You are on page 1of 10

Balagtasan

(Panitikan sa Panahon ng Amerikano)


Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan
Balagtasan
 isang pagtatalo sa pamamagitan ng pagtula.
 Nakilala ito noong panahon na ang Pilipinas ay nasa ilalim
ng Amerika, batay sa mga lumang tradisyon ng patulang
pagtatalo gaya ng Karagatan, Batutian at Duplo.
 inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng panitikan na
kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o
pangangatwiran sa pamamagitan ng pananalitang may
mga tugma sa huli.

Balitao – isang biglaang debate ng lalaki at babae ng


mga Aklanon maging ng mga Cebuano
Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan

Siday (Ilonggo) at Pamalaye (Cebuano)


- Sagutan ng kinatawan o sugo ng dalawang
pamilyang nakikipagnegosasyon sa pag-iisang dibdib ng
dalaga at binata
Subanen
- sa inuman isinasagawa ang sagutan
- Ang unang bahagi ng ganitong gawain ay pagtikim ng alak
kung saan nalalaman ang papel na gagampanan ng bawat isa,
ang mga tuntunin at iba pang bagay na dapat isaalang-alang.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan

Marso 28, 1924 - nabuo ang konsepto ng balagtasan sa


isang pagpupulong ng mga nangungunang manunulat
sa bansa, sa tanggapan ni Rosa Sevilla sa Instituto de
Mujeres (Women's Institute), Tondo, Maynila.
- Ito ay naganap bilang paghahanda sa pagdiriwang ng
kaarawan ng dakilang makata na si Francisco Balagtas o
Araw ni Balagtas sa Abril 2.
- Iminungkahi ni G. Jose Sevilla na tawagin itong Balagtas.
- Nilagyan ng hulaping “-an” ang pangalan kaya naging
Balagtasan na ang tawag dito.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan

Abril 6, 1924 – naganap ang unang balagtasan


- Tatlong pares ng makata ang nagtalo na
gumamit ng iskrip.
José Corazón de Jesús at Florentino Collantes -
pinakamagaling sa mga nagbalagtasan , kaya naisipan ng mga
bumuo na magkaroon ng isa pang Balagtasan para sa
dalawang kagalang-galang na makatang ito, na wala ng iskrip.

Oktubre 18, 1925 – naganap ang balagtasan para sa dalawang


pinakamagaling na nagbalagatasan nang walang iskrip
saOlympic Stadium sa Maynila
Kaligirang Pangkasaysayan ng Balagtasan

Si Jose Corazon De Jesus – nagwagi bilang unang


Hari ng Balagtasan
- nakilala bilang si "Huseng
Batute" dahilan sa kaniyang angking kahusayan sa
Balagtasan noong 1920.
- ama ng balagtasan
Tungkulin ng Balagtasan

- Tagisan ng talino
- nagbibigay aliw sa mga manonood
- isang mas mataas na pampolitika at panlipunang
tungkulin
Bumubuo ng Balagtasan
Lakandiwa – tagapamagitan sa dalawang nagtatalo
- ang unang magsasalita at babati sa mga
tagapakinig at tagapanood,
- ang pormal na magbubukas ng balagtasan,
- ang magpapakilala sa dalawang magtatalo,
- ang magbibigay ng desisyon kung sino sa
dalawang nagtatalo ang nagwagi,
- ang magpipinid ng balagtasan.
Mambibigkas - dalawang nagtatalo ay kailangang
magharap ng mga ebidensya at magpaliwanag nang
buong husay upang makumbinsi nila ang Lakandiwa na
sa kanila pumanig
Magbigay ng opinyon at katuwiran tungkol
sa paksa ng alinman sa ibaba sa pamamagitan
ng isang debate.
a. Dapat bang itigil o ipagpatuloy ang pag-
implementa ng K-12 Kurikulum?

b. Alin ang higit na matimbang, Kagandahang


panloob o panlabas?
RUBRIKS SA PAGMAMARKA NG
DEBATE
Maayos na inilahad ang katwiran - - - - 20
Magkakaugnay ang mga
katwiran sa paksa - - - - 10
Tikas, tindig at paninindigan - - - - - - - - 10
Kabuuan - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
30

You might also like