You are on page 1of 9

PANITIKAN NG MGA BAYANI

SA PANAHON NG PROPAGANDA
AT
HIMAGSIKAN

ISINUMITE KAY:

JAMES PAUL L. BALTAZAR, LPT


PAG-IRAL NG NASYONALISMO AT ANG PANAHON NG PROPAGANDA

A. Graciano Lopez-Jaena (1856-1896)

➢ Siya ay isa sa mga kilalang manunulat at mananalumpati sa “Gintong Panahon ng


Panitikan at Pananalumpati” sa Pilipinas.
➢ Itinatag niya sa Barcelona ang pahayagang “La Solidaridad” na naging opisyal na
pahayagan ng “Asociacion Hispano-Filipino”, isang samahang binubuo ng mga Kastila
at Pilipino na lumalakad ng mga pagbabago at reporma sa Pilipinas.

ANG ILAN SA MGA AKDA NI GRACIANO LOPEZ-JAENA

• Fray Botod- inihalintulad ang mga prayle sa mga payat na lamok na nang dumating sa
Pilipinas ay tumaba sa kakakain ng mga papaya't saging. Ang akdang ito ay isang satire
na tumutuligsa sa moralidad, kamangmangan, kayabangan at pagmamalabis ng mga
prayle.
• El Bandolerismo en Filipinas- binigyang diin nito na ang mga bandido sa Pilipinas sa
panahong iyon ay ang mga prayle at ang mga taong nasa pamahalaan.
• La Hija del Fraile- akdang nag-uugnay sa masasama at mahahalay na mga gawain ng
mga prayle.
• Mga Kahirapan sa Pilipinas- tinituligsa ang maling pagmamalakad gayundin and
edukasyon sa Pilipinas.
• Sa mga Pilipino- Isang talumpating ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng kanyang
mga kababayan.

B. Marcelo H. Del Pilar (1850-1896)

➢ itinuring na “PREDIKADOR NG MASA” na kilala sa mga sagisag na Plaridel, Dolores


Manapat, Piping Dilat at Pupdoh ay isinilang sa nayon ng Cupang, San Nicolas, Bulacan
noong August, 1850.
➢ Kinilala siyang pinakatanyag na duplero sa Bulacan
➢ Itinatag niya ang pahayagang “Diariong Tagalog” noong 1882 na pinaglathalaaan niya at
ng kanyang mga kamanunulat ng mga karaingan ng mga naapi at paghingi ng reporma sa
Pamahalaang Kastila.

ANG ILAN SA MGA AKDA NI MARCELO H. DEL PILAR

• Caiigat Cayo- libritong nagtatanggol sa “Noli Me Tangere” ni Rizal sa ginawang


pagtuligsa rito ni Padre Jose Rodriguez
• Dasalan at Tocsohan- gumagagad sa mga nilalaman ng aklat dasalan sa paraang
mapanudyo.
• Ang Cadaquilaan nang Diyos- isang sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at
nagpapakilala ng matibay na pananalig ni Marcelo H. del Pilar s Diyos, sa kanyang
kadakilaan dahil sa mga biyayang dulot ng kalikasan na ipinagkaloob niya sa atin. Si
Marcelo H. del Pilar ay isang Katoliko ngunit hindi panatiko.
• Sagot ng Espana sa Hibik nang Pilipinas- tulng sagot sa tula ng kanyang dating gurong
si Herminigildo na may pamagat na “Hibik ng Pilipinas sa Inang Espana”, naglalayong
humingi ng mga pagbabago sa Espanya ngunit ipinahayag na walang ano mang tulong na
maipagkakalaoob ito.
• Isang tula sa bayan
• Pasiong Dapat Ipag-alab Nang Puso Nang Taong Babasa
• Pag-ibig sa Tinubuang Lupa- salin ito sa Tagalog ng “Amor-Patrio” ni Rizal na
nalathala sa “Diaryong Tagalog” at “La Solidaridad”.
• Ang Kalayaan- bahagi ng kabanata ng aklat na hinahangad niyang sulatin na sana'y
magiging huli niyang habilin ngunit hindi na niya natapos sapagkat siya'y sumaabilang
buhay na.

C. Herminigildo Flores

● Hibik ng Filipinas sa Inang Espana

D. Pedro Paterno (1857-1911)

➢ Isang tunay na manunulat, makata, nobelista at dramaturgo


➢ Isang masigasig na tagapagpalaganap ng damdaming makabayan at pagbabagong-isip ng
mga Pilipino

ANG ILAN SA MGA AKDA NI PEDRO PATERNO

• Ninay- nobelang nagpatanyag kay Pedro Paterno at sinsasabing kauna-unahang nobelang


panlipunan sa Kastila na sinulat ng isang Pilipino.
• El Cristianismo y La Antigua Civilization Tagala- sinulat niya noong 1982, naglalaman
ng isang pag-aaral sa bisa ng Kristiyanismo.
• Sampaguita y Poesias Varias- ang katipunan ng mga tulang kanyang isinulat.
• A mi Madre ( Sa Aking Ina)- ipinapahayag nito ang kaniyang pangungulila kung wala
ang kaniyang ina.
• La Civilization Tagala-
• El Alma Filipino
• Los Itas

-Ang huling tatlong akda ay nagpapaliwanag na ang mga Pilipino ay may


katutubong kultura.

E. Jose Rizal
➢ Isang manggagamot, siyentipiko, makata, nobelista, pintor, eskultor, dalubwika,
pilosopo, mananaliksik at mananalaysay. Sa kabuuan siya ay isang henyo.
➢ Kumita ng unang liwanag sa Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Nag-aral
ng “post graduate” sa mga pamantasan ng Leipzig, Berlin at Heidelberg. .
Nakapagsasalita siya ng dalapu't dalaawang wika. Gumamit ng mga sagisag na
Laong Laan at Dimasalang.

ANG ILAN SA MGA AKDA NI JOSE RIZAL

• Mi Ultimo Adios ( Ang Huling Paalam)- itinuring na ito ang kanyang obra maestra.
Kahuli-hulihang tulang sinulat niya na may salin sa iba't ibang wika sa daigdig, sa Ingles,
Pranses, Aleman, Italyano, Ruso, Bahasa at ipa ba. Ang kauna-unahang salin nito sa
tagalog ay isinulat ni Andres Bonifacio.
• Noli Me Tangere ( Berlin, 1887)- ang nobelang ito ay nangangahulugang “Huwag Mo
Akong Salanagin”. Inihahandog niya ito sa Inang Bayan. Tinalakay rito ang mga
kabulukan ng lipunan.
• El Filibusterismo (Gheut, 1891)- ang nobelang ito'y nangangahulugan ng “Ang
Pagsusuwail”. Ito ay karugtong ng “Noli Me Tangere”. Labing-isang taon pa lamang si
Rizal nang patayin sa pamamagitan ng garote ang tatlong paring marir sina Padre Gomez,
Burgos at Zamora. Ang alalala ng tatlong pari ay hindi niya nalimot kailanman.
Inihandog niya ang nobelang ito sa tatlong paring martir. Ang nobelang ito ay katulad ng
“Noli Me Tangere” ay tuwirang naglalahad ng mga talamak na sakit ng lipunan, pagsupil
sa mga karapatang pantao, maling pamamalakad ng mga pamahalaan gayundin ng
simbahan, pagsaamanatala sa kamangmangan ng mga Pilipino at mga hinaing ng mga
mamamayan sa pagnanais na pakinggan sila ng mga makapangyarihan.
• Brindis- talumpating inihahandog niya sa sa dalawang nanalong pintor na Pilipino sa
Madrid na sina Juan Luna (Ang ipinanalo niya ay ang ipininta niyang “Spolarium”) at
Felix Resurrection Hidalgo (Ang ipininta niya ay may pamagat na “Mga Dalagang
Kristiyanang Itinambad sa nagkakagulong mga Tao”.)
• Awit ni Maria Clara- ito'y buhat sa isang kabanata ng “Noli Me Tangere” na may
pamagat na “Ang Pangingisda”. Nagsisiwalat ito ng kanyang damdamin ng pagmamahal
sa sariling bayan. Ang pangungulia ng isang taong malayo sa sariling bayan.
• Sa Aking mga Kabata- sinulat niya ang tulang ito sa gulang na walong taong gulang.
Ipinakilala niya rito ang kanyang pagpapahalaga sa sariling wika.
• Hingil sa Katamaran ng mga Pilipino-napalathala ang sanaysay na ito sa “La
Soladaridad” ang opisyal na pahayagan ng mga propaganda. Ipinagtanggol ni Rizal ang
mga Pilipino sa paninirang puri na mga Kastila na sila ay mga tamad.
• Sa mga Kababaihang Taga-Malolos-isang liham ito ni Rizal sa mga kababaihang taga-
Malolos na bumabati sa kanila sahil sa paninindigan nilang matuto. Ipinapaalala niya ang
mga tungkuling dapat gampanan ng isang mabuting asawa at ina ng tahanan.
• Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon-ito'y isang pagsaanaysay na paghuhula sa
maaring mganap sa Pilipinas sa loob ng sandaang taon.
• A La Juventud Filipina ( Sa Kabataang Filipino)- sinulat niya ito noong 1879 nang siya
ay labingwalong taong gulang at nag-aaral pa siya sa UST. Ang tulang ito ay nagtamo ng
unang gantimpala sa isang timpalak panitikan.
• El Consejo de los Dioses ( Ang Kapulungan ng mga Bathala)-ito ay isang dulang
patalinhaga na sinulat niya noong 1880. Ang nasabing dula ay patalinhagang
pagpapahayag niya ng paghanag kay Carvantes.
• Kundiman- ito'y isang tulangnagpapahayag na ang bayang inapi ay ililigtas sa darating
na panahon dumanak man ang dugo.
F. Pascual Poblete

➢ Itinatatag at pinamatnugatan niya ang pahayagang “El Resumen” nang sila ni Marcelo H.
del Pilar ay maghiwalay na sa pagsusulat sa “Diaryong Tagalog”.
➢ Itinatag niya ang pahayagang “El Grito del Pueblo” na may pangalang tagalog na “Ang
Tinig ng Bayan”.
➢ Tinaguriang AMA NG PAHAYAGAN
➢ kauna-unahang nagsalin ng Tagalog ng “Noli Me Tangere” ni Joze Rizal.

ANG ILAN SA MGA AKDA NI PASCUAL POBLETE

• Salin ng Nobelang “Ang Konde ng Monte Kristo” ni Alexander Dumas


• Salin ng “Buhay ni San Isidro Labrador” ni Francisco Butina
• Mga manunulat sa Wikang Tagalog

G. Antonio Luna(1868-1899)

➢ Isang parmasiyutikong higit na kilala bilang heneral na hukbo noong himagsikan


laban sa mga Amerikano.

ANG ILAN SA MGA AKDA NI ANTONIO LUNA

• Impresiones- inilalarawan dito ang labis na kahirapang dinaranas ng isang pamilyang


naulila sa ama ng isang kawal. Gumamit siya ng sagisag na Taga-Ilog sa akdang ito.
• La Maestra de mi Pueblo- pinipintasan ang sistema ng edukasyon ng mga kababaihan.
• Noche Buena- paglalarawan ng aktwal na buhay ng mga Pilipino.
• La Tertulia Pilipinas (Ang Piging na Pilipino)- isinasaad nito na higit na mbuti ang mga
kaugaliang Pilipino kaysa Kastila.
• Todo Por El Estomago- tinutuligsa nito ang mga patakaran sa pagbubuwis ng
pamahalaang Kastila.

H. Jose Maria Panganiban

• Noche de Mabulao
• A Nuestro Obispo
• Lupang Tinubuan
• El Pengamiento
• La Unibersidad de Manila

I. Mariano Ponce (1863-1918)

➢ Isang matibay nahaligi ng Kilusang Propaganda. Gumamit siya ng sagisag na Tikbalang,


Kalipulako at Naning. Binigyang diin niya sa kanyang mga sanaysay ang kahalagahan ng
edukasyon, ipinagtanggol niya ang mga Pilipino sa paghamak ng mga Kastila at inilahad
niya ang mga hinaing ng bayan.
ANG ILAN SA MGA AKDA NI MARIANO PONCE

• Ang Pagpugot Kay Longhino- ang dulang ito ay Itinanghal- ang dulang ito ay
itinanghal sa liwasan ng Malolos, Bulacan.
• Mga Alamat ng Bulakan-ito'y katipunan ng mga alamat ng lalawigang kanyng
sinilangan.
• The Literature of the Propaganda Movement- Panitikan ng Kilusang Propaganda
• Ang mga Pilipino sa Indo Tsina

Ang Mga Kababaihan Sa Panahon ng Nasyonalismo

A. Gregoria De Jesus

➢ Lakambini ng Katipunan
➢ Pinasimulan Gregoria De Jesus ang Katipunan Woman Chapter na pinamumunuan ni
Josefa Rizal. Tinawag siyang “Lakambini” (Princess) ng Katipunan at ipinagkatiwala sa
kanya ang pag-iingat ng mga dokumento ng Katipunan, kalakip ang mga selyo, mga
kagamitan at revolver. Tinahi din niya, kasama si Benita Javier, ang unang watawat ng
Katipunan na binubuo ng pulang tela na may tatlong putting pahalang na letrang K.

B. Melchora Aquino o Tandang Sora

➢ Ina ng Katipunan, Ina ng Himagsikan at Ina ng Balintawak


➢ Sa kanyang katutubong bayan, nagtayo si Tandang Sora ng iang tindahan na naging
kulungan para sa mga may sakit at sugatan na mga rebolusyonaryo. Kinupkop, pinakain,
binigyan ng medikaal na atensiyon at pinapayuhan and mga rebulusyonaryo at
ipinagdarsal. Ang mga llihim na pagpulong ng Katipuneros (mga rebolusyonaryo) ay
ginanap din sa kanyang bahay. Sa gayon ay nakuha niya aang mga bansag na “Babae ng
Rebolusyon”, “Ina ng Balintawak”, “Ina ng Rebolusyong Pilipino”, at Tandang Sora (ang
Tandang ay nagmula sa salitang tagalog na matanda, na nangangahulugang matanda).
Siya at ang kanyang anak, si Juan ramon, ay naroon sa Sigaw ng Balintawak at mga saksi
sa pagpunit ng mga cedula.

C. Trinidad Tecson

➢ Ina ng Biyak na Bato


➢ Noong panahon ng reboluyon, lumaban si Idad sa pamumuno ni Heneral Francisco
Makabulos sa mga tunggulian sa zaragoza at San Antonio, Nueva Ecija. Nagpakita rin
siya ng tapang sa pamumuno ni Heneral Isidro torres sa tunggalian sa San Rafael,
Bulacan. Nakipagtagisan din siya ng bala sa bala sa pamumuno ni Heneral Mariano
Llanera sa mga tunggalian sa San Miguel, Kupang, Biak na Bato at San Idelfonso sa
Bulacan, gayon din naman sa Cabanatuan, Nueva Ecija.
➢ Ginagamit ang sariing dugo para pirmahan ang dokumento ng pananampalataya.

PANAHON NG HIMAGSIKAN

A. Andres Bonifacio
➢ Siya'y kinilalang “Ama ng Demokrasya sa Pilipinas”.
➢ Tinagurian din siyang “Dakilang Maralita” at “Dakilang Plebeyo”

ANG ILAN SA MGA AKDA NI ANDRES BONIFACIO

• Pag-ibig sa Tinubuang Lupa- isang tulang nagpapakilala ng malaking pag-ibig sa inang


byan, ang kamatayan ay handang harapin kung ang dahilan ay pagtatanggol sa kalayaan
ng bayan.
• Ang Dagat Mabatid ng mga Tagalog – isinaad dito ang magandng kalagayan ng
pamumuhay ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila. Sinasabi sa akda na ang
pagdating ng mga Kastila ay nagpabago sa pamumuhay ng mga Pilipino na halos ang
lahat ay sa kapakinabangan ng mga dayuhang Kastila.
• Katapusang Hibik ng Pilipinas- pagdurugtong ito sa tulang “Hibik ng Pilipinas sa Inang
Espanya” na sinulat ni Herminigildo Flores. Ang tula ni Marcelo H. del Pilar na 'Sagot ng
Espanya sa Hibik ng Pilipinas” ay tugon naman sa akda ni Herminigildo Flores.
• Katipunan ng Mararahas na mga Anak ng Bayan- kartilya ng Katipunan na sinulat ni
Andres Bonifacio.
• Tipunan ng Lingap

B. Emilio Jacinto (1875-1899)

➢ Isinilang sa Tondo, Maynila noong Disyembre 15, 1875.


➢ Tinaguriang “Utak ng Katipunan”
➢ Gumamit ng mga sagisag na Dimas-ilaw at Pingkian

ANG ILAN SA MGA AKDA NI EMILIO JACINTO

• Mga Aral ng Katipunan ng mga A.N.B.- kartilyang binubuo ng labing-tatlong aral na


dapat sundin ng mga kasapi. Kartilyang ginamit ng katipunan.

• Liwanag at Dilim- Katipunan ng mga sanaysay na may iba-ibang paksa.


• A mi Madre-Isa itong madamdaming Oda
• A La Patria (Sa Bayan ng Tinubuan)- Obra Maestra
• Pahayag- Isang manipestong humihikayat sa mga Pilipino na ipaglaban ang kanilang
kalayaan at humiwalay na sa Inang Espanya.
• Sa may nasang Makisanib sa Katipunang Ito- Naglalaman ito ng mga pamantayang
dapat na ugaliin ng mga sasapi sa katipunan
• Sa Anak ng Bayan- Isang tulang nagsasaad ng kanyang pag aalala sa mga kababayan.

C. Pio Valenzuela (1869-1956)

➢ Isang Pilipinong manggagamot at isang importanteng tao sa panahon ng Rebolusyong


➢ Pilipino laban sa Kolonyalistang Espanyol.
➢ Tumulong kay Emilio Jacinto sa pagtatag ng "Kalayaan", gamit ang mga
ninakaw na makinilya mula sa Diario de Manila.
➢ Pinuno ng Katipunan na limaban sa mga kastila noong Panahon ng Himagsikan.
➢ Estudyante pa lamang siya noong umanib siya sa bagong tatag na Katipunan ni Andres
Bonifacio noong 1892.
➢ Naging kasapi siya ng Kataas-taasang Sanggunian ng Katipunan ng paglaon ay
nakasama sina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto bilang tatlong pinakamataas na pinuno
ng KKK.

D. Apolinario Mabini (1864-1903)

➢ Isinilang siya sa Talaya, Tanauan Batangas noong Hunyo 22, 1864.


➢ Tinaguriang Utak ng Himagsikan at Dakilang Lumpo
➢ Kanang kamay ni Heneral Emilio Aguinaldo nang matatag ang Republika ng Pilipinas
➢ Pangunahing katulong sa pagbalangkas ng Saligang Batas

ANG ILAN SA MGA AKDA NI APOLINARIO MABINI

• El Verdedero Decalogo- (Ang Tunay na Sampung Utos)


• El Simil Alejandro (Ang Katulad ni Alejandro)- Ipinatapo siya sa Guam dahil sa akdang
ito na tumutuligsa sa Pamahalaang Amerikano
• Sa Bayang Pilipino- ISalin buhat sa akda niyang sinulat sa Kastila na Pueblo Filipino
• El Desarollo y Caida de la Republica Filipina- Paliwanag sa pagtaas at pagbagsak ng
Republikong Pilipino
• Pregrama Constitucional dela Republica Filipina- Patuntunang pansaligang batas ng
Republika ng Pilipinas. Naglalaman ng mga balak para sa Pambansang Pamahalaan at
Edukasyon.

E. Jose Palma

➢ kawal sa himagsikan na isinilang sa Tundo, Maynila noong Hunyo 6, 1876.


➢ tinagurian siyang “Ang Mandirgmang Umaawit sa Gitna ng Labanan” sapagkat
inaaliw niya ang mga sugatang kawal upang malimot kahit paano ang
nararamdamang kirot at sakit.
➢ Ang ginamit niyang sagisag panulat ay “Dapithapon”.
➢ Binawian siya ng buhay noong Pebrero 12, 1903.

ANG ILAN SA MGA AKDA NI JOSE PALMA

• Himno Nacional Filipino- titik ng pambansang awit na nagpapatunay ng knayang


masining at marubdob na pag-ibig sa inang byan. Ito'y nilapatan ng musika ni Julian
Felipe.
• De Mi Jardin- ang tula'y nagsasaad ng pangungulila sa minamahal, katulad ng bulaklak
na naluluoy kung mawala sa mga sanga at dahon.
• Melancholias (Mga Panimdim)- ito ang pamagat ng kanyang aklat ng Katipunan ng
kanyang tula.

ISINUMITE NINA:

TOLENTINO, KAREN JOY

ANTOLIN, KATHRINA
BADDU, STANLEY

CAC, JESSA MAE

COROTAN, ROSEVILLE JADE

FRANCISCO, VEA PATRICIA

GANNABAN, LOVELY

You might also like