You are on page 1of 9

Modyul PANAHON NG PAGGISING NG

IV DAMDAMING MAKABAYAN

LAGOM-PANANAW
Sa modyul na ito, ating pag-aaralan ang tungkol sa panahon kung
saan nagising ang diwa ng damdaming pagka-Makabayan ng mga Pilipino.
Kilalanin natin ang taong naunguna sa upang makamit ang pagbabagong
hinahangad ng bansa. Sino-sino sila at magtatagumpay kaya sila sa
kanilang hangarin na mapalaya ang Pilipinas sa mapang-aping mga
namumuno? Halina’t alamin natin at atin silang kilalanin.

INAASAHANG MATUTUHAN

Sa pagtatapos ng pag-aaral o talakayan sa modyul na ito, ikaw ay


inaasahang:

▪ Nakikilala ang mga bayaning gumising sa damdaming makabayan


ng mga Pilipino
▪ Nasusuri at natutukoy ang ilan sa mga akda ng mga propagandista

PAGBASA AT PAG-UNAWA

Nagising ang damdaming Makabayan ng mga Pilipino noong 1872. Naunawaan


nila ang aping kalagayan sa ilalim ng mga Kastila. lumaganap ang damdaming
Makabayan dahil sa pang-aalipin at paniniil ng mga dayuhan, labis na paghamak sa
mga Pilipino na tinawag nilang mga Indiyo, suliranin sa sekulasyon at pagmamalabis
ng mga taong umuugit sa pamahalaan. Nadagdag pa sa mga ito ang mga sumusunod
na pangyayari: ang pagbubukas ng Suez Kanal, pagpasok ng diwang liberal ba
Gobernador Heneral Carlos Ma. De la Torre, pag-aalsa sa arsenal Cavite, ang
pagkakabuo ng gitnang uri (middle class) at ang pagkakagarote sa tatlong paring
martir na sina Padre Gomez, Burgos at Zamora.

____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 21 Princess Mae Ydian-Irinco
Aralin 1 Ang Kilusang Propaganda

Ang mga sumusunod ang mga hangarin ng kilusang Propaganda na ang tanging
layunin ay mga pagbabago sa mga batas at reporma. Hindi nilayon ng kilusan na
humiwalay sa Espanya ni lumaban sa mga makapangyarihan.
1. Pagiging pantay ng mga Kastila at Pilipino sa harap ng batas.
2. Papanumbalikin ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng Espanya.
3. Maging lalawigan ng Espanya ang Pilipinas.
4. Maging mga Pilipino ang mga kura paroko.
5. Kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahyag, pagtitipon at pagpupulong at
pagpapahayag ng kanilang karaingan.

DR. JOSE RIZAL


Kumita ng unang liwanag sa Calamba, Laguna noong
Hunyo 19, 1861 ang ating pambansang bayaning si Dr. Jose P.
Rizal. Siya'y isang manggagamot, siyentipiko, makata,
nobelista ,pintor, eskultor, dalubwika, pilosopo, mananaliksik
at mananalaysay. Sa kabuuan, siya'y isang henyo.
Sa kabataan pa lamang ay kinamalasan na si Rizal ng
katalinuhan. Ang kanyang ina ang kanyang unang guro. Sa
gulang na tatlong taon ay natutuhan na niya ang alpabeto at
https://en.wikipedia.org/wiki/Jos
%C3%A9_Rizal sa gulang na limang taon ay marunong nang magsalita ng
Kastila. Nakapagsasalita siya ng dalawamput dalawang wika.
Gumamit siya ng mga sagisag na Laong Laan at Dimasalang.
Ang kanyang malaking pagmamahal sa inang bayan ang nagbigay wakas sa
kanyang buhay. Binaril siya sa Bagumbayan (Luneta) noong Disyembre 30, 1896 sa
paratang na paghihimagsik laban sa mga Kastila. Si Rizal ay namatay upang mabuhay
sa puso’t diwa ng mga Pilipino.

Ang Ilan sa mga akda ni Dr. Jose Rizal

1. MI Ultimo Adios (Ang Huling Paalam)- Itinuturing na ito ang kanyang obra
maestra. Kahuli-hulihang tulang sinulat niya na may salin sa iba't ibang wika sa
daigdig, sa Ingles, Pranses, Aleman, Italyano, Ruso, Bahasa at iba pa. Ang kauna-
unahang salin nito sa Tagalog ay sinulat ni Andres Bonifacio.Ang akda ay maaari
mong mabasa sa link na ito
(*https://www.univie.ac.at/Voelkerkunde/apsis/aufi/rizal/rzpoem7.htm)
2. Noli Me Tangere (Berlin, 1887)- Ang nobelang ito'y nangangahulugang
"Huwag Mo Akong Salangin'". Inihandog niya ito sa Inang Bayan. Tinalakay rito
____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 22 Princess Mae Ydian-Irinco
ang mga kabulukan sa lipunan, Ang orihinal na manuskrito nito ay ipinagkaloob
niya kay Maximo Viola na tumulong sa kanya sa pagtutustos ng salapi upang
maipalimbag ang nobela.
3. El Flibusterismo (Ghent, 1891)- Ang nobelang ito'y nangangahulugan ng "Ang
Pagsusuwail". Ito'y karugtong ng "Noli Me Tangere". Labing-isang taon pa
lamang si Rizal nang patayin sa pamamagitan ng garote ang tatlong paring
martir na sina Padre Gomez, Burgos at Zamora. Ang alaala ng tatlong pari ay
hindi niya nalimot kailanman. Inihandog niya ang nobelang ito sa tatlong paring
martir. Ang orihinal na manuskrito ay ipinagkaloob niya kay Valentin Ventura na
siyang gumugol upang maipalimbag ang nobela.
4. Brindis- Ito'y isang talumpating inihandog niya sa dalawang nanalong pintor
na Pilipino sa Madrid. Binigkas niya ang talumpati sa isang tagayang ginanap na
handog kina Juan Luna (Ang ipinanalo niya ay ang ipininta niyang "Spolarium)
at Felix Resurreccion Hidalgo (Ang ipininta niya ay may pamagat na "Mga
Dalagang Kristiyanang Itinambad sa Nagkakagulong mga Tao".)
5. Awit ni Maria Clara- Ito'y buhat sa isang kabanata ng "Noli Me Tangere" na
may pamagat na "Ang Pangingisda". Nagsisiwalat ito ng kanyang damdamin ng
pagmamahal sa sariling bayan, ang pangungulila ng isang taong malayo sa
sariling bayan. Basahin ang ilang saknong na mula sa akdang “awit ni Maria
Clara” sa (*https://www.kapitbisig.com/philippines/songs-written-by-dr-jose-
rizal-ang-awit-ni-maria-clara-ni-dr-jose-rizal-tagalog-version-of-canto-de-
maria-clara_549.html)
6. Sa Aking mga Kabata- Sinulat niya ang tulang ito sa gulang na walong taong
gulang Ipinakilala niya rito ang kanyang pagpapahalaga sa sariling wika. Basahin
ang tulang ito sa (*http://www.joserizal.ph/pm18.html)
7. Hinggil sa Katamaran ng mga Pilipino - Napalathala ang sanaysay na ito sa
"La Solidaridad" ang opisyal na pahayagan ng Propaganda. Ipinagtanggol ni
Rizal ang mga Pilipino sa paninirang-puri ng mga Kastila na sila ay mga tamad.
Hindi niya itinatwa na may mga Pilipinong tamad ngunit ibinigay niya ang mga
kadahilanang pinagmumulan ng sinasabing katamaran ng mga Pilipino gaya ng
mga sumusunod:
Magtungo sa link na ito upang mabasa ang sanaysay na ito
(*https://www.slideshare.net/PaulRamos21/katamaran-ng-filipino)
8. Sa Mga Kababaihang Taga- Malolos - Isang liham ito ni Rizal sa mga
kababaihang taga-Malolos na bumabati sa kanila dahil sa paninindigan nilang
matuto.
9. Ang Pilipinas sa Loob ng Sandaang Taon- Ito'y isang sanaysay na panghuhula
sa maaaring maganap sa Pilipinas sa loob ng sandaang taon.
10. A La Juventud Filipina (Sa Kabataang Filipino) - Sinulat niya ito noong 1879
nang siya ay labingwalong taong gulang at nag-aaral pa siya sa U.S.T. Ang
tulang ito ay nagtamo ng unang gantimpala sa isang timpalak panitikan.
____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 23 Princess Mae Ydian-Irinco
11. El Consejo de los Dioses (Ang Kapulungan ng mga Bathala) - Ito'y isangg
dulang patalinghaga na sinulat niya noong 1880. Ang nasabing dula ay
patalinghagang pagpapahayag niya ng paghanga kay Cervantes.
12. Kundiman - Ito'y isang tulang nagpapahayag na ang bayang inapi ay ililigtas
sa darating na panahon dumanak man ang dugo. Basahin sa
(*https://www.kapitbisig.com/philippines/songs-written-by-dr-jose-rizal-
kundiman-ni-dr-jose-rizal-original-text-in-tagalog_530.html)

MARCELO H. DEL PILAR


Si Marcelo H. del Pilar na itinuturing na "Predikador ng
Masa" na kilala sa mga sagisag na Plaridel, Dolores Manapat,
Piping Dilat at Pupdoh ay isinilang sa nayon ng Cupang, San
Nicolas, Bulacan, noong Agosto 1850. Nag-aral siya sa Colegio
de San Jose at nagtapos ng deretso sa Unibersidad ng Santo
https://en.wikipedia.org/wiki/
Tomas. Ang kanyang ama ay tatlong ulit na naging
Marcelo_H._del_Pilar gobemadorsilyo ng Bulacan kaya kilala ang kanilang angkan.
Itinatag niya ang pahayagang "Diariong Tagalog" noong 1882 na
pinaglathalaan niya at ng kanyang mga kamanunulat ng mga karaingan ng mga
naaapi at paghingi ng reporma sa pamahalaang Kastila. Siya'y naglakbay sa Espanya
noong 1888 upang maiwasan ang mga pag-uusig sa kanya at upang makatulong sa
mga propagandista. Sa Espanya ay hinalinhan niya si Graciano Lopez Jaena bilang
patnugotng pahayagang "La Solidaridad". Namatay siya sa Espanya sa sakit na
tuberkulosis.

Ang Ilan sa mga Akda ni Marcelo H. del Pilar


1. Caiigat Cayo - libritong nagtatanggol sa Noli Me Tangere" ni Rizal sa ginawang
pagtuligsa rito ni Padre Jose Rodriguez.
2. Dasalan at Tocsohan - gumagagad sa mga nilalaman ng aklat dasalan sa
paraang mapanudyo.
3. Ang Cadaquilaan nang Dios - isang sanaysay na tumutuligsa sa mga prayle at
nagpapakilala ng matibay na pananalig ni Marcelo H. del Pilar sa Diyos, sa
Kanyang kadakilaan dahil sa mga biyayang dulot ng kalikasan na ipinagkaloob
Niya sa atin. Si Marcelo H. del Pilar ay isang Katoliko ngunit hindi panatiko.
Basahin ang akda sa link na ito (*https://teksbok.blogspot.com/2010/09/ang-
kadakilaan-ng-diyos.html)
4. Sagot ng España sa Hibik nang Plipinas - tulang sagot sa tula ng kanyang
dating gurong si Heminigildo Flores na may pamagat na "Hibik ng Pilipinas sa
Inang España". Binubuo ito ng 82 taludtod, naglalayong humingi ng mga
____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 24 Princess Mae Ydian-Irinco
pagbabago sa Espanya ngunit ipinahayag na walang ano mang tulong na
maipagkakaloob ito.
Halimbawa ng ilang saknong ng tula:
Magtungo sa link na ito (*http://queenofnavarre.blogspot.com/2012/01/sagot-
ng-espanya-sa-hibik-ng-pilipinas.html)
5. Isang Tula sa Bayan Basahin sa link na ito
(*https://www.tagaloglang.com/isang-tula-sa-bayan/)
6. Pasiong Dapat Ipag-alab Nang Puso Nang Taong Babasa
Basahin sa link na ito (*https://www.scribd.com/doc/233042079/marcelo-del-
pilar)
7. Pag-ibig sa Tinubuang Lupa - salin ito sa Tagalog ng "Amor Patrio" ni Rizal na
nalathala sa "Diariong Tagalog" at "La Solidaridad".
8. Ang Kalayaan - bahagi ng kabanata ng aklat na hinangad niyang sulatin na
sana'y magiging huli niyang habilin ngunit hindi na niya natapos sapagkat siya'y
sumakabilang buhay na.

GRACIANO LOPEZ JAENA (1856-1896)


Kumita ng unang liwanag sa Jaro, Iloilo noong ika-17
ng Disyembre, 1856, siya'y isa mga kilalang manunulat at
mananalum pati sa "Gintong Panahon ng Panitikan at
Pananalumpati" sa Pilipinas. Ang dakilang orador ay
nakagawa ng isandaang (100) talumpati. May malaki
siyang pagnmanais na maging lalawigan ng Espanya ang
Pilipinas at hindi kolonya.
Itinatag niya roon ang pahayagang "La Solidaridad"
https://en.wikipedia.org/wiki/Gr na naging opisyal na pahayagan ng "Asociacion Hispano-
aciano_L%C3%B3pez_Jaena Filipino", isang samahang binubuo ng mga Kastila at Pilipino
na lumalakad ng mga pagbabago at reporma sa Plipinas.
Siya'y nanindigan sa paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan. Katulad nina Felipe
Calderon, Antonio Maria Regidor at Tomas G. del Rosario, kinatigan din niya ang
walang bayad na pag-aaral, mabuting pamamalakad ng edukasyon at pagtatatag ng
malaya at nagsasariling pamantasan.
Sa pagkakahidwaang naganap kina Jose Rizal at Marcelo H. del Pilar tungkol sa
kung sino ang mamumuno sa "Asociacion Hispano-Filipino" sa Madrid, pinanigan ni
Graciano Lopez Jaena si Rizal. Ipinagbili niya kay Marcelo H. del Pilar ang "La
Solidaridad" at bumalik na siya sa Pilipinas upang manghingi ng abuloy para
matustusan ang bago niyang pahayagang "El Latigo Nacional" (Pambansang Latigo).
Nagkasakit siya ng tuberkulosis dahil sa kakulangan sa pamamahinga at
masusustansiyang pagkain. Binawian siya ng buhay sa isang ospital na walang bayad
sa Barcelona noong Enero 20, 1896.
____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 25 Princess Mae Ydian-Irinco
Aralin 2 Iba Pang Propagandista
Ang Ilan sa mga Akda ni Graciano Lopez Jaena
1. Fray Botod - inihalintulad ang mga prayle sa mga payat na lamok na nang
dumaung sa Pilipinas ay tumaba sa kakakain ng mga papaya't saging. Ang akdang ito
ay isang satire na tumutuligsa sa moralidad, kamangmangan, kayabangan at
pagmamalabis ng mga prayle
2. El Bandolerismo en Filipinas - binigyang-diin sa akdang ito na ang mga bandido
sa Pilipinas sa panahong iyon ay ang mga prayle at ang mgataong nasa pamahalaan.
3. La Hija del Fraile - isang akdang nang-uuyam sa masasama at mahahalay na mga
gawain ng mga prayle.
4. Mga Kahirapan sa Pilipinas - tinutuligsa ang maling pamamalakad gayundin ang
edukasyon sa Pilipinas.
5. Sa mga Pilipino - isang talumpating ang layunin ay mapabuti ang kalagayan ng
kanyang mga kababayan.

GAWAIN 4.1
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod batay sa sariling pang-
unawa:

1. Ilista ang mga pangyayaring naging dahilan ng pagkagising ng


damdaming Makabayan.
2. Ano-ano ang mga pangunahing hangarin ng kilusang propaganda?
3. Bakit kaya itinuturing na obra maestra ni Rizal ang kanyang akdang
“Mi Ultimo Adios”? Magbigay ng kalakip na patunay sa iyong sagot.
4. Basahin ang sanaysay ni Marcelo H. Del Pilar na pinamagatang “Ang
Cadaquilaan ng Dios” at pagkatapos ay ibigay ang mahahalagang
punto mula sa sanaysay.
5. Ano ang naging papel ni Graciano Lopez Jaena sa Kilusang Proganda?

Kilalanin ang iba pang nakabilang sa pangkat nina Rizal, Del Pilar at Jaena na
sina Antonio Luna, Mariano Ponce, Pascual Poblete, jose Ma.
Panganiban, Pedro Paterno, isabelo delos Reyes at Pedro
Serrano Laktaw.
ANTONIO LUNA (1868-1899)
Si Antonio Luna ay isang pamasiyutikong higit na kilala
bilang heneral ng hukbo noong himagsikan laban sa mga
Amenkano, Siya’y kapatid ng tanyag na pintor na si Juan Luna.
____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 26 Princess Mae Ydian-Irinco
Gumamit siya ng sagisag na Taga-ilog. Marami siyang naiambag na sinulat sa
pahayagang La Solidaridad".
Ang kanyang kamatayan sa Cabanatuan ay kagagawan daw ng mga naging
kawal niyang hindi nakasunod sa mahigpit niyang disiplina kaya't pinatay siya nang
pataksil. Ang hiwaga ng kanyang kamatayan ay kailangang
https://en.wikipedia.org/wiki/A
ntonio_Luna
tuklasin pa hanggang sa ngayon ng mga
manunulat ng kasaysayan.

Ang Ilan sa mga Akda ni Antonio Luna


1. Impresiones - inilalarawan dito ang labis na kahirapang dinaranas ng isang
pamilyang naulila sa ama na isang kawal. Gumamit siya ng sagisag na Taga-ilog sa
akdang lo.
2. La Maestra de mi Pueblo - pinipintasan ang sistema ng edukasyon ng mga
kababaihan.
3. Noche Buena - paglalarawan ng aktwal na buhay ng mga Pilipino.
4. La Tertulia Pilipinas - (Ang Piging na Pilipino) - isinasaad nito na higit na mabuti
ang mga kaugaliang Pilipino kaysa Kastila.
5. Todo Por El Estomago - tinutuligsa nito ang mga patakaran sa pagbubuwis ng
pamahalaang Kastila.

MARIANO PONCE (1863-1918)


Si Mariano Ponce na tubong Baliwag, Bulacan ay isang
matibay na haligi ng Kilusang Propaganda. Gumamit siya ng mga
sagisag na Tikbalang, Kalipulako at Naning. Binigyang-diin niya sa
kanyang mga sanaysay ang kahalagahan ng edukasyon;
ipinagtanggol niya ang mga Pilipino sa paghamak ng mga Kastila
https://sites.google.com/site/di
at inilahad niya ang mga hinaing ng bayan.
scoverphilippineswithus

Ang Ilan sa mga Akda ni Mariano Ponce


1. Ang Pagpugot kay Longhino - Ang dulang ito ay itinanghal sa liwasan ng Malolos,
Bulacan.
2. Mga Alamat ng Bulakan - Ito'y katipunan ng mga alamat ng lalawigang kanyang
sinilangan.
3. The Literature of the Propaganda Movement - (Ang Panitikan ng Kilusang
Propaganda).
4. Ang mga Pilipino sa Indo Tsina

____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 27 Princess Mae Ydian-Irinco
PASCUAL POBLETE
Naging kasamahan siya ni Marcelo H. del Pilar sa
pahayagang "Diariong Tagalog" Itinatag at pinamagatan niya ang
pahayagang EI Kesumen nang sila ni Marcelo H. del Pilar ay
maghiwalay na sa pagsusulat sa " Diariong Tagalog".
Mapanuligsa ang kanyang panulat na naging dahilan ng
pagpapatapon sa kanya sa Africa noong 1882 at panahon na ng
https://en.wikipedia.org/wiki mga Amerikano nang makabalik siya sa Pilipinas. Itinatag niya
/Pascual_H._Poblete
ang pahayagang El Grito del Pucblo" na may pangalang Tagalog
na "Ang Tinig ng Bayan". Siya'y tinaguriang "Ama ng Pahayagan". Siya ang kauna-
unahang nagsalin ng Tagalog ng "Noli Me Tangere" ni Jose P. Rizal.

Ang Ilan sa mga Akda ni Pascual Poblete


1. Salin ng nobelang "Ang Konde ng Monte Kristo" ni Alexander Dumas
2. Salin ng "Buhay ni San Isidro Labrador" ni Francisco Butina
3. Mga manunulat sa Wikang Tagalog

JOSE MA. PANGANIBAN (1865-1895)


Gumamit ng sagisag na Jomapa, si Jose Maria
Panganiban ay nag-ambag ng mga sanaysay at lathalain sa
pahayagan ng propaganda. Siya'y tubong Camarines Sur.
Nagtapos siya ng Batsilyer ng Siyensya sa Colegio de San Juan
de Letran at nag-aral ng tatlong taon sa Unibersidad ng Santo
Tomas ng kursong Medisina. Katulong siya ni Marcelo del Pilar
sa pahayagang "La Solidaridad". Siya'y magaling na
mamamahayag at mananalumpati. Humanga maging si Rizal
https://www.google.com/url?s sa pagkakaroon niya ng "Memoria fotografica.
a=i&url=https%3A%2F%2Fphi
lippinesliteratureauthors.blogs
pot.com%2F2018%2F08%2Fj
ose-ma-panganiban-y- PEDRO PATERNO (1857-1911)
enverga.html
Isang tunay na manunulat, makata, nobelista at
dramaturgo, si Pedro Paterno ay isang masigasig na
tagapaglaganap ng damdaming makabayan at pagbabagong-
isip ng mga Pilipino.

https://en.wikipedia.org/wiki/P
edro_Paterno Ilan sa mga Akda ni Pedro Paterno
1. Ninay - nobelang nagpatanyag kay Pedro Paterno at sinasabing kauna-unahang
nobelang panlipunan sa Kastila na sinulat ng isang Pilipino.
2. El Cristianismo y La Antigua Civilization Tagala - sinulat niya noong 1892,
naglalaman ng isang pag-aaral sa bisa ng Kristiyanismo.
____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 28 Princess Mae Ydian-Irinco
3. Sampaguita y Poesias Varias - isang katipunan ng mga tulang kanyang nasulat.
4. A mi Madre (Sa Aking Ina) - ipinahahayag nito ang kanyang pangungulila kung
wala ang kanyang ina.
5. La Civilization Tagala
6. El Alma Filipino
7. Los Ias

Ang huling tatlong akda ay nagpapaliwanag na ang mga Pilipino ay may


katutubong kultura.

ISABELO DELOS REYES


Si lsabelo delos Reyes ay napabilang sa tatlong panahon
ng panitikang Pilipino: Panahon ng Propaganda, Panahon ng
Himagsikan at Panahon ng Amerikano. Siya'y isang
manananggol, manunulat, mamamahayag at lider
manggagawa. Itinatag niya ang "Iglesia Filipina Independiente".
Ang Ilan sa mga Akda ni Isabelo delos Reyes
1. El Folklore Filipino - nagtamo ito ng gantimpala sa
https://en.wikipedia.org/wiki/Isa Eksposisyon sa Madrid,
2. Las Islas Visayas en la Epoca de la Conquista
belo_de_los_Reyes

3. Historia de Ilocos
4. La Sensacional Memoria Sobre La Revolucion Filipina

PEDRO SERRANO LAKTAW


Itinatag niya ang "Lohiyang Nilad" na kaugnay ng Kilusang
Propaganda na may layuning magkaroon ng mga sumusunod:
Pilipinong kinatawan sa Korte ng Espaya, demokratikong
pamunuan, kalayaan at karapatan ng bawat tao, magkaroon ng
http://www.philippinemasonry. mga pagbabago at reporma at maging lalawigan ng Espanya ang
Pilipinas. Isa siya sa mga pangunahing mason na kasamang umuwi sa Pilipinas ni
org/pedro-serrano-laktaw.html

Antonio Luna na may layuning bumuo ng Masonarya.


Ang Ilan sa mga Akda ni Pedro Serrano Laktaw
1. Diccionario-Hispano Tagalo - nalathala ito noong 1889
2. Sobre La Lengua Tagala
3. Estudios Gramaticales
Ang mga bilang 2 at 3 ay mga akda ni Pedro Serrano Laktaw na pinagbatayan ni Lope
K. Santos ng Balarila ng Wikang Pambansa.

____________________________________________________________________________________________
Panitikan ng Pilipinas 29 Princess Mae Ydian-Irinco

You might also like