professional Chain in Filipino, Sampung gawad Surian Gantimpalang Collanters. Dalawang
Presidential Awards sa Malacañan Palace at walong Carlos Palanca Memorial Awards For Literature.
Pinarangalan ng Komisyon ng Wikang Filipino, PNU Alumni Association, Kapisanan ng mga Propesor sa
Pilipino (KAPPIL), Ninoy Aquino Foundation at Philexers.
Mula kay: Dela Cruz, Mark Anthony S. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik.

Gawain 2

Panuto: Basahin at unawain ang mga katanungan sa ibaba at magbigay ng maikling paliwanag. Gawin ito
sa iyong sagutang papel.

1. Base sa iyong napag-aralan, ano ang pinakalayunin ng isang bionote? Ipaliwanag.


_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

3
2. Sa iyong palagay, ano ang pinakamahalagang katangian ng isang bionote? Ipaliwanag.
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

TANDAAN

Ang bionote ay maikling impormatibong sulatin (karaniwang isang talata


lamang) na naglalahad ng mga klasipikasyon ng isang indibidwal at ng kaniyang
kredibilidad bilang propesyunal. Itinatanghal dito ang kaniyang mga natamona
nagsasabing siya ay maalam at may awtoridad sa larangang kinabibilangan niya.

ARALIN 2
MGA URI NG TALUMPATI

Gawain 3

Makikita sa ibaba ang isang Converging Map na may salitang “Talumpati” sa gitna. Isulat sa loob ng
bilog ang mga mga salita/ parirala na maaari mong maiugnay sa salitang “talumpati” upang makabuo ng
isang maikling kahulugan. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat ito sa iyong kuwaderno.


1. Base sa gawain, anong kahulugan ang iyong nabuo para sa salitang talumpati?
2. Paano kaya nakatutulong sa iyo ang gawaing iyon, dito sa aralin na iyong pag-aaralan?

PAGLALAHAD
Mga Uri ng Talumpati
Talumpati ayon sa Layunin
❖ Impormatibo - ito ay naglalahad ng mga kaalaman tungkol sa isang partikular na paksa. Hal.
Talumpati tungkol sa Mental Health.

4
❖ Nanghihikayat - nanghihikayat sa tagapakinig na magsagawa ng isang kilos o kaya hikayatin na
panigan ang opinyon o paniniwala ng tagapagsalita. Hal. Talumpati tungkol sa masamang dulot ng
aborsyon.
❖ Mang-aliw - talumpating nang-aaliw o nagpapatawa sa tagapakinig. Hal. Pagpapatawa ng mga
komedyante sa comedy bar.
❖ Okasyonal - talumpating isinusulat at binibigkas para sa isang partikular na okasyon katulad ng
kasal, kaarawan at parangal.

Talumpating ayon sa Kahandaan


❖ Impromptu - halos walang paghahanda sa pagsulat at pagbigkas ng talumpati. Hal. Biglaang
pagtawag sa may kaarawan upang magbigay ng maikling talumpati.
❖ Extemporaneous - pinaghahandaan ito sa pamamagitan ng pagsulat ng speech plan upang
maging epektibo ang pagbigkas.

Proseso sa Pagsulat ng Talumpati


Paghahanda - Mahalaganag mapukaw ang atensyon ng tagapakinig sa unang pangungusap pa
lamang. Kaya sa pagsulat ng introdukyon, kailangan silang ihanda at isama sa paglalakbay.
Pag-unlad - sa bahaging ito kailangang lumikha ng tensyon, magkuwento o magbigay ng
halimbawa at mga tayutay ang tagapagsalita upang hindi sila bitawan ng tagapakinig.
Kasukdulan - ito ang tuktok na bahagi ng talumpati. Inilalahad dito ang pinakamahalagang
mensahe ng talumpati.
Pagbaba - ito ang pagtatapos na bahagi ng talumpati. Paano ba ito tapusin? Maaring ibuod ang
mahalagang puntong tinalakay o mag-iwan ng tanong o parirala. Anumang paraan ng pagtatapos,
kailangang mahuli ang kongklusyon ang diwa ng talumpati.

Gabay sa Pagsulat ng Talumpati


Tuon
✓ Bakit ako magsusulat ng talumpati?
✓ Ano ang paksa?
✓ Ano ang mensaheng nais kong ipahayag?
✓ Ano ang gusto kong mangyari sa aking tagapakinig?
✓ Ano ang kahalagahan ng paksang tatalakayin ko?

Tagapakinig
✓ Sino ang aking tagapakinig?
✓ Bakit sila makikinig sa talumpati?
✓ Anong mahahalagang bagay ang nais kong baunin ng tagapakinig?

Pagsulat
✓ paano ko pupukawin ang atensyon ng tagapakinig?
✓ Anong lenggwahe ang gagamitin ko?
✓ Ao ang tono ng aking talumpati?
✓ Ano ang estilong ilalapat ko sa pagsulat ng talumpati?
✓ Paano ko aayusin ang organisasyon ng talumpati?

Gawain 4

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong na makikita sa ibaba. Sagutin ito ng maayos.
1. Bakit mahalaga ang pokus sa pagsulat ng talumpati?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
5
2. Bakit kailangang tukuyin ang kahalagahan ng tatalakaying paksa?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________
3. Ano ang papel ng tagapakinig? Bakit kailangan silang isaalang-alang sa pagsulat ng talumpati?
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________

TANDAAN

Ang talumpati ay ang pagpapahayag ng kaisipan o opinion tungkol sa isang paksa, sa


pamamagitan ng pagsasalita ssa entablado. Ito ay ginagawa sa harapan ng pangkat ng
mga tagapakinig. Ang talumpati ay maaring basahin isaulo o ibalangkas.

Mga Sanggunian
Aklat
Dela Cruz, Mark Anthony S. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Diwa Learning Systems Inc.,
2016.

Alviola, Jesusito., Sanayang Aklat sa Piling Larangan. DepEd. Division of Negros Oriental. 2017.

Internet
Hirst, K. Kris. Biography of Filipino Politician and President Rodrigo Duterte (image only). Last Modified
December 17, 2018. https://www.thoughtco.com/rodrigo-duterte-biography-4178739

Maestro Valle Rey. Halimbawa ng Bionote: Mga Bionote Ng Iba’t Ibang Propesyon Last Modified January 30,
2020. https://bit.ly/3hE2f82

https://en.wikipedia.org/wiki/Rodrigo_Duterte Para sa larawan

https://en.wikipedia.org/wiki/Rodrigo_Duterte#/media/File:President_Rodrigo_Duterte.jpg para sa larawan

Dela Cruz, Mark Anthony S. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Diwa Learning Systems Inc.,
2016.

Alviola, Jess., Sanayang Aklat sa Piling Larangan. DepEd. Negros Oriental

6
Republic of the Philippines
Department of Education - Region III
Division of San Jose City
TONDOD HIGH SCHOOL - SENIOR HIGH SCHOOL
SY 2020-2021

UNIFIED LEARNING ASSESSMENT TEST


Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Quarter 3 Week 5-6

I. A. Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at alamin kung ito ba ay tama o mali.
Isulat ang letrang T kung tama ang pahayag at letrang M kung mali ang pahayag.
________ 1. Ginagamit ang pangatlong panauhan sa pagsulat ng bionote.
________ 2. Ang bionote ay isang impormatibong talata na nagpapaalam sa mga
mambabasa kung ano ang nagawa mo biang propesyunal.
________ 3. Ang bionote at autobiograhy ay magkatulad.
________ 4. Ang talambuhay ay mas maikli at mas siksik kaysa sa bionote.
________ 5. Ang biodata at bionote ay magkaiba.
________ 6. Ang curriculum vitae at bionote ay iisa lamang.
________ 7. Kinakailangang mahaba ang gagawing bionote upang mas makilala ang
manunulat.
________ 8. Sa pagsulat ng bionote mahalagang kilalanin muna ang iyong
mambabasa.
________ 9. ang bionote ay mahalaga sapagkat ito’y ginagamit upang itanghal ang mga
natamo ng isang indibidwal.
________ 10. Sa pagsulat ng bionote mahalagang baguhin ang mga natamo ng isang
indibidwal upang mas galangin siya ng mambabasa.

B. Panuto: Basahing mabuti ang bawat aytem at isulat ang tamang sagot. Piliin lamang
sa loob ng kahon ang tamang sagot.

___________1. Talumpating naglalahad ng kaalaman tungkol sa isang paksa.


___________ 2. Talumpating isinusulat at binibigkas para sa isang okasyon.
___________ 3. Talumpating nanghihikayat sa mga tagapakinig na gawin ang isang bagay.
___________ 4. Talumpating pinaghandaan ng ilang oras o araw.
___________ 5. Talumpating walang paghahanda.
___________ 6. Talumpating nagpapatawa sa mga tagapakinig.
___________ 7. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang pagpukaw sa atensyon
ng tagapakinig.
___________ 8. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang
pinakamahalagang mensahe ng talumpati.
___________ 9. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang paglikha ng tensyon sa
talumpati.
7
___________10. Proseso ng pagsulat ng talumpati na binibigyang diin ang pagtatapos ng talumpati.

II. PERFORMANCE TASK


Panuto: Sumulat ka ng isang bionote batay sa impormasyon sa ibaba. Gawin ito sa iyong
kuwaderno habang ginagabayan ka ng rubric na makikita sa ibaba.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na mag-aaplay ka ng trabaho. Tumingin ka ng mga


bakanteng posisyon bilang IT assistant sa isang job portal sa Internet. Natuwa ka naman dahil
maraming kompanya ang nangangailangan ng IT assistant. Napansin mong halos lahat ng
inaaplayan mo ay nanghihingi ng bionote maliban sa resume, pormularyo ng aplikasyon, at
scanned na kopya ng diploma at transcript of records. Dahil dito, magsusulat ka ng isang bionote
na babasahin ng mga kinatawan ng HR ng kompanyang inaaplayan mo. Ang malaking puntos
ng iyong aplikasyon ay nakabatay rito, kaya kailangan mong husayan. Tatayain ang iyong
bionote ayon sa kaangkupan ng mga impormasyon sa posisyong inaaplayan, organisasyon ng
talaata, at grammar.

Pamantayan sa Pagmamarka

Inihanda ni:
Digitally signed by
Somera Princess Melanie
Jimenez
Date: 2022.04.29 09:50:45
+08'00'
PRINCESS MELANIE J. SOMERA
Guro sa Filipino sa Piling Larang

8
1. T
2. T
3. M
4. M
5. T
6. M
7. M
8. T
9. T
10. M
B
1.impormatibo 6. mang - aliw
2. okasyonal 7. paghahanda
3. nanghihikayat 8. kasukdul an
4. extemporaneous 9. pag - unlad
5. impromptu 10. pagbaba

You might also like