Professional Documents
Culture Documents
ARALIN 1
PHOTO ESSAY/LARAWANG SANAYSAY
PAGLALAHAD
PHOTO ESSAY
Ang Photo Essay ay koleksyon ng mga larawang maingat na inayos upang upang maglahad ng
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari, magpaliwanag ng particular na konsepto o magpahayag ng
damdamin. Hindi limitado ang pak, magulong konsiyerto, o tahimik at payapang bukirin. Maaaring ito ay
tungkol sa natatanging tao o mga kakaibang pangyayari.
Sa pagsasalaysay, maaaring gamitin mismo ang mga binuong larawan o dili kaya’y mga
larawang may maiikling teksto o kapsyon. Malaki ang naitutulong ng larawang may teksto sapagkat
nakatutulong ang mga ito sa mga ideya/ kaisipang ipinakikita ng larawan. Ang pagtataglay ng larawan
ay dapat na isinaayos o pinag-isipang mabuti sapagkat ito ang magpapakita ng kabuoan ng kwento o
kaisipang nais ipahayag. Makapagsasalaysay dito sa pamamagitan ng mga larawang may kronolohikal
na ayos.
Ibig sabihin, isinasalaysay ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunodsunod ng
larawan. Kung pangkalahatang kaisipan lamang ng pangyayari ay maaari nang gamitin ang isang
larawang may natatanging dating. Ibig sabihin, sa isang kuhang larawan ay naroon na ang lahat-lahat
ng mga ideya.
Ang mga nakatalang sulat o katitikan sa bawat larawan ay suporta lamang sa mga
larawan kaya’t hindi ito kinakailangang napakahaba o napakaikli. Kailangang
makatutulong sa pag-unawa at makapukaw sa interes ng magbabasa o titingin ang mga
katitikang isusulat dito.
May isang paksang nais bigyang-diin sa mga larawan kaya’t hindi maaaring maglagay ng
mga larawang may ibang kaisipan o lihis sa paksang nais bigyang-diin. Kailangang
maipakita sa kabuoan ang layunin ng pagsulat o paggawa ng larawang-sanaysay.
Ang mahalagang katangian ng larawang-sanaysay ay ang mismong paggamit ng larawan
sa pagsasalaysay. Layunin nitong magbigay ng kasiyahan o aliw sa taong gumagawa ng
salaysay, magbigay ng mahalagang impormasyon, at malinang ang pagiging malikhain.
Ang photo essay ay katulad din ng iba pang uri ng sanaysay na ginagamit ng mga teknik sa
pagsasalaysay.ang kaibahan lamang ay ang paggamit ng mga larawan sa pagsasalaysay. May mga
photo essay na binubuo ng mga larawan. Ang iba naman ay binubuo ng mga larawang may maiikling
teksto. May mga nagsasabing ang photo essay ay isang sulatin kung ang kalakihan nito ay teksto at
sasamahan lamang ng ilang larawan. May iba namang nagsasabing ang mga larawan ang dapat
lumulutang sa anyong ito, hindi ang mga salita.
Ang photo essay ay hindi katulad ng tradisyunal na sanaysay na nagpapahayag ng damdamin
at kaisipan sa pamamagitan ng mga salita.ang mga larawan ay ang pangunahing nagkukuwento
samantalang ang mga nakasulat na teksto ay suporta lamang sa mga larawan. Gumagamitnlamang ng
mga salita kung may mga detalyeng mahirap ipahayag kung larawan lamang ang gagamitin.
Sa pag-aayos ng mga larawan, dapat ito’y kronolohikal upang kronolohikal din ang pagkukuwento sa
sanaysay.
(Ang kabuuan ng talakayang ito ay maaari mong Makita sa aklat na “Pagsulat sa Filipino sa Piling
Larangan: Akademik” (Makati City: DIWA LEARNING SYSTEMS INC, 2016), pp. 54-56.
Kasabay ng maligayang pagsalubong sa mga bagong mag-aaral noong Thomasian Welcome Walk
ay ang pagtanggap nila sa lahat ng mga responsibilidad na kanilang haharapin bilang isang mahabagin,
maaasahan, at tapat na Tomasino.
Gawain 2
Panuto: Lagyan at punan ng mga salita ang bawat bilang upang makabuo ng mga pangungusap.
1. Nagiging makabuluhan ang photo essay sa akin dahil_____________________________________
_________________________________________________________________________________
2. Ang photo essay para akin ay parang _________________________________________________
_________________________________________________________________________________
ARALIN 2
PANUKALANG PROYEKTO
Gawain 3
Panuto: Basahin at unawaing maigi ang isang sulatin na nasa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang
katanungan sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong sagutang-papel.
Panukalang Proyekto
I. Pamagat: Panukalang Proyekto sa pagkakaroon ng maayos na silid-aklatan
II. Proponent ng proyekto: Cristine Joy Cabuga at Maricar Raven Carcosia
III. Kategorya:
Ang proyektong pag sasaayos ng silid aklatan ay pangangalapan ng pondong galing sa gagawing fund
raising upang makakalap ng sapat na pera para sa proyekto ito sa tulong ng mga guro,magulang at
punungguro ng paaralan.
IV. Petsa:
Ang mga sumusunod na araw ang itinakdang araw at hakbangin upang masimulan at matapos ang pag
sasaayos ng lagayan ng libro at pagdadagdag ng mga libro sa silid-aklatan na ilalahad sa ibaba.
V. Rasyonal:
Ang kahalagahan ng proyektong ito ay makapagbigay ng pakinabang sa pagkakaroon ng maayos at
organisadong silid- aklatan sa Lagro High School.
VI. Deskripsyon ng Proyekto:
Ang proyektong ito ay aabutin ng mahigit limang buwan upang maisakatuparan ang nais matamong pag
babago sa silid-aklatan.
VII. Badget:
Sa Proyektong ito inaasahang badget na igugol sa paaralan ay ilalahad sa ibaba.
PAGLALAHAD
Panukalang Proyekto
Ang Panukalang Proyekto ay isang dokumento na ginagamit upang kumbinsihin ang isang
sponsor. Ito rin ay isang paraan upang makikita ang detalyadong pagtatalakay sa dahilan at
pangangailangan sa proyekto, panahon sa pagsasagawa ng proyekto at kakailanganing resources.
May mga bahagi ang panukalang proyekto. Ito ay ang mga espisipikong laman ng sulating panukalang
proyekto.
Petsa – kailan ipadadala ang proposal at ano ang inaasahang haba ng panahon upang
maisakatuparan ang proyekto
Badget – itatala rito ang detalye ng lahat ng inaasahang gastusin sa pagkompleto ng proyekto
2.Plano ng Dapat Gawin- Matapos maitala ang mga layunin ay maaari nang buoin ang talaan ng mga
gawain o plan of action na naglalaman ng mga hakbang na isasagawa upang malutas ang suliranin.
Mahalagang maiplano itong mabuti ayon sa tamang pagkakasunod-sunod ng pagsagawa nito kasama
ang mga taong kakailanganin sa pagsasakatuparan ng mga gawain. Dapat maging makatotohanan at
kailangang ikonsidera ang badyet sa pagsasagawa nito. Makakatulong kung gagamit ng tsart o
kalendaryo para markahan ang pagsasagawa ng bawat gawain.
Suriin ang plano ng mga gawain sa pagpapatayo ng breakwater o pader para sa Barangay Bacao
sa ibaba.
3.Badyet – pinakamahalagang bahagi ito ng anumang panukalang proyekto. Ang badyet ay ang talaan
ng mga gastusin ( tulad materyales at sweldo sa manggagawa ,allowance sa magbabantay at iba pang
kakailanganin sa pagsasakatuparan ng layunin. Mahalagang ito ay mapag-aralang mabuti upang
makatipid sa mga gugugulin. Maaaring magsagawa ng bidding sa mga kontraktor na kadalasan ay may
panukalang budget para sa gagawing proyekto. Maaaring magkaroon ng tatlo o higit pang bidder na
pagpipilian.Ibigay o ipagkatiwala ang proyekto sa kontraktor na magbibigay ng pinakamababang
halaga ng badyet.Sa mga karagdagang kagamitan o materyales ,mas makabubuti kung maghahanap
muna ng murang bilihan para makatipid din sa mga gastusin. Huwag ding kaligtaang isama sa talaan
ng badyet ang iba pang mga gastusin tulad ng sweldo ng mga manggagawa ,.allowance para sa mga
magbabantay sa pagsasagawa nito.
Mga dapat tandaan sa paggawa ng badyet para sa panukalang proyekto ayon sa mga datos
mula sa modyul tungkol sa pagsulat ng panukalang proyekto na may pamagat na “ Paghahanda ng
Isang Simpleng Proyekto “ https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02
1. Gawing simple at malinaw ang iyong badyet. Dapat na malaman agad ng ahensiyang magtataguyod
ang mga bahagi nito. Ang mahahalagang detalye ng gastusin ay dapat na malinaw ang pagkakasaad.
2. Ayusing mabuti ang iyong panukala. Pagpangkat-pangkatin ang mga gastusin ayon sa klasipikasyon
ng mga ito. Siguraduhing nakahanay ang mga halaga upang madaling sumahin ito.
3. Gumawa ng pag-aaral ng mga ahensiyang nagtataguyod ng mga proyekto at alamin ang mga bagay
na kailangan sa panukala at ang halagang kanilang tinutustusan upang makasama ang iyong panukala
sa kanilang itataguyod. Sa ganitong paraan mas malaki ang tsansang maaprobahan ang iyong proyekto.
Maaari ka ring manghingi ng kopya ng mga naaprobahan nilang mga proyekto upang maikumpara ang
gawa mo.
4. Ihanda ang iyong badyet hanggang sa huling sentimo. Ang mga ahensiyang nagtataguyod ng mga
proyekto ay kadalasang gumagawa ng pag-aaral para sa itataguyod nilang proposal.
5. Siguraduhing tama ang lahat ng kukuwentahin. Mangangahulugan ito ng iyong integridad at karapat-
dapat na pagtitiwala para sa iyo.
Gawain 4
Panuto: Kilalanin kung anong bahagi ng panukalang proyekto ang nasa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong
sagutang-papel.
___________1. Mark Edison Julian, Jenalyn Alonzo
___________2. Ang proyektong ito ay aabutin ng limang buwan bago maisakatuparan o makompleto.
Maliban sa pagbuo ng grupo, gagawa rin ang mga ito ng newsletter at sasali sa ilang patimpalak.
____________3. PANUKALANG PROYEKTO SA PAGKAKAROON NG PANGKAT PARA SA CAMPUS
JOURNALISM SA SAN JOSE HIGH SCHOOL
____________4.
______________5. Ang proyektong pagbuo ng pangkat para sa Campus Journalism sa San Jose High
School (SJHS) ay isasagawa sa pamamagitan ng pagpupulong sa mga guro sa English at Filipino at
pagbuo ng plano upang mahikayat ang mga mag-aaral na sumali sa nasabing pangkat.
SANGGUNIAN
Dela Cruz, Mar Anthony.Simon. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik (Makati City: DIWA
LEARNING SYSTEMS INC, 2016), pp. 107-109.
Halimbawa ng Panukalang Plano sa Pagsasaayos ng Silid-Aklatan ng ANSHS
bit.ly/3cFWztf.
Dela Cruz, Mar Anthony.Simon. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik (Makati City: DIWA LEARNING
SYSTEMS INC, 2016), pp. 54-56.
chrome-
extension://efaidnbmnnnibpcajpcglclefindmkaj/viewer.html?pdfurl=https%3A%2F%2Fznnhs.zdnorte.net%2
Fwp-content%2Fuploads%2F2021%2F01%2FQ-2_M8_V4_-PAGSULAT-NG-PANUKALANG-
PROYEKTO.pdf&clen=879820&chunk=true
Republic of the Philippines
Department of Education - Region III
Division of San Jose City
TONDOD HIGH SCHOOL - SENIOR HIGH SCHOOL
SY 2020-2021
LEARNING ASSESSMENT TEST
Filipino sa Piling Larang (Akademik)
Quarter 4 Week 5-6
II. A. Panuto: Kilalanin anong bahagi ng panukalang proyekto ang inilalarawan sa bawat bilang. Isulat
ang sagot sa patlang bago ang bilang sa iyong kuwaderno.
_________________1. Humihiling kami ng 150,000 pesos upang maisakatuparan namin nang lubos
ang mga layunin ng proyekto.
_________________2. Tatagal ng tatlong buwan ng pagtatayo, mula Hunyo - Agosto.
_________________3. Konsultasyon sa lahat ng mga mag-aaral kaugnay sa iminumungkahing
proyekto (tatlong araw).
_________________4. Panukala para sa mga mag-aaral ng SHS sa NOHS
_________________5. Hinihiling naming magkaroon ng Reading Center sa ikatlong palapag sa
kapakinabangan ng mga estudyanteng naghahanap ng lugar sa pananaliksik ng mga aralin.
_________________6. Panukala para sa Reading Center taong panuruan 2020- 2021.
_________________7. NOHS-SHS
PTA
Kagawasan Avenue, D.C
_________________8. Proyekto ng PTA
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Isulat ang titik T kung tama ang pahayag, M
kung mali sa patlang bago ang bilang sa iyong sagutang-papel.
_____9. Bago sumulat ng panukalang proyekto, kailangan munang malinaw ang nais na mangyari sa
binabalak na proyekto.
_____10. Hindi na kailangang malaman kung magkano ang iminumungkahing badget.
_____11. Sa unang bahagi ng panukalang proyekto, ilalahad ang rasyonal o ang mga suliranin.
_____12. Sa katawan ng sulatin, ilalagay ang mga hindi mahahalagang detalye ng proyekto.
_____13. Sa pagsulat ng panukalang proyekto, isipin mo na nakikipag-usap ka sa iyong kliyente at
ang layunin mo.
_____14. Sa bandang kongklusyon ng panukalang proyekto, ilalahad ang mga benepisyong maaaring
idudulot ng proyekto.
_____15. Hindi naidaraos ang proyekto gaano man kahalaga ang layunin nito, kung walang badget.
I. Pamagat
II. Proponent ng Proyekto
III. Kategorya ng Proyekto
IV. Petsa
V. Rasyunal
VI. Deskripsyon ng Proyekto
VII. Badget
VIII. Pakinabang
B. Panuto: Gumupit ng apat na larawan mula sa lumang magasin. Idikit ito sa papel. Sikaping
makabuo ng kuwento. Lapatan ng caption at isulat ito sa ibaba ng mga larawan.
RUBRIK SA PAGSULAT NG PHOTO ESSAY
II,
1. Badget
2. Petsa
3. Deskripsyon ng proyekto
4. Pakinabang
5. Rasyunal
6. Pamagat
7. Proponent ng proyekto
8. Kategorya ng proyekto
9. T
10. M
11. T
12. M
13. T
14. T
15. T