You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Bulacan State University


Kolehiyo ng Edukasyon
Lungsod ng Malolos, Bulacan

Panitikan at Lipunan (PAL 101)

Kabanata 4.1: Panitikan Hinggil sa Uring Manggagawa


Unang Paksa: Mga Mahahalagang Karapatan
Ang uring manggagawa ay isang pundamental na parte ng lipunan. Sila ang may isa sa pinaka
maraming bilang at ang pundasyon ng mga bagay na tinatamasa natin ngayon. Kung wala ang
mga uring mangagawa kagaya ng manggagawa sa mga pabrika, welder, tindero, tindera,
magsasaka, mangingisda, drayber, pahinante, security guard at iba pang uri ng White Collar Jobs
at Blue Collar Jobs na manggagawa. Sila ay may mahahalagang parte sa ating lipunan.

Makatotohanan na ang manggagawang sektor ng lipunan ay may historya na ng mga


pangmamalabis at hindi pantay na pagtrato ang kanilang natatanggap. Tayo ay naniniwala na ang
batas ay siyang pumoprotekta sa atin bilang isang indibidwal at bilang isang manggagawa. Ang
mga batas pang manggagawa ay siyang pumoprotekta sa kanila. Ang lahat ng ito ay mula sa
kasaysayang hindi na mabubura at pumapanig sa uring manggagawa. Nagkaroon man ng mga
panghihimasok at pagtapak sa karapatan ng manggagawa ay ito ang kinalabasan.

Kinilala ang International Labour Organization bilang isang organisasyong pandaigidig na


sumasaklaw sa batas pang manggagawa. Sila ang nagiging boses at nagtatanggol ang mga
naaaping manggagawa at hindi nabibigyan ng pantay na trato. Ang ILO ay isinilang noong 1919
matapos ang Unang Pandaigidigang Digmaan. Ngunit makalipas naman ang Ikalawang
Pandaigidigang Digmaan, ito ay pumailalim na sa saklaw ng pandaigdigang organisasyon na
United Nations. Ito ay naging kasangkapan upang bigyang tuon ang ilang napakaimportanteng
batas pandaigdig.

Ilan sa mga naitaguyod na batas ng ILO ay ang mga sumusunod:


Una, Karapatang sumali sa mga unyon ng mga manggagawa na malaya mula sa panghihimasok
ng pamahalaan at tagapangasiwa;
Ikalawa, Karapatang makipagsundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag isa;

Ikatatlo, Bawal ang lahat ng anyo ng sapilitang trabaho lalo na ang mapangaliping trabaho at
trabahong pangkulungan;

Ikaapat, Bawal ang mabibigat na trabahong pangkabataan, sa halip, may minimong edad para sa
kabataan;

Ikalima, Bawal ang kahit na anong diskriminasyon sa trabaho;

Ikaanim, Ang lugar ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas para sa manggagawa;

Ikapito, Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay;

Ikawalo, walong oras na karaniwang araw ng trabaho;

Ikasiyam, apatnapung oras na lingguhang trabaho; at

Ikasampu, ang minimong suweldo o Minumum wage.

Ang mga batas na ito ay sumasalim din at inanyo ang batas na nakasaad sa ating konstitusyon,
Ang Art. 13 Sec. 3, Social Justice and Human Rights, ng 1987 Constitution. Nakapaloob dito
ang mga batas na nakapanig sa mga uring manggagawa.

Ikalawang Paksa: (Sanaysay) Tapik sa Balikat ni Jun Cruz Reyes


Ang paksang ito ay umikot sa sanaysay ni Ginoong Jun Cruz Reyes na ginawa noong taong
1982. Siya ay tubong Hagonoy, Bulacan.
Karakter:
Ang Manunulat na si Jun Cruz Reyes
Constantino Reyes Medina o Tinoy
Isabel Reyes Medina o Nanay Abe
Lita
Serbio
Lucy
Buod ng Sanaysay:
Gabi ng Hunyo 29, 1982, habang tinatapos ni Ginoong Reyes ang kanyang nobelang akdang
“Tutubi, Tutubi, ‘Wag kang Papahuli sa Mamang Salbahi” na isusumite niya sa
Organisasyong Carlos Palanca, isang prestihiyosong organisasyon na nagbibigay karangalan sa
may pinakamagandang gawang akda, ay may tumawag sa kanya sa telepono at humihingi ng
permiso na madalaw siya sa kalakhang Maynila. Pagdating ng dalawang lalaki na galing sa
Probinsya ng Bulacan ay sinabing patay na si Tinoy, ang kanyang kababata. Nagulat siya sa
kanyang narinig at tinanong kung bakit namatay at sinabi nga na napatay ito ng militar.

Makalipas ang dalawang taon, Enero 7, 1984, siya ay umuwi sa Bulacan upang sumulat. Matagal
na din siyang hindi na nakasulat simula nang tapusin niya ang kanyang nobelang akda.
Ipinangako nya din sa kanyang sarili na susulatin niya ang bagong batang bayani ng Hagonoy.
Inilarawan nila ang Bulacan bilang isang lugar na inuwian lamang tuwing pasko, pyesta, mahal
na araw, pag may ikakasal, at sa kanya ay kapag gusto niyang magsulat dahil dito daw ay malinis
pa ang kalikasan. Inilarawan din niya ang mga bulakenyo bilang maagang natutulog, at
relehiyoso. Kumbaga, ang Bulacan daw ay napagiiwanan na sa larangan ng komersyo at paulit
ulit lang ang sistemang nangyayari dito. Inalala niya ang kanyang kababata at napagdesisyunan
na bisitahin ang ina nito na si Nanay Isabel Reyes Medina. Ina ng pinaslang na si Constantino
Reyes Medina o mas kilala sa Tinoy. Inilarawan niya si Aling Abe bilang isang makadiyos na
tao. Kabisado nito lahat ng pyesta at ritwal sa simbahan. Tahimik lamang siya at madasalin. Ang
kanyang mundo lamang ay ang bahay,simbahan at prusisyon lamang. Siya din ay nagtitinda ng
mga kakanin.

Dumating ang araw na binisita niya ito at nakipagkwentuhan. Naikwento ni Aling Abe ang mga
nangyayari kay Tinoy bago ito patayin. Si Tinoy daw ay mapagmahal na anak. Siya ay isang
ordinaryong bata na may ordinaryong pangarap. Nahilig magbasa at nang lumaon ay
makabayang babasahin na ang binabasa. Magaling din daw ang kanyang anak sa pag gawa ng
akdang tula. Ngunit makalipas ang ilang buwan, makabayang tula na ang ginagawa. Napasok sa
isang grupo si Tinoy na kung saan ay nag aaral na sila ng mga aralin na hindi itinuturo sa
eskwelahan. Makalipas din ang panahon, si Tinoy ay tumutuligsa na sa mga iregularidad sa
pamamahala sa gobyerno. Naging mulat ang batang si Tinoy kung ano ang nangyayare sa
kanyang paligid. Isang araw nga daw ay nagpaalam si Tinoy na hindi muna uuwi dahil siya ay
hindi lamang anak ni Aling Abe ngunit anak din ng Bayan. Matagal din hindi nauwi ang bata.
Ngunit isang araw ng umuwi ito, siya ay may kasamang babae na ang pangalan ay Lenie. Ito
pala ay kanyang nobya. Nasabi nga ng kanyang ina na ang mga rebelde pala ay umiibig din.
Ngunit sa kasamang palad, naghiwala din ang dalawa dahil pinapili si Tinoy kung sino lang sa
dalawa ang kanyang pipiliin, si Lenie o ang Bayan. Pinili ni Tinoy ang bayan. Tuwing may
problema si Tinoy, tatapik lamang ito sa balikat ng kanyang ina. Sa paraang iyon, malalaman na
agad ni Nanay Abe na may problema ang anak.

Lumaban si Tinoy sa kung ano ang alam niya na tama. Ipinakita niya na hindi solusyon ang
maduming gobyerno upang makamit ang tunay na kalayaan. Hanggang sa isnag araw, nabalitaan
ng kanyang ate Lita na may engkwentro ang naganap sa San Rafael, Bulacan. Ito ang patalastas,
“Isang engkwentro ang naganap sa Pulo, San Rafael, Bulacan sa pagitan ng Sundalo at Rebelde.
4 na terorista at isang amazona, patay.” Isa dito ay si Tinoy. Ibinalita ito ni Lita kay Nanay Abe
at hinintay nila ang katawan ng pobreng bata. Ngunit makalipas ang ilang araw, hindi pa din
dumadating ang labi nito. Nagpasya na silang pumunta sa lugar na pinangyarihan ng
engkwentro. Nagulat sila sa mga balita ng mga saksi na taga doon. Sinabi na wala naman
nangyaring engkwentro at inilibing lang doon ang mga labi. Nagpasya sila na ipahukay ang mga
katawan at nagulat sila sa nakita nila. Ang batang si Tinoy, ay tinortyur. Nagulat sila dahil basag
ang ngipin, at tadtad ng bala ang tiyan. Ang babae naman, ay halatang minolestya dahil sa dugo
sa kanyang pagitan sa dalawang hita.

Galit na galit sila sa mga military na nagpahirap sa kanyang loob at sa kanyang damdamin.
Pinuno sila ng takot ng military bilang pagpapakita ng kakayahan nilang pumatay ng mga taong
lalaban sa kanila. Nagsilbing aral ito kay Nanay Abe. Na siyang dati ay duwag at takot, ngayon
ay marunong na magsalita at lumaban sa kung ano ang mali. Hindi siya nagsisisi na pinayagan
niya maging rebelde ang kaniyang anak, bagkus ay nagging dahilan ito upang masambit ang
tunay na “mamamatay para sa bayan”.

Gusto igalang ni Nanay Abe ang kampo ng mga sundalo, dahil ang isa din sa kanyang mga anak
na si Sebio ay sundalo. Ngunit ang kanilang kasinungalingan at kanilang pananakot ay hindi na
niya kayang tiisin. Binigkas nila din na “bago siya mamatay, alam kong alam niya kung ano ang
halaga ng buhay.”

Si Nanay Abe ngayon ay patuloy pa rin ang buhay. Kasama niya sa bahay si Lita at ang kanyang
anak. Ang isa pa niyang anak ay namumuhay na sa Amerika bilang mananahi. Habang si Serbio
naman ay nananatiling sundalo.

Aral mula sa Sanaysay


Isa sa aking natutunan mula sa sanaysay na ito ni Ginoong Reyes na ang tunay na kabayanihan
ay hindi nasusukat sa kung gaano karami ang napatay mo sa digmaan bagkus, kung paano ka
namatay habang nasa digmaan. Sa panahon natin ngayon, ang pagiging mulat ay isang esensyal
na bagay upang mabuwag ang tatsulok na apinangungunahan ng mga imperyalistang kapitalista.
Hindi na maaari na tayo ay nasa gitna lamang at walang pinapanigan. Tayo ay hinihikayat na
sumapi at sumuporta sa mga taong inaapi ng mga mapang-aping gobyerno at mga anti-poor.
Malaki ang magagawa ng mga kabataang estudyante upang mapalaya ang ating bansa. Isa na
ditto ang magpamulat sa kung ano ang nilalaman talaga ng ating bansa. Umanib tayo sa mga
inaapi dahil mas kailangan nila ng boses upang mairehistro ang kanilang kailangan at ang
kanilang ipinaglalaban. Dapat ay pagsilbihan natin ang masa, dahil tayo ay kasama nila, at tayo
ay kabilang sa kanila.

Inihanda at Ipinasa ni:


Joshua P. Darcen
BSED 2F
Ika-11 ng Disyembre 2019

Ipinasa kay:
Gng. Francelaine Baluyot – Cunanan
Propesor, Panitikan at Lipunan 101

You might also like