You are on page 1of 6

Pangalan: Pagatpat, Aischelle Mhae R.

Prop: Diomedez Rodriguez

Kurso/seksyon: BSA 1-1

Pag-unawa sa Paksa

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Paano ipinakita ni Marcelo H. del Pilar ang pagtutol sa bansang mananakop?

Si Marcelo H. del Pilar ang isa sa mga pangunahing pinuno ng Propaganda. Ipinakita
ng ang pagtutol sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pagsusulat. Patunay nito ay ang
pagtatatag niya ng Diaryong Tagalog at pagsusulat manipestong Viva España! Viva el
Rey! Viva el Ejército! Fuera los Frailes! at polyetong Caiigat Cayo. Pinanguluhan niya
rin ang Asociación Hispano-Filipina na may layong manawagan sa pagkakaroon ng
pagbabago sa Pilipinas. Naging patnugot din siya ng La Solidaridad at naglimbag ng
mga artikulo na nagbunyag sa kalagayan ng Pilipinas. Kahit na kulang sa pondo ay
patuloy pa rin siya sa pagsusulat ara sa ikalalaya ng Pilipinas.

2. Paano naapektuhan ang panitikan ng ating kasaysayan?

Bago pa man dumating ang mga kastila ay mayroon na tayong mga panitikan na
nasusulat sa alibata at nakasulat sa mga biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog
atbp. Ngunit ng dumating ang mga espanyol ay sinunog nila ito. Ipinakilala nila sa atin
ang Kristiyanismo na naging paksa ng mga panitikan noong mga unang bahagi ng
pananakop nila. Matapos ang ilang taon na pang-aapi sa mga Pilipino ay ginamit ng
mga manunulat na Pilipino ang panitikan upang gisingin ang mga kababayan.

Nang dumating naman ang mga Amerikano ay nagsimulang magsulat ang mga Pilipino
ng mga kwento, dula, tula atbp. Ang tema ng mga sulatin noong panahong ito ay
makabayan na pilit naman igupo ng mga Amerikano. Sa kabila nito, sa panahong ito
nagsimula ang iba pang porma ng panitikan gaya ng pelikula at balagtasan.
Ang panahon ng hapon ay sinasabing gintong panahon ng sulatin sa wikang Tagalog
dahil ipinagbawal nila ang paggamit ng wikang Ingles. Ang paksa ng sulatin dito ay
tungkol sa buhay lalawigan.

Noong bagong kalayaan ay muling sumigla ang panitikan sa Pilipinas. Nabuksang muli
ang mga ipinasarang palimbagan at nagkaroon ng iba’t ibang kagawaran para sa mga
akdang literatura. Naitatag din ang iba’t ibang samahan para sa panitikang Filipino at
Ingles.

Sa panahon naman ng batas militar, ang mga paksa ay tungkol sa pagbabago sa


pamahalaan at lipunan. Dahil dito ay ipinatigil ang pampahayagan at samahang
pampaaralan.

3. Magtala ng kabutihang naidulot sa ating panitikan ang bawat panahon? Isulat ang
sagot sa tsart.

Kastila - Sinunog noong panahon ng mga Kastila ang mga panitikan na


mayroon ang mga katutubo natin ngunit may ilan pa ring nakaligtas
mula dito.

- Ang mga paksa ng literaura noong panahong ito ay karamihan


tungkol sa Kristiyanismo gaya ng mga novena, senakulo at sarswela.
Sa panahon ding ito nailimbag ang unang libro na Doctrina
Christiana.

- Sa panahon ding ito lumabas ang mga awit at korido, ngunit ayon sa
kanila ay ginawa lang ito upang i-distract ang mga Pilipino.

- Sa dulong bahagi ng panahong ito, lumabas ang mga panitikan na


may layong ilantad ang mga paniniil ng prayle at pag abuso sa
karapatan ng mga Pilipino. Halimbawa na lang nito ay ang Noli Me
Tangere at El Filibusterismo ni Jose Rizal.

Amerikano - Sa unang bahagi ng pananakop nila ay ang wikang ginagamit pa rin


ng mga Pilipino sa panitikan ay Espanyol.

- Sinubukan ng mga manunulat na Pilipino ang iba pang mga porma


ng literatura gaya ng tula, dula, kwento, sanaysay atbp.

- Ang paksa ng mga panitikan noong panahong ito ay tungkol sa pag-


ibig sa bayan at kalayaan na kalaunan ay ipinatigil ng mga Amerikano
lalong lalo na ang mga dula.

- Sa panahon ding ito nauso ang balagtasan o patulang debate at


nagkaroon ng pelikula sa Pilipinas

Hapon - Ipinatigil ang lahat ng mga sulating nasusulat sa wikang Ingles


noong panahong ito at puro panitikan nasusulat sa wikang Tagalog
lamang ang pinapayagang ilimbang noon.

- Ang paksa ng mga literatura sa panahong ito ay tungkol sa buhay


lalawigan.

- Ipinasara ng mga hapon ang mga sinehan at ginawa na lamang


tanghalan

- Nagkaroon ng krisis sa papel noong panahong ito kaya kakaunti


lamang ang akdang naisulat

Batas Militar - Nang ideklara ang batas militar ay nagkaroon ng malawakang


pagpapatigil sa paglilimbag ng mga literatura lalo na sa
pamamahayag

- Ang paksa ng mga sulatin sa panahong ito ay tungkol sa


pamahalaan at lipunan

4. Ano-ano ang samahang naitatag para sa Panitikang Filipino?

Noong panahon ng bagong kalayaan ay naitatag ang mga samahang Taliba ng Inang
Wika (TANIW), Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN), at Kapisanan ng mga
Mandudulang Pilipino (KAMPI) para sa panitikang Filipino

5. Sa iyong palagay, sa anong panahon mas malayang nakapagsulat ang mga Filipino?
Bakit?

Kung ang pagpipilian ay ang panahon ng Kastila, Amerikano, Hapon at batas militar, sa
palagay ko sa panahon ng Amerikano pinakahindi gaanong pinipigilan ang mga Pilipino
na magsulat. Dahil sa panahong ito ay nakapasok ang mga manunulat na Pilipino sa
iba’t iba pang larangan ng panitikan. Sa panahong ding ito nailathala ang babasahing
Liwayway. Dito rin nagsimula at nauso ang balagtasan ang pelikula. Sa panahon ng
kastila ay mahigpit na ipinagbabawal ang paglilimbag ng mga sulatin lalo na kung ito ay
laban sa kanila. Sa panahon naman ng hapon ay ipinatigil ang pagsusulat ng Ingles at
ilang Tagalog na akda lang ang kanilang pinahihintulutan.

6. Anong katangian ni F. Baltazar ang nagustuhan mo? Bakit?

Ang kaniyang pagiging malikhain. Ginamit niya ang kanyang suliranin sa buhay noong
panahong nakakulong siya upang makalikha ng obra maestra niyang Florante at Laura.
Sa kabila ng kinakaharap niya ay pinagana niya pa rin ang kaniyang pagiging
malikhain.

7. Anong mga pangyayari noon sa lipunan ang napansin mo batay sa talambuhay ni


Balagtas?

Napakulong si Balagtas, kahit na wala naman siyang ginagawang kasalanan, dahil lang
maimpluwensiya ang taong may galit sa kanya. Makikita mo dito ang hindi pantay na
pagtingin ng batas. Kapag mababa ang estado mo sa buhay ay madali kang
mahuhusgahan at mapagbibintangan.

Gawain 1

1. Bukod sa Noli at Fili ni Rizal, maghanap ng akdang Filipino na sa palagay mo’y may
malaking naiambag sa ating panitikan. Talakayin ang nillaman ng akda.

Pamagat at awtor ng Akda: Florante at Laura ni Francisco Balagtas

Taon nang inilathala: 1838

Pagtalakay sa akda:

Ang akdang Florante at Laura ay naglalaman ng maraming aral at binibigyan din tayo
nito ng pagkakataon na masulyapan ang mga nangyari sa Pilipinas noong panahon ng
Kastila. Ang obra-maestrang ito ng panitikang Pilipino ay sinasabing dahilan ng
pagbubukas ng landas para sa panulaang Tagalog noong ika-19 na dantaon.
May apat na uri ng paghihimagsik ang makikita sa awit na ito. 1) Himagsik laban sa
malupit na pamahalaan; 2) Himagsik laban sa hidwang pananampalataya; 3) Himagsik
laban sa mga maling kaugalian; at 4) Himagsik laban sa mababang uri ng panitikan.

Ang pamahalaan at simbahan, iba man ang pangalan ay halos iisa lang sila ng
kapangyarihan. Hindi hiwalay ang pamahalaan at simbahan noon kaya naman
nakokontrol din ng simbahan ang pamahalaan. Lahat ng ituring ng simbahan na mali sa
kanilang paningin ay kanilang pinaparusahan. Para sa kanila, ang Iglesya Katolika
Apostolika Romana ang relihiyon na maaaring paniwalaan. Anumang uri ng akda na
taliwas dito ay ituturing na kontrabando.

Ang himagsik laban sa hidwaang pananampalataya ay inilagay ni Balagtas sa awit para


maghimagsik laban sa mga Espanyol at para patunayan na mali ang kanilang itinuturo
tungkol sa pananampalataya. Nang pinalaganap nila ang Kristiyanismo sa bansa ay
pinaniwala nila ang mga Pilipino na ang mga moro ay mga kaaway at walang maganda
maidudulot sa tao.

Ito ay pinabulaanan ni Balagtas sa Florante at Laura nang pinakita niya na hindi totoong
kaaway ang mga moro. Ipinakita niya na kinikilala ng mga moro ang Diyos at kaya
nilang gumawa ng kabanalan. Sinalungat niya rin ang paniniwalang ang moro ay
walang kaluluwa at sumasamba lamang sa hayop.

Ipinakita ni Balagtas na ang maling kaugalian ay hindi mababase kung ang isang tao ay
moro, sapagkat ito ay maaari ring makita sa mga Kristiyano. Sinasabi niya kahit ang
mga kapwa Kristiyano ang nagsisiraan at naghihilahan pababa. Ito ay makikita sa
karakter ni Aladin na morong mula sa Persiya. Kahit na Kristiyano si Florante ay walang
pag-aalanganin niya itong tinulungnan nang siya ay akmang kakainin ng leon. Ipinaalala
ni Balagtas sa mambabasa na hindi dapat maging hadlang ang relihiyon para
makatulong sa ibang tao.

Ang Florante at Laura ay dapat na pag-aralan dahil pinapapakita nito ang iba’t ibang
aspeto at suliranin sa lipunan. Ang akdang ito mahalaga sa pag-unawa sa kasaysayan
ng ating bansa. Isa ito sa dahilan kung paano namulat ang mga Pilipino sa
katotohanan. Dahil dito ay namulat ang mga Pilipino sa ugaling mapagbalat kayo ng
Espanyol at Amerikano. Sa kwentong ito napukaw ang talas ng sining sa tunay na layon
ng mga mananakop.
Gawain 2

I. Pakinggan ang awitin mula sa https://www.youtube.com/watch?v=TNpCeT1ghS8 Martsa ng


Bagong Lipunan 1973-1976

1. Bakit sinulat ang awiting Bagong Lipunan? Ano ang kalagayan ng Pilipinas nang
sulatin ito?

Ang awiting Bagong lipunan ay itinuturing na awiting makabayan na isinulat ni Felipe De


Leon at Levi Celerio noong 1974. Ito ay ginawang compulsary hymn na dapat awitin
pagkatapos ng pambansang awit. Ang liriko ng kanta ay base sa pag-asa ng dating
pangulo sa kanyang pananaw ng bagong lipunan para sa bansa. Isinulat ang awiting ito
halos dalawang taon matapos ideklara ng dating pangulo ang batas militar. Kung kailan
nagaganap ang maraming pag-aaklas laban sa rehimeng Marcos.

II. Panoorin ang halimbawa ng sarswela sa https://www.youtube.com/watch?v=-


kxFEnA6FvY

1. Paano isinasagawa ang isang sarswela? Anong napansin mo sa kasuotan,galaw at


wikang ginamit nila sa pagtatanghal?

Ang isang sarswela para lang isang karaniwang dula maliban sa ang patula o
pakantang sinasabi ng mga tauhan ang dayalogo nila. Kadalasan ang sarswela ay
nagtatapos nang masaya at ang suliranin dito ay pahapyaw lamang. Nakikilala ang mga
tauhan sa sarswela, kung sila ba ay bida o kontrabida, sa pamamagitan ng pag-arte
nito. At ang mga telon naman ang nagtatakda ng tagpo sa bawat eksena. Base sa
video, tradisyonal na kasuotan ng Pilipinas ang suot nila, ang kanilang galaw ay para
lang ding normal na dula ngunit ang kanilang paraan ng pagsasalita ay pakanta.

You might also like