You are on page 1of 4

UNANG LAGUMANG PAGSUSULIT

Panahon ng mga Hapones


Gintong Panahon ng Panítikang Tagalog
 tinaguriang Gintong Panahon ng Panitikang Pilipino dahil higit na malaya ang mga
Pilipino (kaysa noong sa Amerikano) sa pagsulat ng panitikan at pagsanib ng
kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
 mga manunulat na babaeng _Pilipino sa pangalan nina Liwayway A. Arceo at
Genoveva Edroza- lVlatute clahil sa mga makintal na maka- 'feministang maikling-
kwento.
 Panitikan - nakasulat sa wikang katutubo gaya ng Tagalog na may "katutubong
kulay" Tumatalakay sa buhay sa lalawigan/ kanayunan (countiysíde),
paghahangad ng kalayaan at pagkamakabayan
 patuloy na umunlad ito sapagkat ang mga dating sumulat sa Ingles ay bumaling sa
pagsulat sa Tagalog. Si Juan Laya na dating manunulat sa Ingles ay nabaling sa
pagsulat ng Tagalog, dahil sa mahigpit na pagbabawal ng pamahalaang Hapon
tungkol sa pagsulat ng anumang akda sa Ingles.
 Ang Lingguhang Liwayway ay inilagay ng mga Hapones sa mahigpit na pagmamatyag
hanggang sa ipabahala ito sa isang Hapong nagngangalang Ishikawa.
 nabigyan ng puwang ang Panitikang Tagalog nang panahong ito. Marami ang mga
nagsisulat ng dula, tula, maikling kuwento, at iba pa. Ang mga paksain ay pawang
natutungkol sa buhay lalawigan.
Ang mga Tula sa Panahong ito
Ang karaniwang paksa ng mga tula noong panahon ng Hapon ay tungkol sa bayan o sa
pagkamakabayan, pag-ibig kalikasan buhay lalawigan o nayon, pananampalataya, at sining.
Tatlong uri ng tula ang lumaganap sa panahong ito, kinabibilangan ito ng:
1. Haiku- isang tulang may malayang taludturan na kinagigiliwan ng mga Hapones. Ito ay
binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlung taludtod. Ang unang taludtud nito
ay may limang pantig, ang ikalawa ay pitong pantig, at ang ikatlo ay limang pantig katulad
ng una. Maiki lamang ang haiku, ngunit nagtataglay ng masaklaw at matalinhagang
kahulugan.
2. Tanaga- tulad ng haiku, ito’y maikli ngunit may sukat at tugma. Ang bawat taludtod nito
ay may pitong pantig. Nagtataglay din ng mga matatalinhagang kahulugan.
3. Karaniwang anyo- ang mga katangian nito ay natalakay na sa panimulang pag-aaral ng
modyul na ito.

Panahon ng Isinauling Kalayaan

Kaligirang Kasaysayan
 Ang paghihintay ng mga Pilipino sa pagbabalik ng mga Amerikano ay
natupad noong 1945.
 ika-4 ng Hulyo, 1946 - isinauli ang kalayaan. Ibinaba sa tagdan ang
bandilang Amerikano at mag-isang iwinagayway ang bandilang Pilipino.
Nawala ang tanikala ang gapos. Sa unang pagkakataon ay naging malaya sa
turing ang mga Pilipino.
 Ang ekonomiya ng bansa ay humantong sa kababaan.
 May mga salaping ipinamudmod sa mga gerilya bilang gantimpala ng
kagitingan at pagkamakabayang bansa. Walang puhunonang ibinigay sa mga
pangunahing gawain tulad ng pagsasaka, pangingisada, pag-aalaga ng hayop,
at pagtatag ng mga pabrika o pagawaan. Sa madaling sabi, walang naging
balangkas na ekonomiya ng bansa bago ito pinalaya.
 Ang HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa Hapon). Binubuo ng pangkat
ng mga gerilyang may pagkiling sa komunismo. Isa pang pamana ng
digmaan na naging malaking sagabal sa pambansang kaunlarang pang-
ekonomiko. Maraming bayan sa gitnang Luzon noong 1950 ang may “tagong
pamahalaan ng mga huk” na: - nakapaniningil ng buwis - nakapagpapakalat
ng mga kautusan - nakapagpapataw ng parusa laban sa sariling paglilitis.
Maraming mga naging tiwangwang na bukirin sa mga bayang nalaganapan ng
mga Huk. Ngunit ang pakikipaglapaban ng mga Huk, ay naging daan ng
maraming pagbabago para sa mabuting pamumuhay ng mga mamamayan.
Nakikilala ng kahit bahagyang katarungan ng mga dukha.

Ang kalagayan ng Panitikan ng Panahong ito


Tila naging mapanghangad sa makukuhang gantimpala ang mga manunulat ng
panahong ito sapagkat bago pa sumulat ng anumang akda ay inaalam muna kung aling
pahayagan kaya ang magbabayad dito ng malaking halaga. Gayun pa man ay hindi rin
natin tahasang masasabing walang-wala nang sinumang nagtataglay ng pag-ibig sa sining
ng panulat. Isa sa naging kapansin-pansing pangyayari sa panitikang Pilipino sa panahong
ito ay ang pagsulpot ng mga kabataang mag-aaral sa larangan ng panulat. Naging
Ulirang Manunulat na Amerikano sa Mahusay na Teknisismo Ernest Hemingway,
William Saroyan,John Steinbeck Ang mga panunulad sa estilo ng tatlong manunulat na
Amerikanong nabanggit ang nagbigay ng diwang mapanghimagsik at kapangahasan sa
panitikang Tagalog at Ingles.

Ang bagong Panitikan sa Tagalog ng Panahng ito


Muling sumigla ang panitik ng mga Pilipino nang panahong ito. Ang halos naging paksa ng
mga akda ay tungkol sa kalupitan ng mga Hapones, ang kahirapan ng pamumuhay sa
ilalim ng pamamahala ng mga Hapones, ang kabayanihan ng mga gerilya at iba pa.
Nabuksang muli ang mga palimbagan ng mga pahayagan at mga magasin tulad ng :
Liwayway, Bulaklak, Ilang-ilang, Sinag tala, atbp. Nagkaroon ng “laman” at hindi
salita’t tugma lamang ang mga tulang tagalog. • Nagtataglay na nang mabuti-buting
tauhan, mga pangyayaring batay sa katotohanan at mga paksaing may kahulugan ang
mga maikling kuwento. May mga nobela ring namamalasak subalit binabasa ng mga tao
bilang libangan lamang. Ang pagkagiliw ng mga tao sa pakikinig sa bigkasan ng tula ay
higit kaysa rati at pinagdadayo ng pulu-pulutong na mga tao ang pakikinig sa sinumang
mambibigkas.
Mga Aklat na Nalimbag Sa Panahong Ito:
 Ako’y Isang Tinig (1952) – Katipunan ng mga tula at sanaysay ni Genoveva Edroza
Matute
 Maikling Katha ng Dalawampong Pangunahing Autor (1962) nina A.G. Abadilla at
Ponciano B.P. Pineda
 Parnasong Tagalog (1964) Katipunan ng mga piling tula mula kina Huseng Sisiw at
Balagtas na tinipon ni A.G. Abadilla
 Manlilikha, Mga Piling Tula (1961-1967) ni Rogelio G. Mangahas
 Makata (1967) ito ang kauna-unahang tulung-tulong na pagsasaaklat ng mga tula
ng may 16 na makata sa wikang Pilipino
 Pitong Dula (1968) ni Dionisio Salasar

Ang muling pagsigla ng Panitikan sa Ingles


Muling sumigla ang Panitikang Pilipino sa wikang Ingles nang panahong ito. Maraming
pahayagang Ingles ang lumabas tulad ng
a. Philippines Free Press
b. Morning Sun nina Sergio Osmeña, Sr.
c. Daily News nina Ramon Roses
d. Philippines Herald ng mga Soriano
e. Chronicle ng mga Lopez
f. Bulletin ni Menzi.
Sa karamihan ng mga pahayagang ito, madaling masasabi na nagmamasid na higit na
maraming mambabasa sa Ingles kaysa iba nating wika tulad ng Tagalog, Ilokano, at
Hiligaynon.

Maraming aklat na mamahalin ang inilimbag ng mga manunulat sa Ingles. Ang ilan sa
mga ito ay ang mga sumusunod:
- Heart of the Islands (1974) ni Manuel Viray – Itoy kalipunan ng mga tula
- Phil. Cross-Section (1950) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros – Ito’y kalipunan
ng mga tula at tuluyan
- Prose and Poems (1952) ni Nick Joaquin
- Phil. Writing (1953) ni T.D. Agcaoli
- Phil. Harvest (1953) nina Maximo Ramos at Florentino Valeros
- Horizons East (1967) nina Artemio Patacsil at Silverio Baltazar. Ito’y kalipunan ng mga
akda ng mga propesor ng University of the East na karamihan ay sa Ingles short stories,
essays, research papers, poems, at drama.

Ang timpalak-palanca

Isa na ring nakapagpasigla sa ating mga manunulat na Pilipino ang


pagkakalunsad ng Timpalac – Palanca o “Palanca Memorial Awards for
Literature” na pinamumunuan ni Ginoong Carlos Palanca, Sr. noong 1950.
Magpahanggang ngayon ay patuloy parin sa pagbibigay gantimpala ang timpalak na
ito bagama’t ang nagtatag ay yumao na. Ang larangang pinagkakalooban dito ay
ang maikling kuwento, dula, at tula.
Ang kauna-unahang mga nagwagi sa unang taon (1950-1951) ng timpalak sa
larangan ng pagsulat ng maikling kuwento ay ang mga sumusunod:

- Unang gantimpala – “Kwento ni Mabuti” ni Genoveva Edroza


- Ikalawang Gantimpala – “Mabangis na Kamay… Maamong Kamay” ni Pedro S. Dandan
- Ikatlong Gantimpala – “Planeta, Buwan at mga Bituin” ni Elpidio P. Kapulong

Tulang Unang Nagkamit ng Gantimpala sa Timpalak-Palanca


Ang pagsisimula naman ng Timpalak-Palanca sa pagpili ng pinakamahuhusay na tula ay
ginawa noong 1963-1964, at ang nagkamit ng unang gantimpala ay “Ang Alamat ng
Pasig” ni Fernando B. Monleon.

Dulang Unang Nagkamit ng Gantimpala sa Timpalac – Palanca


Sinimulan noong 1953-1954 ng Timpalak-Palanca ang pagpili sa pinakamuhusay
na dula. Ang ang nagwagi ng unang gantimpala ay ang
Hulyo 4, 1954 A.D. ni Dionisio Salazar. Ang dulang ito ay naglalahad ng
pagsasagawa ng isang mapanganib at madugong misyon ng Hukbong Mapagpalaya ng
Bayan (HMB) na ibagsak ang pamahalaang Pilipino noong panahon ng Pangulong
Magsaysay.

You might also like