You are on page 1of 2

Samantha Rae J.

Ceniza
8-BJHS

KASAYSAYAN NG TULA
Pananakop ng Kastila

Dumating ang mga Kastila sa bansa taglay ang tatlong Gs GOD, GOLD at GLORY.
Dumating sila na ang pangunahing layunin ay ihasik ang Kristiyanismo, maghanap
ng ginto at upang lalong mapabantog sa pamamagitan ng pagdaragdag ng kanilang
nasasakop. Mahahati ang panitikan sa dalawa sa panahong ito: una ay pamaksang
pananampalataya at kabutihang-asal at ang ikalawa ay ang panitikang
panrebolusyon.
Dahil sa pananampalataya ang pangunahing pakay ng mga Kastila, karamihan sa
mga unang akdang nalikha sa panahong ito ay halos paksang pananampalataya.
Sila rinang nagpakilala ng konseptong maharlika o dugong bughaw sa mga Pilipino
na mababatid sa mga akdang awit na ang mga pangunahing tauhan ay mga hari,
reyna, prinsipe at prinsesa. Kaunti lamang ang nakasusulat sa Kastila dahil sa
pagpipigil, sa nadaramang takot at pagiging madamot ng mga Kastila.
Sa ikalawang bahaging ito ng kasaysayang pampanitikan sa panahon ng pananakop
ng Kastila, karamihan sa mga panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at
nagbukas sa kamalayang Pilipino sa di-makataong pagtrato sa kanila ng mga Kastila
at nag-uudyok na kalabanin ang pamahalaan. Dahil sa labis na pang-aalipin at
pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino;
nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa
pamamalakad ng mga prayle at pamahalaang Kastila. Nagsisulat ang mga Pilipino
sa panahong ito ng mga panitikang nagrerebolusyon
dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang mga manunulat sa ilalim ng ibat
ibang sagisag-panulat upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapangalipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat.

Pananakop ng Amerikano

Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na mapatalsik ang mga Kastila, naging


tagapagsagip ang mga Amerikano nangdumating sila noong 1898 na tuluyang
nagpabagsak sa pamahalaang Kastila. Kung relihiyon ang naging pamana ng mga
Kastila saPilipino, edukasyon naman ang naging pangunahing ipinamana ng mga
Amerikano. Sa panahong ding ito isinilang ang mga ilang imortal na makatang
Pilipino na nagsusulat sa Ingles at Tagalog.
Sa mga unang taon ng pananakop ng Amerikano sa bansa, sumulat ang mga
Pilipino sa Kastila, Tagalog at iba pang wikang panlalawigan. Nagsimula lamang
umusbong ang mga panitikan sa Ingles noong 1910 dahil sa mga bagong silang na
manunulat.

Pananakop ng Hapon

Sa pambobomba ng Amerika sa Hiroshima, gumanti ang Hapon sa paglusob nito sa


Pearl Harbor noong Disyembre 7, 1941. Dahil nasa isalalim ng kolonya ng Estados
Unidos kayat sinakop ng Hapon ang Pilipinas. Ngunit para sa karamihang
manunulat na Pilipino, isang biyaya sa larangang panitikan ng bansa ang
pangyayaring ito. Sumibol nang lubos ang panitikan ng bansa sa panahong ito dahil
ipinagbawal ng namumunong Hapon ang paggamit ng wikang Ingles at itinaguyod
ang pagpapayaman sa panitikan gamit ang mga katutubong wika sa bansa. Sinunog
din ang mga aklat na nasusulat sa Ingles upang masigurong hindi mababahiran ng
kanluraning ideya ang panitikang nililikha.

Samantha Rae J. Ceniza


8-BJHS
Ang panahong ito sa kasaysayan ng bansa at ng panitikan ang tinaguriang Gintong
Panahon ng Panitikang Filipino dahil higit na malaya ang mga Pilipino sa pagsulat ng
panitikan at pagsanib ng kultura, kaugalian at paniniwalang Pilipino sa mga ito.
Dahil sa dinalang haiku (maikling tulang may tatlong taludtod at may bilang na
pantig na 5-7-5 sa taludtod), nagkaroon ang mga Pilipino ng tanaga (maikling tulang
may apat na taludtod at ang bilang ng pantig ay 7-7-7-7)

Panahon ng Republika

Naging makasaysayan sa mga Pilipino ang pagbabalik ng kanilang kalayaan noong


Hulyo 4, 1946 mula sa kamay ng mga Hapon. At dahil sa kalayaang natamo, higit
ring sumigla ang kalayaang pampanitikan ng bansa. Kinilala rin buhat sa panahong
ito ang mga panitikang panlalawigan dahil sa mga inilunsad na mga pambansang
pananaliksik at pagsasaling-wika ng panitikan ng Pilipinas. Lalo pang sumigla ang
panitikang Filipino nang ilunsad ang gawad Carlos Palanca Memorial Awards for
Litetature. Sumilang din sa panahong ito ang aktibismo ng mga batang mag-aaral
noong nagsisimula ang dekada 80 at ang kanilang panitikang aktibista gaya nina
Virgilio Almario (na may sulat-panulat na Rio Alma) at Quintin Perez.
Sa kasalukuyan, sinasalin ang mga panitikan hindi lamang sa mga pahayagan,
magazine at aklat, hindi lamang sa anyo ng pelikula, palabas pantelebisyon o
kayay programang panradyo; kundi sa pamamagitan din ng hi-technology ang
Internet. Dahil sa internet nagkaroon ng blogging, video clipping at audio airing na
patuloy na bumubuhay sa panitikan hindi lang ng Filipino kundi ng ibang lahi
mandin. Patuloy na dumarami ang mga manunulat na Pilipino sa ibat ibang anyo at
uri ng panitikan gamit ang ibat ibang media dahil sa mga inumpisahang kurso sa
mga universidad at kolehiyo at pangangasiwa ng gobyerno ng mga pagsasanay sa
mga kinakikitaang husay na mga mamamayan.
Ngunit ang kasiglahan ng panitikan ay hindi magiging buo kung aasahan lamang
ang pagdami at pag-usbong ng mga manunulat; kailangan din ang pagpapahalaga
at pagmamalasakit ng mga mambabasa na katuwang sa pagtaguyod ng panitikan
ng lahi.

You might also like