You are on page 1of 4

PANAHON NG PAGBABAGONG-ISIP (PROPAGANDA)

-Ang diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago s sistema ng


pamamalakad sa pamahalaan at simbahan
-pagpasok ng diwang lebiralismo

MGA PROPAGANDISTA:
A. Dr. Jose Rizal/ Laong Laan at dimasalang (“Noli at El Fili”)
B. Marcelo H. Del Pilar (Paridel, Piping Dilat at Dolores Manapat)- Pag-ibig sa Tinubuang Lupa,
Kaiigat kayo at Tocsohan
C. Graciano Lopez Jaena (Fray Botod, Sa Mga Pilipino atbp)
D. Antonio Luna (Noche Buena, Por Madrid atbp)

PANAHON NG AMERIKANO
1. Maalab ang diwang makabayan na hindi na magawang igupo ng mga Amerikano
2. Pinasok ng mga manunnulat na Pilipino ang iba’t ibang larangan ng panitikan tulad ng tula,
kwento, dula, sanaysay, nobela atbp.
3. Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinulat
4. Namayani sa panahong ito ang mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at wikang Ingles
5. Pinatigil ang mga dulang may temang makabayan
6. Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway
7. Pinauso rin ang balagtasan katumbas ng debate
8. Nagkaroon/Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas

MGA PAHAYAGAN:
1. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) ni Sergio Osmena (1900)
2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete (1900)
3. El Renacimiento (Muling Pagsilang)- itinatag ni Rafael Palma (1900)

MGA DULANG PINATIGIL:


1. Kahapon Ngayon at Bukas- Aurelio Tolentino
2. Tanikalang Ginto- Juan Abad
3. Walang Sugat- Severina Reyes

ILANG KILALANG MANUNULAT SA KASTILA NA SUMIKAT:


1. Cecelio Apostol
2. Fernando Ma. Guerrero
3. Jesus Balmori
4. Manuel Bernabe Manalang
5. Claro M. Recto

ILANG KILALANG MANUNULAT SA WIKANG TAGALOG


1. Lope K. Santos
2. Jose Corazon de Jesus
3. Florentino Collantes
4. Amado V. Hernandez
5. Valeriano Hernandez Pena
6. Inigo Ed Regalado

KAHULUGAN AT KATANGIAN NG SANAYSAY


-Ang pagsulat ng sanaysay ay nagsimula sa France noong 1571. Si Michel de Montaigne, isang
abogado at retiradong iskolar ang nagpasimuno nito. Tinaguriang “ AMA NG SANAYSAY”
-Ang kanyang dalawang libro ng sanaysay na tinapos sa loob ng siyam (9) na taon na
pinamagatang ESSAIS ay nailimbag at lumabas noong 1580.
-Kanyang nasaksihan ang maraming pagkakamali at problema sa buhay at kanyang itong pinuna
at sinuri sa pamamagitan ng pagsulat.
-Ang mga sanaysay na ito na impormal sa anyo ay ipinapalagay ng marami na kasama sa mga
pinakamagaling na katha sa buong daigdig. Patunay na ang mga “pagtatangka” ni Michel de
Montaigne ay hindi nawalan ng sanaysay.
-Ang ESSAI ay nangangahulugang isang pagtatangka, isang pagtuklas, pagsubok na ayong s
pagsusulat.
-Ayos na Aristotle at Horace, masasabing ang pagsulat ng sanaysay ay noon paman. Ito ay kilala
sa Latin na “OXAGEUM” ang panunuri at pananagubiling pampanitikan
-Samantala, halos magkasabay ang pagkakalipat nito sa Amerika at Pilipinas, pinaumpisahan ni
Washington Irving noong 1819 sa kanyang sketch book
-Dito sa atin, si P. Modesto Castro ang tinaguriang “AMA NG PANITIKANG KLASIKO AT TULUYAN”
siya ay nakilala sa kanyang “URBANA AT FELIZA” na naitala nong siglo-19

KASAYSAYAN NG PILIPINAS
- Sa Pilipinas naging kilala ang pangalan nina Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez at
Jose A. Burgos at iba pa. Sa kanilang mga sanaysay na karaniwang pagsusuri o pagtutuligsa sa
lipunan o pamahalaan at nasusulat sa wikang Espanyol
-Ang Pahayagang LA SOLIDARIDAD na itinatag nina Marcelo H. Del Pilar at Graciano Lopez ay
hindi na paliham ang naging anyo ng sanaysay kundi “PATUDLING” na may layuning na
pakikibaka, galit, hinaing, masiklab na pakiki-isa ng bayan sa tawag ng nationalismong
pinaglaban ang kalayaang pilipino
-Gannito rin ang paraan na ginamit nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto sa pahayag ng
Katipunan, ang kalayaang Katipunan
-Ang paghihimagsikan laban sa mga Amerikano ang nag uudyok kay Apolinario Mabini upang
sumulat ng sanaysay

PANAHONG HAPON

PANANAKOP NG MGA HAPONES SA PILIPINAS


-Ang pananakop ng mga Hapones ay ang panahon sa kasaysayan ng Pilipinas mula 1942
hanggan 1945, Noong ikalawang digmaang pandaigdig, kung kailan nilusob ng imperyo ng hapon
ang Pilipinas na dating tinatabanan o nasa ilalim ng kapangyarihan ng Estados Unidos.

PANAHON NG PANANAKOP NG HAPON


-Noong Oktubre 1944, nagsimula ang digmaan ng pagpapalaya sa Pilipinas mula sa mga
Hapones ng lumapag ang mga pwersa ni Douglas MacArthur sa LEYTE

MGA DAHILAN NG PANANAKOP NG HAPON


-Una, para maprotektahan ang imperyo ng mga hapon mula sa mga U.S Military base
- Ikalawa, Ang Pilipinas ay nasa tamang posisyon sa Timog Silangang Asya na kinakailangan ng
mga hapon sa kanilang pag-abante sa katimugan
-Ikatlo, sa Pilipinas matatagpuan ang mga hilaw na ateryales na kailangan ng bansang hapon
para sa digmaan

CULTURAL POLICY
- Ito ang paglatag ng mga programa na makakatulong sa ikabuti ng pagsasamahang Pilipino-
Hapon. Kabilang sa mga polisiyang ito ang pagpapatuloy ng pamahahala ng mga Pilipino ng
sariling gobyerno ngunit kumikilala sa hapon bilang bagong mananakop

Prime Minister Hideki Tojo na ibabalik ang kasarinlang hinihiling ng mga Pilipino kung
makikipagtulungan na ng lubusan ang mga Pilipino sa mga Hapon. Kabilang din sa polisiyang ito
ang pagtatatag ng Bagong Pilipinas o New Philippines.

Administrasyong pangmilitar ay nag-isyu Order No. 2 noong 1942 na naglalayong na naguhin


ang edukasyon sa Pilipinas para sa kanilang kapakinabangan. Kasama sa mga kautusang ito ang
pagtuturo ng wikang Hapon sa Pilipinas sa pag-asang maaari pang mabura sa isipan ng mga
Pilipino ang Ingles.

Niptonggo at tagalog ay dinagdag sa curriculum ng paaralan

-sensurang Hapon sa panitikan sa panahong iyon. Sa sobrang higpit nito ay maraming mga
literary periodicals ang napahinto sa paglathala dahil sa pagliit ng bilang ng mga peryodiko ay
nagkaroon ng kakulangan sa espasyo para sa mga akdng pampanitikan sa Ingles

ANG SANGGUNIANG BANSA AT ANG PAMAHALANG TAGAPAGPALAGANAP NG PILIPINAS


Primyer Hadeki Tojo noong ika-12 ng enero, 1942 na ang mga Pilipino raw ay makiisa sa
pagtatag ng “GREATER EAST ASIA CO-PROSPERITY SPHERE” ang pamahalaang tagapagpalaganap
ng Pilipinas ay itinatag. Ito ay nasa ilalim ng kapangyarihan ng Punong Komandante ng Imperial
Japanese Forces (IJF)
ANG KABUHAYAN SA PANAHON NG HAPON
-Lumasap ang mga Pilipino ng gutom sa tatlong taong pananakop ng mga Hapon. Kinumpiska
ang mga ani, mga minahan, pabrika at mga lagak sa bangko
- Babae at bata ay pinag tatrabaho, maraming tao na gutom at namatay sa labis na parusa ng
mga sundalong Hapon
- pinagbawal ang pagbabasa ng mga aklat, magasin at ang pagtatalumpati
- Unibersidad at eskuwelahan ay ginawang kulungan.
- guro at kawani ng pamahalaan ay tinuturuang bumasa ng Hanasi, Kotoba, at panimulang aklat
ng Hapon
- Tinuraan ang mga guro ng mga sumulat ng niponggo na ang tawag ay Hiragana ang mga guro
ay tinuraan din ng mga awiting Hapon

PANAHONG PATUNGO SA PAMBANSANG KRISIS


Hindi naipagkaloob sa mga Pilipino ang mga hinihinging pagbabago ng mga Progandista.
Naging bingi ang pamahalaan, nagpatuloy ang pang-aapi at pagsasamantala, at naging mahigpit
pa sa mga Pilipino ang pamahalaan at simbahan. Ang mga mabuting kabalakin sana ng Inang
Espanya sa Pilipinas ay nasasalungat pa rin ng mga prayleng nangaghari rito.

NILALAMAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG TAHASANG PAGHIHIMAGSIK:


- Pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan
- Pagbibigay-payo sa mga Pilipino upang magkaisa at maghanda nang matamo ang inaasam na
kalayaan

ANDRES BONIFACIO
- Kilalang-kilala bilang “AMA NG DEMOKRASYANG PILIPINO” at “AMA NG KATIPUNAN”
- Hamak ang pinanggalingang kalagayan sa buhay, kaya’t sinasabing ang kanyang mga natutuhan
ay pawang galing sa “paaralan at karanasan”
- Umanib o lumahok sa kilusang itinatag ni Jose Rizal ang LA LIGA FILIPINA
- Lalong kilala sa pagiging dakilang mandirigma kaysa manunulat

MGA AKDA NI ADRES BONIFACIO


1. KATUNGKULANG GAGAWIN NG MGA ANAK NG BAYAN
Nahahalintulad sa Sampung Utos ng Diyos ang pagkakahanay ng kartilyang ito
2. HULING PAALAM
Salin sa Tagalog ng “Mi Ultimo Adios”
3. PAG-IBIG SA TINUBUANG LUPA
Isang tulang naging katulad din ng pamagat ng kay Marcelo H. del Pilar
4. ANG DAPAT MABATID NG MGA TAGALOG
Bumabanggit sa kasaysayan ng Pilipinas. Ang kaunlarang tinatamasa ng bansa bago
dumating ang mga Kastila at ang mga kaapihan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila

KATAPUSANG HIBIK NG PILIPINAS


Tulang nagpapahiwatig ng hinanakit sa bayan. Kinatha ni Bonifacio bilang pagpapatuloy sa
tulang napasimulan ni Herminigildo Flores na may pamagat na Hibik ng Pilipinas sa Inang
Espanya. Ito ay tinugon naman Marcelo H. del Pilar sa kanyang tulang sagot sa Hibik ng Pilipinas

EMILIO JACINTO
- Isinilang sa mahirap na angkan sa Trozo, Manila noong Disyembre 1875
- Gumamit nga sagisag-panulat sa “DIMASILAW”
- Kinikilala bilang “UTAK NG KATIPUNAN”
- Siya ang tumatayong punong-sanggunian ni Andres Bonifacio
- Katulong ni A. Bonifacio sa pagtatag ng kilusang KATIPUNAN
- Naging patnugot ng pahayagan ng Katipunan-ang KALAYAAN

MGA AKDA NI EMILIO JACINTO


1. KARTILYA NG KATIPUNAN
Mga kautusan para sa kasapi ng katipunan
2. LIWANAG AT DILIM
Katipunana ng mga sanaysay na may iba’t ibang paksa tulad ng pag-ibig sa bayan,
kahalagahn ng paggawa, pagkakapantay-pantay, kalayaan at paniniwala

3. A MI MADRE ( Sa aking Ina)


Isang Tulang handog sa kanyang ina
4. A LA PATRIA (Bayang Tinubuan)
Ang pinalalagay na kanyang obra-maestra

APOLINARIO MABINI
- Nagmula sa maralitang angkan
- Isinilang noong Hulyo 24, 1864 sa Tanauan, Batangas
- Nagtapos pagka-mananaggol
- Tinaguriang “UTAK NG HIMAGSIKAN”
- Ipinatapon sa Guam ng mga Amerikano sapagkat ayaw ng manumpa sa bandilang Amerikano
- Namatay sa sariling bayan na kolera

MGA AKDA NI APOLINARIO


1. ANG HIMAGSIKANG PILIPINO
Isang sanaysay na naglalarawan ng kabayanihan ng mga Pilipino sa pakikipaglaban
2. SA BAYANG PILIPINO
Isang tulang handog ng bayan
3. ANG PAHAYAG
Hinango ng kanyang manipesto
4. EL DESAROLLO Y CAIDA DELA REPUBLICA FILIPINA
Ang Pagtaas at Pagbagsak ng Republikang Pilipino
5. PAGPAPALIT NG ILANG TITIK SA ALPABETONG PILIPINO
6. El VERDADERO DECALOGO
Ang tuna na sampung utos

JOSE PALMA
- Isinilang noong ika-16 ng Hunyo 1876 sa Tondo
- Nag-aral sa Ateneo de Manila
- Lumikha ng tulang liriko at ito ay tinipon sa isang aklat na pinamagatang “ MELANCOLICAS”
(Mga Panimdim)
- Pinakadakilang ambag ay ang pagkalalapat ng titik sa tugtuging pambansa na pinamagatang
“FILIPINAS”

JUAN FELIPE
- Ang may-akda ng Pambansang Awit
- Kinikilala bilang “AMA NG MARCGHA NACIONAL”
- Isinilang noong Enero 28, 1861, Cavite

MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG HIMAGSIKAN


1. HERALDO DELA REVOLUCION
Naglalathala ng mga dekreto ng pamahalaang mapanghimagsik, mga balita, at mga akda sa
tagalog na pawang gumigising sa damdaming makabayan
2. LA INDEPENDENCIA
Pinamatnugutan ni Antonio Luna na naglalayon ng pagsasarili ng Pilipinas
3. LA REPUBLICA FILIPINA
Itinatag ni Pedro Paterno noong 1898
4. LA LIBERTAD
Pinamatnugutan ni Clemente Zulueta
5. UNANG GASETILYA
Noong 1673, nilimbag ni Tomas Pinpin ang SUCESOS FELICES bagamat isang polyeto ay
ipinalalagay na kauna-unahang pahayagang nalimbag sa Pilipinas
6. DEL SUPERIOR GOBIERNO
Kauna-unahang pahayagang regular na inilathala sa Pilipinas. Ang naging unang editor ni
Manuel Fernandez del Folgueras
7. LA ESPERANZA
Kinikilalang unang pahayagang pang-araw-araw. Pinamatnugutan nina Felipe Lacorte at
Evaristo Calderon
8. DIARIO DE MANILA
Unang lumabas noong 1848 sa pamamatnugot nina Felipe del Pan
9. EL RESUMEN
Magkatulong na inilathala nina Isabel delos Reyes at Baldomero Hanzanas. Kauna-unahang
pahayagang lantad sa pagtataguyod ngnasyonalismomg Pilipino
10. ANG KALAYAAN
Ang opisyal na pahayagan ng kilusang KATIPUNAN na pinamatnugutan ni E. Jacinto

You might also like