You are on page 1of 16

Saint Francis College-Guihulngan

“Pax Et Bonum”
Bateria, Guihulngan City, Negros Oriental

MODYUL SA MAJ SUB F13

Bahagi ng Pagtupad sa Pangangailangan sa Asignaturang


Maj Sub F13- Panitikan ng Rehiyon
Lawak ng Pagpapakadalubhasa: FILIPINO

________________________________
PANGALAN

MARK JOSEPH Q. ESPIA, PhD


GURO
Panitikan sa Panahon ng
Propaganda at Himagsikan (1872-
1898)
Ang panahong ito ay bahagi
pa rin ng panahon ng
Kastila. Sa panahaong ito
unti-unting
namulat ang kaisipang Pilipino.
Ang mga dahilan ng kanilang
pagkakamulat ay: ang
pagpapahintulot sa
pakikipagkalakalan ng
pandaigdig nang buksan ang
Suez Canal; ang
pagpasok ng diwng liberal sa
Pilipinas buhat sa iba’t-ibang
bahagi ng Europa at Espanya; ang
pagiging Gobernador Heneral ni
Carlos Maria dela Torre na
nagkaroon ng pantay na pagtingin
sa mga mamamayan at ang
pagkakagarote sa tatlong pari na
sina Padre Gomez, Burgos at
Zamora.
Panahon ng Amerikano 1900-1941
Sa pagsapit ng ikalabinsiyam na
dantaon ay dumating sa Pilipinas
ang mga Amerikano na
siyang nagbigay sa mga Pilipino
ng bagong Pag-asa.
Bagamat nakadama ng
bahagyang kalayaan ang mga
Pilipino sa panahong ito, ang
mga
manunulat ay hindi pa rin
nagkaroon ng ganap na kalayaang
makasulat ng mga nais nilang
sulatin sapagkat sa pamamgitan ng
Batas Sedisyon ay pinagbawalan
pa rin silang sumulat o
pumaksa sa mga bagay na may
kinalaman sa pamamahala ng mga
Amerikano na maaaring
makapapaalab ng damdaming
makabayan sa mga Pilipino at
matutong ipaglaban ang kanilang
mga karapatan.
Panahon ng Hapon:
Kung ang panahon ng mga
Amerikano ay Panahong Ginto ng
Nobelang Tagalog, ang panahon
ng mga hapones ay naging
Gintong Panahon naman ng
maikling Katha at dulang
tagalog
sapagkat nabigyan ang maikling
katha ng pagkakataon sa
Liwayway. Maikli man ang
panahong
sinaklaw ng panahong ito,
nagkaroon ng kabutihan ang
pagbabawal na gamitin ang wikang
Ingles sa mga paaralan.
Nabuksan ang pagkakataon na
madagdagan ang mga manunulat
sa wikang tagalog sapagkat
ang mga manunulat na dating
nagsisisulat sa wikang Ingles ay
napilitang magsulat ng mga
akda sa wikang Tagalog kaya
sumigla ang wikang Pambansa
na itaguyod ng Pangulong
Manuel L. Quezon.
Ang mga maikling katha sa
panahong ito ay nagtataglay
ng damdaming makabayan.
Nabigyang-diin ang katutubong
kulay sa mga maikling kwento at
ang mga ito ay pumaksa sa uri
ng pamumuhay noon na medyo
may kahirapan.
Isang magandang pangyayari sa
panahon ng mga hapones ang
ginawang panunuri sa maikling
kwentong naisulat. Nanguna
ang “Lupang Tinubuan” ni
Narciso G. Reyes, pangalawa
ang
“Uhaw ang Tigang na Lupa” ni
Liwayway Arceo, at pangatlo ang
Lungsod, Nayon at Dagat-
dagatan” ni N.V.M. Gonzales.
Sa panahong ito naisaaklat ang
pinakamahusay na kathang
Pilipino ng 1943 na binigyan ng
pamagat na “25 Pinakamabubuting
Kathang Pilipino ng 1943”. Sa
panulaan, dalawang uri ng
tula ang kinakitaan ng pagbabago
sa anyo at paksa. Hindi na paksa
ng pag-ibig at kaapihan
ang pinaksa ng mga tula kundi
mga obserbasyon sa mga
karaniwang nagaganap sa pang-
araw-araw na buhay. Ang mga
tulang itnutukoy ay Haiku at
Tanaga.
Ang haiku ay isang uri ng tula na
binubuo ng labimpitong pantig na
nahahti sa talong taludtod.
Dahil sa paglabas ng haiku na dala
ng mga Hapones, nabuhay ang
isang matandang tula na
halos katulad din ng haiku, ang
Tanaga. Ito ay binubuo naman ng
apat na taludtod. Ang bawat
taludtod ay may pitong pantig, at
ito ay nagtataglay ng tugma at
sukat.
PANITIKAN SA PANAHON NG
HIMAGSIKAN
KALIGIRANG KASAYSAYAN:
Nagising pagkatapos nang higit sa
tatlong daang taong
pagkakahimlay ang mga natutulog
na
damdamin ng mga Pilipino nang
isangkot sa digmaan sa Kabite ang
tatlong paring sina Gomez,
Burgos at Zamora at patayin sa
pamamagitan ng garote nang
walang matibay na katibayan ng
pagkakasala. Ito’y naganap
noong ika-17 ng Pebrero,
1872. Naragdagan pa ito nang
makapasok dito ang diwang
liberalismo sa pamamagitan ng
pagkakabukas ng Pilipinas sa
pandaigdig na kalakalan, at ang
pagkakapadala sa kapuluan ng
liberal na lider na tulad ni Gob.
Carlos Maria dela Torre.
PAKSA NG PANITIKAN:
1.Humihingi ng pagbabago o
reporma sa pamamalakad ng
simbahan at pamahalaan.
2.Diwang makabayan.
3.Pag-asam o pagnanais ng
kalayaan
ANG KILUSANG
PROPAGANDA:
Ang kilusang ito ay binubuo ng
mga intelektwal sa gitnang uri na
tulad nina Jose Rizal, Marcelo
H. del Pilar, Graciano Lopez-
Jaena, Antonio Luna, Mariano
Ponce, Jose Ma. Panganiban,
Pedro Paterno at iba pa. Paghingi
ng reporma o pagbabago gaya ng
mga sumusunod ang
layunin ng kilusang ito.
LAYUNIN NG KILUSANG
PROPAGANDA
1.Magkaroon ng pantay-pantay na
pagtingin sa mga Pilipino at
Kastila sa ilalim ng batas.
2.Gawing lalawigan ng Espanya
ang Pilipinas.
3.Panumbalikin ang pagkakaroon
ng kinatawang Pilipino sa Kortes
ng Espanya.
4.Gawing mga Pilipino ang mga
kura-paroko.
5.Ibigay ang kalayaan ng mga
Pilipino sa pamamahayag,
pananalita, pagtitipon o
pagpupulong,
at pagpapahayag ng kanilang mga
karaingan.
ANG MGA PROPAGANDISTA:
JOSE RIZAL –gumamit ng
dalawang sagisag-panulat= Laong-
laan (Amor Patrio); Dimasalang (
Masonry), itinatag-LA LIGA
FILIPINA
MARCELO H. DEL PILAR-
gumamit ng iba’t ibang
sagisag-panulat tulad ng
PLARIDEL;
PUPDOH;PIPING DILAT; at
DOLORES MANAPAT
GRACIANO LOPEZ-JAENA -
kinilalang manunulat at
mananalumpati sa “Gintong
Panahon ng
Panitikan at Pananalumpati”.
Itinatag niya ang kauna-unahang
magasin, ang LA SOLIDARIDAD
na naging opisyal na bibig ng
“Asociation Hispano Filipina”
Panitikan sa Panahon ng Propaganda at Himagsikan (1872-1898)
Ang panahong ito ay bahagi pa rin ng panahon ng Kastila. Sa panahong ito unti-unting namulat ang
kaisipang Pilipino. Ang mga dahilan ng kanilang pagkakamulat ay: ang pagpapahintulot sa
pakikipagkalakalan ng pandaigdig nang buksan ang Suez Canal; ang pagpasok ng diwang liberal sa
Pilipinas buhat sa iba’t-ibang bahagi ng Europa at Espanya; ang pagiging Gobernador Heneral ni Carlos
Maria dela Torre na nagkaroon ng pantay na pagtingin sa mga mamamayan at ang pagkakagarote sa
tatlong pari na sina Padre Gomez, Burgos at Zamora.
Panahon ng Amerikano 1900-1941
Sa pagsapit ng ikalabinsiyam na dantaon ay dumating sa Pilipinas ang mga Amerikano na siyang
nagbigay sa mga Pilipino ng bagong Pag-asa.
Bagamat nakadama ng bahagyang kalayaan ang mga Pilipino sa panahong ito, ang mga manunulat ay
hindi pa rin nagkaroon ng ganap na kalayaang makasulat ng mga nais nilang sulatin sapagkat sa
pamamgitan ng Batas Sedisyon ay pinagbawalan pa rin silang sumulat o pumaksa sa mga bagay na may
kinalaman sa pamamahala ng mga Amerikano na maaaring makapapaalab ng damdaming makabayan
sa mga Pilipino at matutong ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
Panahon ng Hapon:
Kung ang panahon ng mga Amerikano ay Panahong Ginto ng Nobelang Tagalog, ang panahon ng mga
hapones ay naging Gintong Panahon naman ng maikling Katha at dulang tagalog sapagkat nabigyan ang
maikling katha ng pagkakataon sa Liwayway. Maikli man ang panahong sinaklaw ng panahong ito,
nagkaroon ng kabutihan ang pagbabawal na gamitin ang wikang Ingles sa mga paaralan.
Nabuksan ang pagkakataon na madagdagan ang mga manunulat sa wikang tagalog sapagkat ang mga
manunulat na dating nagsisisulat sa wikang Ingles ay napilitang magsulat ng mga akda sa wikang
Tagalog kaya sumigla ang wikang Pambansa na itaguyod ng Pangulong Manuel L. Quezon.
Ang mga maikling katha sa panahong ito ay nagtataglay ng damdaming makabayan. Nabigyang-diin ang
katutubong kulay sa mga maikling kwento at ang mga ito ay pumaksa sa uri ng pamumuhay noon na
medyo may kahirapan.
Isang magandang pangyayari sa panahon ng mga hapones ang ginawang panunuri sa maikling
kwentong naisulat. Nanguna ang “Lupang Tinubuan” ni Narciso G. Reyes, pangalawa ang “Uhaw ang
Tigang na Lupa” ni Liwayway Arceo, at pangatlo ang Lungsod, Nayon at Dagat-dagatan” ni N.V.M.
Gonzales.
Sa panahong ito naisaaklat ang pinakamahusay na kathang Pilipino ng 1943 na binigyan ng pamagat na
“25 Pinakamabubuting Kathang Pilipino ng 1943”. Sa panulaan, dalawang uri ng tula ang kinakitaan ng
pagbabago sa anyo at paksa. Hindi na paksa ng pag-ibig at kaapihan ang pinaksa ng mga tula kundi mga
obserbasyon sa mga karaniwang nagaganap sa pang-araw-araw na buhay. Ang mga tulang itnutukoy ay
Haiku at Tanaga.
Ang haiku ay isang uri ng tula na binubuo ng labimpitong pantig na nahahti sa talong taludtod. Dahil sa
paglabas ng haiku na dala ng mga Hapones, nabuhay ang isang matandang tula na halos katulad din ng
haiku, ang Tanaga. Ito ay binubuo naman ng apat na taludtod. Ang bawat taludtod ay may pitong pantig,
at ito ay nagtataglay ng tugma at sukat.
PANITIKAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN
KALIGIRANG KASAYSAYAN:
Nagising pagkatapos nang higit sa tatlong daang taong pagkakahimlay ang mga natutulog na damdamin
ng mga Pilipino nang isangkot sa digmaan sa Kabite ang tatlong paring sina Gomez, Burgos at Zamora at
patayin sa pamamagitan ng garote nang walang matibay na katibayan ng pagkakasala. Ito’y naganap
noong ika-17 ng Pebrero, 1872. Naragdagan pa ito nang makapasok dito ang diwang liberalismo sa
pamamagitan ng pagkakabukas ng Pilipinas sa pandaigdig na kalakalan, at ang pagkakapadala sa
kapuluan ng liberal na lider na tulad ni Gob. Carlos Maria dela Torre.
PAKSA NG PANITIKAN:
1.Humihingi ng pagbabago o reporma sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.
2.Diwang makabayan.
3.Pag-asam o pagnanais ng kalayaan
ANG KILUSANG PROPAGANDA:
Ang kilusang ito ay binubuo ng mga intelektwal sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del
Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at iba
pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito.
LAYUNIN NG KILUSANG PROPAGANDA
1.Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
2.Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3.Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
4.Gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko.
5.Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at
pagpapahayag ng kanilang mga karaingan.
ANG MGA PROPAGANDISTA:
JOSE RIZAL –gumamit ng dalawang sagisag-panulat= Laong-laan (Amor Patrio); Dimasalang
( Masonry), itinatag-LA LIGA FILIPINA
MARCELO H. DEL PILAR- gumamit ng iba’t ibang sagisag-panulat tulad ng PLARIDEL;
PUPDOH;PIPING DILAT; at DOLORES MANAPAT
GRACIANO LOPEZ-JAENA - kinilalang manunulat at mananalumpati sa “Gintong Panahon ng Panitikan
at Pananalumpati”. Itinatag niya ang kauna-unahang magasin, ang LA SOLIDARIDAD na naging opisyal
na bibig ng “Asociation Hispano Filipina”
Antonio Luna - isang parmasyotikong dinakip at ipinatapon ng mga Kastila sa Espanya. Sumanib sa
kilusang PROPAGANDA. Ang paksa ng kanyang mga isinusulat ay nauukol sa mga kaugaliang Pilipino,
at ang iba’y tumutuligsa sa pamamalakad ng mga Kastila. Ginamit niyang sagisag-panulat ay TAGA-
ILOG.
Mariano Ponce - naging tagapamahalang patnugot, mananalambuhay at mananaliksik ng Kilusang
Propaganda. Mga sagisag-panulat na ginamit- TIKBALANG; KALIPULAKO at NANING. Tungkol sa
kahalagahan ng edukasyon ang karaniwang paksa ng kanyang mga sanaysay. Inilahad din niya ang
pang-aapi ng mga banyaga at ang karaingan ng bayan.
Pedro Paterno - isang iskolar, dramaturgo, mananaliksik at nobelista sa Kilusang Propaganda. Sumapi
sa Kapatiran ng mga Mason at sa Asociation Hispano-Filipino. Unang manunulat na nakalaya sa sensura
sa panitikan sa mga huling araw ng pananakop ng Kastila.
Jose Ma. PAnganiban - itinago ang tunay na pangalan sa ilalim ng sagisag na JOMAPA. Kilala sa
pagkakaroon ng “MEMORIA FOTOGRAFICA”.
Pascual Poblete - Kabilang siya sa dalawang panahon ng Panitikang Pilipino:Kastila at Amerikano.
Mamamahayag, makata, mandudula, nobelista at mananalaysay. Itinatag niya at pinamatnugutan ang
pahayagang “EL RESUMEN”. Sa panahon ng Amerikano, itinatag niya ang pahayagang “EL GRITO DEL
PUEBLO” at “ANG TINIG NG BAYAN”. Siya ang kauna-unahang Pilipino na nagsalin sa Pilipino ng Noli
Me Tangere ni Jose Rizal. Kinilalang “Ama ng Pahayagang Tagalog.
Paksa ng Panitikan
• Humihingi ng pagbabago/reporma sa pamamalakad ng simbahan at pamahalaan.
• Diwang makabayan
• pag-aasam/pagnanais ng kalayaan.
Mga Halimbawa
La Solidaridad
Noli Me Tangere
El Felibusterismo
Kilusang Propaganda
Ang kilusang ito ay binubuo ng mga intelektwal sa gitnang uri na tulad nina Jose Rizal, Marcelo H. del
Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Antonio Luna, Mariano Ponce, Jose Ma. Panganiban, Pedro Paterno at iba
pa. Paghingi ng reporma o pagbabago gaya ng mga sumusunod ang layunin ng kilusang ito.
Mga layunin ng Kilusang Propaganda
1.Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Kastila sa ilalim ng batas.
2.Gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
3.Panumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
4.Gawing mga Pilipino ang mga kura-paroko.
5.Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sapamamahayag, pananalita, pagtitipon o pagpupulong, at
pagpapahayag ng kanilangmga karainganHimagsikan Laban sa Kastila

Ang pagkakatapon kay Rizal sa Dapitan noong 1892 ang naging babala ng pagtatagumpay ng mga
propagandista. Gayunman, hindi naman nanlupaypay ang mga ibang masigasig sa paghingi ng reporma.
Ang iba’t hindi naniniwalang reporma ang kailangan, naniniwala silang kailangan na ng marahas na
pagbabago.
Nagbago ang takbo ng panahon sa pagkakatatag ng Katipunan noong gabi mismo nang
mabalitaang ipinatapon si Rizal sa Dapitan. Si Andres Bonifacio kasama nina Velentin Diaz, Teodoro
Plata, Ladislao Diwa, Deodato Arellano at ilan pang may diwang makabayan ay lihim na nagpulong
noong ika-7 ng Hulyo, 1892 sa isang bahay sa Azcarraga. Itinatag nila ang Kataastaasang Kagalang-
galangan na Katipunan nang manga Anak nang Bayan (K.K.K.) o Katipunan. Nagsanduguan sila at
inilagda sa pamamagitan ng kani- kaniyang mga dugo ang kanilang pangalan bilang kasapi ng samahan.

Ang mga manunulat na natampok sa panahong ito’y sina Andres Bonifacio (Ama ng Katipunan) at
Emilio Jacinto (Utak ng Katipunan). Kabilang dito Pio Valenzuela. Ang wikang natatampok nang
panahong ito’y ang Tagalog. Kung sa panulat man ni Bonifacio’y sinasabi niyang ang dapat mabatid ng
mga Tagalog, mababasa namang ang tinutukoy dito’y ang mamamayang Pilipino, hindi naman niya
matatawag na mga Pilipino sapagkat ang mga Pilipino noo’y ang mga Kastilang ipinanganak sa Pilipinas,
hindi rin naman maaaring gamitin ang Indio sapagkat ito’y panlilibak ng mga Kastila.

Nang naging aktibo ang mga Katipunero, gabi- gabi’y may pagpupulng sila at nadarama ng mga
Kastila na may nagaganap sa kapaligiran lalo na sa Kamaynilaan at sa Gitnang Luzon.

Noong ika-19 ng Agosto, 1896, nabunyag kay Padre Mariano Gil sa pamamagitan ni Teodoro Patiño
ang tungkol sa Katipunan. Dahil sa pangyayaring ito, wala nang iba pang magagawa kundi ang
makiaglabanan. Kaya noong ika-23 ng Agosto, ipinahayag nina Bonifacio ang kanilang layunin sa
pakikipaglaban. Kaya noong ika-23 ng Agosto, ipinahayag nina Bonifacio ang kanilang layunin sa
pakikipaglaban sa Pugad- lawin. Pinunit nila ang kanilang mga sedula at isinigaw ang “Mabuhay ang
Plipinas!”

Andres Bonifacio (1863-1897)

Emilio Jakcinto(1875-1899)

Pio Valenzuela

Mga Pahayagan Noong Panahon ng Himagsikan

Hindi naging mabisa noong panahon ng Himagsikan ang mga katha. Ang mga sanaysay at pahayagan
ang naging behikulo sa pagpapabatid sa mga tao ng mga tunay na nangyayari sa kapaligiran. Ito ang
naging mabisang tagaakay sa mga tao upang tahakin ang landas tungo sa pagkakaroon ng kalayaan

Ilang sa mga pahayagan noon ang:

1.) Kalayaan- ang pamansag ng Katipunan. Itinatag ito noong 1896. Pinamatnugutan ito ni
PioValenzuela.

2.) Diario de Manila, ang pantulong ng Kalayaan. Natagpuan ng mga kastila ang limbagan nito kaya’t may
katibayan sila sa mga plano ng mga Katipunero.

3.) El Heraldo de la Revolicion. Makalwa sanlinggom kung lumabas ang pahayagang ito. Limbag ito sa
Unang Republika ng Pilipinas noong 1898. Itinaguyod nito ang kaisipang pampulitika. Nang lumaon,
naging Heraldo Filipino ang pangalan nito at kalaunan ay naging Indice Official at Gaceta de Filipinas.
Tumagal ang pahayagang ito mula ika- 28 ng Detyembre, 1898 hanggang kalagitnaan ng 1899. Layon
nitong pag-alabin ang damdaming makabayan tulad din ng mga naunang pahayagan.

4.) La Independencia. Naging patnugot nito si Antonio Luna. Itinatag ito noong ika- 3 ng Setyembre,
1898.

5.) La Republika Filipina. Pinamatnugutan at itinatag ni Pedro Paterno noong 1898.

6.) Ang Bayang Kahapis- hapis. Lumabas noong ika-24 ng Agosto, 1899.

7.) Ang Kaibigan ng Bayan. Lumabas noong 1898.

8.) Ang Kalayaan. Tagapamalitang Tagalog at Capampangan, Tarlac, 1899.

Patuloy ang pakikipaglaban ng mga Pilipino sa mga Kastila. Ang Gobernador – Heneral noo’y si
Primo de Rivera. Kinsi niya makumbinsi ang mga Pilipino upang magsalong ng sandata. Nagkaroon ng
tinatawag na Republika ng Biak-na-Bato. Si Aguinadlo ang pangulo. Si Mariano Trias ang pangalawang
pangulo. Ang Saligang-Batas nito’y nilagdaan noong unang araw ng Nobyembre, 1897.
Sa tulong ni Pedro Paterno, nalagdaan ang panig ng Plipino at Kastila na kinatawan nina Paterno at
Rivera. Napagkasunduang si Aguinaldo’y kusang magpapatapon sa ibang bansa at si Primo de Rivera’y
magkakaloob ng malaking halaga sa mga rebelde’t mga pamilya ng mga nasalanta sa himagsikan.

Natatag ang unang Republika noong ika-12 ng Hunyo, 1898. Narinig sa unang pagkakatao ang
Marcha Nacional Filipino ni Juan Felipe. Itinaas ang bandila ng Pilipinas na ginawa sa Hong Kong nina
Marcela Agoncillo.

May mga diplomatikong nagsisiskap upang ganap na makamit ang kalayaan ngunit ang Kasinduan
sa Paris ang siyang isinakatuparan ng mga Amerikano. Na ang Pilipinas ay sasakupin ng mga
Amerikano. Naganap ito noong Disyembre, 1898.

Hindi tumutugot ang mga Pilipino sa pakikipaglaban. Ang panulat ay mabisa pa ring sandata sa
pagpapahayag ng mga niloloob ng sambayanan at sa panahong ito, ang pangalan naman ni Mabini ang
natampok.
Apolinari Mabini (1864-1903)

Si Mabini ang “Utak ng Himagsikan” Ang ginamit niyang wika’y Kastila. Tinagurian din siyang “Dakilang
Lumpo” sapagkat sa kabila ng kanyang kapansanan ay kinatatakutan pa ang kaniyang panulat at
kailangan siyang ipatapon.

Sinulat niya ang El Desarollo y Caida de la Republica Filipina at ang “El Verdadero Decalogo” Humigit-
kumulang, ganito ang nilalaman ng kaniyang dekalogo:
Ibigin mo ang Diyos at ang iyong karangalan nang higit sa lahat. Ang Diyos ang batis ng lahat ng
katotohanan, karunungan at lahat ng gawain. Ang karangalan ang nag-uutos upang maging matapat,
mabait at masipag sang isang tao.
Sambahin ang Diyos sa paraang minamarapat ng iyong budhi.
Linangin mo ang mga katangiang kaloob sa iyo ng Diyos.
Ibigin mo ang iyong bayan sunod sa Diyos at sa iyong karangalan.
Pagsumikapan mong lumigaya ang iyong bayan nang una sa iyong sarili sapagkat kung maligaya ang
bayan ang lahat ng naninirahan ay maligaya rin.
Pagsumikapan mong makamit ang kasarinlan ng iyong bayan. Ang kaniyang kasarinlan ay kalayaan mo.
Kilalanin lamang ang kapangyarihan ng inihalal mo sapagkat ang kapangyarihan ay galing sa Diyos at
dahil sa ang Diyos ay nagsasalita sa pamamagitan ng budhi ng bawat tao.
Pagsumikapang makapagtatag ng isang Republika sa iyong bayan.
Mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal sa sarili.
Itangi mo ang iyong kababayan higit sa kapwa mo.

Jose Palma

Mahalaga rin ang papel na ginagampanan ni Jose Palma sa kasaysayan at sa panitikan ng bayan.
Siya ang sumulat ng “Himno Nacional Filipino “(Pambansang Awit ng Pilipinas). Bagama’t sa Kastila niya
ito isinulat at marami nang salin ang nagawa, hindi maitatatwang siya ang naghandog sa bayan ng
Pambansang Awit.

JOSE RIZAL -gumamit ng dalawang sagisag-panulat= Laong-laan (Amor Patrio); Dimasalang


( Masonry), itinatag-LA LIGA FILIPINA
= ipinanganak noong ika-19 ng Hunyo 1861, bayan ng Kalamba
= namatay noong ika-30 ng Disycmbre 1896
= ang kanyang mga AKDA :
NOLI ME TANGERE - akdang nagbigay daan sa himagsikan laban sa Espanya; inilantad ang
kasamaang naghahari sa panianiahala ng mga Kastila sa Pilipinas.
EL EILIBUSTERISMO - akdang nagsisiwalat ng mga kabulukan ng paniahalaang umiiral
MI ULTIMO ADIOS - (Ang Huli Kong Paalani); ito ay kanyang sinulat noong siya ay nakakulong sa Fort
Santiago. Ipinalalagay ng niarami na ang tulang ito ay maihahanay sa lalong pinakadakilang tula sa
daigdig.
SOBRE LA INDOLENCIA DE LOS FILIPINAS- (Hinggil sa Kataniaran ng mga Filipino ). Ito’y isang
sanaysay na tuniatalakay at suniusuri ng mga palasak na sabing ang mga Pilipino ay taniad
FILPINAS DENTRO DE CIEN ANOS -(ANG Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon ). Ito ay isang
sanaysay na nagpapahiwatig na darating ang panahon na ang interes ng Europa sa Pilipinas ay
niababawasan, samantalang ang impluwensya ng F^stados Unidos ay mararamdaman. Hula ni Kizal;
kung may sasakop uli sa Pilipinas, walang iba kundi ang Estados Unidos.
A LA JUVENTUD FILIPINO- ( Sa Kabataang Pilipino ). Ito ay isang tulang inihandog niya sa mga
kabataang Pilipinong nag-aaral sa Pamantasan ng Sto. Tomas.
EL CONSEJO DE LOS DIOSES- ( Ang Kapulungan ng mga Bathala). Ito ay isang dulang patalinghagang
nagpapahayag ng paghanga kay Cervantes.
JUNTO PASIG - ( Sa Tabi ng Pasig ). Isinuiat niya ito nang siya ay 14 na taong gulang pa laniang.
ME PIDEN VERSOS - ( Hinilingan Nila Ako ng mga Tula ).-1882 at A LAS FLORES DE HEIDELBERG
( Sa mga Bulaklak ng Heidelberg 1882 ).

You might also like