You are on page 1of 7

COR JESU COLLEGE

Sacred Heart Avenue, Digos City


Province of Davao del Sur

Janena R. Pajulas Filipino 17 (Panunuring Pampanitikan)


BSEd-F-3 M,W / 9:30-11:00 A.M

PAGSUSURI NG MAIKLING KUWENTO

I. A. Pamagat

Ang Inahing Aso at Limang Tuta ni Pedro S. Dandan

B. Sanggunian
Abadilla, A.G., Sebastian, F.B. at Mariano, A.D.G. (1963). Maikling kathang
Tagalog: Kasaysayan, pamamaraan, katipunan. Quezon City: Bades
Publishing House, Inc.

C. Talambuhay ng May-akda

Si Pedro S. Dandan ay ipinanganak noong ika-30 ng Hunyo, 1916


sa Baliwag, Bulacan. Siya ay namasukan bilang kawani ng Philippine
National Railways noong 1940. Simula noong 1940, nakagawa siya ng
ilang daang akdang pampanitikan kabilang na ang maikling katha,
sanaysay, tula at nobela. Kapag wala siyang pasok ay tumututok siya sa
pagsulat. Una niyang nakamit ang gantimpala sa pinakamagaling na katha
noong 1947 mula sa Surian ng Wikang Pambansa. Ang pangalawa niyang
gantimpala ay nakamit niya mula sa pinakamatanyag na paligsahan sa
panitikan, ang Palanca Awards, sa kanyang kathang Mabangis na Kamay,
Maamong kamay noong 1961.

II. Buod
Sinusundan ng aso ang babae at kinikiskis nito ang sarili sa saya ng
babae dahilan upang yumuko ito upang himasin. Hinango ng babae ang
lugaw sa kalan upang hatiin ito sa apat na lalagyan para sa kanya at
tatlong anak. Umupo na si Lauro, Into at Doming sa hapag, hindi pa sila
natatapos sa panalangin ay dinampot nan i Doming ang kutsara dahilan
upang sagian siya ng mapanuring tingin ng kanyang ina. Habang
kumakain ang mag-anak ay patanaw-tanaw naman ang aso at tumatahol
sa kanila ng may pagsusumamong bigyan ito. Ang asong ito ay isang
alaala ng babae sa kanyang asawang nasa malayo.
Isang gabi noon, nang biglang umuwi ang kanyang asawa kasama
ang asong bigay daw ng kanyang matalik na kaibigang Hapon. May bitbit
din itong bayong ng bigas, isang piling saging at kamoteng kahoy. Sinuri
ng magkakapatid ang kanilang ama bago nagmano sapagkat malaki na
ang pinagbago nito mula ng umalis. Muli rin naman itong umalis
makaraan at nangakong babalik.
Sa paglipas ng panahon napamahal sa mag-iina ang aso at naging
larawan ng babae sa kanyang araw-araw na pakikipaglaban sa buhay,
alang-alang sa ikabubuti ng kanyang mga anak. Nabubuhay sila sa
maraming paraan- nagtitinda ng patingi-tingi si Lauro mula sa pakyaw na
mga gulay, si Into at Doimng naman ay naglalako ng mane o pira-
pirasong laman ng niyog.
Nang magtaas ang halaga ng bigas mas lalo pa itong nagpahirap sa
mag-iina at maging ang aso ay natuto ring mabuhay para sa kanyang
sarili. Minsan tinitirhan din nila ang aso gaya ng gabing yaon at sa hindi
inaasahan ay iyon na rin ang huling gabing kapiling nila ito dahil hindi na
ito nakauwi marahil ay nahuli na ito ng mga tagahuli ng mga hayop na
pagala-gala. Kung kaya naging malaking suliranin sa mag-iina ang mga
naulilang mga tuta lalo na at niyog at nilugaw lamang ang kanilang
pantawid gutom. Sa ikaanim na araw, namatay ng magkakasunod ang
tatlong tuta. Hiniling ni Doming na lutuin ang mga ito ngunit nagbingi-
bingihan lamang ang babae dahil tinuri niya itong mga alaala ng umalis na
asawa. Ilang araw pa matapos nilang maghapunan ay kinapa ni Doming
ang mga tuta at natantong patay na rin ang dalawang tuta. Inilibing niya
ito katulong ang mga anak.
Hating-gabi ng mauliningan ng babae na hindi niya katabi ang
bunsong anak. Pumunta siya sa ilalim ng hagdan at nakita itong
kumukutkot sa lupa. Ipinatong niya sa balikat nito ang kamay ms
ikinagitla ng bata. Yumakap si Doming sa ina habang umiiyak at sabay
sabing nagugutom siya. Kinagat na lamang ng babae ang labi. Bumalik
sila sa barung-barong na bahay. Umawit ng malambing ang babae
habang sapul-sapul sa dibdib ang bata.

III. Pagsusuri

A. Uring Pampanitikan

Ito ay isang maikling kuwento. Ang maikling kwentoy isang anyo


ng panitikan na may layuning magsalaysay ng isang maselan at
nangingibabaw na pangyayari sa buhay ng pangunahing tauhan. Itoy
nag-iiwan ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa at may
pangunahing layuning manlibang.

B. Istilo ng Paglalahad

Ang maikling kuwento ay gumamit ng istilong patumbalik-isip.


Nagsimula ito sa pagsasalaysay ng kasalukuyang nagyayari sa mga
tauhan at pagtutumbalik sa mga pangyayari sa upang maipakita ang
simula at kung bakit ganoon ang kinahantungan sa kasalukuyan.

C. Mga Tayutay

1. Mga Tayutay na nakuha


Nguni, nang ilibot niya ang kanyang mga paningin ay nakita
niya sa anyo ng kanyang anak ang maputlang larawan ng
kamatayan.
at pagkalipas ng sandali ng pagpapalaot ng muni sa walang
katiyakang kalagayan nilang mag-iina.

2. Paliwanag
Ang unang tayutay ay metapora o pagwawangis dahil
tuwiran nitong inihahambing ang anyo ng kanyang mga
anak sa larawan ng maputlang kamatayan.
Ang pangalawa naman ay personipikasyon o pagsasatao
dahil binigyan ng buhay ang muni o isip ng tao sa
pamamagitan ng salitang pagpapalaot.

D. Sariling Reaksyon
1. Teorya
Simbolismo- Ito ay pananalig na nagsasaad ng mga bagay,
damdamin, at kaisipan sa pamamagitan ng sagisag.

Ipinakita ang simbolismo sa akda sa pamamagitan ng


aso. Katulad ng aso ay naging larawan din ito sa
pakikipaglaban ng ina sa hamon ng buhay na kung
saan ay hahamakin nito lahat kahit makipag-agawan
sa kapwa hayop upang magkaroon ng laman ang
tiyan at matiyaga sa paghahanap ng makakain mula
sa mga basurahan, tambakan, o likuran ng pamilihan
para may maipakain sa mga anak.

Romantisismo- Isa itong pananalig na kung saan ay higit na


pinahahalagahan nito ang damdamin kaysa isipan.
Lubos kong hinahangaan ang ina kung saan ay hindi
siya nagpatinag sa kanyang paninindigan na ang
asong iyon ay isang buhay na alaala ng kanyang
malayong asawa. Kahit na humiling na ang kanyang
mga anak na lutuin ito dahil sa kagutoman ay mas
pinili pa rin niyang ilibing at respetuhin ang mga tuta
bilang pagrespeto rin sa kanyang asawa.

2. Mga Pansin at Puna

a. Tauhan
Ina- Isa siyang ulirang ina at asawa dahil nakayanan niya
ang pagiging isang magulang sa kanyang anak kahit na wala
siyang katuwang sa pag-aalaga sa mga ito at kahit din na
nagugutom na ang kanyang mga anak ay nakaya niya itong tiisin
upang mapahalagahan niya ang tanging alaala sa kanya ng
malayong asawa.
Lauro- Isa siyang maintindihing anak sapagkat sa mura
niyang edad ay alam na niya ang maaaring kahihinatnan kung
malalaman na umuwi ang kanilang ama. Naiintindihan niya rin ang
naging trabaho ng kanyang ama.
Into- Isang mabuting anak na tumutulong sa kanyang ina sa
paghahanap ng makakain sa araw-araw.
Doming- Siya ang bunso kung kaya ay natural lamang na
parang siya ang mas tinututukan ng ina. Kahit minsan ay may
pagkamainipin at matigas ang ulo lalo na kung ito ay gutom na
gutom na.

b. Galaw ng Pangyayari

Maayos ang pagkakasunod-sunod sa mga pangyayari sa


kuwento lalo na at gumamit pa ito ng patumbalik-isip na istilo sa
paglalahad na kung saan ay mas nagiging kapana-panabik at
nakapukaw ng interes sa mga mambabasa. Mabuti at maganda rin
ang pagkakasalaysay ng bawat bahagi sa kuwento at mas nagbigay
ng kakaibang tingkad ang pagiging pabitin at pagiiwan ng
kakintalan sa wakas ng kuwento.

3. Bisang Pampanitikan

a. Bisa sa Isip

Naikintal sa aking isipan kung gaano kahirap ang buhay at


gaano ako sa kapalad na may mga magulang ako na buong pusong
kumakayod upang may maipakain at maisuporta sa aking mga
pangangailangan sa araw-araw. Ang kuwentong ito ay isang daan
upang mabuksan ang isipan ng mga tulad kong mga kabataan sa
bagong henerasyon na matutong magpasalamat at makuntento sa
kung ano ang mayroon sa atin sapagkat utang natin ito sa ating
mga magulang na labis tayong minamahal.

b. Bisa sa Damdamin

Naantig ang puso ko sa katatagan ng ina sa kuwento na


kahit wala siyang katuwang sa pagpapalaki at pag-aalaga sa
kanyang mga anak ay ipinakita niyang kaya niya alang alang sa
ikabubuti ng kanyang anak. Naintindihan ko rin ang kanyang
desisyon kung bakit ayaw niyang lutuin ang mga tuta kahit na
gutom na gutom na ang kanyang mga anak dahil nga malaki rin
ang kanyang pagpapahalaga sa kanyang asawa ngunit nakakainis
lang ng kaunti sapagkat sana naging praktikal na lamang siya at
mas isipin ang magiging kahihinatnan sa kasalukuyan at kanyang
mga anak kaysa sa pag-aalala ng taong walang ginawa kundi ang
silay iwan lamang.
c. Bisa sa Kaasalan

Matutong magpasalamat sa kung ano man ang mayroon sa


atin dahil hindi lahat ng tao ay nakakaranas ng kariwasaan sa
buhay. Matuto rin tayong magpahalaga sa ating pamilya at taos
pusong tanggapin ang mga pagkakamali at kahinaan ng bawat
kasapi sa pamilya. Ang pamilya ay siyang pinakapapasalamat na
biyaya ng Diyos sa atin, kung kaya ang isang pamilya ay dapat na
nagmamahalan, nagtutulong at sabay na nakikipaglaban sa hamon
ng buhay.

d. Bisa sa Lipunan

Malinaw na naipahayag sa kuwento ang pinakaproblema ng


lipunan noon at maging magpahanggang ngayon na kung saan ay
laganap pa rin ang kahirapan. Sa pagtaas ng mga bilihin sa
merkado ay nahihirapan na rin ang kalimitang mamamayan na
makakain na humahantong sa kagutuman. May mga pamilya na
hirap na kung makakain ng tatlong beses sa araw-araw kung kaya
ay maging ang mga anak ay nagbabatak na rin ng buto upang
mayroon lamang makain at mapakain sa pamilya. Kung mababasa
man ng sinuman ang kuwentong ito ay malalaman nila ang punot
dulo kung bakit laganap na sa lipunan ang child labor.

You might also like