You are on page 1of 1

PANAHON NG ISINAULING KALAYAAN

KALIGIRANG KASAYSAYAN

ang paghihintay ng mga pilipino sa pagbabalik ng mga amerikano ay natupad noong 1945. nagdiwang
ang mga pilipino at ang mga namumundok na gerilya nang may higit sa tatlong taon ay kasa-kasama na
ng mga hukbong mapagpalaya ng mga Amerikano.

- ang Ika-4 ng Hulyo noong 1946 sapagkat dito isinauli ang kalayaan.

ANG HUKBALAHAP(HUKBONG BAYAN LABAN SA HAPON)

Isa sa naging kapansin-pansing ang pangyayari sa panitikang pilipino sa panahong ito ang pagsulpot ng
mga kabataang mag-aaral sa larangan ng panulat. naging ulirang manunulat na Amerikano sina Ernest
Hemingway, William Saroyan, John stenbeick.

ANG BAGONG PANITIKAN SA TAGALOG NG PANAHONG ITO

Muling sumigla ang panitik ng mga pilipino nang panahong ito.

ang halos naging paksa ang mga akda ay tungkol sa kalupitan ng mga hapones, ang kahirapan ng
pamumuhay sa ilalim ng pamamahala ng mga hapones, ang kabayanihan ng mga gerilya at iba pa.

ANG MULING PAGSIGLA NG PANITIKAN SA INGLES

muling sumigla ang panitikang Filipino sa wikang Ingles nang panahong ito. maraming pahayagang Ingles
ang lumalabas, tulad ng Philippines Free press, ang Morning sun nina Sergio osmeña. Sr, ang Daily News
nina Ramon Roces, ang Philippines Herald ng mga Soriano, ang Chronicle ng mga Lopez, at ang Bulletin ni
Menzi.

ANG TIMPALAK- PALANCA

Isa ring nakapagsigla sa ating mga manunulat ba pilipino ang pagkakalunsad ng Timpalak- Palanca o
"Palanca Memorial Awards For Literature" na pinamumunuan ni Ginoong Carlos Palanca, Sr. Noong
1950.

Ang kauna-unahang mga nagwagi sa unang taon (1950-51) ng Timpalak sa larangan ng pagsulat ng
maikling kuwento ay ang mga Sumusunod:

-Unang Gantimpala- "Kuwento ni Mabuti" ni Genoveva Edroza

-Ikalawang Gantimpala- " Mabangis na Kamay... Maamong Kamay" ni Pedro S. Dandan

-Ikatlong Gantimpala- "Planeta, Buwan, at Mga Bituin" ni Elpidio P. Kapulong

You might also like