You are on page 1of 3

1.

Ang katangian ng panitikan sa panahon ng katutubong Pilipino ay nasusulat sa


mga piraso ng kawayan, matibay na kahoy at makinis na bato at mayroon rin namang
pasalin-dila. Ang mga panitikang pasalin-dila ay gaya ng mga bulong, tugmang bayan,
bugtong , epiko, salawikain at awiying bayan na anyong patula, mga kwentong-bayan,
alamat at mito na anyong tuluyanat mga katutubong sayaw at ritwal ng babaylan
bilang pinakaunang anyo ng dula sa bansa. Ang mga panitikan ito ay umiiral na bago
pa man dumating ang mga kastila.
Mahihinuha na dahil wala pang maayos na sistema ng edukasyon at produksiyon
ng mga papel kung kaya ang ating mga katutubo ay gumagamit ng mga bagay sa paligid
gaya ng bato at kahoy ung iukit ang kanilang ideya, karansan at nais ikwento
gayundin namn ang pag gamit ng bibig upang bigkasin ang makakahulugang tula at
kwento. Ngunit iilan na lamang ang mga natagpuang panitikan na naisulat at naiukit
sa kahoy at bato ayon sa mga arkeologo (archeologists) sapagkat batay sa
kasaysayan, pinasunog at pinasira ito ng mga prayle nang dumating sila sa bansa sa
paniniwalang ang mga ito ay gawa ng demonyo.

2. Nahahati sa dalawang katangian ang mga panitikan sa Panahon ng Kastila, una ay


pumapaksa sa pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang
panrebolusyon.Dahil sa pangunahing impluwensya ang pananampalataya ng mga Kastila,
karamihan ng mga akda na nagawa sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya.
Halimbawa sa mga ito ay ang mga uri ng dulang senakulo,santa cruzan at tibag;
tulang gaya ng mga pasyong inaawit. Sila rin ang nagpakilala ng konseptong
maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino na mababatid sa mga akdang awit na ang
mga pangunahing tauhan ay mga hari, reyna, prinsipe at prinsesa – isang patunay ang
awit na Florante at Laura ni Balagtas at mga dulang duplo at karagatan.
Sa panahong ito, piling-pili lamang ang nakasusulat sapagkat wikang Kastila
lamang ang kinikilala sa ganitong larangan. Kaunti lamang ang nakasusulat sa
Kastila dahil sa pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga
Kastila. Ang mga panitikan namang ukol sa kabutihang-asal ay ang Urbana at Feliza
ni Padre Modesto de Castro. Sa panahong ito nalimbag ang pinakaunang aklat sa
bansa, ang Doctrina Christiana na nalimbag noong 1553 na isang panrelihiyong aklat.
Sa ikalawang bahagi, karamihan sa mga katangian ng panitikang nalikha sa
panahon nang pananakop ng Kastila ay pumapaksa sa diwang rebolusyonaryo na nagbukas
sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-
uudyok na kalabanin ang pamahalaan. Dahil sa labis na pang-aalipin at pang-
aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino ay nagsisulat
ang mga Pilipino sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon.Nalathala ang
mga pahayagang propagandista na pinangunahan ng La Solidaridad noong Pebrero 19,
1889 na naglalayong matamo ang pagbabagong kailangan ng bansang bilang tugon sa
kalagayang panlipunan at pang-ekonomiya, maisiwalat ang malubhang kalagayan ng
bansa sa ilalim ng pamamalakad ng mga Kastila at upang pairalin ang kalayaan at
demokrasya.
Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng
iba’t ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ang mga sarili laban sa mapang-
alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat. Ito ang nag udyok upang
makibahagi si Dr. Jose Rizal sa pagsulat ng La Solidaridad at sumulat ng mga
nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo na naging mitsa sa mga
rebolusyonaryong Pilipino na mag-aklas laban sa mga Kastila. Sumulat din si Rizal
ng mga sanaysay gaya ng "Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino" at "Sa Mga Kabataang
Dalaga sa Malolos".
3. Sa panahong ng Amerikano ninais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga
Kastila kung kaya naging tagapagsagip ang mga Amerikano na siyang tuluyang
nagpabagsak sa pamahalaang Kastila. Kung relihiyon ang naging pamana ng mga Kastila
sa Pilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga Amerikano. Sa
panahon ng Amerikano isinilang ang ilan sa mga makatang Pilipino na nagsisulat sa
Ingles at Tagalog. Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat
ang mga Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula
lamang umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang
na manunulat.
Kabilang sa mga manunulat sa panahong ito sina Cecilio Apostol na sumulat ng
mga oda para kay Rizal; Claro M. Recto na naging tanyag sa kanyang natatanging mga
talumpati; si Lope K. Santos na sumulat ng obra-maestrang “Banaag at Sikat” at
nagpauso ng panitikang sosyalista; si Jose Corazon de Jesus na tinaguriang Makata
ng Pag-ibig at may panulat-sagisag na ‘Huseng Batute;’ at si Jose dela Cruz na may
panulat-sagisag na ‘Huseng Sisiw’ dahil sisiw ang ipinababayad kapag nagpapagawa sa
kanya ng tulang pag-ibig; si Severino Reyes na sumulat ng imortal na dulang “Walang
Sugat” at tinaguriang Ama ng Dulang Tagalog; si Zoilo Galang na pinakaunang
nobelistang (A Child of Sorrow) Pilipino sa Ingles at maraming-marami pang iba.
Ang mga Amerikano ang nagpakilala ng mga fairy tale sa mga Pilipino na
ginamit ng mga gurong Tomasites sa pagtuturo.Ipinakilala rin ng mga ito ang iba
pang uri (genre) ng panitikan gaya ng oda at nagpakilala sa pinilakang-tabing – ang
pelikula.
Dahil sa impluwensiyang pangteknolohiyang dala ng mga Amerikano, naimpluwensiyahan
din ang panitikan sa bansa. Dula ang naging pangunahing panitikan sa panahong ito.
Dala nila ang mga bodabil na isang uri ng dula kung saan umaawit at sumasayaw ang
mga artista na nagbunga sa sarsuwela ng Pilipinas. Dahil sa dala rin ng mga
Amerikano ang pelikula sa bansa, ngunit nag-umpisa ito sa mga artistang gumagalaw
lamang at nagsasalitang walang tinig (silent films). Unti-unting naisantabi
pansamantala ang dulang panteatro sa bansa dahil sa nakahiligan na ng mga Pilipino
ang panonood ng pelikulang-tahimik.
Ang mga unang pelikulang ginawa sa bansa ay halos mga dokumentaryo ukol sa
pagsabog ng mga bulkan at iba pang kalamidad at ang iilang dokumentaryong bunga
lamang ng pagka-ignorante ng mga Amerikano sa mga katutubong Pilipino.Ang mga unang
pormal na pelikula sa bansa ay ukol sa buhay ng bayaning si Rizal at ng kanyang
dalawang nobela. Ang pinakaunang pelikulang Hollywood na ginawa sa bansa ay ang
pelikulang Zamboanga. Ito ang kauna-unahang Hollywood film na may underwater scene.
Ngunit ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino ay sa pamumuno ni Jose
Nepumuceno hango sa dulang panteatrong Dalagang Bukid (dula ni Hermogenes Ilagan)
na malateatro rin ang kinalabasan.
Di naglaon, ninais na rin ng mga Pilipino na makawala sa kamay ng mga
Amerikano. Ngunit hindi rin naging mabilis ang pagkamit sa kalayaan.Ang dula ay
sadyang kinasangkapan ng mga manunulat na Pilipino upang ipahayag ang hangad na
paglaya ng bayan at makabayang pananaw. Ang kalayaang tinamasa sa kamay ng mga
Amerikano ay alangang ihambing sa ipinalasap ng mga Kastila. Gayunpaman, hindi rin
nasiyahan ang mga manunulat.

Isa sa mga unang dulang itinanghal sa panahon ng mga Amerikano na umuusig sa


mga Amerikano at sedisyoso ay ang kay Juan K. Abad na itinanghal noong Mayo ng 1903
– ang Tanikalang Ginto. Inakyat ng mga alagad ng batas ang Batangas habang
itinatanghal ang dulang ito dito at dinakip ang may-akda. Ngunti napawalang sala
rin sa tulong ng isang mahusay na manananggol na Pilipino. Ang dulang Kahapon,
Ngayon at Bukas ni Aurelio Tolentino ay tumuligsa rin sa Amerikano. Ngunit
pinakamatindi ang paghihimagsik ng dulang “Hindi Ako Patay” na hindi na nakilala
ang may-akda dahil sa ginamit nito ang pangalan ng kanyang may-bahay.

4. Panahon ng Hapon
Ang katangian ng panitikan sa panahon ng Hapon ay tinaguriang Gintong Panahon
ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino kaysa noong sa
Amerikano sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at
paniniwalang Pilipino sa mga ito.Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa
panahong ito dahil ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at
itinaguyod ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa.
Sinunog din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran
ng kanluraning ideya ang panitikang nililikha.
Sa panahon ding ito kinilala ang mga manunulat na babaeng Pilipino sa
pangalan nina Liwayway A. Arceo at Genoveva Edroza-Matute dahil sa mga makintal na
maka-feministang maikling-kwento.Dinala din ng mga hapon ang haiku (maikling tulang
may tatlong taludtod at may bilang na pantig na 5-7-5 sa taludtod)at nagkaroon ang
mga Pilipino ng tanaga(maikling tulang may apat na taludtod at ang bilang ng pantig
ay 7-7-7-7).

5. Kasalukuyang Panahon
Sa kasalukuyang panahon ay higit na sumigla ang kalayaang pampanitikan ng
bansa sapagkat tuluyan ng nakamit ang kalayaan mula sa kamay ng mga hapon at iba
pang mananakop. Bilang patunay ng kasiglahan ng panitikang Filipino, ang mga
sumusunod ay ang iba’t ibang uri ng katipunan ng mga aklat. Mga Piling Katha at Mga
Piling Sanaysay ni Alejandro Abadilla, Maiikling Kwentong Tagalog ni Teodoro
Agoncillo, Ako’y Isang Tinig ni Genoveva Edroza-Matute at marami pang iba. Kinilala
rin buhat sa panahong ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na
mga pambansang pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas.

You might also like