You are on page 1of 3

Exequiel Joshua S.

Galinada
8 - Curie
Ano nga ba ang Balagtasan?
Ang balagtasan ay uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.
Hinango mula sa pangalan ni Francisco Balagtas, inilalahad ang sining na ito ang isang uri ng
panitikan na kung saan ipinapahayag ang mga saloobin o pangangatwiran sa pamamagitan ng
pananalitang may mga tugma sa huli.

Kaligirang Pangkasaysayan Ng Balagtasan


Unang nagsimula ang balagtasan sa Pilipinas noong Abril 6, 1924 na nilikha ng mga pangkat na
manunulat para alalahanin ang kapanganakan ni Francisco Balagtas. Ginawa nila ang unang
balagtasan na may tatlong hanay ng mga makata na ipinapahayag ng isang naka-iskrip na
pagtatanggol. Binatay nila ang anyo sa mas naunang mga uri ng pagtatalo na gumagamit din ng
elemento ng tula katulad ng karagatan, huwego de prenda at duplo.
Kadalasan itong binubuo ng tatlong magtatanghal na may dalawang magtatalo na magkasalungat
ang pananaw at isang tagapamagitan na tinatawag na lakandiwa (lalaki) o lakambini (babae).
Mayroon din mga hurado na siyang maghuhusga kung sino ang mananalo. Inaasahan ang
panitikang ito na patalinuhan ng pagpapahayag ng mga patulang argumento ngunit maaari din
itong magbigay libangan sa pamamagitan ng katatawanan, anghang ng pang-aasar, pambihirang
talas ng isip, at mala-teatrikong at dramatikong pagpapahayag.
Noong Marso 28, 1924, limang araw bago ang kaarawan ni Balagtas, nagpulong ang ilang mga
nangungunang manunulat sa Instituto de Mujeres, (Women's Institution) kalye ng
Tayuman, Tondo, Maynila, Pilipinas para maghanda sa pagdiriwang ng Araw ni Balagtas sa
Abril 2, 1925. Tanggapan ni Rosa Sevilla, isang kilalang manunulat, ang gusaling iyon. Dito nila
nalikha ang konsepto ng balagtasan nang may mga ilang nagmungkahi ng makabagong duplo.
Noong Abril 6, 1924, tatlong magkatambal ang lumahok sa unang balagtasan sa Instituto de
Mujeres,ito ay sina Rafael Olay laban kay Tomas de Jesus,Amado V. Hernandez laban kay
Guillermo Holandez. Sa mga lumahok, sina Jose Corazon de Jesus (Huseng Batute),
at Florentino Collantes(Kuntil Butil), isang rin manunula sa Bulacan ang nakatanggap ng
pinakasiglang tugon mula sa madla. "Bulalak ng Lahing Kalinis-linisan" ang pamagat ng
kanilang paksang kanilang pinagtalunan na sinulat nilang pareho.Ang dalawang ito ang
nanomina sa panglawang paghaharap.

Dahil sa matagumpay na pagtanggap ng publiko kina De Jesus at Collantes, naghanda ang nagorganisa ng mga ilang pang mga balagtasan na kinakasangkutan ng dalawa. Dahil sa talino ng
dalawa naghanda sila ng balagtasan na walang iskrip noong Oktubre 18, 1925 sa Olimpikong
Istadyum sa Maynila upang lalo pa silang masubok. Ang naging paksa nila ay "Ang Dalagang
Filipina: Noon at Ngayon." Kinuha ni De Jesus ang panig ng kababaihan noon samantalang pinili
ni Collantes naman ang kababaihan ngayon. Sa katapusan ng balagtasan, nanalo si De Jesus at
tinanghal na Unang Hari ng Balagtasan.
Pagkatapos ng pagtatanghal nila De Jesus at Collantes noong 1925 hanggang lumipas
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naging sikat ang balagtasan sa Pilipinas at ninanais ng
mga manunula ang titulong Hari ng Balagtasan. Dahil sa kasikatan ng ganitong anyo ng
panitikan, nagkaroon ng ibang kahintulad na patulang pagtatalo sa ibang wika mula sa
Pilipinas katulad ng Ilokano at Kampampangan maging wikang Ingles o Kastila. Naimbento ng
mga Ilokano ang bukanegan bilang pagkilala kay Pedro Bukaneg, isang Ilokanong makata.
Samantalan, nagkaroon naman ng crisotan ang mga Pampango na hinango nila mula sa
manunula at dramatistang si Juan Crisostomo Soto.

Bakit kinagigiliwan ng mga Pilipino ang Balagtasan sa panahon ng Amerikano?


Kinagigiliwan ng mga Pilipino ang Balagtasan noong panahon ng Amerikano dahil sa
pamamagitan ng pagsulat ng mga kanilang isasayaw at itatanghal, maipapakita ang pagnananais
ng mga Pilipino na maging malayat masaya. Dito nagtatagisan ang magkabilang panig ukol sa
isang paksang pagtataluhan. Naipapakita ang husay at talino ng mga Pilipino hindi lamang sa
pagsasalita, pati na rin sa pagpapapahyag ng kani-kanilang saloobin sa paksang iyon.

Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang balagtasan sa ating bansa?

Dapat nating pahalagahan at palaganapin ang balagtasan sa ating bansa dahil ito ay binigay sa
atin ng ng isang kilalang manunulat at obra maestro na si Francisco Baltazar o mas kilala bilang
Francisco Balagtas. Dito natin maipapakita kung gaano natin kamahal ang panitikang ito na
sinimulan noon at sanay mapaunlad ngayon. Kapag pinahalagahan at pinalaganap natin ito,
nagpapakita tayo ng pagmamalaki sa panitikang Pilipino. Hindi lamang uunlad an gating bansa
kapag nakilala ang Balagtasan ngunit maraming manunulat rin ang sisikat at makikilala. Dito
natin maipapakitang marunong tayong magpahalaga sa mga bagay na naiwan noon at hndi

naingatan.

You might also like