You are on page 1of 26

Panitikan sa

Panahon ng mga
Amerikano
1899- Nag simula dito kung saan pormal na
inilipat ng mga Kastila ang pamamahala ng
bansa sa mga Amerikano.

Ang pagkaunsiyami ng mga Pilipino sa
paghahanap ng kalayaan ay naibsan sa
pagdating ng mga puting Thomasite.
Mga Thomasites

• Mga gurong Americano na dumating sa Pilipinas noong agusto 21, 1901. Ang
kanilang misyon ay magturo at magbigay ng bagong Sistema ng edukasyon sa mga
Pilipino.
• Bunga ito ng pangyayaring nakasakay sa bapor US Army Transport Thomas ang
pinakamalaking bilang ng gurong Americano.
• Binubuo ito ng humigit sa 503 na guro. 368 ang lalaking guro at 141 ang mga babaeng
guro.
• Ang hulíng Thomasite, si Mary E. Polley na dumating lulan ng Thomas, ay yumao sa
Lungsod Pasay noong 1953.
• Si Abram van Heyningen Hortendorp, na unang itinalaga sa Samar at Zambales, ay nanatili
sa bansa matapos ang maraming taón ng pagtuturo, at itinatag ang Philippine Magazine.
• Noong panahon ng mga kastila ay binigyaang diin ay ang relihiyon kaya nagpatupad ang
mga Amerikano ng Batas na nagsasaad na walang sinumang guro ang mang-iimpluwensya
sa mga mag-aaral kung ano ang dapat at di dapat na relihiyon.
• Ngunit ito ay hindi nagging sapat sa mga Pilipino. Sila ay patuloy na nakipaglaban na ang
tanging sandata ay LAKAS, PANININDIGAN, at PRINSIPYO.
• Nagkaroon ng kalayaan sa pamamahayag at dumami ang mga babasahin.
• Naging mabunga ang Panitikang Pilipino na ginagampanan na rin ng mga kababaihan.
ANG KATANGIAN NG PANITIKAN
SA PANAHON NG AMERIKANO
• Hangaring makamit ang kalayaan
• Marubdob na pagmamahal sa bayan
• Pagtutol sa kolonyalismo at imperialismo
MGA IMPLUWENSYA SA PANANAKOP
NG MGA AMERIKANO
• Pagpapatayo ng mga paaralan
• Binago ang Sistema ng edukasyon
• Pinaunlad ang kalusugan at kalinisan
• Ipinagamit ang wikang Ingles
• Pagpapalahok ng mga Pilipino sa pamamalakad ng pamahalaan
• Kalayaan sa pagpapahayag na may hangganan
MGA PAHAYAGAN SA PANAHON NG AMERIKANO

1. EL GRITO DEL PUEBLO- Ang Sigaw/Tinig ng Bayan. Itinatag ni Pascual Poblete noong 1899.
Ito ay may temang radikal na nagsusulong ng kalayaan ng Pilipinas sa ilalim ng mga
Amerikano.
2. EL NUEVO DIA- Ang Bagong Araw. Itinatag ni Sergio Osmena noong 1900.
3. EL RENACIMIENTO- Muling Pagsilang. Itinatag ni Rafael Palma noong 1900. Ito ay
tumutukoy sa deklarasyon ng wikang Espanyol bilang pambansang wika ng Pilipinas
4. Manila Daily Bulletin- 1900.
TATLONG PANGKAT NG MANUNULAT

1. MAKA-KASTILA
• Damdamin m akaba ya n a t pa gpa pa ra nga l kay Rizal.

2. MAKA-INGLES
• Panunulad sa pa m am aksa a t pa m am araa ng Amerikano.

3. MAKA-TAGALOG
• May pa gpa pa sigla sa pa gm am ahal a t pagtatangi sa sariling wika.
MGA SUMULAT SA WIKANG KASTILA
*Ang inspirasyon ng mga manunulat sa wikang Kastila ay si Rizal.

1. Cecilio Apostol. Naghahandog ng tula na para kina Rizal, Jacinto, Mabini at halos lahat ng mga bayani
ng lahi, ngunit ang kanyang tulang handog para kay Rizal ay ang siyang pinakamainam na
pinamagatang ”A Rizal”. Ang kaniyang ginamit na sagisag panulat ay Catulo o Isagani.

Mga Akda:

• Al heroe nacional- tula na handog para sa sa pambansang bayani

• “Al Yankee,” - Sa tulang ito, inaatake ng makata ang Imperyalismong Amerikano.

• “ A Rizal”- nagpapasalamat dahil sa pagtatanggol ni Rizal sa kanilang bayan


2. Fernando Ma. Guerero. Kabangga ni Apostol sa paghahari ng Balagtasan sa Kastila. Naghahandog ng tula
para kay Rizal na Invocacion A Rizal o Panawagan Kay Rizal at ang pinakamagaling ay ang aklat bilang pagtitipon
ng mga tula para kay Rizal na pinamagatang CRISALIDAS na nangangahulugang MGA HIGAD.
Akda:
• CRISALIDAS - ay ang unang volume ng mga tula ni Guerrero na unang lumabas noong 1914 at noon muling
inilimbag noong 1952. Naglalaman ito ng 70 komposisyon. Ito ay patungkol sa pagiging makabayan.

3. Jesus Balmori. Kilala siya sa sagisag na “Batikuling”, at siya ang kaagaw ni Manuel Bernabe sa Balagtasan sa
Kastila sa paksang ‘El Recuerdo y el Olvido. Siya’y nahirang na “poeta laureado sa wikang Kastila,” dahil sa tinalo
niya si Manuel Bernabe.
Akda:
Rimas Malayas- ay kilala sa espirituwal at nasyonalistikong mga tema nito Ang tatlong nobelang ito ay
patungkol sa kahalayan, ang pagkapribado ng moralidad, ang pagkakaroon ng Diyos, at mga limitasyon ng tao
sa lipunan.
4. Manuel Bernabe. Makatang liriko naipakita niya ang kanyang may melodiyang pananalita sa kanyang
pakikipagtuggali kay Balmori sa kanyang panig na “Olvido” o Limot.
Akda:
• No Mas Amor Que El Tuyo- ito ay tula para sa sagradong puso ni Hesus
• Espana en Filipinas -Ito ay isang alegorya na paglalarawan ng dalawang babaeng magkasama, ang
isa
ay representasyon ng Espanya at ang isa ay ng Pilipinas.

5. Claro M. Recto. Makatang na kilala sa katayugan at kadakilaan ng pananalita. Nakapagtipon ng tula na


may pamagat na Bajos Los Cocotero. Pinaksa din niya si Rizal sa Ante El Martir.
Akda:
• Bajo los cocoteros (Sa ilalim ng Niyugan)- aklat ng mga tula patungkol sa pag-ibig, kagandahan,
at pagiging makabayan
• Ante El Martir- Na nangangahulugang sa harapan ng Martir.
6.Rafael Palma. Siya ay tinaguriang Tagabunsod ng Pilipinismo. Siya ay naging bahagi ng La
Independencia o Ang Kalayaan, isang malaganap na pahayagan noong panahon ng Kastila.
Noong 1907, si Rafael ay nahalal sa Cavite para sa kauna-unahang Asemblea ng Pilipinas. Siya
rin ay naging senador noong 1916 at pagkalipas ng may 6 na taon, siya ay nagretiro sa
politika.

7. Trinidad Pardo De Tevera. Ang nagpasok ng titik W at K sa abakadang Pilipino.

8.Teodoro Manguiat Kalaw. Isang nasyonalistang iskolar, mambabatas, mamamahayag,


historyador, at isa sa iilang mahusay na manunulat ng Filipinas sa tatlong wika (Español,
Ingles, Filipino).
Nakilala rin ang mga sumusunod na manunulat sa Kastila ayon sa tiyak na

kinalalagayan:

1. Adelina Gurrea - kauna-unahang babaeng magaling sa wikang Kastila.


2. Isidro Manpori - napatanyag sa kanyang apat na aklat na “Aromas de Ensueño na
nangangahulugang ang Halimuyak ng Pangarap.
3. Macario Adriatico - nagpapakila sa alamat ng Mindoro na tinawag na “La Punta de Salto”
ibig sabihin ay “Ang Pook na Pamulaan”
4. Epifanio de los Reyes - magaling na mananalambuhay sa kanyang panahon, kilala rin sa
bansag na Don Panyong.
5. Pedro Aunario - sumulat ng Decalogo del Protocionismo.
MGA SUMULAT SA WIKANG TAGALOG
*Ang “FLORANTE AT LAURA” ni Francisco Balagtas at “URBANA AT FELIZA” ni Modesto
De Castro ang naging inspirasyon naman ng mga manunulat sa tagalog.

INURI NI JULIAN BALMACEDA SA TATLO ANG MAKATANG TAGALOG


1. MAKATA NG PUSO
• Lope K. Santos
• Inigo Ed Regalado
• Carlos Gatmaitan
• Pedro Gatmaitan
• Jose Corazon de Jesus
• Cirio H. Panganiban
• Deogracias A. Rosario
• Ildefonso Santos
• Amado V. Hernandez
• Nemecio Carabana
• Mar Antonio
2. MAKATA NG BUHAY
• Lope K. Santos
• Jose Corazon de Jesus
• Florentino Collantes
• Patricio Mariano
• Carlos Gatmaitan
• Amando V. Hernandez

3. MAKATA NG DULAAN
• Aurelio Tolentino- Ipinagmamalaking mandudula ng Kapampangan.
• Patricio Mariano- Sumulat ng Ninay at Anak ng Dagat.
• Severino Reyes- Kilala bilang Lola Basyang; Ama ng Dulang Tagalog.
• Tomas Remegio- “Malaya” isa sa mga dula na itinanghal sa Teatro zorillo.
• Hermogenes Ilagan- Nagtayo ng samahang “COMPANA ILAGAN” na nagtatanghal ng
maraming dula sa kalagitnaan ng Luzon.
• Lope K. Santos- Ama ng Balarilang Tagalog
Obra Maestra: Banaag at Sikat- Ito ay itinuring na bibliya ng manggagawang Pilipino.
Pinapakita sa nobelang ito ang mga isyung panlipunan tulad ng sosyalismo, kapitalismo, at
ang mga Gawain ng mga nagkakaisang asosasyon ng manggagawa.
• Jose Corazon de Jesus- Huseng Batute
Obra Maestra: Isang Punongkahoy- Ito ay paglalarawan ng isang taong naghihinagpis para sa
kaniyang buhay at naisin. Ito ay isang tulang padamdamin.
• Florentino Collantes- Kuntil Butil
Obra Maestra: Lumang Simbahan- Ito ay pumapaksa sa pagibig at katatakutan.
• Amado V. Hernandez- Makata ng manggagawa
Obra Maestra: Isang Dipang Langit- Ang tulang ito ay nagsasalaysay sa mga karanasan ng
mga taong nakulong.
Mga Ibong Mandaragit- Sumisimbolo ito sa hindi pagkakapantay-pantay na tingin sa mga tao
sa lipunan.
Luha ng Buwaya- Ito ay isang nobela na may 53 mga kabanata na patungkol sa mga
mahihirap
na mga magsasaka na nagbuklud-buklod laban sa kagahamanan ng pamilya Grande.
• Valeriano Hernandez-Pena- Tandang Anong at Kintin Kulirat
Obra Maestra: Nena at Neneng- Ito ay tungkol sa pagkakaibigan ni nena at neneng na may
aral na ang masasama ay pinaparusahan at ang mabubuti ay may laang gantimpala sa langit.
• Inigo Ed Regalado- Odalager
Obra Maestra: Titig ng Mata Mo’y- Ang babasahin ito ay hindi sikat sa hinarasyon ngayon
sapagkat ito ay parang binaon na sa limot at hindi muling nakita sa mga aklat sa filipinong
panitikan.
MGA SUMULAT SA WIKANG INGLES
• Jose Garcia Villa- “Doveglion”, Pinakatanyag na Pilipinong manunulat sa Ingles.
• Jorge Bacobo- Sinulat niya ang “Filipino Contact with America”; A Vision of Beauty.
• Zoilo Galang- Sumulat ng kauna-unahang nobelang Pilipino sa wikang Ingles na
pinamagatang “A child of Sorrow”
• Zulueta de Costa- Nagkamit ng unang gantimpala sa tulang “Like the Molave”
• NVM Gonzales- May akda ng “My Islands” at “Children of the Ash Covered Loom”. Ang
huli ay isinalin sa iba’t-ibang wika sa India.
• Angela Manalang Gloria- Umakda ng “April Morning” nakilala sa pasulat ng mga tulang
liriko noong panahon ng Komonwelt.
• Estrella Alfon- Ipinalalagay na pinakapangunahing mananulat na babae sa Ingles bago
magkadigmaan. Sinulat niya ang “Magnificence” at “Gray Confetti”
• Arturo Rotor- May akda ng “The wound and the scar”. Kauna-unahang aklat na
nalimbag
Philippine Book Guilt.
Ang mga sumusunod din ay may mga kontribusyon sa panitikan sa Pilipinas at nagmarka ng
kasaysyan:

1. Pedro Bukaneg - ama ng Panitikang Iloko;


Bukanegan- kasingkahulugan ng Balagtasan.
1. Claro Calayo - Prinsipe ng mga Makatang Iloko. Kilala sa pagiging makata at nobelista
2. Leon Pichay - Kinilalang pinakamabuting “bukanegero”
3. Juan Crisostomo Soto - Ama ng Panitikang Kapampangan;
Crisostan- kasingkahulugan ng Balagtasan.
4. Aurelio Tolentino - batikang mananalaysay
5. Eriberto Gumban - Ama ang Panitikang Bisaya
7. Magdalena Jalandoli - tanyag sa pagsulat ng nobelang Bisaya
8. Jose Garcia Villa - Tanyag bilang Manunulat sa wikang English
9. Jorge Bacobo - mananalaysay at mananalumpati sa wikang English
10. Zoilo Galang - unang sumulat ng nobela sa wikang English
11. Angela Manalang Gloria - Tanyang sa pagsulat ng lirikong English
12.NVM Gonzales - napasalin sa iba’t ibang wika ang kanyang obrang “Children of the Ash
Covered Loom”
13. Estrella Alfon - kauna-unahang babaeng sumulat sa English
MGA DULANG IPINATIGIL
1. KAHAPON, NGAYON AT BUKAS (AURELIO TOLENTINO)- Ito ay nagpapakita ng di pagsang-
ayon ng pagpapalawak ng kapangyarihan na pinamumunuan ng isang bansa sa loob at
labas ng kaniyang teritoryo.
2. TANIKALANG GINTO (JUAN ABAD) – Ito ay sumisimbolo sa mga pangako ng mga
Amerikano.
3. MALAYA (TOMAS REMEGIO) -
4. WALANG SUGAT (SEVERINO REYES) – Ang dulang ito ay may pagkabulgar. Ito ay
tumutukoy sa kasabihan na “kung gusto’y maraming paraan basta’t tunay na
nagmamahal”
Ang panitikan sa panahon ng Amerikano ay nahahati sa dalawa:
1) Panahon ng Paghahangad ng Kalayaan sa Panitikan
2) Panahon ng Romantisismo sa mga Panulat

Naitatag na ring samahan ng mga manunulat sa panahong ito—


ang Aklatang-Bayan(1900-1921)
Ilaw at Panitik(1922-1934)

• Sa pangkalahatan, ang
panitikan ay
naimpluwesyahan ng diwang
demokratiko.
ANG PANAHON NG PAGHAHANGAD NG KALAYAAN

• Hinangad ng mga Pilipino ang naudlot na kalayaan mula sa mga Kastila nang nasakop ng mga
Amerikano ang Pilipinas. Ito ang isa sa mga dahilan na sumibol ang mga panulat na may temang
nasyonalismo: pagmamahal sa bayan, sariling kalinangan , panitikan at wika.
• Sa usaping nasyonalismo, ang mga dulang “Tanikalang Ginto” ni Juan Abad at “Kahapon, Ngayon
• at Bukas” ni Aurelio Tolentino ay nagpapahayag sa mga kaisipang mapanghimagsik.
• Ang pagtatanghal ng mga dula na ito ay hinarangan ng mga nasa kapangyarihang Amerikano. Kung
ilang beses naitanghal ang “Tanikalang Ginto” ay ganoon na rin kung ilang beses dinakip ang mga
mandudula at kinumpiska ang mga gamit nito.
• Nagbago ang panlasa ng mga Pilipino, nakahiligan na ng mga Pilipino ang Jack and Jill, Little Miss
Muffet, Humpty Dumpty, atbp. Natutunan na ng mga kabataan ang mga kaisipang hindi likas sa
ating bansa, gaya na lamang ng “A is for apple’ ...S is for snow” na taliwas sa ating kabihasnan.
Panahon ng Romantisismo sa mga Panulat
• Dahil sa mga Amerikano lalong lumaganap ang uring panitikang napapabilang sa romantisismo—ito ay
isang uring pagbabago sa kamalayan ng mga Pilipino. Ang Romantisismong kanluranin na lubhang
emosyonal, malabis na ang pagkamoralistiko, ang dumadakila sa kagandahan at kapangyarihan ng
kalinisan, ang may matatayog na imahinasyon o guniguni at bumabandila sa kalayaang pansarili ay isa na
sa mga tinitingala sa mga mambabasa.
• Romantiko ang itinawag sa paraan ng pagsulat ng mga akdang pampanitikan sa panahon ng
Romantisismo dahil ang mga sanaysay, tula, maikling kwento na naisulat sa panahong iyon ay may
pagkaromantiko ang paksa,tema at istilo. Naniniwala ang mga romantisista sa lipunan na makatao,
demokratiko at patuloy sa pag-unlad.
• Tinangkilik ang mga panulat na tungkol sa pag-ibig—ito ang paborito ng mga Pilipino. Ang pag-iibigan ng
mayayaman at mahihirap at ang hadlang sa pag-iibigan ay ang mga magulang. Hindi mailayo ito sa
kuwento ni Shakespeare na Romeo at Juliet. Ang ganitong mga uri ng kuwento ay mababasa sa mga
kuwentong tinipon ni Alejandro Abadilla at Clodualdo de Mundo na tinatawag niyang MGA KUWENTONG
GINTO: KATIPUNAN NG PINAKAMAHUSAY NA KATHA ULA SA 1925-1935.
SALAMAT!

You might also like